Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

UMAGA NA NANG MAGISING SI SONDRA. Sinapo niya ang nananakit na ulo at kumurap-kurap. She sighed in relief at the recognition of her own bedroom. Oo nga pala at nakauwi na siya mula sa Paris. Magulo na ang kanyang kinahihigaan, nagkalat sa kama ang ilang unan at ang gusot na kumot.

Patagilid siyang humiga at niyakap ang isang unan.

Hindi man lang niya ako pinuntahan o ginising para kamustahin ang trip ko. Millian used to do that before...

Napapikit siya.

Of course, he won't do that. You gave him the attitude once you saw him in the airport, Sondra!

Dumilat siya at sumimangot.

Why not? Iniiwasan ko na ngang makita siya, 'di ba? Pero ano? Lalapit-lapit siya sa akin!

Gigil na binato niya sa kung saan ang yakap na unan at tumihaya. Tumitig siya sa kisame. It was cream-colored and blank. Very different from the pink walls of her bedroom.

I don't know how they found out that I booked an earlier flight. Is Dad monitoring me? Baka naman tumawag siya sa hotel ko sa Paris.

She sighed.

Maybe, that's it.

Nasapo niya ang dibdib.

Nasaan na kaya si Millian? Hmph. He's probably with his Yrina now.

Umupo si Sondra at natulala saglit bago nilisan ang kama. Hinawi niya ang kurtina at halos masilaw siya sa sinag ng araw. Nang maka-adjust ang mga mata, tantya niya sa sikat ng araw sa labas ay magta-tanghalian na. She rubbed her left eye and yawned. Pumunta siya ng banyo para ayusin ang sarili.

Nakasuot na si Sondra ng dolphin shorts na pink at fit na puting t-shirt na may naka-print na pink font na Bad Girl sa bandang dibdib nang masalubong si Yaya Fely. She was holding her cellphone in one hand as she smiled sweetly at the woman.

"Good morning," bati niya rito.

Sondra always felt warm when she sees Yaya Fely. Parang lola na kasi ang turing niya sa katulong na mula pagkabata ay kaagapay na ng kanyang namayapang ina sa pag-aalaga sa kanya. And when her mother died, ito pa rin ang nag-alaga sa kanya na may tulong na rin ni Maximillian.

"Good morning, Sonny," bati na nito sa nakasanayang tawag sa kanya.

"Am I late for lunch?" hinto niya sa harap nito.

"Tamang-tama lang, hija at paluto na ang kakainin ninyo."

She cocked her head to the side. Ninyo? Dad never had lunch with me... Well... it's the first time in years...

Nakaramdam siya ng kaba. Siguro kaya naisipan ng amang sabayan siya mag-lunch ay para kwestiyunin ang napaaga niyang pag-uwi. Pero madalas naman siyang umuuwi ng taliwas sa schedule na pinapaalam niya sa mga ito. Ugali kasi ng amang si Maximillian ang pagsunduin sa kanya, kaya nga pabago-bago siya ng sched, para makaiwas sa lalaki.

"Sige po, I'll go there now. Thank you, Nanay Fely," paalam niya rito at dumiretso na sa dining room.

Natigilan si Sondra sa doorway nang matanaw kung sino ang nasa kabisera ng dining table-- si Maximillian.

He toned down his attire from the usual suit and tie. Nakasuot ito ng polo shirt na itim, bukas ang mga butones at simpleng walking shorts. Sure, he aged, he was years older than her, but it was hard to deny the truth that he aged handsomely. He was manlier with his thick, dark blonde hair, squared jaws, piercing greyish-blue eyes and slight hints of stubble on the sides of his face and chin and jaws. May binabasa ito sa cellphone nang mag-angat ng tingin sa kanya. He caught her eyes then, his sight wandered down on her body.

Sanay na siya sa nag-iinspeksyon nitong mga mata sa kanya. Simula nung mag-dalaga siya, under surveillance na nito ang mga sinusuot niya. Ang mga responsibilidad kasi noon ng tatay niya bilang ama ay parang sinalin na nito kay Maximillian.

"Hi," balik nito ng tingin sa kanyang mga mata at walang sulyap sa cellphone na in-off iyon bago nilapag sa gilid ng mesa. "How's your sleep?"

Binaba niya ang tingin, mabagal na lumapit sa upuan sa bandang kanan ng lalaki.

"It's good," malumanay niyang wika. She was surprised about his presence, hindi niya nagawang ihanda ang sarili na um-attitude rito.

She pulled a seat and settled on it. Nilapag niya ang bitbit na cellphone sa mesa.

"How's your photo shoot in Paris?" palumbaba nito habang nakatingin sa kanya. "Kailan daw ang labas ng pictures mo sa magazine?"

"Next month," walang buhay niyang sagot.

He nodded and straightened on his seat. "Are you just getting fat or are you wearing older clothes?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"Excuse me?" singhal niya rito. "How dare you assume I am wearing old clothes?"

Matalim na sumulyap ito sa suot niya. "Your clothes are too tight."

"So? I am inside my own house, Millian!" tirik niya ng mga mata sa lalaki. "And they fit just right for me and I am comfortable in my house clothes."

"And you have a guest," dampot nito sa cellphone para ibulsa iyon. His bored eyes returned to her.

A guest. Heto na naman ang pait na nagsusumiksik sa bawat sulok ng kanyang pagkatao. Noon, kaibigan ang turingan nila ni Maximillian. Halos magkapatid na nga bago pa ito bigla na lang umasta na para niyang tatay. Ngayon, bisita na lang ang role ng lalaki kapag kasama niya sa mansyon.

Ever since that night, damang-dama ni Sondra ang malayong agwat na naging resulta niyon... agwat na dumistansya sa kanilang dalawa.

It was as if, Maximillian only exists in her life just to follow her father's orders. That and nothing more.

"An unexpected guest, by the way," halukipkip niya na mas nag-emphasize sa malulusog niyang mga dibdib. It was as if her arms cradled them. "Ano ba ang sadya mo rito? Don't you have work to do?"

His eyes seemed to wander somewhere. Pagkatapos niya kasi magsalita roon lang binalik ng lalaki ang tingin sa kanyang mga mata. Tumaas ang sulok ng labi nito.

"You're so grumpy, Sonny. Jet lag?" His voice was low and inviting. "Want some juice?"

What's so sexy about a man offering juice? Bakit ganoon ito makangiti sa kanya? Mabigat ang pagtitig tapos may kung anong nakakakabang lambing sa boses nito?

"Yes, an orange juice will do," iwas niya ng tingin dito para tingnan kung may katulong ba na pwedeng tawagin. She always loved orange juice. Kung hindi siya nakatulog kaagad kahapon, nagpahanda na siya ng orange juice at sandwich. Wala siyang nakitang pwedeng utusan. Binalik niya ang tingin sa lalaki. "I'll tell the maid later."

"Hmm," hawak nito sa baba. His forefinger rubbed his lower lip as interest sparked in his eyes that gazed at her. "I slept here last night," tuwid nito ng upo. "That's why I am here."

Dinukot nito ang cellphone at may binasa roon. He was getting and replying to a lot of messages. Typical Maximillian.

"Wala ka bang gagawin sa office?"

"Kung may gagawin ako sa office, I won't be here," tutok pa rin ang mata nito sa cellphone at may tina-tap sa screen.

Yeah, right. Kaya pala sobrang busy ka sa phone mo.

Bakit ba ang tagal ihain ng tanghalian nila? Para siyang malulusaw sa pagsosolo nila ni Maximillian ngayon.

"Who's that?" tanong na lang niya.

"Yrina," walang sigla nitong sagot.

She rolled her eyes. Yeah, right. Kaya pala tutok na tutok ang lalaki sa cellphone nito. Mukhang hindi nga mga matters sa opisina ang pinagkakaabalahan nito sa cellphone. Umayos na siya nang masulyapang binulsa ulit iyon ng lalaki.

"I want to ask something," titig nito sa kanya. "Do you know a good company, aside from the Romualdez' that are negotiable when it comes to supplying metals?"

Inihilig niya ang ulo. Romualdez ang apelyido nila Yrina. What was Maximillian trying to do? Nanghihingi ba rito ng tulong si Yrina kung saan pwedeng makahanap ng magandang supplier ng bakal na pwedeng i-restructure at ire-sell ng kumpanya ng mga ito? Ilang taon na rin kasing matatag ang kompanya ng mga Romualdez na manufacturer ng mga matitibay na bakal-- mula sa mga ginagamit sa kontruksyon ng mga gusali hanggang sa paggawa ng mga sasakyan. Lingid sa kaalaman ng lahat na minsan ay sa ibang manufacturer kumukuha ang mga ito ng bakal at kino-customize lang iyon nang kaunti para palabasin na sarili nilang produkto ang bakal.

At bilang sagot sa tanong ng lalaki, oo, may kilala siya. Pero isa lang. Hindi naman siya ganoon kapamilyar sa mga negosyo sa Pilipinas. Mas involved siya sa modeling kaysa sa business world ng kanyang ama at ni Maximillian.

"Yes, I know one," palumbaba niya. "Renante's."

He let out a groan. Hindi niya alam kung bakit may disgusto si Maximillian kay Renante. Mula pagka-high school ay best friend na niya si Renante. They used to share a lot of things in common, she and Maximillian, pero kung ano ang komportable niya kay Renante, siya namang pagkairita nito kahit wala namang ginagawa sa lalaki.

"Aside from Renante's?" expectant na titig nito sa kanya.

"Look, I am only focused on modeling, Millian," lahad niya ng mga kamay. "Why don't you use Google?"

"Maybe I should start looking for smaller metalworks businesses," he murmured. Bumalik na naman ito sa sariling cellphone at nag-tap-tap.

She let out a sigh. The attention of a man like Maximillian was really hard to catch.

Siyang pag-ring ng cellphone niya. Mabilis na sinagot ni Sonny ang tawag. Renante was her saving grace. Sa wakas at hindi na niya kakailanganin pang makipag-deal sa pagkairita kay Maximillian. Ganoon na rin sa pag-inda sa tiim ng mga titig nito.

"Renante!" masigla niyang bati sa tumawag.

I've been calling you since last night! bungad nito pero walang bahid ng galit ang boses. I also called this morning, pero hindi mo ako sinasagot. What happened to our meeting?

Oo nga pala at nakiusap siya kay Renante na sunduin nito sa airport...

She bit her lower lip. Patay. Paano niya kaya iyon ipapaliwanag sa lalaki nang hindi umaalis sa harapan ni Maximillian na nakatitig na ngayon sa kanya? Sa oras na umalis siya, paniguradong bubuntot ito. Extreme ang paternal instinct ni Maximillian sa kanya. He would have no problem eavesdropping, kahit na magtago pa siya. Lalo na kapag si Renante ang kanyang kausap.

"Can we meet this evening na lang?" she sweetly replied, avoiding Maximillian's stare. "Kasi ano... kagigising ko lang."

Well, sure. Are you in a hotel or at home already? Hinintay ka ni June sa airport kahapon, tukoy nito sa personal driver. I got stuck in a meeting yesterday so, I told him to pick you up. Medyo na-traffic daw siya kaya sorry nang sorry kahapon sa akin. Baka hindi mo na raw siya nahintay kasi.

"It's alright," mahina niyang tawa. "Yes, I am already home, Renante."

Siyang dating ng mga katulong para ilapag sa mesa ang tanghalian. Halos maglaway siya nang maamoy ang paborito niyang sinigang na baboy.

Who picked you up?

"Well..." sumaglit ang sulyap niya kay Maximillian na nilalapag ang table napkin sa kandungan nito.

That silence, may panunukso sa tinig nito. It's Maximillian.

"Yes," alanganin niyang tawa nang mapunta na naman sa kanya ang matalim na titig ng lalaki.

How did they find out?

Hati na ang atensyon niya dahil sa nagbabantang tingin ni Maximillian.

Sonny?

Hindi niya mahagilap pa ang sasabihin. Maximillian could display authority by just one look. Ayaw niyang magmukhang madaling maintimidate pero hindi maikaila ni Sondra sa sarili na may kung anong demand ang titig ng lalaki.

"No phones while eating, Sondra!" mabigat na saway nito sa kanya.

Natigilan tuloy ang katulong na nagsasalin ng orange juice sa tall glass ng binata. Sinulyapan ito ni Maximillian kaya nagpatuloy na sa pagsasalin sa mga baso.

"Well, Renante--" balik niya sa kausap.

"Sondra!"

"I'll call you later!" nagmamadaling paalam niya at binaba na ang cellphone. "Geez, Millian! Nakakahiya kay Renante!"

"It's rude to be on the phone kapag kakain na," relaxed na tuwid nito ng pagkakaupo at dinampot ang katapat nitong bowl ng kanin para salinan ang pinggan niya.

"I'm freaking twenty-eight years old! Stop telling me what to do!"

"Then start acting like one," patay-malisya nitong lipat naman ng pagsasalin ng kanin sa sarili nitong pinggan.

"I want to talk to Renante, okay?"

"You're going to see him later, right?" his eyes sparked. "Then that's the time you talk to him. You're with me, so you'll talk to me."

At ano ang pag-uusapan natin? Ang paghahanap niyang Yrina mo ng metal supplier? Oh, please, Millian! You're really testing my patience!

.

.

THERE WAS A KNOCK ON THE DOOR. Naka-underwear lang si Sondra habang nakatayo sa tapat ng body mirror. Nagkalat sa kama ang mga damit na pinagpipilian niya. Ilang oras na kasi siyang panay ang pose sa harap ng sariling repleksyon para makapili ng magadang isusuot sa pagkikita nila ni Renante.

She threw the red dress on the hanger she was holding on the bed. Hinablot niya ang robang pink na nakasabit sa gilid ng salamin at sinuot iyon. Naglalakad na siya patungo sa pinto habang hinihigpitan ang pagkakatali niyon sa baywang.

Muli siyang nakarinig ng pagkatok.

Pagkabukas ng pinto, bumungad sa kanya si Maximillian.

"Not yet dressed?" walang emosyon na pasada nito ng tingin sa kanya.

She really didn't like the way his eyes surveyed her. Parang gusto niyang maghubad kapag ganoon...

It was insane. It was maddening. At naiinis siya sa ganoong epekto ng lalaki. She clutched on her robe and secured the neckline from revealing too much.

"6 PM ang usapan namin ni Renante. I have about an hour to decide what to wear."

"Well," sulyap ng lalaki sa suot na relo, "you have forty minutes left. Bibiyahe ka pa. Saan ba kayo magkikita ni Renante?"

Maximillian was subtle, pero sa tagal na nakasama niya noon ang lalaki, kabisado na ni Sondra ang ugali nito. He was already collecting information.

"Hmm?" usig nito sa pananahimik niya.

"None of your business--" isasara na niya ang pinto pero maagap na tinukod ng lalaki doon ang kamay. He lunged forward, closing in the gap between them as his testy eyes leered down on her.

"It's just a simple question, Sonny."

"Bakit ba?"

"Baka madaanan ko, kaya isasabay sana kita," sarkastiko nitong ngiti.

"No, no, no," kaya niyang makipagkumpitensya sa ngiti nito ng pilit niyang ngiti. "You go ahead. Ayoko namang paghintayin ka, baka emergency iyang pupuntahan mo." She stepped back and waved a hand. "Isa pa, susunduin naman ako ni Renante, so you can leave now."

Of course, that was a lie. Hindi siya masusundo ng lalaki dahil saktong 5:30 ang labas nito. Magkikita sila sa restaurant na mas malapit sa kumpanya nito. It was not a big deal for the both of them kung susunduin siya ni Renante o hindi, magkaibigan lang naman kasi sila.

"Okay," atras nito at inalis ang nakatukod na kamay sa pinto. "But at least, tell me where you are going."

"You'll see on TV," pilyang kindat niya rito bago sinarahan si Maximillian ng pinto. Ini-lock niya iyon agad. At nang hindi na nag-abala pa na kumatok ang lalaki, doon na siya nakahinga nang maluwag.

"Now, what to wear?" balik ni Sondra sa nagkalat niyang mga damit sa kama.

.

.

LATE NA NAKARATING SI SONDRA sa restaurant na napag-usapan nila ni Renante. It was situated at a rooftop in Makati. Natanaw niya ang kaibigan. Nakaupo ito sa pina-reserve na mesa kung saan katabi lang nila ang balkonahe. Mabilis siyang lumapit dito.

Patayo na sana si Renante para salubungin siya pero naunang yumuko si Sondra para bumeso sa pisngi nito.

"Sorry, I am late, Renante!" tungo niya sa upuan katapat ng lalaki.

Maagap na tumayo si Renante, bakas ang bahagyang pagkapagod. Mula sa trabaho sa opisina kasi dumiretso agad ito sa restaurant. He was still wearing his neat bluish corporate suit and tie. Tuwid ang itim na buhok ng lalaki, may malinis na gupit. Suot nito ang eyeglasses. Mula pagkabata pa kasi ay may kondisyon na talaga ito sa mata.

Pinaghila siya nito ng upuan. Inangat ni Sondra ang mga mata sa lalaki at matamis itong nginitian. He smiled back, gentle and genuine. Isa iyon sa mga features ng lalaki na dahilan ng pagiging komportable niya rito. There was something assuring with his smile.

"Thank you," upo ni Sondra.

Renante gave her chair the right push before occupying his own.

Nagtama ang mga mata nila at kapwa mahinang natawa.

"How's the flight?" pangangamusta agad ng binata. "Is Maximillian upset you came earlier than expected?"

"I think sanay na siya," buntong-hininga ni Sondra. Panakaw ang naging sulyap niya sa labas ng balkonahe. Tanaw na tanaw nila ang buong siyudad ng Makati na nilukob ng kadiliman ng gabi kaya nangingibabaw ang pagkislap ng mga ilaw ng sasakyan, mga bintana ng gusali at iba pa mula sa kanilang puwesto.

"Ang tiyaga niya talaga. Ano ba ang tiningin sa iyo ni Maximillian, five-year-old?"

Hindi na niya nakuha pang ngumiti sa sinabi nito. Masakit lang talaga ang katotohanan na hindi na magbabago pa ang tingin sa kanya ni Maximillian. Na isa siyang bata para rito... kailangan lagi ng agapay. She knew rebelling against him would not cut it, but she had no other options. Hindi naman pwedeng maging sunud-sunuran na lang siya rito.

"Kaya nga gusto kitang nakakasama, Renante," titig niya rito. "I feel so free when I am with you. I feel free to do whatever makes me happy."

Tumaas lang ang sulok ng labi nito. There was humility in his eyes as he lowered them.

"Kaya lalong maiinis sa akin si Maximillian, eh."

"Oh, don't mind him!" kumpas niya ng kamay. "I bought this one from Paris," pagbibida niya sa suot na dress na rose pink, "do you like it?"

"Like? I love it, Sondra," maluwag na suyod ng paningin nito sa kanyang kabuuan-- mula sa kanyang alon-alon na buhok na may headband na may mini-crown sa bandang kanan hanggang sa suot niyang dress na humahapit sa hubog ng kanyang katawan. She matched her attire with a pair of white high heels and a silver bracelet. "Nahuli nga ako sa pagtayo kanina kasi natulala ako sa hitsura mo ngayon!"

"Bolero as always, but thank you," tawa niya. "After we eat, why don't we go bar hopping, hmmm?"

"I'm tired from work, honestly," angat ng lalaki sa menu card sa harapan nito. "Let's just savor the night here and just catch up on each other."

It was not to her liking. She wanted to get wasted. May pangako siya kay Maximillian na makikita nito sa TV kung saan siya pupunta ngayong gabi. Pero nangibabaw ang awa niya kay Renante. He looked pretty stressed and he was being honest about it.

"Please?" pakiusap nito. "Don't you like the view here? I chose this spot for you."

Muling tumingin si Sondra sa tanawin sa kabila ng balkonahe, sa nagkikislapang mga ilaw ng siyudad. There was a candlelight table setting in front of her, with nice cloths and a red rose... yet, she could only internally sigh.

She knew everything would feel more romanticwith Maximillian.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro