Kabanata 2
Kabanata 2
Naudlot na Kapalaran
"Hindi ba talaga maaaring ipagpabukas na lamang natin ang paglisan? Nais ko pang bumisita ulit bukas sa hacienda de la Serna sa huling pagkakataon" naaasar na wika ko kay Ginoong Gutierrez. Paano ba naman pagkarating ko pa lamang dito sa bahay-panuluyan ay isang hindi kaaya-ayang pabatid na kaagad ang sinalubong niya sa akin.
"Paumanhin Binibini ngunit malinaw ang ipinabatid ng Gobernador-Heneral na kailangan na nating makabalik kaagad sa Maynila dahil kung hindi, magpapadala daw siya ng ilang guardiang susundo dito sa atin" tugon nito.
"Sabihin mo nga sa akin Don Gutierrez, ipinabatid mo ba kay Tiyo ang nangyari sa barkong sinakyan natin?" tanong ko na sinagod nito kaagad ng pagtango. Napapikit naman ako sa sobrang inis na nadarama.
"Alam mo naman na hindi mainam kay Tiyo na malaman pa ang nangyari sa akin! Paano kung inatake na naman siya ng sakit sa nerbyos matapos mabasa ang iyong liham-pabatid?"
Kamot-ulo itong tumingin sa akin bago nagsalita.
"Paumanhin Binibini. Aking nalimutan na ang gobernador-heneral nga pala ay mas sa-nerbyos"
"Ikaw ba'y nag-iisip o basta ka na lamang kumikilos nang hindi man lamang pinaka-iisipang mabuti ang posibleng mangyari?"
Biglang napaltan ng pagkaseryso ang mukha nito. Muli ko pa sanang ipagpapatuloy ang sinasabi nang pigilan ako ni Maya.
"Binibini" nahihiyang suway nito sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago walang anu-anong tumalikod.
Dapat matutunan ko na ring kontrolin ang aking sariling emosyon.
"Maya, nakahanda na ba ang ating mga gamit? Ngayon din ay aalis na tayo" mariing wika ko pa bago nauna nang lumabas ng bahay-panuluyan.
Inaasahan ko pa naman na pagbisita ko dito sa Valencia ay masusulit ko ang mga huling sandali upang makapagpaalam ng buong puso kay Fabio ngunit ang nangyari, mas matagal pa ang aking ibinyahe kesa ipinanatili sa bayang ito.
Matapos ang isang linggo, salamat sa Diyos at ligtas kaming nakabalik sa Maynila.
Sa may pintuan pa lamang ng Malacañang ay nakaabang na kaagad sa amin si Tiyo habang isang grupo ng guardia personal ang nakabantay sa kaniya.
" Mirasol Hija! Eres bueno y seguro, estoy muy preocupado por ti . (Mirasol Hija! Mabuti naman at ligtas ka, sobra akong nag-alala sa iyo)" salubong sa akin ni Tiyo habang kinikilatis ang aking kabuuan.
" ¿Estás herido, con una herida? Si tan solo hubiera sabido que algo malo te iba a pasar, no habría seguido navegando contigo (Nasaktan ka ba, may sugat na natamo? Kung nababatid ko lang na may mangyayari palang masama sa inyo, hindi na sana kita pinatuloy pa sa paglalayag") patuloy na tanong panito sa nagmamalasakit na tono.
Umayos ako ng tayo bago ngumiti sa kaniya.
" Tío, estoy bien. Ya no tienes que preocuparte y yo no tengo heridas
(Tiyo ayos na ako. Hindi mo na kailangan pang mag-alala at wala akong kahit na anong tinamong sugat)" pagtitiyak na tugon ko.
" Es mejor que entremos, no es bueno que un Gobernador General se quede fuera de su palacio.
(Mabuti pa'y pumasok na tayo, hindi mainam sa isang Gobernador-Heneral ang manatili sa labas ng kaniyang palasyo)" dagdag ko bago inakay na siya papasok ng Malacañang.
Ngayong nakabalik na ako ng Maynila, siguro oras na rin para bumalik na ako sa kumbento. Tutal wala na rin naman akong pagkaabalahan pang gawin dito.
Abala ako sa page-empake ng aking mga gamit nang bumukas ang pintuan ng aking silid.
"Mirasol"
Agad akong natigil sa ginagawa nang tawagin ni Tiyo ang aking ngalan. Hindi na ako nagtangka pang tumayo nang nagkusa na itong lumapit sa akin.
"¿No hay nada que pueda cambiar tu decisión?
(Wala na bang makakapagpabago sa iyo desisyon?)" tanong nito at dama ko ang kalungkutan sa tono ng kaniyang pananalita.
"T ío, ya sabes mi respuesta a tu pregunta. (Tiyo batid mo na ang aking kasagutan sa iyong katanungan)" tugon ko. Muli kong kinuha ang aking baro at ipinagpatuloy ang pagtitiklop.
" No quiero ignorar que el Señor me llama. (Hindi ko nais balewalain ang pagtawag sa akin ng Panginoon)" dagdag aniya ko.
" Tengo la fuerte sensación de que solo estás cargando con tu dolor, así que piensas que perder a tu novio es lo que Dios te está llamando a ser.
(Malakas ang aking kutob na ikay nadadala lamang ng iyong kalungkutan, kung kayat inaakala mo na ang pagkawala ng iyong kasintahan ay siyang pagtawag sa iyo ng Diyos)" walang pagliligoy na tugon nito dahilan upang mabitawan ko ang barong tinitiklop.
" Sin embargo, tío, probablemente no haya nada de malo en seguir mis expectativas. Simplemente no quiero vivir con remordimientos al final, ya tengo suficiente dolor y pena.
(Ganunpaman, Tiyo wala naman sigurong masama kung susundin ko ang aking inaakala. Ayoko lamang mabuhay ng may pagsisisi sa huli, sapat na sa akin ang sakit at pighating nadarama)"
" Quiero intentarlo de nuevo Quizás mañana cuando regrese al convento, encuentre la paz que estoy buscando.
(Nais kong sumubok sa muling pagkakataon. Baka sakaling bukas sa pagbabalik ko sa kumbento, mahanap ko na ang kapayapaang aking hinahanap)" nakikiusap pang dagdag ko. Umiling-iling pa ito sa akin bago napabuntong hininga ng malalalim.
Hindi na nito nagawang tumugon pa at pawang nagpaparaya na lamang na umalis ng aking silid.
Sana nga tama ang aking desisyon dahil hindi ko na alam ang aking gagawin. Kay laking pinsala ng idinulot ng pagkawala sa akin ng tanging Ginoong aking minahal at di kko naalam kung saan pa ako pupulutin kung sakaling pati Diyos ay hindi rin ako tanggapin.
Gaya ng aking hiniling, hinayaan ni Tiyo ang aking naging desisyon. Bukal sa puso niya akong pinabalik sa kumbento. Mahigit ilang buwan na rin ang nakakaraan nang aking pananatili rito at sa susunod na linggo, nakatalaga na kami upang tumanggap ng banal na sakramento ng pagmamadre.
Alas-3 ng hapon, tirik na tirik ang sikat ng araw pero kahit ganun hindi naman ito masakit sa balat. Nakaupo ako sa isang mahabang upuang gawa sa kahoy na nakapwesto sa ilalim ng puno. Kasalukuyang abala sa pagsi-siesta lahat ng aking mga kasamahan at tanging ako lang yata ang malakas ang loob na lumabas ng aking silid dahil sa pagkabagot na nadarama. Pinailaliman o ang makapal na libro sa kwadernong aking baon at nagsimula ng damputin ang pluma matapos isawsaw sa tinta nito.
Ilang minuto ang lumipas at naisulat ko na ang unang saknong (stanza) ng tulang aking naiisip nang may magsalita sa aking likuran. Dali ko tuloy naitiklop ang aking kwaderno upang walang makabasa ng aking isinulat.
"Mirasol bakit naman tilay biglang-bigla ka sa aking pasulpot? Ano ba iyang isinusulat mo sa kasagsagan ng siesta?" Tanong ni Remedios at naupo ito sa aking tabi. Napairap na lamang ako sa ere dahil umiiral na naman ang pagiging mausisa nito.
"Hindi na mahalaga pang malaman mo anuman itong isinusulat ko" tanging tugon ko na kinanguso nito. Mas lalo nais ko lalo tuloy itong irapan dahil sa inaasta niyang hindi naman naayon sa kaniyang edad. Kung tutuusin mas maedad ito sa akin ng dalawang taon pero kung susumahing maiigi mas iisiping mas independe akong tingnan.
"E ikaw, ano ang iyong kadahilanan upang lumabas din ng iyong silid? Hindi ka naman dati-rati nalabas ah dahil sabi mo nga takot ka sa sinag ng araw" tanong kong pabalik dito
"Hindi ako makatulog, ang daming bumabagabag sa aking isip. Sa isang linggo na tayo oordenahan at may pakiramdam ako na hindi ako karapat-dapat na tumanggap ng sakramentong pagma-madre dahil batid naman natin ang totoo kong kadahilanan kung bakit hanggang ngayon ay nananatili parin ako dito sa kumbento"
Remedios Salazar, isang prinsesang nakawala sa palasyo o tamang sabihin ay tumakas sa kanilang palasyo at ang kaniyang dahilan ay upang matamasa daw ang kalayaang ipinagkakait sa kaniya ng kaniyang istriktong ama na ngayon ay kilala bilang alcalde mayor ng Tayabas.
Kaya naman hindi lingid sa aming lahat ang totoong kadahilanan nito kung bakit sa loob ng ilang taon ay nananatili lamang ito sa kumbento. Yun nga lang umabot na kami sa katapusan at dahil ilan lamang kaming natira kung kaya't inaasahan ng aming punong madre na si Madre Delia na lahat kami ay mao-ordenahan sa susunod na linggo ng bukal sa aming puso.
"Mirasol pakiusap tulungan mo naman ako. Ano na ang gagawin ko? Sobrang litong-lito na ako at di ko na alam ang aking gagawin. Ayaw ko naman na umalis ng kumbento ganundin naman natatakot ako na hindi talaga ako para sa bokasyong ito."
Ramdam ko na labis talaga itong nangungunsumisyon sa kaniyang kalagayan kaya naman nakaisip ako ng paraan para kahit papaano siya'y matulungan.
"Bakit hindi mo kaya muna subukang magpaalam sa punong madre na lalabas ka muna sa loob ng tatlong araw upang hanapin ang iyong sarili at makapagnilay-nilay na din kung ito nga ba talaga ang inilaan ng Diyos na tadhana para sa iyo? Aking natitiyak na papayagan ka naman ni Madre Delia dahil kumpara sa aming lahat, ikaw lang yata ang hindi pa nakakalabas ng kumbento sa loob ng ilang taon" pagmumungkahe ko na imbes na ikatuwa ay mas lalo lamang ikinasimangot nito.
"E kasi Mirasol alam mo naman na wala akong alam na ibang lugar dito sa Maynila kundi dito lamang sa kumbento. Kaya saan naman ako pupunta kapag lumabas ako dito?" problemadong tanong na naman nito.
Ito ang hirap kapag hindi ka namulat sa labas ng palasyo. Nagmi-mistulang mangmang sa realidad ng buhay.
"Kaya nga mas mainam na ikaw ay lumabas muna ng kumbento nang sa ganun mamulat ka naman sa reyalidad ng buhay" wika ko pa. Napatungo naman ito habang pinagdudugsong ang kaniyang dalawang hintuturo.
"Subalit akoy walang sapat na salapi, ni sentimo ay wala rin ako kaya paano ako lalabas? Baka mamatay ako sa gutom bago pa sumapit ang ikatlong araw"
Kung ganun isa pala ito sa kaniyang dahilan kung bakit di siya nalabas. Kumsabagay, paano nga naman siya hihingi ng salapi sa kaniyang pamilya gayong hindi naman batid ng mga ito na siyay pumasok dito sa kumbento?
"Problema ba iyan?" Tanong ko na kinatigil niya. Dali kong niligpit at binitbit ang aking mga kagamitan bago bumaling sa kaniya. "Tayo na sa loob at sumama ka sa aking silid. Ako na muna ang sasagot sa iyong hinaing" aniya ko bago umuna na papasok ng kumbento.
Sana lang mahanap niya ang kasagutan sa kaniyang puso't-isipan.
"Mirasol, ikaw ba'y sigurado na sa iyong pasya? Ilang araw na lamang at gaganapin na ang ordinasyon, wala ng atrasan pa oras na magtungo ka sa simbahan" may halong pag-aalalang pabatid sa akin ni Edna.
Kasukuyang nandito na kami sa harapan ng Basílica Menor y Catedral Metropolitana de la Inmaculada Concepción (Manila Cathedral). Nauna na akong maglakad papasok.
"Oo naman, hanggang ngayon ba nama'y pinagdududahan mo pa rin ang akong pasya?" hindi makapaniwalang tanong ko dito. Bigla itong natigilan sa pagsunod sa akin.
"Paumanhin Mirasol, hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala sapagkat may nadarama ako na hindi ka para sa bokasyong ito" taimtim na tugon pa nito dahilan upang siyay aking lingunin.
"Ano ka ba magma-madre o manghuhula? Paano mo naman nasabi sa akin na akoy hindi nakalaan sa bokasyong ito gayong buong puso kong tinatanggap ang pagtawag sa akin ng Panginoon?" hindi makapaniwalamg tanong ko rito. Napahinga pa ako ng malalim bago tinitigan ang imahe ng poon sa harapan ng altar.
"Edna, aking nababatid na duda ka sapagkat iniisip mo na kaya akoy nagdesisyon na maging madre ay upang hindi lamang maipakasal ni Tiyo sa mga Ginoong kaanak ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit akin ding ipinababatid sa iyo, sa mismong harapan ng Panginoon, na buo na ang aking pasya at di rin magtatagal ay magiging ganap na ang aking paglilingkod sa kaniya" muling aniya ko bago nagtungo sa may dulong bahagi kung saan nag-aabang na ang padreng aking pagkukumpisalan.
Matapos mangumpisal, halos inilaan ko ang aking maghapon sa pagdarasal para sa matagumpay kong pagtanggap ng sakramento ng pagma-madre bukas.
Naway gabayan ako ng Panginoon at pagpalain upang kaniyang maging abang lingkod.
Isang araw bago ang ordinasyon nakaupo ako sa harapan ng bintana ng aking silid, hinihintay ang pagbabalik ni Remedios. Matapos ko kasi itong pahiramin ng salapi ay agad din itong nagpaalam kay Madre Delia na hindi rin naman nag-atubiling payagan ang pasya nito. Subalit ngayon ay halos ika-apat na araw na simula ng kaniyang pag-alis ay hindi pa rin ito nakakabalik. Bahagya akong nakaramdam ng pagaalala para sa dito kahit na hindi ko naman ito lubos na kinikilala bilang kaibigan.
Napatayo ako kaagad ako nang mapansin ko ang pigura ng isang babaeng kapapasok lamang ng malaking pintuan ng kumbento. Dali ako nagtatakbo palabas ng aking silid. Nakasalubong ko pa si Edna na naglalampaso ng kada baitang ng hagdanan at akma pa sana itong magsasalita nang lampasan ko lamang siya.
Pagkalabas napagkalabas ay agad kong sinalubong si Remedios subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit dito ay natigilan ako at tanging pagtitig lamang sa kaniyang kabuuan hitsura ang aking nagawa.
"Remedios anong nangyari sa iyo at bakit ang dungis mo? Ikaw ba'y sumama sa mga taong grasa?" Hindi ko napigilang isatinig ang aking katanungan dito ngunit nang sandaling mapansin ko ang nagluluhang mata nito ay nais ko na lamang tuktukan ang aking sarili sa pagiging matabil ang dila.
"Mirasol" malungkot na tawag nito saakin at di naglaon ay tuluyan na ngang naglandasan ang luha sa mga mata nito. Nag-aalala naman akong lumapit dito.
"Anong nangyari sa iyo Remedios?
"N-naubos ko yung perang ibinigay mo sa akin" sisinghot-singhot na tugon nito. Nais ko sanang tawanan ang kaniyang iniiyakan gayong hindi naman na mahalaga sa akin kung may natira ba sa kaniyang salaping ibinaon o wala, basta ang mahalaga para sa akin ay ligtas siyang nakabalik.
"Kaya ba ganiyan ang iyong itsura pagbalik dito?" tanong ko pa na sinagot muna nito ng pag-iling.
"Hindi Mirasol" muli na naman itong lumuha. "Ang totoo niyan unang araw pa lamang pagkalabas kong kumbento ay naubos ko na kaagad ang iyong salaping ipinabaon mo sa akin"
"HA? Saan mo naman dinala ang nasa halos 100 riyales gayong ang ganoong kalaking halaga ay maaari mo pang magamit sa loob ng ilang buwan?" nabibiglang tanong ko rito. Hindi ko akalain na ganoon pala siya kalakas gumasta ng pera. Malakas ang hinala ko na dahil sa kamangmangan nito kung kayat naisahan siya ng mga tulisan o kaya nama'y nadukutan sa kalye nang walang kaalam-alam.
"Napadpad kasi ako sa lugar kung saan maraming kabahayan subalit ang mga taong naninirahan doon ay mga kapos-palad. Akoy lubhang naawa at tilay hinahaplos ang aking puso sapagkat aking napagtanto na habang akoy nakakain ng 3 beses sa isang araw ay may mga taong nagugutom dahil sa pagiging salat sa salapi. Kaya naman bilang tulong ibinigay ko lahat ng salaping mayroon ako. Nung sandaling masilayan ko ang tuwa at galak sa simpleng bagay na ibinigay ko sakanila, tilay walang pagsidlan din ang kaligayahan sa aking puso. Bukod pa doon aking napagtanto na tama ka nga Mirasol, ako ngay isang mangmang at walang alam sa reyalidad ng buhay." Mahabang litanya nito na kinangiti ko rin. Sinong mag-aakala na loob lamang ng ilang araw ay madami na siyang aral na matutunan at higit sa lahat, nakayanan niya tumayo sa sarili niyang mga paa.
"Kung ganun, saan ka tumuloy at saan ka rin kumuha ng makakain?"
"Pinatuloy ako nung mga natulungan ko sa kanilang kubo" may ngiti na sa mga labing tugon nito. "Madami din akong natutunan sa loob ng tatlong araw na paanatili ko sa lugar na iyon. Bagamat payak at mahirap ang pamumuhay ngunit sama-sama at tunay na nagmamahalan naman ang bawat pamilya. Nakakatuwa lang at sa simpleng bagay nautuwa na sila at higit sa lahat kuntento na sila sa kung anong meron sila basta may tirahan at nakakain ay sapat na sa kanila. Naisip ko tuloy bigla kung gaano ako kaswerte sa buhay.Ang tanging problema ko lamang noon at ang kalayaan na hindi ko makamtan sa puder ng aking pamilya pero nagawa ko na kaagad maglayas pero ang mga taong iyon, kailanmay hindi sumuko sa buhay sa kabila ng kahirapan"
Muli na naman itong lumuha kung kayat pinispis ko ang likuran nito.
"E bakit ika'y tumatangis pa rin, hindi ba dapat masaya ka?" tanong ko pa.
"Paano ako magiging masaya kung matapos nang pagkaalis ko sa lugar na iyon ay mas malaking suliranin ang aking kinaharap? Bukod sa wala akong salapi pang-renta ng kalesa ay naligaw din ako sa daan pabalik dito, naranasan ko pa kagabi na matulog sa tabi ng kalye at ngayon ang aking sikmura ay kanina pang dumadaing at kumukulo"
Hindi ko alam kung maawa o matatawa sa kaniyang sitwasyon pero nangingibabaw ang paghanga ko dito bagay na hindi ko aaminin sa kaniya.
"Pero alam mo Remedios, sa ginawa mo aking natitiyak na hindi nga nagkamali ang Diyos sa pagtawag sa iyo. Dahil hindi ka pa man isang ganap na madre ay nagawa mo ang tumulong kahit wala nang matira pa sa iyo. Ang sakripisyong ginawa mo ay kinalulugod ng Diyos sapagkat sa pamamagitan mo ay iginawad mo ang pagtugon sa dasal at hinaing ng mga taong iyong tinulungan" nakangiti kong wika dito sa sinserng paraan bagay na hindi ata nito inaasahan kung kayat biglang-bigla ang reaksyon nito. Nauna na akong tumalikod at babalik na sana papasok ng kumbento nang muli akong mapalingon sa gawi nito.
"O ano pang tinutunganga mo diyan, akala ko ba nagugutom ka na" tanong ko pa bago nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng kumbento.
"Binibining Mirasol!" agad akong natigil sa paglalakad nang marinig ang pagtawag sa aking ngalan. May bahagyang ngiti sa aking labi na sinalubong ito.
"Maya anong ginagawa mo rito. Mag-isa ka lamang bang nagtungo dito?" sunod-sunod na katanungan ko dito at tumango naman ito.
"Oo Binibini" nakangiting tugon nito. Halos magkandahaba naman ang aking leeg sa pagtingin sa kaniyang likuran. "Hinahanap mo ba ang gobernador-heneral?" biglang lungkot na tanong pa nito. Napangiti na lamang ako kahit pa may lungkot sa aking loob.
"Hanggang ngayon ba'y hindi pa rin bukal sa loob ni Tiyo ang pagtanggap sa aking naging desisyon?"
Bakas ang pagkalito sa mukha nito halatang pinagkakaisipang mabuti ang isasagot sa akin.
"Wag mo nang subukan pang siya'y pagtakpan pa sapagkat kilala ko higit sa lahat si Tiyo. Kapag tinutulan na niya ang isang bagay ay hindi niya ito kailanman matatanggap" malungkot na pahayag ko pa.
"Paumanhin Binibini" nakatungong aniya nito. "Batid ko na nagdadamdam ka sa mga sandaling ito ngunit wag mo na sanang pagtuunan pa ito ng pansin, sa halip magdiwang ka sapagkat ilang oras na lamang at magiging opisyal ka nang tagapaglingkod ng Diyos" pampalubag loob na dagdag pa nito.
Tama si Maya sa halip na mag-isip ng ibang bagay, marapat lang na pakaisipin ko ang nalalapit na ordinasyon ko bilang isang Madre.
"Salamat Maya dahil kahit papaano may isang taong malapit sa akin ang naririto upang suportahan ang aking naging desisyon" taos pusong wika ko pa na kinaantig nito.
"Walang anuman Binibini. Batid mo naman na simula pa lamang ay naririto na ako sa iyong tabi upang ikay tulungan at suportahan"
Napangiti naman ako sa kaniyang tinuran.
Tunay ang kaniyang nga sinabi, si Maya nakasama mo na simula at nakasabayan hanggang sa pagdadalaga. Ang kaniyang ina ay siyang katiwala sa Malacañang. Subalit kahit na tagapagsilbi ko ito ay iilang beses ko lamang itong nakakasama sapagkat ang buo kong pagkatao ay halos sa kumbento na nabuo.
"Ngunit Binibini batid mo naman mamaya na kasabay ng pag-ordina sa iyo ay ang pagputol sa mahaba at aalon-along buhok na iyong pinakaiingatan"
Di ko naiwasan ang mapahawak sa dulo ng aking buhok.
Kung nag-aalala si Maya para dito ay mas lalo naman ako. Halos ilang linggo rin ako nagdadalamhati sapagkat sa unang pagkakataon mapuputol ng labis ang aking pinaka-iingatang buhok. Isa sa mga bagay na pinagmamalaki kong meron ako ay itong aking buhok na kinaiingitan ng karamihan dahil sa haba at natural na aalon-along pagkakulot nito bagay na bumagay sa maliit na hulma ng aking mukha. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit malakas ang kutob ng lahat na akoy isa talagang banyaga. Kaya nga palagian akong nakalugay o kaya namay pinupusod ko ang kalahati nito sapagakat sinisiguro ko na makikita pa rin ng lahat ang aking magandang buhok.
Nakakapanghinayang lamang dahil mamaya tuluyan na itong puputulin kasabay ng paglagda ko sa aking kahaharaping tungkulin. Tiyak na mahihirapan na naman akong tanggapin na may isang bagay na naman ang mawawala sa akin pero di bale na, kapalit naman ay ang Diyos na nakahihigit sa lahat.
Inaya ko na si Maya at papasok na sana sa simbahan ng Basílica Menor y Catedral Metropolitana de la Inmaculada Concepción nang matigilan ako.
"Binibini bakit ikaw lang yata ang naiiba sa iyong mga kasamahan?" nagtatakang tanong pa nito na maging ako ay kinapagtaka rin. Paanong nangyaring sina Edna ay nakaauot na ng abito gayong wala pa akong natatanggap mula kay Madre Delia na ganito?
Hindi na ako nag-atubili pa at lalapitan na sana si Edna nang magkusa na itong lumapit sa akin.
"Mirasol, mabutit nahanap kita" wika nito na sa tono tilay kanina pa akong hinahanap sa paligid.
"Bakit?"
"Pinapahanap ka ni Madre Delia. Ikaw daw ay magtungo sa opisina ng parokya upang kaniyang makausap" bilisang tugon nito. Akma pa sana akong magtatanong dito nang dali-dali na itong pumasok ng simbahan.
Wala tuloy akong nagawa kundi opisina at isima na lamang si Maya tungo sa nasabing opisina. Ano naman kaya ang kailangan sa akin ng punong madre?
"Ano po, hindi ako kasama sa mao-ordenahan ngayon?" nagugulantang na tanong ko. Halos hindi ako kumurap habang titig na titig sa nanatiling kalmadong mukha ni Madre Delia. "Bakit po at hindi nan ata patas na ako lamang ang hindi ninyo pinahintulutang makatanggap ng sakramento ng pagma-madre?" hindi makapaniwalamg dagdag ko pa na hanggat maaari ay sa mababang boses.
"Hija, alam ko na ganito ang magiging reaksyon mo kaya naman ipinagpabuti ko na paparituhin ka upang mas ipaintindi sa iyo ang aking kadahilanan" malumanay na tugon nito at hinintay ko ang susunod pa nitong sasabihin habang pinapakalma ang aking sariling kalooban. "Hindi ko alam kung maniniwala ka o iisipin momg akoy nahihibang na subalit kagabi, napanaginipan ko si Celestina"
"Teka ano naman po ang kinalaman ni Celestina kung bakit hindi ako ma-oordenahan ngayon?" kunot noong tanong ko na nagpahinga ng malalim dito.
Ramdam ko na may dili-dili itong nadarama kung isisiwalat ba sa akin ang tungkol dito o hindi.
"Sa aking panaginip nasa opisina ako at nakita ko si Celestina, nakangiti sa akin habang iniaabot ang bulaklak ng Mirasol. Buong akala ko ito'y iniaabot niya sa akin kung kayat akma ko na sana itong tatanggapin subalit naglakad lamang ito palabas at sa halip inilagay ang bulaklak sa isang paso kung saan malaya itong nasisinagan ng araw"
Hindi ako nakaimik sa kaniyang ipinahayag at pawang napunta sa malalim na pag-iisip ang aking sarili.
"Naging palaisipan sa akin kung ano ang ipinahihiwatig ng aking panaginip at kanina lang din aking napagtanto na itoy isang pangitain." Dagdag pa nito bago tumayo at hinawakan ang aking kamay. "Mirasol hija, batid ko na nauunawaan mo rin ang aking naiisip base sa aking mga ipinagtapat sa iyo na ang bulaklak ng Mirasol ay sumisimbolo sa iyo. Buong akala ko para ka sa bokasyong ito subalit mayroon sa puso nating pagdidili-dili kung kayat kailangan kitang hayaang lumabas at ibigay ang sa iyo ang kalayaan sapagkat doon ka mas mabubuhay. Ang isang kagaya mo ay hindi nararapat nakakulong sa ganitong klaseng lugar dahil kagaya ng iyong ngalan, ikaw ay nakalaan upang maliwanagan" malalim na pananalita nito.
"Mangyari po sanang pakilinaw sa akin ang inyong diretsahang nais ipabatid" wika ko pa na may paggalang pa rin namang tono.
"Hindi ba't may mga katanungan ka parin tungkol sa iyong totoong pagkatao? Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ka pa rin talaga maaaring ordenahan subalit aking lilinawin na hindi naman porke't hindi ka pinalad ngayon ay hindi ka na rin maaari pang maging madre. Mirasol ang tawag ng Diyos kailanmay hindi nawawala sa atin subalit may tamang oras at panahon upang itoy tupdin. At kapag handa na at wala nang balakid, mangyayari at mangyayari ang kaniyang kalooban anu't-ano pa man ang mangyari"
Tulala lamang ako pagkalabas ng opisina ng parokya, pakiramdam ko isang akong estudyanteng bumagsak sa klase. Hindi ako makapaniwala na dahil lamang sa isang panaginip nasira ang mumunting pag-asa sa aking puso.
"Binibini ano po ang nangyari?" nag-aalalang bungad na tanong sa akin ni Maya. Naabutan ko itong nakaupo sa upuan sa tapat ng simbahan.
Nagsimula ng patunugin ang kampana ng simbahan simbolo na magsisimula na ang seremonya.
"Umuwi na tayo Maya" walang ganang wika ko at nauna nang maglakad paalis. Naramdaman ko ang paghabol nito sa akin. Batid ko ang nagtatakang paninitig rin nito sa akin ngunit diretso lamang ang tingin ko sa daan.
Bago kami tuluyang makalabas ng malaking pintuan sa harapan ng simbahan, isang tinig ang tumawag sa aking ngalan. Seryoso lamang ang aking reaksyong lumingon dito.
"Remedios bakit nandito ka pa? Pumasok ka na sa loob at nagsisimula na ang seremonya" wika ko dito subalit naglakad lamang ito papalapit sa akin. Nagtataka naman akong napatingin dito sapagkat tilay naluluha ang itsura nito.
"Mirasol, narinig ko ang usapan ninyo kanina ni Madre Delia sa opisina" pag-amin nito bago hinawakan pa ang aking braso "Ayoko na ring magpatuloy pa sa pagma-madre. Alam mo naman ikaw lang ang nagsisilbing kaibigan at karamay ko dito, kaya sasama nalang din ako sa iyo" nagpupumilit na wika pa nito na akala moy batang nagkikiusap sa akin.
Napatitig na lamang ako sa nakanguso nitong mukha. Kung tutuusin bukod kay Edna si Remedios lamang talaga ang nakakaututang dila ko dito sa kumbento. Kung ako ang tatanungin, ayos lamang sa akin kahit wala sa kanilang makausap dahil sanay naman na ako lalo't karamihan sa mga taong nakakasalamuha ko ay ayaw sa akin dahil sa isa daw akong Binibining may matabil na dila at ayaw nila sa pagiging taklesa ko. Kaya nga hanggang ngayon nagtataka ako kung paano ako napagtyagaang pakisamahan nitong dalawa.
Sandali akong umalis sa tabi ni Maya para lapitan si Remedios.
"Remedios wag kang hibang. Hindi dapat ako ang pinagbabasehan mo ng iyong kapalaran. Pakinggan mo ang hinaing ng iyong puso at tupdin ito. Wala ng bagay ang mas makakahigit pa sa Diyos kung kayat wag mong sayangin ang pagkakataoong ibinigay niya sa iyo. Aking nababatid at nakikinita na nakalaan ka talaga para sa kaniya, kaya wag ka nang mag-alinlangan pa"
Sa huli wala kaming nagawang dalawa ni Maya kundi ihatid sa loob ng simbahan si Remedios. At tama nga kami dahil saktong nagsisimula na ang seremonya. Agad namang sinalubong ni Madre Delia si Remedios upang papwestuhin sa unahan, katabi ng aking mga kasamahan. Kumpleto sila at tanging ako nga lamang ang hindi pinalad na maordenahan para sa taong ito.
"Marahil may sapat na dahilan ang Diyos Binibini. Wag ka nang malungkot dahil kung ang isang bagay ay talaga laan sa iyo, kahit anong mangyari ito ay babalik ito sa iyo. Malay mo nais lamang ng Panginoon na buuin mo ulit ang iyong sarili nang sa ganun buong puso mo rin siyang mapaglingkuran" wika sa akin ni Maya na bahagya kong kinagulat. Mukha namang nabigla din ito sa nasambit.
"Paumanhin sa aking nasabi Binibini" nakatungong aniya pang muli nito.
"Akoy nabigla lamang sapagkat di ko akalaing maririnig ko ang mga salitang iyan buhat sayo. Tunay na nagdadalaga ka na nga" natatawang wika ko bago pinagbuti na lamang na panuorin hanggang sa matapos ang buong seremonya bilang suporta na rin sa aking mga kasamahan.
Matapos ang sermon ng pari, isa-isang nagsipuntahan sa unahan sina Remedios bitbit ang kanilang belo. Katuwang ni Madre Delia si Madre Virginia na siyang dati naming punong madre sa kumbento. Ang unang masusuotan ng belo ay si Edna, agad itong lumuhod pagkaharap sa dalawang punong madre. Dahan-dahang sinimulan na ni Madre Delia ang pagpuputol sa maganda at tuwid nitong buhok. Habang ginugupit ang buhok nito, kitang-kita ko kung gaano kabukal sa puso nito ang nangyayari, walang bahid ng pagsisisi at di nagtagal, naikabit na ni Madre Virginia ang belo sa ulo nito. May ngiti sa mukha itong humarap sa lahat habang nanunubig ang mga mata. Ang ngiting iyon..ay ngiti ng tuwa at galak.
May parte sa aking sarili ang nakakaramdam ng inggit at lungkot ngunit habang silay minamasdan, isang bagay ang aking napagtanto na ang aking nadarama ay hindi dahil sa ako lamang ang hindi pinagpalang ma-ordenahan sa araw na ito..kundi dahil sa kasiyahang namumutawi sa puso nila. Naiingit ako dahil nahanap na nila ang kanilang kaligayahan at iyon ay ang paglingkuran ang Diyos habang ako ay hanggang ngayon hindi pa rin alam kung para saan nga ba nakalaan ang aking buhay.
Kung ang buhay ko ay hindi nakalaan sa pagmamadre, ano ang para sa akin?
"Binabati ko kayong lahat sa inyong matagumpay na ordinasyon" sinserong bati ko sa aking apat na kasamahan pagkatapos ng seremonya. Lahat naman sila ay nakangiting nagpasalamat sa akin.
"Nakakapanghinayang lang dahil hindi ka namin nakasabay na maordinahan Mirasol pero hindi bale, hindi naman karera ang pagtanggap ng sakramentong ito kung kayat sanay wag kang panghinaan ng loob. Malay mo sa susunod na taon magkasama na tayong madestino sa ibang parokya" aniya sa akin ni Edna habang nakahawak sa aking kamay. Isang malamlam na ngiti na lamang ang aking naitugon sa kaniya.
"Oo nga naman Mirasol, hindi naman pati kami nagmamadali at handa kaming hinatyin ka hanggang sa muli tayong magkasama-samang lima" nakangiti ring saad sa akin ni Felicita na sinag-ayunan nilang apat. Napatitig muna ako sa kanilang maaamong mukha bago tumugon sa kanila.
"Maraming salamat sa inyong mga iminungkahe. Naniniwala ako na kung nakalaan talaga sa akin ang isang bagay, umalis man ako at magtungo kung saan pa man, ang Diyos mismo ang gagawa ng daan upang akoy magbalik sa anuman ang kaniyang ipinagkaloob sa akin"
"Siyang tunay pero sana lagi mong iisipin na may dahilan ang lahat. Saan ka man mapunta at ano man ang mangyari, wag sanang emosyon ang pairalin kung ang kahinatnan ay di tugma sa iyong inaasahan" matalinghagang turan naman sa akin ni Marieta na kinakunot ng aking noo. Nais ko pa sanang tanungin upang mabigyang linaw ang ibig nitong ipabati nang isa-isa silang bumeso at yumakap sa akin bago nagpaalam na haharapin muna nila ang kanilang magulang na kanina rin ay naging saksi sa buong seremonya.
Ngunit ang mata ko ay nanatili kay Marieta na ngayon ay kaharap na ng kaniyang pamilya. Sa totoo lang naging palaisipan talaga sa akin ang kaniyang sinabi. Lalo pa't itong si Marieta ang maiituring na pinakabagong salta sa kumbento kung kayat hindi namin siya lubusan pang nakikilala bukod sa tahimik at minsanan lamang itong magsalita. Ngunit oras na kausapin ka nito ay magmamarka ng malaking katanungan sa isipan ninunaman ang ibig nitong ipakiwari.
Sa huli ipinagwalang bahala ko na lamang ang lahat at inaya na si Maya na tumungo muna sa kumbento upang kunin ang naiwan kong gamit bago umuwi sa tahanan ng aking Tiyo Ramon.
Kasalukuyang lulan na kami ng kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila pabalik nang Malacañang. Nadaanan pa namin ang Plaza Mayor sa Intramuros kung saan may ilang kalalakohan o kababaihan ang abala sa pamamasyal at may ilang kabataan din ang abala Habang abala ako sa pagtanaw sa may ilalim ng puno, isang babaeng matanda at dungisin ang nakaagaw ng aking pansin. Hindi ko na sana ito papansinin pa subalit nang sandaling magtama ang mata namin, kakaibang kilabot ang idinulot nito sa aking buong kaibuturan dahilan upang mapakapit ako sa braso ni Maya.
"Binibini bakit po?" nagtatakang tanong ni Maya pero ang mata ko ay nanatili lamang sa labas ng bintana at nakatingin parin sa matandang babae na sa aking palagay ay wala sa katinuan. Mas lalong napahigpit ang pagkakapit ko sa braso ni Maya nang maglabas ito ng isang patalim, hindi ako maaaring magkamali isa iyong punyal!
"M-maya" tanging nasambit ko habang nakatitig pa rin aa nakangising mukha ng matandang babae. Akma pa sana akong iimik nang mas pagbilisin ng kutsero ang pagpapatakbo sa hanggang sa tuluyan ng nawala sa aking paningin ang matanda.
Imbes na ipagpatuloy ang dapat sasabihin kay maya ay inalis ko na lang dito ang pagkakapit bago muling sumilip sa bintana upang lingunin ang matandang nadaanan subalit wala na ito sa kaninang kinatatayuan sa ilalim ng puno.
Sa huli isinara ko na lang ang kurtina ng karwahe bago umayos ng pagkakaupo pero ang isip ko ay lito at naguguluhan sa ilang katangungan.
Bakit ganito na lamang ang kabang dulot ng matandang baliw na iyon sa aking dibdib?
Sino ba yun?
Ang aking inaasahan ay isang masayang pagtanggap mula sa aking pagbabalik sa palasyo ng Malacañang ngunit ang hindi ko inaasahan ay ako pala ang masu-surpresa sa sumalubong sa aking balita. Nagpupuyos sa galit ang aking kalooban!
"Paumanhin po Binibini kung hindi ko po nagawang sabihin kaagad sa inyo ang tungkol sa gobernador-heneral" naluluha nang aniya sa akin ni Maya, pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa bukana ng palasyo.
"Kailan pa tumutuloy dito ang kerida ni Tiyo Ramon?" nagtitimping tanong ko. Tumungo lamang si Maya kung kaya't ang isang kasambahay ang aking binalingan.
"Mahigit isang buwan na rin po ang nakakaraan nung tumuntong dito si Senora Rebeca"
Tilay nagpantid ang aking tenga sa narinig.
"Pakiulit ano ang itinawag ninyo sa kerida?" nagpupulos sa galit na pagpapaulit ko dito at mukhang nasindak ko ito.
"S-señorq Rebeca po"
At walang pagda-dalawang isip akong nagmadaling lumakad papasok ng palasyo. May ilang tagapagsilbi akong nadaanan sa pasilyo na bumabati sa akin pero nanatiling tutok sa daan ang aking mata habang sa aking likuran naksunod sina Maya at ang ilang kasambahay na nagpabatid sa akin ng masamang balita.
Hindi ko akalain na babalik na naman sa kaniyang wisyong pambabae si Tiyo Ramon. Nais kong sumigaw kahit malayo pa lang sa kaniyang opisina subalit hindi iyon mainam para sa kagaya kong binibining tinuruan ng delikadeza. Tunay na walang kadalaan ang aking Tiyo na iyon.
Sa bukana ng hagdanan nadatnan ko si Manang Pedring, isa sa pinakamatanda naming kasambahay dito. Tilay maging ito ay hindi inaasahan ang aking biglaang pag-uwi.
"Manang, nasan si Tiyo Ramon?" seryosong tanong ko. Biglang napawi ang ngiti nito at napalatan ng pag-aalala.
"Naku wala siya ngayon dito Hija. Ang paalam niya kanina kay Señora Rebecca ay tutungo lamang daw sa Los Baños dahil nagkaayaan ng kumpareng mangaso"
Pumikit ako ng mariin at pilit kinalma ang aking sistema. Hindi mainam kung laging galit ang aking paiiralin. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago muli nagtanong sa kaniya.
"Nasaan ang sinasabing bagong babae ni Tiyo at kamusta ang kaniyang pakikisama sa inyo?"
Ilang minuto ang tinagal bago ito makasagot sa akin na kinataas ng aking kilay.
"Yung totoo Señorita, hindi kami komportable sa babaeng iyon. Nauunawaan naman namin na higit siyang mataas kesa sa amin subalit ang kaniyang ugali ay isang maamong pusa kapag kaharap ang gobernador-heneral ngunit kapag nakatalikod ay mabagsik pa sa pasal na buwitre" sinserong tugon nito na mas lalong kinayumos ng aking kamao. Muli pa sana akong magsasalita ng isang pagsigaw ang pumailanlan sa paligid.
Malamang iyon na ang kerida!
"PEDRING, ASAN NA ANG KAPE KO!"
Mula sa ikalawang palapag ay siyang pagbaba ng isang babaeng nakasuot ng dilaw na saya. HIndi naman ako nag-atubiling pumwesto sa mismong bukana ng hagdanan upang salubungin ang nangangarap na Reyna.
"PEDRING ASAN NA SABI YUNG KA.."
Kagaya ng aking inaasahan ay mukha itong nabigla nang sandaling magtama ang aming mga mata. Taas Kilay at taas noo akong ngumisi habang nakapmeyawang pa sa kaniyang harapan.
Ngayon ko makikita kung hanggang saan ang bagsik nitong kerida na toh!
"Totoo nga pala yung kasabihan na kapag wala ang pusa, nagpi-piyesta ang daga" paunang salita ko na kinatuod nito. Napatigil ito sa aking harapan kung kaya't malaya kong napagmamasdan kung paanong biglang amo ang kaninang mabagsik nitong mukha.
"O bakit nakatayo ka lamang diyan, Hindi mo man lamang ba ako babatiin?" nakangising aniya ko pa. Napalunok laway muna ito bago nagsalita.
"M-magandang hapon sa iyo Bini.." agad kong tinama ang dapat nitong sasabihin.
"Señorita! Iyan ang tawag ng lahat sa akin dito at maliban sa akin, ay wala nang kahit na sino ang maaaring tawaging mapa Señorita o Señora sa palasyong ito! Nakuha mo ba?" tanong ko sa mataas na boses. Para naman itong batang napatango sa aking sinabi.
"Ikaw, sino ka at magkano ang nais mong huthutin sa aking Tiyo?" diretsahang tanong ko na kinaputla ng mukha nito. Pawang naiwan sa alapaap ang dila nito.
Mariing kinilatis ko ang kabuuan nito. Bata pa ito at halos hindi nagkakalayo ang aming edad. Tipikal na tipo ni Tiyo sa mga babae, malamlam na mata, maliit ang mukha, maliit ang labi, tuwid ang buhok at morenang kulay ng balat. Hindi na ako mabibigla kung galing din sa bahay-aliwan ang isang ito.
Muling tumaas ang aking kilay, bagay na kina-alerto nito.
"R-rebecca ang aking ngalan Señorita" nangangatal na tugon nito.
"Taga saan ka at nasaan ang iyong pamilya?"
"N-nagmula po ako sa Bataan at kasalukuyang andoon ang aking pamilya" tugon muli nito pero sa pagkakataong ito hindi makatingin sa aking mata. Halatang may itinatago. Bagay na hindi na bago sa akin, ilang kerida na ba ang nakausap at napatalsik ko sa palasyo na ito? Ngayon batid ko na kung bakit hindi ako naging madre, marahil batid ng Diyos na kahit maging madre pa ako ay hindi mawawala sa akin ang pagkadisgusto sa mga nagiging kerida ni Tiyo. Posible palang nagkaroon ako kagaad ng kasalanan kung nagkataong naordenahan ako kanina!
"Oo o hindi, nagmula ka ba sa bahay aliwan na pagaari ni Donya Engracia Fernandez y de Santiago?" walang pagliligoy na tanong ko na kaaagd din naman tinugon nito ng pagtango.
Ikinubli ko ang inis na nadarama bago muling humarap sa babae.
"Babae, makinig ka sa akin, kung kailangan mo ng salapi ay kaagad kong ibibigay sa iyo. Basta ipangako mo na hinding-hindi ka na magpapakita pa kay Tiyo Ramon kahit kailan"
Ang kaninang natatakot na itsura nito ay napaltan ng pagka-angas. Patunay ang pagkuyom ng kamao nito na mas lalo kong kinangisi. Subalit pasesyahan na lamang sapagkat hindi ako kinaaasaran ng lahat kung matatakot lang din naman ako sa isang kagaya niya.
Mas lumapit pa ako at bumulong sa kanang tenga nito.
"At higit sa lahat, kung may natitira ka pang awa sa iyong sarili ay isalba mo na bago ka pa makilala sa tanyag na pagiging kerida" huling aniya ko bago tuluyan itong nilagpasan ng walang anu-ano.
Isa sa mga bagay na pilit itinatago ni Tiyo Ramon ay ang katotohanang siya ay kasal na, nagkataon lamang na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kaniyang asawang si Donya Sefirina kung kaya't itinuturng nila ang isa't-isa na matagal ng hiwalay. Subalit kahit ganoon pa man ay hindi maipagku-kubli ang katotohanang sila ay nangako at ikinasal sa mismong harapan ng Diyos. Malas lang dahil ang pinagbuklod ng Diyos kailanmay hindi na maipaghihiwalay kahit pa ilang kasulatan ang magpatibay, sa mata ng Diyos sila ay nakatali at nagsumpaan sa isa't-isa. Kung sakaling ipag-sawalang bahala nila ito, Diyos na ang bahala sa kanilang nagawang kasalanan.
Pero ang mas lubos na hindi katanggap-tanggap sa akin ay ang walang kadalaang si Tiyo Ramon. Ilang beses na bang nanganib ang buhay namin dahil sa pagdadala niya ng babae dito sa palasyo at ilang beses na rin siyang muntikan nang masibak sa pwesto dahil sa moral na kasalanan sa mata ng batas at Diyos?
Bago sumapit ang alas-5 ng hapon, inaya ko si Maya na samahan ako tungong bahay-aliwan. Kung kanina ang tuta ang aking nakaharap pwes ngayon, maghaharap kami ng kaniyang Amo!
Kasalukuyang wala pa rin sa malacanang si Tiyo Ramon at malamang mamaya pa ang dating nito. Kung sakali mang malaman niya ang pagtataby ko sa kaniyang kinakalantari, ay hindi ako natatakot. Pero ngayon kailangang masiguro kong malinis na ang lahat!
Di nagtagal narating namin ang Escolta at tumigil ang karwaheng lulan namin sa tapat mismo ng bahay-aliwan na ngayon ay hindi pa kasalukuyang bukas. Pagkababa sa kalesa ay walang pasubali
kong tinahak ang daan papasok kahit na may malaking naka-paskil sa unahan na nagpapabatid na 'walang sinuman ang maaaring pumasok'. May ilang empleyado ang halatang nabigla sa biglaan kong pagpasok ngunit dahil sa kasama kong dalawang kawal ay walang maski isang nangahas na pagbawalan ako.
"Nasaan ang inyong amo?" malakas na tanong ko sa mga babaeng naglalampaso ng sahig at nagpupunas ng mesa. Ilan sa mga ito ang dali-daling nagtungo sa isang pintuan, malamang nandun ang kanilang amo.
Mula sa aking kaliwang braso naramdaman ko ang pagsiksik sa aking tabi ni Maya.
"Binibini kumalma po sana kayo hanggat maari" pagpapaalala nito ngunit bago pa man ako lumingon sa kaniyang gawi ay siyang saktong labas ni Donya Engracia. Gaya ko ay may hawak din itong abaniko na katerno ng kaniyang makintab na kulay berdeng barot-saya. Hindi ako kumibo kung kayat ito ang nagkusang lumapit sa akin ng taas-noo. HIndi naman ako nagpatinag at taas noo rin siya tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Hindi ko alam kung dapat ba akong magalak dahil talagang sinadya pa ako ng isang prinsesa sa aking kaharian" bungad na aniya nito bago hinampas sa ere ang abaniko at nagpaypay.
Donya Engracia Fernandez y de Santiago, isang ginang na nasa edad 45, pero itoy kaniyang ipinagkukubli sapagkat siya daw ay hamak na nasa edad 35 lamang bagay na pinaniniwalaan ng karamihang hindi lubusang nakakakilala sa kaniya. Para sa mga nakakakilala sa Donya, ito ay mailalarawan bilang babaeng mataas ang lipad sapagkat kailanmay matatag ang pangarap nito na makapangasawa ng dayuhan nang sa ganun ay mapabilang sa mataas na antas ng lipunan. Natupad naman ang pangarap nito dahil nakapangasawa ito ng isang mayaman na Pranses subalit itoy nasawi limang taon na ang nakakaraan, kaya simula nang naging balo ay nahikayat itong magtayo ng negosyong bahay-aliwan.
"Bueno Magandang hapon sa iyo Senyorita Mira Solana Rodriguez y Erenas, maaari ko bang malaman kung ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"
Bago tugunin ang kaniyang katanungan ay ipinilantik ko muna sa ere ang aking daliri bago iwinasiwas pabuka ang abanikong hawak. Kasabay ng aking pagpapaypay ay humahalimuyak na amoy ng aking agua colonia na nagmula pa sa Europa. Hindi nawawala ang aking mata sa Donya na bahagyang nakaramdam yata ng hiya kung kayat patay malisya nitong itiniklop ang pamaypay na hawak.
"Donya Engrasya buong akala ko ay naging malinaw na sa iyo ang ating naging usapan mahigit 6 na buwan na rin ang nakakaraan ngunit katunog ng iyong ngalan ay isa ka palang Engrata at hindi marunong tumupad sa kasunduan" diretsahang pahayag ko na kinapula ng mukha nito sa inis. Hindi ako nagpatinag at namey-awang pa sa mismong harapan nito.
"Hindi ko alam ang iyong sinasabi Binibini kaya mag-iingat ka sa iyong mga sinasabi" nanghahaong aniya pa nito.
"Kung ganun ang babaeng nagngangalang Rebeca ay hindi pala nagmula dito?" paninigurado ko na hindi agad nito nasagot kung kayat ipinagpatuloy ko ang aking sasabihin.
"Minsan ko nang sinabi sa iyo Donya Engracia ang aking kakayanan at isa pang hindi mo pagtupad sa ating naging kasunduan, ay hindi ako mangingiming ipasara ang bahay-aliwan na ito. Wag mo akong subukan dahil sa isang pitik ko lamang ng aking daliri ay wala ka ng magagawa pa kundi magpaalam sa pinakamamahal mong negosyo na tanging bumubuhay na lamang sa iyo"
Sandali pa kaming nagtitigan na tilay naghahamon sa isa't-isa bago ito nagsalita. Bakas ang pagkaiyamot at mukha nito.
"P-paumanhin Señorita. Asahan mo na wala na ulit akong ipapadalang babae sa Gobernador-heneral kahit pa pilitin niya ako" nagpapangumbabang aniya nito.
"Sa huling pagkakataon, aasahan ko na tutuparin mo na ang iyong pangako" huling aniya ko bago diretsuhang ng tumalikod at naglakad papalabas sa lugar na iyon.
Magtatakip-silim na nung nakabalik kami ng Malacañang. Kung kanina sinalubong ako na may takot ng mga tagapagsilbi, ngayon naman ay halos hindi sila makatingin lahat sa akin. Hindi ko mawari dahil ba sa natakot din sila sa ginawa ko sa babae ni Tiyo Ramon? Ngunit sanay naman na sila sa aking kamalditahan...
Nasagot lamang ang aking katanungan nang madatnan ko si Tiyo Ramon na prenteng nakaupo sa salas habang nagbabasa ng pahayagan na agad nitong ibinaba nang mapagtanto na nandito na ako. Agad naman itong tumayo at nauna nang tumalikod sa akin bago nagsalita.
"Mirasol sígueme en mi oficina (Mirasol sumunod ka sa aking opisina)" seryosong aniya nito.
Nakasimangot na lamang ako napasunod dito. Kaasar inaasahan ko pa naman na matutuwa ito pagkakita sa akin dahil gaya ng kagustuhan niya ay hindi ako natuloy sa pagmamadre pero sa mangyayari pakiramdam ko daig pa na akoy kaniyang lilitisin.
"Sentarse (Maupo ka)" utos pa nito habang iminuwestra ang unahang siya sa tapat ng kaniyang lamesa. Napahinga na lamang ako ng malalim bago sinunod ang kaniyang utos. Seryoso at salubong lamang ang kilay nito kaya naman ako na ang naglakas-loob na magsalita.
"El Tio (Tiyo)..."
Subalit hindi ko natapos nang putulin ako nito.
"No sé qué debería hacerte Mirasol. Realmente me decepcionas. Nunca esperé que pudieras hacerle algo así a Rebeca. Cuando decidiste irte, respequé tu decisión y ahora volviste, pero mira lo que hiciste. No muestras piedad y la expulsas sin mi conocimiento.
(Hindi ko na alam ang aking gagawin sa iyo Mirasol. Sobra akong nadismaya sa ginawa mo kay Rebeca. Nung nagdesisyon ka na umalis, nirespeto ko ang iyong desisyon at ngayon ika'y nagbalik, basta mo na lang pinalayas ang taong aking nakasama nung mga kapanahunang akoy iyong basta na lamang nilisan.) dismayadong aniya nito sa akin at mahihimigmigan na hindi niya talaga nagustuhan ang aking ginawa.
"Pero tío ¿Crees que esa mujer te amará? ¡Sólo te está usando y después de tu dinero!
(Pero Tiyo akala mo ba mamahalin ka nung babaeng iyon? Ginagamit ka lang niya at pera lang ang habol nun sa iyo!)" walang pagtutumpik na pahayag ko na mas lalong hindi nito nagustuhan. Muli kong ipinagpatuloy ang sinasabi.
"Al igual que la otra chica que trajiste aquí o tal vez ella tiene otra intención..
(Kagaya ng ibang babaeng isinama mo dito ay may iba lang din intensyon ang..)" isang malakas na paghampas sa lamesa ang ginawa nito na kinatahimik ko. Halos lumabas na ang ugat sa noo nito habang ang mukha ay namumula na rin sa sobrang galit.
"¡Basta de Mirasol! si tiene intención o después de mi dinero está bien! ¡No me importa mientras no se vaya de mi lado!
(Tama na Mirasol! Kung may iba man siyang intensyon o pera lang ang habol sa akin ay hindi na mahalaga pa. Basta sa huli ay hindi lang niya ako iwan)" halos pasigaw na tuwiran pa nito na kinatahimik ko.
Nalakumos ko ng wala sa oras ang aking saya dahil sa pagpipigil na maluha sa kaniyang harapan. Ito ang unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses. Napatayo na lamang ako ng wala sa oras ngunit bago pa man ako tuluyang maklabas ay may pinahabol pa itong salita sa akin.
"La próxima vez que te escuché tirar aquí de nuevo, no dudaré en traerte de vuelta a España.
(Sa susunod na mabalitaan kong pinalayas mo pa ulit ang sinumang babaeng aking dadalhin dito, ay hindi ako mag-aatubiling ipadala ka pabalik ng Espanya.) "
Nanlulumo at hindi makapaniwala akong lumabas ng opisina habang pilit pino-proseso ang huling katagang banta sa akin ni Tiyo Ramon.
"Señorita"
Agad akong napaayos ng tayo at bahagyang inayos ang buhok bago hinarap si Maya na marahil kanina pang naghihintay sa labas ng opisina.
"Ayos ka lamang ba?" nag-aalalang tanong pa nito subalit imbes na sagutin ang kaniyang katanungan ay nalipat sa isang babaeng kararating lamang ang aking mata. Lakas loob pa itong may pang-asar na ngiti habang naglalakad palapit sa akin.
Agad nanlisik ang aking mata habang sinasalubong ang nakangisi nitong mukha.
"Anong kapal ng mga keridang magsumbong" parinig ko dito na mas lalo lamang nito ikinangisi ng malaki. Sobra-sobra ang pagtitimpi ko wag lamang itong sugudin at kaladkarin palabas ng palasyo.
"Señorita, inaasahan ko pa naman na magiging mabait ka na sa akin matapos kang kausapin ni Ramon" kunwaring mabait na aniya nito habang ngumuso pa na kinairap ko ng inam.
"Wag kang magbunyi dahil kahit pabalikin ka pa dito ni Tiyo ay hindi pa rin mawawala ang katotohanan na isa ka lang kerida at panghambabuhay na kerida!" malakas na sigaw ko sa mukha nito bago nagkukumahos na lumakad papalayo.
Isumbong man ako ng Rebeca na iyon ay hindi ako natatakot dahil ngayon din ay aalis ako at walang makakapigil sa akin.
Mabilis kong tinungo ang aparador pagkapasok sa aking silid. Agad kong dinampot ang aking valise (maliit na maleta) na nagmula pa sa Pransya na ngayon ko lang magagamit. Ilang kasuotan at mahalagang gamit lang ang aking dinala. Abala pa ako sap ag-eempake nang magbukas ang pintuan.
"Binibini ano ang iyong ginagawa at bakit ka nag-eempake?" nagugulumihanang tanong ni Maya. Diretso lamang ako sa aking ginagawa at hindi ito nilingon.
"Aalis na muna ako dito Maya at hahayaan ko na muna si Tiyo na magpakasasa sa piling ng kaniyang kerida. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang itatagal nilang dalawa" nauuyang aniya ko. Nang masiguro ko na kasya na ang mga damit na aking dadalhin ay kaagad ko ng isinara ang valise at kaagad tumayo upang umalis n asana nang harangan ako ni Maya.
"Binibini hayaan mo akong samahan ka, pakiusap"
Madali lang din natapos sa pag-eempake si Maya at ngayon binabagtas na naming ang daan palabas ng mansion ng makasalubong ko si Tiyo Ramon habang naka-pulupot na parang sawa sa kaliwang braso nito ang kaniyang kerida. Sandaling tumigil ito at napatitig sa mga dala naming bagahe ni Maya.
Akala ko kahit papaano ay tatanungin ako nito kung saan aking tungo subalit kabaliktaran ng aking inaasahan, iiling-iling na lamang nito kami bastang dinaanan na parang hindi kakilala.
Hindi ko naiwasan ang magdamdam dahil parang ama na ang turing ko sa kaniya at ito ang unang beses na maramdaman ko ang pakiramdam na mabalewala. Tunay palang masakit sa damdamin.
Pilit kong pinipigilan ang maluha nang makasakay na kami ni Maya ng karwahe.
"Binibini san po pala ang ating tungo?" tanong sa akin ng kutsero. Napabuga muna ako ng hangin bago sumagot.
"Ihatid mo kami hanggang sa daungan ng barko"
"Binibini san tayo tutungo kung ganun?" inosenteng tanong pa sa akin ni Maya habang tumatakbo na ang kalesa.
Sandali akong nagisip ng mabuti at isang ideya ang pumasok sa aking isipan.
"Sa San Ildefonso" tugon ko na kinakunot noo nito. "Yung isla na ating tinigilan dati matapos tumaob ang barko na ating huling sinakyang patungong Valencia. Nais kong muling balikan ang maganda at nakakahalinang lugar na iyon"
Ang kaninang bigat sa aking dibdib ay bahagyang napaltan ng kagalakan. Sa aking palagay ay maigi na rin ito para naman makapagnilay-nilay ako sa mga kamalasang nangyayari sa aking buhay.
****
A/N:
Ang mga imahe na inyong nasilayan sa kabanatang ito ay hindi akin.
-CTTO
Source Ref:
[https://sepiaera.wordpress.com/2013/05/17/new-image/amp/]
[https://m.facebook.com/PhilippinesMyPhilippines/photos/plaza-mayor-intramuros-manila-with-statue-of-emperador-carlos-iv-undated-/700084310131099/]
Guys, maaari ninyong bisitahin ang website na ito kung saaan tumatalakay sa katungkulan at kakayanan nang isang gobernador-heneral.
[https://philippineculturaleducation.com.ph/gobernador-heneral/]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro