Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seventeen

"OH, MY, GOD!" taas ni Stacey sa kopya ng magazine. Lalabas pa lang ito sa susunod na buwan kung saan si Sondra ang cover. Pero dahil sa complimentary copies ni Sondra, sila pa lang ang makakakita niyon. "You're a freaking goddess in this one, girl!"

She smiled widely. "Told ya, I can do that Paris photo shoot."

Kasalukuyan silang nasa pool area ng mansyon na tinitirahan ni Stacey. Doon nila napagkasunduang magkita-kita para sa araw na iyon ng Huwebes. Nakaupo sila sa benches malapit sa pool, nakasuot ng kanya-kanyang mga swimsuit. Hindi pa sila lumulublob sa tubig dahil hinihintay pa nila si Cynthia na nagbibihis pa.

"Huwag mong bibigyan si Renante nito, ha?" paniningkit ng kaibigan ng mga mata sa kanya. "You're really a goddess in this one. Baka tuluyan na siyang magkagusto sa iyo."

"Siyempre hindi ko siya bibigyan, no" tawa niya. Pero kahit hindi naman niya bigyan ng kopya ang lalaki, makikita pa rin nito ang magazine kapag na-distribute na sa bookstores at news stands.

Nanlalaki pa rin ang mga matang napapatutop ng bibig si Kylie habang nakatitig sa kopya nito ng magazine. Fritzie smiled in satisfaction. Modelo ito kaya naman kapag maganda ang isang photography ganoon ito katahimik at ka-appreciative ang reaksyon.

Humiga na si Sondra sa likuran ni Stacey at sinuot ang sunglasses. Dinama niya ang init ng araw habang nakapikit ang mga mata.

"So, Sonny, next week wala ka rito?"

Panibagong buwan na naman sa susunod na Linggo at mukhang magiging mas busy siya kaysa sa buwan na ito.

"Yeah, I am going to Zambales for a photo shoot with Moderno."

"Oh, sweet," nakangiting binaba nito sa mesita ang magazine at tinabihan siya ng higa. Nakasuot na rin ito ng sunglasses. "Sunod-sunod na talaga ang photo shoots mo, girl. I hope pwede ka ring magmodel sa jewelries ko."

"Oo naman no," ngiti niya rito. "I'll gladly do that even for free!"

"I'll still pay you," anito. "I can afford it, no."

"Whatever, just let me know," siksik niya rito.

Their skin basked underneath the warm glow of the morning sun. Nakasuot si Sondra ng pulang monokini, si Stacey naman ay sexy na puting two-piece bikini.

"Stacey," aniya, "alam mo, kagabi, pinuntahan ako ni Yrina."

"Mm," panenermon ang nasa tono nito. "Iyan na naman, ini-involve mo na naman ang sarili mo sa love life ni Maximillian."

"Umiiwas naman ako, okay?" depensa niya. "But this Yrina came to me, and she's asking me to build her up for Millian."

"For what? Eh ikakasal na nga sila, 'di ba? Nagwagi na ang bitch na iyon, ano pa ang gusto niyang mangyari?"

"She mentioned this Hannah. She thinks Millian likes that girl."

Stacey let out a groan. "My God, ganoon ba talaga kagwapo iyang si Maximillian?"

Nanunuksong siniko niya ito.

"Aw!" daing agad ni Stacey.

"Palibhasa si Renante lang ang gwapo sa paningin mo, eh."

"Bitch," kurot nito sa tagiliran niya, natatawa tuloy si Sondra habang napapadaing din sa ginawa nito. "You know I don't like him! Siya ang sumisira lagi sa mga GNO natin noon, girl! So pakialamero and KJ! Nakakainis, 'di ba?"

"Hey bitches!" pakikisali sa kanila ni Cynthia. "Ang sarap ng kwentuhan ng mga girls ko, ah!" at pinagsiksikan nito ang sarili sa kanila.

"Use the other bench, Cynthia!" Sondra whined. "You're a big girl to fit in here!"

"Bitch!" natatawang palo nito sa gilid ng hita niya. Tumayo na si Cynthia na sexy sa itim nitong string bikini at humiga sa isa sa mga bench malapit sa kanila.

"Stacey," pangungulit na naman niya sa katabi, "ano ang gagawin ko?"

"Huwag kang makialam," mariin nitong sagot. "That's what you are going to do."

Nanahimik na lang siya.

"My God, Sonny, kakalbuhin kita kapag naki-involve ka sa magulong buhay niyang si Maximillian."

"Hey, Stacey," angat ni Cynthia ng ulo, naniningkit ang mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag ng araw, "what's with the bitching over there?"

"May marupok na naman dito!" sumbong ng bruha.

Wala sa loob na tinulak ito ni Sondra sa balikat. "Bitch!!!"

.

.

.

***

.

.

.

"THIS IS WAY TOO FAR FROM YOUR DAD'S OFFICE, SONNY," reklamo ni Kylie sa kanyang tabi. Ito ang may hawak ng manibela. Siya naman ay medyo nagtatago sa likod ng bintana ng sasakyan.

Maingat na sumilip si Sondra sa katapat na restaurant. Her eyes tried as much as possible to see through the glass wall.

"Okay, find us a parking space and let's have lunch here," pasya niya.

Naningkit ang mga mata ng kaibigan at tinanaw ang gusali na katapat ng restaurant. Mataas na nakatindig doon ang Goldex Techonologies.

Matapos maiparada ang kotse, pumasok na sila sa loob ng restaurant.

"I'm screwed when the girls find this out," nag-aalalang gala ni Kylie ng mga mata sa paligid. Her friend looked girly and petite in her pink frilly sleeveless top and straight pants. Siya naman ay may lakas ng loob na lumabas na nakasuot ng button-down blouse na pink at above-the-knee na paldang puti.

Dama niya ang pagtutok ng ilang mga mata sa kanila habang nilalagpasan nilang magkaibigan ang bawat mesa. Dinala niya si Kylie sa ikalawang palapag ng restaurant. Pumuwesto sila sa isa sa mga seats doon.

"Banda roon laging pumupwesto si Millian," paliwanag niya sa kaibigan habang binubuklat ang menu card. "So, if it is true that he invited this Hannah for a lunch out this Friday, diyan sila pupuwesto. They won't go too far, I think, since Hannah has a limited time for lunch."

"Alam mo," gigil na bulong nito, "nakakainis ka. Naghahanap ka talaga ng ikasasakit mo, ano?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "I am just curious if Yrina is telling the truth. You girls know how much I hate Millian already."

"Stacey said stay out of Maximillian's love life, Sonny."

"I am staying out already. Hindi naman ako makikialam no? Ayoko lang na clueless ako sa mga nagaganap. Hindi ko masasagot-sagot si Millian kung wala akong alam sa mga nangyayari, Kylie. That's how you rebel, girl... you should know what you're getting into."

"My God," suko na lang ni Kylie at tumingin na ito sa menu card. She instantly smiled. "Wow! Crème brulee!"

"Don't order too much," bulong niya rito. "Dapat mauna tayo kina Millian na umalis mamaya. I'll just see if there is really this Hannah, then we're leaving."

Napanguso na lang ito. "I'll have this pasta then and a crème brulee."

Wala pa ring umuupo sa mesang iyon na tatlong mesa ang pagitan sa pwesto nila. Inokupa kasi nila ni Kylie ang pinakadulong mesa sa silid na iyon. Ilang minuto pa at dumating na ang mga in-order nila.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pagdating ni Maximillian. He walked with such confidence and grace, wearing his cream-colored suit neatly. Nakasunod dito ang isang dalaga na parang mas bata pa sa kanya.

Lalo tuloy naningkit ang mga mata niya.

She works in Goldex daw pero hindi uniform niyon ang suot?

"Girl," masayang wika ni Kylie sa kanya, "I am glad we came here. Ang sarap ng crème—"

"Shh!" panlalaki niya ng mga mata rito at ginamit ang sariling mga mata para ituro sila Maximillian.

Sabay na umupo ang dalawa sa mesa na laging pinupwestuhan ni Maximillian. Napalabi siya.

Noon kasi, siya ang laging kasama ng lalaki sa mesang iyon. Noong hindi pa siya eighteen. Dahil lumipat ito ng bahay noon, dito sila minsan nagkikita. Dito noon pasimpleng nagnanakaw si Sondra ng oras ng lalaki para makakuwentuhan ito. Para makamusta ang pagte-training nito.

Paglingon kay Kylie, tila kanina pa ito nakatitig sa kanya at nagpipigil ng tawa.

"What?" she hissed in a whisper.

"Ano? Happy now?"

Matalim na ang sunod na naging pagnakaw niya ng sulyap sa dalawa. Both of them talked seriously while waiting for their order. Then all of a sudden, this Hannah seemed to laugh a little. Kita niya ang pag-iling ni Maximillian at ang pigil nitong pagtawa.

Oh, God, I really hate him.

"Finito," masiglang anunsyo ni Kylie nang maubos ang panghimagas nito. Bumaba ang mga mata ng kaibigan sa steak niya na wala man lang kagalaw-galaw. Puro inom lang kasi ng orange juice ang nagawa ni Sondra kanina habang excited na nag-aabang.

"Tara na," anyaya nito.

"Teka lang," nakaw niya ulit ng sulyap kina Maximillian. Nakikinig na lang ang lalaki na tumatango-tango habang nagkukwento si Hannah. The girl always smiled. Sondra impulsively rolled her eyes.

Ngiti ng ngiti ang bruha. May sira ba ang babaeng iyon sa ulo? Feeling yata kinikiliti sa ano...

"Wala ka namang nakakain dito," nag-aalalang wika ni Kylie. "Isa pa, nakita mo na ang gusto mong makita. So, let's go, before he notices us."

Naalarma siya roon kaya nagmamadaling sinukbit ni Sondra ang maliit na shoulder bag na may mahabang chain strap. Maingat na pumuslit sila ni Kylie palabas ng restaurant. Pababa pa lang siya ng hagdan nang makarinig ng pag-usog ng upuan. She accidentally threw a gaze and saw Maximillian standing up. Nagpaalam ito sa kasalo sa pagkain bago nag-angat ng tingin.

Sa takot na makita nito, mabilis na tumakbo si Sondra at tinulak si Kylie para bilisan nito ang pagbaba ng hagdan.

.

.

.

***

.

.

.

SABADO. Dahil may usapan sila ni Renante, sinundo si Sondra ng lalaki sa Hawthorne mansion. They did what they usually do when they hang-out. Nagjo-joyride sila at iikot pabalik sa Manila. Pagkatapos, kakain sa isang restaurant at magkukwentuhan.

Pagsapit ng gabi, naroon ulit sila sa rooftop restaurant na lagi nilang pinagkakainan ni Renante.

"You know, Renante, kapag natuloy ang kasal, separate pa rin dapat ang properties natin," patuloy ni Sondra habang nagdi-dinner na sila ng lalaki.

Oo, hindi pa malinaw ang tunay na dahilan kung bakit pinapa-engage sila ng mga magulang, pero dalawang matured na mga tao naman sila ni Renante. Kanina lang ay napagkasunduan na nila na kung makakabuti nga na ikasal sila, dapat ay planado na nila ang magiging set-up sa pagsasama nila.

"So, you are seeing a possibility na maa-annul din tayo?" payapa ang ngiti ng kanyang kaibigan at nakahilig ang ulo habang nakatitig sa kanya.

"Of course," mahina niyang tawa. "I mean, siyempre, ikaw din ang iniisip ko. What if you fall in love with someone, right? Hindi ko naman kayo pipigilan."

Sana makaya ni Stacey na magtiyaga-tiyaga sa paghihintay kay Renante... That is... if ever na hindi na namin matakasan ang set-up na ito.

I will let them have a relationship anyways. Sa kontrata ko lang naman magiging asawa si Renante.

Napayuko siya at nanlumo sa naisip. Napunta na naman kasi siya kay Maximillian.

Si Millian nga, 'di ba, chill lang sa kasal nila ni Yrina?

Then there's this Hannah.

Napasimangot siya.

Now, who is that bitch in Millian's life?

"Well," putol ni Renante sa kanyang pagkawala sa kasalukuyan, "let's just hope na hindi matuloy 'yung arrangement sa atin."

Ngumiti siya sa lalaki. "Right. Let's hope for that."

And she found it awkward when Renante's stare remained on her.

"Hey," usig niya rito. "Natulala ka na sa akin."

Mahina itong natawa at umiwas saglit ng tingin. "I just wonder, how can you be that strong?"

"Me? Strong? Hindi nga ako makaalis sa poder nila Dad at Millian."

"That's what made you strong. You're strong enough to stay."

Touched na napatitig siya sa mga mata ng lalaki. "Kahit naman si Mom, she's strong enough to stay. It's just so sad to think na sa simpleng bangungot lang siya namatay."

"I'm sorry, Sonny. But I really can't keep this. I want to punch that bastard Maximillian."

Napatitig siya kay Renante. He looked composed and was still smiling, pero hindi pwedeng magkamali ang kanyang pandinig. Nakakatakot ang dating ng pagbabanta sa tono ng pananalita nito.

She nervously laughed. "Is this about what happened between us? Just forget it, will you?"

"You carry that memory with you until now, Sonny," malumanay nitong saad. "And it still affects you, so how can I not hate him for scarring you for life?"

"Look at me," titig niya sa mga mata ni Renante. "I can manage. I can even look Millian into the eye as if nothing happened."

"He's not stupid, Sondra," he looked pained all of a sudden. "I think he knows you're being hard on him because you're putting up this defense mechanism. And what irritates me more is that he doesn't really seem to care. Patuloy lang ang takbo ng buhay para sa kanya."

Napayuko na lang siya. "Tama na, Renante," seryosong saway niya sa kaibigan na narinig niyang huminga ng malalim at pinakalma na ang sarili.

"I'm sorry, Sonny," he spoke under his breath and they resumed eating.

Pero tumimo pa rin sa isip ni Sondra ang mga sinabi ng lalaki. Nakakahalata nga ba si Maximillian na lahat ng pagrerebelde niya ay para lang pagtakpan ang totoong nararamdaman para rito? Ang lahat ng kanyang sama ng loob? Dahil ang totoo, kahit ipalabas niya sa lalaki na hindi talaga siya affected sa nangyari dati, heto at nagdudusa pa rin ang puso niya hanggang ngayon.

Nakakahalata nga ba talaga ito pero walangpakialam?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro