Chapter Twenty-Two
PAGBABA NG SASAKYAN, tumuloy na ang mag-amang Sondra at Samuel sa restaurant kung saan nagkasundo sina Sam at Ronaldo na magkikita-kita.
Sondra took her pouch with her and walked side by side with Sam.
Nang marating ang restaurant proper, nasa entrance na si Maximillian at hinihintay sila. Seryoso ang nakarehistrong ekspresyon sa mukha ng binata na para bang pormal na pagpupulong ang dadaluhan. Nang makalapit sila, tumabi ito para paunahin sila sa paglakad. She was about to follow Sam when a hand wrapped around her upper arm. Napalingon siya at tumama ang mga mata sa titig ni Maximillian.
"Confident to face Renante after what we did in Zambales?" he darkly muttered under his tone.
Tinapatan niya ng tapang at bilis ng pag-iisip ang banta sa boses nito.
"Kung balewala iyon sa akin, mas lalong balewala iyon kay Renante, Millian."
"Are you sure about that?"
She lowered her eyes, missing the sight of how his jaws tensed and face darkened as she took his hand away from gripping her arm. Taas-noong nilagpasan ni Sondra ang lalaki para makasabay ng lakad sa ama. Bumuntot na rin sa kanila si Maximillian.
Siyang sulpot ni Renante. Bumati ito sa kanya at bumeso. Kasunod niyon ang pakikipag-kamay ng kababata sa kanyang ama at kay Maximillian. Renante looked his usual self— amicable and charming with a peaceful smile. Pinasadahan siya nito saglit ng tingin bago siya inalalayan sa siko at nagpatiuna na sila sa paglakad.
"You look unprepared," mahina nitong tawa pagkabulong niyon sa kanya.
Paano naman kasi, siya lang ang naka-casual na kasuotan sa kanila. Nakasuot pa rin ng mga suit si Sam at Maximillian. Si Renante, kagagaling lang din sa opisina nito kaya nakasuot pa ng suit na mas dark ang pagkaka-grey kaysa sa suot ni Maximillian.
"Because I am unprepared," mahina niyang sagot dito. "You should have at least given me a heads up, Renante. You really have a lot of explaining to do."
"Then that calls for a date," mahina nitong tawa. "Let's have some coffee after this dinner?"
Pinanlakihan niya ng mga mata ang binata bago sinulyapan ang dalawa na nakasunod sa kanila. Sondra faked a laugh. Pakunwari na hinaplos sa braso si Renante para hindi makahalata ang mga ito. Siya namang paniningkit ng mga mata ni Maximillian.
Binalik ni Sondra ang tingin kay Renante.
"I know that you agreed with this set-up to help me out," maingat niyang patuloy. "But why are we already going to talk about the preparations this early?"
"Why not? Is there some matters I have overlooked, Sonny?"
Wala, kabado niyang titig kay Renante na nasa unahan naman ang tingin. Pero hindi ko pa napaghahanda si Stacey... She will need time to process this. At kung malalaman niyang agad-agad na itutuloy natin ang set-up na ito nang hindi ko man lang siya naaabisuhan, this will be a big trouble. She has the tendency to shut down sometimes and stop listening when upset.
She internally sighed. Oh, my goodness.
Ginabayan sila ng nakaabang na staff— isang magandang babae na nakasuot ng itim na kimono na may pulang tali at puting mga pattern— patungo sa isa sa mga private room ng restaurant na mistulang tatami rooms ng Japan ang inspirasyon ng disenyo. May nakahanda roong dalawang magkaharap na puting mga seats na may unan at maayos na table setting.
Tumayo ang ama ni Renante, si Ronaldo, na naka-grey din na suit para kamayan ang mga lalaki at tinanguhan lang siya ng ginoo. Sondra nodded back and smiled politely. Pagkatapos niyon, hinayaan niyang igiya siya ni Renante sa seat katapat ng pwesto ng ama nito. Renante stood as the host and gestured his hand for Sam and Maximillian to sit alongside his father. Huli itong umupo sa tabi niya. Kaya naman sa posisyon nila, katapat nila ang tatlo sa table na iyon at sila lang ni Renante ang magkatabi.
There were casual greetings followed by making orders. Alanganin ang naging ngiti ni Sondra habang pinapasadahan ng tingin ang menu.
"You will love their desserts here," bulong sa kanya ni Renante na napansin ang pagkakatulala niya sa menu card.
Her nervous laugh slipped. "I have a diet to maintain..."
"Ngayon ka lang naman mag-eenjoy ng food. Huwag mo nang ipagkait iyon sa sarili mo, hmm?" nilipat nito ang tinging may halong nanunuksong ngisi kay Maximillian. "You want our menu book?"
Maximillian just cocked his head, looking bored at the sight of them. "We have already made our picks. Kayo na lang ang hinihintay."
Renante lowered his head and chuckled. "Oh, sorry."
Maximillian shifted his dark gaze on her. "I can pick for you if you can't make up your mind." At bumalik ang tingin nito kay Renante. "She'll be good with Momiji Gozen."
Her eyes scanned back on the green menu book and found Momiji Gozen. Meal set na iyon na may Japanese appetizers, dalawang klase ng soup, aburi sushi, tempura, sashimi, steamed dish at dessert.
"That's too few," Renante glanced at his own menu book. "What can you say about Kaede Gozen?" Sumilip pa ito sa card niya para ituro roon ang suhestiyon nito.
"That's a lot," ani Maximillian sa mababang tono at maingat na inangat ang mga mata kay Renante. "And that has a grilled dish with it which is not healthy for her."
That was followed by Maximillian's nonchalant shrug as he put down his menu book.
"I am not saying she'll eat that," nakangiting balik ni Renante dito. "I am just suggesting... not picking the meal for Sonny. It's your choice, of course," sulyap nito sa kanya. "What do you want?"
Binaba niya saglit ang menu book at sinulyapan ang dalawang ginoo na para bang nagtataka sa kanila kung bakit ang tagal-tagal mamili.
"I rarely eat Japanese food. Sorry, if I can't pick easily. There are also no pictures—"
"Exactly." Maximillian sighed. "Why here in a Japanese restaurant anyway?"
"I know," sagot sa kanya ng kababata. Inignora lang ni Renante si Maximillian. "That's why I figured to bring you here, so you'll experience the flavors of Japanese food. Dad also loves this place."
Bahagya ang ngiti ni Ronaldo na tumango para kumpirmahin ang sinaad ni Renante.
"Then ano po ang suggestion ninyo, Tito Ronaldo?" lingon niya rito.
Natigilan ito saglit at sumulyap kay Renante bago siya sinagot.
"Well, you know that I always opt for the Momiji Gozen."
Pasimple ang pagsulpot ng mayabang na ngisi mula sa sulok ng mga labi ni Maximillian bago nakahuma si Renante at in-order ang mga napili nila.
Habang hinihintay ang pagdating ng mga pagkain, nagsimula na ang pag-uusap tungkol sa magiging arrangement ni Sondra at Renante.
"Why agree to this arrangement?" matamang titig ni Maximillian kay Renante. Wala na ang mayabang nitong ngisi. "Are the Villaluz aiming for a company merger with the Hawthorne's in the future?"
Umiling ito. "No, Max. We are confident with the status of our businesses. A merger sounds good, but you know that it is hard to put two different fields that will never, ever be compatible with each together—" sumilay ang ngisi sa sulok ng labi nito habang binibitin ang susunod na sasabihin.
Nanatiling nakatitig lang dito si Maximillian.
"Like metalworks and insurance," pagtatapos nito.
Nakatutok ang atensyon ni Sondra sa nakahain na zensai o variety ng Japanese appetizers. Mas lalo na sa hawak niyang chopsticks.
"That does not answer my question," lipat ni Maximillian ng tingin kay Sondra habang ang mga kamay ay nakahawak sa chopsticks. He was subtly showing off how they are being used, but Sondra was obviously not paying any attention to him.
Renante followed his gaze. "Sonny and I have known each other for years, Maximillian. The reason should be already obvious to you."
Si Renante na ang kumuha ng isa sa mga pagkain ni Sondra, gulat na napaangat tuloy siya ng tingin sa kababata. Renante gestured the food to approach her mouth, kaya kusang bumuka ang kanyang mga labi at sinubo iyon ng buo.
Renante looked amazed at her. Natawa ito at binaba ang chopstick.
"It's not necessary for you to eat the whole thing in one bite!" anito.
"It's interesting that you can eat a whole thing in one bite, Sonny," madilim na titig sa kanya ni Maximillian. "You'll have a hard time swallowing what fills your mouth though."
Bakit parang ang dumi ng naglalarong imahe sa isip niya nang banggitin iyon ng lalaki? Maximillian paid attention to his food and took a bite on half of his snack. Sondra's cheeks remained puffed. Ngumuya siya at nilipat ang tingin kay Renante. Mukhang wala namang dating dito ang binitawang mga salita ni Maximillian.
Is he trying to imply something to Renante about us!? naeeskandalo na tapon niya ng tingin kay Maximillian.
Nakatuon na ang atensyon ng lalaki kay Ronaldo na nagsasalita.
"We just want a stronger alliance," paliwanag nito para kay Renante. "That's on our family's part. And since, Renante loves Sondra, I think there's no problem at all."
Muntik na niyang maiubo ang natitirang pagkain sa bibig niya.
Sa ganoong dahilan ba nakumbinsi ni Renante si Tito Ronaldo na pumapayag siya sa set-up na ito?
"Love," may gaspang sa pagtawa ni Maximillian. "Love and business are not a good combination, Sir Ronaldo, no offense meant. Because if I were in that position, I'm separating personal from business. None from both can influence or touch the other, vice versa."
"What do you mean?" ani Renante, may paghamon sa boses nito.
"It doesn't sound like love when you marry a woman just to ensure that your family will be in a strong alliance with the family of a business tycoon, how's that?" komportable nitong sandal sa kinauupuan.
"Like you and Yrina?" mahinang tawa ni Renante.
"I know what this alliance is for," pasada ni Maximillian ng tingin sa kanya pagawi kay Ronaldo at sa katabi nitong si Sam. Huminto ang tingin nito kay Renante. "Family alliance, so the other side will be obliged to save your family's ass when in times of need. The personal relationship or connection will make the Hawthornes more obliged to help you out and vice versa." He turned to Sam. "Are you sure you want this deal, Sam? It's like you are leaving yourself with no options but commit your loyalty to the Villaluz. What if they go to the brink of bankruptcy? How will you survive? Don't tell me, you're that dedicated that you'd rather sink with them, than cling onto who's more powerful."
"What makes you think that our businesses will come to that point?" natatawang saad ni Ronaldo.
Sumingit si Renante. "Exactly. We've been in the business world for years, from generations after generations, Maximillian. Hindi kami ganoon kadaling pabagsakin. So, where is your worry coming from?"
Muli itong sumandal. Maximillian let out an arrogant scoff as his eyes intently stared at Renante.
"You never knew, you might upset somebody really powerful," anito sa mababang tono. "There are some people you just should not mess with. They can crush you, but won't kill you. They will choose to let you live to suffer the aftermath."
"Nonsense. Wala naman kaming kaaway sa larangan ng negosyo, Maximillian," iling ni Ronaldo at bumagsak ang tingin nito sa kanya. "And Sondra agrees with the engagement, right?"
Natigilan siya at naramdamang sa kanya na nakatutok ang mga mata ng mga kasama sa hapag na iyon. Maingat na binaba ni Sondra ang chopsticks na hirap na hirap siyang gamitin. Tipid ang naging pag ngiti niya.
"Well, napag-usapan na namin ito ni Renante..." humihingi na siya ngayon ng saklolo na nilingon ang kababata. "O-Okay lang naman sa amin—"
"What's with the stammer?" komento ni Maximillian habang inaangat ang tasa nito para uminom.
"Why do you have to be critical about this?" she spat. "From what I can see in here, the four of us wants this arrangement. Parang nag-meeting lang tayo rito dahil sa iyo, eh, para makumbinsi ka."
He slowly lifted his eyes on her— there was a knowing spark and a stifled grin.
"Why does my approval matter so much?" baba nito sa hawak na tasa. "It's not me who's getting married in this conversation and I don't think I have any blood relations with any of you."
Nagtataka na binaling ni Sondra ang mga mata kay Sam. Katulad niya ito na natigilan sa mga sinabi ni Maximillian.
May nerbyos sa naging pagtawa ni Ronaldo. "Why don't we finish our meal tonight? Hmm? I think it's settled then. Na tuloy ang arrangement."
Sam nodded. May pag-aalinlangan sa ngiti nito at nagnakaw ang kanyang ama ng sulyap kay Maximillian na inaatupag na ang pagkain nito. Napasinghap siya. Bigla kasing ginagap ni Renante ang kanyang kamay. Nagtama ang mga mata nila.
"Don't do that again, Sonny," nakangiti nitong tila panenermon sa mahinang tinig.
"Do what?" bulong niya.
"You almost shouted at Maximillian," dampot nito ng pagkain niya gamit ang chopstick para subuan siya. "I don't like the idea that he strongly affects you."
May kakaiba sa mga mata ni Renante na nakatitig sa kanya, hinihintay ang pagbuka ng kanyang mga labi. He seemed to gaze at her intensely. She slowly opened her mouth to take a bite of the snack he was offering. Sondra slowly chewed.
Okay. Façade. Renante is trying to be convincing na gusto niya ako at ang arrangement sa harap ng parents namin at ni Millian. I get it now... I get it now why he's acting like this...
Muli siyang sumubo ng pagkain. Pagkatapos, ang sarili naman nito ang sinubuan ni Renante ng pagkain. Napatitig lang si Sondra sa kababata habang ngumunguya.
It must be so hard to act all grown up, no, Renante? Siguro nape-pressure ka ngayon sa loob-loob sa presence ng mga Dad natin... at ni Millian...
Dumako ang tingin niya kay Maximillian na ngumisi lang sa kanya.
"Wandering eyes, Sonny," he stated sharply with confidence as he took the last piece of his appetizer with chopsticks. "That's not a good sign for someone who's going to get married soon."
"Subuan mo na nga ako, Renante," bulong niya sa katabi na abala pa sa pag-ubos ng kinakain nito.
"Why don't you just request for a fucking fork?" suhestiyon ni Maximillian.
"Gusto ko na sinusubuan ako, okay?" pabulong na panlalaki niya ng mga mata rito.
He suppressed a mocking laugh, spreading hislips to a sexy crooked grin as he lowered his gaze and shrugged."Noted."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro