Chapter 3
III.
Clarisette.
"Theodore! Kung maghihiwalay lang din tayo, mabuti pang mamatay na lang ako!"
Umalingawngaw ang sigaw ng isang babae mula sa rooftop. Sa tantiya ko, maaaring mabuhay pa si Noreen kung sakaling ituloy man ang binabalak, pero paniguradong malulumpo siya. Sa kabila ng kaba, hindi ko maiwasan mapangiwi dahil sa kahihiyan na pwede niyang matamo dahil sa kabaliwan na ito. Oo. Kabaliwan talaga ang wakasan ang sariling buhay dahil lang sa isang lalaki. Kahit pa yata dinurog nang pino ang puso ko noon, ni magpakamatay hindi sumagi sa isip ko.
"Huwag, Noreen! 'Wag!"
"Noreen! Pag-usapan natin 'to!"
"Ang dami mo pang satsat eh! Tumalon ka na lang! May klase pa 'ko!"
Iyan lang ang ilan sa sigaw ng mga schoolmate ko. Luminga-linga ako sa paligid, hinahanap si Aidan pero hindi ko na siya mahanap. Sino ba kasi 'yang Theodore na 'yan at nabuang na nang husto 'tong babaeng 'to?
"Parang tanga 'tong si Noreen. Parang lalaki lang eh. Dami pa namang iba riyan." Sabi ng isang babae sa tabi ko.
Tumawa ang kanyang kaibigan. "Kung ang isang Theodore den Adel ba naman ang makipagbreak sa 'yo, ewan ko na lang kung gugustuhin mo pang mabuhay."
"Mas nagagwapuhan pa rin ako sa kuya niya." Hagikgik naman nung isa.
"Gwapo rin sana si Mr. President kaso ang snob nga lang!"
Lalo akong napangiwi. Ang hihilig sa gwapo. Pero kunsabagay, sino nga naman ang mahilig sa pangit?
"Annika Valderrama! Mang-aagaw ka! Malandi ka! Maharot! Hindot! Kabit!!!" Sigaw pa ni Noreen.
"Hala siya? Ano'ng ginagawa ko sa 'yo? Eh ang pangit naman niyang jowa mo!" Sigaw ni Annika.
"Hindi pangit si Theo!" Sigaw pabalik ni Noreen.
"Maluwag na talaga 'yang turnilyo mo sa utak, Noreen!" Sarcastic na tawa ni Annika. "Pangit 'yang boypren mo, sis! Pangit! Pangit!" She taunted. Napahilamos na lang ako sa mukha ko.
"Hoy, Valderrama. Alam naman nating lahat na 'di totoo 'yang sinasabi mo." Sabi nung isang babaeng estudyante. Kaklase ko yata 'yon sa isang subject.
"Paki ko sa opinyon mo? Pinagtatanggol mo pa, eh hindi ka naman papatulan no'n." Annika said with a raised eyebrow.
"Ano'ng sabi mo?! Hindi porket Guardian ka ay pwede ka nang magmaganda d'yan!" Aakma pang sasampalin si Annika pero walang kagatol-gatol na pinigilan lang siya nito gamit ang kamay. Sabay balik na sampal doon sa babae.
"What the fuck! You slapped me!" Mangiyak-ngiyak na sambit ng babae habang sapo ang pisngi.
"OA mo naman. Ni hindi ko nga nilakasan 'yon." Annika rolled her eyes.
"Chloe! Nakakalimutan mo na ba kung sino kausap mo? Pinsan 'yan ni Louis!" Pigil ni Michelle. "Baka nga isang uppercut lang niya sa 'yo, hiwalay agad 'yang ulo mo sa leeg eh!"
"Wala akong pakialam! Hindi niya alam ang sinasabi niya kaya 'wag na 'wag niya akong mainsulto ha!"
"Insulto na ba ngayon ang totoo?" Annika smirked.
"Hoy, ano ba kayo?! Bakit ba kayo nag-aaway d'yan?! Ako yung magpapakamatay dito eh!" Nanggagalaiting sigaw ni Noreen.
Nagkakagulo na roon nang magpasya akong umalis. Nakakastress naman sa school na 'to. First day ko palang ang dami na agad ganap.
I want to go home so bad. Wala rin naman mangyayari kung magmumukmok ako sa dorm. Alam kong habilin din ng magulang ko sa magpinsan na bantayan ako pero tingnan mo nga naman, they barely even look after me and I know the reason why. They knew me as the good girl who always abided by the rules. The girl who was always afraid of the consequences if she ever broke the rules.
Hindi ba iyon naman ang gusto ni Louis? Bakit hindi pa rin 'yon sapat para sa kanya?
Pero sa ngayon, parang nawala na ang takot ko sa mga mangyayari. O baka nawalan na talaga ako ng pakialam. I mean, what would be the worst thing that could happen, right? Ma-eexpel lang naman ako. Then I can finally go back to Sagada.
Kaya imbes na bumalik sa dorms, sinamantala ko na ang pagiging busy ng mga Guardians kay Noreen para tumakas na palabas ng school. May ilang minuto pa bago magcurfew nang tahakin ang kabuuan ng gubat.
Hindi ko mapigilan ang ngiti na sumilay sa labi ko habang tumatakbo. Nakakamiss magliwaliw sa gubat. Nakakamiss ang malamig at preskong simoy ng hangin. I miss home.
On the other hand, it feels so liberating to finally break a rule. The absolute rule of the night? It was so simple.
Madilim na nang nakarating ako sa ilog. Doon ko napagpasyahang magpahinga muna. It was already 7:30 PM. The large moon was only my source of sight. Pinatay ko na muna ang phone ko at baka nilagyan pa ni Louis ng Find My Location. Nakakamangha ang linis ng tubig at pwede itong inumin. Hinubad ko ang sapatos at minasahe ang masakit na mga paa. Napabuntong-hininga ako dahil sa pagod.
Siguro hinahanap na nila ako ngayon. Hihintayin ko na lang bang mahanap ng mga Guardians? Ano kaya ang parusa nila sa akin sa paglabag sa batas? Sana diretsong expel na agad.
"Clarisette?"
Napalingon ako dahil sa isang pamilyar na boses. Under the moonlight, his wide blue eyes are shining... almost glowing in the dark.
"A-aidan?" Napakurap ako sa gulat. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"I should be the one asking you that. Hindi mo ba alam na malaking violation 'yang ginagawa mo?" Nagmamadaling lumakad si Aidan sa akin, panic all over his features. Alam ko, kaya ko nga 'to ginawa. "And it's very dangerous out here!"
"Taga-probinsya ako kaya alam ko kung paano magtrek sa gubat—"
"No, you don't understand—" Napatigil bigla si Aidan at lumingon. Sa isang iglap, hinatak niya ako sa talahiban, dinaganan at hinawakan sa hita. "Don't move." He whispered in my ear.
Hindi ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi rin ako makasigaw dahil sa pinaghalong gulat, lito at takot. Ano'ng ginagawa niya? At bakit kailangan pang daganan at hawakan ang hita ko?!
Nakarinig ako ng boses sa 'di kalayuan. I couldn't understand what they were saying because they're speaking in a different language. Tapos nagtawanan pa sila. Aidan tensed and he held me even tighter. Tiningnan niya ako saglit bago sa dalawang lalaking nagkekwentuhan.
Akala ko ba bawal lumabas tuwing gabi? Bakit ang daming estudyante rito? Bakit parang may discrimination naman yata?
Nang sa wakas ay umalis na ang mga lalaki ay saka rin ako pinakawalan ni Aidan. Mabilis akong lumayo. Malapit ko na siyang sigawan sa galit.
"Please don't scream. They will hear you." Aidan muttered.
"W-what was that for? Bakit kailangan may paghipo?" Singhal ko sa kanya.
Bumaba ang mata ni Aidan sa hita ko, at agad na naman akong na-ilang. "May sugat ka na naman kasi."
"Huh?"
Hindi ko agad napansin na may sugat pala ako sa hita. Siguro nangyari 'to kanina nung tumatakbo ako sa gubat. Normal lang naman kasi masugatan sa gubat kaya hindi ko na napapansin kung hindi pa sasabihin sa akin. Pero ano naman ang connect no'n sa paghawak sa akin?
"Let's wash your wound..." Pinulot niya ang sketchpad at saka naglakad palapit sa ilog.
Medyo nag-aalinlangan pa ako pero kalaunan sumunod na rin ako. Umupo siya sa may bato patalikod sa akin at inabala ang sarili sa sketchpad. Napatingin ako sa kanya saglit bago hinubad ang skin-toned stockings.
"Hindi ka man lang ba magsosorry?" Bulong ko sa inis habang nililinis ang sugat.
"I'm sorry," Sabi ni Aidan. Narinig niya pa 'yon? "Hindi ako manyak kung 'yan ang iniisip mo."
"Sana man lang may paabiso, 'di ba?"
"It was a spur of the moment, I'm sorry. Are you finished washing your wound?"
"Oo..."
Lumingon si Aidan sa akin at tumayo. May kinuha siya sa bulsa at inilahad sa akin ang puting panyo na sinauli ko kanina. Tahimik ko 'yon tinanggap at pinunasan ang hita.
"Okay ka na ba, Clarisette?"
"How do you know my name?" Kunut-noong tanong ko.
"Tinanong ko sa kapatid ko." He said simply.
"Sino ba kapatid mo?"
Ngumiti si Aidan. "Si Johan."
"Hindi ko kilala." Iling ko. "Tsaka bakit ka rin ba nandito?"
"It's hard to explain..." He looked away.
"I have all night to keep up."
He looked at me again. This time it's a piercing stare that would make you lose if ever you get into a staring contest. "There are a few people who are exempted from the absolute rule... we are the ones who protect the forest."
I tilted my head to the side, confused even more now. "Akala ko ba trabaho ng mga Guardians 'yan?"
Tumango siya. "Yes, but they are limited only in the campus and the perimeters outside nearby. That's the safe zone. Kung lalampas naman doon, we are assigned for it. Right now... you are very far way from the safe zone. I suspect that you took advantage of Noreen's situation to sneak out of the campus, yes?"
Tumango ako. Bumuntong-hininga naman siya.
"Guardian ka rin ba?" May mga armbands ang mga Guardians pero bakit wala siya n'on?
"No... I'm not." He bit his lower lip then looked away.
Lalo akong nalito. Hindi siya Guardian pero nagbabantay din siya ng gubat?
"Anyway, are you set? Ihahatid na kita pabalik sa dorm mo."
Matagal bago ako sumagot. "Ayoko..."
"Why?"
"Gusto kong magpahuli..."
Tiningnan akong mabuti ni Aidan. "Why?"
"Kasi gusto kong ma-expel. Gusto ko na bumalik sa'min."
"You purposely got yourself in trouble because you wanted to go home?" He clarified.
I looked at him from my peripheral vision, at nakita kong titig na titig talaga siya sa akin na para bang tinatantiya niya ako. I wonder if he's judging me deep inside?
"Oo." Hindi na siya sumagot at tinitigan na lang ako. Nang hindi ko na nakayanan, tinitigan ko na rin siya. "Bakit?"
"I don't mean to pry but... is there someone in the campus you don't want to see?" The way my expression shifted, I knew he got my answer. He sighed. "Hindi 'yan ang solusyon."
"Huh? Eh ano?"
Pero imbes na sagutin ako, nginitian niya na lang ako. Hinubad niya ang coat at ipinatong sa hita ko. Tumayo siya at inilahad ang kamay. "Halika na, ihahatid na kita sa dorm mo. Malamok na rito."
Nakakainis naman! Palagi na lang binibitin sa ere 'yung mga tanong ko. Umirap na lang ako at tumayong mag-isa. Kahit na ayoko pa bumalik sa dorm ay nagpasya na lang din ako sa gusto niya dahil ayoko na makipagtalo. Pakiramdam ko ang immature kung aawayin ko pa siya gayong wala naman siyang kasalanan sa akin.
Madilim na sa buong paligid, at natatakpan ng mga puno ang liwanag mula sa buwan kaya wala akong masyado makita. Pero parang walang problema kay Aidan.
"Hold my hand, Clarisette." Nilahad ni Aidan ang kamay niya.
"'Di na. Kaya ko naman." Tanggi ko.
"It's dark. You can barely see anything."
"Eh ikaw?"
"Okay lang ako. Sanay na ako rito. And besides, we can't risk you tripping and bleeding again..."
Kahit na ayoko pa rin ay alam ko naman na tama siya. Ayoko rin naman magkasugat na naman dahil halos wala na akong makita talaga. Kinuha ko na ang kamay niya.
"Ang lamig naman ng kamay mo." Komento ko.
"Malamig kasi sa gubat." He chuckled.
"Eto coat mo oh." Akma kong huhubarin ang coat niya.
"No." He quickly stopped me. "Don't take it off. Malamok dito."
Tumahimik na lang ako at sinunod siya. Umiihip pa rin ang malamig na hangin at bigla akong kinilabutan. Pakiramdam ko rin maraming nakamasid kahit na wala naman ako halos makita. Napaparanoid na ako dahil sa dilim.
"I take it this is not the last time you'll sneak out?"
"Buti alam mo." Umirap ako.
Aidan chuckled. "Kung gano'n... if you ever want to go out, tell me."
"Bakit?"
"Para masamahan kita."
"Bakit mo naman ako sasamahan? 'Di ba may trabaho ka?"
"Not all the time."
"Ayokong may kasama." I pouted.
"I don't have to be with you all the time. I also go out to sketch or paint..."
Pumasok kami sa campus nang walang nakakakita sa amin. Doon ko lang sinauli ang coat.
"About the solution, Clarisette," Aidan suddenly said.
"Ano?"
"There's no solution." He smiled gently.
Parang nang-aasar kahit na hindi naman iyon ang intensyon.
"But I'm sure there's something." Agad na bawi niya.
He suggested that I climb the tree near the dorms to enter the second floor window because there's a Guardian at the entrance. Pwede gumala sa hallways ng dorms basta hindi lalabas ng building. Iilan lang ang mga estudyante sa hallway pero hindi ako nagpakita dahil sa suot ko pa rin ang uniporme. I used the stairs to climb to the fourth floor without anyone noticing me.
Just as I expected, wala pa rin si Annika. Sobrang kampante talaga silang hindi ako lalabag. Umirap na lang ako. But maybe one day, they'll be surprised.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro