Kabanata 6
Katanungan
Bata pa lamang ako ay lumaki na akong may malaking katanungan tungkol sa aking pagkatao, dahil sa murang edad hindi sinasadyang narinig ko ang pag-uusap ng aking mga magulang. At malinaw kong narinig ang katotohanan na akoy hindi nila totoong anak dahil akoy isang ampon lamang.
Si Don Julian Rodriguez y Erenas ang aking kinikilalang ama, isa siyang tanyag na abogado sa Espanya na napunta lamang dito sa Pilipinas nang mahalal ang kaniyang kaibigan bilang gobernador-heneral sa La Islas Filipinas, simula nun nagsilbi siya nitong kanang-kamay. Dito niya nakilala ang aking kinikilalang ina na si Donya Leonora de la Merced y Salazar na purong banyagang napadpad lamang dito sa Pilipinas. Si Donya Leonora ay may kalahating dugong kastilang nananalaytay sapagkat ang kaniyang ama ay purong olandes, kung kayat dito niya nakuha ang buhok na sinasabing kulay araw (blonde) at ang kulay asul na mata.
Inilihim ko sa aking mga magulang ang katotohanang narinig ko ang kanilang pinag-uusapan tungkol sa aking totoong pagkatao. Hanggang sa umedad ako ng katorse, isang araw bigla akong kinausap ng aking ama. Bago ito magtungo papuntang Zamboanga upang lutasin ang kaso ng isang kaibigang kliyente. Hindi ko makakalimutan ang mga huling salitang ipinabatid nito sa akin.
“Patawad aking anak, ngunit batid ko na darating ang araw at hindi ko panghamabuhay na maiitago sa iyo ang katotohanan. Bagamat hindi ka totoong nagmula sa amin ng iyong ina ngunit sanay hindi kami nagkulang upang ipadama sa iyo ang totoong pagmamahal ng isang magulang.” Hindi ko napigilan ng mga sandaling iyon ang lumuha. Kahit batid ko na ang katotohanan ngunit mas masakit pa rin pala talaga kung sila na mismo ang magsasabi nito sa akin ng harapan. “Ang iyong ina ay hindi na maaaring magdalang tao pa dahil siya ay nagkaraoon ng sakit sa matres. Muntikan na niya akong iwan noon dahil sa katotohanang ikasal man kami, ay hindi na niya ako mabibigyan pa ng supling at tagapagmana. Muntikan na rin ako mawalan ng pag-asa dahil kahit malinaw kong sinabi sa kaniya na wala na akong pakielam basta ang mahalaga ay makasama ko siya, ay buo na ang desisyon nito na ako'y iwan noon. Kaya nga noong aksidente kitang napulot sa harapan ng palasyo ng Malacañang ay muli akong nabuhayan ng loob. Nang kupkupin kita at iharap kay Leonora, ibang klaseng kasiyahan ang aming naramdaman at hindi ko maipagkakaila nang dahil sa iyo ay napunan ang aming pagsasama at naramdaman ang pakiramdam na magkaroon ng anak at prinsesa”
Sa mga sandaling iyon tanging pagyakap na lamang kay Ama ang aking nagawa, kapwa kaming nag-iiyakan nang dumating si Ina. Wala itong sinabi ngunit batid ko na narinig niya ang pag-amin ni Ama tungkol sa aking totoong katauhan. Matapos kong yakapin si Ama ay mahigpit kong niyakap si Ina hanggang sa parehas kaming yakapinni Ama.
Hindi ko sila totoong magulang pero ang ipinaramdam nila sa akin ay higit pa sapagmamahal ng isang magulang sa anak. Kailanmay hindi ko naranasan na gamitan ako ng dahas o pagbubuhat ng kamay tuwing susupilin nila ako, taliwas sa ibang bata na nakikita kong tuwing pinapagalitan ay pinapalo sa puwit o kaya nama’y pinapaluhod sa asin. Akin pang natatandaan na minsan akong napagalitan ni Ina dahil sa pangangatuwiran at hindi ko daw paggalang sa nakakatanda, dahil dun siya ang pinagalitan nang aking lolo at lola na kaniyang magulang. Bakit daw hindi ako masupil ng mga ito dahil daw sa pagiging mabait ng mga ito sa akin kung kayat lumalaki akong laki sa layaw at matigas ang ulo ngunit ang salita ni Ina ang tumatak sa aking isipan.
“Kailanmay ang pagsusupil sa anak sa pamamagitan ng dahas ay hindi solusyon. Ang pagpalo at pagpapaluhod sa asin ay hindi sapat na gawain upang silay madisiplina. Dahil minsan sa pamamagitan noon ay mas lalo lamang nagrerebelde at nagiging mapaghiganti ang isipan ng mga bata sa murang edad. Sa halip marapat lamang na ipaunawa mo sa kanila kung bakit mali ang kanilang ginawa at nang sa ganun ay higit nilang maunawaan na hindi nararapat ang kanilang ginawa at hindi na nila ito dapat uulitin pa. Hindi ko nais na akoy katakutan ng aking anak dahil kapag ganun lalayuan ka niya ay siyay maiilap lamang sa iyo. Kung paano mo palakihin ang iyong anak ay siyang madadala-dala niya at kakamulatan hanggang sa itoy lumaki at magkaisip. Nais kong maging magandang huwaran nang sa ganun kung sakaling magkapamilya ay ganun din ang gawin niyang paraan sa pagpapalaki ng kaniyang mga supling”
Matagal nang naninirahan sa Pilipinas ang aking Ina kung kayat bihasa na rin siya sa pagsasalita ng tagalog habang ang kaniyang ama naman ay bihasa rin sa pananagalog dahil dito ito nagtrabaho noon bilang tagapayo nang gobernador-heneral na pinalitan ni Tiyo Ramon.
Subalit hindi ko akalain na iyon na pala ang huling sandali na siya'y aking makakapiling at mayayakap dahil nung araw ding yun, sumama si Ina kay Ama tungong Zamboanga kaya’t inihabilin muna nila ako kay Tiyo Ramon. Ang tagal kong naghintay sa kanilang pagbabalik, isang linggo hanggang isang buwan hanggang sa hindi inaasahang balita ang sumampal sa akin sa katotohanan.
Wala na daw ang mga taong tumayo bilang aking mga magulang. Sinasabing pabalik na ang mga ito sa Maynila nang tambangan at patayin ng mga rebelde dahil sa paglutas ng kaso ng aking ama na nagdulot sa malaking galit ng mga ito sa kaniya.
Matapos malaman ang masalimuot na nangyari ay taos puso pa rin naman akong tinanggap ng aking Tiyo Ramon. Ngunit may malaking kakulangan na sa aking pagkatao, bagay na hindi ko magawang alamin dahil wala pa akong sapat na kakayanan noon. Sa edad na katorse, nagpasya akong pumasok sa kumbento. At isa sa aking kadahilanan ay hindi mainam sa kagaya kong ampon na manirahan at mamuhay bilang prinsesa sa palasyo at tanging pagpasok sa kumbento lamang ang naisip kong paraan upang matuto sa mga bagay at higit sa lahat mas lubos na maunawaan ang buhay.
Walang ibang nakakaalam na ampon lamang ako at hindi totoong pamangkin ng gobernador-heneral liban syempre kay Tiyo Ramon, sa aking mga yumaong kinilalang magulang, kinikilalang abuelo-abuela at mga kasamahan ko sa kumbento. Dahil minsan hindi ako nakatiis at ibinahagi ang bigat na aking nararamdaman nang magkaroon kami ng aktibidad tungkol sa pagpapakatotoo ng katauhan sa buhay.
Ilang beses kong sinubukan kong alamin ang katotohanam tungkol sa aking pagkatao ngunit wala akong nahita. Tilay isang blankong papel ang aking pagkakakilanlan.Masakit isipin pero ilang beses ko nang inisip na isa lamang akong putok sa buho.
Kaya’t haggang ngayon pala-isipan pa rin sa akin kung paano nalaman ng matandang babae na si Editha ang tungkol sa aking katauhan, bukod pa doon palaisipan sa akin ang kaniyang mga sinambit na hula sa akin.
“Binibini nandito na po tayo sa daungan”
“Binibini?”
Bigla akong natauhan nang tapikin ako ni Maya sa aking balikat. Tumango na lamang ako at agad bumaba ng kalesa. Sumunod naman ito kaagad sa akin.
“Binibini ikaw ba’y may problema? Napansin ko simula nang umalis tayo sa perya ay kanina ka pang tulala at di makausap” nag-aalalang tanong nito. Muli ko na naman tuloy naalala ang sinabi ni Editha, hindi dapat ako maniwala pero bakit malakas ang epekto nito sa akin? Matapos ang sinabi sa akin nito nakaramdam ako ng kakaibang takot at pangamba, hindi dahil sa kaniyang presensya kundi dahil sa kaniyang mga pinagsasabi. Marahil malakas ang aking kutob na kakaibang nilalang ang Editha na iyon kung kaya’t hindi imposible na mamali ang kaniyang hula.
“Tayo na Maya” tanging nasabi ko na lamang dito bago nauna nang marating namin ang daungan at nauna na akong bumaba ng kalesa. Agad naman nitong kinuha ang mga gamit namin katulong ang kutsero upang ihatid na kami sa barko nang maabutan namin sina Marco at Cypriano kausap ang isang babae at lalaki, di kalayuan sa barkong sasakyan namin. Mukhang masyadong mahalaga ang kanilang pinag-uusapan kung kayat di nila napapansin ang aking presensya.
“Hindi ko nga din alam pero isang sulat mula sa Binibining nagngangalang Mirasol ang nagpadala sa akin ng sulat kung kaya’t agad kaming lumuwas” rinig kong aniya nang babae. Bigla akong nagkaroon ng hinala na marahil isa ito sa mag-pinsang Villadiego na taga Kalilaya.
“Si Binibining Mirasol?” naniniguradong tanong ni Marco na tinanguan ng babae. Lumingon naman ito sa gawi ni Cypriano bago nagtanong dito “ Ngunit nasaan na pala siya ngayon. Di ba dapat kasabay natin siya pabalik nang Valencia?” inunahan ko na si Cypriano sa pagsagot dito.
“Nandito ako mga Ginoo at Binibini”
Nabaling kaagad ang atensyon ng mga ito sa akin kung kayat lumapit ako sa mga ito at hinarap ang babaeng Villadiego.
“Magandang hapon sa iyo Binibini, ako nga pala si Binibining Mirasol na iyong tinutukoy kanina lamang”
Bakas ang pagkapahiya sa mukha nito bago bahagyang ngumiti.
“Kinagagalak kitang makilala Binibining Mirasol. Ako namn si Nila ang pamangkin ni Don Rodolfo Villadiego at ito namang kasama ko ay si Ginoong Hector ang asawa ng aking pinsang si Amelia na siyang anak naman ni Don Rodolfo. Kasalukuyang wala siya rito dahil sa maselan nitong pagdadalang tao” mahabang paliwanag nito na tinanguan ko na lamang. Sa haba ng kaniyang mga sinabi ay wala na akong maitatanong pa.
Bahagya naman akong nabigla sa paghawak nito sa aking mga kamay “Taos puso kitang pinasasalamatan Binibini. Dahil sa iyo nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking kaawa-awang Tiyo. Hulog ka ng langit para sa amin” aniya pa nito. Naiilang naman akong napangiti.
“Ginawa ko lamang ang nararapat Binibini. Hindi dapat ako ang iyong pasalamatan kundi ang Diyos dahil kung hindi nagkataon na naabutan ko ang matandang si Sandro, baka hindi ko nalaman ang lahat ng pinagagawa ni Ferdinand” aniya ko bago binawi na ang aking kamay sa kaniya.
“Sinong Sandro?” biglaang pagsabat ni Cypriano sa aming usapan, kunot noo pa itong tumingin sa akin.
“Siya ang ama ng tatlong lalaking utusan ni Ferdinand” simpleng tugon ko. Magpapaalam na sana ako na mauna nang sumampa sa barko ng magsalita na naman ito.
“Ngunit nasan nasiya at bakit hindi siya nagsalita kahapon sa hukuman?”
“Sapagkat inatake siya bago pa man mangyari ang paguusig. Swerte na lamang at nagawa niyang sabihin lahat bago siya malagutan ng hininga” Mukha namang wala na itong masasabi pa kung kayat nagpaalam na ako at inaya na si Maya papasok sa barko.
Ikatlong araw nanang paglalakbay namin ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil inilaan talaga at pinareserba ni Tiyo itong buong barko para sa amin o kung maasar ako dahil lalo lamang nagiging maliit ang mundo para sa amin ni Cypriano gayong hindi kami magkasundo. Kagaya ngayon kasalukuyang kasalo ko sila sa panananghalian.
Habang iniintay na maihain sa amin ang mga pagkain ay sandali muna akong tumayo. Abala naman sa pag-uusap yung dalawa nina Marrco at Cypriano habang si Maya ay tumutulong sa mga nagsisirbe.
Lumabas ako upang tanawin ang kalawakan ng karagatan. Unti-unti kagaya nang malakas na alon ay nawawala na rin ang poot at galit ko dito. Totoo nga na panahon lamang ang makakapagpawi ng galit sa ating puso at syempre kailangan din ng pagtanggap sa katotohanan.
Ilang saglit pa'y tinawag na ako ni Maya, nakahanda na daw ang mga pagkain at ako na lang ang hinihintay sa hapagkainan.
Mabuti na lamang ngayon sumabay sa amin si Don Pablo, ang kapitan ng barko. Naikwento nila kahapon sa akin na ito daw ang tumulong kina Cypriano at Heneral Orlando na makarating dito sa Maynila sa tulong ni Heneral Lucio dahil ito daw ang nakiusap dito sa kaniya palang Tiyo.
Nauna ulit akong matapos kumain at pawang hinihintay na lamang sila. Hindi maman ako makaalis sapagkat kabastusan naman kung iiwan ko sila dito na hindi pa tapos kumain.
"Binibining Mirasol balak naming maglaro mamaya ng ahedres, baka nais mong sumali sa amin?" pag-aalok ni Don Pablo. "Pumayag nang sumali sina Ginoong Marco at Ginoong Cypriano, maganda sanang duelo kung sasali ka" dagdag pa nito. Papayag na sana ako ngunit hindi ko nais na makalaro si Cypriano.
Umiling na lamang ako at sasabihing hindi ako marunong nang sumabat si Maya sa usapan.
"Binibini hindi ba't palagi kayong naglalaro noon ng Gobernador-Heneral sa palasyo kapag may oras ito?" nakangiting aniya nito. Tinaasan ko ito ng kilay at nahihiya itong tumungo. Kahit kailan kay daldal talaga nitong si Maya! Urgghh!
"Paano ba yan, mukhang marunong ka naman pala Binibini.." nakangiting wika ni Marco. Kaya sa huli hindi ko na nagawa pang tumanggi. Pakiusap ko nalang na sana wag si Cypriano ang aking makapareha dahil baka imbes na magkaisa ay lalo lamang kaming magtalo. Malas talaga kung sino yung hindi mo nais makasama ay siya pang lagi pinaglalapit sa iyo.
Napagpasyahan na dalawang beses ang labanan. Ang makakapareha ko ay si Don Pabo habang sina Cypriano at Marco ang aming makakatunggali.
Sa unang laban maghaharap sina Don Pablo at Marco habang sa panghuli kami naman ang magtutuos ni Cypriano.
Mainit ang laban sa pagitan ni Don Pablo at Marco, sa una natatalo si Marco ngunit kalaunay nakabawi ito hanggang sa natalo si Don Pablo.
"Paano ba yan Binibining Mirasol, ikaw na lamang ang aking pag-asa" nahihiyang aniya sa akin ni Don Pablo pagkaalis sa kaniyang kinauupuan. Seryoso naman akong napatingin kay Cypriano na pumwesto na sa kaninang kinauupuan ni Marco. Mukhang hindi na makapag-antay na matalo ang isang toh!
Buong tapang din akong naupo sa tapat nito at akma na sanang aayusin ang mga bato nang magsalita ito.
"Para mas maging kapanapanabik ang larong ito, bakit hindi tayo magpustahan? Sinumang mananalo ay may karapatang tanungin ng kahit na ano ang sinumang matatalo" mayabang na saad nito. Hindi ko napigilan ang pagtaasan siya ng kilay.
Ano bang drama ng isang ito? Aking napapansin na parang nitong nagdaang araw ay palagian itong may nais itanong sa akin subalit lagi ko rin siyang sinusungitan o kaya namay iniirapan kaya't marahil ay hindi niya ako magawang lapitan o kausapin man lamang. Pero ngayon may kutob ako na may iba itong naiisip.
"Pwes ihanda mo ang sarili mo dahil hindi ko dadalian ang tanong ko sa iyo" kumpyansang wika ko bago sinimulan nang ihanda at iayos ang mga bato. Hindi ako maaaring matalo ng Cyprianong ito. Hindi ako makakapayag na hiyain na naman niya ako.
"Tingnan natin" mayabang na bwelta naman nito habang may naglalarong kakaibang ngisi sa mga labi. Nagpupuyos na naman ako sa iritasyon sa kaniyang kayabangan!
Ipapakita ko talaga sa lalaking ito na hindi niya dapat bimabasta-basta ang kakayanan ng isang Mira Solana Rodriguez y Erenas. Papakainin ko siya ng alikabok sa kaniyang pinagagawa sa akin!
"Hindi ka pa ba titira? Dalawa na lang ang iyong bato Binibini" nang-aaar na tanong sa akin ni Cypriano. Hindi ko ito pinansin sa halip hinanap ang aking kosentrasyon kung ano ang dapat kong gawin dahil mukhang matatalo na ako sa labang ito.
Halos mag-iisang oras na rin kaming naglalaro at habang pinagmamasdan ang dalawa kong bato, saktong pagtulo ng butil ng pawis ang tumulo mula sa aking noo. Agad namang lumapit sa akin si Maya at pinunasan ako gamit ang kaniyang bimpo.
Ngunit ang aking atensyon ay nanatili sa laro, batid ko na imposible na at malabo pa sa alamat na magkatotoo ang aking planong pakainin ng alikabok si Cypriano. Mukhang ako na naman ang mapapahiya sa pagkakataong ito.
"Ano na Binibini, tinatawag na rin ako ng kapitang kapalitan ko. Baka mawalan ng kapitan ang barko kung hindi mo pa tatapusin ang laro" natatawang wika naman sa akin ni Don Pablo. Nangangatal kong hinawakan ang kabayong bato, biglang nalipat nan sa reyna kong bato. Hindi ko maintindihan pero maalin naman sa dalawang ito at makakain lamang ng bantay na hari ng kalaban.
Arrrgghhh!
Sa sobrang inis ko ay padabog kong itinira ang reyna at kagaya ng inaasahan, ginamit nga ni Cypriano ang haring bato upang talunin ako.
Ngali-ngali kong itaob ang lamesa sa harapan namin!
"Ayos lamang iyan Binibini. Laro lang naman ito" natatawang aniya pa sa akin ni Don Pablo na akala moy simpleng bagay lamang ito. Pero para sa akin hindi dahil isinalba ko ang aking kahihiyan! Tuloy mas lalong nagdagdagan ang kayabangan sa katawan ni Cypriano!
"Paano ba yan mukhang kailangan mo ng maghanda sa pagsagot sa aking katanungan" ngingisi-ngising komento nito habang nakahalukipkip.
"Uy uy kayo na lamang ang magtanungan dalawa, tutal wala naman akong maisip na itatanong pa rito kay Don Pablo" natatawang aniya naman ni Marco. Bago nagtapikan pa silang dalawa ni Don Pablo sa balikat. Sila lamang ang nasisiyahan sa nangyayari.
Nairap na lamang ako sa ere bago binalik ang atensyon kay Cypriano na di pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi.
"Bilisan mo na ang pagtatanong dahil limitado lamang ang aking oras para sayo" iritang wika ko. Pero tilay nanadya ito nang mas lumapit pa nang bahagya tuloy tanging lamesa na lamang ang pagitan namin.
"Hindi naman ako abusadong tao kung kayat itatanong ko na lamang ang aking katanungan sa iyo kapag wala na masyadong tao" aniya nito na mas lalo kong kinasura.
"Bakit hindi pa ngayon? Itatanong mo lang din naman" bwelta ko pa.
"Oo nga naman Yano, nandito na rin naman e itanong mo na" pagsang-ayon pa ni Marco na akala moy atat na atat sa itatanong ng kaniyang kaibigan sa akin.
"Hindi na, masyadong personal ang aking katanungan" wika pa ni Cypriano bago tumayo na sa kaniyang kinatatayuan. Saktong nagpaalam naman si Don Pablo na oras na daw niyang bumalik sa kaniyang trabaho.
Inaya na ni Cypriano si Marco at aalis na sana sila nang tumayo na rin ako sa aking kinatatayuan bago magsalita.
"Hoy Cypriano anong tingin mo sa akin, mababaw na tao na di nakabukas ang isip? Marunong akong tumanggap ng pagkatalo kung kayat bago pa ako mairita sa iyo ay magtanong ka na kagaya nang inilapag mong usapan!" Tilay isa na akong bulkang sumabog sa sobrang galit na nadarama. Ilang beses pa ako kailangang pamukhain ng Cyprianong ito? At isa pa kung hindi pa siya magtatanong ng kung anuman ngayon, ibig sabihin may tyansa pa siyang kausapin ulit ako sa susunod pang mga araw. Hindi ko na nais pang dumating ang araw na iyon kaya marapat lamang na magtanong na siya ngayon!
Napapailing naman itong lumingon sa akin at parang napalitang lumapit bago nagsalita. Ngunit bigla akong nagsisisisa sa aking kagustuhan.
"Ikaw ba ang naiwang kasintahan ni Heneral Fabio de la Serna?" Diretsahang tanong nito. Para naman akong akong nilublob sa malamig na tubig. Hindi ko inaasahan na iyan kaagad ang itatanong niya sa akin.
"Ano Binibini, tinatanong kita kung ikaw ba ang kasintahan ni Fabio na pinangakuan ng kasal bago ito magtungong Cuba?" Ulit pa nito. Sa pagkakataong ito biglang na aliktad ang sitwasyon. Siya na ngayon ang parang naiinis at hindi makapagantay.
Napasulyap pa ako kay Marco at Maya na batid kong nakakaalam ng sagot ngunit tikom bibig lamang sila.
Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago lakas loob na sumagot sa katanungan nito.
"Oo, ako nga ang nobyang pinangakuan ni Fabio ng kasal na hindi na niya nagawa pang tuparin"
Malinaw kong nakita ang pagtiim bagang nito.
"May iba ka pa bang katanungan Ginoo, dahil kung wala na ay baka maari na akong bumalik sa aking silid? Tanong ko pa ulit at umiling lamang ito. Iyon ang aking maging hudyat upang umalis na sa harapan nila.
Akala ko hindi na ako maapektuhan pa subalit ang muling pag-ungkat sa ganitong usapin ay muling nagpapabuhay sa unti-unti ko nang naghihilom na sugat.
Mierda! Mas lalo lamang akong nagalit kay Cypriano dahil sa kaniyang itinanong sa akin! Urrghhh!
Sumapit ang eksaktong isang linggong paglalakabay, wala na yatang mas matutuwa pa sa aking nararamdaman ngayon. Sa wakas, makakaalis na ako sa barkong ito at makakalayo na ako nakakasungasok na kapaligiran lalo na kung may kasama kang hindi mo ninanais na makasama.
Saktong pagdaong ng barko ay walang anu-anong bumaba na ako kaagad. Dali-daling nakasunod naman sa akin si Maya habang di magkandaugaga sa pagdadala ng ilan naming gamit.
Subalit kakababa pa lang namin ay siyang pagtawag sa akin ni Marco kasabay nang hindi maganda nitong pagpapaunlak.
"Binibini pinapasabi ng Gobernador-Heneral na mas ipinapagbuti niyang sa aming hacienda ka muna manuluyan pansamantala habang nandidito sa Valencia" pormal na paanyaya nito at bago pa man ako magatugon ay saktong bumaba na rin si Cypriano sa barko kasunod nito.
Hindi ko maaaring hindian ang pagpapaunlak ni Marco dahil baka mabastos ko siya kung sasabihin kong manunuluyan na lamang kami sa bahay-panuluyan bukod pa doon, ang alam na ni Tiyo ay sa kanilang hacienda kami tutuloy. Kaya wala na akong maaaring pagpipilian pa. Kay malas naman talaga!
Di kalayuan sa aming kinatatayuan ay siyang dating ng kalesa. Nauna na akong naglakad papalapit dito.
Sa unahan kami nakpwesto ni Maya habang nasa likuran namin ang dalawa. Di naglaon ay narating na rin namin ang hacienda de la Serna. Buong akala ko ay wala kaming madadatnan na tao o kasambahay ngunit nagkamali ako, sapagkat nasa may talangkahan pa lamang kami ay agad na kaming sinalubong ng mga pamilyar na mukha..Hindi ako maaaring magkamali, sila yung mga kasamahan naming rebelde noon.
Bigla kong naikumpas ang aking abaniko upang itago ang aking mukha. Ngunit ganun na lamang ang aking pagkagulat nang may boses na bumulong sa aking tenga mula sa likuran.
"Wag kang mag-alala makakaasa ka sa mga dati nating kasamahan na hindi nila ibubunyag ang iyong lihim na pagsali sa rebleyon"
Para akong kinilabutan sa lamig at baritonong boses ni Cypriano.Kay lakas ng loob na kausapin ako ng ganito kalapit, gayong hindi naman kami malapit sa isa't-isa! Di kalaunay naglakas loob na rin akong lingunin siya.
"Walang nagtatanong, Ginoo" aniya ko habang nakataas pa ang kilay sabay kumpas muli ng abaniko sa ere at nagpaypay. Mukha namang hindi nito inaasahan ang aking mataray na bwelta.
Ngiting tagumpay akong tumingin sa labas ng kalesa. Sa wakas nakaganti din ako sa hombreng ito!
Ngunit mukhang hindi matangap ng hudyo ang aking ginawang pambabara sa kaniya kanina kung kaya't labis-labis ang aking pagkainis nang unahan ako nito sa silid ni Fabio nang marating namin ang mansyon ng mga de la Serna. Nais ko pa naman na doon manatili at muling aalahanin ang aking sinta ngunit dahil sa herodes na iyon, nasira ang aking plano.
Mas lalo lamang kumulo ang dugo ko nang tumingin pa sa akin si Cypriano at parang nang-aasar pa bago sinaraduhan ang pintuan pagkapasok sa silid ni Fabio. Hindi na ako nakatiis at sumugod dito.
“Hoy! Buksan mo ito. Ako ang dapat tumuloy muna sa silid na iyan at hindi ikaw!” malakas na sigaw ko habang kinakatok ang pintuan.
“Cypriano, buksan mo ang pinto!” nag-eeskandalong aniya ko pa habang panay ang katok sa pintuan. Naramdaman ko ang paghawak sa aking braso ni Maya upang pigilan ako ngunit hindi ako nagpatinag at ipinagpatuloy ang ginagawa.
“Binibini, pakiusap hayaan nyo na lamang po ang Ginoo. Nakakahiya po sa mga kasamahan natin dito” wika ni Maya, bakas sa tono nito na hindi alam ang gagawin lalo na nang balingan ko siya.
“At bakit naman ako titigil? Hindi maaaring basta na lamang akong ganituhin ng lalaking iyan!” matapang na wika ko sabay hampas ulit ng pintuan.
“Binibini, nakikiusap na po ako sa inyo. Hindi mainam na mageskandalo kayo dito gayong bisita lang din naman tayo sa tahanan ng mga de la Serna. At isa pa, hindi po ba’t sinabi na ni Ginoong Yano kanina na dati pa siyang tumutuloy sa silid ni Ginoong Fabio kaya’t wala na tayong magagawa pa dahil nauna na po siya sa inyo” pagpapatigil pa sa akin ni Maya na bahagya kong kinatigil.
Mas lalong hindi ko matanggap ang napag-alamang si Cypriano pala yung abogadong nag-aasikaso at tumutuloy pansamantala dito sa hacienda at kanina ko lang din nalaman na abogado pala ang hudyo! Nagpupuyos ang aking kalooban dahil mas lalo lamang napatunayang siya nga yung dating nagdiwang ng kaarawan sa barko!
“Kahit na, hindi ibig sabihin nun basta na lamang siya magiging walang modo sa isang bini…” Hindi ko nagawang ipagpatuloy ang aking sasabihin nang magbukas ang pinto at lumabas si Cypriano na hawak ang malaking kwadrong may larawan ni Fabio.
“Bakit mo hawak ang larawan ni Fabio at saan mo iyan dadalhin?” galit na tanong ko at akma pa sanang aagawin sa kaniya ang kwadro nang iiwas niya ito sa akin bago naglakad papalayo, agad naman akong naalerto at hinabol ito.
“Hoy, tinatanong kita at..” hindi ko na nman naipagpatuloy ang aking sasabihin nang humarap ito sa akin. Tiim bagang na ito at pawang kinakalma ang sarili.
“Hindi ba’t ang larawang ito ang pinuputok ng iyong butsi? Kaya naman kesa marinig ko ang iyong pagbububutaktak ay ibigay ko na ito sa iyo.” Wika nito bago nagtuloy-tuloy at pumasok sa silid ni Celestina. Hindi ako makapaniwalang sumunod.
Naabutan ko itong palingon-lingon sa paligid mukhang naghahanap kung saan maaaring ipwesto ang malaking kwadro. Lumingon ito sa gawi ni Maya.
“Makikisuyo na lamang ako na tawagin mo si Mang Kaloy upang isabit ang kwadrong ito” magalang na aniya nito at mukhang natameme pansamantala si Maya bago sinunod ang utos nito. Sa isang tabi muna ibinaba ni Cypriano ang kwadro bago lumingon sa aking gawi.
“Ayan na ang iyong ipinuputak Señora. Hinatayin mo na lamang si Mang Kaloy upang maisabit ang larawan ni Fabio nang sa ganun kada Segundo iyong mapagmasdan” aniya nito ngunit bago pa man ito tuluyang makalabas ng silid ay may pahabol pa itong sinabi.
“Kaya ayaw ko sa mga babae e, masyadong mabutaktak at hindi maiwasan ang magbunganga” parinig nito bago lumabas ng silid.
Sa inis ko ay naibato ko dito ang abanikong hawak ngunit agad itong nakailag. Nanlaki ang aking mata nang pang-asar pa itong ngumisi sa akin bago tuluyang lumabas.
Sa huli sa silid ni Celestina ako napunta. Isinusumpa ko talaga ang kayabangan ng Cypriano na yun!
Patawarin ngunit mukhang ang Cypriano na iyon ang ikauutas ko!
Kinabukasan, sinadya ko talagang magpahuli ng gising upang hindi makasalo sa almusal si Cypriano. Nagtagumpay naman ako dahil pagdating ko sa kusina ay wala na ang mga ito, may mahalaga daw pinuntahan kasama si Marco.
Bahagya pa akong nailing dahil panay ang pagtatanong sa akin nina Teresing at Ising ng kung anu-ano tungkol sa aking katauhan. Mabuti na lamang at napansin ni Maya na hindi ako komportable na magbida tungkol sa personal na buhay kung kayat siya na ang kumsausap sa mga ito.
Matapos mag-almusal, agad akong nagpahatid sa kutsero papuntang mababang hukuman upang ibigay ang mensahe ni Tiyo sa kasalukuyang tumatayong hukom dito.
Nasa kalesa pa lamang ako at nakatanaw sa nadaanan naming Lawa nang isang bagay ang aking napagtanto. Ibig sabihin ang mensaheng ipinapahatid ni Tiyo sa akin ay para kay Cypriano upang maipabalik sya sa pwesto. Dahil nabanggit din sa amin nina Ising na bago raw namin natagpuang nag-aagaw buhay ito sa gubat dati ay kasalukuyan na itong hukom sa bayan ng Valencia.
Bigla ko tuloy naisip, ano kayat kung hindi ko na lamang ibigay ang mensahe sa hukuman at hayaan na lamang si Cypriano sa buhay niya, bilang ganti na rin sa pagiging walang modo niya sa akin?
“Binibini nandito na po tayo” anunyo ng kutsero nang marating naming ang hukuman na nakatayo sa tapat lamang ng munisipyo at ilang metrong layo sa simbahan. Napailing na lamang ako bumaba sa kalesa.
Pasalamat ang Cypriano na yun dahil may awa at natatakot akong kainin ng aking konsensya!
“Magandang umaga Binibini ano ang aking maipaglilingkod sa iyo?” tanong ng isang lalaking matangkad at meztiso. Sa aking palagay na nasa edad limampu pataas na ito. Binalingan ko ang dalawang guardiang bantay na lumayo muna ng kaunti.
“Magadang umaga din naman, nais ko sanang makausap si Don Hugo Relativo” tugon ko bago inilibot ang paningin sa buong paligid. Hindi gaya ng Real Audiencia higit na maliit lamang ang hukumang ito at masikip kung tignan.
“Kaharap mo na siya ngayon, magabdang Binibini” malakas na kumpyansang pabatid nito habang may naglalarong kakaibang ngisi sa mga labi. Hindi na bago sa akin ang ganitong pakikitungo ngunit masyado ring nakakakilabot isipin na sa edad ng lalaking ito ay nagagawa pang humarot ng mga higit nakababata kesa sa kaniya.
Hindi ko napigilan ang mapaismid sabay kumpas ng aking abaniko.
“Bueno, nais ko munang magpakilala, ako nga pala si Señorita Mirasol Rodriguez y Erenas na nag-iisang pamangkin nang gobernador-heneral. Akoy naparito sapagkat may maganda akong balita para sa iyo”
Biglang mas nagliwanag ang mukha nito at bahagyang lumapit sa akin na kinataas ng aking kilay.
“Talaga Senorita, akoy labis na nagagalak na makilala ang nag-iisang prinsesa mula sa palasyo ng Malacanang” agad itong nagbigay galang at balak pa sanang hawakan ang aking kamay nang iwasiwas ko ang aking palad upang hindi matuloy ang kaniyang tangka.
“Hindi ako isang Papa sa Roma upang iyong bigyang pugay” diretsahang aniya ko na kinatigil nito. Napapahiya naman itong napaatras ng kaunti.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ito ang sulat tungkol sa magandang mensahe na ipinapabatid ng aking Tiyo Ramon na siyang gobernador-heneral” inilahad ko dito ang telegrama at hindi naman nag-atubiling tanggapin ito. Agad nito binasa ito kaya naman naupo muna ako sa isang silyang kahoy.
Hindi ko naiwasan ang mapangisi habang minsamasdan ang kunot noong itsura nito. Ilang saglit pa’y natapos na nito ang pagbabasa at halos hindi makapaniwalang bumaling sa akin.
“Ano ang ibig sabihin nito Binibini?” nangangatal na ang kamay nito at bahagyang pinagpapawisan.
“Akala ko ba matatalino ang mga nagiging hukom ngunit bakit hindi mo magawang intindihin ang nasasaaad sa telegrama na iyan?” patuntyadang panayam ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo bago mahinhing nagpaypay.
“Ang sabi mo magandang balita ngunit bakit ganito ang nasasaaad dito?” ang kaninang preskong awra nito ay napaltan ng pagkabahala at iritasyon. Mas lalo akong natuwa sa nakikita.
“Iyon na nga ang magadang balita. Simula sa araw na ito ay sisibakin ka na sa iyong katungkulan dahil sa napatunayang kasabwat ka ni Ferdinand sa anulmalya at katiwaliaang nangyayari sa bayan na ito. Hindi ba’t magandang balita iyon dahil makakapagpahinga ka na at hindi na sasakit pa ang ulo tuwing may paglilitis?” tugo ko at halos malaglag ang panga nito sa aking sinambit. Mukhang maluluha na ito ngunit pinipigilan lamang.
“Don Hugo Relativo, simula sa araw na ito, hindi na ikaw ang hukom sa bayang ito dahil ang posisyon na iyan maiibalik na sa tunay na nagma may-ari. Pasalamat ka na lamang dahil sa panandaliang panahon ay naranasan mong maging hukom kahit sa nakaw na sandali lamang ng iyong buhay. Pano ba yan, magkita na lamang tayo sa piitan kung saan ka muna mananatili” dagdag ko pa kasabay nang paglapit ng dalawang guardia dito upang siyay hulihin. Sinubukan pa nitong manlaban ngunit wala ring nagawak nang maposesan na siya ng mga ito.
“Hindi maaari! Wala akong kasalanan!” sigaw nito habang hinihigit na ng dalawang guardia palabas ng hukuman.
“PAKIUSAP WAG NINYO AKONG SIBAKIN!” malakas na sigaw pa nito na umalingawngaw sa buong paligid. Kahit nasa labas na ito ay rinig na rinig pa rin ang pag-eeskandalo nito.
Napapailing na lamang ako habang pinagmamasdan ito hanggang sa naisakay na sa kalesa ng mga guardia.
“Kay lakas ng loob na gumawa ng kasalanan, iyon naman pala'y hindi handa sa pagharap sa magiging kabayaran” aniya ko sa hangin. Pagkalabas sa opisina ay sinalubong ako ng ilang abogado at fiscal upang bumati sa akin. Hindi naman ako nag-atubiling ipabatid at binasa sa harapan ng mga ito ang utos ng nakakataas.
“Simula sa araw na ito hindi na si Don Hugo Relativo ang tatayong hukom sa bayan ng Valencia. Ang nasabing posisyon ay maibabalik sa dating hukom na si Ginoong Cypriano de Luna” anunsyo ko pagkabasa ng sulat. Matapos kong basahin ay di ko naiwasan ang mapataas kilay dahil sa tilay nagdiwang ang mga tao sa paligid kasabay nang paghalikhik ng ilang babaeng tagapagsilbi rito sa mababang hukuman. Ganunman ay may ilang abogado lalo na yung mga nakakatanda ang mukhang hindi natutuwa sa balita.
Tutal wala na rin naman akong sasabihin pa kung kayat naglakad na ako paalis. Hindi pa mana ako tuluyang nakakalabas ay narinig ko pa ang katanungan ng ibang kababaihang nadaanan ko.
“Ngunit nasaan kaya si Ginoong Cypriano?” tanong nila sa isa’t-isa at kilig na kilig.
Napairap na lamang ako sa ere. Kung malalaman lamang ng mga kababaihang ito ang totoong ugali ni Cypriano, ewan ko na lang kung kiligin pa sila na daig pang sinisilihan kung makatili!
Napag-pasyahan ko na magpababa sa lawa. Nung una nag-aalinlangan pa ang kutsero pero di kalaunay pumayag na rin ito. Papasunudin na lamang daw niya si Maya upang may makasama ako rito.
Hindi ko na lamang pinansin ang kaniyang sinabi sa halip naglakad na hanggang sa harapan ng lawa. Kay ganda at kay linis ng tubig nito di kataka-taka na kadugsong ito ng Ilog Misteryo, ang ilog na kahit madaming haka-haka at hindi magandang kwento nasasaad patungkol dito ay di maipagkakaila ang natural na kagandahan.
Ilang minuto rin akong nakatayo at sinasariwa lamang ang sariwang hangin nang dumating si Maya. Kagaya dati ay marami itong kwento tungkol sa ginawa niya buong maghapon at maging ang mga nalaman niya tungkol kina Ising at Teresing ay naibahagi na rin nito sa akin.
“Aking napag-alaman na bukas daw ay nagpapatawag ng pagpupulong si Señor Rafael sa Kapatagan ng Kasunduan. Tinatanong nina Simon kung ikaw ba raw ay dadalo ngunit sinabi ko na tatanungin muna kita tungkol sa bagay na ito?” aniya nito bago mas rumatig sa akin.
“Sa tingin mo alam na rin nila na ako ay pamangkin ng gobernador-heneral?” tanong ko habang iniipit ang ilang hibla ng buhok na tinatangay ng hangin.
“Sa aking palagay ay may alam na sila ngunit mukhang hindi naman ito dapat nating problemahin. Naisip ko Binibini na silay mapagkakatiwalaan talaga dahil bukod sa iyo l, sina Ginoong Marco at Ginoong Cypriano ay mga elitista din ang kasama sa alta sociedad. Matapos ang nangyari sa paglilitis ay malinaw na hindi pinaniwalaan ng nakakatas na hukom ang tungkol sa mga rebelde at binigyang diin pa na ginagamit lamang ng dating Gobernador Ferdinand na dahilan ito upang pagtakluban ang kasalanan. Kaya wala ka nang dapat isipin pa” wika pa nito.Hindi na lamang ako nagsalita dahil para sa akin hindi dapat ako makampante. Walang permanente sa mundong ito kayat lahat ng posibilidad ay posibleng mabago sa isang iglap.
Katahimikan ang namayani sa pagitan namin at tanging pagtanaw na lamang sa lawa ang aming nagawa. Makalipas pa ang ilang minuto at aayain ko na sana itong umalis nang mula sa lawa ay isang bagay ang umultaw at palutang-lutang.
“Hala Binibini tingnan mo, may librong lumulutang sa lawa” nakaturong wika ni Maya at akma pa sana niyang kukuhanin ito nang siyay aking pigilan. Hindi kasi kalayuan ito sa pampang kung kayat kayang-kaya niya itong makuha ng walang kahirap-hirap.
“Maya, ano ka ba wag kang dampot nang dampot nang kung anu-ano!” suway ko rito. Naalala ko bigla ang kwento ni Manang Pedring na ang kaniyang anak ay noon ay nakadampot ng isang lumang libro sa daan ngunit simula raw nung kinuha at inuwi ito ng kaniyang anak ay tilay may sa sumpa daw ang naturang libro. Dahil nagkasakit hanggang sa namatay ito nang di nalalaman ang dahilan kung paano at ano ang ikinamatay nito. Ang hinala raw nila ay may sa sumpa ang libro, simula daw nang itoy kanilang itinapon ay bumalik naman sa normal ang kanilang buhay ngunit hindi na kailanmay naibalik pa ang buhay ng kaniyang anak.
“Bakit naman Binibini? Titingnan lang naman natin e dahil pagmasdan mo tilay kakaiba ito at mukhang hindi basta-bastang libro lamang” wika pa nito kaya naman napatingin muli ako sa librong lumulutang. Tunay na kakaiba at mukha itong hindi basta-basta lamang dahil kahit na nasa tubig ito ay parang hindi nababasa. Tilay may nakabalot na kung anong bagay dito lalo na ang isiping wala naman ito kanina at basta na lamang umultaw dito ay nagpapahayag na tunay na kakaiba ang bagay na iyon.
“Hindi ka ba nag-iisip baka mamaya may sa sumpa ang bagay na iyan kaya hindi ka dapat basta dumadampot ng kung anu-ano!” aniya ko na may bahid pagmamalasakit subalit ngumiti lamang ito sa akin.
“Binibini iyo pa rin bang naiisip ang kwento sa iyo ni Manang Pedring? Hindi ka dapat mag-alala at mag-isip nang kung anu-ano dahil ang anak niya ay namatay dahil itoy nagpakamatay at walang kabuluhan kung itoy isisisi sa librong sinasabing napulot nito sa kalye” sagot nito bago walang anu-anong lumapit sa lawa at inabot ang libro.
Halos manlaki ang aking mata nang nagawa pa niya itong ilapit sa akin. Tuloy agad akong lumayo ng kaunti.
“Binibini tingnan mo, kataka-takang ni hindi lamang nabasa maging ang mga pahina nito” pagmamalaki pa ni Maya habang isa-isang binubuklat ang libro. Diko naiwasang makaramdam ng pagkabahala dahil may iba akong pakiramdam sa librong iyon.
“Maya itapon mo ang libro na yan. Baka mamaya may kung anong sumpa meron jan!” nagpapanik na wika ko. Tinawanan lamang ako nito bagay na kinaiyamot ko dahil hindi niya ako pinapakinggan.
“Binibini maaari po ba ninyong basahin ito. Hindi ko po kasi mabasa” aniya nito at iniharap sa akin ang harapan ng libro.
Camino de Regreso
Iyan ang nakalagay sa harapan at malamang iyon ang pamagat ng libro.
Napahinga na lamang ako ng malalim bago seryosong tiningnan si Maya.
“Hindi ka naman pala marunong magbasa ngunit bakit nais mo pa ring kupkupin ang libro na yan?” naiiritang wika ko pa. Biglang naman akong nagsisi sa aking diretsahang nasambit nang bumalatay ang lungkot sa hitsura nito.
“Noon ko pa ninanais na magkaroon ng libro ngunit hindi ako nabibigyan ng pagkakataon dahil aniya sa akin ng aking Inay na para saan pa raw at hindi naman daw ako marunong magbasa. Ngayon nais ko po sanang gawin itong inspirasyon upang magkaroon ng lakas ng loob na matutong bumasa at sumulat” dahilan nito kaya sa huli wala na akong nagawa kundi hayaan siyang kupkupin ang libro. Sinabi ko na lamang na bukas ay pabe-bendisyunan namin ito sa pari upang siguradong walang halong sumpa ang bagay na yun.
Pagkabalik sa mansion, natigilan ako nang mapansin kong bukas ang silid ni Celestina kung saan ako pansamantalang tumutuloy. Inisip ko na baka nauna na si Mayang umakyat dito dahil nagtungo muna ako sa palikuran kanina kayat nauna na itong umakyat dito sa taas. Subalit hindi pa man ako nakakapasok ng naturang silid ay gayon na lamang ang aking pagkabigla nang hindi si Maya ang aking mabungadan, sa halip isang lalaki. Nakatalikod ito sa akin kung kaya’t hindi ko makita ang hitsura nito. Aking natitiyak na hindi rin si Marco ito o si Cypriano dahil nakasuot ito ng unipormeng pangheneral. Mas pinakatitigan ko pang mabuti kung saan ito nakatingin at nagkaroon na ako ng hinala nang masilyayan ko kung saan ito nakatitig..sa larawan ni Celestina.
“Bakit ka nandito at anong ginagawa mo sa silid na ito?” matapang na aniya ko. Hindi ako lumalapit dito para kung sakali mang may masama itong balak ay kaagad akong makatakbo o di kayay madaling maririnig ang aking sigaw sa ibaba.
Mukhang hindi nito inaasahan ang aking biglaang pagdating kung kayat agad itong nagpunas ng mata bago lumingon sa aking gawi. Tama nga ako ang lalaking ito ay si Lucio, ang heneral na minsan naging bitag at kalaunay sumanib din sa mga rebelde.
“Ikaw pala Binibini” nahihiyang aniya nito. Mukhang nakikilala rin niya ako kung kayat tumango na rin ako sa kaniya ngunit di ko naiwasan ang magtaka sapagkat namumula na ang mata nito at mukhang pinipigilan lamang ang umiyak ng husay. Di ko tuloy naiwasang tingnan ang larawan ni Celestina, kung tutuusin hindi naman masakit sa mata ang ginamit na kulay sa larawan, kaya malamang may malalim na dahilan kung bakit namumula ang mata nitong si Lucio.
“Paumanhin sa aking kalapastanganang pagpasok dito nang walang pasabi. Akala ko kasi walang tumutuloy sa silid na ito. Ngunit wag kang mag-alala Binibini akoy aalis na rin. Paumanhin ulit sa aking pagambala” aniya nito. Muli itong tumungo bago dire-diretsong lumabas ng silid. Nakatanaw na lamang ako dito hanggang sa tuluyang makababa ng hagdan bago pumasok na sa silid. Tinitigan ko pang mabuti ang larawan ni Celestina.
Hindi ko alam kung tama pero ngayon bakit parang nagdududa na ako sa totoong kadahilanan ng pagkamatay ni Celestina. Lalo na’t kung hindi ako nagkakamali ay nakita na lamang daw ang katawan nito noon na wala ng buhay sa may Ilog Misteryo. Tapos bigla kong naalala si Editha, hindi niya kinumpirma ngunit may hinala ako na may kinalaman siya kay Celestina. Isang bagay ang aking nasisigurado na ngayon, may hiwagang nangyayari at itoy lingid sa kaalaman ng lahat…
Maaga akong nagising kinabukasan dahil kay Maya, pinapasabi raw ni Marco na sumabay ako sa kanilang almusal upang makilala ko rin daw ang kaniyang mga kinakapatid. Kaya ngayon heto kami ni Marco sa hapagkainan habang hinihintay ang kaniyang mga sinasabing kinakapatid. Hindi ko na itinanong pa si Cypriano dahil mas pabor nga sa akin na hindi ito makasabay sa umagang ito at baka masira lamang ang araw ko.
Ilang saglit pa’y isang dalagita ang nagtatakbong lumapit kay Marco at agad itong sinalubong ng yakap.
“Waaahhh Kuya Acong!” naluluhang tawag nito habang pinipispis ni Marco ang likuran nito upang patahanin.
“Tala, wag ka nang lumuha pa nandito na ako at sinisiguro ko sa iyo na kahit wala na si Tinang ay ituturing pa rin kitang totoong kapatid” malambing na aniya ni Marco bago pinunasan ang luha nito. Bigla namang napatingin sa paligid. “Oo nga pala, nasan sina Elio?”
Hindi na sumagot si Tala nang pumasok ang isang binatilyo kasama si Cypriano. Kung ganun ang tinutukoy pala nitong Elio ay ang anak ni Ferdinand Ortega. Mukha namang nahihiyang lumapit ito kay Marco kung kaya’t ito na ang nagkusang lumapit sa binatilyo.
“K-Kuya Marco, patawad” malungkot na bungad ni Elio, agad itong niyakap ni Marco at dahil dun tuluyan ng bumuhos ang luha sa mga mata nito. “Paumanhin po sa nagawa ng aking Ama at sa aking pagkukulang” dagdag pa ng binatilyo sa gitna ng paghikbi.
Tutok lamang ang mata ko sa dalawa nang mapansin ko si Cypriano na nakatingin sa akin, agad ko itong pinagtaasan ng kilay sabay inirapan.
“Elio hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil hindi mo kasalanan ang ginawa ng iyong Ama. Ako nga ay nagpapasalamat sa iyo dahil sa kabila ng lahat ay lakas loob kang tumestigo laban sa iyong ama, para sa akin” tugon pa ni Marco. Ilang minuto rin silang nagdra-dramahan doon bago nagkapag-almusal.
Ipinakilala sa akin ni Marco ang kaniyang dalawang kinakapatid na sina Tala at Elio. Aking napag-alaman na si Tala pala ay kapatid sa ina ni Celestina. Sayang lang dahil hindi man lamang niya nagawang makausap ni makilala ng lubusan ang kaniyang Ate bago ito mawala sa mundo. .
Tanging si Tala lamang ang nagbibida habang kami’y kumakain, ikinwento niya ang dahilan kung paano sila nahuli ni Ferdinand Ortega at maging ang lapastangang kura-paroko na muntikan na siyang pagsamantalahan. Bigla akoy nakaramdam ng awa sa kanilang sitwasyon lalo na ang nangyari sa kaniyang amang si Don Victor, naway sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa.
Matapos magkwento ni Tala ay pansamantalang katahimikan ang namayani bago nabaling sa akin ang atensyon.
“Oo nga pala Binibining Mirasol, nabalitaan namin kahapon ni Yano ang ginawa mo sa hukuman” panimula nito, di ko alam ngunit bigla akong naililang dahil lahat ng mata nila ay tutok sa akin kung kayat tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Hindi ko na sana papansinin ngunit napansin ko na parang kinakabig ni Marco si Cypriano na para bang pinipilit pagsalitain ito.
“Ah oo nga pala Binibini nagpapasalamat pala si Cypriano dahil tinulungan mo siyang muling mapabalik sa pwesto bilang hukom dito sa bayan ng Valencia” aniya pa ni Marco habang nakangiting aso. Halatang pinagtatakpan ang kaibigan.
“Ginawa ko lamang kung ano ang ipinapagawa sa akin ng aking Tiyo Ramon at isa pa talaga namang nararapat sibakin ang dating hukom dahil sa pagiging ganid sa katiwalian” diretsahang aniya ko, napansin ko ang biglaang pagtungo ni Elio. Napatikhim na lamang ako bago patay malisyang uminom ng tubig. Wala akong nais patamaan sa aking sinabi pero kapag nagdahilan ako, baka mas lalo lamang nilang isiping pinagtatanggol ko ang aking sarili.
Muling katahimikan ang nanaig bago muling nagsalita si Marco. Mukhang tapos na rin itong kumain kung kayat nauna na itong tumayo.
“Ah sya nga pala Binibini, bilang pasasalamat ay hayaan mong ipasyal ka namin sa buong bayan ng Valencia” nakangiting paanyaya nito. Tatanggi na sana ako nang magsalita si Tala.
“Oo nga naman Binibini upang may makasama naman ako dahil puro lalaki sina Kuya Yano, Kuya Acong at Elio. Ang daya dahil wala akong makakampi” masiglang aniya nito sabay higit sa akin patayo. Magre-reklamo pa sana ako ngunit mukhang wala na rin itong balak pang pakinggan anuman ang aking sasabihin.
Halos nalibot namin ang buong Valencia sa loob ng tatlong oras na pamamasyal. Hindi ko lubos akalain na ganito pala kalawak at kaunlad ang bayan na ito, kaya pala ganito na lamang ang pagnanais ni Ferdinand na angkinin at maghari-harian dito.
“Binibini nasabi po sa akin ni Kuya Acong na nakasama nyo daw po ang aking Ate Celestina noon sa kumbento. Maaari po ba ninyong sabihin sa akin kung anong klase siyang kamag-aaral?” tanong sa akin ni Tala habang lulan kami ng kalesa at tinatahak ang daan pabalik sa hacienda de la Serna. Bakas ang pangungulila sa tono nito kaya naman pinakaisipan kong mabuti ang dapat sabihin at kung paano ilalarawan para sa akin si Celestina.
“Sa totoo lang hindi kami magkaibigan ng iyong Ate, ni magkasundo ay hindi namin magawa sapagkat para sa akin siya ay isang kakumpitensya. Sa lahat ng bagay lagi kaming nagpapalamangan lalo sa mga aralin at lektura subalit nito ko lang din napagtanto na ako lamang pala ang nag-iisip tungkol sababay na iyan. Dahil para kay Celestina ay balewala lamang ang lahat, bagay na kinaasaran ko sapagkat paano niya nagagawang balewalain ang lahat ng bagay samantalang ako’y kailangan pang gawin ang lahat, matumbasan lamang ang kaniyang ginagawa. Matalino ang iyong ate, madaming alam gawin at talentado, yun nga lang masyado rin siyang malihim kung kayat hirap din akong malaman kung ano nga ba talaga ang tinatakbo ng kaniyang isip” tugon ko habang inaalala ang kapanahunang kasama pa namin noon si Celestina.
“Iyong nabanggit na kakumpitensya ang turing mo sa kaniya, marahil kaya hindi rin kayo magkasundo ay dahil sa malaki ang pagkakaparehas ninyo. Sabi nga nila ang dalawang bagay na magkaugnay minsan hindi laging nagkakasundo” aniya nito na kinakunot ng aking noo.
“At ano naman ang naging batayan mo upang sabihing may malaki kaming pagkakapreha ni Celestina?” di makapaniwalang tanong ko. Hindi ko yata maimahe na parehas lamang kami sa lahat ng bagay gayong parehas kaming nakahihigit sa ibang larangan.
“Nasabi sa akin ni Kuya Acong na naaalala daw niya sa iyo ang aking Ate Tinang dahil parehas daw kayong matalino, talentado at totoo sa sarili. Pero syempre Binibini may pagkakaiba din kayo, ang sa amin lamang ay may mga bagay na pagkakatulad kayong dalawa na marahil hindi mo lamang napapansin” paliwanag pa nito. Hindi na lamang ako nagsalita at baka kung saan pa dalhin ang aming pag-uusap na ito. Basta para sa akin, iba ako at iba si Celestina!
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko nang tumigil ang kalesa sa harap ng pamilihan. Naunang bumaba si Tala kayat sumunod na lamang ako dito.
“Maniningin tayo Binibini” masayang aniya nito sabay hila sa akin papasok sa pamilihan na hindi pala basta pamilihan lamang. Mercado de Clase Superior (Market of the High Class) ang ngalan ng pamilihang ito na tanging para lamang sa elitist at kasapi sa alta sociedad ang antas ng pamumuhay.
Habang naningin-ningin sa paligid hindi ko maiwasan ang humanga sa iba’t-ibang produktong nabibili dito na halatang galing pang iba’t-ibang parte ng Europa.
“May nagustuhan ka bang bilhin Binibini?” nakangiting tanong ni Tala nang mapatigil kami sa harapan ng patahian ng saya. Kung tutuusin masyado pa akong madaming sayang hindi naiisuot at hindi ko naman nais na gumastos nang gumastos dahil praktikal akong tao.
“Madaming magagadang bilihin ngunit saka na lamang ako bibili kapag kailangan na” simpleng aniya ko, mukhang hindi ito makapaniwala sa aking sinambit. Napatawa na lamang ako sa aking isipan dahil marahil kagaya ng iba ang iniisip nito na tutal pamangkin ako ng gobernador-heneral ay laki na ako sa layaw at walang pakielam sa salapi basta gastos lang nang gastos kung maibigan. Napapailing na lamang akong inaya ito tungong ibang tinadahan at baka sakaling siya naman ang may bibilhin.
Matapos sa pamilihan, tumigil naman kami sa isang kainan. Napapayag ako na kumain dito dahil akala ko nauna nang umalis sina Cypriano ngunit ganun na lamang ang pagsisisi kong sumama dito nang maabutan namin si Cypriano sa loob at prenteng nakapwesto na sa isang lamesang kasya hanggang limang tao.
“Kuya Yano nasan sina Kuya Acong?” tanong ni Tala dito pagkaupo naming sa tapat nito.
“Ah pinauna na nila ako rito para raw makapag-pareserba na at maipaluto ang ating kakainin” tugon nito bago ininabot sa amin ng listahan ng mga pagkaing inihahain dito.
Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagpili ng makakain nang magpaalam si Tala na tutungo lamang daw sa palikuran at bago pa man ako makapagsalita ay dali-dali na itong nagtatakbo palabas. Hindi ako panatag na makasama si Cypriano at kami lamang dalawa rito habang kitang-kita ko ang kakaibang tingin sa amin ng mga malisyosang serbidora. Tatayo na sana ako ng matigilan ako dahil sa biglaang pagtikhim ni Cypriano.
“Binibini naiilang ka ba sa akin?” tanong nito sa preskong tono, halos magdugtong ang aking dalawang kilay dahil sa katanungan nito. Kaya naman taliwas sa dapat gagawin ay naupo ako ng ayos bago taas noong tumingin dito.
“At bakit naman ako maiilang sa iyo? Sino kaba sa inaakala mo upang maapektuhan ang isang tulad ko sa presensya mo?” pagmamataray ko dito, hindi nawawala ang preskong awra nito sa katawan.
“Nararamdaman ko lang” tugon pa nito bago sumandal sa kinauupuang silya.
“Kay lakas ng apog mo kung ganoon Ginoo” sabi ko sabay irap, pero imbes na maasar lalo lamang itong natawa sa aking tinuran. Mukhang may sapi yata ngayon ang isang toh kung kayat malakas ang loob na mambwiset.
“Kitay aking binibiro lamang Binibini” depensa nito bago muling nag-ayos ng upo at seryosong tumingin na sa akin.
“Nais ko lamang sanang humingi ng tawad sa aking naging pakikitungo sa iyo lalo na nung ipinakilala tayo ni Marco sa isa’t-isa. Nung mga oras na iyon batid ko na may inililihim ka sa amin at sa samahan, kung kayat nawalan ako ng tiwala sa iyo dahilan kayat hindi ko rin nais na mapalapit sa isang tulad mo. Kaya sanay maunawaan mo kung bakit naging suplado ako noon sa’yo”
Kung ganun iyon pala ang kaniyang dahilan. Napataas kilay naman ako bago pinag-krus ang dalawang braso sa may dibdib.
“At sa tingin mo katiwa-tiwala ka nung mga oras na iyon sa paningin ko?” bwelta ko na kinatiim bagang nito.”Ginoo gusto mo man o hindi ang isang tao ngunit naniniwala ako na dapat mo pa rin silang tratuhin ng maayos at may paggalang. Paano kung mali ang iyong haka-haka tungkol sa isang tao? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang iyong hinuha” nangangaral na wika ko.
“Ngunit tama naman ako, hindi ba’t may itinatago ka nga?" depensa naman nito sa akin.
“Oo nga ngunit napatunayan mo rin naman na hindi masama ang layunin ko hindi ba? Ang sa akin lamang ay alamin mo muna ang dahilan ng isang tao bago mo ito husgahan” hindi papatalong aniya ko. Kapwa walang papatalo at may nakahandang depensa sa isa’t-isa. Akala ko may bwelta pa ito ngunit kusa na itong nag-iwas tingin at nailing. Isang buntong hininga ang pinakawalan bago muling nagsalita.
“Sige na Binibini ikaw na ang panalo, kaya nga ako’y humihingi na sa iyo ng tawad” wika pa nito. Tinanggal ko ang pagka-krus ng aking kamay bago dinampot ang abaniko at nagpaypay. “Hindi ko hangad na makipagtalo pa sa iyo kaya sanay tanggapin mo ang aking pakikipag-ayos sa iyo. Sana’y kahit papaano ay maging maayos na ang pakikitungo natin sa isa’t-isa lalo pa’t pansamantalang nasa iisang tahanan lamang tayo tumutuloy”
Pinakiramdaman ko muna kung sinsero ba ito sa kaniyang sinasabi ngunit walang bakas na itoy nagbibiro lamang.
“Naku sagutin mo na siya Bini..”
Bigla akong napalingon nang may isang tinig ng babae akong narinig. At hindi ako nagkamali nang mapansin ang dalawang anino ng lalaki at isang babae ang nagtatago sa likuran ng pinto sa may labasan. Mukhang kanina pa kaming pinapanood ng mga ito!
Kung ganun planado nila ang lahat! Sinubukan pang magtago ni Marco at takluban si Tala ngunit huli na dahil nakita ko na sila. Napapahiya naman ang mga ito na nagpatay malisyang tumalikod at nagkunwaring abala silang nag-uusap na tatlo.
Napapikit na lamang ako ng mariin. Kapag hindi ko tinanggap ang pakikipag-ayos ni Cypriano tiyak na ako ang mapapsama sa mata nila. At isa pa wala namang mawawala sa akin kung papayag ako sa sa alok nitong pakikipag-ayos tutal matapos ang pagpataw ng bitay kay Ferdinand bukas ay babalik na rin naman ako sa Maynila.
“Sige Ginoo, tinatanggap ko ang pakikipag-ayos mo ngunit wag mong isipin na magiging mabait ako sa iyo dahil malayo iyon sa bokubolaryo ko” pasupladang aniya ko. Namutawi ang kakaibang ngiti nito sa labi, di gaya ng laging ngising asong pinapakita niya sa akin noon.
"Bueno, bakit hindi ulit tayo magpakilala sa isa't-isa?" Mungkahe nito bago tumayo.
"Magandang hapon sa iyo, Binibining Sinag, ako nga pala si Yano at kinagagalak kitang makilala dahil gaya ng iyong ngalan walang duda na nakakasilaw ang taglay mong kagandahan" saad nito sabay itinapat sa dibdib ang sumbrerong hawak. Pinipigilan ko na lamang ang mapairap sapagkat masyadong halatang pambobola lamang ang kaniyang sinabi.
Wala naman akong balak na pansinin ang kaniyang ginawa subalit masyadong tutok na ang atensyon ng lahat sa amin. Napatayo na lang din ako bago pekeng ngumiti.
"Magandang hapon din naman sa iyo Ginoong Yano at kinagagalak kitang makilala"
'at kagaya ng iyong ngalan, ikay YANONG loko...'
Mabuti na lamang at saktong isinirbe na ang mga pagkain kung kayat bumalik na rin sa pwesto sina Marco, Tala at Elio. masayang-masaya ang mga ito at dapat daw ipagdiwang ang pag-aayos namin ni Cypriano.
Palihim na lamang akong napa-ismid. Tingnan natin kung magiging mabait na ba ang Cyprianong ito sa akin.
"Alam mo Binibining Mirasol, hindi ko makakalimutan na may sinabi sa akin noon itong si kaibigang Yano patungkol sa'yo" pag-bubukas ng usapan ni Marco. Dali kong tinapos ang pagkain at nagpunas ng bibig bago nagsalita.
Napansin ko ang pagkunot noo ni Cypriano dito at parang sinusuway na wag ng magsalita.
"Ano iyon?"
Ilang beses munang tumikhim si Marco bago nagsalita.
"Sabi niya bagay daw sa iyo ang iyong pangalang Sinag"
Papasakan pa sana ni Cypriano ang bibig nito ng mais upang di na maituloy ang sinasabi nang mabilis na umiwas si Marco at natatawang nagpatuloy.
"Kasi daw sa taglay mong kaputian di maipagkakailang isang kang anak-araw haha"
Isang masamang tingin ang ipinukol ni Cypriano dito. At nung napansing halos mag-usok ang tenga at ilong ko sa inis bigla itong napapahiyang tumingin at ngumiti na parang nanghihingi ng pasensya.
Kumpirmado, Yanong loko nga!!
Sa sumunod na araw, maaga pa lamang ngunit dagsaan na ang mga tao patungong liwasan kung saan isasagawa ang pagpapataw ng kaparusahang bitay kay Ferdinand. Tanging si Maya lamang ang kasama ko ngayon papunta rito dahil hindi makaalis sina Tala at Marco kasi nag-iiyak si Elio. Kailangan muna nila itong pakalmahin dahil sinusumpong ito ng hika. Si Cypriano naman ay maagang nagtungong hukuman.
“Binibini uuwi na rin ba tayo bukas?” pag-uusisa ni Maya. Saktong narating na namin ang liwasan at gaya ng inaasahan ay halos di mahulugang karayom na kaagad ito sa dami ng tao. Agad naman kaming pinadaan ng mga kakilalang rebelde at binigyang daan para makapwesto sa unahan. Karamihan din kasi sa mga dumalo upang masaksihan ang pagpaparusa kay Ferdinand ay mga kasamahan namin dati sa rebelyon. Bigla ko tuloy naalala na hindi ko pa nga pala nakakausap si Señor Rafael simula nung umalis ako ng walang paalam. Baka mamaya maglakas loob na ako na makausap sila at pakiusapan na kung maaari ay itigil na ang kanilang rebelyon tutal wala na rin naman silang pinaglalaban pa dahil naparusahan na ang kanilang gahamang gobernadorcillo.
Di nagtagal, dumating na ang pinakahihintay ng lahat, sa gitnang malawak na parang nakapwesto ang hukbo sa pamumuno ni Lucio at may kasama itong isa pa ring heneral na sa aking palagay ay ipinadala din ni Tiyo Ramon dito upang siguraduhin ang katapusan ni Ferdinand. Wala nang patumpik-tumpik pa at inihanda na ng mga ito ang rebolber.
Ngunit ang di ko maunawaan ay kung bakit taliwas sa aking inaasahan ang mukha ni Ferdinand. Dapat kagaya ng ibang naakusahan ay bugbug sarado na ito at hindi na halos makilala ang itsura ngunit kataka-taka na tilay hindi man lamang ito nagkaroon ni isang galos sa katawan tapos imbes na takot at pangamba ang mabasa sa reaksyon nito ay mukhang maaliwalas pa ang itsura niya. Sa lahat yata ng mapapatawan ng kamatayan siya lamang ang maaliwalas ang itsura. Akin tuloy naisip, ganito ba talaga kapag makasalanan, tanggap na at balewala maski anong kaparusahanang ipataw sa kanila?
Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang tension sa paligid, biglaan pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Sinubukan kong lumingon sa paligid at mas lalo lamang dumoble ang aking kakaibang nararamdam nang mapansing wala dito si Señor Rafael. Bagay na kataka-taka sapagkat narito naman sina Simon maging ang ibang kasapi sa rebelde ngunit bakit ang lider ay wala rito? Posibleng may ibang dahilan.
Dalawang pari ang nag-alay ng dasal at basbas kay Ferdinand, makailan ang ilang minuto ay ipinwesto na ito sa gitna. Ipinosisyon nang mga kawal ang kanilang rebolber at sabay-sabay na ikinasa.
Parang biglang napagtanto ko na ayaw kong harapang masaksihan ang mangyayari kaya’t agad kong kinabig si Maya at hinila papalayo. Subalit hindi pa man kami nakakalayo nang sumigaw ang isang pang heneral na kasama ni Lucio.
“Fuego! (Fire!)”
At nung sandaling iyon hindi ko na nagawa pang lumingon nang magkagulo ang lahat kasabay ng palitan ng putok sa paligid. Ilang beses kaming nabunggo ni Maya at hindi alam ang gagawin kung makikitakbo ba o ano. Mas lalong lumakas at umalingawngaw ang putukan ng baril na tumatama kung saan-saan. Hindi ko napigilan ang mapasinghap nang isang babaeng nakabundol sa amin ni Maya ang tamaan ng baril sa noo, agad itong nawalan ng buhay.
Nangangatog at takot na takot ako. Sa sobrang pagpapanik ay nakitakbo na rin ako papalayo dahil malapit lamang kami sa mga guardiang may hawak ng baril at kung mananatili kami doon baka mamatay kami nang wala man lamang ginagawa.
Subalit sa sobrang daming tao sa paligid, hindi maiiwasan ang magkabunguuan. May ilan ang nadapa, nasubsub at nasugatan kahit hindi tinamaan ng bala. Sa sobrang pagpapanik ng mga tao sa paligid maski mga lalaki ay hindi na sinanto kahit babae pa ang kanilang makabunguuan at isa ako sa mga minalas na mabunggo ng isang lalaking may malaking pangangatawan. Malakas ang naging pagtulak nito sa akin kaya’t lumagapak ako sa lupa tuluyan narin akong napahiwalay kay Maya. Hindi ko na nagawa pang makabangon dahil ilang tao ay walang pasubaling dinaanan at tinapakan ako. Tanging pagprotekta na lamang sa aking sarili gamit ang braso ang aking nagawa. Ilang sugat, ang aking tinamo kasabay ng pananakit ng aking katawan dahil sa di birong paglapastangan ng mga taong walang pakundangan tumapak-tapak sa akin, may ilan pang umumpog sa akin at natumba kayat nadagaanan ako.
Halos naiiyak na ako dahil lambog na lambog na ang aking katawan. Napahiyaw na lamang ako sa takot nang maramdaman ko ang muntikan ng pagtama ng bala sa akin, dumamplis ito kung kayat ang isang lalaking dapat dadaanan lamang ako ang tinamaan ng punglo. Humihikbi na ako pero pinilit kong gumapang. Hindi ko nais na mamatay ng ganito lamang. Madami pa akong dapat gawin!
Muling akong natigil nang sunod-sunod na pagpapaputok ng baril sa ere ang pumailanlan kasabay nang malakas na sigaw.
“KAYONG LAHAT ANG MAMATAY AT HINDI AKO MGA TONTA!”
Ngayon batid ko na na si Ferdinand iyon at hindi ko alam kung paano nangyaring taliwas sa inaasahanang nangyari. Bakit naging ganito ang pangyayari?
Muli na namang ilang katawan ang bumagsak sa lupa, mga wala nang buhay ang mga ito. Naiiyak ako at mukhang ako na lamang ang naiwan na humihinga pa habang ang mga taong nagtatakbuhan ay ngayon mga hindi na humihinga pa.
‘KATAPUSAN NIYO NANG LAHAT!” muling nagpaulan ng bala sa paligid si Ferdinand at sa pagkakataong ito ang mga kawal na dapat babaril sa kaniya ay mga wala nang buhay ngayong duguan bumagsak sa lupa.
Nagulat pa ako nang isang katawan ng babae ang natumba sa akin. Nadaganan ako nito at halos mangatal ang buo kong pagkatao nang tumulo ang dugo nito sa aking mukha hanggang sa aking barong puti. Humihikbi akong pilit ito inaalis sa akin.
Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa at iniisip na lamang na marahil dito na magtatapos ang aking buhay nang sa di inaasahang pagkakataon, may isang tao ang tumulong sa akin na maalis ang nakadag-ang bangkay sa aking katawan, hindi ko na magawa pang lingunin ito talagang wala na akong lakas at lambog na lambog na ang aking buong katawan na ultimo leeg ko ay hindi ko na magawa pang ilingon kung saan-saan. Namalayan ko na lamang na may isang bisig ang bumuhat sa akin at mabilis tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Lubhang delikado at pagpapatiwakal ang ginawa nang sinumang taong ito, ngunit hindi niya ininda sa halip mas binilisan pa niya ang pagtakbo kahit na kasalukuyang hinahabol na kami ni Ferdinand at pinapaulanan ng bala ng baril.
Sa nanlalabo kong mata pinilit kong aninagin kung sino itong pagkakautangan ko ng aking buhay. Ngunit hindi ko akalain na mas magiging malabo din pala ang katanungang papasok sa aking isip nang sandaling makilala ko ang lalaking naglakas loob na akoy tulungan.
Bakit mo ito ginagawa Cypriano at bakit kailangan mong ibuwis ang iyong buhay para sa isang kagaya kong kaaway naman ang tingin sa iyo?
****
🥰
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro