Chapter 2
II.
Clarisette.
For the first time in my university life, I felt the urge to cut classes.
Ngunit kapag nalaman ng magpinsan na ginawa ko iyon, bubungangaan nila ako panigurado. Annika is a bit lenient but Louis? I don't even want to talk about it. But who cares though? Not me.
After that dreadful class in Advanced Tour Guiding, sinipat ko ang schedule ko at napangiwi nang makita na Literature ang huli kong klase. Paborito ko sana kaso kaklase ko ro'n ang bwisit kaya hindi na muna ako papasok. First day palang naman.
Napagpasyahan ko munang tumambay sa University Cafe at baka sakaling may free wifi roon. Pero hindi pa nga ako nakakapasok ay natanaw ko na kaagad si Annika sa isang table na nakikipagtawanan sa kanyang dalawang kasama. Aakma na sana akong tatalikod para umalis na pero nahagip ako ng mga mata niya.
She tilted her head to the side, confusion written all over her features. Kalaunan ay bigla siyang ngumiti nang malapad at dali-daling tumayo at tumakbo papunta sa akin.
"Mari!" Bati niya at pinagbuksan pa ako ng glass door. "'Di ba may Phil. Lit ka pa kasama ni Lou?"
"I skipped it."
"Why? 'Di ba favorite subject mo 'yon?"
"Not anymore."
She giggled. "Dahil ba kaklase mo siya ro'n?"
I only rolled my eyes in response. Napaka-issue talaga nitong babaeng 'to.
Pagkapasok ko pa lang ay nalanghap ko na kaagad ang pinaghalong amoy ng kape at tsaa. Nabawasan nang kaunti ang badtrip ko.
"Naku, paniguradong lagot ka na naman kay Lou n'yan."
"Wala akong paki sa nararamdaman niya."
Nakasunod naman si Annika na humahalakhak sa likuran ko habang nakapila kami para umorder ng maiinom.
"Kumusta naman ang first day mo so far? Have you made any friends?" Tanong ni Annika.
"So far, so good. And... mag-isa lang naman ako pumasok dito so obvious naman na wala."
"Okay. Then sabayan mo na kami tapos ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."
Napatingin ako kay Annika, sa mga kaibigan niya na minamatyag kami at ang kabuuan ng lugar. Maganda sana itong gawing tambayan pero panigurado palagi ring namamalagi rito si Annika, at ang ibig sabihin no'n ay palagi rin pumupunta si Louis dito. Wala naman siyang ibang kaibigan kundi ang pinsan niya. Suplado 'yon. Ni hindi ko na nga alam kung paano ko natiis 'yung taong 'yon.
"Hindi na. Bibili lang naman ako ng kape tapos aalis na rin ako."
"Iniiwasan mo ba ako, Mari?" Seryoso niyang tanong. She narrowed her eyes at me.
"Bakit naman kita iiwasan?" I raised an eyebrow at her.
"Eh 'yun naman pala, eh. Edi sumama ka na muna sa table namin!"
I groaned in irritation.
"Hello! May I take your order?" Bati ng barista.
"I'll have a caramel macchiato and a glazed donut to go." Iniabot ko na rin ang pambayad.
"I've never seen you around here before. Transferee?" Tumango ako bilang tugon. Ngumiti nang alanganin ang barista nang mapansin na wala ako sa mood makipagkwentuhan. "Uh... friend of yours, Annika?"
Tipid na ngumiti si Annika. "Yes, Andy."
"Can I have your name, please?" Andy asked while filling up my cup.
"Clarisette." I said, then spelled it out using the Phonetics Alphabet.
Binigay ni Andy ang resibo at tatawagin na lang daw ako kapag handa na ang inumin ko. Niyaya ulit ako ni Annika sa lamesa nilang magkakaibigan.
Hindi pa ako nakakaupo ay nagsalita na ang babae. "Hi! You must be Annika's new roommate." The girl greeted with a bright smile. "I'm Michelle. Mari, right?"
"Yeah," Tumango ako, nalilito.
"Leon." The guy raised his hand a bit before crossing his arms again. "Kami 'yung nakahuli sa'yo kagabi."
Ngumiwi ako. They're Guardians. "Ah, sorry about that."
"It's alright. It's your first day in SCU anyway. But I'm a bit surprised that Annika forgot to tell you about the rules. Especially Louis."
Annika let out a nervous chuckle. "Ako talaga 'yung nakalimot. Binilin na 'yan kasi sa'kin ni Lou."
"Well, at least alam na ni Mari!" Singit ni Michelle.
Sa isang iglap, napawi ang ngiti ni Michelle at Annika. Napako ang tingin nilang tatlo sa bungad ng cafe. Doon ko lang din napansin na biglang tumahimik ang paligid. Napatingin din ako sa bagong dating na customer.
Napaawang ang bibig ko nang makita ang lalaki. Messy brown hair in a way that is intentional. Hindi ko mawari kung ano ang kulay ng mga mata niya dahil medyo malayo siya. Tall, lean and muscular. Nakasukbit din ang violin case sa likuran niya. Oh, musician siya. In short, an endangered specie.
"Hi, Theo!" Bati ng mga babae sa kabilang lamesa. Nginitian naman niya pabalik ang mga babae. Ang gwapo rin ng ngiti, kaya hindi na ako nagtaka kung ilan sa kanila ay nangisay sa kilig.
I shook my head then shifted my eyes back to the three of them, at nagtaka ako lalo nang makita ang matatalim nilang titig doon sa lalaki, na para bang nakakita sila ng kaaway. Lalong-lalo na si Annika. Para bang anumang oras ay susugod na siya.
Para bang napansin ni Theo ang titig niya at napadako ang atensyon niya rito. He smirked. "Hi, Nika!"
I blinked in surprise. Magkakilala sila?
"Order for Clarisette!" Andy announced.
Tatayo na sana ako pero inunahan ako ni Annika. "Ako na." She deadpanned. Before I could answer, she walked away to get my orders.
Dere-deretso lang kinuha ni Annika ang pagkain ko habang titig na titig lang si Theo nang may ngisi sa labi. Ni hindi man lang tinapunan ni Annika ng tingin ang lalaki.
May sinabi si Theo na ikinagimbal ni Annika. I caught her face morph into surprise, and she harshly looked over her shoulder to give him a menacing glare. He chuckled before turning to Andy.
"What was that all about?" I asked.
Humugot ng malalim na hininga si Annika at mariin na pumikit. "Wala." Doon ko rin napansin na medyo mapula ang mukha niya... sa inis?
Umalis din kaagad ang lalaki pagkakuha niya ng dalawang frappe niya. Now I was left there even more confused especially at how Annika's been acting. Sure, medyo may pagka-attitude siya lalo na kung kinakailangan, but I haven't seen her act openly rude to someone unprovoked. Kahit na 'yung mga nakakaaway niya sa school noon ay hindi niya pinapansin.
Kalaunan ay nagpaalam ako na babalik na sa dorm. But before I do that, I thought that I should return the handkerchief I borrowed from the painter. I wonder if he's at the garden right now?
Hindi nga ako nabigo dahil nakita ko nga siya na nakaupo sa may silong at abala sa kanyang sketchpad. And as usual, he's too focused on his work to notice me.
Sumimsim muna ako sa aking iced coffee bago tumikhim, at naputol ko ang konsentrasyon niya.
"Oh... hello there, Miss." He greeted with his warm, gentle smile. "I'm sorry I didn't notice you there." He closed his sketchpad and set it aside.
"I-it's fine! Ako nga ang dapat mag-sorry dahil naistorbo na naman kita."
He only smiled at that. "How may I help you?"
"U-uh... I just wanted to return this to you." Nilahad ko ang puting panyo at ang paper bag ng glazed donut. "And... thank you gift 'yan."
"But I said that you can keep it, right? At nag-abala ka pa talaga na bigyan ako ng token..." He chuckled sheepishly. Nahihiya niyang tinanggap ang panyo at pagkain. "Thank you..."
"Thank you rin sa pagpapahiram."
"Are your fingers okay now?"
"Yeah, malayo naman sa bituka 'yon." Ngumiti ako.
"Oh! And I heard that you were caught last night?"
"Uh..." Kalat na kalat ba talaga ang balita? "Yup. But they let me go because it's my first day naman."
"That's good. The Guardians aren't too lenient on the violators so you got lucky there." He chuckled. "Do you like cinnamon rolls?" May iniabot naman siya sa akin na paper bag.
Mukha lang kami nag-swap ng pagkain. "Oo naman. Salamat."
He smiled again, then took a sip of his caramel frappe. Sinubukan ko rin silipin ang pangalan sa cup pero hindi ko mawari ang nakasulat.
"Kuya!"
Napalingon kami sa boses ng babae na hinihingal at papalapit sa amin. Tumayo siya para salubungin ang babae.
"Kuya Aidan!"
"Woah, Lily! What's with the rush?"
"Kuya... wait lang... hinihingal pa 'ko." We waited for the girl to compose herself before standing straight to face him. "Kuya... 'yung girlfriend po kasi ni Kuya Theo eh..."
"Bakit? Ano ba nangyari?"
"Nakipagbreak daw po si Kuya..."
"Oh? Tapos?"
"Ayun po. Nasa rooftop po ngayon si Ate Noreen. Magpapakamatay po yata."
"Ano?!" Sabay na bulalas namin ng pintor.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro