Chapter Nine
"PAANONG HINDI MATUTULOY?"
He coolly placed the cigarette back between his lips and puffed some smoke. Pumagitan sa kanila ang puting usok niyon bago inalis ng lalaki ang sigarilyo sa mga labi nito. Disinterest was evident in his face.
"It smells smoky in here, isn't it, Sonny? You better get out now," upo nito.
Nanadya nga yata ang lalaki na manigarilyo para maitaboy siya agad.
"Maayos kitang tinatanong dahil buhay at future ko ang involved dito, Millian! It's about me so if you don't care, well, I care!" palo niya sa desk nito bago tinukod doon ang dalawang mga kamay. "Bakit niyo naisipang i-engage ako kay Renante?"
Nasa mga labi na naman nito ang sigarilyo. She knew he would puff some smoke again. Kaya naman inunahan na niya ang lalaki at sumulong siya para hablutin iyon mula sa bibig nito. The man was sharp. He caught her wrist, giving her body the motion of being pulled back to him. Masakit ang naging pagkakasubsob niya sa mesa nito, pero naitukod din ang isang kamay sa bandang dibdib niya para hindi tuluyang dumausdos doon ang kanyang mukha.
His other hand gripped on her chin to lift up her gaze.
Their eyes met as Maximillian drew his face close to her.
So close...
"Look, Sonny, why don't we talk about this at home?"
At home? Pupunta ulit sa mansyon mamaya ang lalaki?
"Huwag na," angil niya rito sa mababang tono. "Baka busy ka mamaya. Hindi ba kayo magkikita ng Yrina mo?"
Lalong nagdilim ang anyo nito. "I always make time for you, Sonny."
Her heart thumped. She was scared and affected. Hindi niya gusto ang ganitong klase ng damdaming nilikha ng mga sinabi ng lalaki. Alam ni Sondra na parehong katotohanan iyon at kasinungalingan. When Maximillian makes time for her, it was always to discipline her or to scold her. Most of the other times that he was in a good mood, he would rather be somewhere else, not with her.
His fingers pressured against the bone of her wrist, making her let go of the cigarette stick that she took by using his own lips.
"Ah!" daing niya nang bitawan siya ng lalaki.
Sumandal ito sa swivel chair at saglit na inihilig ang ulo habang nakatitig sa kanya.
I'll talk to Renante then, she thought. Inalalayan ni Sondra ang sarili para makatayo nang maayos at maalis ang sarili mula sa pagkakadapa sa desk ng lalaki. Puno ng hinanakit ang kanyang mga mata habang nakatitig dito.
Bahagyang gumusot ang mukha nito dahil ninanamnam ang hinihithit na sigarilyo bago iyon tinanggal mula sa sariling bibig. Smoke escaped from his lips. He looked as cool as the bad boys wearing leather jackets in movies. He gave her a glance.
"Sa mansyon na tayo mag-usap," umiwas ito ng tingin para ilagay ang sigarilyo sa ashtray. "Get your fine ass out of here."
This man never let her get her way. Gusto niyang sumbatan ito, muling magwala pero may natitira pa siyang kahihiyan para sa sarili kaya tumalikod siya at buo ang dignidad na iniwanan ito. Bakit nga ba nangangati siyang i-bring up sa lalaki ang nakaraan kapag sinisigawan niya ito? What could that possibly do to help her to be treated much better by Maximillian? To stop him from being so controlling? To stop him from being too obvious with the fact that he has no feelings for her?
Hindi pa ba sapat dito ang mga nangyari noon para ipamukha sa kanyang wala itong feelings sa kanya? Why did he need to rub that to her face everyday? That his care was only limited to treating her like a child... his little sister... or yes, a child. Kasi nasasaktan lang siya. Kahit anong pilit niyang hindi ipakita iyon sa lalaki o magtapang-tapangan, sa loob-loob ay parang nabibiyak ang puso niya at talo pa rin siya.
Talo pa rin siya...
Hindi pa sapat para rito na saktan siya sa pamamagitan ng pagpapakasal sa ibang babae, sisiguraduhin pa nitong hindi siya magiging masaya at ikakasal siya sa hindi niya gusto.
Bakit?
Bakit parang ganoon na lang ang galit sa kanya ng lalaki simula nung eighteenth birthday niya? Ginusto ba niya ang mga nangyari noon? She should be the one angry. She was, and yet Maximillian returned the favor and acted cold and irritated towards her as well. Worst of all, he was controlling every aspect of her life. Parang gusto nitong ipamukha na hawak nito ang magiging takbo ng kanyang mundo at kahit ano ang galit niya sa lalaki ay wala siyang magagawa. He would break her heart if he wants to, he would turn the world upside-down to his whim if he likes it.
The only way she could do to protect herself was to try to fight him as much as she could, as long as she could. She better fight than let him win without doing anything, right?
Nang matapos sa pagsesetimyento niya, bumukas na ang pinto ng elevator. Kanina pa pala siya nakapag-walk out mula sa opisina ng lalaki. Humakbang na si Sondra palabas. Habang naglalakad, nilabas niya ang cellphone.
Siguro naman masasagot na ni Renante ang tawag niya.
.
.
PAGKAALIS ni Sondra ng walang paalam, nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Maximillian. Sumandal siya sa backrest ng upuan at minasahe ang kanyang sentido. Ini-stress na nga siya ni Renante, dumagdag pa itong komprontasyon nila ni Sondra.
Mukhang makakatatlong stick siya ngayon ng sigarilyo-- one for Renante, one for Sondra. At isa para sa habit niya na humithit ng sigarilyo pagkatapos kumain ng tanghalian.
.
.
RENANTE GLADLY MET UP WITH SONDRA THAT AFTERNOON. Wala raw masyadong gagawin ang lalaki sa opisina kaya pumayag ito. Kapwa nakapag-lunch na sila kaya sa isang cafe nila napagkasunduang magkita. Sumalubong kay Renante ang busangot niyang mukha kaya natatawang tinabihan siya ng lalaki.
"Hey, what's with that face?" marahang pisil nito sa pisngi niya. "May nagawa ba ako?"
"Oh, nothing, Renante," sandal niya sa balikat nito. Nakapatong lang sa mesa na kaharap nila ang in-order na mga malalamig na kape. "Nabubwisit lang kasi ako kay Maximillian."
He laughed lowly and rubbed her arm. Sanay na ito na naiinis siya kay Maximillian. Nakaakbay na ngayon ang lalaki sa kanya na pormal sa suot nitong suit na dark blue.
"Masyado ka talagang affected kay Maximillian, baka makahalata na iyon, ha?"
"Makahalata?" tuwid niya ng upo at tinusok ang straw sa coffee cup niya. "Even if he does, he won't care, Renante. Alam naman natin iyon."
Gumaya ang lalaki sa kanya, pero kung siya ay uminom na ng kape, ito ay hindi pa. Pinatong lang nito ang isang braso sa side nito sa mesa at sinasalo ang kanyang paningin.
"So you're here to get some dose of your happy pill, huh?" tukso nito. She once called Renante her happy pill, at pinanindigan na iyon ng best friend niya.
"Actually," lingon niya sa lalaki, walang malisya kung magkalapit ang mga mukha nila, "I came here to ask you about our engagement."
Lumapad ang ngiti ng lalaki. "So, you already knew."
Nakatitig lang siya sa mga mata nito. "Yes, of course. Pero alam mo naman ang ugali ni Millian, 'di ba? He always wants me to be clueless para hindi ko siya makontra sa mga pangma-manipulate na ginagawa niya sa buhay ko." Then she murmured to herself, "So controlling." Bumalik ang mga mata niya kay Renante. "I just want to know kung bakit gusto tayong ipakasal nila Dad at Tito Ronaldo. Are our companies merging? May problema ba sa handle ni Dad na company kaya kailangan ng financing galing sa inyo?"
"Well," Renante shrugged, "ang sabi lang sa akin ni Dad, your dad thinks that it would be nice if our families will be allies of some sort."
"Matagal na namang allies ang families natin, 'di ba?"
"Yes," tango nito, "but your dad wants an assurance."
"So, kapag personally connected na ang families natin, that's already an assurance for Dad, is that it?"
"Sa pagkakaintindi ko, yes," at uminom na ito ng kaunting kape.
Napanguso siya. Dad won't think of such a set-up for that kind of reason. Masyadong mababaw. At nagnakaw siya ng tingin kay Renante na nakatanaw sa kalsada sa kabila ng kaharap nilang glass window. Now I am sure, kahit si Renante walang idea kung ano talaga ang reason kung bakit gusto nilang ikasal kami.
Tumitig si Sondra sa hawak na cup ng kape. It means, ang talagang nakakaalam ng reason ay ang parents namin... at si Millian.
Humigpit ang mga kamay niya sa cup.
"And..." pukaw niya sa atensyon ng lalaki, "...you believe that's the real reason?"
"Bakit?" lingon nito. "May iba pa ba? Hindi naman mukhang nagi-struggle ang mga companies ninyo para kailanganin ang suporta namin, 'di ba? Moreover, I think the Gold Gear's dilemma about suppliers is already solved by Maximillian's engagement with Yrina, right?"
Her eyes widened. Lumingon-lingon pa si Sondra sa paligid bago mas nilapit ang mukha kay Renante at binulungan dito.
"How did you know?"
He chuckled and lowered his eyes. "I'm very observant, Sonny. Walang nakakaligtas sa obserbasyon ko. I can rationalize how two people in our world announce they're engaged without us knowing they have been in a relationship in the first place."
Binalik niya sa harap ang tingin. "One last question, Renante."
"Yes, Sonny?"
She stared at him. "Pumayag ka ba na ma-engage sa akin?"
Ngumiti ito at sinalubong ang kanyang tingin. "Oo naman."
Para siyang salamin na nabasag. Hirap si Sondra na ilabas ang boses. "B-Bakit?"
"It's just names and contracts," angat nito sa baso at umiwas ng tingin sa kanya. "And I think you will be safer kung nasa poder ko ikaw kaysa kasama sila Maximillian." He turned to her. "I know you are already tired of being controlled by him and your Dad, Sonny. You don't deserve to live your life always fighting for your freedom. Aba, dinaig mo pa sila Bonifacio sa tagal ng pagrerebelyon mo sa kanila!"
At kapwa sila natawa nang mahina.
"How long have I been such a rebel?"
"Since..." he shrugged and looked up to recount the years, "... I think since you're eighteen, right?" Renante faced her. "Since your mother died."
Medyo nakaramdam si Sondra ng panlulumo. "Oh, right. Since I was eighteen..." napayuko siya at binalikan ang sasabihin sana kanina kay Renante. "Look, Renante, you don't have to do that. I mean, 'yung pakasalan ako para lang makalayo na ako kina Dad or Millian..."
Bahagyang tumiim ang mga mata nito sa kanya. Pag-angat ni Sondra ng tingin sa lalaki ay pinalambot na nito ang sariling ekspresyon. Renante smiled.
"Why? Still can't imagine being away from Millian?"
She shyly shook her head. "We already reached the end of the road, Renante. Ikakasal na siya, so... ano pa ba ang aasahan ko? Kahit naman hindi rin matuloy ang kasal nila ni Yrina, base sa mga trato niya sa akin, I don't think he will ever feel the same way that I did."
Parang may bumara sa kanyang lalamunan.
Renante scooted closer, trying to catch her eyes. "I thought you completely hate him now," he said in a whisper. "I still clearly remember, noon gusto mo kaming maging friends ni Maximillian. You think it will be cool, pero hindi kami magkasundo for some reason. Yet, you always build him up to me, you always encourage me to befriend him. To me, you are so obvious with how much you like him."
Namula siya roon.
"But then, it changed when you turned eighteen. You always ask me to help you lie to him about where you go or when we are clubbing, remember? You showed me how you seemed to despise him and his growing controlling ways when it comes to you."
She shook her head. "I still hate him, but..." napahinga siya nang malalim. "Hindi ko pa naaamin sa iyo, Renante, but I still love him too."
"How could you still love a man who treats you like how Maximillian does?"
"Because love is stupid, Renante," pagak niyang tawa at sinalubong ang mga mata ng lalaki. Tinapik-tapik niya ito sa pisngi. "You'll know when you have already fallen in love."
"I already know," makahulugan nitong ngiti. "What I don't know is... why all of a sudden, you hated Maximillian so much?"
"His controlling ways," iwas na niya ng tingin dito.
"For quite some time, nakumbinsi mo ako sa reasoning mong iyan, but now that I am thinking about it... parang hindi tugma."
Alertong hinarap niya ang lalaki. Ano ang hindi tugma sa reasoning niya?
"If he's being so overprotective towards you, and you love him," patuloy nito, "hindi ba dapat mas kinikilig ka pa?"
Lalo niya itong pinanlakihan ng mga mata. Her bestfriend really knew her well!
Paglingon sa kanya ni Renante, umiwas agad siya ng tingin dito at ininom ang kape niya.
"Come on," mahina nitong tawa. "Tell me the real deal!"
"Iyon na nga iyon!" defensive niyang sagot.
Napasinghap siya sa paghablot ng lalaki sa baba niya. He pinched her cheeks making her lips pout. Pinihit siya nito paharap sa ganoong hitsura.
"Tell me already!" pangungulit nito. "Ano talaga ang rason, ha?"
"Ayoko!" hatak ni Sondra sa braso nito para bitawan siya.
"May nangunguha ng picture sa labas," pananakot nito habang natatawa. "I'll kiss you, if you don't tell me the answer!"
In her peripheral vision, napansin ni Sondra na may photographer na maingat na sumisilip mula sa likuran ng isang poste at kinukuhanan sila ng litrato. Kaya siguro panay ang iwas ng tingin sa kanya ni Renante at pasulyap-sulyap o tumatanaw sa labas ng glass wall. Napansin siguro agad ng lalaki ang nangunguha ng pictures nila.
She could not blame that photographer too. Sikat siyang modelo at kilala naman sa business world ang pamilya nila Renante.
"You're such an asshole, Renante!" panlalaki niya ng mga mata rito. "How could you do this to me?"
"Am I your best friend or not?" ambang lapit nito ng mukha sa kanya.
"Gossip king!" pilit niyang iatras ang mukha pero hinapit siya nito sa baywang. Mukhang seryoso nga talaga si Renante at determinadong alamin kung bakit lumayo ang loob niya kay Maximillian.
"Will you tell me or not?" gahibla na lang ang lapit nito at hindi na gumalaw pa si Sondra. Baka imbes na makaiwas ay dumaplis pa ang mga labi niya rito.
"Ikukwento ko na, okay? Just let me go na!"
"No lies, okay? The real story. I want to hear it."
Binitawan siya ng lalaki nang tumango-tango siya. Wala naman sigurong masama kung sasabihin niya kay Renante ang totoo, 'di ba? Best friends naman sila nito. Taon na ang tinagal ng friendship nila. Isa pa, hindi masyadong sociable ang lalaki kaya hindi ito matutulad kay Kylie na may mapagsasabihang ibang tao tungkol dito.
What could possibly go wrong if Renante finds out what happened?
Then her heart sank as she tried to recall the reason why she rebelled against Maximillian.
It all started on her eighteenth birthday.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro