Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Three

NASA TAPAT NA SILA NG RESTAURANT. Hinihintay nila Sondra ang mga sasakyan nilang ihihinto sa harapan ng sari-sariling mga driver. Naunang dumating ang sasakyan nila Sondra kaya nilingon niya si Renante. Her lips pressed gently on his cheek.

"Pasensya na ha?" sinsero ang tamlay ng kanyang ngiti sa lalaki. "I just can't have coffee with you tonight. I am still feeling awkward about... about Millian..."

"He's just like the typical daddy character in TV, right? He knew how to make things very awkward for the kids."

Nagbaba siya ng tingin at ngumiti na lang.

She gently patted Renante by the arm. "We're going now."

Naghihintay ang kanyang ama sa tabi ng bukas na pinto ng kotse at pinauna siya sa pagsakay. Mabilis na sumunod din ito at tumabi sa kanya. Pagkasara ng pinto, umandar na ang sasakyan at katahimikan ang nangibabaw sa pagitan nila. Dinukot ng ama ang cellphone nito at nag-check ng mga mensahe.

"Dad," lipat niya ng mga mata sa katabing bintana. "I've been thinking about what Millian said."

"That man blabbered a lot of embarrassing nonsense earlier, which of that, Sondra?" malamig nitong sagot.

Kailan pa ba siya masasanay? Warm lang si Sam sa kanya kapag may kasama silang ibang mga tao, pero kapag ganitong solo nila ang isa't isa, para bang malayo na ang kanyang tatay.

"He has a point. Bakit parang hinihingi pa natin ang permiso niya para ikasal kami ni Renante?"

He let out a sigh and turned to her. "Because he's going to be a part of it. He'll be invited in it. Moreover," balik nito ng mga mata sa cellphone, "we already considered him part of the family. So even if that's not what it looks like for him, we have to make him feel that he belongs."

"He doesn't feel that way," titig lang ni Sondra sa bawat mga gusali na nadadaanan ng sasakyan. "He doesn't feel like he belongs..."

"Obviously, with that behavior he just displayed earlier. That's appalling and the least that I expected from him."

May piping pag-asa na sumibol sa kanyang puso. "Why do you think he acted that way, Dad?"

"He already said it, he doesn't like family alliances because commitment is not in his vocabulary. You heard what he said, right? He doesn't like the idea of loyalty because of the possibility that those who are in power today, may go bankrupt the next day. He preferred security for our businesses which means, we should aim to be in alliance with who are powerful in the business world and let go of those who turn weak."

Malungkot isipin, pero na-impress pa rin si Sondra sa kung paano tumakbo ang utak ni Maximillian. Kung sa aspeto ng negosyo ang usapan, hindi nga naman safe na option na maging committed sa isang grupo lamang. Dapat palagi kang may options ng mga taong makakapitan at malalapitan. Hindi pwedeng sa iisa ka lang magiging malapit at kapag bumagsak sila ay kasama ka nilang mahihila pababa. Dapat bukas ka sa posibilidad na bitawan sila at kumapit sa kung sino ang magiging mas makapangyarihan.

Sa ganoong klase ng taktika lamang magkakaroon ng seguridad ang isang negosyo... o maging ang isang tao... Na magiging maaliwalas ang takbo ng operations at money inflow.

Ibang klase talaga mag-isip ang binata.

Pero isa ring istupido na desisyon para rito ang makipagkasundo ng kasal kay Yrina, hindi ba? Kasi parang ganoon na rin ang ginawa ng lalaki— nag-commit na ito ng loyalty sa mga Romualdez.

Mas lalo tuloy siyang napaisip nang biglang pumasok sa alaala si Stacey.

Pumitik ang kaba sa kanyang dibdib.

"Oh, my goodness, I almost forgot..." hagilap niya sa pouch mula sa kinauupuan. "Dad, I'll go over at Stacey's. We have something to—" natigilan siya dahil hindi mahanap ng mga mata ang kanyang pouch. Kahit sa pinakasulok ng kinauupuan ay wala roon ang makintab na blue green na pouch. "Dad, is my pouch there?"

Sinipat ng ginoo ang kinauupuan at binalik agad ang atensyon sa cellphone nito.

"None."

"Shit," she muttered. "I think I left it at the restaurant."

"Just buy yourself a new stuff."

"My cards are there, Dad!"

"Report for loss to the bank," walang kalatoy-latoy nitong sagot.

Napahalukipkip na lang siya. Iyon na lang muna siguro ang uunahin niya. Bukas na lang bibisitahin ni Sondra si Stacey. Kailangan niyang hanapin ang mga details ng cards niya sa mga statement na naiwan sa bahay.

.

.

MAXIMILLIAN WAS THE LAST TO LEAVE THE ROOM. Didiretso naman kasi siya sa basement parking kung saan niya iniwan ang sasakyan. Pasakay pa lang siya ng elevator nang habulin siya ng isang staff na naka-kimono. Inabot nito sa kanya ang naiwang pouch ni Sondra.

"Thanks," walang emosyon niyang sagot at binuksan iyon para lang i-check kung kumpleto ba ang laman niyon.

His fingers tumbled on the contents. Naroon ang isang wallet at mukhang kumpleto naman ang laman niyon na mga cards, IDs at ilang bills. Walang car license dahil hindi naman marunong magmaneho ng kotse ang dalaga. Naroon din ang cellphone nito na password protected. Dahil sa wallpaper ni Sondra na sarili nitong picture kasama ang mga kaibigan, sigurado si Maximillian na sa dalaga nga ang phone.

Then something made his eyes squint.

"Sir?" usig sa kanya ng staff.

He lifted his eyes on her. "Nothing is missing here. Sorry, I just have to check."

"It's alright, Sir," magalang nitong tango. "Anything else?"

"No," zipper niya pasara sa pouch. "I'll be taking this. I'll also tell Sondra to inform you when she already got this pouch back. Thank you."

At hinintay niya ang pagbukas ng pinto ng elevator.

Hindi maganda ang nase-sense ni Maximillian sa nakita sa pouch.

Nang marating ang tinitirahang penthouse, naghubad na ang binata at hinanda ang bathtub. Balak niyang magbabad para ma-relax ang sarili. Kung hindi ay lalo lang iinit ang kanyang ulo. A towel wrapped around his waist, clinging on his deep lust handles as he checked for the warmth of the water. Doon niya iyon hinubad. Binaba ni Maximillian ang katawan hanggang sa umabot ang tubig sa kanyang baywang at nanatiling nakalantad ang malapad niyang dibdib at matigas ngunit magandang ukit ng likuran at abs.

Sa gilid ng bathtub nakapatong ang pouch ni Sondra na naiwanan nito sa restaurant. He zipped it open and checked the content. Nilabas niya ang nakita kanina na umintriga sa kanya. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon kanina na masipat iyon nang mabuti kaya naman ngayon lang niya iyon ulit matitingnan.

Kakaiba ang hitsura ng banig ng gamot na iyon. He haven't seen anything that had arrows and dates written on it. Kumunot tuloy ang noo niya habang sinisipat iyon. Habang nagmamaneho kanina, nilalamon siya ng pag-aalala. Those were strange looking pills. Nag-aalala siya na baka malala ang sakit ni Sondra kaya ganoon ka-kakaiba ang mga gamot na nasa pouch nito.

Maximillian did not bother reading the rest of whatever was printed on it. He figured he should just ask Sondra about it. Hindi pwedeng hindi niya malalaman kung ano ang kondisyon nito. He immediately called the telephone of the Hawthorne mansion. Si Yaya Fely ang unang nakasagot bago i-transfer ang tawag sa telepono sa kwarto ng dalaga.

What? aburidong bungad sa kanya ni Sondra.

"Sonny," he spoke firmly. "You left your pouch in the restaurant."

Napasinghap ito. Ikaw ang nakakuha? You did not even give it back to me?

"Nope. Because I figured you have already left," aniya. "You can get it from me anytime."

I'll get it tomorrow then.

"I'll be home," taas ng sulok ng kanyang mga labi. "It's the weekend."

Puntahan kaya siya ng dalaga? Hindi pa kasi ito nagtatangkang puntahan siya sa tinitirahan ngayon, kaya naman hindi pa nakakapasok sa penthouse niya si Sondra.

Fine.

Tusong tumaas ang sulok ng kanyang labi. Great then... he thought.

"Sondra—" singit niya dahil baka babaan pa siya nito phone, "—I checked the contents to make sure nothing is missing."

Shit—

"And there's these—" sulyap niya sa hawak na banig ng gamot, "—these pink pills."

Don't touch that! Huwag mo na nga kalkalin ang laman ng pouch ko!

"Are you sick? Are you in a serious condition—"

Stop asking me too much questions, okay? Just put it back in my pouch and don't look in it ever! Okay?

The idea suddenly struck him. He never saw this kind of pills, nor encountered them before. Pero kahit papaano ay nagbabasa naman siya ng mga news o article sa internet.

"Are these birth control pills?" he asked darkly.

After that woman made him worry this much...

Millian—

"So," he scoffed, "now I know why you're not bothered at all, huh?" Maingat niyang binalik ang banig ng gamot sa pouch. "I never knew you're sexually active. How active is active, Sonny?" he hissed.

Fuck it. I'll get that now—

"Tomorrow," mariin niyang tutol. "I have some researching to do if these are really good for you." Sinandal na ni Maximillian ang likod sa dulo ng bathtub. "But as far as I know, this stuff doesn't protect you from STDs."

.

.

KINABUKASAN, MALILIGO NA SANA SI MAXIMILLIAN nang makarinig ng pag-doorbell. Hinigpitan niya ang pagkakatapis ng tuwalya sa balakang at nakangising tinungo ang pinto.

Good timing, Sonny.

Pagkahila niya pabukas ng pinto, si Hannah ang bumungad sa kanya.

.

.

"THIS WON'T BE LONG," silip ni Sondra sa driver sa bintana pagkababa niya ng kotse. "Tawagan na lang kita, when we're leaving na."

"Sige, Ma'am," magalang na sagot ni Manong bago tumaas ulit ang bintana ng sasakyan at umusad paalis.

Humugot si Sondra ng malalim na paghinga at tiningala ang gusali kung saan nakatira si Maximillian. He occupied one of the luxurious penthouses there and it would be the first time that Sondra would set foot over Maximillian's own place.

Naningkit ang mga mata niya. I know, kung anu-ano na namang ideas ang pumasok sa isip niya nung nakita 'yung pills.

Kuyom ang kamao na pumasok siya suot ang dark-tinted na sunglasses para hindi makilala masyado ng mga tao. Humapit sa hulma ng kanyang katawan ang itim na spaghetti-strapped dress. Ganoon lang kasimple ang attire niya na tinernuhan ng itim na high heels.

Maximillian texted her his unit number and the floor number, kaya naman dere-deretso ang lakad niya matapos mag-sign in guestbook ng gusali.

.

.

NAKASUOT NA NG JOGGING PANTS SI MAXIMILLIAN. Nanunukso ang ukit sa balakang nito habang pinupunasan ng tuwalya ang basa nitong buhok.

"Dalian mo na diyan," wika ng lalaki kay Hannah.

Nakaupo lang ang dalaga sa dining table at inuubos ang pagkain nito. Unlike other girls, she was not affected by how Maximillian looked right now.

"Ano ba ang pinagmamadali mo?" nguso nito pagkasulyap sa binata.

"Sonny is coming, okay?" lapit niya rito.

"Prfft," ngisi nito nang malunok na ang kinakain. "So?"

"Makulit ka rin," buntong-hininga niya. "I already told you how to act, Hannah."

"Oo na, paubos na itong—"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang marinig ang doorbell. Maximillian let out a groan.

"Holy shit," lapit ng lalaki sa pinto para pagbuksan si Sonny.

"I'll behave, don't worry!" Hannah hollered to relieve him that everything will be fine.

.

.

TUMAAS ANG KILAY NI SONNY SA NARINIG.

I'll behave, don't worry!

Bumungad sa kanya sa pinto si Maximillian. Seryoso kung makatingin ang asul nitong mga mata at tila ayaw na magpaligoy-ligoy pa. He had always been an eye-candy— hard and sleek after a fresh shower. Nang-iimbita ang presko nitong amoy na sumuksok siya sa katawan nito at bigyan ng init ang balat ng lalaki na lumamig dahil sa tubig na pinaligo.

Bumagsak ang magulo nitong dark blond na buhok. Lumapat ang ilang hibla sa frame ng gwapo nitong mukha.

"Come in," tabi nito para padaanin siya.

She confidently stepped in. Mabilis na nahagilap ng kanyang paningin ang dining area dahil wala namang partition o pader na pumapagitan roon at sa salas. Natigilan siya nang makita ang isang dalaga na naka-shorts at maluwag na shirt.

"That's Hannah," Maximillian breathed out.

Lumipat ang mga mata niya sa lalaki. Patuloy pa rin ang kamay nito sa pagpunas ng tuwalay sa basang buhok. There were still droplets of water on his skin... on his bare chest...

Then at Hannah—

Hinila na siya ng lalaki kaya naputol ang tingin niya sa babae.

"Don't mind her. Take a seat. I'll just get your pouch."

Natulala siya sa kawalan. Bakit parang ang sama-sama ng pakiramdam niya? Bakit hindi maganda ang imahe na pumapasok sa kanyang isip base sa mga nakikita? She could not even appreciate the sleek interior of Maximillian's penthouse, dominated by shades of black.

"Hi," upo ni Hannah sa upuan katapat niya.

Sondra snapped out of her thoughts and awkwardly smiled at her. Unti-unti siyang nadudurog sa harapan ng dalagang nakatitig ngayon sa kanya. Lalo niya tuloy ayaw tanggalin ang suot na sunglasses. Bahagyang inihilig nito ang ulo. Komportable pa na nag-de-cuatro na para bang pagmamay-ari nito ang tinitirahan ni Maximillian.

No. Maybe she was just like that because she was a careless teenager.

Intern daw ito, 'di ba, sabi ni Yrina?

But Hannah and Maximillian?

How?

She's so young!

Pero kung siya nga pinatulan ni Maximillian nang walang anumang attachments... ito pa kaya na bata pa at madaling bolahin? And to think that Maximillian seemingly turn everything he touches to gold...

"I'm Hannah," panimula nito, tila may pagka-inosente.

"Nice to meet you," hugot niya ng malalim na paghinga para lamang lumabas iyon ng walang panginginig sa kanyang boses.

"Hannah—" Maximillian called her in a warning tone.

"I'll behave, okay?" natatawang tayo nito.

Behave?

"Doon ka nga sa kwarto," malamig nitong utos.

Kwarto?

"Sondra and I have to talk about something that you shouldn't—"

Mabilis siyang tumayo at hinablot mula sa binata ang pouch niya na dala nito.

"I came here for this," pakita niya sa pouch. "Not to talk to you, Maximillian."

Tumalikod na siya. Kailangan niyang umalis habang may dignidad pa siyang natitira para sa sarili. Walang ingat na hinila niya pasara ang pinto. Mabigat ang mga hakbang kaya nakakabasag sa katahimikan ng pasilyo ang pitik ng heels ng kanyang sapatos.

.

.

"HANNAH!" angil ni Maximillian sa babae na pupuslit pa sana sa dining room para kunin ang naiwan doon na sling bag.

Nakuha pa nitong mag-tiptoe para makapuslit. Dahan-dahan nitong nilingon ang lalaki.

"Bakit mo siya kinausap? Ano ang sinabi mo?"

Her round eyes grew bigger. "Nothing, okay? Chill! Chill, yow!"

"Nothing? She's so upset!"

"Baka upset siya sa abs mo," nakuha pa nitong mang-alaska saka sinundan iyon ng tawa.

Alam ni Maximillian na tumatawa lang ito para pagaanin ang sitwasyon.

"Pinapaalis ka kasi kanina pa, nangaldero ka pa rito! Now, Sondra will question why we're together, Hannah. And she will question some more kapag may sinabi ka na kahit ano sa kanya. That's why I am fucking hoping that you did not say anything questionable!"

Napalabi lang ito, medyo na-guilty pero naroon pa rin ang pagkapilya nito. Kita iyon sa hindi kumbinsidong paniningkit ng mga mata nito pagkaraka-raka.

"Hindi ko pa naman sinasabi sa kanya namagkapatid kami," nakangusong maktol nito. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro