Chapter Five
THE DOOR SLAMMED CLOSE when Sondra reached her room. Bumagsak siya sa sariling kama at galit na nasabunutan ang sarili. Then she let out a heavy breath and stared at the ceiling.
Stupid! Stupid! Stupid! Her fingers felt her own lips. Why him? Why Millian? Of all the people why...
She shuddered at the very thought of how he possibly looked at her when she kissed him. Pakiramdam ni Sondra, hilakbot na hilakbot ang mga mata ng lalaki sa club habang pinipilit na ilayo siya mula rito.
Pagkatapos, pagak siyang tumawa. Naalala niya ang sermon nito. Para bang pinagsasabihan siya na huwag kung kani-kaninong lalaki lumalapit... o humahalik.
"Iyan ka na naman, eh..." naluluhang hilamos ng isa niyang kamay sa gilid ng mukha. "Pinapaasa mo na naman ako sa wala!"
Maximillian had always been that way. Lagi nitong ipapakita at ipaparamdam sa kanya na concerned ito. Magagalit tapos ang palalabasin na dahilan ay inaalala lang siya nito. What was crueler than a heart breaker was a man who would show and make you feel that he cares for you, yet... would put you off-limits when it comes to having his heart. He would show it in every way that he cares, yet he wasn't in love.
It was torture... a torture...
Tears began rolling down her cheeks. Sinubukan naman niya, 'di ba? Sinubukan niya noon na ipa-realize sa lalaki na marahil, isinasaalang-alang siya nito dahil mahal siya nito. Not because he was her father-figure or her guardian or anything else platonic...
She tried, right?
Memories began flashing...
When she was already nine years old-- months after Maximillian moved to their place-- this girl named Pepper, a daughter of a lawyer who was their close neighbor, began hanging out with Maximillian. May pagka-loner pa noon ang lalaki dahil siguro sa pagdaramdam sa pagkawala ng ama kaya naman kahit sino na lang ang lumapit dito para makipagkaibigan ay tinatanggap na lang.
That Pepper made her pout everytime she would visit the Hawthorne mansion.
Masyado nang napapadalas, eh.
Hanggang sa nadatnan niya ito sa salas, bihis na bihis. She wore a pink cropped tank-top, jeans and a pair of Sketchers colored white and pink. Her hair was tied up in double buns. In Sondra's thoughts, masyadong feeling Chun-Li.
"Hi," ngiti nito sa kanya. Deep inside, Sondra knew it was just for show. There was something unnatural about the way Pepper's lips curved and how her eyes looked at her.
"Bakit ganyan ang suot mo?"
"Oh, we're going to the theme park kasi! Me and Maxi."
She calls him Maxi now? Ew.
Lalong naningkit ang mga mata niya. Una, walang sinasabi sa kanya si Maximillian na aalis ito ngayon ng bahay. Ikalawa, wala rin itong sinabi na isasama nito si Pepper sa isang theme park.
Inekis niya ang mga braso at matamang pinagmasdan ang babae. Nakasuot lang siya noon ng low-waist na pantalon na may makukulay na patches ng kiss mark, mga bulaklak, cool words at heart. Ang suot niya namang spaghetti strap na top na kulay yellow-green ay sakto lang sa katawan niya. She just got her bangs weeks ago, and her hair had rows of little half-ponytails held securely by butterfly clips.
Siya namang labas ni Maximillian mula sa dining area. He wore a pair of jeans and a loose striped shirt. His hair was parted in a curtained hairstyle as gorgeously as Leonardo DiCaprio and Aaron Carter did. Bumagay sa lalaki at sa blond nitong buhok.
"Maxi!" excited na kaway ni Pepper dito. "Let's go now?"
Sumaglit lang ang mga mata nito kay Pepper. Tumutok na ang mga iyon ngayon sa kanya. Those pair of blue eyes always made her feel excited and giddy. Pero heto at matulis na naman ang nguso niya habang nakaekis ang mga braso.
"Sonny!" alanganin nitong tawa habang nilalapitan siya.
"You guys are going to the theme park without me!" inarte niya.
"Well--" magpapaliwanag pa yata ito pero dinabugan na niya ang lalaki.
"I hate you, Millian! Hmph!" madrama niyang talikod at inakyat ang hagdan.
Ganoon naman siya noong bata pa, kapag may nagustuhan, nadadaan sa pag-iinarte. A few moments later, kasama na siya ng dalawa sa pamamasyal sa theme park.
Hindi niya ma-gets kung bakit parang mas excited pa siya sa mga rides kaysa sa mga ito. Minsan ay mahuhuli niyang nakapulupot ang braso ni Pepper sa lalaki at magdadadaldal. Si Maximillian naman ay lilingunin ito saglit para sagutin ang mga pinagsasasabi nito. Tapos ibabalik ang mga mata sa kanya para bantayan siya. Her eyes would sharply pierce them as she stomped back and pulled him by the wrist.
Kung saan-saan niya hinatak si Maximillian-- sa carousel, sa swan lake, sa ferris wheel, sa mga bump cars na syempre, silang dalawa ng lalaki ang magkatabi. At nag-eenjoy naman sila kapag nabubunggo ang bump car ni Pepper na naiinis kasi lagi na lang ito nabubunggo kahit nung ibang bump cars na nasa track.
They ate hotdog sandwiches for lunch, at siya naman ay may dessert pa na pink na cotton candy. She begged Maximillian to win her a teddy bear in a shooting range, but he did not manage to win it. Kaya binili na lang siya nito ng souvenir na stuffed toy sa shop ng theme park.
"Millian, carry me," matamlay niyang saad nang mapagod sa sobrang kalikutan.
He smiled at her. At sa totoo lang, nakakagaan ng loob ang pang-unawa sa mga mata nito bago siya inalok ng piggy back ride. Sumampa na siya sa likuran ng lalaki at sinampay sa mga balikat nito ang kanyang mga braso. Nakahilig ang ulo na sinandal niya iyon sa bandang likod ng ulo at batok ng binata.
"Millian," she spoke softly, ubos na kasi ang energy niya, "'di ba, I'm your favorite girl?"
Napatingin sa kanya si Pepper, napataas ng kilay. Nakasunod lang sa kanila ang babae at ginawa itong tagabitbit ni Sondra ng stuffed toy niya na bigay ni Maximillian.
"Of course," he replied lightly. He met Pepper's raised eye-brow look. "You and Pepper. You're my favorite girls."
"Favorite nga, eh!" angat niya ng ulo at nagtaas na ang boses. "When you have a favorite, it's only one, Millian!"
"But you are my friends--"
"I'm your favorite girl , 'di ba?" silip niya sa mukha ng lalaki at gigil na pinisil ito sa pisngi.
Natatawang umunat tuloy lalo ang ngiti ng lalaki.
"Stop laughing!" hila niya lalo sa magkabila nitong pisngi.
"Yes! Yes!" tumatawa nitong sagot pero nasasaktan na rin sa pagpisil niya.
"Only me, 'di ba?"
He chuckled. "Yes, fairy princess! Now stop pulling, you are hurting me!"
Yumakap na siya sa leeg ng lalaki.
"Here kiss me," pilit na sulyap sa kanya ng lalaki kaya naman magaan na dumampi ang mga labi niya rito.
Of course, for him there was nothing special about that.
But for Sondra, it had always meant something happy and beautiful.
Pagkatapos, nilingon niya si Pepper at dinilaan.
Then, she turned sixteen. Those were the times when she always wore a tiara with a pink furry base. Her hair was sleek and black. She always paired her mini skirts with a shirt or a sleeveless top or a tube top. Madalas na siya noon pumorma ng ganoon simula nung mapansin niya na may kakaiba sa titig ni Maximillian kapag ganoon ang hitsura niya.
Tuwing Sabado, may gala sila noon nila Stacey sa mall. They did the usual-- shopping, dining out, and non-stop chatter. Pagbaba ng grand stairs, bihis na si Sondra. Hinanap niya si Yaya Fely sa kusina para magpaalam dito na magpapahatid na sa driver papunta sa mall nang madatnan si Maximillian sa dining table.
He sat there having coffee that afternoon while reading a business book. He was a dream-- blond haired at twenty-five with side swept bangs-- a neat version of an emo haircut. Seryosong nakatuon ang mga mata ng lalaki sa binabasa nang maramdaman siya sa doorway. Nakadalawang angat ito ng tingin. At first, he dismissed her presence. Akala nito namamalikmata lang. Then he looked again and confirmed she was there.
She wore a pair of pink ankle boots with furry rims. Sinamahan pa iyon ng striped na medyas na umabot sa kanyang tuhod, isang pink na mini skirt at itim na sleeveless top. Excessive silver bangles and black sabbaths were on her right wrist. Nakalugay lang ang kanyang buhok. Her lips were in tamed pink and her eyeliner was on point.
"Sonny," alanganin nitong ngiti habang pinapasadahan siya ng tingin.
She just put a chin up. "Oh," kunwari ay walang epekto ang kakaibang hila na dulot ng gwapo nitong ngiti. "It's you, Millian."
Huminto ang mga mata nito sa suot niyang palda. They narrowed and pierced directly to meet her gaze.
"Where are you going?"
"Out with Stacey," maingat niyang lapit, kumakabog ang dibdib dahil nahuli niya ang reaksyon ng lalaki sa suot niyang palda.
Hindi naman siya nito siguro pagbabawalan na maging cute, 'di ba?
"Wearing that skirt?" he hissed.
Minodel-model niya ang suot na palda. She faced her hips to the left and right.
"Why?" pamewang ng isa niyang kamay. "What's wrong with it?"
"Obviously, the length, Sonny. Boys will ogle at your legs. Get changed." At binalik na nito ang mga mata sa binabasa.
She remained standing there in disbelief.
"Avril Lavigne wears skirts like this and she looks cool!"
"You're not Avril," nakakaloko nitong ngisi. "So don't wear it, Sonny."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata sa gigil. Plano niya kasing dumiretso na sa kusina para makapagpaalam sa katulong na aalis. Relaxed na sumandal lang ito sa kinauupuan at pinanood ang paglakad niya. His blue eyes sparked knowingly, lifting a hand to rub his chin and looking analytical. Pinag-aaralan ulit nito ang hitsura niya.
Anuman ang naging konklusyon, bakas sa bahagyang pagtaas ng sulok ng labi nito ang pag sang-ayon.
"Nanay Fely," tawag niya, habang si Maximillian naman ay tumayo na. Kakalagpas pa lang niya sa lalaki ay maagap na nahablot siya nito sa braso.
Sondra gasped when his hand flicked, upping her skirt. Pinamulahan siya ng mukha sa pagsilay ng kakaibang ngisi sa mga labi nito.
"Shorts underneath are fine," balik nito sa kinauupuan. "Now I allow you to wear that skirt."
Kailangan ba talaga niyang gawin iyon? Nako-conscious na ayos niya sa pagkakaunat ng suot na mini skirt.
Pagkatapos daanan si Yaya Fely para magpaalam, lumagpas siya ulit kay Maximillian nang walang imik.
"Sondra," maawtoridad na tawag ng lalaki.
What did I do this time? lingon niya. "Yes, Millian?"
Nakatutok lang ang mga mata nito sa binabasang libro. Maximillian had been reading a lot of business books. Nung magbente-singko na kasi ang lalaki, tine-training na ito sa mga pasikot-sikot ng kumpanya na iniwan ng namayapa niyang ama.
Iyon din ang dahilan kaya lagi itong busy at hindi na sila halos nagkikita noon. When she turned to the reading man, hindi ito nakatingin pero tumuturo sa pisngi nito.
Kiss!
Her heart excitedly skipped. Naglaro ang mga paru-paro sa kanyang sikmura. Pero siyempre dapat kalmado lang siya at baka makahalata ang lalaki.
Iyon ang namiss niya noon sa pagiging bata-- she always get to kiss Millian and he would never mind at all. Dahil sixteen na siya, medyo nahiya na siya sa lalaki sa mga gestures niya noon. Tulad na lang ng paghalik lalo na at may crush siya rito. For her, they would always mean something romantically. At kung gagawin pa rin niya iyon, siyempre kakaiba na ang magiging tingin ng mga tao sa kanila.
But damn, her wits flew out the window! She missed kissing him!
Nagmamadaling lumapit siya rito. She bent and placed an arm across his chest to reach his shoulder and encase him in an embrace. Nagwawala ang puso niya sa paglapit hanggang sa pagdampi ng mga labi niya sa pisngi nito.
Matinding pagtitimpi ang ginawa niya para lang masikil ang kilig na nararamdaman.
She immediately released him who remained sitting still, staring blankly now on his book.
"There you go, Sir," layo niya at baka bumigay na siya at mangisay sa harapan pa mismo ng lalaki. "Ciao!"
Tinungo na niya ang doorway at nag-huling sulyap sa lalaki na napapailing habang pinupunasan ang pisngi. Her heart felt clenched at the sight, then his eyes-- soulful and stirred-- found hers.
"You spit on it," depensa nito sa ginawa.
Oh, being a teen made her so impulsive and reactive. Sa isang iglap umahon ang defensiveness niya.
"Spit? Walang laway iyan!" lapit niya rito.
"I felt it. So sticky," and he made a fake disgusted face.
Hinablot niya ito sa magkabilang pisngi at pinaghahahalikan sa mukha.
"My God, Sonny! Your breath stinks!"
"Shut up!"
"No more cupcakes too! You weigh 1 million pounds!" he grunted moving a knee to move her body up.
"No way!" at humalik siya ulit kay Maximillian na nakaalalay sa kanyang mga siko.
They had a playful banter. Kapwa sila natatawa dahil para bang nag-aasaran na naman sila.
"See? Wala!" layo niya ng mukha sa lalaki. "Ganito ang spit--" dila niya sa gilid ng panga nito at natigilan nang mapagtanto na kinakandungan na pala niya ito.
Their gazes locked.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro