Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nineteen

"WHAT IS HIS PROBLEM WITH ME THIS TIME?" inis na tanong ni Sondra sa kausap sa cellphone, ang kanyang ama.

Buti at nasagot pa nito ang tawag niya. It was rare for her father to spare her some time. Sumagot lang siguro ito dahil ngayon lang siya ulit tumawag dito at pinalagay ng ginoo na emergency.

Just relax, bagot na sagot ni Sam sa kabilang linya. You overreact, that's why Maximillian is enjoying pissing you off.

"What overreact?" gigil niyang sagot sa ama. "He's tailing me like a dog, Dad! At sa mismong trabaho ko pa! This is getting too far!"

Can't the two of just settle it? You talk to me, I talk to Max and then he will tell me to talk to you. Pareho kayong sakit sa ulo.

Sondra rolled her eyes. Pareho ring sakit sa ulo si Maximillian at ang tatay niya.

"Kausapin mo siya, Dad," banta pa niya bago ito binabaan ng phone.

Binulsa niya ang cellphone at tinukod ang mga kamay sa railing ng balkonaheng iyon na abot-tanaw ang beach. Dahil gabi na, madilim na rin ang karagatan at kalat-kalat ang liwanag na umaaninag sa tubig niyon.

Malamig na humaplos sa kanya ang hangin. Nanginginig pa rin siya sa inis. Kanina nasolo niya si Alisha at na-interrogate. Nagpaliwanag naman ito sa kanya nang maayos na nadala ito sa pamimilit ni Maximillian kaya napapayag na lang na pag-isahin sila ng silid.

Dumaan na rin siya sa receptionist. The lying bastard. Marami pa raw ang available na suites. Pero kung hinahamon talaga ng lalaki ang pasensya niya, then fine. She would stay in one room with him. She would show him that she could stand his presence and remain unaffected.

Maybe, she could also ask him about that Hannah...

"No," she gritted. Nakakainis dahil alam ni Sondra sa sarili na may gusto pa rin siya sa lalaki. Na naiinis pa rin siya sa engagement nito kay Yrina kahit alam niyang dapat manatiling masama ang loob niya rito.

Remember, he does not give a damn about you. Inangkin ka lang niya tapos kinabukasan, kalimutan na lang daw namin iyon... Ilihim... Hmph.

"Kanina ka pa nandyan. Let's go," narinig niyang tawag ng lalaki na sinabayan pa ng paghila sa kanyang braso pabalik sa suite nila.

Napasinghap na lang siya dahil wala siyang kaide-ideya na nasa likuran na pala ito ni Sondra. Nagpahila siya sa lalaki, arogante ang tingin dito na nasa unahan lang niya at hindi man lang siya nililingon.

Nagbanyo siya saglit. Tapos, pumuwesto na ng higa sa sulok ng kama at kinumutan ang sarili. Umupo lang si Maximillian sa kabila niyon. Nakapatong sa kama ang isang binti, ang isa naman ay nakababa sa gilid niyon. He wore nothing else but a pair of boxer shorts. Ini-on nito ang TV at panay ang lipat ng channel.

"Sleeping too early? Alisha said you slept all day, Sonny," anito, nasa TV pa rin ang mga mata.

"May photo shoot kami bukas. I have to be well-rested," talikod niya dahil nagiging makasalanan na naman ang mga mata niya sa nakatambad na katawan ng lalaki.

Pinatay nito ang TV. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang lumamlam ang mga ilaw sa silid.

Fuck.

Muling lumubog ang parte ng kama sa likuran niya. This time, she was sure Maximillian was lying behind her. Naramdaman niya ang paghila nito ng kumot.

"Hindi ba pwedeng sa sofa ka matulog?" hatak niya sa kumot para solohin iyon.

"I don't bend when I sleep and you know that."

Napalunok siya. "Then learn to bend, since akin lang naman itong kwarto na ito!"

"Bothered with my presence, eh?" there was a hint of mocking in his low chuckle.

Hindi niya nakikita ang mukha nito, pero nai-imagine na ni Sondra ang mala-demonyo nitong ngisi.

"I think we both know what happened the last time we are in the same bed," she snapped.

"And you think that will happen again?"

Nasaktan siya roon. Bwisit.

Natigilan siya sa sinabi ng lalaki kaya matagumpay na nitong nahila ang parte ng kumot na gamit niya para makihati roon.

"Of course not," she finally breathed out. Hinigit ni Sondra ang makapal na kumot sa kanyang leeg.

"Don't worry. Tomorrow, I won't forget to ask for an extra blanket," ayos nito ng pagkakahiga.

"Good," pikit na lang niya ulit.

Maximillian released a scoff and became silent. Pumikit na ang lalaki at inunahan pa siyang makatulog.

.

.

AT ANG MGA SUMUNOD NA ARAW ay ginugol ni Sondra sa pagfo-focus para sa photo shoot niya kasama ang crew at staff ng Moderno. She wore different combinations of clothes and smoothly applied make-up. Each preparation took hours and each photo shoot took another half of the day. May hinahabol silang liwanag ng araw sa unang mga araw ng shoots kaya maaga silang natatapos. Ang paglubog ng araw ang hudyat nilang bukas na lang ulit siya kukuhanan ng mga larawan.

They took photos of her on the beach, on the lounge seats and the poolside bar. Siyempre, may permiso sila ng management ng resort hotel. Maximillian would just pass by every now and then during her photo shoots. Lagi itong may bitbit na inumin. Minsan alak, minsan simpleng juice lang o sports drink. Laging naka-sunglass ang walanghiya, pero alam ni Sondra na pinapanood siya ng mga mata nito.

Kinuhanan din siya ng larawan sa tapat ng railing. She wore a bikini and had to spread out her arms to give her flowy cardigan an airy effect. Nakailang pose at ikot siya. Naparami ang take niya sa parteng iyon. Nakakadistract kasi ang kaalamang pinapanood siya ng lalaki na naka-sunglasses at nakaupo sa beach lounge sa tapat mismo ng puwesto niya.

He laid there with his legs parted and slouched. The interest in his eyes were unknown but she felt so hot and bothered by the occasional and accidental slips of smirks on his lips.

Nang matapos ang photo shoot, hindi na rin siya nakatiis at dinampot ang katabi nitong drink. Binuhos niya iyon sa lalaki at nag-walk out pabalik sa kanyang suite.

.

.

.

***

.

.

.

IT'S OFFICIALLY THE PHOTO SHOOT'S FINAL DAY. Nakaupo si Sondra katabi ng photographer sa tapat ng mesa kung saan nakapatong ang laptop nito. She wore a round, high-necked white tank top. Tinernuhan iyon ng A-skirt na hanggang kalahati ng kanyang mga hita ang tabas. Magkakasama sila Sondra at ang crew ng Moderno sa silid ng mga ito. Doon nila inisa-isa ang mga larawan mula sa photo shoot. Masayang nagkatinginan sila ni Alisha dahil maganda ang kinalabasan ng mga iyon. She even pointed out some of her favorites from the shoot.

"We like how hot and bothered you look in here," turo ng photohgrapher sa isa sa shots niya sa balkonahe ng hotel.

"I'm not hot and bothered," pabiro niyang depensa.

In-up-close nito ang kuha at napalunok na lang si Sondra dahil taliwas sa sinasabi niya ang ekspresyon na makikita sa kanyang mukha.

"She's bothered alright," wika ng isa sa mga designers na nagbihis sa kanyan para sa shoot. "I mean, that was one heck of a day. Kawawa 'yung hunk na binuhusan ni Sondra ng drink!"

"That's what a man gets if he's being disrespectful!" kampi naman sa kanya ng isang make-up artist. "So, girls, learn ha? Learn from the hot and fierce Sondra Hawthorne!"

Nagtawanan ang mga ito. Napapangiti na lang siya ng pilit.

"What's so disrespectful with looking at a woman?" tanggol ng lalaking photographer na kasama nila.

"The way he stared," sagot nito.

"Who won't stare like that?" ngiti nito bago siya sinserong nginitian. "Eh, ang ganda-ganda ni Miss Sondra."

Sondra just nervously laughed. "Let's see the next photos na lang, please?"

She had reasons to feel uneasy. Pinalagpas iyon ni Maximillian pero alam ni Sondra na pagbabayaran din niya ang inasal na iyon. That man always anticipates for her to make a mistake so that he could punish her in whatever ways he could think of. Naiinis siya dahil nae-enjoy talaga ng lalaki na pasakitan siya kaysa sa...

Tiningnan nila ang huling mga larawan. Tulad ng inaasahan sa Moderno, professional at pulido mag-trabaho ang team at crew sa likod ng mga photo shoot na ginagawa nila para sa magazine issues nito.

"It's a wrap then," malungkot niyang saad. It was genuine. Magaan naman kasi katrabaho ang mga crew at staff ng Moderno magazine.

"Let's have a drink to celebrate?" anyaya ng isa sa mga photographer.

"Hoy, bibiyahe tayo ng maaga bukas, no! Bawal malasing!" wika ng isa sa mga crew.

"Yup. Sa Manila na lang." Nilingon siya ng designer, "Makakapunta ka kaya Miss Sondra?"

"Oo naman. Basta available ako."

Masayang nag-cheer ang mga ito at nag-ayos na ng mga gamit. Nagpaalam si Alisha sa mga ito at nilingon siya.

"Sondra?" anyaya nito na lumabas na sila ng silid.

Parang ayaw gumalaw ng mga paa niya. Kapag bumalik siya sa sariling kwarto, si Maximillian ang bubungad sa kanya. Nilihim na lang niya ang kaba. Oras na rin para kulitin ang lalaki kung ano na naman ang isyu nito sa kanya.

.

.

PAGBALIK SA SARILING SILID SA HOTEL, ginala ni Sondra ang paningin sa paligid dahil wala roon si Maximillian. She straightened her skirt and turned her head, making her straight hair slide off of her shoulder. Kapag kasi ganito na mga photo shoot, nakukulot lang ang buhok niya kapag inaayusan. Wala siyang oras na personal na ikulot ang buhok kapag ganito ka-hassle. She began curling her hair or having them wavy at her whim when she figured she looked better and more matured in that hairstyle. Nanghihinayang naman siya sa unat niyang buhok kaya hindi pinapa-permanente ang pagpapakulot niyon.

Her eyes darted at the glass sliding doors. Sarado ang mga iyon pero tanaw niya ang nakatalikod na bulto ni Maximillian. He was already wearing a pair of slacks and topless. She pursed her lips as her shoes tapped. Pasugod na kasi siya rito.

How could this man be so gorgeous? Kahit nakatalikod lang ito, may kung anong excitement sa dibdib niya na nakikipagtalo sa pagkainis niya rito. Paanong hindi mae-excite? Makinis ang hulma at bawat uka ng mga muscle sa likuran nito.

Damn, she could imagine her hands running all over it. Sliding on that back, struggling to hold him tight. Oh. But no. She couldn't... Because touching him like that would mean he was busy and working real hard between her thighs... His sweat would make his skin too slippery to hold...

Like what happened on that night...

Sondra winced.

Binuksan niya ang pinto. Bahagyang tumaas ang mga balikat ng lalaki pero hindi lumingon.

"Millian," mariin niyang tawag sa lalaki at papalapit na rito.

He slowly turned. Medyo gumusot ang mukha ng lalaki. Naghahabol ito ng huling hithit sa sigarilyo bago iyon tinanggal mula sa mga labi. He lifted his eyes on her.

"Done with the photo shoot? Or will you be extended here for more days?"

Kita ni Sondra sa peripheral vision ang pagdiin ng lalaki sa dulo ng sigarilyo sa sementong balustre ng terrace na iyon. Now, where was this man's manners? Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

Mabilis nitong nahagip ang pagsulyap niya sa hawak nitong sigarilyo. Nilagpasan siya nito para pumasok sa loob ng hotel. Sumunod siya. Nadatnan niya ang pag-itsa nito ng sigarilyo sa ash tray. He headed to the bathroom. Nanatiling bukas ang pinto niyon. Dinig niya ang pagbuhos ng tubig sa lababo at ang pagmumumog nito.

Lumabas din agad ang lalaki at punas-punas ng tissue ang baba. Pumatak ang ilang tubig mula sa baba nito sa malapad na mga dibdib.

Sondra had to focus! Focus!

"Now, tell me," pamewang niya at panlalaki ng mga mata sa lalaki, "ano na naman ba ang isyu ko sa iyo?"

Mukhang ito ang hinihintay ng binata na pagkakataon. He grinned at her coolly, but his eyes were dark and threatening.

"Okay, let me enumerate," itsa nito ng nirolyong gamit na tissue sa malapit na bin.

Enumerate? Ganoon ba karami ang isyu niya rito?

"Magsimula tayo sa mga dinagdag mo na isyu, Sondra. Day One, we slept on this bed in safe distances. And how did you wake me up?"

Dama niya ang pag gusot ng sariling mukha. Of course, she remembered how she woke him up.

"You slapped me. That's how I woke up on Day Two," patuloy ng lalaki dahil natameme lang siya.

Was it really her fault? Iisa lang kasi ang gamit nilang kumot nung natulog sila nun. Pagkagising niya, nakahiga na siya padapa sa dibdib ng lalaki. Sondra was about to carefully get off when his hand grabbed her ass. Defense mechanism ang nanaig sa kanya at nasapok ito kaya napadaing ito at bumangon bigla. Bumagsak lang siya at nagtulug-tulugan.

She never knew Maximillian would have the idea that she really slapped him... intentionally.

"Day Three, guess whose boxers are in the toilet bowl?" ekis nito ng mga braso. Patuloy pa rin ang page-enumerate ng lalaki at ngayon ay nang-aasar na may pagbabanta ang pagkakangisi sa kanya.

"I did not do it," she replied in a soft voice, like a cautious child. Pailalim ang titig niya rito.

"Oh really?" mahina nitong tawa. He really sounded so sure!

"It was an accident!" she finally blurted out, blushing. "Bakit ba kasi nakapatong doon ang boxers mo?"

Saglit na nag-flashback kay Sondra ang araw na iyon. Nagmamadali siyang lumabas para maayusan para sa photo shoot. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hallway ay naiihi na siya. Wala na si Alisha sa silid nito kaya nagtatatakbo pa siya pabalik sa hotel room. Maximillian was busy looking for something in the cabinet. Nilagpasan niya ang lalaki, pabalibag na sinara ang pinto at naiihing umupo sa toilet bowl. After the deed, nakita niyang may nakapatong na nakatiklop sa ibabaw ng button ng flush. She took it then flushed.

Ibabalik na niya sana iyon nang makita kung ano ang hawak niya. She was holding a pair of boxers. Maximillian's boxers! Nahihiyang binitawan niya iyon at napasinghap siya dahil... plop! Nahulog iyon sa toilet bowl!

Tinakpan na lang niya iyon, sa pagmamadali ay muntikan pang mabangga si Maximillian.

"I just left it for a while, Sondra because I was about to take a bath and I forgot to get a shirt," paniningkit ng mga mata nito sa kanya.

Magpapa-intimidate ba siya? Siyempre, hindi! She just kept a straight face and lifted her head now to meet his gaze.

"Now, Day Four, Sondra. Who spilled beer on my side of the bed?"

"I thought it was iced tea," she gritted at him.

"And you spit it on my side of the bed?" hindi nito makapaniwalang iling-iling. "Mahilig ka makipag-inuman kasama ang mga kaibigan mo, 'di ba?"

"But I was shocked it wasn't iced tea! Basta ko na lang siya niluwa!" depensa niya.

"And I am forced to fucking bend on the corner sofa in my sleep, Sondra. I told you, I don't bend in my sleep," now his voice was dangerously low.

"Wow, so spoiled. Ayaw mamaluktot," bubulong-bulong niyang nguso at humalukipkip na rin.

"What about Day Five, Sondra? It 's my favorite day. You stepped on my balls," malapad nitong ngisi sa kanya.

Nakatitig lang siya sa lalaki pero pulang-pula na ang mukha niya.

Again. That was by accident. Nakaupo noon si Maximillian sa side nito ng kama at siya naman ay nasa pwesto niya nang makarinig ng doorbell. Patayo na sana ang lalaki pero inunahan niya ito. No way on earth anyone would see her in this room with Maximillian! Kaya siya na ang sasagot sa tao sa pinto. Hahakbangan niya dapat ito pero ewan kung paanong sumakto ang paa niya sa pagitan ng mga hita nito.

He cussed a lot while dragging her back on her feet. Nung napatid kasi siya, deretso subasob siya sa carpet sa gilid ng kama.

"Yesterday is Day Six," bored na hilig nito ng ulo, matiim pa rin ang mga mata sa kanya, "and you embarrassed me in front of the people you work with by spilling iced tea on me."

"You are ruining my concentration, Millian! Why can't you just stop following me around?" she wildly waived her hands.

He scoffed and gently pushed her aside. Nilapitan nito ang drawer at may nilabas doon. Pagkatapos ay hinarap siya ng binata.

"This is the original issue, Sondra."

Nanlaki ang mga mata niya nang itaas ng lalaki ang kopya ng magazine na kinuha nito.

"Ten pages of --" basa nito saglit sa hawak na magazine, "Sexploration with Sondra HOThorne." May gumuhit na nangungutyang ngisi sa mga labi nito habang binubuklat ang magazine. He immediately found the page and showed it to her. Nagimbal siya habang pinapakita nito ang larawan niya na hubo't hubad na nakatayo sa isang terrace na may frame ng puting silk na kurtina sa gilid. Her hair fell gorgeously in thick, loose curls. Her chin was slightly tilted up, her breasts exposed, her legs parted. Isang kamay lang ang nakatakip sa pagitan ng mga hita niya, ang isa naman ay nakalapat sa bandang panga niya habang ang mga daliri ay nang-aakit na nakadikit sa gilid at sa ibabang labi niya.

"With bonus nude centerfold," deklara nito. "Heh," he scoffed and angrily flung the magazine on the bed.

She felt threatened now, with how furious his eyes burned on her whole being that Maximillian was staring at right now. Pero nangako siya sa sariling hindi magpapakita ng anumang intimidasyon o pagiging apektado sa lalaking ito.

"I just want to challenge myself," she said in a matter-of-fact tone. Nilalabanan pa rin ng titig niya ang talim ng mga mata nito sa kanya. "I thought you don't read that kind of thing," mayabang niyang pagkukwestiyon rito.

"Yes, I don't," he hissed. "That is a confiscated magazine in Goldex. People there should be working but no, they are ogling at that raunchy centerfold!" he growled.

"Raunchy?" nang-iinis niyang ngisi. "I'll take that as a compliment then. Thank you."

Hinablot siya nito sa mga braso. "Hindi ka ba nahihiya sa mga pinaggagagawa mo? You're a Hawthorne! Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa iyo? Ano ang iisipin nila sa nanay mo? Sa akin? Na pinalaki ka para ipaglantaran mo iyang katawan mo ng ganyan?!"

"What is so wrong with celebrating a woman's body?" she spat.

"Celebrating a woman's body, Sondra?" hablot ng isa nitong kamay sa ilalim ng kanyang mga panga. He pulled her face close to him. "It says fucking Sexploration! Alam mo ba ang connotation ng terminong iyan na nakadikit sa imahe mo sa magazine cover na iyon?"

Internally, Sondra felt herself shaking. Parang pakiramdam niya ay ang dumi-dumi ng tingin ni Maximillian sa ginawa niya... sa imahe ng katawan niya... It was surprising why men were drooled on when they show off their body, and when it was a woman who does the same... they were seen as scandalous... Raunchy...

"You want to celebrate a woman's body?" hinatak na nito pataas ang suot niyang tank top. "Then, come, get stripped off of these. Lumabas ka ng walang suot!"

"No!" laban niya rito kaya hindi nagtagumpay ang lalaki. Hinablot siya ulit nito sa mga braso at naramdaman niya ang pagbalibag sa sarili nitong dibdib nang maglapat sila. Her struggling and complaints were abruptly silenced. She met his gaze.

"Alam mo pa ba ang mga pinaggagagawa mo?" hingal nito, pagod na sa kakapangaral sa kanya. He gripped her tighter. "Do you fucking understand now that you are provoking men in that magazine to explore sex with you?"

"Men are not stupid, right?" mahina niyang sagot pero may tapang. "So, you should have the common sense that I am not inviting anyone to fuck me just because I posed like that in a magazine."

"Napakabaluktot talaga niyang mga dahilan mo," marahas na bitaw nito sa kanya. Sumakto ang pagbagsak ni Sondra sa kama. The bed slightly bounced at her weight. "You don't even care about your mother's legacy anymore. The princess wants to look like an escort now."

"Judgemental," nanghihinang tukod niya ng mga braso habang sinasalo ang matiim na titig ng mga mata ng lalaki sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay nito na abala sa butones ng suot nitong pantalon. It popped off and his fingers now found its zipper.

"What are you going to do?" pailalim niyang titig dito.

"Well, I will be taking that magazine's suggestion," he sighed dramatically, obviously intending to toy her imagination. "Sexploration with Sondra HOThorne", he glanced and spat that in a mocking tone.

She let out a groan and rolled her eyes.

Imposible.

Imposible na humantong ulit sila sa ganoon.

"Not so scared now, huh?" he was smug as the zipper slowly tore down open.

Seryoso ba ito? Nababahala na siya. Pero nanaig pa rin ang pride niya. Hindi siya pwedeng magpakita ng anumang pagka-apektado o takot sa awtoridad na gustong pairalin ng lalaki sa kanya. And why on earth would Millian make love to her just because of that magazine? Was it really that effective to suggest sexual activity?

"I am not intimidated and scared of you, Maximillian Gold," she sneered.

His devilish grin came. "Good you're not."

At pumaimbabaw na ito sa kanya. Tinukod nito ang isang kamay sa gilid niya at muling sinalubong ang kanyang titig. Questions began to seemingly soften his gaze into hers.

Ilang saglit din na natahimik ang lalaki, natigilan at nanatiling ganoon.

"What now?" mapait na taas ng sulok ng kanyang mga labi. "Can't do it, Millian? Nabahag na ang buntot mo? You can back out now then if you can't do it. But that will also mean you admit defeat. That you'll stop sticking your nose in my business from now on."

Then Sondra reached for his face and torridly kissed him. It was like a goodbye kiss. Also a way for her to show him that she got this, she was not intimidated and would remain untamed. That was just a taste of it— of her wild side, of how painful her goodbye could be, how torrid and hard it would feel for him, and how the goodness of it would make him feel longing.

He just stared at her. His soft gaze slowly changed to a darkening face and dilating pupils as his jaws tensed.

"Hah," she mockingly laughed. Unti-unting umaatras si Sondra para lumayo rito. "Learned your lesson now? Give up on tailing me." She cocked her head. "Can't speak? Cat got your tongue now?"

"You're having this tongue, alright, yousweet little feline," he grunted, grabbing the back of her head to crushhis lips against hers.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro