Chapter Eighteen
BUONG UMAGA NAKATULOG SI SONDRA sa biyahe nila papuntang Zambales. Tatlong araw nang nagbago ang buwan sa kalendaryo bago ang scheduled nilang pagpunta sa lugar kung saan gaganapin ang shooting para sa Moderno magazine.
Tanghali na nang makarating sila sa tutuluyang luxury resort hotel. Ngalay man siya sa sobrang tagal ng inupo sa sasakyan at wala sa mood, nakuha pa rin ni Sondra na ngumiti noong may mga staff na sa receptionist area pa lang ay nag-request nang makipag-picture taking sa kanya.
Buti na lang at nag-ayos-ayos din siya bago bumaba ng sasakyan. Kaya presentable siyang tingnan sa mga kinuhanang litrato sa cellphone. Pagkatapos, binitbit na ang mga gamit nila ng ilang staff sa na-book nilang mga silid.
"Sondra?" tawag sa kanya ni Alisha nang mapansing nag-iiba siya ng direksyon. Imbes kasi na sumunod sa mga ito ay patungo siya sa beach sa tapat ng hotel. "Ayaw mo ba munang dumiretso sa room mo para makapagpahinga nang maayos?"
Her smile was faint. Umiling si Sondra. "I want some fresh air."
"Sure. Balikan kita rito ha?"
"Ma'am," suhestiyon ng isa sa mga lalaking staff na may bitbit ng bag, "kung gusto niyo po, sa third floor po kayo mag-unwind. May poolside bar din po kami roon at mga seats."
She liked that. Dahil nasa third floor din naman ang tutuluyan nilang suites, sumabay na si Sondra sa mga ito. Mabilis na tinungo niya ang resort proper at namangha sa tumambad na infinity pool. Asul na asul ang tubig nito at nire-reflect ang mainit na sikat ng araw kaya kumikislap. Sa may kalayuan, tanaw niya ang buong beach, ang kumikislap na tubig ng karagatan.
Tulad ng sabi ng staff kanina, may poolside bar doon na moderno ang disenyo. Maayos ang arrangement ng mga mesa at upuan malapit sa railing. Perfect para sa mga candle light dinner. Sa tabi ng pool nakahanay ang mga cushioned beach lounge seats.
She breathed in the fresh air. Mas masarap nga kung dito siya magpapahinga kaysa sa loob ng air-conditioned na silid ng hotel. Kanina pa siya babad sa aircon ng sasakyan.
Humiga siya sa isa sa mga lounge seats. Wala siyang pakialam kung nakasuot pa siya ng fitting na jeans at fitting ding shirt na puti. Sinuot na rin niya ang baong sunglasses bilang pangontra sa liwanag ng araw. At doon na napasarap ang kanyang pagtulog.
.
.
MAAGANG DUMATING SI MAXIMILLIAN sa kanyang opisina sa G & C. He wore something more on smart casual— a short-sleeved button-down blue shirt with printed patterns and a black pair of fitting pants. He tucked it in, showing off the silver buckle of his belt.
Bagsak ang buhok ng binata na dark blond. Medyo basa pa rin mula sa pagligo kanina. Tulad ng nakasanayan, uupo siya sa sariling desk para tumawag sa Hawthorne mansion. Nabalitaan niyang maagang umalis si Sondra. Sinundo raw ito ng manager na si Alisha kaya ito naman ang kanyang tinawagan.
Tulog daw si Sondra sa biyahe papuntang Zambales para sa isang photo shoot.
After checking on Sondra, ang mga folders naman sa kanyang desk ang kinaharap ni Maximillian. May ilang meeting agenda siya na re-reviewhin at mga for signature ding iisa-isahin. Habang nagbabasa ng isa sa mga Minutes of the Meeting, gumusot ang kanyang mukha. He figured that he forgot to ask for coffee. Tatawagan na sana niya si Marissa pero nagbago ang kanyang isip.
Tumayo siya at iniwanan ang opisina para magpalipas ng stress sa nabasa kanina.
May natanaw siyang dalawang lalaki na naglalakad sa pasilyo. Mabagal sa normal ang lakad ng mga ito dahil parang may pinagkukwentuhan. That immediately piqued his curiosity. Lunes kasi kaya sanay siyang makita na lahat ng mga staff ay nagmamadali.
He craned his neck and caught sight of them peering over a magazine.
Walang anu-anong hinablot niya iyon kaya gulat na humarap sa kanya ang mga ito.
"Umagang-umaga ito ang inaatupag ninyo!" sermon niya sa dalawa. "Get your tasks prepared for the week and move your ass now!"
"S-Sir—" akmang hihingiin na ulit ng lalaki ang magazine pero nirolyo niya iyon.
"Now," he muttered.
Wala na tuloy choice ang dalawang lalaki kundi magmadali sa pagbalik sa stations ng mga ito kung saan man silang department galing.
He mumbled. "So early in the morning and those idiots—" Maximillian lowered his eyes on the magazine he just unrolled. Tumambad sa kanya ang cover niyon.
His sharp eyes narrowed upon what he just saw.
.
.
HABANG NATUTULOG SI SONDRA, naging abala naman si Alisha at ang mga kasamahang crew para sa photo shoot sa kanya-kanyang gawain. Ang ilan ay pinagpaplanuhan ang mga clothing piece na ipag-ma-match para ipasuot kay Sondra. Ang iba namang parte ng photography crew ay naglibot sa resort at beach para maghanap ng magandang location na pwedeng pagkuhanan ng mga litrato. Si Alisha naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit ni Sondra sa silid nito, tapos lilipat ang ginang sa sariling silid para ayusin ang sariling mga gamit. Then, she left her suite to search for Sondra. Umupo ito sa isang lounge seat katabi ni Sondra at mapang-unawa na pinagmasdan siya nito.
Nilingon ng ginang ang papalubog na araw at nag-aalalang tinapik-tapik si Sondra.
"Sondra, maggagabi na. Masyado na yatang mahaba iyang tinulog mo."
"Oh," she yawned after. Naguguluhang umupo si Sondra at sumalubong sa kanya ang papalubog na araw. Tumama ang may kalamigan nitong liwanag na kulay kahel at dilaw sa kanyang balat.
Don't you want to watch the sunset? naalala niyang tanong noon ni Maximillian, dalawang gabi bago ang kanyang eighteenth birthday.
Napailing na lang si Sondra.
"Sorry," she replied softly, "you know how uncomfortable I was the whole trip. Napasarap tuloy ang tulog ko."
"Doon mo na sa kwarto ituloy ang pagpapahinga. Bukas pa naman ang simula ng photo shoot, so take your time."
Sabay na silang tumayo.
"At kumain ka na rin," paalala ng kanyang manager.
"Thank you," yuko niya at hinubad ang sunglasses. "Kumain ka na ba?"
"Mamaya pa ulit," malambot na sagot ni Alisha.
Siguro napagod ito sa pag-aayos ng mga gamit nila. Sana lang ay alam na nitong huwag ia-unpack ang mga gamit niya. Isang linggo lang naman kasi sila mananatili sa Zambales. Pagkatapos ay babalik na sa Manila.
"Where is my room?" ikot niya ng paningin sa paligid nang marating ang pasilyo ng hotel.
Tahimik na sinamahan siya ni Alisha sa tapat ng isang suite. Inabot ni Sondra ang seradura pero napalingon siya sa manager na paalis na. Akala niya magkalapit lang ang silid nila, pero lumayo pa ito at nagtuloy-tuloy sa paglakad.
"Hey, saan ka pupunta?"
Kabadong ngumiti ito sa kanya. "Pupunta lang ako sa restaurant ng hotel para makapili ng dinner. Ipagpipili na lang ba kita? O gusto mo, tumawag na lang ako ng room service?"
"I'll follow you in the restaurant," aniya. "I'll just get changed. See you."
Dumiretso na si Sondra ng pasok sa silid. Pagkalapat ng pinto, nagmasid siya sa paligid. A king-sized bed welcomed her with orange-outlined white sheets and pillows. May wooden furnitures, leather corner sofas at nakahawi ang orange na kurtina na nagpapasilip sa kanya sa balkonahe sa labas na may dalawang itim na seats, isang mesa at view ng karagatan.
She squinted at the silhouette that stepped close to the sliding doors.
Tumapik ang mabigat na leather shoes ng lalaki na pinasadahan niya ng tingin paakyat sa itim nitong pantalon at dark blue na printed short-sleeved shirt.
His dark blond hair slightly touched the rays of the falling sunset.
"Millian," she whispered upon recognition.
Tumaas lang ang sulok ng labi nito.
"Your bags are in the cabinet," he spoke coolly. May bitbit na itong baso na hindi niya alam kung alak ba o iced tea ang laman. But from the looks of it and the small stature of the glass, malamang na alak ang laman niyon na may halong ice cubes.
"Why are you here?" titig niya rito bago tinungo ang cabinet. Mabuti na rin na sinabi nito kung nasaan ang gamit niya. Baka naligaw lang siya. Hahanapin na lang ni Sondra ang suite para sa kanya.
"Why I am here?" angat ulit nito ng baso. Nakatutok sa kanya ang mga mata ng lalaki habang sumisimsim ng alak. His moist lips parted. "I'm here to unwind. You?"
Binitbit niya ang bag. "Nagtanong ka pa. It's obvious that you're here because I am here. Ano na naman ba ang nagawa ko?"
"Alisha said you'll be having a five-day photo shoot here. With allowance of two-days for unexpected weather turn-arounds. Then after a week, everyone can go home."
"Yes, so?" gigil niyang saad.
"I can spare a week then. Let's go back to Manila together."
Muli itong uminom. Kampante pa siyang sagut-sagutin ang lalaki dahil halata namang hindi pa ito lasing. He was too composed. Kaya siguro parang may kakaiba kanina kay Alisha. Malamang ay inintimidate na naman ito ni Maximillian.
"Then unwind," sagot na lang niya, "I have work to do!"
"And you're bringing your bag with you?" nang-aasar na taas ng sulok ng labi nito.
That used to be so cute. Now, he was really getting on her nerves.
"They're fully booked. Kaya nga pumayag na lang ako na mag-isa tayo ng kwarto," patuloy nito at tumalikod na. Kita sa repleksyon ng sliding doors na abala na ang isang kamay ng lalaki sa pagtatanggal sa butones ng suot nitong shirt. He drank again while doing so.
"Wow," sarkastiko niyang singhal. "So, pinapalabas mo pang napilitan ka lang makipag-isa ng room sa akin." Binaba niya ang bag para hilain pabukas ang pinto.
"You can't share rooms with Alisha. And I don't think you want Moderno's crew and staff to be baffled about why you're sharing rooms with them, right?"
Padabog na sinara niya ang pinto at hinarap ang lalaki.
"Ano ba ang pinunta mo rito?"
Maximillian let out a breath and put down his glass on the nearest table. Hinubad nito ang suot na shirt. Mabilis na nanghina si Sondra nang makita ang pagtambad ng katawan nito. Kahit sinong babae na masisilayan iyon ay maglalaro ang kung anu-anong imahinasyon sa kanyang isipan.
She chose to despise her own desires.
"Nakakainis ka talaga," itsa niya sa bag pabalik sa loob ng cabinet kasama ng bag ng lalaki na naroon na rin. "Under surveillance na naman ba ako?" harap niya ulit dito.
"You'll know after this week," lakad nito papunta sa banyo habang tinatanggal ang suot na belt. "For now, focus on what you came here for— that photo shoot."
How could she damn focus if Maximillian was here?
"You're like a dog that keeps on tailing me."
Narinig niya ang pagtawa ng lalaki. He did not sound happy. He sounded offended and dangerous. Kumiskis ang leather ng belt sa sinturera nito nang hugutin iyon ng lalaki sa isang hilahan lang. He turned to face her.
"And you are like a sleek, little fine ass feline hissing at a dog that just casually walks by and does nothing," pasada ng mga mata nito sa kanyang kabuuan bago matiim na bumalik ang titig ng lalaki sa kanyang mga mata.
She was unable to respond to that, and Maximillian obviously counted that as his victory. Ngumisi kasi ang lalaki. Pumasok na ito sa banyo at narinig niya ang pag click ng pinto niyon pasara.
Namewang si Sondra at nag-isip-isip kung ano na naman ang trip ng lalaki. Ina-under surveillance lang naman siya ng lalaki kapag may ideya ito na may gagawin siyang kalokohan. Tulad na lang nung pumuslit siya noon kasama sina Stacey para mag-bar.
Hindi na niya nagawang mag-refresh. Iniwanan nalang niya ang silid na iyon para puntahan sila Alisha sa restaurant. Kailanganniyang malaman kung ano na naman ang sadya ni Maximillian at ginugulo siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro