Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen

TAWANAN ANG SUMALUBONG KAY SONDRA. Kakalapit lang niya sa mesa malapit sa bar kung saan nagkumpulan ang kanyang mga kaibigan. Umalis na kasi ang mga gumagamit niyon kaya nagamit rin ng kanilang grupo.

Tumatawa ang mga ito dahil kay Kylie. Nilamukos na papel ang mukha nitong pulang-pula dahil sa nainom.

"Ah, quit it," agaw ni Renante sa baso ng babae. "Kayo ha, kanina niyo pa pinagti-trip-an itong si Kylie."

"OMG," tawa ni Fritzie, "don't tell me si Kylie na ang type mo, hindi si Sonny!"

Tuksuhan na naman.

Renante remained calm. Ngumiti lang ito. "Come on, I thought you're friends? Why are you doing this to Kylie?"

"It's okay, I think they are just already drunk," wika ng kaibigan niya sa maliit na boses.

"You know, what?" singit ni Stacey, seryosong nakatutok ang namamanghang mga mata kay Renante, "He's right. Tama na, guys."

Natatawang sumang-ayon na lang ang mga ito. Inatupag na lang ng mga ito ang sarili nilang iniinom.

"Gusto lang naman naming magkaroon siya ng tolerance sa stronger na drinks no," depensa pa ni Cynthia bago uminom.

"Let's get you some drink," anyaya naman ni Renante kay Kylie nang mapansin ang kanyang paglapit sa mga ito. "Sonny!"

Excited na nilingon siya ng iba pang mga kaibigan. Walang maintindihan si Sondra sa mga sinasabi ng mga ito kasi sabay-sabay sila magsalita. Pero alam niyang nangungulit sila na umupo na siya at makipag-inuman kasama ang mga ito.

Tipid lang ang kanyang naging pag ngiti. She was too stunned with what she saw earlier she could not even cry about it. But deep inside, Sondra could feel that her heart already cracked.

"Samahan ko na kayo ni Kylie," alalay sa kanya ni Renante. "Let's get you some drinks first, then we'll join them."

Tinungo nila ang bar. In-assist sila ni Renante sa pamimili ng mga alak. Nakakapagtaka man ang expertise ng lalaki pagdating sa nakakalasing na mga inumin, wala roon ang isip ni Sondra kaya oo na lang siya ng oo dito. Nang makapag-final decision na sila ni Kylie sa iinumin, sumilip si Renante at kumunot ang noo nito.

Paano kasi, wala pa ring katao-tao sa bar.

"Stay here, girls," lingon ng lalaki sa kanila. "I'll just search for the bartender."

Umalis na ito.

Matamlay na nanatiling nakayuko lang si Sondra at hindi iyon nakaligtas sa kanyang kaibigan. Kylie reached for her arm. Napatingin siya sa kamay nito pero nahihiya siyang salubungin ang nag-aalalang tingin ng kaibigan.

"Hey, are you alright, Sonny?"

Nagpipigil ng iyak na tumango-tango siya. Hindi niya pa rin magawang titigan ito sa mga mata. Naluluha na siya at natatakot si Sondra na makita iyon ni Kylie. Si Kylie na siguradong mauuna pang umiyak sa kanya kapag nakahalata sa estado ng damdamin niya ngayon.

"Come on. Kanina ka pa parang wala sa mood habang kinakausap ka ni Renante."

Hindi na niya napigilan na mag-angat ng tingin sa kaibigan. Kylie looked as forlorn as she. It got worse when her friend saw her eyes streaming down tears that hotly trailed down her cheeks.

"Hey!" Kylie cupped her hands on her face. "Why are you crying?"

Kylie began crying. Mas iyak na iyak pa sa kanya. Dala na rin ng nainom nito kaya mas naging emosyonal ito kaysa sa kanya.

"Kylie!" yakap niya sa kaibigan at tuloy-tuloy siyang humagulgol. "I saw Millian! He's... he's getting it on with that Pepper!"

Naguguluhang humiwalay ito sa kanya. Kylie searched for her eyes. Nahihiya na ulit kasi siya na makipagtitigan dito.

"The hell? Is that what this is all about?" suminghot ito. "Why should I be crying because of Maximillian—" naputol ang sasabihin nito at napasinghap. "Wait a minute..."

Sondra was intrigued by her friend's change of reaction. Napatingin tuloy siya sa mga mata nito.

"Are you in love with Millian?" akusa nito.

Lalo tuloy siyang naiyak.

Niyaya siya ng kaibigan sa ladies' room. Doon na nagtuloy-tuloy ang pagkukwento ni Sondra kay Kylie kung ano ang nakita niya at ang pag-amin na rin tungkol sa feelings niya para kay Maximillian.

"Girl, that's so messed up!" frustrated na sapo nito sa noo. Napailing ito bago binalik ang tingin sa kanya. "He's like... twenty-six already! He's too old for you!"

Napayuko na lang siya, patuloy ang pag-iyak. Nanginginig pa rin ang buo niyang katawan kakaiyak.

"You know what?" punit nito ng tissue para punasan ang kanyang mukha. "Forget it. Let's just drink and drink and drink tonight. Stacey said, kapag daw nag-iinom, nakakalimot ng problems. I am not sure about that because I don't drink a lot. And I really think it is bad for the health to drink a lot but maybe that will help."

They were so young and innocent, that idea instantly convinced Sondra. Pero bago pa siya naka-oo ay may biglang nagpadalawang-isip sa kanya

"I'll drink a lot?" garalgal niyang tanong. "Hindi ba, pangit ang lasa ng alak?"

Kylie already imagined the taste. Napangiwi ito habang patuloy sa pagpupunas sa kanyang luhaang mukha.

"Well, yeah," alanganin nitong sagot. "But... But that's how medicines are, right? They always taste that bad, but you have to take them."

Tumango-tango siya. "You have a point, Kylie. Maybe... maybe we should try that."

Kakatuyo lang ng kanyang mukha ay nagsimula na namang pumatak ang mga luha niya.

"I think my heart really broke, Kylie," iyak na naman niya. Humahapdi na ang kanyang mga mata kakaiyak. "I think I'm gonna die."

"Sampalin kita, eh!" umiiyak na rin ito at kumuha na naman ng tissue. "Stop crying already na! My hands are so tired!"

She stole the tissue and hugged her friend.

Kapwa kalmado na sina Sondra at Kylie nang balikan ang mga kaibigan sa table. Nakaupo na rin doon si Renante na nagtatakang tingin ang pinukol sa kanilang dalawa. Lalo tuloy napayuko si Sondra. Sinigurado naman nila ni Kylie na maayos ang hitsura nila bago magpakita ulit sa mga kaibigan. Pero kinakabahan pa rin siya na baka may makahalata.

Pinaubaya na ni Kylie ang pwesto nito at pinaupo siya sa tabi ni Renante.

Nilapit ni Renante ang mukha sa kanya at sinalo ang kanyang tingin.

"Did you just cry?"

Hindi malaman ni Sondra ang isasagot. Tigagal na napatitig siya kay Renante. She didn't know her best friend could be that observant...

"I'm sorry—" singit ni Kylie sa pag-uusap nila. "I just got emotional, naiyak tuloy si Sonny dahil sa akin."

Nilingon niya ang kaibigan, nagpapasalamat sa pagsalo nito para sa kanya. Hindi mukhang kumbinsido si Renante pero tumango-tango lang ito.

"Iyan na 'yung mga drinks na pinili ninyo," usap nito sa kanila ni Kylie. Then he smiled and lifted his glass. Tumayo na ang lalaki. "Guys, cheers! For the birthday girl!"

Halatang lasing na sila Cynthia. Ang iingay na kasi ng mga ito. Nakitayo pa kay Renante para makipag-cheers. Tumayo na rin sila ni Kylie.

Tink!

Pagkatapos magtama ng mga baso nila ay uminom si Sondra.

"Ugh!" layo niya agad sa baso saka umupo.

"You okay?" tabi sa kanya ni Renante.

"Oh, it's awkwardly sweet and bitter at the same time!" she frowned, staring horridly at the glass.

"It has to be mixed with something sweet, or else you will not like it."

"I don't think I should drink," iling niya.

"Oh, don't tell me, pinagbawalan ka na naman ni Daddy Maximillian!" tukso sa kanya ni Cynthia bago ito lumagok ulit ng alak.

She returned her eyes on the glass.

Si Maximillian? Pinagbabawalan siya?

Her mind kept flashing the images of him kissing Pepper. Of Pepper on his lap.

She grew weary. Hinayaan niyang diktahan siya ni Maximillian noon dahil akala niya alam nito ang makakabuti sa kanya. Pero kung alam iyon ng lalaki, bakit ganito ang ginawa nito?

Why did he break her heart like this?

Why did he keep her hopes up all these years by being so caring and sweet?

Ang sakit. Ang sakit sakit tuloy.

But no.

Maybe it was not his fault at all.

It was all her fault.

She let Maximillian get to her system.

Tonight, she'll take away his control over her.

Tonight, she's independent.

She's already free!

"No," mariin niyang wika. "He can't tell me what to do. I'm already eighteen."

Nagtawanan ang mga ito. Pero dama niya ang nag-aalalang tingin mula kay Kylie. Kinukwestiyon naman siya ng titig ni Renante.

Inihanda niya ang sarili at inangat ulit ang baso ng alak. Uminom ulit si Sondra.

Ilang minuto lang ay nakikipag-beer pong na siya kalaban si Vernon. There were no ping-pong balls, so they improvised and used lemon slice to throw like a Frisbee. Renante stopped drinking. Gusto nitong manatiling nasa wisyo kung sakaling malasing si Sondra kaya nakabantay lang. Minsan naman nag-aalalang gumagala ang paningin ng lalaki sa paligid, tila may hinahanap. Si Kylie naman, paminsan-minsan ay kinukulit siya na maghunos-dili. Tatawanan lang ito ni Sondra.

Stacey was cool with it. Pinag-chi-cheer pa siya ng kaibigan tuwing napapainom. Pero medyo nagpaparamdam na rin na gusto na nitong tumigil na siya sa pag-inom nung sumusuray-suray na siya.

Masyado nang nalasing si Sondra para intindihin pa ang sinasabi ng mga ito.

"Sonny, painumin mo naman ako!" lasing na tawa ni Vernon mula sa kabilang side ng mesa.

Paano kasi, nung sila na ulit ng lalaki ang magkalaban sa beer pong, puro palya na ang pag-shoot niya sa hiwa ng lemon sa mga baso. Siya tuloy ang laging napapainom ng alak dahil nakakaasinta pa rin si Vernon ng shoot ng lemon slice sa baso.

Pumapalakpak lang si Fritzie sa likuran ng lalaking ka-team nito. Si Cynthia ay nakangiti lang. Si Kylie ay nakaupo malapit sa mesa, knocked out na dahil sa dami ng nainom. Napilitan lang naman kasi itong sumali sa beer pong dahil kukulangin ng isa ang team niya. Lingid sa kaalaman ni Sondra na nag-usap ito at si Renante na ang lalaki ay hindi magpapakalasing para mabantayan siya.

Sondra just bent down. Nakaangat ang kamay niya at pinupuntirya ang ibabatong lemon slice sa isa sa mga baso ni Vernon. She squinted, but unfortunately, Sondra was already seeing things in double. Parang Venn diagram ang mga imahe na naghihiwalay at nagtatagpo sa gitna.

Oh, fuck it. Initsa na niya ang lemon slice at muntik nang pumasok sa baso. It fell on the rim of the glass, then toppled down to the table.

"Ohhhh!" hiyawan ng mga kasamahan niya.

Vernon shook his head.

"Kainis," dampot ni Sondra sa baso ng alak sa kanyang harapan.

"Sonny," patong ni Renante ng kamay nito sa kanyang balikat. "That's enough."

"Come on, be a sport, man!" ani Vernon. "She has to drink!" At sasayaw-sayaw pa ang loko.

"She had a lot already!" nagtitimping angil ng lalaki na binalewala lang ng mga ito.

"Let's be a sport, Renante, okay?" haplos niya sa pisngi nito at bago pa nakakontra ang lalaki, uminom na si Sondra.

Pagsayad ng mainit na likido sa kanyang lalamunan, parang kumiliti iyon. Sondra began gagging. Bumagsak ang hawak niyang baso sa sahig at doon na siya nagsimulang maghingalo. Nag-aalalang nilapitan siya nila Renante at Stacey, hindi malaman ang gagawin. Vernon was too shocked to move. He was horrified and his jaws dropped.

.

.

"WHAT?" galit na tayo ni Maximillian nang marinig ang sinabi ni Sir Dee.

Medyo gumewang siya kaya naman nag-aalalang inalalayan siya nito. Tinabig ni Maximillian ang lalaki.

"I'm fine!" he gritted. "Where is she?"

"Dinala na siya sa kwarto ng mga kaibigan niya," paliwanag ng lalaki na ngayon ay nakabuntot sa kanya. Hindi pa kasi ito sumasagot ay nagmamadaling naglakad na si Maximillian.

Sure, he was swaying and drunk. Pumipintig din ang ulo niya sa sakit, but nothing could stop him when it comes to Sondra.

"We tried to find Miss Jessica, pero walang sumasagot sa katok namin sa pinto ng kwarto niya," paliwanag pa ng lalaki.

Shit! Shit! Shit! This is my fault! Sinabihan ako ni Jessica na bantayan si Sonny!

Halos madapa-dapa siya nang akyatin ang hagdan patungo sa entrance ng mansyon. Nasalubong niya sa pasilyo patungo sa silid ni Sondra sila Stacey at Renante.

"Si Sonny?"

They didn't like the look on his face— when his worry and upset combined, he looked as intimidating as hell.

"N-Nasa kwarto na niya..."

"What happened?" bulyaw niya rito.

It was very rare, but that time, Stacey's face softened with regret. Sobrang nagi-guilty kasi ito at nag-aalala rin kay Sondra. Tears rimmed in her eyes.

"S-Sorry, Kuya Maximillian, I... we—"

Hindi na siya interesado pa sa sasabihin nito.

"Why did you make her drink that much! She's just a—"

Minor. Iyon ang idudugtong ni Maximillian nang maalala na eighteen na nga pala ito.

"Get away!" tulak niya kay Stacey na baka bumagsak na kung hindi ito maagap na nasalo sa likuran at nahawakan sa mga braso ni Renante.

Tahimik lang ang lalaki na sinundan ng tingin si Maximillian bago tinulungan si Stacey makatayo nang maayos.

Walang anu-anong dumiretso siya sa kwarto ni Sondra. Humampas ang pinto sa malapit na pader at pumasok na siya. He slammed it shut too.

Hindi naman siya nagkulang sa paalala noon pa man kay Sondra, 'di ba? Isa na roon na pinagbabawalan niya itong uminom!

"Sondra!" galit na tawag niya sa babae pagkapihit paharap dito.

Sondra seemed too occupied in her own world. Abala ang dalaga sa pag-abot sa mga tali sa likuran ng suot nitong gown. Lumapit pa siya, medyo napatid nang sumabit ang sapatos niya sa carpet. Binalewala niya iyon at huminto sa paanan ng kama.

Nasa paanan niyon ang ulo ni Sondra, baligtad kasi ang pagkakahiga ng dalaga. Her arms were still stretched, trying to untie the strings at the back of her dress.

"Why did you drink?" he slurred and tried to flip her over to lie on her back.

She just moved back and forth. Sondra let out a groan and resumed reaching for her back.

"Ang init, Millian!" ubo nito. "P-Please, not now!"

"Haven't I told you that you should not drink? Huh?" nagtitimpi niyang saad.

"What's wrong with that?" lasing na angat ng namumungay nitong mga mata sa kanya. "I'm already eighteen! I can drink now, right?"

"You can but it doesn't mean you should!" then he bent down and tapped her hand away from her back. "And what is your problem with these fucking strings?" tinulungan na niya ito sa pagtatanggal. Dumako ang mga mata niya sa leeg at mukha ng dalaga. "Fuck, you're sweating a lot!"

"It's the beer, I think," hingal ng dalaga.

"Of course, it is!" iritableng baltak niya sa tali. He grew impatient with how knotted they were. "Don't do this again, Sondra! You hear me?"

"Oh, shut up! You can't tell me what to do!"

Sumampa na siya sa kama para makapuwesto nang maayos. He secured his legs on each of Sondra's sides. Pinadapa niya ito para makita ng mabuti ang tatanggalin na tali ng gown. It criss-crossed on her smooth back.

"Just because you're eighteen, you'll stop listening to advises now?" he muttered.

"When they don't make sense, Millian, yes!" she blurted. "Bakit? Kayo naman ni Dad, umiinom din, right?" basag ng boses nito. "You two drink so much and it's okay!"

Hindi niya ito sinagot. He didn't want to argue about nonsense. He needed to make sure she will be comfortable first, change her into a more breathable clothing. Habang tumatagal, pinagpapawisan na rin siya sa ginagawa. Here he was taking her clothes off, and he had to out of responsibility.

"I'm eighteen already, I can do things that you do," lasing na patuloy nito. "I can drink, I can have sex, I can live on my own, I can—"

Nagpanting ang tainga niya sa narinig. "What did you just say?" tigil niya sa pagkilos, madilim ang anyo na nakapukol ngayon ang tingin sa nakadapang kausap.

Inihilig ni Sondra ang ulo, naghahabol ng hininga. Now, he could see the side of her face.

"I can drink," mariin nitong ulit. "I can have sex. I can—"

"At eighteen, you're thinking of having sex now?" he gritted. "With whom? With that Renante!?"

"Oh, please!"

"A woman should only do that with her husband, Sonny!"

"Prfft! Oh, please!" pagak nitong tawa. "You do it and you're not even married! So, I figured, Stacey is right, it's just you know, for fun—"

Marahas na hinila niya ito sa balikat patihaya para magtama ang mga mata nila. He instinctively drew his face close to her, at such threatening range where their breaths already meet.

"You think sex is fun, Sondra?" matalim na titig niya rito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro