Chapter Four
HININTO NG BINATA ang itim nitong Porsche sa tapat ng isang may kalakihang bahay sa isang exclusive na subdivision. Nakahalukipkip pa rin si Sonny nang maramdaman ang paglingon nito. She threw him back a glare.
"Ano?" singhal niya rito.
He gestured his head to her friend at the back. Naroon pa rin si Kylie, nakahiga sa backseat at bagsak pa rin ang tulog na katawan sa sobrang kalasingan. Bumalik sa lalaki ang nagtatanong niyang tingin.
"Dalhin mo na siya sa loob," he voiced out.
"Bakit ako?" atras niya. "Buhat mo na siya kanina, 'di ba?"
Kanina lang, mistulang nag-tug of war pa sila ni Maximillian habang hinahatak siya ng lalaki palabas ng bar. But she began blurting out about Kylie. Nag-alala kasi siyang maiiwan ang kaibigan nang walang malay at mag-isa. Kaya binuhat ito ng lalaki at pinauna siya ng lakad pasakay sa naghihintay nitong kotse.
"Dahil maraming tao," mariin nitong wika, matiim ang mga mata sa kanya. "Now go and get your friend out of here."
"I'm wearing heels!" she whined.
"So?"
"I can't carry her!"
"Ako ba ang kainuman niya?" pagtataas nito ng boses. "Sondra, you invited that girl with you! So, she's you're responsibility and not mine! Ikaw ang mag-asikaso diyan! Ibaba mo na iyan sa kotse ko at baka magising iyan at maisipan pang sukahan ang seat sa likod!"
Hindi talaga magpapatalo ang lalaking ito. Bubulong-bulong na niyuko niya ang mga paa para hubarin ang suot na heels. Maximillian just eyed on her intently, making sure she would not try to do something funny. Lumabas na siya, naninibago ang hubad na paa na nakalapat sa semento at binuksan ang pinto sa backseat. Tumunghay siya para paakbayin sa kanya si Kylie at pasandalin ang ulo nito sa balikat niya.
She let out a grunt as she struggled to pull her friend out of the car.
Awtomatikong hinagilap ng kanyang mga mata si Maximillian na nakaharap lang sa kanila habang nakapatong ang braso sa ibabaw ng backrest ng kinauupuan nito. Sondra batted her eyelashes and smiled meaningfully. She was telepathically urging Maximillian to please, please help her. He met her pleading gaze and narrowed his eyes on her.
Sondra sulked. Ano pa ba ang aasahan niya sa lalaki? He loved torturing her, no way he would offer help.
Nang mailabas si Kylie kasama niya, inakay ito ni Sondra papunta sa gate ng tinitirahan nitong mansyon. Sinalubong sila ng guard na siyang pinagbuhat niya sa kaibigan papasok sa tirahan nito. Tinanaw na lang ni Sondra ang mga ito para siguraduhing nakapasok na sa bahay nito si Kylie. She saw the guard welcomed by some shocked maids. At ang mga ito na ang umalalay sa kanilang amo bago pinaalis ang guard na bumalik na sa pwesto nito.
Mabigat ang buntong-hiningang pinakawalan niya bago bumalik sa tabi ni Maximillian sa kotse nito. Kumalabog pasara ang pinto at nahuli niya ang pagpunas ng hintuturo ng lalaki sa ilalim ng labi nito. He instinctively put down his hand and placed them on the stick shift and steering wheel.
The man was too self-righteous. Alam niyang nagtitimpi lang ito dahil noon pa man ay safe driving na ang lagi nitong bukambibig. Driving mad would compromise their safety, kaya naman kung nananahimik ngayon ang lalaki, alam ni Sondra na hindi ibig sabihin niyon ay abswelto na siya sa sermon nito.
.
.
PAGKAPASOK NG MANSYON, pabalibag na sinara ni Maximillian ang pinto. Paglingon, nagmamadaling tinungo ni Sondra ang grand stairs para panhikin ang silid nito. Bitbit ng dalaga ang shoulder bag nito at pares ng hinubad na sapatos kanina.
"Sondra!" galit niyang tawag dito. "We're not yet done!"
The woman turned to him, a dangerous defiant beauty with an air of an offended princess.
"I've had enough for tonight, okay?" angil nito, mamula-mula ang mukha dala ng kalasingan. "Pwede bang ireserba mo naman para bukas iyang sermon mo?"
Habang nagsasalita ito, malalaki ang hakbang na inakyat niya ang hagdan para mahablot sa braso ang dalaga.
"To the garden!" he growled, clutching her arm tightly.
"Ayoko!" pumiglas nito. "Let me go, will you?"
Pero ano nga ba ang laban nito sa lakas niya? Nabitawan na nito ang bitbit na mga sapatos para hablutin ang braso niya at tanggalin sa pagkakakapit sa kanya.
He effortlessly pulled her down the stairs and they headed towards the garden. The swimming pool was blue and coolly lit. The rows of trees overshadowed the flat layer of grass and flowering bushes.
"Sit!" turo niya sa upuan malapit sa pool nang mabitawan ang dalaga.
"I'm not your bitch dog," she seethed. "What else do you want? I didn't mean to kiss you! Stacey was supposed to bring me this guy and--"
His jaws tensed. "So, that's what you and your friends go clubbing for, huh? To harass some men? Go flirting around and kissing and then what? You'll end up in a--"
"Harass!?" disbelief was in her tone, interrupting him.
"That club--" turo niya sa kung saan at hindi na tinuloy pa ang sinasabi kanina, "--is mixed with strangers. Most probably, people who do not really live around this city. What are the odds na may AIDS iyang mga lalaking hinahalikan mo?!"
She was taken aback.
"I know, it's just a kiss for you, but you know where that's going to lead you!"
"AIDS?" tiklop ng mga braso nito para damahin ang mga labi.
"Damn you, wala akong AIDS!" tabig niya sa mga daliri ng dalaga na nasa mga labi. "I mean those men in that club! You'd rather die because of those filthy idiots you don't know--"
"AIDS can happen to anyone. Hindi sila dapat pinandidirihan," she spat. "And so what? At least, I'll die happy!" at tinakbuhan na siya nito paalis.
"Sige lang!" pagod na pamewang na lang niya.
Nakapasok na ang dalaga nang dumapo ang mga daliri niya sa sariling mga labi. Maingat na dinama ni Maximillian ang pagpintig niyon. Damn, that kiss was so brutal. Her lips and tongue split his sanity with their intensity. His worried eyes returned to where he last saw Sondra.
How many kisses did it take for her to be such an expert?
Humihingal pa rin sa masidhing emosyon si Maximillian nang bumalik na sa loob ng mansyon. His hand raised to comb his hair when he saw a maid carrying a mug of coffee.
"Para kanino iyan?" salubong niya sa katulong. "I think Sondra would prefer some cupcakes right now. Add a cold milk too."
Maximillian knew things that could make Sondra feel better. Kabisado niya ito na para bang harap at likod ng kanyang palad.
Pero kung ganoon, bakit hirap na hirap sila ngayon magkasundo ng dalaga?
"Good evening, Sir," bati nito. "Para po ito kay Sir Samuel. Nandito po kasi siya kasama si Sir Villaluz."
Villaluz. Ibig sabihin, pwedeng ang nakatatandang Villaluz na si Ronaldo. Maaari rin ang isa sa mga anak nito na si Renante, ang kaibigan ni Sondra. Pero kung ang huli iyon, Sir Renante ang tawag dito ng mga katulong.
Malamang, tatay nga ni Renante ang bisita ni Samuel.
"Oh, really?" he put an effort to look chill. "Saan? Sa office room ni Sam?"
"Opo, Sir," magalang nitong tango bago nagmamadaling nagpaalam at baka lumamig pa raw ang pinatimplang kape ng amo.
Mabilis na sinundan ito ni Maximillian.
Nagmamadaling lumabas mula sa office room ang katulong nang maibigay ang kape ni Samuel. Nasalubong siya nito sa hallway nung malapit na siya sa sadyang silid. Tinanguan lang niya ang nagkukumahog na katulong na may bitbit ng basyo ng bote ng alak. Tiyak niyang alak ang iniinom ni Mr. Villaluz habang nagkakape si Samuel.
Hindi nailapat nang maayos ng katulong ang pinto. Tamang-tama. Hindi na niya kailangan pang istorbohin ang dalawang lalaki para makisali sa usapan ng mga ito. He stood beside the slightly opened door, his back against the wall.
"If we will go on with that plan," narinig niyang patuloy ni Samuel sa kausap, "how will they react?"
Silence.
"I know," ani Samuel, "that your son can take it lightly. I've been with Renante for quite some time and I saw how he's always composed and controlled. What I worry about is Sondra. That girl..." sinundan iyon ng pagbuntong-hininga.
Maximillian could imagine the older man shaking his head and feeling the handle of his coffee mug.
"Nahihirapan nga si Max sa batang iyon, ako pa kaya na hindi na ganoon kalakas ang katawan? If I talk to her about this matter, baka hindi pa tapos ang usapan namin sinugod na ako sa ospital sa sobrang high blood," wika nito na may halong American accent.
Sa sobrang tagal na ba naman kasi ni Samuel sa Pilipinas, kahit purong Amerikano ay naging matatas na rin mag-Tagalog. Minsan nga lang ay nakakapuslit pa rin ang slang nito.
Mr. Villaluz chuckled lowly. "You know, Samuel, ang anak ay parang puno kasi. Habang maliit pa at malambot ang katawan, tinutuwid mo na para tuwid na tumigas pagtanda. Ngayon, namomoblema ka kung paano siya pasusunurin sa lahat ng gusto mo. Look at me and my sons."
"It's Jessica who spoiled that child," Samuel answered, pertaining to his deceased wife.
"So, what now?" usig ng lalaki. "How are we supposed to let your daughter know about this?"
"Talk to Renante, first," may narinig siyang pagsuko sa boses ng lalaki. "He's in good terms with Sondra. I think he will be able to help us put her in a good mood about the arranged marriage."
"No, problem," Mr. Villaluz said coolly. Natahimik ito saglit. "Nasaan na iyong maid? My glass is already empty."
Arranged marriage? gusot ng mukha ni Maximillian.
Para saan? Metal supplier ang kumpanya ng mga Villaluz. Is this also for the Gold Gears? Isn't my own arranged marriage supposed to fix the plan of having a secured metal supplier in preparation for the assumed inflation in the next five years?
Samuel and I are going to talk about this.
"I will also talk to Maximillian about this matter," ani Samuel. "He has the right to know ahead of Sondra about this marriage."
"That man," he could imagine Mr. Villaluz' wicked smile, "sino ba talaga siya? Why is he your top confidante when it comes to Sondra?"
Mahinang tawa lang ang sinagot ni Samuel. "Her guardian. Alam mo naman siguro ang tinambak sa akin na mga responsibilidad ni Maxim nung namatay siya, 'di ba?"
Mr. Villaluz scoffed.
"And later on, Jessica died, so... who else can I turn to and trust?"
Umalis na si Maximillian mula sa kanyang kinapupuwestuhan.
Sino nga ba talaga siya para kay Sondra?
Samuel had provided the answer already-- her guardian. That and only that. Habang nilalakad niya ang hallway patungo sa guest room ng mansyon, bumalik sa kanya ang nakaraan...
Maximillian was seventeen when his father died-- Maxim Gerard Gold. Hindi naman talaga niya responsibilidad si Sondra. Una sa lahat, hindi sila magka-ano-ano ni Sondra. He only had direct relationship with Samuel, dahil noong namatay ang kanyang ama na isang business mogul, ito na ang tumayo niyang ama at gabay. Masyado pa siyang bata noong iwanan ng ama, wala na rin siyang nanay dahil namatay ito sa panganganak sa kanya. At dahil sa sobrang laki ng yaman at kaliwa't kanan ang mga negosyong iniwanan, temporary na pinanghawakan iyon ni Samuel Hawthorne, ang ama ni Sondra na matalik na kaibigan ni Maxim Gerard.
Samuel got too occupied with work, and Sondra's mother-- Jessica Hawthorne was a beauty queen who, after years of her winning, still has a reputation to keep. To keep that good image, siyempre, active ang ginang sa pagmomodelo o 'di kaya ay sa mga charity events na dinadaluhan nito. May mga okasyon na kailangan nitong mag-guest mentor sa mga beauty pageant trainings, gayundin ang pagiging judge sa ilan sa mga mismong patimpalak.
Kaya naman bukod kay Yaya Fely, si Maximillian na ang nagsilbing tagabantay ni Sondra. He was somehow her disciplinarian, her tutor, her brother, her father-figure... her friend.
Tanda pa ni Maximillian ang unang gabi sa mansyon ng mga Hawthorne. Naiwan siya noong mag-isa sa silid na binigay para sa kanya nang makarinig ng pag-awang ng pinto.
Hindi pa niya iyon nala-lock dahil wala ang isip niya sa lugar. Nakahiga lang siya sa kama. Dimly-lighted lang ang silid ng lampshade sa katabi niyang night table. Nakatitig siya sa kisame.
He felt so empty knowing that he already have no parents. With his father acting cold towards him, and not having the chance to be with his mother, Maximillian felt so unloved by his own family. He somehow wondered, paano kung nabuhay ang nanay niya? Hindi man lang siya umiyak nang mamatay ang ama sa isang car accident dahil hindi naman malalim ang naging samahan nila nito. Kung buhay ang nanay niya at ganito ring namatay nung may isip na siya, would he still feel the same? The same way he felt about his father's death?
Because with his father, it was already painful. What more with his mother who could have spent more time with him and loved him more?
His world will crush for sure.
Maxim was a busy businessman. Very typical. Ito 'yung tipo na bilang-bilang lang ang oras para sa kanya. It was good though, kasi natuto siyang maging independent. He knew how to view life more maturely. Hindi siya tulad ng ibang bata na naging rebelde at papansin sa magulang dahil kulang sa pansin.
People not caring for him taught Maximillian to care for himself. Kung walang may kaya kasi na gawin iyon para sa kanya, sino pa ba ang gagawa kundi siya mismo, 'di ba?
May napansin siyang pagkilos sa gilid ng kama. Walang kagalaw-galaw ang katawan na tumutok doon ang mga mata niya. Nagsalubong ang kilay ni Maximillian nang mahuli ang panakaw na pagsilip ng isang batang babae na nagtatago sa gilid ng kama niya.
Tantya ni Maximillian ay nakaluhod ito roon.
Her eyes widened, brown and frightened. Oh no, she was caught. Nakaawang ang mga labi nito at malamlam ang pagtama ng dilaw na liwanag mula sa lampshade sa cute nitong mukha. Her hair fell straight and pitch black. May naka-clip pa sa buhok nito na butterfly hair clip.
Nakahinga lang ang bata nang maluwag nung umiwas siya ng tingin dito. Nakaluhod na ito at pinatong sa kama ang isang braso. Then she rested her chin on her arm, eyeing on him. Nakiramdam pa yata ito bago nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin siya.
"Hi," bulong ng may kaliitan nitong boses.
"You better get some sleep," matabang niyang wika, nasa kisame pa rin ang mga mata.
"I can't sleep," nguso nito. "You did not eat dinner."
Tinapunan niya ito ng nagdududang tingin. "How did you know that?"
"Fluffy was choking. You fed him the chicken."
Fluffy. Ito 'yung shitzhu noon ni Sondra, nung buhay pa iyon.
"But don't worry," patuloy nito. "He coughed out the chicken bone."
"That's good," iwas niya ulit ng tingin. Wala talaga siyang gana sa lahat ng bagay nung panahong iyon.
"Hey, look," patong na ng babae sa dalang platito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pink na paper cup na kinalalagyan ng isang cupcake. Mayroon itong puting swirled frosting na binudburan ng hugis pink na pusong sprinkles at iba pang kulay ng iba pang sprinkles.
"What's that?"
"Eat it."
"Ugh, no!" he made a face. Hindi kasi siya mahilig sa mga matatamis.
"It's a happy cupcake, no," may bahid na ng pagtataray ang boses nito. Tumayo na rin si Sondra para iabot iyon sa kanya. "You eat it!"
"What happy cupcake? No!"
"It makes wishes come true!"
He pulled a disgusted look. This girl was really childish. Pinasadahan niya ng tingin ang hawak nitong cupcake habang naka-Indian sit na sa kanyang tabi.
"Come on," she spoke in a cutesy voice with a smile.
"Okay, but you're leaving me alone after I eat that," upo na rin ni Maximillian at kinuha ang inaabot nitong cupcake.
"Make a wish!" pigil nito sa tangka niyang pagkagat nang tanggalin ang paper cup niyon.
He rolled his eyes and faked a murmur of wishes. Pagkatapos ay kumagat na siya roon.
"Dad said your daddy died, kaya nandito ka sa house," daldal nito. "Did you wish for your dad to come back?"
He's not coming back, he thought. Pero hindi na siya nag-abalang isaboses pa iyon. Minadali na lang niya ang pagkain sa cupcake.
"You did not wish for that?" palumbaba nito. "Sayang."
Who taught this girl anyway that cupcakes make wishes come true? Her former beauty queen mother? he thought.
"How did you know that wishes come true when you eat this?" he turned to her. "How many wishes have you tried and seen it worked?"
"I did not make a wish," she giggled.
"Why?" At bored na kumagat siya ulit sa cupcake.
"Because I am a fairy princess!" eksaheradong taas nito ng isang kamay. "Fairy princesses don't make wishes. We grant wishes!"
Palagay niya puro fantasy ang pinapanood nito. 'Yung mga pambabaeng Barbie movies, ganoon. He only had an idea because he saw movie trailers on TV commercials before.
"That's too bad. Don't you just," he shrugged, "you know, want to make your own wishes come true?"
"Why would I wish for something? I have everything!" excited na tabi nito sa kanya. "I have a mom, I have a dad, I have a big house and cupcakes and..." mahaba-haba rin ang in-enumerate ng bata. Kasama na roon ang Barbie collection nito. "Kaya I don't wish for anything na."
"How about in the future? A wish for the future, maybe?"
"Sa future?" kampanteng sandal nito sa balikat niya habang yakap na ang kanyang braso. "I don't know. Basta gusto ko paglaki ko maging queen. Like Mommy!"
He rolled his eyes.
Naubos na niya ang kinakain. Humiga na ulit si Maximillian. "Done. Go to sleep now."
"Okay," masiglang patong ni Sondra sa pinggan sa night table at nakihati sa kumot niya.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Hey, not here--" upo ni Maximillian.
Humiga na ito ng patalikod sa kanya. She curled into a tight ball and closed her eyes.
"Hey, Fairy princess," yugyog niya rito.
She let out a cute giggle. "I'm asleep!"
Maximillian rolled his eyes and let out a grunt.Humiga na lang siya at nakatalikod dito na natulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro