Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

NANG MAKASUNOD SI MAXIMILLIAN KAY SONDRA, tinuruan siya ng lalaki mag-surfing. Siya naman kasi ang nangulit. Mukha lang pala iyong madali, pero kapag sinusubukan na ni Sondra, nakakailang bagsak siya sa tubig. Hindi niya makuha-kuha iyon pero hindi niya magawang mainis. Kasi minsan sa tubig ang bagsak niya, kadalasan naman ay sa mga bisig ng lalaki. Nakaalalay ito kapag nag-a-attempt na siyang tumayo sa surfboard.

She was brimming with a feeling so giddy everytime their bodies would touch. Everytime her arms would cling around his neck and when she felt his arms lift her up. Maximillian was patient with her. Sa huli, dumapa na lang si Sondra sa ibabaw ng surfboard at sumuko na lang.

"Ayoko na! I am not interested with learning this surfing thing anymore, Millian!" natatawang dapa niya sa surfboard.

Palo sa puwitan ang nakuha niya sa lalaki. "Fickle-minded! Giving up already, huh? You don't learn surfing in just one day, Sonny."

Napalabi na lang siya. "It's so tiring," she whined.

Inikot ni Millian ang kinadadapaan niyang surfboard at tinulak iyon pabalik sa dagat. Sondra crossed her arms over the board. Doon niya pinatong ang baba at nilingon ang lalaki.

"Millian?"

"Yes?" sulyap sa kanya ng lalaki, bahagya na lamang ang ngiti sa mga labi nito.

"Thank you," madamdamin niyang saad.

"For what?" mahina nitong tawa na para bang hindi makapaniwala sa narinig.

"Mom said, you planned for the whole party. I am so excited to see how it's going to be on my birthday."

"Prfft," he proudly grinned and looked away. "They say it's the biggest event in a girl's life, so of course, I'll give my hundred percent for it. And hey, anyone would do that. If your parents have free time, they might do better than me."

Namumula na ang kanyang mukha. Masyado na siyang kinikilig.

Calm down. A man exerting that effort does not necessarily mean he has a crush on you too...

"Ikaw rin naman, 'di ba, busy? But you still managed to make time for it, Millian," titig niya sa lalaki, kumukutitap ang mga mata. "It really, really means a lot to me."

Umiwas siya ng tingin, bahagyang napayuko. Masyado pang maaga para maiyak siya sa galak. Pero totoo naman iyon. Iniisip pa lang ni Sondra na nag-effort si Maximillian para sa birthday party niya para na siyang sasabog sa tuwa.

Hindi yata malaman ng lalaki ang isasagot. Nanatili lang itong tahimik.

"I know na," angat niya ulit ng tingin dito, mas pinasigla ang boses para hindi siya tuluyang maging emosyonal. "I'll bake you some happy cupcakes tonight! What can you say, huh?"

"Why? Do I look sad?" tawa sa kanya ng lalaki. Lumingon ito at muli niyang nasilayan ang asul nitong mga mata. His gorgeous laughter, as lively as David Bowie's.

"You look happy, alright," she smiled back. "But I want to make you happier."

Maximillian shrugged. "Then make me two, princess," binalik nito ang mga mata sa tinatahak nilang daan palapit sa pampang. "Make it as sweet as you."

So annoying! kinikilig na pigil niya sa tangkang pagbungisngis. Ayaw niyang matawa dahil baka isipin ng lalaki ang landi-landi na niya.

Iniwanan lang nila ang surfboard ni Maximillian na nakatayo sa buhanginan. Bumalik sila sa dagat para magkarerahan ng langoy. Magkahawak-kamay ding nilubog nila ang mga ulo at nagpatagalan ng paghinga sa tubig. Natatawa na lang si Sondra sa pagiging madaya ng lalaki. Bigla kasi itong bibitaw sa kamay niya at itutulak ang ulo niya para lalo iyong ilubog sa tubig. Kakabahan tuloy siya at mapapaahon.

Masaya naman itong makatanggap ng mga palo niya sa braso.

Papalubog na ang araw ay nagbabasaan pa rin sila. Malakas ang mga braso ni Maximillian kaya parang tidal wave ito kung magbasa sa kanya. His arms would sweep the water toward her direction. Mapapataas na lang siya ng mga braso para salagin iyon. Sasamantalahin iyon ng lalaki para ituloy-tuloy ang pagbasa sa kanya. Ang bawat tilamsik ay parang matutulis na stick na tumatama sa kanyang balat.

Tumitiling tinakasan ni Sondra ang lalaki. Nanghihinang gumapang siya papunta sa buhangin pero naabutan siya roon ni Maximillian. Pumaibabaw ito sa kanyang likuran. Ipit siya ng lalaki nang angatin nito ang braso para isakal sa kanyang leeg.

"You cheat!" tawa nito. Then he rubbed his knuckle against her head.

"Stop it!" natatawang tili niya.

Humihingal na sumubsob lang ang mukha nito sa kanyang balikat. Their laughter slowly died out and Sondra remained motionless. She was inexplicably comfortable with this man lying against her back, his hard sculpt pressing her body against the sand. He lifted his head and released a soft sigh. His breath touched the side of her ear.

Naramdaman niya ang dahan-dahang paghiwalay nito. She felt too cold with his body apart from hers. Kasunod niyon ang hindi maipaliwanag na panghihinayang dahil tapos na agad ang magic moment. Binagsak ni Maximillian ang sarili patihaya sa buhangin, sa kanyang tabi. Tinukod ni Sondra ang mga braso para iangat ng bahagya ang katawan at lingunin ang lalaki.

Maximillian turned to her. Makahulugan ang pagtitig ng asul nitong mga mata sa kanyang mukha habang unti-unting umuunat ang payapang ngiti sa mga labi nito. Admiration seemed to be evident with how the blue of his eyes reflected the soft orange light from the sunset that also touched their skin.

Their panting was drowned by the sounds of the waters hitting the shore.

"You're turning eighteen," medyo paos nitong wika, nakatitig pa rin ang mga mata sa kanya.

Nahihiyang umiwas si Sondra ng mga mata pero nakaharap pa rin sa direksyon ng binata.

"Yes, Millian."

"Baka mamaya niyan, mag-boyfriend ka na since legal age ka na."

Pigil niya ang mapangiti. Ayaw ba ni Millian na magboyfriend siya agad? Hindi niya mapigilan ang kiligin sa isiping iyon.

"O baka may boyfriend ka na, ha?" dakot nito ng buhangin sabay maingat na tinampal iyon sa mukha ni Sondra. Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"You're so O.A.!" amba niya ng palo rito pero hindi tinuloy dahil maagap na inangat ng lalaki ang braso para salagin siya. "I bet mas maiiyak ka pa kaysa kay Dad kapag nag-boyfriend ako, eh!"

"Holy shit," he rolled his eyes and turned his head to his left. Hindi niya na tuloy makita kung anuman ang reaksyon na gumuhit sa mukha ng lalaki.

Inabala ni Sondra ang sarili sa pagtanggal ng nanikit na buhangin sa kanyang pisngi. Nanikit ang ilang butil dahil basa pa ang kanyang balat. She bit her lower lip when some fell on the opening of her swimsuit's neckline. Nakakahiya namang dukutin niya ang buhangin na nasa gitna na ng boobs niya na kasama si Millian.

She decided to get up and shower already. Kung hindi, mangangati siya dahil sa buhangin na nakapasok sa suot niyang swimsuit.

"Pagabi na, let's go home na," anyaya ni Sondra nang makaupo na.

Nakahiga pa rin si Maximillian pero nakaangat ang ulo at pinapanood ang paglubog ng araw.

"Don't you want to watch the sunset first?" he murmured.

"Uhm--" napunta ang tingin niya sa natanaw na papalapit sa kanila sa pampang. Nanlaki ang mga mata ni Sondra nang makilala ang bisita na naaaninagan ng liwanag mula sa papalubog na araw.

"Hi, Renante!" masiglang tayo niya para tumakbo at salubungin ang kaibigan.

Renante smiled at her, charming and boyish with his side-swept hair, jeans and black band shirt. Huminto si Sondra sa harap ng lalaki at mahinang tinapik ito sa braso. Hindi niya ito mayayakap dahil baka mabasa lang ang kanyang best friend.

"You came early! Hindi ba, bukas pa kayo pinapapunta rito?"

Sondra sounded so lively. Nakakatuwa lang kasi na maagang pumunta si Renante para sa kanyang birthday party.

"I told you," anito, "I'll just finish some requirements for my school clearance then come here." Napunta ang tingin ng lalaki kay Maximillian na sumunod na pala sa kanya. Pumuwesto ang binata sa kanyang likuran.

"You came too early," pagkukwestiyon ang nasa boses ng lalaki.

"Don't worry, Tita Jessi is cool with it," ngiti lang nito, pero nasa mga mata ni Renante ang pangingilag kay Maximillian.

Lumalamig na ang ihip ng hangin. Mabilis ang mga mata ni Maximillian na napuna ang pagyakap ni Sondra sa sarili.

"Let's save the chitchats for later, shall we?" he slightly smiled then rubbed her shoulders. "Sonny, get our things and put on your cardigan. Let's go home."

Tumango siya at sinunod ang instruksyon ng lalaki. Naiwan si Renante kasama ni Maximillian. May pinag-usapan yata ang dalawa pero hindi niya narinig at napansin. Pagkasuot ng cardigan, binitbit ni Sondra ang towel at cellphone ni Maximillian at ang kanyang sunglasses. Iniwanan naman ng binata si Renante para kunin ang surfboard nito.

.

.

.

***

.

.

.

KINABUKASAN, DUMATING NA ANG MGA IMBITADO para sa birthday party ni Sondra. Hindi niya masyadong nabigyang pansin si Maximillian dahil kasabay ng pagdating ng mga kaibigan niya ang pagdating din ng mga ini-hire ng lalaki para mag-organize sa gaganaping party.

Inabisuhan na rin naman si Sondra ng nanay niya na asikasuhin na lang muna ang mga kaibigan, kaya heto at buong araw niyang kasama ang mga ito sa beach. They swam and chatted non-stop. Pabiro pa silang nagpapayabangan nina Stacey, Kylie, Fritzie at Cynthia kung sino ang may mas sexy na swimsuit.

Renante just quietly watched them. Noon pa man ay reserved na ang lalaki at hindi masyadong sociable kaya naman laging nakadikit sa kanya. Natutukso tuloy sila ng mga kaibigan niya na may something daw. Pero siyempre, tinatawanan lang nila iyon ni Renante at tinatanggi.

Pagsapit ng gabi, bumalik na silang lahat sa mansyon. Ang ingay pa rin nila kaya napalingon ang ilang mga bisita sa salas. Kausap ng nanay ni Sondra ang ilan sa kanyang mga tita at ang kanyang paboritong prof. Tuwang-tuwa siya dahil imbitado rin ito sa kanyang birthday party.

"I'm glad to see you're all having fun!" masiglang bati ni Jessica sa kanila.

"Of course--" naputol ang kanyang sasabihin nang mapansin sa peripheral vision. May lumabas mula sa laging nakasaradong pinto ng ballroom ng mansyon.

It was Maximillian, happily chatting to a woman as he guided her out of the ballroom. Nakasuot ng striped jogger pants ang binata na itim at simpleng fitting shirt na grey. Si Pepper naman ay halatang bagong dating lang. Nakagayak pa kasi ito ng isang semi-formal na puting halter-neck dress. Her eyes narrowed. Parang nakaramdam ang dalawa at napatingin sa kanyang direksyon.

"Hi, Sonny!" masiglang lapit sa kanya ni Pepper.

Ilang taon na rin naman ang nakakalipas mula noong huli silang nagkita nito at nag-aagawan sa atensyon ni Maximillian. Maybe, Pepper was already matured enough to forget about their petty treatment toward each other. Heto nga at may lakas pa ng loob na dumalo sa selebrasyon ng kaarawan niya.

Lumapit ito at bumeso sa kanya.

"Hi," mataray na titig niya kay Pepper. "What a surprise."

Pepper giggled. "Well, isa ako sa 18 treasures mo."

Tumango-tango lang siya. "Nice to see you. It's been years, Pepper."

Malapad na ngumiti sa kanya ang mapula nitong mga labi. "Yes, it has been years. Look at you, all grown up now."

She nodded and stole a glance at her friends. Seryoso ang mukha ng mga ito. Naka-sense agad sila sa mood niya tuwing nakikita o nakakausap si Pepper.

Kaya naman kinagabihan, para silang may slumber party na nagkumpulan sa kanyang kwarto. All of them wore their own cute lingerie on her queen-sized bed. Kylie loved the mint-green color, kaya iyon ang kulay ng suot nitong lingerie. Puting silk-lingerie naman ang suot ni Fritzie. Cynthia wore a pair of moon and stars patterned pink pajamas. Si Stacey ay naka-spaghetti strap na top at shorts na kapwa kulay light blue. Si Sondra naman ay nakasuot ng lingerie na furry pink ang lining ng dulo ng palda.

"You look so pissed at Pepper," naiintrigang tanong ni Stacey. "Come and tell us why!"

Nagtawanan na ang mga kasama nila sa kwarto na iyon. Naglaro kasi sila ng DC Apple at Truth ang pinili ni Sondra. Kaya heto at tinatanong siya ng kaibigan.

"Oh, my Gooooddd!" natatawang tili niya kaya lalong natawa ang mga ito.

"Dali na, just answer it already!" usig ni Cynthia.

"Well," tingin niya sa taas, inaalala ang mga panahon na nakakasama si Pepper, "when I was like nine years old, she wears this really, really short type of shorts and always go to our house," kwento niya. "She's also so papansin kay Millian."

"Oooh," halos sabay-sabay na nanulas sa mga labi ng mga kaibigan niya iyon.

"Eh, ano naman ang annoying do'n? It just means, she has a crush on Maximillian, 'di ba?" ani Kylie.

"It's irritating kaya sa eyes!" mataray na paikot ng mga mata niya. Hindi talaga mapigilan ni Sondra ang pag-init ng dugo. "Alam mo 'yung... ang obvious obvious niyang mag-flirt kay Millian."

"When was that again? When you are nine pa lang, right?" ani Fritzie. "Why are you still upset about it?"

"Yeah," Stacey agreed. "She looks decent now naman, and she's so happy to see you."

"I have to admit that I like her dress kanina," amin ni Kylie.

"And I love the shade of her lipstick," dagdag pa ni Cynthia. "She got it from Sephora daw, and she would love to help me pick a color from her collection when we go back to Manila!"

"You traitor!" dampot ni Sondra ng unan at binato iyon sa mukha talaga ni Cynthia. Napanguso lang siya habang ang mga kaibigan naman ay nagtatawanan.

"What? She seems nice naman!" depensa ng kaibigan.

"She's not going to ruin your party naman, no?" ani Fritzie.

"Are you jealous ba sa kanya at kay Maximillian kaya until now, upset ka pa rin?" nanunuksong tanong ni Kylie.

"Oh, please!" pinanlakihan niya ito ng mga mata bago inambahan at binato ng unan. Mabilis na sinalag iyon ng kaibigan.

Tawanan na naman.

Ngumiti na lang si Sondra at natawa na lang din. Bakit nga ba threatened pa siya kay Pepper? May punto ang mga kaibigan niya. Wala pa namang ginagawa si Pepper ngayon na hindi maganda sa kanya. Malamang nag-mature na talaga ito at hindi na nakikipag-compete sa kanya pagdating kay Maximillian.

Sondra lowered her head. Pero kanina, magkatabi sila sa dining table ni Millian. They also talked happily kanina habang nasa beach kami ng friends ko. And... obviously, it's Millian who invited her here. So it means, they still talk to each other kahit nasa US na si Pepper.

"Oh, nasagot na ang tanong!" hawak ni Fritzie sa kamay ni Sondra.

All of them held hands again to resume their game. Siya namang pagkatok sa pinto. Paglingon nila, sumilip mula sa likuran niyon ang nanay ni Sondra.

"Hi, girls," ngiti ni Jessica. "I know you are all having fun, but remember na bukas na ang celebration ng birthday ni Sonny. You better be well-rested to look beautiful tomorrow!"

The girls giggled and took their positions on that bed.

"Yes, Tita Jessi," halos pare-pareho lang na sagot ng mga ito at nagbubungisngisan habang naghihilaan pa sa kumot.

"Sonny," tawag ni Jessica sa kanya, "can I have a minute with you?"

She smiled and hopped out of the bed.

Pagkalabas mula sa kwarto, dinala siya ng ina sa sarili nitong silid. It was the master's bedroom with a bigger bed covered in white, silk sheets. May drapes ito na transparent white na nakabitin sa bawat poste ng kama.

Pinaupo siya ng ina sa gilid niyon at may kinuhang kahon.

"It will be almost twelve now," masayang wika ni Jessica na tumabi sa kanya. Binuksan nito ang cushioned box at nagningning agad ang mga mata ni Sondra nang makita ang laman niyon na kwintas.

The necklace was fashioned as a diamond-studded choker. Sa dulo nito nakalawit ang pinaka-pendant na may pulang ruby.

"This is what I wore with my evening gown, princess," malumanay na wika ng ina.

Napasinghap siya. Of course, she knew. Lagi niya kayang tabi-tabi ang picture ng ina nung nanalo ito sa Miss Universe. Nakaputong ang korona sa ulo nito habang glamorosa sa suot na evening gown na puti. Nasa leeg ng kanyang ina ang kwintas na ngayon ay nasa kanyang harapan.

"This is my gift for you," salo ni Jessica sa kanyang mga mata.

"Mom," pigil niya ang maiyak.

"Turn around, princess."

Tumalikod siya at hinayaan ang ina na isuot sa kanya ang kwintas. She gasped in amazement. Hindi niya kasi inakalang may kabigatan pala ang kwintas kapag sinuot.

"I cannot gift you my Miss Universe crown," wika nito habang nila-lock ang kwintas. "I know you like it so much, but Sonny, I believe that you have all the grace, beauty and capabilities to get your own crown... A crown that is rightfully yours and only yours... and a crown that will define and set you apart from the other girls."

Pinihit siya ng ina paharap dito at tinitigan siya sa mga mata.

Hindi niya maintindihan kung bakit parang namamasa ang mga mata nito. Jessica's lips slightly shuddered as she stretched a reassuring smile.

"Stay strong, ha?" maingat na lumapat ang kamay nito sa kanyang pisngi. "Everytime you feel like breaking, just keep in mind that all the strong people break a little deep inside. That it's okay to hurt somehow. Hurting doesn't mean you are already weak..."

"Mom..." naluluhang lapit niya ng mukha rito. "Why are you talking like that?"

"You'll be eighteen na," Jessica lowered her eyes. "It means, you will have to learn to stand on your own, princess. You have to be strong. Be strong for Mom, okay?"

Malungkot na tumango-tango siya at dinama ang pendant ng suot na kwintas. "Yes, Mom."

Mahigpit na mahigpit siya nitong niyakap. Tuluyan nang napahagulgol ang kanyang ina. Sondra was teary, but chose to laugh it off.

"Mom, don't cry like this bukas, ha?" biro pa niya habang hinahagod ang likod nito. "I'm just turning eighteen, I am not yet leaving or getting married!"

Jessica inhaled sharply. Humalo ang nanginginigna tawa ng ginang sa paghigit nito ng hininga at paghagulgol. Hinagod niJessica ang likuran ng kanyang ulo at tumango-tango sa kanyang sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro