Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twelve

IT WAS ALREADY SONDRA'S BIRTHDAY. Katabi niya ang mga kaibigan sa kama. Habang nakahiga roon, may puting mga face mask sila mukha. Hinihintay din nilang matuyo ang nail polish sa mga kuko nila kaya halos wala silang kagalaw-galaw.

"Sonny," basag ni Fritzie sa katahimikan nung feeling nito tuyo na ang mask at okay nang dumaldal, "last night pala, when you left with Tita Jessi, Maximillian was looking for you."

Her heart thumped. "Bakit daw?"

"Well, you promised him some cupcakes daw the other night pa," patuloy nito.

"That glutton," she muttered.

Oo nga pala, nagsabi siya na ipagbe-bake ito ng happy cupcakes. She knows a thing or two about baking. Mula pagkabata kasi nahilig na siya sa cupcakes, at ngayon-ngayon lang naisipang pag-aralan ang baking. Hindi niya natupad ang pangako noon kay Maximillian. Nung dumating kasi si Renante, siyempre, inasikaso niya muna ito. Tapos kagabi naman, magkahalo ang dahilan-- nakalimutan niya ang pinangako, naging busy siya kasama sila Stacey at naiinis na rin siya kay Maximillian dahil inimbitahan nito si Pepper.

"It's so weird, he'll visit your room that late for just some cupcakes," nguso ni Fritzie.

"He likes midnight snacks," mahinang bulong na lang ni Sondra para manahimik na ang kaibigan. Naiinis pa rin kasi siya sa lalaki at ayaw nang pag-usapan pa ito.

Lumipas ang buong araw na abala ang lahat sa paghahanda para sa birthday party ni Sondra. Matapos magpaganda, pinaiwanan na siyang mag-isa sa sariling kwarto para walang magkaroon ng ideya raw sa magiging hitsura niya mamaya sa party. Pumasok sa silid niya ang mga mag-aayos sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Sondra kasi limang tao ang mag-aassist sa kanya. Dalawa ang hairstylist, dalawa ang make-up artist at ang isa ay aalalayan siya sa susuotin na gown at sapatos.

Inuna ng mga ito ang pagme-make-up sa kanya. Lunod siya sa pagpuri ng mga ito sa ganda ng hugis ng mukha niya at sa kinis na rin ng balat. Tapos unat at bagsak pa raw ang buhok niya. Bagay daw siya maging commercial model ng shampoo. Hindi niya nga raw pinahirapan ang mga ito na pagandahin siya dahil nasa lahi na raw niya ang pagiging maganda. Lalo na at anak siya ng isang former beauty queen.

Nang mabanggit ng mga ito ang nanay niya, medyo nalungkot si Sondra. Her mother had been too emotional last night. Tapos ngayon, hindi pa niya nakikita ang ina. Medyo nainis siya sa sarili dahil pagkagising, mga kaibigan ang inuna niyang kamustahin. Hindi niya man lang pinansin ang walang paalam na pagkawala ni Jessica nung nag-almusal sila.

Nang matapos ang make-up, buhok naman niya ang inayos. Nanghinayang ang mga stylist sa sobrang ganda ng pagkakaunat ng kanyang buhok kaya hinayaan na lang nila iyon na ganoon na lang. What they did is attach some gold-colored hair extensions. Para tuloy siyang diwata sa ganda ng pagkakahalo ng kulay ng extensions sa kanyang natural na hair color.

And finally, her gown.

Her eyes widened when her gown was unveiled. Pinasok kasi iyon sa kwarto na nakasuot pa sa mannequin at natatakluban ng puting tela. Nang matanggal ang takip, tumambad ang isang gown na may pale-yellow na chiffon-like na tela. Off-shoulder ito na may napakahabang bagsak na chiffon sleeves. It had a corset strewn with silver lace and stitched gold-silver flowers. Shiny diamond studs were encrusted in the intricate corset design. The lace framed the shape of the gown's sweetheart neck line.

Natutop ni Sondra ang bibig. Hindi siya makapaniwala na ganoon kaganda ang pinagawa ni Maximillian na gown para sa kanya. Kahit gusto niyang suotin sana ang niregalo ng ina na kwintas, hindi magma-match iyon sa kulay ng gown. Kaya tinanggap na lang ni Sondra ang nakahandang kwintas para sa kanyang susuotin na isang gintong choker necklace.

Pagtayo sa harap ng salamin, masayang ngumiti si Sondra. Parang hindi na kasi siya ang nasa repleksyon niyon. It was as if she was looking at her future self, a more matured, womanly Sondra Hawthorne.

Lalo siyang sumigla nang pumasok sa kanyang silid si Jessica para i-check siya. Tuwang-tuwa siya nang makita ang ina na nakasuot ng long gown na yumayakap sa hugis ng katawan nito. It was a tube gown that was golden in color. Nakapusod ng pataas ang buhok nito at namamasa ang masayang mga mata na pinagmasdan siya.

"You're so beautiful!" hindi nito mapigilan na ibulalas iyon.

"Oh, Mom, I know," she smiled, feeling humbled this time, "because there's not a day that you never made me feel that way."

Jessica held her arm and gently patted her cheek. "Just stay relaxed, princess. Mamaya may susundo sa iyo rito para samahan ka sa ballroom, okay?"

She nodded, "Yes, Mom."

Ilang minuto pa at nagligpit na ng gamit ang mga nag-ayos sa kanya kanina. Nagpaalam na rin ang mga ito na babalik sa sari-sarili nilang mga silid na ini-provide para sa kanila kaya naiwan si Sondra mag-isa. She held her own hands and looked at the door expectantly.

Pero wala pa ring kumakatok para sunduin siya

.

.

SAMANTALA, NAGSISIMULA NA ANG CELEBRATION PROPER SA BALLROOM NG MANSYON. Malungkot na umiling si Jessica nang tanungin ito ni Maximillian kung makakarating ba si Sam, ang ama ni Sondra. Dahil doon, napilitan siyang ituloy ang okasyon kahit wala pa ang ginoo.

Maayos na in-assist nila ang mga bisita sa kani-kanilang mga seats. The ballroom was designed to have a center stage. Nasa likuran ng center stage ang isang mahabang sofa na uupuan ng debutante maya-maya lamang. The seat had a golden frame and gold-colored cushion with black prints. The backdrop were shreds of shiny foil that hung down.

The ceiling was decorated with faux enchanted-forest-like branches that stylishly hung down all over the room. Kasama ng mga ito na nakabitin ang mala-bubbles na ornamentong pabilog na gawa sa clear glass.

The tables had white cloths all over them. The seats were gold. The bottle-shaped candle-holders were sheer black and the candles were long, white and lit by mellow yellow flames. Gold-framed ang bakal na mga upuan na may clear glass seats at backrest.

May dalawang pahabang mesa para sa eighteen roses at eighteen treasures. Sa likuran ng mesa ng eighteen treasures ay ang pabilog na mesa na may gold table cloth para sa mga magulang ni Sondra. Sa likuran naman ng mesa ng eighteen roses ay ganoon din ang estilo ng mesang para naman sa tumulong sa pag-organize sa party.

It would be awkward if Jessica would be alone in her table. Sinamahan na lang roon ni Maximillian ang nanay ni Sondra.

His eyes darted on one of the seats for the eighteen roses. Kulang ng isang tao roon. Sinabihan na si Renante ng isa sa mga organizer na sunduin si Sondra sa silid nito.

Maximillian took in a deep breath. May ideya na siya sa magiging hitsura ng dalaga pero iba pa rin ang excitement niya na makita kung ang kalalabasan nga ba ay kung ano ang inaasahan niya. For his heart knew that Sondra would definitely still manage to surprise him.

.

.

ONE KNOCK ON THE DOOR and Sondra immediately stood up. Hindi pa siya nakakalapit doon ay bumukas na ito. She saw Renante. Napangiti siya nang makita ang lalaki. Why not? He looked so dashing in his black patterned suit and gold neck tie.

Ang gwapo-gwapo pa ng pagkakaayos ng buhok nito.

Si Renante naman ay natigilan. It was as if the very sight of her was that exaggeratedly breath-taking. Bahagyang umawang ang mga labi nito habang pinapasadahan siya ng tingin.

"Ang ganda mo ngayon," anito nang malapitan ni Sondra.

"Thank you," she smiled and clung her arm to his'. "Excited na ako sa hitsura ng party na hinanda ni Millian for me. Let's go na."

Renante shyly lowered his head and nodded. "Let's go."

Maingat na inalalayan siya nito habang bumababa ng hagdan. The gown was actually heavy, limiting Sondra's movement. Her best friend had been patient with helping her walk. Kapwa nila siniguradong hindi niya maaapakan ang palda ng suot na damit.

"Now I am absolutely sure that Maximillian took the planning for this party very, very seriously."

Lumapad ang ngiti niya. She could not help this pride she was feeling for Maximilian and his efforts. She was so, so proud of him. Narating nila ang dulo ng hagdan nang humarang sa kanya ang kaibigan. Ginagap ni Renante ang mga kamay niya at sinalubong ng malamlam na titig ang kanyang mga mata.

"Uunahan ko na sila," ngiti nito. "I want to be the first one to greet you a happy birthday, Sonny."

She smiled, very appreciative. Nakakahawa din talaga ang ngiti ng kanyang kaibigan.

"Thank you, Renante."

Sabay na tinungo nila ang pinto ng ballroom. Nakaabang doon ang organizer at pinuwesto sila bago sumilip sa pinto at sumenyas. Pinatay ang ilaw sa salas at nilakihan ang pagkakabukas sa double doors ng ballroom.

Abot-tanaw ni Sondra ang loob niyon. Pero pinatay ang mga ilaw at tanging liwanag lang ng kandila ang naaaninagan niya mula sa loob.

Sa center stage, may spotlight na nakatutok sa host ng party. Kabadong nilingon niya ang kaibigan kung saan nakakawit ang kanyang braso. Renante smiled at her reassuringly.

"The star of the night will shine the brightest in her entrance, she who was born on the 16th of March who grew up to be a fine woman and a fashion model at the young age of sixteen. She is a sweet girl to her loved ones, a joy to her friends and an inspiration to those who admire her. From a fairy princess to now, a woman who will be a queen of her own fate, let us all bask in awe to the splendor of Sondra Hawthorne."

Everyone stood up and a deafening applause welcomed Sondra as Renante guided her inside the ballroom.

Maingat ang naging paglakad nila kasabay ang pagtugtog ng classical version ng isa sa mga paborito niyang kanta. It was her favorite because Avril Lavigne sung it-- Innocence.

She was teary eyed, singing the words of the song in her mind as they walked along the carpet. Sa pagtuloy nila ni Renante sa silid, nagliwanag ang paligid. Para siyang sasabog sa saya. Everything looked like an enchanted forest fairytale bathed with gold.

She sung the lyrics in her mind, while admiring the interior of the ballroom-- the hanging branches, the candle lights and the hanging crystal-like bubbles.

Inisa-isa niya ang mga nadadaanang mga mesa. Nakapagitna sila ni Renante sa dalawang pahabang mga mesa kung saan nakatayo ang eighteen treasures at eighteen roses. All the females wore their own gold-colored gowns with different black outline or designs. The males, wore black suits with gold bow ties or neckties.

Inisa-isa niya ang mga mukhang naroroon. She appreciated how happy they looked upon seeing her and overwhelmed by the obvious shock yet admiration in their eyes. Parang ngayon lang siya nakita ng mga ito at kaaya-aya siya sa mga mata nila habang pumapalakpak.

The song resumed in her head while the classical instrumental of the song kept playing.

Sa likuran ng bawat pahabang mesa ay may bilugan pang mga mesa. One of the tables were not familiar with Sondra, but she was still happy that they came to celebrate this day with her.

Sa kabila naman, lalong lumapad ang pag ngiti niya. She felt her system shake a bit upon laying her eyes on her mother, happily clapping and teary-eyed. Katabi nito si Maximillian na mas mabagal ang pagpalakpak. How his blue eyes looked at her soulfully.

Then Sondra smiled. This makes me want to cry, she thought.

"Hey," masuyong bulong sa kanya ni Renante at pinisil ang kamay niya na nakapatong sa braso nito. "Don't cry, ha? Big girl ka na raw tonight sabi ni Tita Jessi."

Alam niyang hinaluan iyon ng biro ng kaibigan para pangitiin siya. It was effective.

Immune na si Sondra sa engrande na mga set-up at okasyon. Pero sa isipin na lahat ng ito ay pinag-effort-an gawin ni Maximillian para sa kanya? As Renante left her at the center stage to enjoy her own moment, hinanap agad ng kanyang paningin si Maximillian. His eyes were on her, staring. Hindi siya sigurado kung bakit tumigil ang lalaki sa pagpalakpak o kung bakit may pag-aalala na sa asul nitong mga mata. Sondra was too happy to mind. She smiled her best for him and her eyes spoke a lot of thanking to him.

The night resumed. Sinimulan muna ang eighteen treasures. Bawat isa ay nagbitaw ng mensahe para sa kanya bago iniabot ang kanilang mga regalo. Nakaupo sa mahabang sofa sa likuran ng center stage si Sondra noon at nilalapag sa kanyang tabi ang mga natatanggap na regalo. The one who gave her the biggest gift was Pepper.

"This gift," ang paliwanag pa ng babae na nakasuot ng makintab na gold gown, "is something to remind you about a quote that I read from a very beautiful book. It says, I hope your innocence stays with you. I wish for that because innocence makes girls sweet, and I know somebody who's going to love that pure kind of love and innocence on you. And that's my wish for you kaya ito ang gift ko."

Soon she will find out that Pepper's gift for her was a big teddy bear. At siyempre, hindi nagpatalo ang mga kaibigan niya. Si Kylie, as usual, mangiyak-ngiyak pa at halos sakalin siya sa yakap pagkaabot ng regalo.

Then the eighteen roses.

Tumayo si Sondra at pumuwesto sa center stage tulad ng instruksyon sa kanya. A slow music played and her heart was happy upon seeing Maximillian approaching her. She was happy, yet her heart slowly sunk. Hindi ba mga tatay ang first dance dapat ng debutante?

Since Maximillian arranged the whole party... ewan. Umasa lang naman siya na ito ang magiging last dance niya.

Malamang nag-substitute na naman ito sa tatay niya na hindi man lang nag-abalang dumalo sa selebrasyon ng birthday niya. Kinontento na lang ni Sondra ang sarili sa pagtitig sa binata.

Maximillian wore a golden suit with a black necktie. Dahil siguro sa lighting kaya parang nagmistulang ginto na rin ang dark blond nitong buhok. A stemmed white rose was on his lips and his hands held a shiny crown. Sondra held back her tears as the man stopped in front of her. Parang nawala ang lahat ng taong nasa silid na iyon at silang dalawa na lang ng lalaki ang natira. Mellow candle lights burned around them like passionate fire as the music began to sound sweeter to her ears. Her chest tightened as Maximillian lifted his hands to securely put the crown on her head. Pagkatapos, hinawakan nito ang puting rosas na kanina ay nakaipit sa mga labi nito.

Maximillian's blue eyes burned against hers and a loose smile escaped from his lips.

"There you go, you're already a fairy princess," he said lowly. May kalakip iyong paglalambing habang iniaabot sa kanya ang hawak nitong single-stemmed rose.

"Crazy," mahina niyang tawa.

"I still clearly remember what that nine-year-old told me, you know," maingat na hawak nito sa kanyang kamay na hawak ang rosas.

Pigil ni Sondra ang hininga nang maramdaman ang paghawak ni Maximillian sa kanyang baywang. Mabilis na hinapit siya nito, dahilan para maglapat ang mga katawan nila. She heard his deep breathing, Maximillian stole a glance at the ceiling, probably, praying to God, before he lowered his eyes again on her and inched a little distance between them.

"I'm eighteen now, it means," patuloy niya habang unti-unti na silang umiikot para sumayaw, "I already have different wishes in mind."

"You don't need to wish for anything, Sonny," bahagyang pagyuko nito para ilapit ng kaunti ang mukha sa kanya. "The world seems to offer everything you'll want and need right on your feet, princess. Since you were that young kid, you already knew that. Don't let adulthood change your conviction about how true that is. Everything you ever want and need always comes and you will always receive at your beck and call."

They made an immediate turn, and how Sondra wished that their dance would last until the very last hour of the party. After all, it was Maximillian himself who said that everything she wanted and needed was already offered to her, already laid right on her feet...

Matamlay na ang naging pag-ngiti ng lalaki habang unti-unting dumudulas ang mga kamay nito para pakawalan siya. At humalili na rito ang kanyang paboritong professor na may hawak na peached-colored single-stemmed rose.

.

.

IT WAS FINALLY RENANTE'S TURN TO DANCE WITH SONDRA.

Ito ang itinalaga ni Maximillian na magiging last dance ng dalaga dahil ito lang naman ang lalaki na kilala niyang malapit dito. Matiim ang naging titig niya sa dalawa. He had the idea that Renante was trying to be funny kaya nagpipigil ngayon ng tawa si Sondra habang magkasayaw ang dalawa sa center stage.

"Don't they look good together?" narinig niyang malumanay na wika ni Jessica.

Nilingon niya ito saglit. Napansin ni Maximillian na buong araw matamlay ang ginang. Hindi niya maintindihan kung bakit masyado itong emosyonal ngayong ganap na dalaga na ang unica hija nito. Ayaw naman niyang sabihan ito na nadagdagan lang si Sondra ng edad at hindi ibig sabihin niyon ay lalayo na ito sa kanila o anupaman, pero ayaw naman niyang pangunahan kung ano talaga ang dahilan ng kakaiba nitong kilos.

Tumama ang mga mata ng ginang sa kanya. Tiim-bagang na iniwas niya ang tingin dito. His face darkened upon seeing Renante's lips close to Sondra's ear. Sinadya na ilapit nito ang katawan, halos palapat sa kasayaw para bumulong.

He let out a sigh and lifted his glass. Hindi pa nga pala sine-serve ang mga wine kaya dismayado na binalik na lang niya iyon sa mesa.

"If you like my daughter, why did you choose Renante to be her last dance?"

Pagak na natawa siya at hinarap ang ginang. "What are you talking about?"

"Why would you wear a gold suit to stand out among the eighteen-- I mean, among the seventeen roses?"

"I just want to stand-out," iwas niya na lang ng tingin kay Jessica.

"I am not blind," matiim na titig ni Jessica sa kanya. "Kaya ngayon pa lang, sasabihan na kita. I don't want you for Sondra."

His jaws tensed. Tumiim ang mga mata niya kay Sondra. She definitely looked breathtaking tonight. The very existence of her in this party was like a dream. She exceeded his fantasies. She was more than what ethereal was. Nagsikip ang dibdib niya sa isiping iyon. It just hurts seeing how good she looked. Lalo pa nang masulyapan niya ang masayang pagtawa nito habang kasayaw si Renante.

"I don't want you because you are following Sam's footsteps," mapait na patuloy ng ginang. "And I don't want Sonny to end up like me," pigil nito sa pag garalgal ng boses.

"I don't want that as well," hirap ang kalooban na sagot ni Maximillian dito. "I don't want her to be miserable." Tinitigan niya si Jessica. "Be rest assured that I want nothing but the best for her. I have no personal interests. I care about her out of gratitude. She helped me through when I was grieving for my father's death. Sonny helped me adjust and move on with life. She and you and Sam treated me well. Kaya isang kabastusan siguro kung pagkakainteresan ko ang anak ninyo, 'di ba?"

"Good," ngiti ulit nito at tinutok nang ginang ang mga mata sa anak nitong kasayaw si Renante.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro