Chapter Seven
"OKAY, GIRLS, I AM ALREADY HERE!" maarteng may pagkendeng pa sa paglakad ni Stacey papasok sa silid ni Kylie.
Masigla pa ito nang matigilan dahil nakitang umiiyak si Sondra. Nagmamadaling nakigulo na sa kamang iyon ang kaibigan. Stacey cupped her hands on her face. Pinihit nito paharap ang mukha niyang basang-basa ng mga luha.
"What's wrong?" nag-aalala nitong tanong at tumaas ang isa nitong kamay para punasan ang basa niyang pisngi.
Dama ni Sondra ang panginginig ng sariling mga labi. Buti na lang at nakaya niyang kontrolin ang sariling emosyon kaninang kasalo niya sa pagkain ng almusal ang ama at si Maximillian.
Naalala ni Sondra ang scenario kanina. Ilang minuto pa lang siyang nakakaupo mula nung tanungin niya ang mga ito kung kailan sa tingin nila siya magiging handa para ipakasal kay Renante. Matagal siyang naghintay ng sagot pero tumahimik lang ang dalawang lalaki. Pinagpatuloy ni Maximillian ang pagkain na parang walang narinig. Ang kanyang ama naman ay nagbasa lang ulit ng diyaryo at inubos ang kape nito bago sila iniwanan.
Hindi na talaga niya ito nakakasabay sa pagkain.
Nung sila na lang ni Maximillian ang natira sa hapag, hindi siya nito pinapansin. Mukhang walang balak ang mga ito na kunin man lang ang side niya o approval tungkol sa balak nila para sa kanya.
Napakasakit dahil... sila na nga lang ang malalapit sa kanya, tapos sila pa ang sumisikil sa kalayaan niyang piliin kung ano ang magpapasaya sa kanya.
Kaya naman pagkakain, mabilis na nag-gayak si Sondra. Tinawagan niya ang mga kaibigan na kitain siya sa bahay ni Kylie na mas malapit sa kanyang tinitirahan. Sondra arrived in Kylie's white and mint-green-colored room. Naroon na si Fritzie na mausisa kaya kahit wala pa si Stacey ay napilit siya nitong ikwento ang mga nangyari.
Pagkakwento, pareho sila ni Kylie na naiyak sa inis. They kept on muttering how unfair her father and Maximillian were. Fritzie remained calm and rational. Tahimik lang na inalo sila ng mga ito. Si Kylie ang unang naka-recover, pero bakas ang lungkot sa pananamlay nito.
"Sonny, speak to me, will you?" worry finally strained Stacey's voice.
Natatakot na napatitig siya sa mga mata ng kaibigan. Naalala niya na in-love ito kay Renante. How would her friend feel if she finds out about this? Napaatras siya, pasuksok sa nakayakap sa kanyang likuran na si Fritzie.
Hinagod nito ang kanyang likod. Si Kylie naman ay nag-aalalang pinapanood lang sila habang hawak ang isa niyang kamay nang mahigpit. Dama niya sa maingat na pagpiga ng kaibigan pamasahe sa kanyang kamay na sinusubukan nitong pakalmahin siya.
"Nalaman kasi niya na--" paliwanag ni Fritzie habang inaayos ng isa nitong kamay ang nagulo niyang buhok, "--she's going to be engaged to be married soon."
"Huh?" kunot-noo ni Stacey dito bago binalik ang tingin sa kanya. "At kanino naman?"
Fritzie lowered her head and let out a sigh. Tulad niya, natakot ito sa magiging reaksyon ni Stacey. But Stacey was sharp. Mula high school ay matalik na silang magkakaibigan, kaya bawat kahulugan na yata ng kaunting kilos nila o gesture ay nage-gets na agad ng bawat isa.
Napalunok ito at inisa-isa ang mukha ng mga kasama roon. Ngunit walang nagkaroon ng lakas ng loob na sagutin ang tanong nito.
"Si Renante ba?" basag nito sa katahimikan.
Umiiyak na tumango-tango siya. Bumaba lang ang kamay ni Stacey mula sa kanyang mga pisngi at ginagap ang malaya niyang kamay. Her friend's hands massaged her hand, lowering her gaze. Nag-iisip-isip na ito habang kinakalma ang sarili mula sa mga nalaman.
"The good thing is," patuloy ni Fritzie na nasa mas maayos na emotional state kaya mas kayang magkuwento sa mga sinabi niya kanina, "hindi pa iyon minamadali nila Tito Sam at Maximillian. Meaning, we still have time para alisin si Sonny sa ganitong situation, right?"
Inangat ni Sondra ang tingin kay Stacey. "You love Renante, right?" paos niyang saad habang pilit na sinasalo ang tingin ng kaibigan. "You... You will help me, right? Para hindi matuloy ang kasal o engagement namin if ever, right?"
"We have nothing to worry about," angat sa wakas ni Stacey ng tingin sa kanya. She sounded so certain. "First of all... best friend mo si Renante, right?"
Tumango si Sondra.
"In that case, he knows that you have no romantic feelings for him," may malungkot na pag-asa sa mga mata ni Stacey. "And as your best friend, he will think about your happiness, of course. At sabi mo, 'di ba? Wala siyang feelings para sa iyo?" Napasinghap na lang si Sondra nang makita ang pagsisimula ng pamamasa ng mga mata ng kaibigan. Humigpit ang mga kamay nito sa kanya. "So, it means... hindi papayag si Renante, right?"
"Ang kaso," ani Fritzie, "baka gamitan ng kung anong pangpe-pressure si Renante. We all know na ngayon, nagpapasikat siya sa daddy niya para makuha ang CEO position sa isa sa mga kumpanya nila. We all know he is competing with his Kuya Ronnie."
"And you think," ani Stacey dito, "gagamitin iyon ni Tito Ronaldo para pumayag si Renante ma-engage kay Sonny?"
"Why not?" at napabuntong-hininga na lang si Fritzie.
"Kapag pumayag siya," matabang na wika ni Sondra, "it means, he's throwing away our friendship just for a damn CEO position."
"Ano na ang gagawin natin?" tila iiyak na namang tanong ni Kylie.
"We have a lot of options," determinadong sagot doon ni Stacey. "Option one-- itakas natin si Sonny."
"That's impossible," Fritzie sighed.
Napagod na si Sonny sa pag-iyak. Mas lumakas ang loob dahil alam niyang hindi susuko si Stacey hangga't walang naiisip na solusyon dito. She knew her friend's love for Renante had no bounds. Kaya hindi siya nagdalawang-isip na papuntahin ito para malaman ang balita kahit na natatakot siya sa magiging reaksyon nito.
Pilit man, dahil nasasaktan pa rin si Sondra, napangiti siya sa nakitang determinasyon kay Stacey.
At katulad nito, nabahiran ng pagkainis ang kanilang mukha sa pagkontra ni Fritzie. Fritzie was a great friend, matured and composed. Ang pagiging masyadong rational nga lang nito ay naga-appeal minsan na pessimism. 'Yung uri ng pesimismo na nakakawala ng pag-asa.
"How come impossible?" titig ni Stacey kay Fritzie.
"Because of Maximillian," walang paligoy-ligoy nitong sagot.
"What about him?"
"Aware naman tayong lahat sa kayang gawin ng Maximillian na iyon, right? He's like a radar, a bomb-sniffing, drug detecting dog. He can easily discover where Sonny goes," paliwanag ni Fritzie habang humihigpit ang pagkakayakap ngayon sa kanya mula sa likuran. "So, if we are planning to help her escape or hide somewhere here or abroad... what are our chances against him? Isa pa, alam na nilang alam na ni Sonny ang plano nila. For sure, they will prepare themselves for this, for any action Sonny will do just to escape this arranged marriage thing."
"Then why don't we stop thinking of the problems we'll face and just think of a solution?" kita pa rin ang iritasyon kay Stacey.
"Want my piece of advice?" ani Fritzie. "Seduce Renante."
Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi nito.
"Seduce him?" Sonny echoed.
"Yas," Fritzie rolled her eyes, na para bang common sense na iyon ang solusyon bakit hindi pa nila naiisip iyon. "Of course, Stacey will do it," turo nito sa kaibigan niya na tigagal pa rin sa narinig. "Dapat mahuhuli kayo, para wala nang magagawa si Renante kundi panindigan ka tapos hindi na siya papayag sa engagement!"
Napunta naman sa kanya ang tingin ng mga kaibigan, nagtatanong kung sang-ayon ba siya sa naisip na ideya ni Fritzie. That meant, they seemed to think that it was the most reasonable thing to do.
"I... I agree..." napayuko si Sondra. "But at the same time," sumulyap siya kay Stacey, "no offense, girl, pero best friend ko rin kasi si Renante... I mean... alam ko ngayon 'yung feeling na pipilitin ako ipakasal sa hindi ko gusto..." she shoved in a deep breath, "and I don't want Renante to feel that way... I also don't want you to feel that way too, Stacey. Ayokong makuha mo nga si Renante, pero araw-araw mo namang mararamdaman na hindi ka niya mahal at napilitan lang siya."
Gumulong na ang luha sa pisngi ni Stacey, nakangiting nakatitig sa kanya.
"I don't want you or Renante to suffer just because I want to get out of this trouble. Pwede naman siguro akong umatras sa arrangement na ito nang hindi kayo parehong masasaktan o magsa-sacrifice ng kaligayahan ninyo, 'di ba?"
Stacey happily nodded. Iyakin si Kylie kaya basang-basa na naman ang mukha nito ng luha.
"I'm sorry," naluluhang basag ng boses ni Fritzie habang nakatitig kay Stacey. "I am sorry for suggesting that. Hindi ko man lang naisip ang magiging outcome para sa iyo, girl."
"It's okay, Fritz," ngiti lang nito habang tuloy-tuloy na ang pagluha. "We just want to help Sonny. And I must admit that for a moment, nagustuhan ko 'yung suggestion mo."
Natawa na sila. "You dirty bitch! So, okay na okay ka talaga na i-seduce si Renante! Ang sarap mong i-pinch sa corner ng bikini area!"
"You dirty bitch!" pabirong nag-amba ng sampal si Stacey kay Fritzie.
Ilang minuto pa bago humupa ang tawanan nila. Patalikod na sumandal ang ulo ni Sonny sa balikat ni Fritzie habang nakatutok ang mga mata niya sa kisame.
"So, what should we do now?" buntong-hininga ni Stacey nung kumalma na sila.
Umayos na rin sila para humiga ng magkakatabi sa kama ng kaibigan.
Tahimik si Fritzie, nag-iisip na naman ng solusyon. Si Kylie naman ay inaayos na ang sarili mula sa pag-iyak kanina. Napapagitnaan si Sonny ng dalawang babae at si Stacey naman ay pumuwesto sa bandang uluhan nilang tatlo.
"I know na!" tagilid ni Stacey ng higa at tinukod ang ulo paangat gamit ang isang braso. She peered over them. "Let's target Maximillian!"
Parang may sumipa sa kanyang dibdib. Nagulpi agad ng sipang iyon ang puso niya sa kaba.
"What about Millian?" bangon niya para harapin ang kaibigan. "Why him?"
"I sort of agree," bangon na rin ni Fritzie. "Hindi ba sabi mo, Maximillian thinks that you will need to be ready before the engagement? Then Tito Sam agreed."
"Yeah, so?"
"So it means..." nagliliwanag na ang mukha ni Fritzie, "he has some sort of control with the situaton."
Stacey nodded. "Moreover, siya lagi ang kontrabida sa mga decisions ni Sonny. So, if we want our plans to work out, we should eliminate the biggest hindrance and that is Maximillian."
Hindi niya alam kung matutuwa sa nadiskubreng iyon. Pakiramdam kasi ni Sondra may libo-libong patalim na sabay-sabay na sumaksak sa kanya. Masakit kasi may punto ang mga kaibigan. Hawak ni Maximillian ang sitwasyon.
And the man she loves chose to marry her off with someone else.
... siguraduhin nating handa na si Sondra. Na hindi siya magiging kahiya-hiyang i-prisinta sa mga Villauz.
Lalo yatang lumalim ang pagsaksak na nagpapahapdi sa kanyang dibdib.
Ang tingin pala sa kanya ng binata, kahiya-hiya pa siyang i-prisinta sa kahit sinong lalaki.
Then, pwede na natin ituloy ang plano na ipakasal siya kay Renante.
Lunod pa si Sondra sa mga alaalang iyon kaya hindi na niya naramdaman ang mainit na pagdaloy na naman ng mga luha sa kanyang pisngi. As the memory faded, unti-unti nang nangibabaw sa kanyang pandinig ang boses ng mga kaibigan.
"So, how do we get Maximillian out of the way?" halukipkip ni Fritzie, nag-iisip na naman.
"He's getting married with Yrina, right?" ani Stacey. "Why don't we mess his relationships up a bit?"
"That's harsh," Kylie murmured. "I mean, kawawa naman si Yrina."
"As far as we all know, fixed lang din ang magiging kasal nila ni Maximillian, no. She will be more thankful if ever our wicked plans would result to them breaking up!" upo ni Stacey at nilingon siya nito. "Am I right, Sonny?"
She heard gasps. Maagap na hinagod ni Kylie ang kanyang likod.
"Oh, why are you crying?"
She sniffed and smiled at her friends. "Alam niyo namang sa inyo lang ako komportable na umiyak nang umiyak. At home, no one will be there for me... to comfort me when I cry..."
"Shhh," yakap sa kanya saglit ni Stacey bago humiwalay at pinunasan ang luha niya. "We know. Kaya nga hinahayaan ka lang namin, eh. Minsan ka lang kaya these days mag-iiiyak nang ganyan. It means you are getting stronger, Sonny."
Napunta ang paningin ni Sondra kay Kylie. Mapang-unawa ang tingin na binigay sa kanya ng kaibigan.
"Sonny's been crying a lot now, so let's get our plans together, girls," Fritzie clapped to put their focus back on their conversation. "Let's find somebody who can seduce Maximillian."
"Bakit ba puro pangse-seduce ang naiisip mong ideas?" nguso ni Stacey.
Fritzie blushed. "Well, do you have any other ideas? Mayaman naman sina Maximillian at Renante, no? So obviously, we can't bribe any of them to do what we want!"
Stacey sighed. "Okay. We'll find someone to seduce Maximillian. Para mawala sa fixed marriage ang atensyon niya. Para magka-conflict sila ng konti ni Yrina at doon mapunta ang focus niya."
"Then," Fritzie continued, "we will take advantage of that. Habang namomoblema siya sa sarili niyang love life," air-qoute ng mga daliri nito. "Maybe, we can help Sondra have a trip abroad. Doon muna siya magtatago nang hindi namamalayan ni Maximillian or Tito Sam!"
"Great!" apir ni Stacey sa kaibigan.
Tumingin ang dalawa sa kanila ni Kylie at biglang nagtaka. Paano kasi, may pinapahiwatig ang titig ni Kylie sa kanya. Siya naman ay tinatapunan ito ng tingin na huwag maging masyadong obvious pero wala na, napansin na ng dalawang babae ang pagte-telepathy nila sa isa't isa.
"What with that look, Kylie?" puna ni Fritzie dito.
Kylie looked sweeter now and fragile as she lifted her eyes on their friend. Umiling ito at pilit ang naging ngiti. Siya naman ang kinamusta ni Fritzie.
"I am okay," assure niya rito. "I like the plan too, let's do it--" naputol ang sasabihin niya nang maramdaman ang pagbatok sa kanya ni Kylie.
"Hey!" matalim ang tingin na lingon niya rito.
"I've had enough already! Just tell them the truth, will you?"
"What truth?" awtomatikong balik ni Sonny dito. At pinagsisisihan niyang siya pa ang umudyok sa kaibigan na ilabas ang kasagutan mula sa mismong bibig nito.
"First," anito, "you don't want to marry Renante because you already like someone else. Second, you like Maximillian!"
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Ang bruha! Wala man lang pasabi na ilalantad ang sikreto nila! Parang ayaw na niyang lingunin sila Stacey at Fritzie na gulat na gulat sa mga nalaman.
Kaya nga kay Kylie lang niya inamin ang bagay na iyon, masyadong strong ang personality nina Stacey at Fritzie. Paniguradong marami siyang maririnig sa mga ito sa oras na malaman ang tinatago niyang feelings para kay Maximillian.
"Sorry that I have to tell them about this," patuloy ni Kylie. "It's just that... I think their plan is only going to hurt you more, Sonny."
Nakuyom niya ang mga kamao, napayuko na lang.
"We are okay with the fact that Maximillian doesn't love Yrina... but what if he will be seduced by someone he would suddenly fall in love with?"
"You're in love with your... sort of...second daddy?" Fritzie finally managed to shudder, recovering now from hershock.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro