Chapter Sixteen
NAKALABAS NA ANG SASAKYAN NI RENANTE sa bakuran ng mga Hawthorne nang makatanggap ng tawag. He turned on his Bluetooth earpiece and put it on with one free hand.
"Hi, Dad."
Ronaldo's stern voice welcomed him. Maaga ka na namang nawala sa opisina.
"I just went out with Sonny, Dad."
He scoffed. Ilagay mo sa oras. Baka isipin ng mga Hawthorne, tayo ang naghahabol sa kanila sa set-up na ito.
He chuckled. "You worry too much, Dad. Kayang-kaya ko na ito."
You're also late for dinner too. Anong oras ka ba makakauwi?
Sumulyap ito sa orasan na naka-flash sa stereo ng sasakyan. Binalik nito ang tingin sa kalsada.
"I might come a little too late. May dadaanan pa ako."
Humigpit ang mga kamay nito sa manibela. His fists were itching to land on Maximillian's face and turn it into a pulp. Then he would see how that man would do with a damaged facial bone structure. Renante could feel now is the time to fight that bastard face to face. Kaya nito ang lalaki. Kinaya nga nitong siraan si Maximillian ng lingid sa kaalaman nito, 'di ba? He remembered...
Pumasok sila Renante noon sa Hawthorne mansion sa private island na iyon. Sinalubong sila ni Jessica.
"Oh, finally," napapailing na titig ng ginang kina Maximillian at Sondra. "Kung hindi pa kayo sinundo ni Renante, hindi pa kayo aahon."
Maximillian displayed his charming crooked smile. Yakap nito ang surfboard at nanginginig dahil binigay ng lalaki ang baon nitong tuwalya kay Sondra na may suot pang cardigan sa ibabaw ng suot nitong swimsuit.
"Pauwi na rin naman kami, Jessica," dahilan ng lalaki.
"Magbanlaw na kayo. Then you two join me and Renante in the dining room. Handa na ang dinner."
Tumatawang binatukan ni Maximillian si Sondra kaya pinanlakihan ito ng mga mata ng dalaga.
"Tara na!" nagmamadaling takbo ng lalaki paakyat ng hagdan.
"No running on the stairs!" saway ni Jessica kay Sondra na susunod na sana ng takbo kay Maximillian. "Kapag ikaw nadulas!"
Tinawanan lang ito ni Maximillian at Sondra na naghabulan pa rin sa hagdan.
He heard Jessica sigh. Naramdaman ni Renante ang pagpatong ng kamay ng ginang sa balikat nito.
"Tara na sa dining room, Renante."
They walked.
"You know, Tita," panimula ni Renante, umaakto na parang nahihiyang magsalita. "I... I don't really want to sound malicious... Pero kanina... it's... it's really weird... Ano..."
Tumigil ang ginang sa paglalakad at hinarap ito.
Renante looked nervous, but as usual, deep inside he always knew what he was doing.
"Nakakahiya, Tita Jessi, baka kasi sabihin mo... ano... pinag-iisipan ko ng masama si Kuya Maximillian."
"What happened?" nag-aalala nitong tanong.
"I saw him... sort of straddling on Sonny's back."
The woman was horrified. Umawang ang mga labi nito sa gulat.
"My God, Renante..." hila ng babae rito patungo sa dining room. "Don't mind that..."
"I'm just bothered. Pero siguro ganoon talaga kapag parang magkapatid na, right, Tita?"
"I've been noticing that kind of gestures lately," hindi na napigilang ibulalas iyon ng ginang. "I'll talk to Maximillian about it."
Nilihim ni Renante ang pag-ngiti.
Renante tapped on his steering wheel and searched for the nearest u-turn. Nagbago na ang isip nito tungkol sa pagsugod kay Maximillian.
He obviously did not listen to Tita Jessi. But I am glad that bastard got to his senses, at hindi pinanindigan si Sonny. I think what Tita Jessi said made him do so.
A grin formed on his lips.
.
.
SUMUSUKONG NAPABUNTONG-HININGA NA LANG SI MAXIMILLIAN at inekis ang mga braso. He stood wearing the same attire he had on in his office earlier— a grey pair of pants and a grey button-down short-sleeved shirt with pale white patterns.
The shirt sexily hugged his chest and sides. Nakabukas ang apat na butones niyon kaya hanggang ilalim ng dibdib ng lalaki ay maaaninagan. The sleeves fitted his firm biceps.
How could someone be so annoying and gorgeous at the same time?
His eyes steadied on Sondra. Puno iyon ng kaseryosohan.
"Here's why you are planned to be engaged with Renante. Sam wants you to get married with Renante for an alliance with the Villaluz." Mayabang na nag-taas-noo pa ang lalaki at nag-abang ang matalim nitong mga mata sa kanyang reaksyon.
"Tapos?" pamewang niya.
"Exactly, Sondra. Tapos ano?"
Kumunot ang noo niya. Of course, she was just being sarcastic, para asarin ang lalaki. Hindi ba nito gets na pinapahiwatig niyang alam na niya ang bagay na iyon?
"That's why I don't support it," kalas nito ng mga braso sa dibdib. He tucked his thumbs in his pockets, his body bent in a beautiful position. "If it doesn't make sense, we should not get so involved with it."
"How come it doesn't make sense?" matapang niyang pangunguwestiyon dito. "Renante's family makes a good alliance. The Villaluz' are one of the richest clans in the Philippines."
"Only in the Philippines," he followed that with a smug grin.
Of course, everyone else is small in Maximillian's eyes. He always prides about his father's legacy— Maxim Gerard Gold's international branches and companies. If only Maximillian got everything under his management, he basically almost held the world.
"Don't settle for less, Sondra. You deserve a man who holds the world than a mere country. Let me study this set-up," at tumalikod na ang lalaki.
"Is that all?" mataray niyang pahabol dito.
Tumigil ito pero hindi siya nilingon.
"Iyon lang ang reason ni Dad? For alliance? Don't you think there's a deeper reason? After all, we know that he's not the light type of person. Everything he does always has a big impact that drives him to make such decision."
"Exactly," nakataas ang sulok ng labi na hilig nito ng ulo. She saw his face in a side view, his gorgeous, sexy jawline. "That's why I said, let me study this set-up."
Pinanood niya ang paghakbang ng lalaki paakyat ng grand stairs.
"The way out is here," tukoy ni Sondra sa pinto sa kanyang likuran.
"I'm staying here for the night. Hatinggabi na, Sonny." He paused and tilted to face her direction. "And don't complain about it. Pinaghintay mo ako ng ganito katagal. It's you who's making me stay here. I am starting to wonder why you're making me do this."
She saw satisfaction in his grin when she could not come up with anything to say. This beast. Maluwag pa rin ang ngisi nito bago tuluyang tumalikod para iwanan siya roon.
.
.
.
***
.
.
.
KINABUKASAN, MAAGANG UMALIS SI MAXIMILLIAN para dumaan sa kanyang penthouse. Sa kotse na siya nag-almusal dahil kailangan niyang makahabol sa oras. May dinaluhan siyang board meeting sa Goldex Technologies kung saan wala siyang ni isang salitang binitawan. Panay lang ang pakikinig niya at ang pagsulyap sa kopya ng reports na parte ng agenda ng pagpupulong.
Nang matapos ang meeting, naiwan siya sa loob ng conference room para i-check ang kanyang cellphone. He let out a groan upon seeing Yrina's message.
I am here at Goldex, Max. See you after your meeting.
Kasama ang ama ni Yrina na si Jerico Romualdez III sa board ng kumpanya kaya naman hindi na siya nagtataka pa kung alam nito kung nasaan siya. He shoved the phone back in his suit's pocket and stood up.
Pagkalabas na pagkalabas pa lang niya ng silid may naulinigan siyang nagtatalo. Mabilis ang mga hakbang na nilapitan ni Maximillian ang pinagmulan niyon. Nakita niya ang pagpasok ng tatlong tao sa HR department. Naiwanang nakaawang ang pinto niyon kaya nanainga siya.
"Heto na siya, Ms. Mendez," wika ng isang lalaking empleyado.
"Please, take a sit, Ms. Hannah."
"Miss Mendez," matatag na wika ng babae, "I have job to do today."
"We received complaints of your consistent being out of post during duty. Care to explain?"
"Sinasabi ko sa inyo, Ma'am, nagpupuslit ang babaeng iyan ng files natin!"
"How come?" depensa ni Hannah. "Do you have any proof?"
Doon na nanghimasok si Maximillian na kinagulat ng mga ito.
"Someone is stealing our files?" maawtoridad niyang wika na gumulat sa mga ito.
Hindi tuloy nila malaman kung paano siya babatiin. Nataranta ang karamihan at nautal pa sa simpleng pagbati lang ng good morning sa kanya.
His dead-set eyes turned to the girl who was probably Hannah. She was a young-looking lady. Nakasuot ito ng pencil skirt na itim at puting blouse. It was not the formal uniform of Goldex Technologies, which made it obvious that she was an intern.
"Sir Maximillian," panimula ni Ms. Mendez, ang HR manager na may pagkapatpatin at bob cut ang hairstyle. Suot nito ang uniporme ng Goldex para sa HR department na ternong pencil skirt at blouse na itim na may logo ng kompanya. "May kaunting problema lang po rito sa bagong intern pero ise-settle na namin ngayon din."
"An intern," he placed one hand to his hip. Pinasadahan niya ng tingin si Hannah. She looked innocent-- a sweet heart-shaped face framed by wavy hair strands that fell from her messy bun. Pagkatapos ay bumalik ang mga mata niya kay Ms. Mendez. "And you are accusing an inexperienced, graduating college student of stealing company files?"
Napatitig lang sa kanya ang dalawang lalaking office staff na may pakana ng pagsusuplong sa dalaga sa HR Department.
"Pag-uusapan namin ito, Sir—"
"What is here to talk about?" bahagyang pagtataas niya ng boses. "We hire interns here so that we'll see their potential. And if they have potential, so that we can easily absorb them in the company! Now, if you're going to treat an inexperienced young lady like that, do you think she'll say something nice about Goldex in her internship report?"
Nahihiyang bumaba ang mga mata ng mga nasa silid na iyon. Humahangang napatitig lang sa kanya si Hannah.
He let out a sigh and shook his head. Tinutok niya ang mga mata sa dalaga.
"You. Let's go. Return to your post."
Nahihiyang napatango ito. "T-Thank you, Sir."
Pinauna niya itong lumabas ng silid bago sumunod si Maximillian. Maingat na nilapat ng mga naiwang staff pasara ang pinto. Sinabayan niya ang dalaga sa paglalakad sa pasilyo.
"T-Thank you," nahihiyang tingala nito sa kanya, "Sir Max."
Natahimik sila saglit, umaani ng nagtatakang mga tingin mula sa nakakasalubong nila sa hallway. Binulsa lang niya ang mga kamay sa pantalon.
"Next time, iwasan mong maging mainit sa mata ng mga tao rito, Miss."
Masayang tumango-tango ito.
Nilagpasan niya ito nang matanaw si Yrina sa waiting lounge sa palapag na iyon. Mabilis na tumayo ang babae at tinapunan ng matalim na tingin si Hannah. Biglang may naalala si Maximillian. Nilingon niya ang babae.
"Miss," aniya kay Hannah, "I will be here this Friday. Let's have a lunch out."
Nanlaki ang mga mata nito.
Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Maximillian was charming indeed.
"I just want to compensate for how the staff treated you."
Nahihiyang tumango lang ang babae at nagmamadaling umalis na. Paglingon niya kay Yrina, hindi na maipinta ang mukha nito.
"Who is that?"
"A new friend," he shrugged. "What brings you here?"
Naglakad na siya kaya sumunod ang babae. Yrina looked as decent and soft as the conservative type of a lady. Nakasuot ito ng puting bestida na humuhulma sa may pagka-athletic na hubog ng katawan nito. Maayos na nakapusod ang buhok ng babae.
"A new friend, and you're already asking her for a lunch out this Friday."
"The poor girl got into an unreasonable interrogation in the HR Department. I have to somehow make her feel that she's still welcome here in Goldex."
"That's too much."
Mahinang pagtawa lang ang kumawala mula sa mga labi ni Maximillian. "You haven't answered my question yet, Yrina."
"Gusto ko sanang sabay tayong mag-breakfast. I just found out kasi na nag-stay ka kagabi sa Hawthorne mansion. So I figured, baka nagkumahog ka papunta rito sa early meeting at hindi na nakakain. I also hope you can call-off some of your appointments this afternoon para masukatan ka ng suit."
Pigil niya ang matawa. "You should have inquired my secretary— Marissa. Sometimes, I make her run errands regarding my clothes. She has a note about my sizes."
"Bakit parang wala ka man lang enthusiasm sa kasal na ito?" harang sa kanya ng babae. Kita sa mga mata nito ang pagtitimpi sa emosyon na gusto nang sumabog. His bored eyes met hers.
"Because I am not enthusiastic," mayabang niyang ngisi. "I have things to review in the office, so if you'll excuse me." Maingat na tapik niya sa pisngi ng babae. "I have to go. Don't skip breakfast. Grab some now. Para may energy ka sa pag-asikaso sa kasal natin."
.
.
BUONG ARAW KASAMA NI SONDRA ang manager na si Alisha. Una silang pumunta sa publishing company ng magazine na pinag-photo shoot siya sa Paris. Pumunta sila roon para sa final meeting. Kasama na rin sa pagkikitang iyon ang pagbibigay ng mga ito ng ilang complimentary copies. Mga kopya iyon ng susunod na isyu ng magazine kung saan siya ang featured model at cover girl.
Sondra bit her lower lip. Excitement shone in her eyes upon seeing how beautiful her photos turned out to be. Mabilis niya ring binuklat ang nasa centerfold at halos mapanganga siya. She really, really loved how professionally the shots were taken.
Sampung complimentary copies ang binigay sa kanya tulad ng ni-request niya. Plano niya kasing itabi ang iba. Ang iba naman ay ibibigay niya sa mga kaibigan. May padadalhan din siyang admins ng kanyang fan page para makatulong na rin sa pag-promote sa bagong magazine kung saan siya lalabas.
Pagkatapos, nakipag-picture taking pa sa kanya ang mga staff doon. Sondra smiled and put on her sunglasses before she catwalked out of the building. Pinagbuksan siya ng pinto sa kotse ng driver na nakaabang sa kanila ni Alisha.
Tumabi ang manager sa kanya nang makaupo na. Nasa late forties na nito si Alisha at binitawan na ang ibang mga talent na hawak dahil sa kanya. Kahit kasi medyo may attitude si Sondra, siya ang may pinakamaraming projects sa mga handle nito. And for some reason, the woman was also emotionally invested in her.
Hindi man iyon ipakita ni Sondra, medyo malapit na rin ang loob niya rito.
"Where to next, Alisha?" sulyap niya rito, suot pa rin ang kanyang sunglasses. Nakasuot lang siya para sa araw na iyon ng pulang lipstick, simpleng tank top at fitting jeans. Her feet wore a pair of ankle boots with sharp heels.
"Deretso na tayo sa headquarters ng Moderno," sagot nito, gayak na gayak sa suot nitong blouse at tattered jeans. Malalaki ang makulay na mga hikaw ng ginang. "As a reminder, last month, bago tayo pumunta ng Paris, may pinirmahan tayong kontrata na magmo-model ka ng ilang mga clothing pieces na ipi-feature sa magazine nila."
"Good," she smiled and bit her lower lip. "I am in the mood to wear something trendy this time."
Sinundan iyon ng mahina niyang pagtawa.
Pagkatapos ng mga appointment para sa araw na iyon, dumiretso na rin ng uwi si Sondra sa mansyon. Nakakapagod din ang pakikipag-socialize sa iba't ibang mga tao. Gayundin ang pagbibigay ng side comments para sa naging briefing sa kanya kanina kasama ang crew at staff ng Moderno.
She was introduced to everyone who will be part of her photo shoot in Zambales. Pinakita na rin sa kanya ng mga ito ang pieces na kanyang isusuot— mula sa mga dress, swimsuit, hanggang sa mga accessories. They also gave her an insight on the theme they were trying to capture for the photo shoot.
"Good evening, Ma'am Sonny," bati ng isa sa mga katulong.
"Good evening," matamlay niyang ngiti dala ng pagod. "Si Nanay Fely?"
"Nag-aasikaso lang po ng hapunan niyo, Ma'am," magalang nitong sagot. "May bisita pala kayo, Ma'am. Sa garden po siya naghihintay."
Kumunot ang noo niya. "Sino?"
"Si Ma'am Yrina po."
Bullshit.
She faked a smile. "Okay. I'll go and meet her. I hope no one comes to call me for dinner. Ako na mismo ang didiretso sa dining room."
Tumango ito. "Sige po, Ma'am."
Her high heels tapped heavily against the tiled floor. Patuloy ang ganoong bilis ng kanyang mga hakbang kahit abot-tanaw na ni Sondra ang hardin. Her wavy hair and firm breasts bounced as she walked. Her hips swayed from her catwalk that her arms moved along to. Hindi niya na hinubad pa ang sunglasses. Pagkalingon ni Yrina sa kanya, sumunod ang mga mata nito.
Sondra took a seat across where the guest sat.
Tatayo sana si Yrina, babati yata pero nagtaas na siya ng isang kamay. Mabilis na sumabay ito ng upo sa kanya.
"What brings you here?" walang paligoy-ligoy niyang tanong. Hangga't maaari ay maitaboy na sana niya kaagad ang babae.
"Hi, Sonny, nice to meet you. The last time we've met, konti lang ang naging time natin para mag-usap."
Pinigilan ni Sonny ang makaramdam ng guilt. Naiinis kasi siya sa babae na wala namang kamalay-malay para sa feelings niya para kay Maximillian. It just meant that if ever Yrina was a part of the reason why she was bitter and hurting right now, the woman did not intend to make her feel that way.
Kaya naman kahit naiinis na makukuha nito ang lalaking mahal niya, kinokontrol ni Sondra ang sarili. Pinipigilan niyang ibunton ang nararamdaman sa babae.
Ayaw din naman niyang maging sinungaling dito.
Hay, ang hirap.
"Yeah, sayang," pagak niyang tawa. She crossed her legs. Pinatong niya ang isang siko sa arm rest at nilaro ang naabot na hibla ng kanyang buhok. "So, are you just here for a chat? I don't want to be rude but... I'm actually tired from my appointments today."
"I am sorry for being a bother," she humbly lowered her eyes and shyly smiled. "Wala na kasi akong ibang malapitan. I mean, even my parents are unable to shake Maximillian a bit."
"Shake Maximillian?" hindi niya makapaniwalang saad, tila gustong matawa. "What do you mean with shaking him? Trying to wrap him around with your fingers, is that it?"
"Not exactly like that," titig nito sa kanya. "Lately kasi, he's being uncooperative with the wedding preparations."
"Oh," hindi pa rin niya nakuhang matuwa sa nalaman. But that doesn't mean she doesn't like the thought of it. Pero hindi niya talaga makapa sa dibdib ang tuwa sa nalaman.
"My parents tried to talk to him about it, pero ngayong umaga na nagkita kami sa Goldex, parang wala pa ring nagbabago."
"And you think I can help you with that?" sarkastiko niyang tawa.
Magsasalita sana si Yrina pero natigilan ito sa pagkawala ng kanyang tawa habang napapailing.
"Oh, sorry!" pilit niyang pinakalma ang sarili. "It's just funny that you have the idea that I can help you with that."
"I know you can help me. Maximillian always put you above anything else."
Natigilan siya sa sinabi nito.
"So, it means, he also values your opinions, right?" dugtong pa ni Yrina.
Me? Being put above anything else by Millian? What a lying bitch.
"So," patuloy ni Yrina, "I wonder if you can talk to him about this."
A breath escaped from her lips. "Look," she lowered her tone, pailalim ang sulyap kay Yrina sa ilalim ng suot niyang sunglasses, "if I talk to him about this, he'll know right away that you came here to ask for this favor."
"Just... just make up something. Kunwari, naisip mo lang ako bigla," pagsusumamo ang nasa boses nito. "Kunwari may nakita kang isa sa mga charities na pinuntahan ko. Build me up a little, Sondra, please?"
Bitch, I want you out of his life, what makes you think I will build you up for him to like you? Sondra rolled her eyes. Ayos lang sa kanya dahil nakasuot naman siya ng sunglasses.
Pero may kakaibang awa na nangungulit sa kanya habang nakatitig kay Yrina.
Poor bitch. I was once like you... as helplessly in love like that with Millian. We somehow look the same when we talk about him. We looked so soft and mindlessly love blinded... We looked the same by the time when I thought he's a prince... an angel... an unreachable man... But girl, you'll change... When you realize he's actually a beast, you'll change...
Sondra bit her lower lip.
"Please, Sondra," pakiusap na naman nito.
"I'll do what I can," she sighed in resignation.
"Oh, thank you!" masayang usog nito ng pagkakaupo palapit sa kanya. "One more thing—"
Tumalim na ang mga mata niya rito. Parang inaabuso na yata siya ni Yrina at nakuha pang humingi ng isa pang pabor.
"What?" mataray niyang tanong.
"I just want to ask if you know this Hannah. She works at Goldex. She's an intern according to the staff there."
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "Aba, ano ba ang pakialam ko sa mga empleyado sa kompanya ni Millian? I don't meddle with our family's nor Millian's businesses."
"Okay," bagsak ng mga balikat nito. "I just thought you are familiar with her. Hindi naman siguro siya kinukwento sa iyo ni Max, right? O nadadala rito sa Hawthorne mansion?"
Now that intrigued her. Ano ba ang gustong palabasin ng babaeng ito?
"Feeling ko kasi, may gusto sa kanya si Max."
Nanlaki ang mga mata niya. Holy fuck.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro