Kabanata 15
Kabanata 15
Ang Unang Kaso
Tumigil ang kalesang aming lulan sa tapat ng Hacienda Gonzales. Naunang bumaba ng kalesa si Yano upang alalayan ako pagbaba.
"Kahit hindi mo na ako ihatid sa loob. Mauna ka nang umalis." wika ko matapos ako nitong alalayan.
"Hindi, sasamahan kita hanggang sa loob ng mansyon. Aking natitiyak na nandito ngayon ang mag-asawa. Ihahabilin muna kita sa kanila pansamantala yamang ayaw mo akong samahan sa hukuman." tugon nito sa kunwaring nagtatampong tono.
"Ihahabilin? Anong tingin mo sa akin, bata? Ika'y humayo na at ako na lamang ang bahala sa sarili ko." pangangatwiran ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na gusto muna kitang alagaan kaya sanay pagbigyan mo muna akong maglambing sa iyo?" bwelta nito sa akin na kinatahimik ko nang panandalian. Walang bahid pagloloko sa mukha nito.
"At ilan beses ko rin kailangang ulit-ulitin sa iyo na hindi na ako batang alagain? Hindi naman ako yung tipong kinulang sa kalinga nung bata pa kaya sanay ituring mo naman ako bilang iyong dalagang kapatid." Di papatalong wika ko na kulang nalang ay mameyawang ako sa kaniyang harapan. May sasabihin pa sana ito ngunit ang malakas at nakakairitang boses ni Raquelita ang pumukaw sa atensyon namin.
"Ano yan? Keaga-aga nag-aaway na naman kayong dalawa? Hindi ba kayo pwedeng magmahalan na lamang?" tanong nito sa nangangantyaw na boses. Napangiwi akong humarap sa kanilang dalawa ni Marco na nakangiti lamang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Yano.
"Mukhang walang nagbabago kahit magkapatid na kayong dalawa" nambubuyong wika rin nito.
"Tss. Pinagsasabihan ko lamang itong aking bunsong kapatid kaso kay hirap palambutin ng puso. Para akong nagpapaamo sa mailap na tigre." natatwang aniya sa mga ito ni Yano habang iiling-iling pa. Napasimangot akonng napairap tingin sa kaniya.
"Ganiyan talaga ang mga independeng babae, Yano. Aking naalala na ganiyan din noon sa akin si Tinang ganunpaman, kahit hindi niya sabihin o ipakita nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal niya sa akin at pati na rin ang pag-respeto nya sa akin bilang kaniyang Kuya" pagbabahagi ni Marco. "Kaya hayaan mo na si Binibining Mirasol at baka lalo lamang iyan manibago sa iyong ikinikilos lalo pa't ibang personalidad mo ang kaniyang unang nasilayan."
Gusto kong pasalamatan si Marco dahil sa kaniyang sinabi. Tama siya dahil kapag ganito nang ganito sa akin itong si Yano ay baka lalo lamang ako mangilabot nang inam..
"Wala namn sigurong masama kung babawi ako sa kaniya sa ilang taon naming pagkakawalay sa isa't-isa" ani ni Cypriano pagkay huminga ng malalim bago muling nagpatuloy. "Ngunit tama ka, ayaw ko rin naman siyang mailang sa akin."
"Kyahhh!" malakas na palahaw ni Raquelita na akala moy sinisilihang bulati sa aking tabi. Mas rumatig pa ito sa akin ay umabrisinte sa aking braso na akala moy kinikilig sa pinapanood na drama sa teatro. "Kung hindi ko lang alam na magkapatid kayong dalawa, ay iisipin kong nagkakagusto na sa iyo si Yano!" bulong pa nito. Napairap na lamang ako sa ere bago kumalas sa kaniyang pagkaka-abrisente sa aking braso. Nilingon ko si Yano na nakatingin na pala sa aming dalawa.
"Hindi ka pa ba aalis, baka mahuli ka na sa iyong trabaho?" tanong ko pa ulit kay Yano.Tumango naman ito bago bumaling kay Marco.
"Sige na mauna na akong umalis at baka ipasibak pa ako ni Binibining Mirasol sa pwesto" biro nito na kinatawa nina Marco. Lumingon pa itong muli sa aking gawi at lumapit.
"Mauna na muna ako at mamaya na lamang ulit kita dadaanan dito." bilin nito at mas lumapit pa sa akin at akma ko na hahalikan nya ulit ako sa noo nang matigilan siya. Napapikit itong mariin bago natatawang napailing na lamang sa sarili. Nagkaigi na lamang ito sa paghawak sa aking buhok. "Maiwan na muna kita dito at magpapakabait ka sa kanila ha." kunwaring natatwang biro pa nito bago ginulo na naman ang aking buhok. Simangot kong tinampal ang kamay nito.
"Bakit ba ang hilig mong guluhin ang aking buhok, hindi naman ako tuta?!" iritableng tanong ko na kinatawa na lamang nito bago tuluyan umalis.
"Hanga na talaga ako sa iyo Binibining Mirasol, ikaw lamang ang nakakapag-salita nang ganiyan sa iyong Kuya." natatawang komento ni Marco. Nais ko sanang itanong sa kaniya kung mabait ba sa kaniya si Celestina ngunit aking naalala na madalang nga lang pala silang magkasamang magkapatid noong itoy nabubuhay pa.
"Hays di ko tuloy naiwasang isipin, kung sakaling nabubuhay kaya si Tinang...magiging kagaya din kaya ako ni Yano na tumitiklop sa aming bunso?" dagdag pa nito. Batid ko ang bahid kalungkutan sa kaniyang tono sa kabila nang kaniyang mga ngiti. Lumapit na lamang si Raquelita sa asawa pagkatapos sabay-sabay na kaming nagsipasukan sa kanilang mansyon.
"Sigurado kayo na kayo na lamang muna ang mamasyal? Raquelita, hindi mainam na hayaan kitang umalis na lamang nang basta lalo't hindi ako kasama" nagmamalasakit na tanong ni Marco matapos magpaalam nitong si Raquelita na tutungo daw muna kami sa bayan.
Nakanguso naman itong lumapit sa asawa. "Marco hindi na kami bata ni Mirasol at isa pa, diyan lang kami sa bayan. Kapag nabili na namin ang aming mga bibilhin ay uuwi na rin kami kaagad." dahilan pa nito sa malambing na tono. Naasiwa na lamang akong napalayo ng kauntian sa kanilang dalawa.
"O sya basta mabilis lamang kayong dalawa at wag lalayo nang bayan" mahigpit pa nitong bilin pagkay inaalalayan kaming dalawa pasakay ng kalesa. Madami pang bilin si Marco sa kutsero bago kami nakaalis nang matiwasay.
"Raquelita saan ba talaga tayo tutungo?" nagrereklamong tanong ko habang higit-higit ako nito papasok ng pamilihan. Pero sa halip na sagutin, ay mas binilisan pa nito ang paglalakad, ilang ale pa ang nagre-reklamo dahil sa hindi wastong pagkilos nito. Nasagot lamang ang aking katanungan nang tumigil kami sa tapat ng bilihan ng mangga.
Seryoso!?
Magiliw na ngumiti sa Raquelita sa babaeng tindera. "Manang magkano po ang isang kilo ng mangga?" nasasabik na tanong nito na akala moy takam na takam na sa mangga.
"Para sa iyo Señora Raquelita, ibibigay ko na lamang sa halagang 3 riyales"
"Sige Manang bigyan mo ako, nais kong samahan mo na rin ng bagoong"
Agad namang tumalima ang Ale at hindi nag atubiling kilohin ang mangga. Malaki ang pagkakangiti sa akin ni Raquelita nang bumaling ito sa akin.
"Seryoso, isinama mo ako dito para lamang diyan!" hindi makapaniwalang tanong ko na kinanguso nito.
"E..gusto ko kasi ikaw ang kasama ko sa pagbili nito e," parang batang tugon pa nito na kinairap ko nang inam sa ere. Hindi na lamang ako nagsalita pa dahil naiirita ako lalo sa pagnguso nito sa akin na akala moy inaapi ko.
Ilang saglit lang ay inabot na nang Ale ang mangga kay Raquelita. Tuwang-tuwa naman nitong kinuha ito bago binayaran.
"Apat na buwan ka nang buntis, naglilihi ka pa rin?" tanong ko dito sa gitna nang paglalakad. Agad naman naming nakita ang kalesang pinagsakyan namin kanina at nang matanaw kami ng kutsero ay kaagad naman itong lumapit at kinuha kay Raquelita ang bitbit nitong supot na naglalaman ng mangga.
"Saan na naman an gating tungo ngayon?" tanong ko na naman nang imbes na sumakay ng kalesa ay inakay na naman ako nito kung saan. "Hoy Raquelita, isusumbong kita sa asawa mo, kabilin-bilinan pa naman niya na umuwi ka kaagad pagkabili mo nang iyong bibilin!" paninindak ko dito pero ang mujer ayon, at nginisian lamang ako. Napairap na lamang ako pero agad ding natigilan nang mapagtanto ang daan na aming tinatahak.
Hindi ako maaaring magkamali, ang daan na ito ay patungong mababang hukuman!
Mabilis akong kumalas mula sa kaniya dahilan upang itoy matigilan din sa paglalakad.
"Bakit?" nagtatakang tanong pa nito.
"Sabihin mo nga sa akin, bakit tayo pupunta nang hukuman?" nagugulantang na tanong ko. Tinanggihan ko nga kanina si Yano nang alukin ako nitong magtungo rito tapos dadalhin naman niya ako rito!
"Oh bakit, ayaw mo bang bisitahin ang iyong Kuya?" nakangising nitong tanong na hindi ko nagustuhan.
"Ayaw ko. Para namang hindi kami magkasama sa iisang tahanan" bwelta ko sabay irap ng matindi sa kaniya.
Akma na naman sana nito ako hahampasin nang mabilis akong nakaiwas. "Ano ka ba! Hindi ka naman magpapakita e, sisilipin mo lang," nang-uudyok nitong aniya.
"Ayaw ko! Wala naman akong pakielam tsaka isa pa, magiging sagabal lamang tayo kay Yano, imbes na nagtra-trabaho yung tao."
"Anong Yano ka jan!" nanlalaking matang tanong nito sabay hampas sa aking braso. "Bakit hindi mo tinatawag na Kuya ang iyong panganay na kapatid?" nagugulantang na tanong nito na akala mo'y isang kasalanan ang aking ginawa.
Nagtitimpi kong pinispis ang aking braso. Pasalamat siya, buntis siya dahil kung hindi kanina ko pang inihampas sa kaniya ang aking abanikong hawak.
"Sa ayaw kong tawagin siya nang Kuya e. Wala na siyang magagawa pa roon," pamalditang aniya ko.
"Ah basta ngayon din sisilipin natin si Yano at sasamahan mo ako." pirmeng wika nito at walang anu-anong hinigit na naman ako. Pasalamat talaga siya at buntis siya kayat takot akong manlaban at baka masaktan siya. Ugh!
Natuloy ang binabalak ni Raquelita at ngayon heto kami mukhang espiyang nakasilip sa labasan ng hukuman habang nakatanaw sa durungawan ng opisina ni Yano.
"Nakikinita mo ba ang iyong Kuya? Kay sipag na Ginoo. Alam mo ba na madaming kababaihang nahuhumaling sa kaniya rito sa Valencia?" tanong sa akin nito habang nakatuon ang pansin namin kay Yano na abala sa pagbabasa nang mga dokumentong tambak na sa kaniyang harapan.
"O e ano naman ngayon?" pasupladang tanong ko pa.
"Hay naku dapat humahanga ka na ngayon sa kaniya," namimilit na tugon nito.
"At bakit ko naman kailangan siyang hangaan?" naguguluhang tanong ko.
"Kasi Kuya mo siya. Kaya dapat humanga ka sa kaniya!"
Napapaypay na lamang ako sa aking sarili dahil sa kakulitan niya.
"Di kita maunawaan Raquelita. Ikaw yata ay may sapak na sa utak," diretsahang wika ko na kinalumot ng kaniyang mukha.
"E kasi gusto ko lang naman na makita kang humahanga kay Yano. Sa totoo lang gusto ko kayo noong dalawa na magkatuluyan at kinikilig ako sa inyo pero nawala yun nung malaman namin na magkapatid pala kayong dalawa. Kaya sige na ipakita mo sa akin na ikay humahanga kunwari kay Yano."
"Raquelita ikay hibang na. Masyado ka yatang nawiwili sa kababasa ng mga kwentong patungkol sa romantiko kaya pati isipan mo ay lulong na sa imposibleng bagay." aniya ko. Sobra-sobra ang pagtitimpi ko na wag siyang maangilan at talagang nais kong purihin ang aking sarili dahil sa unang pagkakataon, nadiskubre ko na kaya ko naman palang habaan nang kahit konti ang aking pasensya.
"Alam mo ba na nung nasa barko tayo, narinig ko na nag-uusap ang aking asawa at si Yano patungkol sa iyo? Rinig na rinig ko kung paano ibinahagi ni Yano ang kaniyang kasiyahan na makilala ka bilang kaniyang kapatid. Sa unang pagkakataon, nasilayan ko siyang maging masaya at napapadalas na rin ang kaniyang pagngiti. At iyon ay dahil sa iyo Mirasol. Tama siya, ikaw ang kaniyang Sinag na nagbigay liwanag sa kaniyang madilim na mundo." aniya nito na kinatameme ko. Nahihiya akong nag-iwas tingin at napatitig na lamang kay Yano na abala pa rin sa kaniyang ginagawa.
Kay sarap marinig na itinuturing pala niya akong liwanag ng kaniyang buhay.
Sumapit ang hapon, kasalukuyang nagme-merienda kami nina Raquelita at Marco ng mainit na tsokolateng tablea at ensaymada dito sa gazebo nang dumating si Yano. Muntikan pa akong mapaso sa paghigop ng tsokolate nang unang magtama ang mata naming dalawa at kaagad ngumiti sa akin.
"Yano! Mabuti naman at nakauwi ka na,"masayang bati dito ni Marco at pagkay siya na ang nag-aya ditong makisalo sa amin. Sandali lang din silang nagbatian nang maupo na sa aking katapat na upuan si Yano.
"Kamusta si Sinag, hindi ba siya nagpasaway sa inyo?" kaswal na tanong nito. Tuloy kunot noo kong naibaba ang tasang hawak. At anong tingin niya sa akin batang inihabilin?
Naramdaman ko ang pagdanggil ni Raquelita sa aking kaliwang braso. Napairap na lamang ako sa kaniyang pambubuyo.
"Hindi naman. Masyado ngang tahimik ang Binibini at mukhang ito pang asawa ko ang nanggugulo sa kaniya." natatawang tugon ni Marco na sinang-ayunan ko. Kung hindi lang talaga ako pinilit ni Yano na sumama sa hukuman, disin sanay hindi ako magpupumilit na dito na lamang ihatid. Bukas talaga sa mananatili na lamang ako sa mansyon!
Mabilis natampal ni Raquelita ang asawa sa braso."Anong ako? Ang bait ko nga kay Mirasol e. Kung tahimik lang ako buong maghapon, edi lalo na siyang nainip," pagdadahilan pa nito na kinairap ko na naman ng inam. Kahit kailan kay bigat ng kaniyang kamay.
Di nalamang ako nagsalita pa at nanahimik nalamang. Mabuti't si Marco na rin ang nagpalit ng usapan.
"Kamusta ang pagbabalik trabaho kaibigan, masaya ba?" nakangiting tanong ni Marco kay Yano. Naiiling namang sumagot si Yano pagkatanggap nang kapeng isisinirbe ng kasambahay.
"Tambak ang gawain,"
"Haha malamang, mawalan ba naman ng hukom sa loob ng ilang linggo. Sino pa ba naman ang aasahan mong gagawa noon gayong wala naman palang pumalit sa iyo sa posisyon?" natatawang aniya ni Marco bago humigop din ng tsokolate. "Pero totoo ba yung tungkol kay Don Hugo Relativo? Kanina kasi malakas ang bulungan ng mga mangagawa tungkol sa kasong ipinapataw dito."
Bigla akong natigilan sa paggayat ng ensaymada sa aking platito. Maging ako ay naghihintay sa itutugon ni Yano dito. Kung hindi ako nagkakamali si Don Hugo Relativo ay ang dating hukom dito sa Valencia na siyang nakausap ko upang paalisin sa pwesto. Kaya siya ang pinagpalatan nitong si Yano.
"Masyadong mabigat na ang kaso sa kaniya lalo pa't tauhan siya ni Ferdinand at mas lalo lamang niyang pinalakas ang kaso sa kaniya nang siyay magtangkang tumakas tapos ngayon naman, sinasabi niya na may kinalaman ang mga kura sa kaniyang pagtakas at kasabwat niya ang mga ito," tugon nito. Napakunot ang aking noo. "Masyado nang natatagalan ang pagdulog sa kaso kaya naman, sa oras na matapos kong pag-aralan ang kaso, kaagad ko nang isasagawa ang paglilitis."
Magtatanong pa sana ako nang dumating si Luis. Bahagya pa itong nabigla nang makita kaming dalawa ni Yano.
"Magandang hapon sa inyong lahat lalo na sa inyo Ginoong Cypriano at Binibining Mirasol." Magalang na pagbati nito. agad naman tumayo si Yano at nakipag-kamayan dito. Tumayo na rin ako, kaya naman, matapos makipagkamayan ay lumapit sa akin si Luis na may malaking ngiti.
"Masaya akong muli kang makita Binibini" sambit nito pagkay tinggal ang sombrero at itinapat sa dibdib.
"Teka magkakilala na pala kayo?" naguguluhang tanong ni Raquelita. Natatawang bumaling dito si Luis.
"Oo nagkadapuang palad kami sa Hotel de Oriente." Tugon nito. nakinatanong na lamang ni Raquelita. Muling bumaling sa akin si Luis. "Ngunit kung hindi mo mamasamain, ano nga pala ang iyong sadya rito sa amin, Binibini?" magalang na tanong pa nito. Hindi ko na nagawa pang sumagot nang maunahan ako ng isang pagtikhim mula kay Yano.
"Ehem" nabaling sa kaniya ang aming pansin. "Ginoong Luis, marahil hindi pa nakakaabot sa iyo ang balita na natagpuan ko na ang aking nawawalang kapatid...at iyon ay walang iba kundi si Binibining Mirasol" potmal na tugon nito.
"Totoo ba iyon?" nabibiglang baling sa akin ni Luis na sinagot ko nang pagtango. "Kung ganoon ay masaya ako para sa inyong dalawa. Sinong mag-aakala na si Binibining Mirasol na pala ang matagal mo nang hinahanap na kapatid? Masaya ako para sa inyong dalawa" bukal sa pusong dagdag pa nitong sambit na kinangiti ko nang bahagya.
"Maraming salamat, Ginoo," tugon ko na sinundan ni Yano nang pasasalamat.
"Luis, san ka nga pala galing at bakit ngayon ka lang ulit umuwi?" tanong ni Marco dito nang makaupo na kaming lahat.
"Ah nanggaling ako sa linang na sakop parin ng Valencia. Aking natuklasan na kalahati pala sa bilang ng mga tao roon ay wala nang trabaho dahil sa ang kanilang lupang sakahan ay ipinatubos na nang mga kura." tugon nito habang inaasikaso nang mga kasambahay.
"Bakit naman ginawa iyon ng kura?" naguguluhang tanong pa ni Marco.
"Wala rin akong ideya dahil ayon sa mga nakausap kong magsasaka, biglaan daw ang naging pasya ng kura at wala man lamang pasabi na basta nalang silang tinanggalan ng trabaho sa isang iglap." Dismayadong panayam pa nito.
Uminom na lamang ako ng tsokolate at pinagmasdan sila kung paano magbigay ng kani-kanilang opinion sa nasabing usapin.
Tanging sina Marco at Luis lamang ang nagpapalitan nang opinion habang si Yano ay tahimik lamang na nakikinig at sumisimsim ng kape.
"Kaya naman naisip ko na para makatulong din sa kanila kahit papaano, pinapunta ko sila sa hacienda Izquedor dahil aking nabalitaan na naghahanap kayo ng mga mangagawa doon, Marco." nagbabakasakaling wika nito.
"Tama ang ginawa mo Luis. Ako at ang kinakapatid kong si Tala ay nagpla-planong muling buhayin ang kanilang hacienda bago ko tuluyang ilipat ang titulo ng lupa sa kaniyang pangalan,"
Oo nga pala, napunta sa pangalan ni Marco ang kalahating lupang pag-aari ng mga Izquedor nang mapatunayan ang anumalyang ginawa ng mga ito kay Heneral Frederico de la Serna.
Pero habang pinagmamasdan silang dalawa, isang bagay ang aking napagtanto, si Luis sa aking palagay ay may puso para sa bayan. Pwedeng-pwede siyang maging Gobernadorcillo ng nayon kung pagmamasdang mabuti at sigurado akong magiging mabuti siyang Ama ng Bayan.
Hindi ako makatulog, pasado alas-12 na siguro ng hatinggabi ngunit talagang kahit saan pa ako bumaling ay hindi ako dalaw-dalawin ng antok at ang mas nakakaasar pa ay inuuhaw ako. Mabigat ang katawan kong bumangon, kinuha ang lampara at mabigat ang paa kong naglakad palabas ng silid. Madilim na ang buong pasilyo, natigilan pa ako nang madaanan ko ang tanging silid na bahagya pang nakaawang ang pintuan at nang silipin ko nakita ko si Yano na abala parin sa pagbabasa ng papeles.
Nailing na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad. Kahit kailan, masyado siyang pursigido sa pagtra-trabaho.
Pagkainom ng tubig ay naisipan kong magpakulo ng tubig at nagtimpla ng kape. Di na ako nag-atubili pang maglakas loob na buksan pumasok sa opisina ni Yano, bahagya pa itong nabigla nang makita ako na diretso lamang hanggang sa ilapag ko ang kape sa kaniyang harapan.
"Masyado kang pursigido sa iyong kaka-trabaho. Bakit hindi mo na lamang ipagpabukas iyan?" tanong ko sa gitna nang katahimikan. Nakangiti naman nitong kinuha ang tasa ng kape bago sumagot.
"Nais kong tapusin na ang lahat ito nang mapaglaanan naman kita ng aking oras"
Kung sa ibang pagkakataon baka natigilan ako at natameme pero kahit papaano ay nasasanay na ako sa kaniyang malalambing na salitang ibinabato sa akin. Akin na ngayon nauunawaan na lubusan na niya akong tinatanggap na kaniyang kapatid, kaya ganun.
"Sinabi ko naman sa iyo na ayos lamang at nauunawaan ko ang sitwasyon natin, at isa pa hindi naman ako nanghihingi ng oras. Sapat na sa akin na kasama kita dito sa bahay," tugon ko pero napailing itong inilapag ang tasa sa kaniyang mesa.
"Sinag, kay tagal nang panahong nasayang sa ating dalawa kaya kahit papaano'y hindi mo maaalis sa akin ang pagnanais na makabawi man lamang sa iyo. Kaya sanay pagbigyan mo na ako."
Heto na naman tayo sa usaping ito!
Naiilling na lamang ako sumuko sa kaniya at di na ulit nagsalita pa. "Oras na matapos ko na ang aking trabaho, magbabakasyon muna ako at isasama kita sa aking bahay bakasyunan sa San Ildefonso," dagdag nito na nakaagaw ng aking pansin.
"San Ildefonso?" nananabik na tanong ko. Hindi ko makakalimutan ang dahilan kung bakit kami umalis noon ng Maynila ni Maya ay upang magtungo sa isang isla sa San Ildefonso upang sanay magbakasyon ngunit dahil sa tulisang kutserong aming nakasalamuha ay nalimos ang aming mga salapi at ari-arian dahilan upang mapadpad kami sa kagubatan hanggang doon kami natagpuan nina Senor Rafael at nakumbinsing sumali sa kanilang samahan.
Kung tutuusin dahil sa pagnanais kong masilayan muli ang islang minsanan naming napuntahan ay nagkada-peste ang lahat!
"Oo Sinag, mayroon tayong bahay bakasyunan doon, mismo sa tabing dagat. Tiyak na magugustuhan mo roon oras na masilayan mo ang lugar na iyon." nakangitingsambit nito na may kinapanabikan ko.
Ngayon hindi na ako magre-reklamo pa sa kaniyang ginagawang pagmamadaling tapusin ang kaniyang gawain dahil maging ako ay nasasabik na magtungo sa lugar na kaniyang sinasabi.
Pakiramdam ko kasi tuwing nakakapunta sa isang magandang isla, naalala ko si Fabio. Bagamat hindi na ganoon ka labis ang sakit na dulot ng kaniyang pagkawala sa aking puso pero kailanmay hindi na siya mawawala pa rito. Lalo na ang dagat ang patunay na minsan sa aking buhay, dumating ang isang Fabio de la Serna.
Sumapit ang araw ng Sabado, kasalukuyang inimbitahan ako ni Yano na magtungo sa mababang hukuman dahil ngayon daw mangyayari ang paglilitis sa kaso ni Don Hugo Relativo. Nung una tinatamad talaga akong magtungo roon lalo pa't wala naman akong pakielam sa kaso ng matandang iyon pero dahil sa kakulitan ni Raquelita ay wala akong nagawa kundi magbihis at mag-ayos.
"Bilisan mo Mirasol, wag mo namang biguin si Yano lalo pa't kaya iyon pursigido sa pagtra-trabaho ay upang magpakitang gilas sa iyo," Kay ingay talaga kahit kailan ng kaniyang bunganga ng babaeng ito!
"Bakit ba kasi kailangan mo pang magtungo rito imbes na sumama ka na lamang dun sa asawa mo sa hukuman?" reklamo ko habang sinusuklay ang aking buhok.
"Syempre dahil mas gusto kitang kasama. Kaya bilisan mo na dahil tiyak na hinahanap ka na ni Yano!" nagmamadaling wika pa nito tapos inagaw ang suklay sa aking kamay at siya na ang nag-ayos ng aking buhok. Naasar na lamang akong nagsuot ng alahas sa aking leeg.
Di naglaon narating na namin ang mababang hukuman. Sa bukana pa lamang ay sinalubong na kami ni Marco at kasama nito si Luis.
"Ang tagal nyo naman, nagsisimula na ang paglilitis," aniya ni Marco pagka-alalay kay Raquelita samantalanag ako naman ay malugod na inalalayan ni Luis.
"Magandang umaga Binibining Mirasol," nakangiting bati nito. Nais ko sana siyang taasan ng kilay ngunit masyadong maginoo ang isang ito upang taray-tarayan ko lamang kaya mahinhing tumugon na lang rin ako sa kaniya.
"Magandang umaga din naman sa iyo Ginoo,"
"Oh sya mamaya na ulit tayo magkamustahan at pumasok na tayo sa loob. Baka akalain ni Yano na hindi natin pinaunlakan ang kaniyang imbitasyon." natatawnag pagsangat sa amin ni Marco. Kaya naman sabay-sabay na naming tinungo ang loob ng hukuman.
Pagkabukas na pagkabukas nang malaking pintuan ay kaagad naming naagaw ang atensyon ng lahat. Ramdam pa namin na maging ang abogadong nagsasalita sa unahan ay natigilan din dahil sa pagdating namin. Ramdam ko ang pagkakapahiya na nadarama ng aking mga kasama kaya napa-ismid na lamang akong nauna sa kanila at pagkay taas noong naglakad papasok na hindi iniinda ang mga matang nakatitig sa akin.
Hindi ko nais makaagaw ng atensyon ngunit hindi rin naman ako maiilang kung sakaling maagaw ng aking presensya ang mata ng lahat tutal sanay naman ako sa ganitong uri ng senaryo sa aking buhay. Simula nang makilala ako bilang nag-iisang kamag-anak o pamangkin nang gobernador-heneral, nakasanayan ko na ang humarap sa iba't-ibang uri ng tao. Walang dahilan upang mahiya ako gayong ang lahat naman ay may kaniya-kaniyang baho sa katawan at walang taong perpekto.
Naramdaman ko ang pagkapit sa aking braso ni Raquelita habang nakatungo at maging ang dalawang ginoo sa aking likuran ay mga nakatungo rin kaya naman tumigil ako ng bahagya. "Umayos nga kayo ng tayo at wag na wag kayong mahihiya kahit na kanino lalot wala naman kayong ginagawang masama," aniya ko at mula sa pagkakayuko ay napaltan ng pagkamangha ang hitsura nila. "Kung mayroon man dapat ditong mahiya, ay walang iba kundi yung kriminal na lilitisin at kriminal na naglilinis kamay sa kaniyang mga kasalanang nagawa." huling aniya ko bago nagpatuloy sa paglalakad.
Isang Ginoo naman ang nahihiyang sumalubong sa amin. "Kayo po ba si Binibining Sinag?" magalang na tanong nito na kinataas ng kilay ko. At kailan pa ako nakilala sa palayaw na iyan? Nasagot lamang ang aking katanungan nang magpatuloy ito sa pagsasalita. "Mangyaring sumunod kayo sa akin dahil may ipinareserbang upuan para sa inyo ni Señor Cypriano"
Sa parteng unahan kami nito pinaupo kaya naman malaya kong natanawan si Cypriano na prenteng nakapwesto bilang hukom. Ang seryosong mukha nito ay bahagyang ngumiti sa akin nang maglapat ang mga mata namin bago isang tikhim ang pinakawalan at ipinag-utos na ipagpatuloy na ang diskusyon patungkol sa kaso.
Muling dinaggil ni Raquelita ang aking balikat. "Kyahh! Nakita ko yun. Por Diyos sana talaga hindi na lamang kayo magkapatid!" kinikilig na bulong nito na hindi ko na lamang pinagtuunan pa ng pansin. Sa ilang araw na palagian naming magkasama ay nakakaasar mang sabihin ngunit hingi ko rin maipagkakaila na nakakasanayan ko nang pakisamahan ang mabutaktak at walang palyang bunganga nitong si Raquelita. Kung ako taklesang may nakakalsong salita, siya naman daig pa putakteng may kati sa dila dahil sa kadaldalan.
Nabuburyo lamang ako habang nakikinig sa kaso ni Don Hugo Relativo. Napapailing na lamang ako habang tinititigan ang nakakaawang hitsura nito habang nililitis. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matutuwa dahil sa wakas, mapaparusahan na rin ang isang taong kagaya niya. Si Hugo Relativo ay tauhan ni Ferdinand Ortega, kung kaya't siya ang tumayong hukom dito sa Valencia nung sandaling naging gobernadorcillo ito.
At ngayon kasabay nang pagbagsak ni Ferdinand ay siya ring pagbagsak niya. Nagkataon lamang na nauna nang nahatulan ang amo, bago ang tuta.
"Malakas ang kasong isinasampa kay Don Hugo Relativo dahil sa siya ay tauhan ng dating yumaong gobernador na si Ferdinand Ortega. Amin ding napatunayan na siya ay kasabwat at kakuntsaba nito sa mga ilegal na gawain dahil mula sa kaniyang bahay sa Kamaynilaan natagpuan namin ang ilang sakong naglalaman ng halamang mariguana. At makaraan naman ang ilang araw, siya'y natagpuang tumakas sa seldang kaniyang pinagkukulungan at makalipas naman ang tatlong araw, sa tulong ng ating kura paroko, amin mismong natagpuan si Don Hugo Relativo na ginagamit pa ang simbahan upang kaniyang pagtaguan." wika nang piskal. Tahimik lamang ang lahat at pawang inaabangan kung sino pa ang magbibigay nang panayam subalit makaraan ang ilang minuto ay wala pa ring nangahas kaya naman si Yano na ang pumutol sa katahimikan.
"Kung wala nang sasabihin ay dumako na tayo sa panig ng inuusig, paano ninyo mapapatunayan na may kinalaman dito ang dalawang kurang sina Padre Sanchez at Padre Clemente sa pagpapatakas sa iyo Don Hugo?" seryosong katanungan dito ni Yano. Maging ako ay biglang kinilabutan sa biglaan niyang pagse-seryoso.
"Kaya pala hindi sumama si Tala..." narinig kong bulong na komento ni Raquelita sa asawa.
Oo nga pala, si Padre Sanchez ang dahilan kung bakit naparusahan ng kamatayan si Don Victor na siyang ama ni Tala.
Inakay nang abogado mula sa kabilang panig si Hugo Relativo paupo sa gitna upang hingan nang panayam.
"Ang aking sasabihin ay pawang katotohanan lamang. Ako si Don Hugo Relativo, nasasakdal at batid ko na hindi na ako makakaligtas pa sa anumang hatol na maiibigay sa akin. Kaya naman sa una't-huling pagkakataon isusuplong ko na lang din ang mga taong kaugnay sa aking kaso. Totoo ang aking sinasabi na ang dalawang kura ay nagmalasakit at pinatuloy ako sa simbahan sa loob ng 2 gabi ngunit pagsapit ng ikatlong araw, dahil sa nagkagipitan kaya naman agad silang naglinis kamay at pilit pinabubulaanan ang katotohanang ito," aniya nito na sa kawalan na nang pag-asa ay makikita pa rin ang pagiging determinado nitong isangkot ang dalawang nasabing kura.
"Kung ganoon, bakit ka naman tinulungan ng dalawang kura gayong batid naman nila na ikaw ay nabilanggo na at takas lamang sa rehas?" nagdududang tanong ng may katandaan ng lalaki na sa lalagay ko na tumatayong piskal.
"Dahil si Padre Sanchez ay lihim na kasabwat din noon ni Ferdinand habang si Padre Clemente naman ay wala nang nagawa nung mga sandaling iyon kundi tanggapin na lang din ako sa kanilang kumbento,"
Muling katahimikan ang namayani. Inilibot ko ang aking mata sa paligid ngunit hindi ko makita sa pagdinig na ito ang dalawang nasabing kura.
"Bueno, ngayon din malugod akong humihingi ng permiso na mangyaring tumayo sa gitna sina Padre Sanchez at Padre Clemente upang makinig ang kanilang panig," aniya ni Yano habang palinga-linga sa paligid. Biglang lumapit dito ang Ginoong kanina lamang nag-asiste sa amin, bumulong ito kay Yano pagkay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan bago nagsalitang muli.
"Paumanhin ngunit ang pagdinig na ito ay pamsamantalang ititigil muna sa ngayon at itutuloy na lamang sa ibang araw sa kadahilanang hindi makakadalo ngayon ang dalawang nasabing kura. Kaya naman aking ina-anunsyo na ikukulong muli sa dating selda si Don Hugo Relativo at mananatili hanggat hindi pa natatapos ang pagdinig sa kasong ito." mariing anunsyon ni Yano bago pinukpok ang mason.
Dismayadong isa-isang nagsi-alisan ang mga tao habang kami nina Raquelita ay nanatili lamang sa aming kina-uupuan.
Kanina lamang ay wala akong pakielam sa kasong ito dahil akala ko simpleng kaso lamang ito at talagang inaasahan ko na ang magiging hatol kay Hugo ngunit dahil sa dalawang kurang nasasangkot sa kaso at dahil sa hindi nila pagdalo ngayon dito, ay bigla akong nakakaramdam ng kakaiba...
Di ko pa namalayan na napatulala na pala ako sa kahanggan kung hindi lamang sa winagayway ni Raquelita ang kaniyang kamay sa tapat ng aking mukha. Tuloy sinamaan ko siya nang tingin.
"Ano't natulala ka diyan? Ayun ang Yano mo oh, pinagkakaguluhan na ng mga kababaihan!" Eskandalosang panayam nito habang nakaturo kay Yano na hindi makaalis sa pwesto dahil sa ilang mahaderang kababaihan na panay ang lapit sa kaniya at may iba pang nag-aabot ng kanilang mga regalo na akala mo'y Santo Papa itong inaalayan sa Roma.
Nakahalukipkip ko na lamang pinagmasdan kung ano ang kaniyang gagawin sa mga pandit na kababaihan sa kaniyang harapan.
"Uy hindi mo ba tutulungan si Yano? Aking nasisigurado na isang taas mo lang ng kilay sa mga kababaihang iyan ay mahahawi na kaagad sila na parang dagat noong kapanahunan ni Moises." natatawang komento pa ni Raquelita at maging sina Marco at Luis ay natawa sa kaniya. Umirap na lamang ako sa ere.
Bahala siya diyan. Kaya nga niyang lumutas ng kaso kaya dapat lang malutas din niya ang kaniyang sariling problema!
"Mabuti pa'y sa kalesa na lamang namin kayo iintayin mga Binibini," natatawang wika ni Luis bago inaya na si Marco at sabay silang umalis. Naiwan na naman tuloy sa tabi ko itong madaldal na si Raquelita.
"Uy Mirasol, tulungan mo naman yung Kuya mo oh," pamimilit pa nito.
"Ano ka ba Raquelita, hayaan mo sila. Mga kulang lang sa pansin ang mga kababaihang iyan kaya pagbigyan mo na sila na mapansin ni Yano." iritableng tugon ko bago tumalikod kaso saktong nabunggo ako sa matipunong dibdib nang sinumang hudyong humarang sa aking dadaanan!
Isang masamang tingin ang pinukol ko dito.
"Isang napakagandang umaga para sa isang napakagandang Binibining tulad mo, Señorita," nakangiting bati nito na kinataas pa ng kilay ko.
"At sino ka namang lapastangan na humaharang sa aking daraanan?" Iyamot na wika ko. Ang kaninang ngisi nito ay napaltan nang pagkabigla na sandali lang din at muling nanumbalik sa pagngisi.
"Matapang na Binibini, gusto ko yan..." komento pa nito. Bigla akong napatingin sa paligid dahil may ilang nakakaagaw ng pansin sa amin. Napapikit ako nang mariing bumaling sa hudyong lalaking may lakas na loob na harang-harangan ako.
"Pwes ako, hindi kita gusto. Mangyaring tumabi ka sa aking daraanan," matapang na tugon ko. Kung hindi lamang madaming matang nakatingin sa amin ay baka naitulak ko na ito palayas sa aking harapan.
Akmang magsasalita pa sana ito nang isang tinig ang pumagitna sa amin.
"Anong nangyayari rito?" tanong ni Yano pagkaratig sa akin. Seryosong itong nagkatingin sa akin ang nagtatamong nitong mga mata bago bumaling sa herodes na humarang sa aking daraanan.
Sasagutin ko na sana ang katanungan nito nang maramdaman ko ang paghawak nang kaniyang kamay sa aking beywang. Para akong hilong talilo na nawala sa ulirat sa panandaliang minuto
"Ginoo, mawalang galang na ngunit ano ang kailangan mo sa aking Binibini?" tanong pa nito sa estranghero. Natutop ko ang aking labi dahil sa sinambit ni Yano.
aking Binibini...
"Iyong Binibini?" naguguluhang tanong ng estranghero.
Ilang segundo ang tinagal at hindi kaagad sumagot si Yano kaya kahit di komportable ay napalingon rin ako sa gawi nito. At naabutan ko ang nangingilatis na tingin nito sa kabuuan ng estranghero sa aming harapan.
"Aking nababatid na anuman ang iyong ipinunta rito sa hukuman ay walang kinalaman sa Binibini, kaya sabihin mo sa akin, ano ang kailangan mo rito?" Pormal na tanong nito. Napapailing na lamang ang estranghero bago sumagot.
"Tunay ang iyong sinambit na walang kinalaman ang marikit na Binibini sa dahilan ng aking pagparito ngunit dahil sa naaagaw niya ang aking pansin kung kayat muntikan ko na ring makalimutan ang aking ipinunta rito," natatawang tugon ng estranghero. "Gayunpaman, nais kong itanong kung sino kaya ang inyong tumatayong hukom dito? Nais ko siyang makausap dahil ako'y may importanteng pabatid sa kaniya." dagdag nito na nakangisi. Muli na naman itong tumingin sa akin pagkay ngumiti na siyang ikinairap ko. Naramdaman ko ang mas paghigpit nang kapit ni Yano sa aking beywang.
"Ang iyong hinahanap ay ngayo'y kausap mo na." Seryosong tugon ni Yano. Biglang napaltan nang di makapaniwalang reaksyon ang estranghero.
"Ikaw ang hukom?" Ulit pa nito at dahil mukhang walang balak na ulitin ni Yano ang sinabi kaya napakamot ulo na lamang itong nagbawi. "Sabi ko nga ikaw ang hukom." napapahiyang tugon pa nito bago tumikhim at nagseryo.
"Bueno, ako nga pala si Doktor Samuel, ang tumatayong doktor ng kura parokong si Padre Clemente," wika nito at pagka'y naglahad ng kamay kay Cypriano.
"Cypriano de Luna, ang hukom dito sa Valencia," seryosong tugon na naman nito at nakipagkamay dito nang hindi man lamang tinatanggal ang isa pa niya kamay sa aking beywang.
"Ikinagagalak kitang makilala," nakangiting wika nitong Samuel bago bumaling sa akin. "Ikaw naman Bini..", Hindi nito naipagpatuloy ang dapat sa akiy sasabihin nang magsalita na naman si Yano.
"Sabi mo ako ang iyong kailangan, kaya mangyaring mag-usap muna tayo sa isang tabi." wika nito bago inalis ang pagkakahawak sa aking beywang pagkay bumulong pa sa akin.
"Kakausapin ko lamang siya. Nais kong hintayin mo ako rito," bilin nito sa akin pagkay pinispis pa ang aking pisngi na kinasinghap ng ilang nakatingin sa amin. Inihatid pa muna ako nito sa tabi ni Raquelita na akala moy inahahabilin niya ako rito. "Mabilis lamang ako." dagdag pa nito pagkay tumingin sa gawi ng estrangherong lalaki.
"Ginoong Samuel, mangyari mag-usap tayo sa aking opisina." mariing wika nito dito bago nagpatiuna nang lumakad.
Iiling-iling naman tumingin sa akin itong Samuel at kalaunay sumunod din naman dito.
Isang mahinang pagtapik sa aking balikat ang ginawa ni Raquelita kung kayat kunot noo akong bumaling sa kaniya. "Ano ba ang gamit mong gugong pampaligo? Makagamit nga at baka mas lalo pa akong mahalin ni Marco kapag nagkataon," kinikilig na aniya nito na kinairap ko na lamang sa ere. Hibang na siya!
"Pero tingnan mo lahat ng kababaihan ay masasama na ang tingin ngayon sa iyo," biglang napaltan nang seryoso ang tono nito dahilan upang ilibot ko ang aking mata sa paligid. Tunay nga ang kaniyang sinambit. Baka kung may baril lamang ang mata nang mga kababaihan dito ay baka kanina pa akong nakaratay ngayon sa sahig.
Pero imbes na matakot ay umismid lamang ako sa mga ito. Sino sila upang akoy sindakin?
Di naman naglaon at bumalik na rin kaagad si Cypriano. Kunot noo pa akong nakatingin sa kaniyang habang naglalakad palapit sa gawin namin dahil sa tilay wala siyang ibang nakikita sa daan kundi tanging ako lamang.
"Tayo na at baka nagugutom na ang aking prinsesa," nakangiting komento nito na kinahagikgik ni Raquelita, samantalang ako ay napakunot noo nang muli siyang magsalita.
"Nais ko sanang ipakilala ka sa lahat bilang aking nag-iisang kapatid ngunit nabago ang aking pasya. Sa ngayon mas gusto muna kitang ipagdamot." Dagdag pa nito sabay kabig sa akin at tutok ang mata sa may likuran ko. Nagtataka naman akong lumingon sa parte iyon at aking napagtanto na ilang kalalakihan ang halos sabay-sabay nag-iwas tingin sa amin.
Bumuntong hininga muna ito bago hinawakan na ako sa braso hanggang sa sabay-sabay na kaming naglakad paalis. Subalit habang tinatahak namin ang pasilyo palabas ng hukuman, isang katanungan ang kanina pang gumugulo sa aking isipan,
Ganito ba talaga mag-alaga ang mga Kuya sa kanilang bunsong kapatid?
Mukhang simula ngayon kailangan ko na ring sanayin ang pagturing sa kaniyang Kuya at baka iba ang maisip kong kahulugan sa mga pinapakita niyang kilos at asal sa akin.
Tunay na kakaiba ang isang Cypriano de Luna at kung ikaw yung tipong mabuay, tiyak na lalagapak ka sa lupa kung bibigyan mo nang ibang kahulugan ang kaniyang ipinapakitang kilos sa iyo.
Por Diyos! Hindi lamang ang kaniyang mga mata ang nakakaligaw, maging ang kaniyang ugali at personalidad ay hindi ko rin maunawaan nang lubusan.
***
A/N:
Maligayang kaarawan sa ating pinakamamahal na Binibining Sinag :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro