Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-One

ANO NGA BA ANG PWEDENG MAGTULAK SA LALAKI NA GAWIN IYON?

Gagamitin ba siya nito para maudlot ang arranged marriage kay Yrina? But there's this Hannah in the picture, right? Kaya bakit siya? Bakit siya ang gagamitin nito? Was he anticipating for her pregnancy so she could not pose on nudes again?

Sondra let out a sigh. None of those ideas sit well with Maximillian's possible intentions. Kilala niya ang lalaki. He had to act mature at a very young age. Kaya hindi ganoon kababaw ang mindset nito. Pero kung hindi, bakit pumapatol ito sa panghahamon niya?

Una sa lahat, malinaw namang wala itong feelings para sa kanya. Kung mahal siya nito, hindi ganoon kalabo ang magiging trato sa kanya ng lalaki. Hindi rin dapat na limitado sa sekswal ang pagiging intimate kung mahal nga siya nito. If he was also appalled with her magazine cover, why would he resort to—

Yeah, right. To prove his point that what I did was sexually provocative.

Gigil na nakuyom niya ang mga palad. Hindi eh... that's weird. Pero bakit?! Bakit—

"Hi," okupa ni Yrina ng upuan katapat niya sa restaurant kung saan nila napag-usapang magkita.

"Hi," alanganin niyang ngiti, nasa kalagitnaan kasi siya ng pag-iisip tapos biglaan itong sumulpot. "How are you? Why invite me here?"

Ayaw kasi nito sabihin sa kanya ang dahilan sa phone. Sa personal na lang daw. Natatakot siyang baka may nalaman ito tungkol sa kanila ni Maximillian kaya pinili na lang din ni Sondra na magpakita rito. Kung mayroon man itong nalaman, mas makakabuti na siya ang unang makaalam.

Nakabagsak lang ang buhok ni Yrina at nakasuot ng puting dress. Sondra chose to wore a pair of jeans and a turtle neck top that had long sleeves.

"I invited you to give you this," abot nito sa kanya ng isang card.

She felt her internal tremble before taking it. Alam na naman ni Sondra kung anong klase ng card itong inaabot sa kanya ni Yrina. At nang titigan, nakumpirma niyang wedding invitation iyon. May lace na detalye ang puting card at outline na kulay gold. Na-figure out na rin ni Yrina na signature color ni Maximillian ang ginto.

Maingat niyang binuklat ang card. Parang puso niya ang nahahati sa dalawa dahil sa pagbuklat niyon ay humati rin sa dalawa ang papel. Bumungad sa kanya ang pangalan ni Maximillian at Yrina bilang bride at groom na naghatid ng panlalamig sa buo niyang katawan.

"Look at the entourage," wika ni Yrina kaya bumaba roon ang kanyang tingin.

She found her name as the Maid of Honor. Mabilis na tumaas ang tingin niya rito.

"Why me?" bulalas niya.

"Well," she shyly raised her shoulders. Umiwas ito saglit ng tingin. "I think you are well aware that I am a homebody at walang masyadong ka-close kundi ikaw lang..."

Nanlalaki ang mga mata na binalik niya ang tingin sa pangalan sa card.

My God! Kailan tayo naging close?

Yrina laughed softly. "Sorry, I know we are not really friends... Well, at least, to Max, you're close. Eh hindi ka naman pwedeng best man so..."

Nilapag na niya sa mesa ang card. "No," pigil ang emosyon na titig niya rito. "I don't want this."

Worry was now on the woman's face. "Oh, why?"

Napatitig siya saglit sa card. Kailangan niyang makaisip agad ng dahilan. Binalik niya ang tingin dito.

"K-Kasi... Kasi may shoot ako sa araw na iyan."

"Is that so?" dampot nito ng card para silipin ang nakasulat doon. Inangat ni Yrina ang tingin sa kanya. "Well, maybe we can move the date earlier or later..."

"Ano ka ba?" pagak niyang tawa. "Kasal niyo iyan. Why consider my schedule for that?"

Yrina lowered her eyes. "I think I have to. Or else, Maximillian might think I did not do good with the wedding preparations. We both know he highly regards you about—"

Sondra got the whole picture now. Yrina was trying to use her to please Maximillian. Kung saan nito nakuha ang ideyang iyon ay marahil mula sa image ni Millian. He had this image that he was a very caring older brother... or fatherly towards her. Lingid kay Yrina na sa totoo lang, bwisit na bwisit sa kanya ang lalaki at laging nagagalit sa mga ginagawa niya.

"It will be fine," paninigurado niya rito. "Ako na mismo ang magsasabi kay Maximillian."

Malungkot na tumango-tango ito. Sondra felt sad for Yrina somehow. Halos pareho lang naman sila ng sitwasyon— unrequited love. Pero hindi niya naman kayang pekein ang damdamin... ang inggit. Dahil kahit hindi naman ito mahal ni Maximillian, ang mga ito pa rin ang ikakasal sa huli.

"Nagkakaproblema ba kayo ni Max dahil sa akin?"

Nanlaki lalo ang mga mata niya. Alanganin ang naging tawa niya. "My God! How come we're going to argue just because of you?"

She internally face-palmed. Parang ang bitter yata sa pandinig ng mga nanulas sa kanyang bibig.

Yrina's smile was faint. "Kasi parang ayaw mo talagang pumunta sa kasal namin ni Max. And these days, aburido rin si Max kapag tinatawagan ko."

These days.

Oo nga pala, tatlong araw na rin pala ang nakakalipas mula nung umuwi sila galing ng Zambales.

"Inuusig siguro siya ng konsensya dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan," mataray na bulong ni Sondra sa sarili. Pinasigla na lang niya ang sarili, kampante na hindi iyon narinig ni Yrina. "Oh, don't mind him. Mainitin talaga ang ulo niyan."

Parang may mali sa pagkakasabi niya na mainitin ang ulo ng lalaki...

Yrina just nodded. Tumayo na si Sondra. She felt really awkward talking to Yrina. At mas matindi ang awkwardness dahil sa nangyari sa Zambales.

"Sorry, ha, Yrina? I really have to go."

She just smiled and nodded. "Okay, Sondra. Thank you for your time."

Naisipan niyang makipagbeso rito, kaya lang nakadama siya ng pagkaasiwa sa sarili. She felt like Judas... kapag bumeso pa siya ay nag-Judas kiss na siya.

Fine, it is also my fault but...

"S-Sige! Ciao!" paalam niya rito, hindi na tinuloy pa ang balak na gantihan si Yrina ng beso at tumalikod na lang.

Pagkasakay ng kotse, nilingon siya ni Manong.

"Miss Sondra, tumawag po si Sir Sam kanina sa akin," paalam nito. "Hindi niyo raw po kasi sinasagot ang tawag niya. Ihatid ko raw po kayo sa Goldex para makapag-dinner kayo ng sabay."

Gusto yata siyang bigyan ng heart-attack ng tadhana. Bakit sunod-sunod na ginugulat siya ng mga pangyayari ngayon? Her dad was inviting her now for a dinner? Kumalma rin siya agad. Maybe it was just for show. Siguro may makakasama silang mga kasosyo nito sa negosyo at gusto siyang isama para may maipagmayabang sa mga ito o ipalabas na okay sila.

"Whatever," relaxed niyang sandal. "Just take me there. Wala naman akong appointments today."

.

.

NANG MARATING ANG GOLDEX, maingat na tinungo ni Sondra ang elevator. Sa mismong opisina na ng kanyang ama niya ito hihintayin para makasabay ng hapunan. Alas-singko na rin naman ng hapon kaya siguro naman hindi ganoon katagal ang magiging paghihintay niya.

Habang naglalakad sa pasilyo, napansin niya ang isang babae na naglalakad doon.

Familiar... hilig niya ng ulo habang tinatanaw ang pagtalikod nito. Nasa unahan niya ito naglalakad at pareho sila ng tatahakin na direksyon.

Hindi ito nakasuot ng uniporme ng Goldex kaya naalala niya agad na si Hannah iyon. Napaawang ang mga labi ni Sondra nang makitang mula sa paliko ng pasilyo ay may biglang humila rito. Nakahanap siya ng bukas na pinto kaya mabilis na nagtago roon. Feeling niya kasi, sisilipin siya ni Hannah at ng kung sino mang humila rito mula sa pinagtataguang pader.

She let a few minutes pass before going out. Mabilis ang mga hakbang na narating ni Sondra ang dulo ng pader at sumandal siya roon para manainga.

"Hanggang kailan mo ba gustong matapos ang pagpapanggap na ito?" wika ng pamilyar na boses.

Boses ng lalaki.

"Sa lalong madaling panahon," bulong ni Hannah.

"Iyon naman pala, eh."

"It's not just me working here, Max," sagot nito.

Tinutop ni Sondra ng kamay ang bibig bago pa kumawala ang pagsinghap niya.

Maximillian?

"Gawan mo rin ng paraan iyang kasal mo para hindi matuloy," Hannah continued.

"I don't know how long I can take this. Things are getting out of hand earlier than planned."

"Don't tell me—"

"Not here," putol nito. "Go back to work. Baka padaan na rito si Sondra tulad ng sabi mo."

Wala nang sinagot pa si Hannah kaya mabilis na umayos si Sondra para magkunwari na padaan pa lang siya. Biglang sumulpot si Hannah kaya muntikan na silang magkabanggan.

Sumalubong sa kanya ang gulat nitong mga mata. Her hair was neatly tied in a ponytail. Nakasuot ito ng pencil skirt at pink checkered blouse.

"Good afternoon, Ma'am," bati nito.

She displayed her most composed look. "Good afternoon."

Nagtataka siya kung bakit hindi pa sumusulpot si Maximillian. Marahil may pinuntahan na itong ibang silid sa paliko na iyon ng pasilyo na pinagtaguan nila. She knew that would lead to her father's office in Goldex.

For some reason, Hannah knew how to maintain eye contact with her. May kung anong tapang sa mukha nitong pumapangalawa sa ganda ng pagkaka-blend ng sa kanya. She shrugged and stepped aside to let her pass.

"Thanks," maikli niyang wika bago ito nilagpasan.

Pero sa loob-loob, pakiramdam ni Sondra kailangan niyang paghandaan ang Hannah na ito.

Ano ang namamagitan sa kanila ni Maximillian? Tulad ba iyon ng iniisip ko? Is it romantic? Sondra's heart cracked at the thought. Is she your fling, Millian?

Wala sa pasilyong nilikuan niya si Maximillian. Nang marating ni Sondra ang opisina ng ama, tulad ng kanyang asumpsyon, inunahan na siya roon ng lalaki. Her father, Sam, threw a glance at her at the door. Ngumiti ito sa kanya.

"Sondra!" ikot nito mula sa desk para salubungin siya.

She turned to close the door. Niyakap niya ang ama at bumeso rito. She smiled at him and made it a point to avoid meeting Maximillian's soldering gaze. Kita ni Sondra sa gilid ng kanyang mata na nakatayo ang binata sa tapat ng desk ng kanyang ama. Paupo pa lang ito kanina sa isa sa mga visitor's chair nang dumating siya bigla.

Maximillian wore a pair of grey suit. Her father wore a cream-colored one.

"Why so casual today? You have no appointments?" pasada nito ng tingin sa kanya lalo na sa turtle neck na long-sleeved pa. "And you're so covered up."

"Oh yes," she faked a smile. "I got some rashes," simple niya ng sulyap kay Maximillian," from sea foods siguro. These days kasi I went to Zambales so—"

Nginisihan lang siya ni Maximillian, matiim ang titig sa kanya.

"I don't know you're allergic to sea foods," tango-tango lang nito at giniya siya sa visitor's chair katapat ng inupuan na ni Maximillian.

Ano nga ba ang alam ng ama niya? They never talked about very personal matters and also never had an intimate bonding as father and daughter.

"So," upo niya, hindi pa rin masyadong binibigyan ng pansin ang presensya ni Maximillian, "what's with this dinner, Dad?"

"We will be having dinner with the Villaluz tonight."

Kapag mga Villaluz na ang pinag-uusapan, nagliliwanag ang mukha niya dahil si Renante agad ang unang pumapasok sa kanyang isip.

"It means, Renante will be there?"

"You sound so excited," someone muttered. Nang-aasar ang ngisi sa kanya ni Maximillian nung inirapan niya ito.

"Yes," kumpirma ni Samuel pagkaupo sa swivel chair nito, walang napapansin sa kanilang dalawa ni Maximillian. "These past few days, Ronaldo and I had been talking. And he mentioned that Renante agreed on the wedding arrangement for the two of you."

"Wow," yuko niya saglit. Inatake siya ng pagkadismaya pero pinasigla na lamang ni Sondra ang sarili. "Actually, Dad, Renante and I have already talked about this."

Nagdilim ang anyo ni Maximillian. "Kailan pa?"

"That's why—" patuloy niya sa ama habang iniignora si Maximillian, "—I am not really surprised with this."

"I am more surprised that you are being cooperative now," ngiti nito sa kanya bago nilingon si Maximillian. "I am sure, Max has helped to somehow get you back to your senses. Thank you by the way, Max. I know I can count on you."

Pinilit ng binata na ngumiti rito bago binalik ang matalim na mga mata sa kanya.

"So, who's coming with Renante?" tanong ni Sondra.

"His parents, of course," anito. "And you will be with me and Max."

"Arrangements sa kasal na ba ang pag-uusapan?"

Mahina itong tumawa. "Why are you so excited about this? Don't tell me you really are in love with Renante. You don't seem to act like you are, because if you do, you could have been a couple a long time ago."

"Come on, Dad, he's my best friend. I know a life with him won't be that rough."

Sinipat ng ginoo ang suot na relo. "Then we'd better hit the road. I'll be joining you in the car," wika ni Sam sa kanya bago lumipat ang tingin nito kay Maximillian. "What about you?"

"I'll use my own car," tahimik na tayo ng binata at nauna na itong lumabas ng pinto.

"That man," tayo ni Sam kasabay niya. "He's moody these days."

Umikot na ang ama at niyaya siyang sabayan itosa paglabas ng office room.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro