Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

Masalimoot

Matapos ang ibinalita sa akin ni Maya, hindi ako nag-atubiling hanapin kaagad si Don Gutierrez. Puno ng pangamba at takot ang aking puso na pilit ko lamang ikinukubli sa palaban kong hitsura.

“Binibini, halos libutin na natin ang kabuuan ng Valencia ngunit maski anino ni Don Gutierrez ay hindi man lamang natin masumpungan” wika ni Maya at hindi maipagkakaila ang tono ng pagod sa pananalita nito. Nang hawiin ko ang kurtina sa bintana ng kalesa, saka ko lang napagtantong magtatakip-silim na pala. Inutusan ko na lamang ang kutsero na bumalik na lamang muna kami sa hacienda de la Serna.

Bakas na rin sa mukha ni Maya ang pangamba sa mga posibleng mangyari, pinapanatili ko na lamang ang aking sariling magmukhang hindi apektado. Hindi ko akalain na magiging ganito kakumplikado ang sitwasyon. Sinasabi ko na nga ba na hindi ako dapat makampante sa pangako ni Señor Rafael dahil maski hindi siya magsalita o hindi sa kaniya manggaling ang katotohanan nakasama niya kami sa rebelyon, ay wala paring kasiguraduhan kung hanggang kailan ito maiitago. Walang sikretong hindi nabubunyag.

Bago kami makapasok sa Hacienda de la Serna, agaw pansin ang kaguluhang nangyayari. Napadaan pa sa gilid ng kalesang sinasakyan namin sina Ising, Teresing at Manang Sita kapwa silang nagmamadali na parang may nais pagtaguan.

“Ising! Saan ang inyong tungo?” hindi ko na napigilan at kaagad akong bumaba ng kalesa. Mukha namang hindi inaasahan ng mga ito ang aking pagtawag sa kanila kayat nagdadalwang isip ang mga ito kung titigil o didiretso na lamang ng lakad paalis.

“Binibini aalis na kami. Kailangan nyo na ring lisanin ang hacienda de la Serna” garalgal ang boses nito. Nagkatinginan kaming dalawa ni Maya na nagtataka.

“Ngunit bakit, Ising?” tanong ni Maya bago nilapitan ito.

“Sapagkat ngayon pinasok na ng mga guardia sibil ang tahanan ni Ginoong Marco at wala nang maaari pang makapasok dito dahil maging ito ay pinaghihinalaan ng sumapi sa mga rebelde. Ipinag-utos daw ng punong hukom ng Real Audiencia na ikukulong muna ito dito hanggat hindi napapatunayang walang sala.” natatakot na tugon ni Teresing pagkay agad nang hinila paalis sina Ising at Manang Sita nang wala man lang paalam.

Napatulala na lamang ako sa kanilang papaalis na pigura. Samu’t-sari ang aking naiisip at hindi ko na maintindihan kung ano ang dapat gawin. Nag-aalala ako na baka madawit ang aking ngalan, hindi lamang ako sa nag-aalala para sa aking sarili kundi para na rin kay Tiyo Ramon. Malaki ang tyansa na maka-apekto sa kaniyang pangalan kung sakaling malalantad ang katotohanan na minsan akong sumapi sa mga rebelde. Alam ko na ang batas at pasikot-sikot nito, kailanmay hindi na nila pakikinggan pa ang paliwanag mo oras na nadungisan at nabahiran na ito ng bagay na makakapagpasira sa reputasyon ng isang tao mula sa perpektong katauhang iniisip sa iyo ng mga tao sa paligid.

Kahit pa ikaw ang nakakataas, mayroon pa ring mga taong naghihintay sa iyong pagbagsak. At iyon ang mga taong dapat mong bantayan at iwasan. Dahil minsan sumasalakay sila ng hindi inaasahan, akala mo tutulungan ka nila pero sila pala ang unang naghahangad ng iyong pagbagsak.

Kapag nabunyag ako bilang pamangkin ng gobernador-heneral na sumapi sa rebelyon, mapapahamak si Tiyo Ramon. Bukod sa pagkasisante nito sa kaniyang termino, marami pang ka-rimarimarim ang posibleng mangyari.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Kailangan kong pag-isipang mabuti at pumili sa dalawang bagay..kung dangal ba o prinsipyo.

Buo na ang pasya ko, mabilis akong dumiretso papasok nang entradang pintuan nang pigilan ako ni Maya.

“Binibini...” may bahid pag-aalala ang boses nito, subalit diretso na lamang ako naglakad papasok. Nakasunod din naman ito sa akin.

Pagkapasok sa mansion agad kong naulinigan ang nag-uusap na boses, walang pakundangan akong nagdire-diretso hanggang sa harapan ng mga ito. Bahagya pang nagulat ang mga ito sa biglaan kong pagdating.

“Señorita Mirasol” aniya ni Don Gutierrez bago tumayo. Ganun din ang ginawa ng katabi nitong heneral na hindi ko kilala. Sa harapan nila si Marco na seryoso lamang ang itsura.

“Don Gutierrez, halos maliyo na kami sa kakahanap sa iyo, gayong nandito ka lamang pala” taas kilay na komento ko. Napapahiya naman itong bumaling sa akin.

“Paumanhin Señorita, masyado akong naging abala sa maraming bagay at hindi ko nais na hayaang lumipas ang oras na hindi natutupad ang kautasan ng gobernador-heneral, maging ng kataas-taasang hukuman”

Nalipat ang tingin ko sa katabi nitong heneral. Kung hindi ako nagkakamali, ang heneral na ito ay siyang kasama noon ni Lucio nang isasagawa dapat ang pagpaparusa kay Ferdinand.

“Magandang hapon sa iyo Binibining Mirasol, ako nga pala si Heneral Santiago Pimentel” pakilala nito bago nagbigay galang. Sinipat ko naman ito mula ulo hanggang paa, kung susumahing mabuti ay nasa edad apatnapu't pataas na ang isang ito. Tinanguan ko na lamang ito bago binalingan ulit si Don Gutierrez.

“Ano ang ipinag-utos sa iyo ni Tiyo Ramon?”

“Ipinag-utos niya na sa lalong madaling panahon ay isagawa ang pagpataw ng sentensyang kamatayan kay Rafael Salvacion dahil sa napatunayan siyang pangunahing pasimuno sa pag-aaklas laban sa gobyerno at napatunyan din kaanib siya ng samahang bumubuo sa KKK.” tugon nito.

“Aking naulinigan na nakakulong din ang kasalukuyang heneral sa bayang ito, ano naman ang pagkakasala niya?” tanong ko pa. Tumingin naman si Don Gutierrez kay Heneral Pimentel kaya ito ang sumagot sa aking katanungan.

“Malinaw kong narinig ang usapan nilang dalawa ni Rafael Salvacion na silay magkasangga at magkakampi. Sa aking palagay ay sapat na iyon upang maging si Heneral Lucio ay mapatunayang sumanib sa grupo ng rebelde at hindi tapat sa Emperyong Espanyang pinangakuan niya ng katapatan at buhay.”

Wala akong masabi, sa sandaling ito batid ko na anumang salitang lumabas sa aking bibig ay kanilang mapaghahalataang kinakampihan ko ang mga ito. Malakas ang ebidensya laban sa kanila at nakakalungkot mang sabihin ngunit wala na akong magagawa pa para sa kanila.

Pinilit kong wag magpakita ng anumang reaksyon. Nahagip ng aking mata si Marco na nakakuyom na ang kamao sa galit. Tumingin ako sa mata nito na parang pinipilit siya kumalma.

“At bakit naman kailangang pati si Ginoong Marco de la Serna ay madawit dito? Siya ba ay inyong inaakusahan din?” nanunuyang patuntyada ko. Napakunot noo ang heneral sa akin at mukhang nagpipigil lamang sa akin.

“Iyo na bang nakalimutan Binibini na kaya lamang napawalang sala itong si Ginoong Marco ay dahil sa pinaniwalaan noon ng kataas-taasang hukuman na hindi totoo at walang rebeldeng nag-aaklas dito? Pero ngayong napatunayan at maliwanag pa sa sinag ng araw na may rebelde. Kung kayat maging si Marco de la Serna ay kailangan litisin at hanggat hindi napapatunayan na siya'y hindi sumapi o umanib sa mga rebelde, kailangan muna siya ikulong sa mansyong ito. Nang sa ganun ay hindi na siya makatakas pa” matapang na tugon ng heneral, napaismid naman ako dito. Sayang lang dahil wala pala akong dalang abaniko, pampukpok sana sa mukha nitong mayabang.

“Kung ganoon nakausap nyo na ba sina Se... bigla akong nagkunwaring nasamid kaya naman agad akong dinaluhan ni Maya. Dali-dali itong nagtatakbo papuntang kusina at ilang saglit lang ay may dala na itong baso ng tubig. Agad ko itong ininom nang hindi tumitingin sa kanila.

Muntikan ko pang matawag na Señor si Señor Rafael sa harapan nila!

“Ayos na po ba kayo Binibini?” nag-aalalang tanong pa ni Maya pagkaabot ko ng basong wala ng laman. Tumikhim muna ako bago tumango. Nagkunwari pa akong nangangati ang lalamunan bago lakas loob ulit humarap sa harapan nina Don Gutierrez at Heneral Pimentel.

“Kagaya ng sinasabi ko...Paano ninyo mapapatunayan na sumapi nga si Ginoong Marco sa mga rebelde? Sinabi ba nung Rafael na kaanib niya ito?”

Tumingin na lamang ako kay Marco dahil pinakiraramdaman ako ni Heneral Pimentel. Kumpyansa na lamang akong nagtaas noo bago tinaasan siya ng kilay.

“Hindi nagsasalita si Rafael Salvacion, basta inamin lamang niya na sumapi siya sa samahan ng mga katipunanero.” sagot ni Don Gutierrez. Napangisi naman akong bumaling sa kaniya.

“Kung ganun sa paanong paraan ninyo mapapatunayan na umanib sa mga rebelde si Ginoong Marco? Sinasabi ko sa inyo sa oras na mapatunayang walang kasiguraduhan ang inyong bintang sa kaniya, hindi mag-aatubili ang aking Tiyo na hatulan kayo dahil sa inyong paninirang puri ng wala sapat na ebidensya.” matapang na wika ko na kinatahimik nila.

Sa pagkakataong ito, kahit si Marco man lang sana ay maisalba ko. Malakas ang loob ko dahil kung hindi nga nagsasalita si Señor Rafael tungkol sa kaniyang mga naging kaanib sa rebelyon, hanggat walang magsusuplong ay imposibleng malaman pa ng kinauukulan ang tungkol sa pagsali namin nina Marco sa rebelyon.

“Aking nababatid na ang kautusang ito ay hindi mula sa gobernador-heneral, ito ay mula sa punong hukom ng real audiencia, tama ba?” dagdag pasaring ko. Ang kaninang mayabang na ngisi ni Heneral Pimentel ay nawala.  Bahagya pa akong lumapit sa mga ito bago mas lumapit sa kanila. “Pwes ngayon din magpadala kayo sa kaniya ng sulat at lahat ng aking sinabi ay siguraduhin ninyong nakasaad. Dahil hindi naman yata tama na ikulong ninyo ng matagal si Ginoong Marco gayong wala naman kayong sapat na ebidensya.”

Parang tuta na nagsitanguan ang mga ito sa akin. Mula sa tabi, kitang-kita ko ang bahagyang pagliwanag ng itsura ni Marco.

Alam ko na may pamilya pa siyang nais buuin kung kayat hindi pa niya nais na maparusahan nang hindi man lamang nasisilayan ang kaniyang mag-iina.

Kagaya ng inaasahan, wala akong nagawa upang isalba ang buhay ni Señor Rafael, malungkot lamang akong natanaw di kalayuan sa plaza kung saan bitbit na ng mga guardia ang wala nang buhay na katawan nito. Nakakalungkot lang isipin na sa kahuli-hulihang hininga ay nagawa niyang iligtas ang buhay na nakararami samantalang ang mga taong iyon ay wala man lamang dito upang pasalamatan siya sa kabayanihang nagawa.

Nakakaramdam ako ng galit sa mga umanib sa samahan ng mga rebelde tapos nung nagkahulihan na ay parang mga dagang nabahag ang buntot sa takot! Naturingan mga kasamahan ng Señor samantalang ni pagsilip ay hindi man lamang nagawa ng mga ito.

“Nasaan sina Simon at Leroy? Si Ka-Molong lamang ang nakita ko rito.” tanong ko kay Maya. Nagpunas muna ito ng luha bago tumugon.

“Wala pong nakakaalam kung saan sila nagtungo.” tugon nito. Napapailing na lamang ako bago tumingin sa maaliwalas na kalangitan.

Hindi ko man personal na nasabi ito sa kaniya ngunit akoy taos pusong nagpapasalamat sa kabutihan mo Señor Rafael.

Tumigil ang kalesang lulan namin sa di kalayuan sa piitan. Pasado alas-tres na ng hapon, oras ng siesta kung kayat wala masyadong tao sa daan.

“Binibini ano pong ginagawa natin dito?” tanong ni Maya, nakatanaw lamang ako sa labas ng piitan. Nag-iisip at nagdidili-dili. Sa pagkakataong ito si Lucio naman ang nasa panganib pero gaya ni Señor Rafael malakas din ang kaso rito at wala na akong maisip na paraan kung paano siya maiisalba.

Kunot noo akong napaayos ng upo nang mapansin ko si Ka-Molong na nagtatangkang pumasok sa piitan ngunit hindi siya papasukin ng dalawang guarding bantay. Napansin ko pa na balak itapon ng mga ito ang laman ng bakol na dala-dala nito. Bago pa man nila ito magawang saktan ay bumaba na ako ng kalesa ngunit agad ding natigilan nang isang kalesa ang tumigil sa mismong harapan nila. Mula dito bumaba si Don Gutierrez kasama si Heneral Pimentel.

Nakatanaw lamang ako sa kanila habang may kung anong pinag-uusapan samantalang tahimik lamang na mukhang kinikilatis maigi ni Heneral Pimentel si Ka-Molong. Mukhang may hindi magandang sinasabi si Don Gutierrez dito hanggang sa hinila niya ito paalis.

Akma na sana akong lalapit upang sitahin ito sa kung ano mang binabalak gawin kay Ka-Molong ng hilahin ni Maya ang aking braso.

“Binibini alam ko na nais mong tulungan si Ka-Molong ngunit hindi iyan makakatulong sa sitwasyon natin. Baka maghinala lamang sila sa iyo at alam mo naman kung gaano ka-metikuloso si Heneral Pimentel lalo pa’t ginalit mo siya kahapon.”

Napapikit na lamang ako ng mariin sa sobrang inis. Buong buhay ko nagagawa ko lahat anuman ang aking naisin. Hindi ko akalain na sa pagkakataong ito, wala akong magawa kundi pabayaan ang nangyayari sa paligid.

Kung hindi lang talaga ako nag-aalala para kay Tiyo Ramon, hindi ko palalampasin ang pagiging siga-sigaan ni Don Gutierrez dito!

Sa sobrang pagkainis ko, inutusan ko ang kutsero na dalhin ako sa hukuman. Kailangan kong makausap si Cypriano at malaman kung ano ang kaniyang balak at naiisip gayong siya na ang nakatalaga bilang hukom ngayon sa bayang ito.

Naabutan ko itong abala sa mga papeles na binabasa rito sa loob ng kaniyang opisina. Dahil sa maingay na pagbukas at pagsara ng kaniyang pinto kaya agad itong napatingin sa gawi ko. Inutusan ko naman si Maya na manatili muna doon at doon na lamang ako hintayin.

Dire-diretso akong naglakad palapit kay Cypriano. Sandali naman itong natigilan mula sa pagbabasa, halatang hindi inaasahan ang aking biglaan pagparito.

“Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo Binibini?” pormal na tanong nito bago inimpis sa isang tabi ang kanina lamang binabasang mga papeles.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, naparito ako upang ikay tanungin kung ano ang balak mo ngayon o sabihin mo sa akin kung ano na ang iyong naiisip na susunod na hakbang?” diretsahang tanong ko. Isang kakaibang ngisi ang itinugon nito na para bang isang pambihirang salita na naman ang kaniyang narinig mula sa akin.

"Paanong susunod na hakbang? Wala naman tayong plano Binibini.” natatawang panayam nito na kinasimangot ko.

“Ako'y hindi nagbibiro. Seryoso ang aking katanungan at kung hindi lamang dahil sa sitwasyon ay hindi kita kailanman kakausapin ni paglalaanan ng oras ” niiritang tugon ko. Hindi nagbago ang ekspresyon nito.

“Kung ganoon, ikinalulugod ko pala ang madalaw ng isang prinsesa mula sa araw” pakantyaw na wika pa nito na mas pinag-init ng ulo ko. “Biro lamang, masyado ka na namang mainit ang ulo.”

Kung may sungay lamang ako, ngayon din ay hindi ako mag-aatubiling suwagin ang Yanong toh! Wala sa hulog ang kaniyang pagbibiro. Patatawarin!

Tumikhim muna ito bago nagsimula nang magseryoso. “Aking naulinigan ang ginawa mong pagtatanggol para kay Marco. Sa totoo lang nagpapasalamat ako ngunit dapat hindi mo na iyon ginawa pa dahil baka mas lalo lamang mag-isip ng kung anu-ano si Heneral Pimentel. Isang tuso at metikuloso ang taong yun at sa simpleng pagtitig lamang ay madami na kaagad naglalarong ideya sa kaniyang isipan.” aniya nito, imbes na maapektuhan ay napataas na lamang ang kilay ko.

“At ano ang dapat kong gawin, hayaan na lamang na ikulong nila habambuhay ang kaibigan mo? Atsaka isa pa Ginoo, hindi ako basta-basta kumikilos ng hindi pinag-iisipanang lahat ng salitang namumutawi sa bibig ko.”

Napahinga na lamang ito ng malalim bago taimtim na nag-isip.

“Sa ngayon wala akong ibang magagawa kundi sundin ang utos ng nakatataas na hukom. Malakas ang ebidensya laban kay Lucio at oras na suwayin ko ang kaniyang pinag-uutos, maghihinala lalo siya na kasabwat ako, at kapag nangyari iyon madadamay si Marco...gayundin posible kang madamay lalo’t ang alam ng gobernador-heneral ay nakilala mo na kami bago pa man ang paglilitis kay Marco sa Real Audiencia.”

Hindi ko napigilan ang mapalunok laway sa kaniyang sinambit. Tama siya, hindi makakatulong ang pagdawit namin sa aming ngalan sa sitwasyon. Kung tutuusin pwede naman akong magtakip tenga at magbulag-bulagan na lamang sa nangyayari sa paligid pero ang konsensya ko ay nangingibabaw. Kung uunahin ko naman ang kapakanan ng ibang tao, mas madami ang madadawit.

“Binibini batid ko na hindi maiiwasan ang makonsensya sa nangyayari ngunit iyong paka-isiping mabuti, bakit pa kailangan ilagay ni Señor Rafaael ang kaniyang buhay sa kapahamakan at bakit kailangan pa niyang magsakripisyo?” bigla akong nalunod sa pag-iisip ng malalim sa kaniyang katanungan.

“Iyon ay upang may magpapatuloy ng kaniyang nasimulang adhikain. Naniniwala siya na balang araw, aanihin nila lahat at bawat sakripisyo para sa bayan.”

Tulala lamang ako habang binabagtas na ng kalesang lulan namin ang daan pabalik sa bahay-panuluyan na kasalukuyan naming tinutuluyan ngayon. Matapos kasi ang nangyari kahapon ay ipinagpabuti muna naming na umalis muna sa hacienda de la Serna. Gaya ng ipinag-uutos ng batas, hindi pa rin maaaring lumabas ng mansyon si Marco pero hindi ko na ito inaalala pa lalo't naipadala na ni Don Gutierrez ang sulat para sa punong hukom ng Real Audiencia. Di magtatagal ay makakalaya na rin si Marco at sisiguraduhin ko na mangyayari iyon.

Muli namin nadaanan ang piitan. Hindi ko na sana paglalaanan pa ito ng pansin ngunit muli kong nasilayan si Ka-Molong. Mukhang nakikiusap na naman ito sa mga guardia ngunit hindi naman siya pinapansin ng mga ito.

“Manong, itigil mo ang kalesa sa tapat mismo ng piitan.” mariing utos ko, napansin ko ang tangkang pagpigil sa akin ni Maya nang isang masamang tingin ang ipukol ko sa kaniya. Kahit ngayon lang, gagawin ko kung ano ang sa tingin ko ay tama at nararapat!

Natigil si Ka-Molong sa pagmamakaawa nang saktong tumigil ang kalesang aming lulan sa kanilang tapat. Agad namang nabigay pugay ang mga guardia at bumati sa akin.

“Bilang pamangkin ng gobernador-heneral ay ipinag-uutos ko na papasukin ninyo ang matandang ito.” buong awtoridad kong wika. Magre-reklamo pa sana ang isang kawal nang unahan ko ito. “At walang dapat makakaalam na ako mismo ang nag-utos sa inyo na papasukin siya rito. Dahil kung hindi…hindi ako mag-aatubiling patalsikin at idawit ang mga mahal ninyo sa buhay oras na magkalintikan.”

Agad tumalima ang mga ito pagkay nagbigay daan kay Ka-Molong. Isang naninindak na tingin pa ang ipinukol ko sa dalawang guardiang bantay at sinigurado kong matatandaan ko ang kanilang pagmumukha.  Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang mahinang sinabi sa akin ni Ka-Molong.

“Maraming salamat, Binibini.” nakangiting wika nito. Walang reasksyon tumango na lamang ako dito.

“Ito na lamang ang maiitulong ko sa sitwasyon ngayon.” mahinang sambit ko at siniguro kong hindi kami maririnig ng mga kawal.

“Nagkakamali ka Binibini, sobrang laki na ng nagawa mo at dahil sa iyo, naging makubuluhan muli ang kanilang istorya at nabigyang pagkakataon muli kahit sa huling sandali ng kanilang buhay,” tugon pa nito ngunit bago pa man ako makapagsalita at diretso na ito naglakad papasok ng piitan.

Naiwan akong nakatanga at pilit pino-proseso kung ano ang ibig niyang ipakahulugan.

Ngayon ay katapusan ng araw para sa buwan ng Mayo, isang masalimuot na araw dahil ngayon nakatakdang mangyari ang pagpapataw ng kaparusahan para kay Lucio. Nangingibabaw ang kalungkutang nadarama ng lahat habang nakatanaw kay Lucio na higit-higit ng mga guardia. Ang dating tahimik at payapang Lawa ni Saria, ngayon ay napupuno ng mga taong sasaksi sa kaparusahang ipapataw para sa dating heneral.

Tahimik lamang ako habang hawak-hawak ang krus mula sa kwintas na aking suot, ito yung kwintas na nooy ibinigay ko kay Fabio na sa pamamagitan ni Cypriano ay naibalik sa akin.

Lumusong na sa tubig ang tatlong guardia habang higit-higit si Lucio. Natigil sila sa parting abot ang kanilang leeg. Kapit pa rin ng dalawang guardia si Lucio sa magkabilaang kamay habang ang isa ay pumwesto na sa likuran nito pagkay sinabunutan ito.

“Sa ngalan ng Emperyong Espanya, ako si Heneral Pimentel na naatasan bilang kapalit na heneral sa bayan ng Valencia ay ipinag-uutos na simulan na ang pagpataw ng parusa sa nagtaksil at dating Heneral na si Lucio Villafuerte.” anunyo nito kasabay ng putok ng baril.

Walang sinayang na pagkakataon at agad inilublob ng guardia ang mukha ni Lucio sa lawa. Napatakip na lamang ako sa aking bibig dahil parang dama ko ang hirap nito, kakawag-kawag ito at pilit nanlalaban subalit sa dami ng kamay na nakahawak sa kaniya, wala na siyang magawa. Ilang minuto ang itinagal at talagang hindi nila pinakawalan ni hinayaan na makaahon ang mukha ni Lucio sa tubig. Segundo pa ang binilang ng tumigil ito, nakiramdam ang mga kawal at binitawan na ng mga kawal ang pagkakapit sa braso nito subalit masyadong mabilis ang pangyayari sa isang iglap, nasiko ni Lucio ang mga ito.

Dahil sa hindi inaasahan nitong panlalaban ay hindi kaagad nakaganti ang mga kawal. Susunggaban pa sana ito ng isa pang kawal na nasa kaniyang likuran nang matigilan at mapatitig kay Lucio. Tumigil si Lucio na kala moy nanalangin, nakatuon lamang ang atensyon ng lahat sa kaniya at habang siya'y aking pinagmamasdan napansin ko na may salita siyang inusal…

'Senyorita'?

Hindi ko sigurado pero palagay ko iyan ang nabasa ko sa mga labi niya habang nakatingin siya sa kalangitan. Matapos nun muli siyang lumubog sa tubig at kasabay nun, sa isang iglap nabalot ng dugo ang tubig na nakapalibot kay Lucio. Agad naalarma ang mga kawal at sinubukang labanan pa ito ngunit wala na itong buhay nang mahigit nila paahon. At ang lahat ay halos mapasinghap nang makita ang natarak na punyal sa bandang tiyan nito.

Dahan-dahan kong naibaba ang aking kamay mula sa pagkakatakip sa aking bibig. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito kabilis ang pintig ng aking puso. Ang ganitong senaryo ay pamilyar sa akin at nababatid ko kung bakit...

Nagpakamatay si Lucio ..sinaksak niya ang sarili sa pamamagitan ng punyal.

Kung hindi ako nagkakamali, mula sa aking nabasang librong Camino de Regreso, nagpakamatay ang bidang lalaki na si L, namatay siya sa kagayang paraan kung paano rin tinapos ni Lucio ang sariling buhay.

Nagkataon lamang ba na maraming pagkakapareho ang istorya sa nangyayari? Bakit hindi ko kaagad napansin ito? Ang pagkawala ni Celestina, ang nararamdaman sa kaniya ni Lucio kahit pa hindi sila nabigyan ng tyansang makilala man lamang ang isa’t-isa?

Parang gusto kong mahimatay sa naiisip. Muntikan pa akong mawalan ng balanse, mabuti't napahawak ako sa isang puno sa aking tabi.

“Binibini,” naramdaman ko ang marahang pag-alalay sa akin ni Maya. Muli akong nagbalik sa reyalidad nang muling mabaling ang aking tingin sa lawa ay kasalukuyang wala na doon ang mga guardia. Ang labi ni Lucio ay naiahon na at ngayo'y ibinabalot na sa salukot habang tinatangisan ng kaniyang ama at ng kapatid na si Lucas. Mula sa di kalayuan napansin ko si Marco, lumuluha na rin ito at ramdam ko ang kaniyang paghihinagpis habang minamasdan ang wala ng buhay na katawan ng kaibigan. Napatingin din ako kay Cypriano na seryoso lamang ang itsura, agaw pansin pa rin ang pag-igting ng panga nito hindi ko mawari kung dahil lamang ba sa sitwasyon gayong natural na rito ang pagtiim bagang na bahagi na ng kaniyang araw-araw na buhay.

Nagsimula nang mag-alisan ang mga tao sa paligid, pagkaalis nang heneral at grupo ng guardia dala ang bangkay ni Lucio. Kami na lamang dalawa ni Maya ang naiwan dito. Nakatunganga lamang ako sa iwan, particular sa bahagi kung saan may bakas pa ng naiwang dugo ni Lucio.

Kung sakali man tama nga ang aking iniisip, ibig sabihin…sa huling sandali napagbigyan ko ang kapalaran nilang dalawa? Bigla nanlaki ang aking mata at napahawak na mahigpit sa kamay ni Maya na nakaalalay sa akin nang parang napansin ko ang kakaibang pagkislap ng Lawa! Sinubukan kong lingunin si Maya ngunit walang kakaibang reaksyon sa mukha nito. Kinurot ko na lamang ang aking sarili nang mapanumbalik sa katinuan.

Marahil hibang na nga ako at maging ang imposibleng bagay ay iniisip kong totoo!

“Aking naulinigan mula sa mga tauhan dito sa bahay-panuluyan na kaya pala sa Lawa ni Saria naganap ang paghahatol kay Heneral Lucio ay dahil sa ito mismo ang kaniyang ipinahiling kay Ginoong Cypriano,” pagkwe-kwento sa akin ni Maya. Tulala lamang akong nakatanaw sa bintana, ipinag-kaigi na lamang titigan ang kalangitan na unti-unti ng nagiging kahel. “Nakakalungkot man ang sinapit ng heneral pero kahit papaano Binibini, nakahinga na ako ng maluwag. Dahil sa kanilang pagsa-sakripisyo ni Señor Rafael, matatapos na ang usapin tungkol sa mga kasapi at umanib sa rebelyon ng mga rebelde.”

"Pero Binibini ito pa, alam mo bang nagkaroon pa raw ng pagtatalo tungkol sa labi ng heneral, at ang gusto raw ni Heneral Pimentel ay itapon sa libingan ng mga makasalanan ang bangkay nito. Mabuti na lamang at pinagbigyan ni Don Gutierrez ang kahilingan ng pamilya ni Heneral Lucio na sunugin na lamang ang katawan nito at itapon ang abo sa Lawa. Marahil ay may malalim na dahilan si Heneral Lucio kung bakit nais niyang mahimlay sa Lawa." pagbibida pa nito.

Saka lamang ako napalingon matapos ang kaniyang sinabi. Napabuntong hininga pa ako habang minamasdan siyang abala sa pagtitiklop at pag-eempake ng aming mga gamit.

Hindi ko na lamang pinagtuunan pa ng pansin ang kaniyang mga ibinida. Masyado nang madaming nangyari at pakiramdam ko hindi na nakakalusog para sa aking isipan ang kaniyang mga ikine-kwento.

Bukas din ay babalik na kami ng Maynila dahil ayon kay Don Gutierrez ito daw ang bilin ni Tiyo Ramon. Hindi na rin naman ako nagreklamo pa dahil sa aking palagay ito rin ang dapat kong gawin dahil simula nang bumalik ako dito sa Valencia, samu’t-saring trahedya at kasawian na lamang ang aking nasasaksihan.

Tutal maayos na rin naman ang lahat dito sa Valencia, naalis na mula sa pagkakakulong sa kanilang mansion si Marco dahil hindi napatunayan ng nagmatataas na punong hukom at walang sapat na ebidensyang magpapatunay sa kanilang ibinibintang dito. Sa tulong ni Cypriano, mas lalong tumibay ang depensa sa panig ni Marco, sa huli wala silang nagawa kundi hayaan na lamang ang mapanumbalik sa dati ang Valencia. Pero pinaalalahanan ko rin muna sina Marco na kung maaariy iwasan na ang pagdawit ng kanilang ngalan sa kahit anong bagay dahil isang pagkakamali nila ay tiyak, hindi na sila makakaligtas pa lalot nababatid ko na pag-iinitan lamang sila ni Heneral Pimentel. Isa pa rin kasi ito sa di matanggap ang pagkakapahiya kaya talaga dapat mag-ingat sila dito. Dahil pakiramdam ko may kakaiba akong nararamdaman sa Heneral na yun. Hindi panatag ang aking loob sa kaniya lalot bagong salta lang naman siya sa Valencia.

Magtatakip-silim na nang matapos si Maya sa pag-eempake, pagkatapos maghapunan ay agad ko itong inaya papuntang hacienda de la Serna. Kahit papaano ay nais kong pasalamatan at makapagpaalam ng matiwasay kina Marco, Tala, Elio at maging kay Cypriano kahit na naasar pa rin ako sa kaniya.

"Ate Sinag!" masayang salubong sa akin ni Tala, bumeso pa ito na akala moy sobrang malapit kami sa isa't-isa. "Babalik na ba ulit kayo dito ni Ate Maya?"

"Bago ko sagutin ang iyong katanungan, nais ko munang tanungin kung nasaan ang iyong Kuya Marco at si Elio? Nandito rin ba si Cypriano ngayon?" tanong ko pa habang panay ang lingon sa paligid.

"Ah Ate nasa balkonahe sina Kuya Acong at Kuya Yano. Maiigi pa'y puntahan mo na muna sila habang tutungo ako pabalik sa aming hacienda upang tawagin si Elio." paalam nito bago tumakbo na palabas ng bahay.

Nagpaiwan na lamang si Maya sa sala at sinabing doon na lamang ako hihintayin. Tinahak ko na ang daan paakyat sa hagdan upang dumiretso sa balkonahe kung saan daw naroroon sina Marco at Cypriano.

"Wala naman na akong magagawa pa kung iyan na ang iyong pasya. Ang tanging hangad ko na lamang ay makita mo na siya dahil ang tagal na rin ng panahong lumilipas"

Nasa labas pa lamang ako ng balkonahe ay naririnig ko ang tinig ni Marco.

"Umaasa ako na sa pagkakataong ito ay mabigyan na ako ng tyansang siya'y mayakap at muling makapiling." dinig ko naman tugon ni Cypriano.

Mukhang masyadong personal ang pinag-uusapan nilang dalawa at dahil wala akong panahon para maghintay sa kanila bago matapos ang kanilang usapan. Isang pagtikhim ang aking pinakawalan na kaagad nakapukaw sa kanilang atensyon.

"Binibining Mirasol," aniya ni Marco at napatayo pa ito.

"Paumanhin mga Ginoo, hindi ko hangad na makagambala sa inyong pinag-uusapan. Akoy naparito lamang upang magpaalam sa inyo at magpasalamat na rin sana," diretsahang wika ko. Seryoso silang nakatitig sa aking mukha.

"Aalis ka ba kaagad Binibini?" tanong ni Marco.

"Oo Ginoo, bukas na bukas din ay sasabay na kami pauwi ni Maya kay Don Gutierrez. Kaya sanay mag-iingat kayo palagi rito sa Valencia."

Napabuntong-hininga na lamang si Marco bago ngumiti. Lumakad pa ito palapit sa akin at itinapat ang kamay sa dibdib.

"Bueno, sanay tanggapin mo ang aking taos-pusong pasasalamat Binibini. Batid ko lahat ng kabutihan ginawa mo para sa akin at lahat ng iyon kailanmay hindi ko makakalimutan."

Tumango na lamang ako bago napa-iwas tingin. Ngayon ko lang napansin ang malaking pagkakahawig nito kay Fabio lalo na kapag ngumingiti.

"Walang anuman Ginoong Marco, kung sakaling nandito si Fabio, batid ko na hindi ka niya matitiis. Isipin mo na lamang na ang pagtulong ko sa iyo ay paraan din ng iyong Kuya upang ikay tulungan kahit siya'y wala na rito sa mundo." tugon ko. Sandali ko pang sinulyapan si Cypriano, tinanguan ko na lamang ito bago nagpaalam ng aalis.

Nagpresinta naman si Marco na ihahatid daw muna kami ni Maya hanggang labasan. Bigla akong napatigil sa paglakad nang mapadaan kami sa may hardinan.

"Bakit Binibining Mirasol, may nakalimutan ka ba?" Nagtatakang tanong ni Marco. Nanatili naman ang tingin ko sa magagandang bulaklak ng gumamela at rosas.

"Ginoo maaari ba akong pumitas ng ilang pirasong gumamela mula sa inyong hardin?" nagbabaka sakaling tanong ko.

"Aba oo naman Binibini, kahit gaano pa kadami ay ayos lamang at walang problema sa akin." tugon nito, kaya naman hindi na ako nag-atubiling pitasin ang ilang pirasong bulaklak ng gumamela.

"Maya hintayin mo na lamang ako diyan sa bungad, isasaboy ko lamang itong mga talutot (petals) ng bulaklak sa Lawa" mariing bilin ko pagkarating namin sa Lawa ni Saria.  Nagdiretso lakad na ako at tumigil sa mismong harapan ng lawa. Isang dasal ang aking inaalay para sa kaluluwa ni Lucio at idinamay ko na rin sa aking dasal si Señor Rafael.

Nang matapos ay isa-isa ko nang sinaboy ang talutot sa lawa. Habang ginagawa ito ay naalala ko bigla si Celestina dahil sa gumamela.

Patapos na ako sa pagsasaboy nang maulinigan ko ang isang boses sa aking likuran.

"Hindi ko akalain na madadatnan pa kita rito."

Kahit hindi ko lingunin ay agad kong nabatid na si Cypriano ang nagsalita. Hindi na ako nag-aksaya ng panahong lingunin pa ito.

"Marahil ikay nalulungkot din sa nangyari kay Lucio." wika pa nito, mga tatlong dangal lamang ang pagitan namin ngayon. Kapwa sa lawa lamang nanatili ang mata namin.

"Bakit, sa tingin mo ba wala na akong karapatang malungkot? Marahil isa ka rin sa mga taong mapanghusga." natatawang pasaring ko habang naiiling pa. Hindi naman na bago sa akin ang ganitong komento ngunit nakaka-pikon pa rin. Oo hindi ako perpekto, oo at masama ang ugali ko pero may puso rin ako. Tss.

"Wala akong ibig ipakahulugang iba Binibini." Depensa pa nito na ikinairap ko na lamang sa ere.

"Pero isang bagay ang aking napagtanto..." dagdag wika pa nito.

Hindi ko nga pinansin. Iba talaga ang takbo ng isipan nitong si Cypriano. Kapag kinausap mo, hindi magsasalita tapos kapag naman wala ka sa wisyong kausapin, ngawa nang ngawa na kala mo'y pumuputak na manok!

"Mahilig ka pala sa Heneral."

Nanlilisik ang mata kong napalingon sa kaniya. Ano raw, mahilig ako sa heneral? Aba akala pa yata ng isang ito na may gusto ako kay Lucio! Masama rin pala kapag masyadong matalino ang isang tao, kung anu-ano ang naiisip.

"Ikay hibang na Ginoo. Ano naman ang naging panuntunan mo upang masabing may gusto ako kay Lucio? At pwede ba tantanan mo ako dahil hirapan nga akong makalimot at maalis ang malaking sugat na dulot ni Fabio na imposible na rin sigurong maghilom pa." nasusuyang paliwanag ko pa. Mukha namang tinablan ito sa aking nasabi. Nahihiya itong napatingin sa akin bago nag-iwas tingin.

"Paumanhin sa aking nasambit. Wala akong maiidahilan at inaamin ko na akoy nagkamali sa paratang sa iyo." nahihiyang wika nito. Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil hindi ko rin alam kung ano pang masasabi ko dito. Ganundin ramdam ko ang sinseridad sa sinabi nito bagamat hindi nito magawang tumingin sa aking mata. Humarap na lang muli ako sa lawa at sinamyo ang preskong hangin.

Ilang saglit pa'y ako na ang kusang lumayo ngunit bago tuluyang umalis ay isang salita ang aking iniwan.
"Kalimutan mo na lamang ang iyong sinabi at kakalimutan ko na lang din na narinig ko ang nakakasuya mong komento sa akin. Hindi ko nais na baunin ang ganitong alaala pabalik ng Maynila."

"Darating sa punto na nakatakda kang iwan ng mga taong inaasahan mong mananatili sa iyong buhay magpakailanman. Hindi ayos pero wala kang magagawa kundi itoy tanggapin ng maluwag sa iyong puso."

Agad kong naisara ang kwadernong aking sinusulatan. Nanlilisik ang mata kong binalingan si Remedios.

"O hindi ko kasalanan na mabasa iyang pinagsusulat mo diyan sa iyong kwaderno." denpensang panggi-giit pa nito na mas lalong ikinasama ng tingin ko sa kaniya. Ayaw ko pa naman sa lahat ay yung may nakakabasa ng aking mga ipinagsusulat dito.

Natatawa naman itong naupo sa aking tabi at namisilip sa bintanang aking tinatanawan habang nagsusulat kanina.

"Hay ewan ko sa iyo Mirasol, nais mong maging kagaya ng iyong Ina at sumunod sa yapak nito bilang magaling na manunulat ngunit bakit sa simpleng pagbasa ko lamang niyang isinusulat mo ay nagagalit ka na? Hindi ka magiging tanyag kung ikaw lang din ang makakabasa niyang iyong akda." aniya pa nito. Napatitig tuloy ako sa kaniyang biglaang pagse-seryoso ngunit ang mata nito ay nakatanaw na lamang sa labas ng bintana.

Napahinga ako ng malalim, bakit kasi naisipan kong magtungo pa rito sa kumbento? Hindi rin naman pala ako makakapagsulat ng husay.

Hindi ko akalain na naalala pa pala niya ang tungkol sa aking kinilalang ina at maging ang pagiging tanyag na manunulat nito ay kaniya ring naalala. Kahit papaano pala ay isinasapuso rin niya ang kwento ng aking buhay na ibinahagi ko sa kaniya nung kamiy magkasama pa noon sa kumbento.

"Mirasol, ano na ang iyong plano? Tumatakbo ang oras, lumilipas ang araw, may hangganan ang lahat kaya dapat wag mong sayangin ang kada segundo o minutong inilalagi mo rito sa mundo." seryosohang wika pa nito bago tumingin sa akin. Inayos pa nito ang belong nilipad ng hangin sa kaniyang mukha.

Napaisip ako ng malalim tungkol sa kaniyang sinabi.

Mahigit dalawang linggo na rin ang nakakaraan nang makabalik ako rito sa Maynila mula Valencia. Simula nung nakabalik ako rito, sa di maipaliwanag na dahilan pakiramdam ko biglang nagkaroon ng madaming katanungan ang aking sarili. Mga katanungang noon naman ay di ko pinagtutuunan ng pansin pero ngayon may kung ano ang nag-uudyok sa akin upang alamin kung ano nga ba ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao. Bagay na hirap akong gawin, gayong hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula.

Napabuntong hininga na naman ako…

"Aking nadarama mula diyan sa iyong malalim na buntong hininga na may nais kang gawin ngunit hindi mo magawa,"

"Remedios, mahigit dalawang buwan ka pa lamang nagiging madre ngunit tilay nakuha mo na maging ang pagiging makata ni Madre Virginia." pasaring na wika ko. Natawa naman ito sa aking sinambit.

Kasalukuyang nandito ako sa kumbento ng Santo Niño de Tondo Parish, kung saan nakadestino bilang madre si Remedios at kasalukuyang kasama niya dito ang aming dating madre superiora na si Madre Virginia.

"Sabi ko nga sa iyo, pakiramdam ko pinupuspos na ako ng Espiritu Santo. Kay sarap paglingkuran ng Diyos." magiliw na wika pa nito.

"Mabuti ka pa masaya na at kuntento samantalang ako daig ko pa ang bago panganak na sanggol. Wala akong pagkakakilanlan at hanggang ngayon pakiramdam ko naliligaw pa rin ako." wala akong ibig ipakahulugan sa aking sinambit ngunit sa tono ng aking pananalita na parang nahihili ako sa kaniya.

"May dahilan ang lahat ng bagay, naniniwala ako na may sapat na kadahilanan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito Mirasol. Malay mo nakalaan ka pala talagang madiskubre at malaman ang katotohanan tungkol sa iyong pagkatao." pagpapagaan nito sa aking loob. Napailing na lamang ako, hindi ko nais na panghinaan ng loob pero napaka hirap naman talaga ng suliraning kinakaharap ko ngayon. Tapos wala pa akong ibang masabihan tungkol dito dahil masyadong naging abala si Tiyo Ramon, kung kaya dito ako namamalagi kay Remedios. Wala na kasi ibang nakakaalam tungkol sa pagiging ampon ko kung hindi sila lang mga naging kasamahan ko noon sa kumbento at tanging si Remedios lang naman ang nakakausap ko.

Masaya na rin ako para rito kay Remedios dahil mukhang hiyang siya sa buhay na tinatamasa. At talagang determinado siyang gampanan ang tungkulin. Akin pang naalala ang pagpapahalaga at pag-aalala niya sa mga taong nasasakupan.

Bigla akong natigilan nang may maisip. Oo nga pala isinama ako ni Remedios noon sa perya at doon nakilala ko ang matandang may pahid na si Editha! Naalala ko rin na may mga patalinghanggang sinaad nito sa akin noon, batid ko na may nalalaman siya tungkol sa akin.

Agad akong tumayo at niligpit ang akong mga gamit. Nagtataka naman napatayo na rin si Remedios.

"Aalis ka na ba kaagad?" Tanong pa nito at tutulong pa sana sa pagliligpit ng aking gamit nang harapin ko ito.

"Hermana Remedios samahan mo ako, magtutungo tayo sa perya." puno ng pag-asang wika ko.

"Ngunit wala na ang peryahang iyong tinutukoy. Ipinasara ni Padre Santino dahil sa hindi kaaya-ayang gawaing nakakasira sa pananampalatayang katoliko ng mga tao."

Biglang bumagsak ang aking balikat sa itinugon nito. "Hindi ko alam kung anong meron sa perya at tilay ninanais mong magtungo rito pero sanay wag kang malungkot. Madami pang pagkakataon at hindi ka pababayaan ng Diyos anuman ang mangyari." dagdag aniya pa nito. Tumango na lamang ako bago nagpaalam na mauna ng umalis.

Pagkabalik ko sa Malacañang kataka-taka ang pagiging abala ng lahat na akala moy magkakaroon ng mahalagang okasyon o pagtitipon na darating.

Agad kong nilapitan si Maya na aburido sa pagbubunot ng sahig upang pakintabin.

"Maya anong nangyayari dito at tilay may paghahandang nagaganap?" pang-uusisa ko habang pinagmamasdan ang nangyayari sa kapaligiran.

"Binibini wala rin po kaming ideya sa kung ano ang mayroon at pinaghahanda kami ng gobernador-heneral.” wika nito bago nagpatuloy na sa paglilinis. Dumiretso na lamang ako sa aking silid na nagtataka.

Bago sumapit ang alas-sais ng gabi, kumatok ang tatlong kasambahay kasama si Maya upang ayusan at bihisan ako.

“Hindi nyo na ako kailangan pliguan pa dahil hindi naman ako baldado at kaya ko na ang aking sarili.” pagmamataray ko. Agad namang nabitawan ng mga ito ang aking braso. “Ano bang meron at daig pa ang may kasalang magaganap kung akoy inyong paghandain?”

“Señorita hindi din po namin alam. Basta po mariing utos ng gobernador-heneral na kayo'y aming ayusan.” taas kilay kong pinasadahan ng tingin ang mga ito bago tumungo sa paliguan.

Nasagot lamang ang aking sariling katanungan nang makababa ako ng aking silid. Nasa ikalawang palapag pa lamang ako ay napansin ko na kaagaad ang ilang panauhin sa may salas. Nakaagaw din ng aking atensyon ang grupo ng orkestrang tumutugtog. Inisip ko pa kung anong meron dahil wala naman akong naalalang kahit na anong okasyon para sa araw na ito.

“Oh, mi sobrina está aquí (Nandito na pala ang aking pamangkin.” masayayng anunsyo ni Tiyo Ramon nang masilayan ako pababa ng eleganteng hagdanan ng palasyon. Nasaakin ang mata ng lahat kung kayat agad kong tinakpan ng hawak kong abanikong ang aking mukha.

Karamihan ay ngumiti at magalang na nagbigay galang sa akin na tinanguan ko na lamang. Lumapit ako kay Tiyo Ramon nanakangiti rin sa akin, bumulong ako dito.

“¿Qué es todo esto del tío? (Anong meron dito, Tiyo?)"

“Verá...(Makikita mo...)” tugon nito pero panay ang ngiti at pagtangoniya sa mga kakilalang nagtatanong tungkol sa akin. Sa likod ng abanikong nakatakip sa aking mukha ay ang nakasimangot at sambakol kong mukha. Karamihan sa mga narito ay mga pricipalia, ilang cacique, mga opisyal at oidores ng Real Audiencia. Nakita ko pa sina Don Serio Velasco na siyang kasalukuyang punong hukom ng Real Audiencia at katabi nito si Ginoong Reyes na piscal.

Ang mga Donya ay isa-isang nagsilapitan sa akin at nakipagbeso. Umikot na naman ang mata ko sa ere, kung hindi lamang nandito si Tiyo ay hindi ako papayag na mahawakan ultimo dulo ng aking daliri ng grupo ng mga pekeng ito.

“Buenas Noche, Señorita Mirasol! Ngayon na lang ulit tayo nagkita at nais kong ipabatid ulit sa iyo ang taos puso kong pasasalamat dahil sa matapang mong pagsagip sa aking buhay.” nakangiting wika ni Donya Paciana, kasama nitong lumapit sa akin ang asawang si Don Serio at Don Alano Reyes. Naulinigan ko naman sa aking tabi si Tiyo na kasalukuyang kausap si Don Gutirrez at mukhang isinasalin nito sa wikang espanyol ang mga sinabi nitong si Donya Panciana sa akin.

“Wala na sa akin ang bagay na iyon at ginawa ko lamang ang tama Donya Paciana.” pormal kong tugon habang nagpapaypay. Tumawa naman ito ng peke na para bang makabagbag damdamin ang aking sinaad sa kaniya.  

“Tunay na napakabuti mo Señorita Mirasol.” labas sa ilong na papuri nito bago nilingon si Tiyo Ramon. “
"Gobernador general tu sobrina es una buena persona, la criaste adecuadamente. (Gobernador-Heneral, tunay na napakabuti ng iyong pamangkin. Napalaki mo siya ng ayos.)"

Tuwang-tuwa naman si Tiyo sa sinabi nito. “Tienes razón. Mi sobrina no es perfecta, pero tiene un corazón puro en lo profundo de su interior.
(Tama ka. Marahil hindi siya perpekto ngunit tunay at busilak ang kaniyang puso.” pagsang-ayon nito bago itinaas na nila ang kanilang kopita at muling nagkwentuhan. Hindi naman ako makasabay sa kung ano ang kanilang pinag-uusapan dahil puros tungkol lamang sa politika, balita tungkol sa España at mga karatig bansa, simbahan at maging ang nangyari sa Valencia kamakailan lamang ay kanilang pinag-uusapan. Hindi ko na ninais pang makisali sa kanila dahil naalala ko na naman ang mga di kaaya-ayang karanasan sa bayan na iyon. Umalis na lamang ako at akmang babalik na lamang sa aking silid nang muli na naman ako tawagin ni Tiyo Ramon. Iiling-iling akong napabalik sa kaniyang tabi.

“Por cierto Mirasol, mis amigos junto con sus queridos hijos están aquí y están aquí para conocerte mejor. Espero que los trates de manera justa y agradable. (Siya nga pala, Mirasol, kasama rin nila ang kanilang mga anak na lalaki. Inaasahan ko na haharapin mo silang lahat ng maayos at patas.)” pabatid nito sa akin bago tumingin sa parte kung san ilang Ginoong halos kaedadan ko lamang ang nakangiting bumati sa akin.

“Y caballeros, por favor, sean amables con mi sobrina. Y cualquiera que sea su decisión siempre la respetará.
(At mga Ginoo, sanay agawa ninyo respetuhin anuman ang kaniyang maging desisyon.)” aniya pa niya sa mga ito na para bang ibinubugaw ako. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa aking sitwasyon.

Sa ilang oras na lumipas, ilang Ginoo ang nagpakilala sa akin. Karamihan ay mga edukado at nakapagtapos ng may mataas na kurso hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa Europa. Lahat may ipagmamalaki at lahat maginoo. Nakakatawa lamang isipin na batid ko na sa una lamang sila ganiyan upang makuha ang loob ng ninanais kailangan talaga nilang magpakitang tao. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na kaya lamang sila naririto ay upang hingin ang aking kamay. Sinong ginoo ang hindi nanaising makapangasawa ng isang Binibining mula sa tanyag at marangyang pamilya lalo pa’t malapit sa gobernador-heneral? Para akong tropeyo na sa una lamang hinahangad pero kalaunay kapag nakamit na ay kusa na lang iitsapwerahin. Maliwanag na nababatid ko ang posibleng mangyari sa aking buhay sa hinaharap kung kayat hindi ko nais magpatali kahit na kanino lalo pa’t kung sa isang taong hindi ko naman talaga mahal. Isang pagpapatiwakal para sa akin ang maikasal sa taong hindi mo naman inaasam na makasama panghambabuhay.

Napahilot na lamang ako sa aking sentido matapos makausap lahat ng ginoong nagnanais magpakilala sa akin. Sa sobrang dismayado ay balak ko sanang kumuha ng alak na nasa kopita nang matigilan ako dahil sa pagdating ni Don Reyes.

“Magandang gabi, Señorita.” magalang na bati nito at itinapat pa ang sumbrero sa dibdib.

“Ano ang iyong sadya sa akin Don Reyes, wag mong sabihing pati ikaw ay magpapahayag rin ng pagnanais na mahingi ang aking kamay?” sarkastikong tanong ko na ikinatawa nito.

“Paumanhin Binibini ngunit masyado na akong maedad para sa isang tulad mo, sa halip, naparito ako upang ipaalala ang ating napagkasunduan nung minsang humingi ka ng pabor sa amin ni Don Serio Velasco sa hukuman.” paalala nito, bigla kong naalala na oo nga pala nakapangako ako sa tusong piskal na ito. “Mukhang naalala mo na Binibini.” masayang aniya nito. Taas kilay ko itong tinanguan.

“Kagaya nang hiniling ko, sanay wag mong makalimutan na isa rin ang aking anak na si Primitivo sa nagnanais na makataluyan ang isang tulad mong kaibig-ibig na Binibini.”

“Wala naman na rin akong magagawa Don Reyes at isa pa ipapaalala ko lang din sa iyo na ang napag-usapan lang natin ay kamiy lalabas lamang ng isang beses. Hindi ibig sabihin nun ay pumapayag na akong maikasal kahit na kanino.” pirming paglilinaw ko na kinawala ng ngiti nito. Napapangisi akong umiling.

“Huwag kang mag-alala Señorita, akin iyang pakata-tandaan. Pero hindi ko rin inaalis sa aking paniniwala na posibleng lumalim ang pagtingin ninyo sa isa’t-isa ni Primitivo. Malay natin kayo pala ang nakatadhana sa isa’t-isa.” buong kumpyansang wika pa nito bago namaalam ng aalis. Napangiti na lamang ako ng mapait. Naisip ko tuloy paano kaya kapag nalantad sa kanila ang katotohanan na akoy isa lamang ampon at walang pagkakakilanlan, maging ganito pa rin kaya sila kapursigidong hingin ang aking kamay?

Alas-diyes ng gabi, tuluyan ng umalis ang mga bisita. Agad kong sinundan si Tiyo Ramon na umakyat na sa hagdanan at bago pa man ito magtungo sa kaniyang silid ay hinarangan ko na kaagad ito.

“¿Tío podemos hablar? (Maaari ba tayong mag-usap, Tiyo?”

“¿De qué se trata esta vez Mirasol? Es tarde, podemos hablar mañana. (Tungkol saan, Mirasol? Malalim na ang gabi, mabuti pa'y ipagpabulas na lamang natin.)” saad nito at papasok na sana sa akniyang silid nang harangin ko na naman siya.

“Por favor tío, este problema no me hará dormir. No a menos que hablemos de este asunto. (Pakiusap Tiyo, hindi rin ako makakatulog ng may problemang iniisip.)” Napabuntong hininga naman itong napapailing-iling bago tinahak ang daan patungong opisina niya.

“Ahora dime qué es, pero antes de nada, permítanme aclarar que lo que sucedió hace un tiempo ya estaba planeado por mí. Usted no consigue más joven y antes de que termine mi mandato, usted debe encontrar a un hombre para usted o si usted desea, puedo renunciar y podemos vivir en España, si usted no puede encontrar al hombre derecho aquí, quizá su destino está en España. (Sige, sabihin mo sa akin. Ngunit bago ang lahat nais kong linawin sa iyo na anuman ang nangyari kanina ay planado ko na. Hindi ka na pabata, bago magtapos ang aking termino ay nais kong maghanap ka ng Ginoong nanaisin makasama habambuhay o kung hindi man, maaari akong magretiro at sa Espanya doon ka makatagpo ng lalaking makapangasawa.)”

Napapikit ako ng mariin sa inis.

“Cuántas veces necesito decirles que no quiero casarme. No me casaré con nadie a menos que lo ame con todo mi corazón. Y el tipo del que estoy hablando se ha ido. (Ilang beses ko pa bang kailangang sabihin na wala akong ibig pakasalan kundi ng lalaking pinakamamahal ko lamang? At ang lalaking iyon ay wala na.)”

“¿Quieres ser una vieja criada entonces? ¡Dios mío Mirasol! (Nais mong tumandang dalaga? Diyos Mio, Mirasol!)” nanlalaking matang wika nito at parang aatakihin sa sinabi.

“Hindi ko nais na mag-asawa ng kahit na sino!” tugon ko pa.

“At bakit naman, sayang naman? Mukha pa namang mga galante at maginoo ang mga binatang nag-aasam sa iyong pag-ibig.”

Mas lalo lamang akong nagpuyos sa galit nang sumabat sa aming usapan ang kerida. Kapapasok lamang nito sa  pintuan ma hindi namin napansin dahil sa masyadong seryoso ang pinag-uusapan namin ni Tiyo.

Lumapit ito kay Tiyo Ramon at iniabot ang basong naglalaman ng gatas na kaagad naman nitong ininom. Taas kilay kong binalingan ito.

“At sino ka sa iyong inaakala upang sumabat sa aming usapan? Kay kapal ng mukha mo e isa ka lang naman na Mujeres publicas!” nangigil na saad ko na kinatungo ng kerida.

“Mira Solana!” sigaw sa akin ni Tiyo Ramon, ang mukha nito ay nagtitimpi na parang anumang oras ay susugudin ako sa sobrang galit.

Napaiwas tingin na lamang ako at napakagat sa labi upang pigilan ang nagbabadyang pagtangis. Hindi ako dapat maging mahina lalo nat nasa harapan ko ang kerida.

“Estás siendo duro de cabeza. ¡Mi decisión es definitiva! Sólo puedo darle 1 mes para encontrar un hombre con el que se casará. Y si no lo hiciste, ¡no voy a decir que te traiga de vuelta a España!

(May tigas ng ulo ko. Pinal na ang desisyon ko. Bibigyan na lanang kita ng isang buwang palugit para humanap ng lalaking mapapangasawa. Dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang-isip na pabalikin ka ng España!)” galit na galit na banta sa akin ni Tiyo bago hinigit na ang kaniyang kerida paalis. Napaupo na lamang ako sa silyang napapaluha.

Oras na ibalik niya ako ng Espansya ay malabo na akong makabalik pa rito sa PIlipinas. Kung makapangyarihan dito si Tiyo Ramon, mas higit ang kaniyang kapangyarihan sa Espanya. Bawat sulok ay mas lalong wala akong kawala. Hindi pa ako maaaring bumalik ng Espanya, lalo’t hindi ko pa nalalaman ang kahit na ano tungkol sa aking totoong pagkatao.

Inilabas ko sa aking bulsa ang kwintas ni Fabio...

Wala na yatang mas sasalimuot pa sa katotohanang maikakasal ka taong hindi mo naman mahal.

Wala na yatang mas sasalimuot sa katotohanang darating ang panahon na mapipilitan kang magpakasal sa taong hindi mo naman mahal.


****
🥰

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro