Chapter 4
IV.
Clarisette.
"The Pact of Celestine, signed in 1791, created a truce between the Dutch General Adelino Albert den Adel and the French revolutionary leader Celestine Brigitte Bellerose to end the Revolution. Alejandro Ambrosio, a Filipino, volunteered to serve as negotiator between the two parties in order to end the clashes located in the Philippines."
Nakapahalumbaba ako habang pinapakinggan ang leksyon ng aking propesor sa kasaysayan. Pinapakinggan ngunit hindi nakikinig.
Sa isang kilalang unibersidad na katulad ng St. Celestine, napag-iwanan ito ng panahon. Malayo sa sibilisasyon kaya siguro ay limitado rin ang kuryente. Walang projector, walang powerpoint presentation at wala ring wifi. O kahit na ano pa mang uri ng teknolohiya na hindi na kinakailangan sa pag-aaral. Dahilan kung bakit hindi ko na rin dinadala ang cellphone ko. Mukhang pinapanindigan ang pagiging makasaysayan. Tanging mga libro na mukhang ilang siglo na ang luma at kahit na ang pisara ay ang ginagamitan pa ng chalk.
Kilala ang St. Celestine dahil sa mga katangiang ito. Hindi naman kamahalan ang matrikula ngunit mahirap matanggap dito. Now that I think about it, paano nga ba ako nakapasok dito?
Binayaran ng magulang ko? Napangisi ako sa naisip. Asa. Hindi naman kami mayaman.
Napatingin ako sa may gawi ng orasan at nakita na malapit na matapos ang klase. Doon lang din nahagip ng mga mata ko ang seryosong titig ni Louis sa akin.
Shit! Kanina pa ba siya nakatingin? My heart jumped but I didn't dare let it reflect on my face. Kaya matapang ko rin siyang tinitigan at mataray na tinaasan ng kilay. Umiling siya na parang dismayado bago itinuon ang atensyon pabalik sa harap. Ano na naman ba problema no'n?
"Now," Sabi ni Sir Genesis na nagpabalik sa atensyon ko. "Before I dismiss this class, I have a question."
"Ako rin po, Sir! May question din po ako." Malanding sabi ng isang babae sa harap.
"Yes? Do you have any question regarding our topic?" Sir asked with a smile.
"Sir... off-topic po pero ano pong tipo niyo sa babae?"
Naghiyawan ang ibang kaklase, ang ilan ay isinigaw kung gaano siya kalandi.
Tumawa lang si Sir Genesis at animo'y nag-isip. "Hmm... I haven't really thought about that but now that you'd asked... I really like girls who are... sweet." At ngumiti siya.
"Eh, sa itsura po, Sir?"
Umiling siya. "I don't usually go for looks, dear."
"Uy, may pag-asa, sis!" Hagikgik ng isa sa kaibigan.
May nakita pa ako sa gilid na pasikretong nagwisik ng pabango. Niliteral naman ang sweet! Umay!
"Now, as for my question. According to the myths, humans weren't the specie that once ruled the world." Napakunot ako ng noo. Ngayon ko lang ito narinig sa mga nagdaang history lessons ko. "And they don't really want their existence to be recognized, maybe that's why they only remained as myths..."
Nagtaka ako nang napatingin si Sir Genesis sa'kin tapos ngumiti. Pero hindi ko mawari kung ngiti nga ba iyon o ngisi? Tatawagin niya ba ako para sa recitation? Umiwas ako ng tingin. 'Wag naman sana.
"Mr. Valderrama," Tawag ni Sir. Napatingin din ako kay Louis na ngayon ay bagot na tinitingnan pabalik si Sir Genesis. "Why do you think they want to remain a myth?"
"Because they don't want the humans to know the monsters they truly are." Walang kagatol-gatol na sagot ni Louis.
Sir Genesis chuckled. "Monsters, huh? Maybe in a way, that is true." Tumango-tango siya.
Tapos tumingin ulit sa akin si Sir Genesis. "How about you, Miss... the beautiful girl with the curly hair." Napatingin ako sa paligid tapos pabalik ulit sa kanya. "Yes, I'm talking to you, dear. What's your name?"
"Clarisette Divinagracia po." Nahihiya kong tugon.
"Ms. Divinagracia, what do you think about the Immortals?"
"I-immortals po?" I blinked in surprise.
"Yes, vampires for instance."
It took me a while to answer. That question was so random, and in no way related to our topic.
"I... I don't know much about them apart from the fact that they drink blood to sustain their lives. Pero... sa tingin ko po, iyon lang ang pinagkaiba nila sa tao. Meron din naman po kasing mga tao na mas masahol pa sa kanila. Dahil katulad natin... whatever horrible things they may have done, they did it in order to survive." Sabay tingin ko naman kay Louis na nakatitig naman sa akin.
"Interesting." Sir Genesis smiled, parang natuwa sa sagot ko. "Thank you, Ms. Clarisette." Tumango-tango siya, as if taking note of my name.
Ngumiti na lang ako pero sa kaloob-looban ay hindi ko malaman kung ano ba ang dapat maramdaman. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin ng tanong ni Sir Genesis, at kung pinaniniwalaan ko rin ba ang sagot ko. Did he just imply that vampires used to exist?
Kalaunan ay natapos na rin ang klase sa history. Nang lumabas ako sa classroom ay nadatnan ko si Louis na nakasandal sa pader at inaabangan ako. Lalampasan ko na sana siya pero nagsalita siya.
"Mag-usap tayo."
It wasn't a request, but an order.
"No. May klase pa ako."
Naglakad na ako palayo pero naramdaman kong sumunod siya. Humabol siya hanggang sa sabay na kaming naglalakad. Pinagtitinginan na naman kami. Hindi sila siguro sanay na may kasamang ibang babae si Louis bukod sa pinsan niya at kapwa Guardian.
"You have a thirty minute vacant, Rie."
"Bakit alam mo ang schedule ko?" I glared at him.
"Natural. I'm your legal guardian." He said it as if it's the most obvious thing in the world.
I rolled my eyes. "Legal guardian, my foot. Hindi nga alam ng magulang ko ang schedule ko eh."
Nang nadaanan namin ang chapel ay bigla na lang hinablot ni Louis ang kamay ko at pumasok doon. Kinandado niya ang mga pinto bago humarap sa akin.
"What the hell is your problem na naman ba, Valderrama?" I demanded.
"I need to warn you about your naivety, Rie."
"Naïve? Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. I can't believe him!
"Oo. Dahil ipapahamak ka n'yan."
"Oh, then what's in it for you?" I asked in a sarcastic tone.
"Mari, you know that I care about you, right?"
Napatigil ako. I crossed my arms and looked away. Ni hindi ko sinagot ang tanong dahil siya lang naman nakakaalam ng sagot d'yan. Bumuntong-hininga siya.
"We have been together ever since we were kids. You were sheltered by your parents. While Annika and I... were raised to be hunters... never the cattle. I can't blame you for always seeing the good in people, even if there are thousands of bad things about them."
Nanghihina ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. It's very serious and piercing yet there was underlying gentleness and sincerity... just like the way he used to look at me before. Hindi ko magawang barahin ang mga sinabi niya.
"You're so judgmental..." Sabi ko.
"You know that I only judge when I need to. And I'm always right about my judgments. You can give them the benefit of the doubt, but you also need to be ready to draw blood in defense in case they betray you."
"This is why you don't have any friends." Umiling ako.
"I prefer it that way. You and Annika are enough for me."
"But you already lost me." I reminded. "Don't act as if you still have me, Louis."
"Para 'yon sa ikabubuti mo."
"Who are you to tell me what's good and bad for me? You decided this on your own!" Nangilid na naman ang mga luha sa mata ko. Leche.
"Hindi ako ang para sa'yo."
I gritted my teeth. Lahat ng klase ng emosyon nagkahalo-halo na. Galit, poot, sakit, lungkot at sobra-sobrang pagmamahal sa kanya. Isang taon na ang nakalipas at akala ko nakabangon na ako, pero isang salita lang mula sa kanya ay lumugmok na naman ako pabalik sa lugar kung saan iniwan niya ako noon.
"Rie, listen to me." Hinawakan niya ang magkabilang braso na lalo lang nagpabilis ng tibok ng puso ko. I shook my head, refusing to let him cloud my mind again. "Hindi ko ginustong saktan ka, believe me. Kapakanan mo lang ang iniisip ko. I have spent my whole life protecting you... I can't hurt you now."
"But the thing is, Louis..." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. "You already did."
Umalis ako ro'n na mabigat ang dibdib. Nangingilid na naman ang mga luha. I took deep breaths while making my way out of the building. Doon ko lang din napansin ang isang building na under construction pa. At sa kabilang banda naman ng isang building, may tumutugtog ng violin. Nandoon siguro banda ang music room.
The soft music somehow calmed me down. Umupo na lang ako sa mga halaman sa ilalim ng bintana para makinig muna habang binabasa ang lecture ko sa history dahil hindi ako nakinig kay Sir Genesis.
"Don't you think the Pact of Celestine is full of shit?" Napapitlag ako sa baritonong boses sa ibabaw ko.
Tumingala ako para tingnan kung sino ang nakasilip sa akin sa bintana. He was smiling seductively while still holding his violin on his chin. Siya 'yong violinist na kaaway ni Annika sa University Café.
"Huh?" Napatanga ako.
Ngumuso siya. "Isn't that what you're reading about?"
"Ah, oo... pero kasi hindi ako nakinig sa prof ko kaya binasa ko na lang ngayon 'yung lecture niya."
Humalakhak siya. "Really? Trust me, you're not even missing out on a lot of things."
"Oh..." Sabi ko na lang dahil hindi ko na alam isasagot ko roon.
Ngayon na nakita ko na siya sa malapitan, doon ko lang din nakita ang kulay ng mga mata niya. Kulay dagat din katulad ng kay Aidan. Magkahawig din sila, pero ang pagkakaiba nila ay mas maaliwalas ang salubong ng mga ngiti ni Aidan. Wholesome kumbaga. Wait, did I just compare them?
"Hindi ba... magkakilala kayo ni Annika Valderrama?" Kuryoso kong tanong.
Lumawak ang ngiti niya. "Oh, yes. The lovely Athena Annika. Who wouldn't know her?"
"Magkaaway ba kayo?"
"Siya lang naman ang umaaway sa'kin." He chuckled.
"Eh baka naman kasi iniinis mo siya?"
"Oh, no! Not at all." He waved his hand in a dismissive manner. "In fact, you could even say that I'm in love with her."
Muntik na akong masamid ng laway ko. Humalakhak ulit ang lalaki sa naging reaksyon ko. Seriously?
"You should have seen your face!" Tawa pa niya.
"Very funny po." Umirap ako.
"Johan? Are you here?"
Bumaling si Johan sa pinaggalingan ng boses. "Bro'er, what took you so long?"
"Sorry. Ang haba kasi ng pila sa cafeteria. Are you talking to someone?" Aidan asked.
"Yeah, I was just talking to Annika's friend."
"Si Clarisette?" Sumilip din si Aidan sa bintana at nginitian ako nang matamis. "Hi, Clarisette."
"Hello, Aidan." I said at ngumiti rin nang bahagya.
"Tapos na klase mo?"
"Ah hindi pa... meron pa akong mga twenty minutes na vacant."
"Kakain kami ng meryenda. Maybe you want to join us?"
"Naku, hindi na! Nakakahiya naman sa inyo."
"Ay, sus. Kaya ka nga inalok dahil gusto kang kasama ni Kuya eh." Singit naman ni Johan.
"Johan naman." Ngumuso si Aidan bago bumaling ulit sa akin. "It's okay kung ayaw mo."
"At nagpakasad boy pa nga." Singit ulit ni Johan.
"I'm not sad." Giit naman ni Aidan.
Hindi ko maiwasan na mapangiti sa bangayan ng magkapatid. It reminded me of how I used to pester Louis when we were younger. At dahil sa naalala kaya gano'n din kabilis napawi ang ngiti. Napansin naman iyon ni Aidan, kaya ngumiti ulit ako.
"Come on, Clari! Join us!" Udyok ni Johan.
"Um... yes," Tiningnan ni Aidan ang mga pinamili sa paper bag. "We have dinuguan, lumpia at sinigang na hipon. Tapos... cinnamon rolls at lemon pie."
"Naku, 'di na talaga. Busog din kasi ako." Ngumiti ako nang alanganin. "Pero salamat sa pag-alok. Maybe next time?"
"No worries. Next time." Ngumiti rin si Aidan. Johan smirked.
Ang totoo n'yan ay nagugutom ako. Pero wala talaga akong gana kumain. Hindi rin naman ako pwede makikain sa dalawang iyon dahil bukod sa nakakahiya, ay wala rin ako sa huwisyo para makipag-usap nang matagal. Hindi pa rin nawawala sa isip ko si Louis.
At dahil sa pagiging lutang ko na rin ay may nakabanggaan akong estudyante. Hindi naman kalakasan pero mahina lang talaga ang balanse ko kaya napaupo ako sa sahig. Pero dahil nagamit ko ang mga palad ko para saluhin ang bigat ko, napapikit ako nang mariin sa sakit dahil sa magaspang na semento. Napatingin na lang ako sa mga palad ko na nagdudugo nang kaunti.
"Oh, sorry." Dismissive na sabi ng babae. Tapos naglakad na siya palayo.
Tumayo rin ako at naglakad na parang walang nangyari. Napagpasyahan na dumeretso na lang sa susunod kong klase.
"Ms. Divinagracia, please collect your classmates' assignments and pass it on my table." Bilin ng prof ko.
"Okay, ma'am."
Kumatok na muna ako sa pinto ng faculty bago pumasok. Si Sir Genesis lang ang nandoon. Bigla naman siyang napalingon sa gawi ko na nakakunot ang noo, at nang makita kung sino ang pumasok ay ngumiti siya.
"Good afternoon, Ms. Divinagracia." Bati ni Sir.
"Good afternoon din po, Sir." Luminga-linga ako. "Saan po 'yung table ni Ma'am Castro?"
"Ah, just here... the table beside me."
Naglakad ako palapit sa kanya, at hindi ko maiwasang ma-ilang dahil pinapanood niya pa rin ang bawat galaw ko. Ang lamig... ng hangin mula sa bukas na mga bintana. Nagtayuan ang mga balahibo ko.
"Ms. Divinagracia," tawag ni Sir.
"Yes, po?"
Hinarap ni Sir 'yung swivel chair niya sa akin. "I noticed you not paying attention to my class earlier."
"Po?" Kinabahan agad ako. "Sorry po. Distracted lang po talaga ako."
Sir Genesis chuckled then shook his head. "I don't really mind. I'm just curious about you now, dear..." Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at tiningnan ang sugat sa palad.
"B-bakit po?" Nauutal na ako kasi ang awkward talaga. Gusto ko nang umalis!
Kumuha siya ng wipes mula sa lamesa niya at pinunasan ang natuyong dugo mula sa sugat ko.
"Nothing. Just reminding you to be careful. The other hand, please."
"Hindi na po. K-kaya ko na po."
"I insist."
In the end, I gave my other hand to him. Ginagawa ba 'to ni Sir sa lahat ng estudyante niya? He's so weird. Ngumiti na lang ako nang alanganin bago unti-unting binawi ang kamay.
"Uh... salamat po, Sir."
Ngumiti lang si Sir Genesis sa akin bilang tugon. Nagpaalam na ako at nagmamadaling lumabas ng faculty room.
What the hell was that? Ang creepy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro