Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4


Cypriano...

Aking napag-alaman mula kay  Marco ang totoong  ngalan ng lalaking kanina lamang ay aking natagpuang duguan at naghihingalo sa ilalim ng puno. At aking ding napag-alamanan na siya pala'y kaibigan nitong si Marco.

Ngayon naniniwala na ako na tunay na kay liit ng mundong aming ginagalawan. Parang kailan lang na ang estrangherong iyon ay una kong nakita sa barko at sumagip sa aking buhay ngunit ngayon, sa dinami-dami ng lugar at pagkakataon ay ngayon ko pa siyang muling makikita. Yun nga lang sa di magandang kalagayan. Kakatawa lang isipin na sa pagkakataong ito ay ako naman ang sumagip sa kaniyang buhay.

"Sino mang may kagagawan nito kay Yano ay magnanagot sa akin!" nanggagalaiting aniya ni Marco habang namumula na ang mata. Batid ko ang matindi nitong pagpipigil na hindi maiyak sa harapan namin.

Kasalukuyang nandito kami sa isang bahay pagamutan sa bayan ng San Ildefonso. Kanina lamang ay inamin kaagad ni Ka-Molong na hindi niya daw kayang sagipin ang buhay ni Cypriano kung kaya''t walang anu-anong  ipinadala ni Señor Rafael ito dito sa bahay ng kaniyang kaibigang doktor.

Ang hindi ko lang maunawaanay kung bakit at paano ako nakasama sa mga ito papunta dito gayong hindi naman ako kaanu-ano nitong si  Cypriano. Malas lang din dahil hindi ko nakasama si Maya papunta dito, kung nagkataon tyansa na sana namin upang makatakas lalo't malapit na ang lugar na ito sa daungan.

Tumayo si Marco at nilapitan ang kaibigang nakaratay sa kama. Maputla at puno ng aparato ang katawan ni Cypriano at kanina lang isang masamang balita ang ipinagtapat  ng doktor, bibigyan na lang daw niya ng isang linggong palugit si Cypriano upang magising at oras na hindi pa rin daw ito magising, ay wala  na siyang magagawa pa kundi tanggalin ang mga aparato na tanging inaasahan na lamang ng katawan nito.

Mabilis lumipas ang isang linggo, sa muling pagkakataon ay wala akong nagawa kundi samahan sina Ka-Molong, Señor Rafael, Marco at Ising papuntang bahay pagamutan. Sa byahe ramdam ko na ang lungkot at pighati ng aking mga kasamahan dahil kung hindi parin magigisng si Cypriano hanggang mamaya ay tuluyan ng tatanggalin ang tubo at aparato sa katawan nito.

Pasado alas-10 ng umaga kami nakarating sa bahay pagamutan at mabuti na lamang napakiusapan ni Señor Rafael ang doktor na pagbigyan pa kahit hanggang alas-6 ng hapon si Cypriano bago pagpasyahan na tanggalin ang aparato.

Inaya ako ni Ising na mag-alay daw ng dsal sa  pamamagitan ng novena at Sto Rosario kaya kaming lima ay walang ginawa kundi magdasal sa buong maghapon hanggang sumapit ang alas-5 y media. Kalahating minuto na lamang ang natitirang palugit ng doktor.

Saktong 10 minuto bago mag alas-6 nang dumating ito. Muli naming ipinagpatuloy ang pagdarasal, kitang-kita ko kung gaano kapursigido si Marco sa pagdarasal para sa kaibigan. Ilang minuto pa ulit ang lumipas at natapos na namin makapagdasal ng sto rosario.

Taimtim lamang kaming lahat na nagninilay-nilay at umaasa na magigising na ang pasyente.

"10  segundo na lamang ang natitira" anunsyo  ng doktor. Wala nang pagsidlan si  Marco at unti-unting nagpatakan na ang butil ng luha sa mga mata nito.

Naawa akong napatingin dito bago kay Cypriano. Kay bata pa ng Ginoo na ito upang bawian ng buhay. Aking nababatid na madami pa sana itong magagawa kung mabibigyan lamang ng tyansang pang mabuhay.

Biglang natuon ang aking atensyon sa kamay  nito. Sa di malamang kadahilanan, may kung ano ang nagtulak sa akin upang lumapit at parang nanghihikayat na itoy aking hawakan.

"Limang segundo" aniya ng doktor na  kinagilalas ko kaya naman agad akong napalapit sa pasyente ng wala sa oras.

"Tatlong segundo" muling aniya nito  at wala na akong pinalampas na pagkakataon pa, agad kong hinawakan ang kamay ni Cypriano at nang sandaling ito'y aking mahawakan, tilay kakaibang daloy ng kuryenteng dumaloy sa katawan ang aking naramdaman.

"Oras na upang tangga..."

Muli pa sanang magsasalita ang doktor at lalapit na sa gawi namin nang itoy matigilan at maging akoy nabigla at napatulala nang sandaling magmulat at saktong magtama ang mata naming dalawa ni Cypriano.

Ang mga matang iyon na minsan ko nang nasilayan nung akoy nasa bingit ng kamatayan..Walang duda siya na nga ang tumulong sa akin na estranghero.

Tilay napaso akong napalayo mula sa pagkakahawak sa kamay nito.

Bigla akong nakaramdam ng pagkakapahiya sa aking ginawa. Ano ba ang sumanib sa akin at hinawakan ko ang kaniyang kamay?
Katahimikan ang namayani, maging ang doktor ay hindi makapaniwala ang reaksyong titig na titig kay Cypriano.

"Gising na si Yano!"

Ang kaninang nagdadalamhating si Marco ay ngayon galak na galak at halos lumuhod sa harapan ni  Cypriano sa tuwa. Panay din ang usal nitong pasasalamat sa Diyos. Hindi naglaon ay maging sina Señor Rafael kasabay ng doktor ay pinaligiran si Cypriano nang may kagalakan.

"Sinag, nakita ko ang iyong ginawa. Sa simpleng hawak mo, nagising ang Ginoo! Kayo ba ay magkakilalang dalawa?" Halong taka at pag-usisisang bulong sa akin ni Ising. Npaapahiya naman akong nag-iwas tingin. Wala akong eksaktong salitang maisip na maaaring idahilan sa aking kapangahasang nagawa!

"Hindi ko siya kilala" tanging nasambit ko bago walang anu-anong lumabas ng silid na iyon.  Batid ko na dahil sa aking ginawa ay mas lalo lamang mag-iisip ng kung ano sa akin si Ising.  Ngali-ngali kong iuntog ng sampung beses sa  pader ang aking ulo sa kahangalang nagawa.

Sa mga sumunod pang araw ay hindi na mulli akong nagtangka pang sumama sa bahay-pagamutan. Tuwing aayain ako ni Ising ay lagi akong nagdadahilan na kung hindi masama ang pakiramdam ay inaabala ang sarili sa kunwaring pagtulong kay Maya. At ngayong araw, muli akong nakalusot sa aking dahilang maglalaba ng libagin sa ilog.

Abala ako sa paghahanap ng aking barot-saya na pinaghubaran nang matanawan ko mula sa labas ng kubo si Marco. Mag-isa lamang itong naglalakad na tilay nagdidili-dili. Agad kong ibinaba ang batyang hawak at pagkay lumabas ng kubo.

"Marco!" tawag ko dito at agad naman itong tumigil at lumingon sa akin.

"Bakit narito ka pa? Kanina pang nakaalis sina Ising tungong bahay-pagamutan" pagbibigay alam ko dito. Ito kasing si Marco simula nang magising si Cypriano ay wala nang humpay sa pagbisita dito kaya kataka-taka na natatali yata ito dito sa kampo.

"Pinagbawalan muna ako ni Señor Rafael na  lumabas dito sa ating kuta. May balitang mas lalo daw tinaasan ni Ferdinand ang halaga ng patong sa aking ulo. Kaya dapat mag-ingat lalot mainit ang mata nang karamihan sa akin" malungkot na tugon nito.

Nakakaawa din ang sitwasyon nitong si Marco, kung makakaalis lamang sana ako dito sa lugar na ito ay kaagad akong tutungong Maynia upang ihingi siya ng tulong kay Tiyo Ramon. Tiyak na hindi ito mag-aatubiling tumulong lalo pa't matalik nitong kaibigan ang ama nitong si Heneral Frederico.

Habang problemado ito ay di ko naiwasan ang napatitig ng bahagya sa kaniyang mukha. May konting pagkakahawig ang itsura nitong si Marco kay Fabio. Yun nga lang higit na mas matapang at matangkad si Fabio kumpara sa kaniya.

Muli akong nakaramdam ng pangungulila kay Fabio. Kung nandidito lamang sana siya, tiyak na hindi hahantong sa ganito ang kailangan danasing hirap ni Marco. Sobra na ang pagpapahirap sa kanilang pamilya at hindi ito karapat-dapat danansin ng mabubuting taong gaya nila.

Pagsapit ng hapon, abala ang mga bata sa paglalarong ng mga larong hindi ko nakagisnan laruin noon, kung kayat wala akong ideya kung ano ang tawag sa ganoong uri ng laro na kinailangan pang talunan ang kalarong nataya o kaya namay may isang taya na pinagtataguan ng mga kasamahan tapos sa huli kailangan niya itong hanapin dahil kung hindi, siya pa rin ang mananatiling taya.

Abala ang lahat sa kanilang mga gawain nang isang kalesa ang dumating. Agad natigil ang  mga bata sa paglalaro at buong kuryosidad na nagsitakbuhan upang salubungin ang mga dumating.

Naunang bumaba si Señor Rafael at Simon bago si Ising. Akala ko sila lang ang magkakasama ngunit muling pumasok sa karwahe sina Simon at Señor Rafael at kalaunay may akay-akay nang ginoo. Bigla akong napatayo upang kumpirmahin at di nga ako nagkakamali, nandito na si Cypriano!

Biglang nagsi-umpukan ang iba naming kasamahan papalapit dito at ako lang yata ang nanatili sa kinatatayuan. Sa di kalayuan iika-ika si Marco na nakisiksik din sa kumpulan ng mga ito.

Agad akong naglakad palayo nang makasalubog ko si Maya na mukhang walang ideya sa nangyayari. Tinanong pa ako nito  kung anong meron ngunit imbes na  sumagot ay hinila ko na lang din ito at isinima papalayo sa lugar na iyon.

"Sinag at Maya, hinahanap na kayo ni Señor Rafael. Hindi daw sisimulan ang pagkain hanggat kulang tayo" wika ni Ising nang matagpuan kaming dalawa ni Maya na nagtatago sa likuran ng kubo.

"Ah e kayo na lang muna ang maghapunan. Busog pa naman ako" pagdadahilan ko dito ngunit ang walang pakikisama kong tiyan ay bigla akong inilaglag mula sa aking kasinungalingan!

"Sa lahat ng busog, iyang tiyan mo lang yata ang nagwewelga" biro ni Ising bago sabay pa silang nagtawanan ni Maya. Tuloy sa huli kapwa nila akong hinigit papunta sa harapan ng kubo kung saan nakahain na ang hapunan at nakapwesto na ang lahat.

"O ayan kumpleto na tayo, maari na nating simulan ang pagkain" masayang wika ni Señor Rafael, pagkakita sa aming tatlo. Pumwesto na si Ising sa tabi ng kaniyang amang si Mang Lito habang kung mamalasin nga naman ay tanging sa tabi na lamang ni Marco ang natitirang wala pang nakapwesto habang sa kaliwa nitong tabi ay naroon si Cypriano.

"Binibini ano pang hinihintay natin?" Nahihiyang bulong ni Maya bago nagkusa na ako nitong higitin papunta sa natitirang pwesto. Patay malisya kong itnuon na lamang ang pwesto sa pagkain.  Ni batiin si Marco ay hindi ko ginawa.

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makaramdam ng hiya at pagkailang sa isiping nandito si Cypriano. Malamang dahil iyon sa nahuli ako nitong nakahawak sa kaniyang kamay noong magising siya sa bahay pagamutan. Napapikit na lamang ako ng mariin sa kahihiyang nadarama.

Hindi ako makakain ng husay at kahit kanina pang gutom ay hindi ko magawang kumain ng madami. Nauna na akong natapos sa pagkain, nagtataka pang tumingin sa aking pinagkainan si Maya at akma pa sanang magtatanong nang magpaalam na akong mauna nang maghugas ng kamay.

Habang nakaupo sa isang sulok at naka-abang kay Maya na matapos sa paghuhugas nito ng pinggan ay hindi ko naiwasan ang mapahikab. Antok na antok na ako at kulang na lang ay dito mismo ako matulog. Hindi naman ako makapagreklamo dahil ako naman ang nagkusang magpasyang hintayin ito.

"Binibi.." hindi nito natuloy ang sasabihin nang panlakihan ko siya ng mata. "Ah Sinag, bakit hindi ka mauna nang magtungo sa ating kubo nang ikay makatulog na?" nagmamalasakit na tanong nito bago muling ipinagpatuloy ang pagkukuskos sa tulyasing malaki na ginamit kanina pangluto. Siya kasi ang nakatoka sa pagdadayag para sa araw na ito. Isa pa ito sa aking problema dahil sa isang araw ay ako naman ang nakatoka. Hindi pa naman ako sanay magdayag ng mga malalaking kaldero pero habang pinagmamasdan ko ang ginagawa ni Maya, mukha namang madali lang at kaya kong gawin. Bahala na nga sa isang araw!

Kung tutuusin pwede nga naman akong mauna nasa aming kubo subalit may parte sa akin ang ayaw magsolo pabalik doon. Malamang nandun na rin sina Teresing at Ising at baka naiiglip na kanina pa.

"Bilisan mo na lamang diyan upang makapagpahinga na tayo" utos ko at tahimik na lamang nitong ipinagpatuloy ang ginagawa.

Madilim na ang aming nilalakaran pabalik sa aming kubo nang madaanan namin sina Marco at Cyprianong nakatambay sa labas ng kanilang kubo. Madadaanan kasi muna namin ang kanila bago marating ang sa aming kubo.

Agad akong napatigil sa gitna nang paglalakad bagay na kinapagtaka ni Maya.

"Bakit" imbes na sagutin ay aayain ko na lamang sana ito na lumihis nang daan ngunit huli na ang lahat. Bago pa man ako makatalikod ay saktong nakita na kami ni  Marco.

"Sinag!" tawag nito sa akin at para akong uugatan sa aking kinatatayuan.  "Halika at ipapakilala ko kayo ng iyong kasama dito sa aking kaibigan" dagdag pa nito. Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba o magdadahilan na lamang.

"Binibini tawag kayo ni Ginoong Marco" paalala pa saakin ni Maya sabay turo sa mga ito subalit gayon na lamang ang panlalaki ng aking mata nang magkusa na itong lumapit sa amin na akala moy sinusundo kami. Kulang na lang ay hilahin ako nito papunta sa kanilang pwesto.

Mabigat ang aking paa na tumalima at ngayon katapat ko na si Cypriano na kanina pang titig na titig at akala mo'y kinikilatis ang buo kong pagkatao.

"Sinag, ito nga pala ang aking kaibigan na si  Cypriano. Yano na lang ang itawag mo sa kaniya at batid ko na kilala mo na siya dahil kasama kita sa bahay pagamutan" magiliw na wika ni Marco at halos irapan ko ito nang inam dahil sa pagpapaalala niya sa bagay na pilit kong kinakalimutan!

"At kaibigang Yano, siya naman si Sinag. Siya ang Binibining nakakita sa iyo sa gitna ng kagubatan at siya rin ang nagligtas sa iyong buhay" baling naman nito kay Cypriano. Halos wala kaming imikang nagkatitigan nito na tilay  tinatantya kung sino ang unang babati sa aming dalawa.

"Hoy! Ano magtitian na lamang ba kayong dalawa diyan?" Natatawang wika pa ni Marco dahilan upang sabay kaming mapaiwas tingin sa isa't-isa.

Bigla ko na naman tuloy naalala yung senaryo sa bahay pagamutan, ang paghawak ko sa kamay nito kasabay ng pagmulat niya ng mata hanggang sa pagsalubong ng aming mata sa isa't-isa! Sentisimang mahabagin!

"Kaibigang Yano,  bilang isang Ginoo ikaw ang dapat unang bumati sa Binibini" natatawang aniya na naman ni Marco. Bakit pakiramdam  ko ay iisa kami nang nararamdamang pagkailang nitong si Cypriano? "Hindi mo man lamang ba pasasalamatan ang Binibini  sa pagliligtas niya sa iyong buhay?" dagdag tanong pa nito at sa pagkakataong ito saka lamang muling tumingin ito sa gawi ko.

Buong akala ko magpapasalamat na ito o kaya nama'y babati ngunit kabaliktaran ang aking narinig mula sa kaniya.

"Minsan ko naring sinagip ang kaniyang buhay kung kayat patas na kami sa pagkakataong ito" wika nito bago paika-ikang naglakad paalis. Hindi ko naiwasan ang maiyamot sa kaniyang inasta. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman, kung hiya ba o inis. Kaasar! Wala pang nakagawa nang ganoon sa akin! Kay bastos at walang modo naman pala ng Cyprianong iyon!

Paano niya nagawang basta na lamang akong talikuran nang hindi man lamang binabati ng maayos?

Pero matapos nang kaniyang sinabi kanina, isang bagay ang malinaw sa akin at iyon ay naaalala din niya na ako ang kaniyang sinagip noon sa barko.

Ngunit hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito, sa unang pagkakataon isang taong katulad niya ang lumapastangan at walang modong basta na lamang tinalikuran ang isang lakambining gaya ko!

"Ah e Binibini, ipagpaumanhin mo na sana ang inasta ng aking kaibigan. Marahil nahiya lamang iyon lalo't hindi siya sanay na humaharap sa isang magandang dilag" nahihiyang aniya sa akin ni Marco na may halong pambibiro habang napapakamot sa ulo. Halatang ipinagtatanggol lamang ang kabastusan ng kaniyang kaibigan. Mas lalo tuloy nagpupuyos sa galit ang aking kalooban.

Lahat ng hiya at pagkailang ay napaltan ng galit at pagkaiyamot sa Cypriano na yun.

May araw din sa akin ang lalaking iyon!

Tagaktak na ang aking pawis at halos maubos ko na rin ang aming baong tubig ni Maya. Mahigit 5 oras na rin kaming naglalakad sa ilalim ng arawan.

"Malayo pa ba ang sinasabi nilang ating magiging bagong kuta?" nagre-reklamong tanong ko kay Maya at mukhang napalakas ang aking pagkakatanong dahilan upang mapatingin din ang iba sa akin.

"Mabuti pa'y tumigil na muna tayo sa malilom na lugar upang makapag-pahinga" anunsyon ni Señor Rafael, mukhang maging ito ay narinig ang aking hinaing.

Ngunit wala na akong pakielam, sa totoo lang ito ang unang beses na nakapaglakad ako ng sobrang layo. Pakiramdam ko may pasa na ang binti ko sa pagod. Basta na lamang akong sumalampak sa ilalim ng puno.

"Binibini hindi ka dapat nagreklamo ng ganun" bulong sa akin ni Maya na may halong panenermon. Napansin ata nito na akoy natigilan at napataas ng kilay sa kaniyang inaasta sa akin. "Paumanhin Binibini, ngunit kasi narinig ko ang bulungan ng ilang Ale tungkol sa iyo. Ikaw daw ay maarte at hindi kapani-paniwalang ikay nagtra-trabaho bilang tagapagsilbi. Aking naisip na kung aasta kayo ng ganiyan, baka mas lalo silang maghinala sa atin. Ayoko lang mapahamak tayo lalo pa't dalawa lamang tayo at dehado kapag nagkataon"

Napatingin ako sa grupo ng ilang Ale na nagtsi-tsismisan at mukhang tama nga si Maya dahil huling-huli ko sa akto ang mata ng mga ito sa akin at halos sabay-sabay pang nag-iwas tingin nang pagtaasan ko ng kilay.

"Binibini sana sa ngayon umasta muna kayo bilang si Sinag at hindi si Señorita Mirasol. Pakiusap para din ito sa kaligtasan ninyo" pahabol pa nito bago nagpaalam na kukuha lang daw ng tubig.

Napahingang malalim na lamang akong napasandal sa puno. Hanggang kailan ko titiisin ang ganitong buhay?

Dalawang linggo na kaming naninirahan kasama ng mga rebelde. Sa maikling panahon madami akong bagay natutunan at hindi ko rin sukat-akalain na mararanasan ko rin ang malalagay ang aking buhay sa kapahamakan.

Ilang beses pa ba namin kailangang magpalipat-lipat ng kuta at makipagtaguan sa mga guardia sibil?

Hindi ko tuloy maiwasang malungkot nang maalala ko si Tiyo Ramon. Ipinapahanap na kaya ako nito? Sana lang, nang makaalis na ako sa lugar na ito.

Sandaling umalis ang mga kalalakihan upang kumuha ng tubig para sa lahat at makalipas lamang ang ilang minuto nang bumalik si Simon. Dagos na ito ngunit hindi ito ang dapat pagtuunan ng pansin kundi ang isinigaw nito na kinagulantang ng lahat.

"Magmadali kayo at may mga guardiang rumoronda malapit dito!"

Hindi magkamayaw ang ilan sa pagliligpit ng kanilang gamit habang ako ay tatakbo sana upang hanapin si Maya nang harangin ako ni Simon.

"San ang iyong tungo?"

"Hahanapin ko si Maya!" tugon ko at lalampasan na sana siya nang magsalita ito.

"Kasama na siya nina Señor Rafael at kayo na lamang ang hinihintay. Kaya madali kayo, sumunod kayo sa akin" malakas na wika pa ulit nito bago mabilis nang naglakad paalis.

Lakad, takbo lamang kami at hindi na alintana ang maputik na dinaraanan. Tanging ako at ilang kadalagahan lamang ang nakakasabay kay Simon dahil ang mga Ginang ay nahihirapan lalot may mga dalahing bumabalakid sa kanilang mabilis na pagkilos.

"Sinag, mauna ka na at magtago muna sa likuran ng puno na yun. Tutulungan ko lang ang ibang Ginang sa pagdadala ng kanilang mga gamit" utos pa sa akin ni Simon. Hindi na ako nagreklamo at agad nang sinunod ang sinabi nito. Agad kong inakyat ang medyo pataas na lupa kung saan naroroon ang kaniyang puno na tinutukoy bago nagtago roon. Di naglaon ay sunod na ring nakarating ang mga kadalagahan kasabay nina Ising.

Ngunit saktong biglang isang putok ng baril ang umalingawngaw sa kapaligiran. Agad akong napahawak sa aking dibdib sa niyerbos. Malakas ang naging pagsigaw ng ibang kababaihan at mga Ginang. Bahagya akong sumilip at ganun na lamang ang panlalaki ng aking mata nang makita na ang mga itoy nahuli na nang mga guardia bago pa man makarating dito sa aming kinaroroonan. Tuluyan na akong napatakip sa aking bibig nang masilayan ko kung gaano kawalang puso ang mga guardiang pinagsasaksak ang mga kaawa-awang ginang gamit ang kanilang bayoneta.

'Señor perdóname!' naiusal ko na lamang sa aking isipan habang napahawak sa aking rosaryong kwintas.

Nangangatal akong muling nagtago sa puno ngunit aking napansin na mag-isa na lamang ako dito ngayon. Mas lalo akong natakot nang marinig ang papalapit na yabag ng mga guardia. Wala na akong nagawa kundi mapadasal na lamang sa aking isip.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng isang kamay ang mabilis na humawak sa aking braso at bago pa man ako makaalma, ay nakita ko na lamang ang sarili ko na tumatakbo kasama ang sinumang tampalasang humigit sa akin.

"REBELDE!" sigaw nang guardia kasabay nang pagpapaulan sa amin ng bala.

Napasigaw pa ako sa takot ngunit dire-diretso lamang kami sa pagtakbo. May mga pagkakataon na muntikan pa akong madapa mabuti na lamang at mahigpit amg pagkakahawak sa akin ng estrangherong umaakay sa akin ngayon.

Hindi ko alam kung ilang segundo ang itinagal ngunit di naglaon ay nawala na ang guardiang humahabol na nagpapaulan sa amin ng bala.

Saktong sa di kalayuan natanaw ko si Marco kasama ng iba naming mga kasamahan.

"Sinag at Yano, dito!" Sigaw nito at nung tuluyan na kaming nakalapit ay inalalayan pa ako nito palapit sa iba naming kasamahan.

Agad naman akong sinalubong ng yakap ni Maya. Nangangatal pa rin hanggang ngayon ang aking kamay nang ako na ang nagkusang kumalas dito. Nagugulumihanan ako g napatingin sa gawi nina Marco, ni hindi ko man lamang napagtanto na si Cypriano na pala yung lapastangang humila sa akin papunta dito!

"Maraming salamat sa inyo Ginoong Marco at Ginoong Yano" taos pusong wika ni Maya kasabay nang pagyuko sa mga ito.

"Walang anuman, mabuti na lamang at malakas ang loob nitong si Yano na suungin maski kapahamakan mailigtas lamang ang mga nangangailangan" patuntyadang tugon ni Marco habang sinisiko ang kaibigan.

"Tsk" tanging reaksyon ni Cypriano.

Hindi ako nakapagsalita at tanging pagtungo na lamang ang aking nagawa. Muling nanumbalik sa akin ang nangyari kanina, kung paanong basta na lamang kinitil ng mga walang pusong guardia ang mga kaawa-awang Ginang. Nanghihina akong napakapit sa braso ni Maya bilang suporta.

Iyon ang unang beses na makasaksi nang ganoon uri ng karahasan..

"Sa tingin ko mas makabubuti kung ipagpahinga mo muna si Sinag sa isang tabi. Mukhang nabigla ito sa mga nangyari" biglang napaltan ng pagmamalasakit ang tono ni Marco kaya naman agad tumalima dito si Maya at inakay ako. Para akong batang nagpaubaya at sumunod dito.


"Kamusta na si Sinag, hindi pa rin ba maayos ang kaniyang pakiramdam?" pangungumusta ni Ising. Nanatili lamang akong nakahiga at kunwariy natutulog kahit na ang diwa ko ay gising na gising pa rin.

"Pakiramdam ko masyadong nabigla siya sa nasaksihan. Nasanay kasi si Sinag sa tahimik at kulong na lugar ng kumbento" malungkot na tugon ni Maya dito.

"Maging ako ay ganiyan din ang naging reaksyon nang unang makasaksi nang malagim na krimen. Ilang araw din ako hindi pinatulog tuwing naalala ko ang mga di kaaya-ayang pangyayari na yun. Nakakalungkot lang dahil sa isang iglap kayang-kayang kitilin ng ganun kadali ang buhay ng isang tao" wika pa ni Ising at mahihimigan ang labis na pighati dito.

Kay sakit sa pusong isipin ang kaniyang mga katagang sinambit.

Lumipas ang tatlong araw, nakalipat na kami ng bagong kuta, madami na rin ulit kaming napagdaanan ngunit ang alaala ng mga kaawa-awang ginang ay pilit pa ring gumugulo sa aking isipan. Gabi-gabi ako hindi pinapatulog habang ginugunita ko ang nangyari sa mga ito.

Pakiramdam ko mababaliw ako sa senaryong iyon!

Akala ko kapag nakalipat na kami ng kuta ay matatahimik na kami ngunit lalo lamang sumidhi ang galit sa puso nina Señor Rafael, mas lalong nag-alab ang pagnanasa nilang maisagawa ang paghihiganti dahil sa mga nasawi naming kasamahan.

Bago sumapit ang tanghalian, pinatawag ni Señor Rafael ang lahat para daw sa pagpupulong at upang mapag-usapan na rin ang mga bagong plano.

Tahimik lamang ako at hindi magawang makinig sa kanilang mga sinasabi. Ang aking atensyon ay nakatutok sa mga rebeldeng ito na kasa-kasama namin ngayon. Ang dating mga ginang na nakasama ko lamang at nakausap noon habang naglalaba sa ilog ay wala na. Iilan na lamang kami natira at muli pang nabawasan nang magkaroon muli ng engkwentro laban sa hukbo ng heneral papunta rito.

Ang mga taong ito, unti-unti tilay nauunawaan ko na kung para saan at ano nga ba ang kanilang ipinaglalaban.

"Binibini ayos ka lamang ba o masama pa rin ang iyong pakiramdam?" nag-aalalang bulong sa akin ni Maya. Napabalik ang aking atensyon kay Señor Rafael na napapagitnaan ng lahat habang seryosong nakikinig sa kaniyang mga sinasabi.

"Wag mo akong alalahanin Maya. Naninibago lamang ako sa mga nangyayari" wika ko bago naupo na ulit sa isang tabi.

Hindi ko akalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Ang makasama ang mga rebeldeng kumakalaban sa kahariang pino-protektahan ng aking Tiyo Ramon. Ngunit ang mas hindi ko lubos maunawaan ay ang aking nadaramang awa para sa mga ito. Parang sa isang iglap mayroong parte sa akin ang nagsasabing kailangan ko rin silang tulungan.

Pagkalubog ng araw, nanatili ako sa harapan ng kubo na nagdidili-dili. Sa sobrang pagkatulala hindi ko napansin ang pagpuna sa akin ni Mang Lito na mukhang kababalik lamang galing sa labas.

"Sinag hanggang ngayon ba'y sariwa pa rin sa iyong alaala ang nasaksihang malagim na trahedyang dinanas ng mga kasamahan nating Ginang?" bungad na tanong nito sa himig na nag-aalala. Bagamat kailan lang nila ako nakilala at malaki ang sikretong aking itinatago sa kanila ngunit ang pagmamalasakit ng mga ito ay tunay na siyang nagpapalambot sa aking sistema.

"Iyo dapat isa isip na simula nang umanib tayo sa samahang ito, nakalagay na rin sa hukay ang ating buhay. Walang nag-aasam ng kalayaan ang hindi nalalagay sa kapahamakan ang buhay. Marahil para sa mga hindi nakakaunawa sa ating adhikain, iisipin na tayoy mga taksil at mapaghangad lamang ngunit lingid sa kanilang kaalaman na may malalim na kadahilanan ang ating ipinaglalaban. Ito ay dangal, pag-asa at buhay. Hindi man natin ito makamtan, umaasa ako na ang mga kabataan at susunod na henerasyon ang magmamana at magtatamasa nang lahat ng ating hirap at sakripisyong inilalaan para sa bayan. Hindi na mahalaga kung masulat man sa kasaysayan at ituring na bayani, sapat na sa akin ang maipaglaban ang sariling atin. Kailanmay hindi masama ang magnasang makalaya mula sa mga mapang-aliping dayuhan dito sa ating sariling bayan"

Mas lalo lamang gumulo ang aking isipan dahil sa mga sinambit ni Mang Lito. Tuloy buong magdamag gising ang aking diwa at hapon na nang akoy magising kinabukasan.

Naalimpungatan pa ako dahil sa sigaw ng isang lalaki na sa aking paalagay ay nasa estado pa lamang ng pagbibinata.

"O Sinag mabuti naman at gising ka na" nakangiting bungad sa akin ni Ising pagkalabas ng kubo. Mula sa di kalayuan napansin ko ang kumpulan ng iba naming kasamahan.

"Anong mayroon dun?" pang-uusisa ko habang nanatiling tutok ang atensyon sa kumpulan.

"Mabuti pa'y silipin natin nang ating malaman" aya nito at sabay na naming tinungo ang kumpulan. Nanlaki ang aking mata nang mapagsino ang hawak-hawak nina Simon at Leroy sa magkabilaang braso, ang binatang iyon ay ang anak ni Ferdinand Ortega!

"Ang binatang ito ay ang anak ng Gobernador! Magdiwang tayo sapagkat nalalasahan ko na ang ating tagumpay" wika ni Simon at pawang nasisiyahan ang lahat sa kaniyang inanunsyo.

"Sandali bakit pati ang binatilyong iyan ay kailangang madamay sa kasalanan ng kaniyang Ama?" putol sa mga ito ni Marco na halata ang pagtutol sa himig nito. Natigil ang mga kalalakihang nagkakasiyahan lamang kanina.

"Hindi namin sasaktan ang binatilyong ito ngunit maaari natin siyang magamit laban sa kaniyang tigreng ama. Baka sakaling mapaamo kahit papaano ang Ferdinand na iyon!" nangangalit na tugon naman ni Leroy. Muli pa sanang magsasalita si Marco nang hawakan ito sa braso ni Cypriano.

Agad nang ipinadala ni Señor Simon ang anak ng Gobernador sa isang kubo at mahigpit na ipinagbiling bantayang mabuti nang hindi makatakas.

Napagtanto ko bigla na iba nga naman ang nagagawa ng galit. Nagagawa nitong makabulag na humahantong sa paggawa ng kasalanan. At ito rin ang isa sa negatibong epekto nang kanilang pagnanasang makalaya.

Dahil sa kanilang galit, hindi nila namamalayan na kung ano ang kinaaasaran nilang ginagawa sa kanila ng mga kastila, ay siya na ring ginagawa nila ngayon sa kanilang kapwa.

Naalimpungatan ako dahil sa biglaang pagdaklay sa akin Maya. Sa gulat ko ay kaagad akong napabalikwas ng bangon. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil sa kalikutan nitong matulog. Napatingin din ako sa katabi nitong si Ising na halos siksik na rin sa tabi.

Dahil hindi na rin naman ako makakatulog pa ay pinagbuti ko na lamang na lumabas ng kubo. Dinala ko na rin ang nag-iisang lampara dito sa amin kubo. Nasa may pintuan na ako nang may pansin akong anino ng lalaking nagmamadaling tumakbo paalis. Agad kong ibinalik sa loob ang lampara at dumampot ng isang balabal bago napagpasyahang tingnan kung saan nagtungo ang lalaki.

Heto na naman ako sa aking pagiging pakielamera, kaya naman si na kataka-taka kung bakit lagi rin akong napapahamak.

Agad akong napatago sa likuran ng isang kubong aking nadaanan nang makita kong tumigil ang anino nang lalaki. Masyadong madilim ang paligid kung kayat hindi ko makita nang lubusan ang mukha nito pero hindi maipagkakaila na matangkad ito base sa anino nito.

Hindi ko na sinubukan pang lumabas mula sa aking pinagtataguan dahil aking nababatid kung saan ang tungo nito, sa kubo kung saan nakakulong ang bihag na anak ni Ferdinand Ortega! Malakas ang aking kutob na balak nang sinumang lalaki na iyon na patakasin ito!

Dahil dun, medyo lumapit pa ako nang bahagya at nagtago naman sa likod ng kumpol na pawid na siyang ginagamit sa paggawa ng bahay kubo. Mula dito malinaw kong nasilayan ang tatlong lalaking nagbabantay na bagsak na sa lupa at tulog na tulog. Malamang pinainom muna ang mga ito ng pampatulog bago isagawa ng lalaki ang balak. Kung ganun sino mang ang lalaki na ito ay may kakaibang antas ng pag-iisip. Malas lang niya dahil nahuli ko siya sa kaniyang akto. 

Di din nagtagal at lumabas na ang lalaki mula sa kubong pinagkukulungan sa bihag, akay-akay na nito ngayon ang anak ni Ferdinand.

At nang sandaling sumakto mula sa liwanag na nagmumula sa buwan ang mukha ng lalaki ay ganun na lamang ang pagkabigla ko nang makilala ko ito. Walang iba kundi si Cypriano! Anong lakas ng kaniyang loob na planuhing itakas ang bihag?

Maingat kong sinundan ang mga ito, at bago pa man makalabas ng kuta, sa may bukana ay may isa pa ring lalaking nakaabang na sa kanila. Agad ko rin nakilala na si Marco ito. Tulong nilang inakay ang binatilyong iika-ika sa paglalakad.

Nang tuluyan ng nakalabas ng kuta, humiwalay ng daan si Cypriano habang diretso lamang ang daang tinahak ni Marco. Wala akong dalang sulo kaya’t binibilisan ko ng bahagya ang pagsunod dahil tanging umaasa lang din ako sa lamparang bitbit nina Marco na nagbibigay liwanag sa aking dadaanan.

“Kuya Acong saan ang tungo ni Kuya Yano?” rinig kong tanong ng binatilyo.

“Hahanapin niya kung saan naroroon ang mga guardia upang matagumpay ka naming maibalik sa iyong ama sa pamamagitan nila” malinaw na sagot ni Marco.

Ilang minuto pa ang tumagal nang marating ang talahiban, agad silang nagtago doon samantalang mas pinili ko na lamang  na magtago sa likuran ng puno, ilang metro ang layo sa kanila.

Sa di kalayuan, napansin ko ang papalapit at malakas na yabag ng mga guardia at unti-unti na rin nagliliwanag ang paligid dahil sa dalang lampara ng mga ito.

Hindi ko lubos marinig ang pinag-uusapan nina Marco pero base sa akin nakikita mukhang nagpapaalam na ito. At dahil mukhang paalis na rin si Marco kung kayat bago pa man ako nito mahuli dahil sa pagsunod sa kanila ay nauna na akong bumalik sa kampo. Mabuti na lamang at kabilugan ng buwan kung kayat kahit walang lampara ay nakikita ko parin ang daan na aking nilalakaran kayat matagumpay akong nakabalik.

Subalit ilang minuto na rin nang makabalik ako dito sa kampo ay wala paring Marco at Cyprianong dumadating. Bigla akong kinabahan at kinutuban na baka may hindi magandang nangyari sa mga ito kung kaya’t walang anu-anong nagtungo ako sa kubo nina Simon at Leroy upang gisingin ang mga ito.

“Sinag?” agad bumangon si Leroy at tumingin sa labas ng bintana.

“Leroy at Simon tulungan ninyo sina Marco at Cypriano, hinahanap nila ang nakatakas na bihag!” nag-aalalang wika ko at walang anu-anong mabilis na tumayo ang mga ito at nagtatakbo palabas ng kubo. 

Nais ko pa sanang sumama ngunit batid ko ang aking kakayanan at baka makadagdag lang ako sa kanilang suliranin kapag nagkataon.

Ilang oras pa ang nagdaan at agad akong napatayo mula sa kinauupuan nang matanawan ko ang pagbabalik nina Simon at Leroy ngunit natigilan ako dahil may tangay-tangay silang isang lalaki sa magkabilaang braso. Agad kong nabatid na hindi na ito ang binatilyong anak ni Ferdinand dahil higit na matangkad at matipuno ang pangangatawan nito. Hindi ko muna ito pinagtuunan ng pansin sa halip sumilip ako sa kanilang likuran at saka lamang ako nakahinga ng maluwag na makitang ligtas ding nakabalik sina Marco at Cypriano.

Nang tuluyan na silang makalapit sa akin, natigilan ako at pawang hindi kaagad makaimik ng makilala ko kung sino ang kanilang nahuli sa pagkakataong ito.

“Nakakalungkot sabihing hindi na naming nagawa pang habulin ang binatilyong anak ni Ferdinand ngunit may nahuli naman kaming malaki ring isda, ang heneral ng hukbo!” anunsyo ni Simon sa nagmamalaking tono. Dahil dun kaya natitigan ko ng mas husay itong kanilang sinasabing heneral.

Hindi ako maaaring magkamali na siya yung Ginoong nakita ko noon sa mansion ng mga de la Serna. Siya yung lalaking may kakaibang emosyon sa mukha habang titig na titig sa larawan ni Celestina!

Pero di ba kaibigan rin siya nitong si Marco?

Nagtataka tuloy akong napatingin kay Marco na hindi ko naman mabasa ang tinatakbo ng isip sa mga sandaling ito. Muli ko sanang ibabaling ang aking atensyon sa heneral nang mapansin ko ang paninitig sa akin ni Cypriano. Napataas kilay naman ako dito at hindi naiwasang mapairap sa ere.

Oo nga at iniligtas niya ako noong huling engkwentro namin nung araw na napaslang mismo sa aking harapan ang mga ginang ngunit hindi ibig sabihin noon, na nakalimutan ko na rin ang pambabastos at pagiging walang modo niya sa akin. Tsk. Atsaka hindi ko naman sila isinuplong kina Simon kanina, imbes ay pinagtakpan ko pa sila at inihingi nang tulong sa mga ito kahit na malinaw pa sa sinag ng buwan na pinatakas talaga nila ang anak ni Ferdinand!

Sa pagkakataong ito, iyon na ang pagtanaw ko ng utang na loob sa kaniya. Baka nga kung hindi ko pa ginising sina Leroy at Simon ay hindi pa rin sila nakakauwi dito hanggang ngayon.

Hindi alintana ng lahat ang pagkawala ng anak ni Ferdinand sa halip, balewala sa kanila ito dahil hawak naman daw nila ang heneral ng hukbo. Ang akala nila magiging pabor sa kanila ang pagkakataon subalit iyon lamang pala ang inaakala nila dahil isang araw, matapos madakip ang heneral, sinugod ng mga guardia ang kuta namin. Halos hindi kami magkamayaw sa gagawin kung paano tatakas dahil lahat ay hindi inaasahan ang biglaang pagsugod ng hukbo.

Kapit-kamay kaming dalawa ni Maya habang ang iba ay hindi magkamayaw sa pagsigaw dahil sa takot na nadarama. Pinilit kong wag gumaya sa kanila dahil lalo lamang akong hindi makapag-isip ng husay kapag pinapangunahan ng takot.

“Leroy!” malakas na sigaw ni Señor Rafael at agad naming lumapit si Leroy na may hawak ng balisong. “Isama mo sina Marco at Cypriano, itakas ninyo ang heneral. Aking natitiyak na siya ang pakay sa pag-atakeng ito ng mga guardia!”

Walang pag-aatubiling nilapitan ni Leroy ang mga ito. Malapit lamang sa gawi namin ang kinaroroonan nina Marco kung kaya’t kitang-kita ko ang walang pag-aalinlangang pagtalima nila sa mga ito. Ngunit hindi ko inaasahan ang malakas na pagsabog mula sa labas, dahil sa hindi ako naging alerto kung kayat biglaan akong natumba. Muntikan na rin akong madaganan ng semento nang matibag ang pader sa aking likuran!

Dahil sa nangyari, ilang guardia ang sumubok na makapasok dito sa aming kuta kaya agad naging alerto si Señor Rafael kasama nang ilan upang pigilan ang mga ito.

“Binibini!” nag-aalalang tawag sa akin ni Maya at kaagad akong inalalayang makatayo. Napangiwi na lamang ako dahil ramdam ko na nagkaroon ako ng sugat sa aking magkabilaang tuhod. Nagtamo din ako ng gasgas sa aking braso.

“Ayos lamang ba kayo Sinag at Maya?” bigla akong napa-tingin sa nagsalita at nakasalubong ko ang bahagyang nag-aalalang mukha ni Leroy. Tatango na sana ako nang mapa-aray ako dahil sa pagdampi ng kamay ni Maya sa aking siko.

Mierda! Pati sa aking siko ay may sugat din pala ako!

“Mabuti pa'y isama na rin namin kayo, hindi mainam sa babaeng sugatan ang maglakad ng malayo” wika pa ni Leroy at walang anu-anong inakay nila kami ni Maya pasampa sa nag-iisang kalesa. Pagkapasok ay naabutan kong prenteng nakaupo si Cypriano katabi ang heneral na mahigpit ang pagkakatali sa kamay at paa. Naupo kami ni Maya sa likuran ng mga ito bago mabilis nang pinasibat ni Leroy ang kalesa.

Tinahak namin ang daan pababa ng bundok at tumigil ang kalesang lulan namin sa harapan ng abandonadong paaralan. Aking natatandaan na dito rin matatagpuan ang lagusan patungo sa aming kuta na ngayon ay malamang wasak na dahil sa pagpapasabog  ng mga guardia dito.

Naabutan namin ang grupo ni Simon kasama ang mga kababaihan. Naluluha kaming sinalubong ni Ising at muli akong napangiwi nang mahawakan nito ang aking braso.

“Hala ang dami mong galos at sugat. Halika linisin natin kaagad” nag-aalalang wika nito at pagkay pinaupo ako sa papag bago inilabas ang mga kagamitang panglinis ng sugat.

Madaling araw nang magsidatingan ang grupo ni Señor Rafael at halos lahat ng mga ito ay sugatan. Nag-aalalang nagsilapitan sa mga ito ang lahat ngunit agad ding natigilan nang sumalubong ang anim na lalaki. Tigda-dalawang usong na buhat ng mga ito ang tatlong duguang katawan ng mga lalaki na mga hindi na rin humihinga sa kasalukuyan, at isa na dito si Mang Lito.

Hindi na magkamayaw sa pagluha si Ising at ganun din ang ibang ginang habang minamasdan ang mga nasawing bangkay.

“Ikinalulungkot ko ang nangyari pagpanaw sa ating mga namayapang kasamahan” puno ng pait at paghihinagpis na wika ni Señor Rafael bago hindi na napigilan ang maluha sa harapan ng lahat. Sa pagkakataong ito saksi ako sa bigat at pighating nadarama na bawat isa.  Maging ang lahat ng kanilang hirap at sakripisyo ay danas na danas ko pero kahit ganun hindi pa rin nito mapapantayan ang paghihinagpis na kanilang nadarama habang akap-akap ang katawang wala nang buhay ng kanilang pamilya, kaibigan at kasamahan.

Sa tulong ni Cypriano, napapayag si Señor Rafael na wag na munang kitilin ang buhay ng aming bihag na heneral, sa halip dapat daw ay makumbinsi itong sumanib sa aming samahan at makuha ang katapatan nito. Sinubukan na ring kumbinsihin ito ni Marco ngunit masyadong matibay ang loob ng heneral na kesyo patayin na lamang daw siya kesa magtaksil sa katungkulang kaniyang nilagdaan.

Sa totoo lamang wala naman talaga akong pakielam sa nangyayari ngunit muli na naman akong dinalaw ni Celestina sa aking panaginip kagabi. Pakiramdam ko tuloy hanggang ngayon hindi parin natatahimik ang kaluluwa nito kung kayat panay ang pagpaparamdam sa akin.

Sa di ko maunawaanag kadahilanan, napaupo na lamang ako sa ilalim ng puno isang metro ang layo mula sa pinagtatalian ng bihag na heneral. Maging ito ay nagtataka sa aking biglaang paglapit.

Minsan hindi ko narin maunawaan ang tumatakbo sa aking isipan o may kung ano sa aking katawan ang nagkukusa kahit na hindi ko naman ninanais gawin. Kagaya ngayon, hindi ko lubos maisip ang dahilan kung bakit may parang pwersa sa akin ang nagpupumilit na kausapin ang heneral na ito na hindi ko naman nakikilala ni nakakausap kahit kailan!

“Ano ang kailangan mo sa akin Binibini?” napabalik lamang ako sa wisyo nang magsalita ang heneral. Nung una hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil biglaan lang talaga akong napaupo dito! Pero upang hindi mapahiya ay sinubukan ko naring magsalita. Isang pagtikhim muna ang aking pinakawalan.

Akma na sana akong magsasalita nang matigilan ako. Sa mga mata niya hindi ko alam pero parang bigla kong nakita si Celestina! Hindi ako maaaring magkamali dahil kung paano nagpakita ito sa aking panaginip ay ganun din ang tagpong nakita ko sa mga mata ng Ginoong ito.

Ano ba ang nangyayari sa akin at tilay minumulto talaga ako ni Celestina?

“BInibini, tinatanong kita kung ano ang iyong kailangan sa akin” muli akong napabalik sa ulirat nang magsalita ito ulit. “Naparito ka rin ba upang pilitin akong umanib sa inyong rebelyon? Pwes sinasabi ko sa iyo na nagsasayang lamang kayo ng panahon at oras sa akin”

Tilay nagpantig ang aking ulo sa kaniyang sinabi. Malamang ang taong ito ay hibang na at wala nang pag-asa sa buhay. Kung tutuusin parehas lamang kami ng sitwasyon. Tapat sa emperyong España ngunit walang pagpipilian kundi umanib muna sa mga rebelde.

“Ikay hibang na kung ganoon” wika ko na kinakunot ng noo nito. “Bakit hindi na lang kaya kita bigyan ng patalim ngayon nang sa ganun ay ikaw na lang din mismo ang kumitil sa iyong sariling buhay? Yamang wala rin naman iyong pinagkaiba sa iyong desisyon. Sa huli pagpapatiwakal lang din ang kahahantungan ng lahat” nakangising wika ko. Hindi ko hinayaan na makapagsalita kaagad ito kaya nagpatuloy ako.

“Binibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay, bakit hindi mo ito gamitin bilang pagkakataon? Wag mong sayangin ang iyong buhay dahil lamang sa sinasabi at pinagmamalaki mong katapatan. Marami ka paring di nalalaman kung kayat hayaan mong mabuhay pa ng matagal at mas alamin kung ano nga ba ang dapat mong kampihan, kung ang Espanya ba na umangkin at nangaalipin sa totoong anak ng bayan o ang mga rebeldeng ito na ang tanging hangad lamang ay makalaya mula sa mga ito? Ilang buhay na ang nalagas at nasayang kayat wag ka nang dumagdag pa sa mga iyon, gamitin mo ang sinasabi mong kadakilaan at magpakabayani sa tamang paraan, hindi para sa bagay na pilit mong ipinaglalaban dahil sa nakamulatan mo lamang na ito ang tama” huling aniya ko bago tumayo na ngunit bago pa man ako makaalis ay muling nagsalita ito.

“Ano ang iyong ngalan?” tanong nito, bahagya akong lumingon.

“Sinag ang aking ngalan” wika ko bago muli nang tumalikod pero may naisip akong pahabol. “At sana sa pamamagitan ng aking mga sinabi sa iyo ay nagawa kong mapaliwanagan iyang isipan mo” Nagsimula na akong maglakad nang pigilan na naman ako nito.

“Sandali,” tumigil naman ako nang hindi itong nililingon. “Lucio, iyan ang ngalan ko” pakilala pa nito. Kahit nakatalikod ay hindi ko naiwasan ang mapairap.

“Hindi ko itinatanong dahil hindi ako interesado” pambabara ko bago naglakad na palayo.

Maigi na yung malinaw dahil baka mamaya ay magkamali nang pag-unawa ang heneral na iyon at isiping may gusto ako sa kaniya. Pasensyahan na lamang dahil isang heneral lamang ang nilalaman ng aking puso at iyon ay si Fabio at aking nasisiguro na wala na akong mamahalin pa bukod sa kaniya.

Naalala ko na naman tuloy si Celestina, at kung paano ko ito nakita sa mata ng heneral na si Lucio. Hindi kaya may mensahe ito para dito? Teka kung sakali man.. tapos sa akin ito nagpapakita, ibig sabihin gagawin pa nila akong tagapamagitan nila? Aba kay tibay din ng apog nila kung ganun! Pero bigla ko tuloy napagtanto na sayang lang, kasi kung nabubuhay pa sana si Celestina baka nagkatuluyan sila ng heneral.


“Binibini, ano nga pala ang iyong sinabi sa heneral upang makumbinsi siyang umanib sa ating samahan?” tanong sa akin ni Maya isang umaga matapos magpahayag ng heneral ng kaniyang desisyong pag-anib sa rebelyon.

“Ewan ko, basta sinabihan ko lang siya ng kung anu-ano. Baka tinamaan sa aking mga sinambit” walang pakielam na tugon ko.

“Naku baka kung anong nasabi mo Binibini. Minsan pa naman ay aminado ka na hindi mo namamalayan na masasakit na salita na pala ang lumalabas diyan sa iyong bibig” nangongonsensyang wika pa nito sa akin na nagpataas ng aking kilay.

Aminado naman ako na sakit ko na ata ang pagiging matabil ang dila pero sa lahat ng aking mga nasabi noon na masasakit na salita ay wala akong pinagsisihan. Dahil ano man ang aking sinasabi ay pawang katotohanan lamang, ngayon kung nasaktan sila ibig sabihin tinamaan sila dahil sa totoo ang aking mga ibinatong salita laban sa kanila. Dahil hindi sila masasaktan kung hindi.

“Bawas-bawasan nyo na rin sana Binibini at kontrolin na ang lumalabas diyan sa inyong bibig dahil walang tagapagsilbi ang nagagawang magmaldita sa kahit kanino” dagdag pa nito. “Malaki na ang ating isinakripisyo kaya sanay magtiis ka pa ng konti hanggang sa makaalis tayo dito”

May punto nga rin naman siya, kailangan ko ring mag-ingat at baka dahil lamang sa matabil kong dila madehado kami at mabalewala ang aming pinaghirapan. Sobra na ang nangyari at hindi ako makakapayag na mabelawala ang lahat ng hirap na aking dinanas. Kailangan kong makabalik sa aking Tiyo Ramon, kaya kong tiisin kahit pa makasama ko sa iisang bubong ang kerida nito. Basta wag lang ganito na pakiramdam ko laging nasa hukay ang kalahati ng aking katawan.

Napahinga ako ng malalim bago tumugon sa kaniya.

“Hindi ako mangangako ngunit susubukan ko sa abot ng aking makakaya”

Nagkaroon ng lakas ng loob ang lahat na lumabas ng kuta. Halos kalahati ng aming kasamahang rebelde ay namamalagi na ngayon sa iba’t-ibang parte ng Valencia dahil sa tiwala silang hindi na mahuhuli lalot nagbalik na sa pwesto si Lucio bilang heneral. Kampante sila na nasa aming rebelyo daw ang katapatan nito.

Ngayon ay araw ng kapistahan ng Valencia, ang lahat ay napagpasiyahang magtungo at dumalo sa bayan dahil daw may mahalagang iaanunsyo si Ferdinand. Kasalukuyang kasama ko sina Marco at Cypriano patungong liwasan habang si Maya naman ay isinabay nina Ising at Leroy at nauna nang magtungo roon.

Isang metro ang layo at pawang napapagitnaan ako nitong magkaibigan, sa kalagitnaan ng paglalakad ay tumingin ako patagilid upang kumpirmahin ang aking hinala nang saktong magsalita si Marco.

“Mauna na kayo sa liwasan at hintayin nyo na lamang ako roon. Tutungo lang ako sa bayan upang magpadala ng sulat sa mag-iina ko” hindi na nito hinintay ang aming tugon at nagtatakbo na paalis.

Balewala namang nagpatuloy sa paglalakad si Cypriano ngunit muling natigilan nang mapansing nakatigil pa rin ako kung kayat napalingon ito sa akin ng may pagtataka.

“Kanina ka pang patingin-tingin sa akin, ikaw ba’y may nais sabihin?” diretsahang tanong ko dito. Kanina kasi habang naglalakad ay napapansin ko ang palihim nitong pagsulyap sa akin.  Seryoso namang tumingin itong sa akin.

“Sino ka ba talaga?”

Apat na salita ngunit mabigat ang paraan niya nang pagkakatanong. Kalmado naman akong tumugon sa kaniya.

“Sinag ang aking ngalan, kung nakinig ka lamang sana nung ipinapakilala ako sa iyo noon ni Marco di sanay hindi ka nagtatanong ngayon” bwelta ko at nagsimula na ulit maglakad. Nakasunod naman ito sa akin.

“Alam ko na may itinatago ka at tanging si Marco lamang ang nakakaalam. Aking natatandaan na ikaw ang babaeng aking tinulungan noon sa barko. Lahat nang nakasakay sa barkong iyon ay pawang mga bisita ko lamang dahil nirentahan ko yun para sa isang pagdiriwang. Malakas ang aking kutob na ika’y nagbabalat-kayo lamang tungkol sa iyong tunay na pagkatao”

Bigla akong natagilan at napalingon ulit sa kaniya.

“Nirentahan mo. Ibig sabihin ikaw ang may pa-okasyon nung araw na yun?” hindi makapaniwalang tanong ko at huli na ang lahat nang aking mapagtanto na isang kahangalan ang lumabas sa aking bibig. Kinumpirma ko lamang ang kaniyang patuntyada!

“Ngayon sabihin mo sa akin kung sino ka ba talaga at bakit ka sumali sa grupo ng mga rebelde?” seryosong wika nito. Imbes na matakot at napataas kilay habang napameywang pa ako sa harapan niya.

“At bakit kailangan mong malaman? Interesado ka na ngayon sa akin? Pasensya na ngunit hindi ako interesado sa’yo” diretsahang wika ko na kinakunot ng noo nito.

“Kapag hindi mo sinabi sa akin ang totoo ay isusuplong kita kina Señor Rafael” naninidak na wika nito. Naibaba ko tuloy ang aking kamay mula sa beyawang.

Ang hudyo, may lakas ng loob na sinadakin at takutin ako! Pwes hindi ako makakapayag. Wala pang nakapanindak sa isang Mira Solana Rodriguez y Erenas.

“Sige sabihin mo tapos sasabihin ko naman na ikaw talaga ang totoong nagpatakas sa anak ni Ferdinand” bwelta ko na kinatiim bagang nito.

Kapwa kaming nagpapaligsahan ng titigan at walang papatalo. Kahit pa kulay tsokolate at malalim ang kaniyang mata ay wala akong balak na magpatalo sa kaniya.

Nasa ganoon kaming tagpo nang dumating sina Señor Rafael kasama si Simon.

“O Sinag at Yano, bakit kayo nagtitigan kayo ba ay nagkakaligawan na dito?” nang-uuyong bungad na tanong ni Simon habang umakto pa na akala mo'y kinikilig. Tuloy hindi ko naiwasan ang mapangiwi at maasiwa sa kaniyang sinabi. Hindi ko na sila pinansin at diretso na lamang naglakad tungong liwasan. Nakakabwiset!

Inip na inip na ako habang hinihintay ang talumpati ni Ferdinand. Umay na umay ako habang pinapanood ang moro-morong itinatanghal. Ilang beses ko nang napanood ang ganitong uri ng komedya kaya naman hindi ako nasisiyahan sa pagtatanghal na ito.

Patapos na ang dula nang dumating si Marco, mukhang masaya ito at bakas ang ngiti sa mukha nito bagamat natatakpan ng malapad na sombrero ang kalahating mukha nito. Agad napaltan ang pagkakangiti nito ng poot at galit nang tumayo na sa entablado si Ferdinand. Nakasuot ito ng pormal na pormal na barong tagalog ngunit kahit anong isuot niya, para sa akin mas mababa pa siya sa mga indio. Isa siyang mapagpanggap at ganid sa kapangyarihan.

Mas lalo kong napatunayan kung gaano ito kasahol nang magawa nitong patawan ng kaparusahan si Don Victor Izquedor. Hayok talaga ang kaluluwa na nagawang isakatuparan ang kaparusahan kung kailan ipinagdiriwang ang pista ng bayan.

Hindi ko magawang panuorin ang nangyayari. Nakayuko lamang ako habang tanging pagpalahaw ni Don Victor lamang ang pumapailanlan sa kapaligiran, marahil nangyayari na ang pagkasunog sa katawan nito. Nakaramdam ako ng awa para kay Tala, ang paghihinagpis at dalamhati nito ay damang-dama ko.

“Sinasabi ko sa inyo hindi ako mangingimi na gawin ang nangyari kay Victor Izquedor sa sinumang kumakalaban sa gobyerno at simbahan. At nais ko rin palang ipabatid kay Marco de la Serna na kung hindi niya isusuko ang kaniyang sarili sa batas, ang kaniyang itinuturing na kapatid ang siyang makakaranas ng karampatang parusa para sa kaniya. Inuutusan ko sinuman sa inyo ang nakakaalam kung saan nagtatago ang rebeldeng iyon!”

Hindi ko naiwasan ang mapatingin kay Marco. Kitang-kita ko kung paano lumambot ang ekspresyon nito sa mukha habang nakatitig sa naghihinagpis na si Tala. Dahil dito isang desisyon ang nabuo sa aking isipan.


“Sigurado ka ba diyan sa iyong sinasabi?” hindi makapaniwalang tanong ni Marco sa akin. Pagkauwi kasi namin dito sa kuta ay hindi na ako nag-atubiling ibahagi dito ang binabalak.

“Batid ko ang pagnanais mo na maisalba si Tala. At sa tingin ko ito na ang tamang oras upang ipabatid ko kay Tiyo ang anumalyang nangyayari sa bayang ito" tugon ko. Subalit ang mukha nito ay hindi man lamang napaltan. "Ikaw ay nagdadalawang isip sa aking sinasabi, tama ba ako?" dagdag ko pa. Hindi ito umimik.

"Wag kang mag-alala kahit na nasasabihan akong may pasmadong bibig, ako nama'y may isang salita. Maski buhay mo ay aking itataya oras na hindi ko matupad anuman ang aking ipinangako"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan muna nito.

"Kung ganun, paano kita matutulungang maisagawa ang iyong plano?" seryosong tanong nito, bahagya akong nakaramdam ng tuwa. Walang anu-anong sinabi ko na sa kaniya ang mga dapat gawin.

Mas naging mahirap ang naging tangka naming pagtakas dahil kasalukuyang nalipat ang kuta namin sa isang isla. Bahagi daw ito ng pag-iingat dahil isang sulat mula kay Lucio ang dumating na nagpapahayag na may nagsuplong daw sa dati naming kuta. Kaya sa huli ang pagtira na lamang sa gitna ng isla ang tanging nilang naisip na solusyon.

Kinagabihan,  magkasama kami ni  Maya at parehas na may tabing na balabal sa ulo. Ngayong gabi na mismo namin isasagawa ang aming pagtakas. Kagaya ng napag-usapan, hinintay muna namin na mahimbing ang lahat bago isagawa ang plano.

Sa pampang ng dagat naroon na si  Marco at nakahanda na ang bangka subalit agad akong natigilan nang mapansing hindi lamang siya nag-iisa.

"Anong ginagawa niyan dito?" tanong  ko habang nakaturo kay Cypriano na may hawak nang pangsagwan. Kamot-ulo namang tumingin sa akin si Marco.

"Paumanhin Binibini, ngunit may kasalanan ako sa iyo. Hindi ko kasi kayang isagawa ang plano ng mag-isa  kung kayat kinausap ko si Yano upang makatulong sa atin at bilang kapalit kinailangan kong ibunyag ang totoo mong pagkatao"

Bigla akong nakaramdam ng pagka-asar sa narinig.

"Porque no!" tanging nasambit ko sa hangin habang kinakalma ang sarili  upang hindi masinghalan si Marco.

"Ngunit wala ka namang dapat ipag-alala, mapagkakatiwalaan natin si Yano higit kanino man at maasahan natin siya sa lahat ng bagay" dahilan pa nito upang pagaanin lamang ang loob ko.

Naasar ako pero hindi naman maaaring mag-inarte pa ako sa pagkakataong ito lalo't kailangan na naming makaalis kaagad.

"Ano pa ba ang magagawa ko, e alam na niya ang lahat?" wika ko  bago nauna nang sumakay sa bangka. "O  ano pa ang tinutunganga ninyo diyan, tayo na at baka magising pa sila at lalong mapurnada ang plano" wika ko pa sabay irap sa ere. Saka pa lamang sila tumalima.

Ang plano namin ay tatlong araw pagkaalis ko pabalik ng Maynila, saka susuko si Marco sa awtoridad. Delikado ang kaniyang plano at mabigat ang inaatang niyang tungkulin sa akin dahil oras na hindi ko magampanan ang aming napag-usapan, buhay niya ang magiging kapalit.

Matagumpay naman kaming nakatakas at ngayon lulan na kami ng bapor pabalik ng Maynila. Sa buong byahe matinding pag-iisip ang aking ginawa. Kailangang matulungan ko si Marco at gagawin ko ito bilang pag-alala kay Fabio. Batid ko na hindi  niya hahayaan na may mangyaring masama sa kaniyang kapatid kung nabubuhay pa siya ngunit ngayon wala na siya, ako  ang gagampan sa naiwan  niyang tungkulin.

Matiwasay naming narating ang Maynila. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin kung dugyot at mukha kaming inapi sa aming mga istura ni Maya basta ang mahalaga ay ligtas kaming nakabalik at ngayon nakatungtong muli sa palasyo ni Tiyo.

"Por Diyos! Senorita Mirasol ano pong nangyari sa inyo at ganiyan ang inyong itsura"  bungad na tanong ni Manang Pedring, isa naming kasambahay. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang katanungan nito.

"Nasaan si Tiyo Ramon? Kailangan ko siyang makausap ngayon din" nagmamadaling wika ko. Isang linggo ang itinagal ng aming byahe at malamang kung tama ang aking estima, marahil kasalukuyang lulan na rin ng barko si Marco upang dalhin sa Real Audiencia. Kailangan ko nang umaksyon bago pa man sila makarating dito!

"Paumanin Señorita ngunit tatlong araw nang wala dito ang inyong Tiyo. Nagtungo siya sa Nueva Ecija kasama ang bago niyang kinakasama" 

Para akong nalantang gulay sa tinugon niya. Kung kailan naman kailangan saka wala si Tiyo! Paano na toh?

Naligo at nagbihis ng magarang saya na nakasanayan kong suotin bago walang anu-anong lumabas ng silid.

"Señorita saan po ang inyong tungo, hindi po ba muna kayo magmi-merienda?" pang-uusisa ni Maya. Bagong paligo na rin ito at maayos na ang sayang suot.

"Hindi na. Samahan mo ako, tutungo tayo ngayon din sa Real Audiencia" pahayag ko at wala na itong nagawa kundi tumalima.

Wala akong mahihita kung hihintayin ko pa ang pagbabalik ni Tiyo Ramon. Kailangan kong gumawa ng ibang paraan kung paano sasagipin si Marco.

Saktong naghihintay na sa labasan ang karwahe nang may mapansin akong lalaking nakahiga sa tabi ng entradang pintuan.

"Sino yun?" tanong ko sa ilang guardiang nakaantabay sa amin.

"Naku po Señorita, ilang araw na ang lalaking iyan dito pabalik-balik at nais daw pong makausap ang  gobernador-heneral. May importante daw po siyang idudulog dito" tugon ng guardia.  Agad nakuha nito ang aking  atensyon, walang anu-ano nilapitan ko ang nasabing lalaki.

"Señorita wag nyo po siyang lapitan at baka saktan niya kayo" nagmamalasakit na wika pa ng guardia. Mukha naman hindi ito magagawa ng lalaki lalot may katandaan na ito at sugatan.

Taliwas sa babala ng guardia ay nilapitan ko ang lalaki.

"Manong" panggigising ko dito naalimpungatan naman itong bumangon habang mumukat-mukat pa.

"Sino ka Binibini?" nagtatakang tanong nito.

"Hindi ba't ako dapat ang magtanong niyan sa iyo at kung ano ang kailangan mo sa aking Tiyo Ramon?" tanong pabalik ko dito. Mukha namang hindi nito inaasahan ang aking sinambit.

"Tiyo?" paninigurado pa nito.

"Oo ako lang naman ang nag-iisang pamangkin at kamag-anak ng Gobernador-Heneral" nagmamalaking wika ko. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Maya.

"Binibini hindi mo dapat sinabi yan sa kaniya. Baka mamaya may masamang balak ang taong iyan at gamitin ka pa laban sa gobernador-heneral" nanenermong wika nito, tuloy bigla akong nagsisi at parang nais na lamang bawiin ang nasambit.

Bigla akong pinalibutan ng limang guardia habang ang dalawa ay lumapit sa matandang lalaki at pinapaalis ito.

"Umalis ka na. Wala dito ang gobernador-heneral" sigaw nang mga ito at akma pa sanang pupukpukin ng baton sa ulo ang matanda nang pigilan ko ito.

"Wag! Kayo'y maghunos dili mga guardia! kakausapin ko muna siya" aniya ko bago walang anu-anong kinabig sila paalis sa aking harapan at nilapitan ang matanda. Bigla kong napagtanto ang kalagayan niyo, bugbog sarado at mukhang hindi pa rin nalalapatan ng gamot ang ilang sugat nito sa katawan.

"Manong sinabi mo kanina na may isasangguni ka sa aking Tiyo, mangyaring sabihin mo ngayon din sa akin ano man ito kung gusto mong matulungan ka namin" 

Hindi naman nag-atubili itong ikwento ang lahat at nang sandaling marinig ko ang kaniyang buong kwento  tilay nagliwanag sa akin ang paligid. Dininig ng langit ang solusyon sa aking suliranin at ang matandang lalaking ito ang aking magiging alas upang matulungan sa korte si Marco.

Ngunit saktong katatapos pa lamang nitong magsalita nang biglaang mapahawak sa kaniyang dibdib at pawang hirap huminga.

"Binibini inatake siya sa puso!" nag-aalalang wika ni Maya. Agad naman naging alerto ang mga guardia at daling tinulungan ito.

"Magpatawag kaagad kayo ng doktor!" malakas na sigaw ko habang hindi naalis ang tingin sa matandang lalaki na wala ng malay ngayon. Dali-daling umalis si Maya at tinawag ang kutsero sa di kalayuan habang ang mga guardiang buhat-buhay ang mata da ay inutusan kong dalhin ito sa loob upang mabigyang lunas kaagad pagdating ng doktor.

Hindi maaaring mamatay ang matandang ito, wag muna!

Mukhang mapupurnada pa yata ang plano!

*****
Source Ref:
https://www.efetur.com/noticia/plaza-mayor-madrid/

-CTTO

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro