Kabanata 13
Kapatid
“OO TAMA KA, ANG TINUTUKOY MONG IYONG KAPATID NA IBINILIN NOON SA AKIN NG IYONG YUMAONG INA AY DITO KO DINALA SA PALASYO. HINDI KO NA ITATANGGI NA ANG NOON PA MA’Y IYONG HINAHANAP NA KAPATID AY WALANG IBA KUNDI SI SENORITA MIRASOL!”
Ang lahat ng mata ay natuon sa akin, mga nagtataka at litong-lito sa mga narinig.
Natigilan ako at wala akong maramdaman, para akong namanhid sa narinig. Pero ang nakakatwa lamang ay sa kabila nang samu’t-saring bulungan sa paligid patungkol sa akin ay matatag pa rin ako’t taas noo. Kailanmay hindi ko hahayaan na maging mahina sa paningin ng mga taong ito lalo't wala naman silang alam.
“Aming mga minamahal na panauhin, kami’y humihingi ng paumanhin sa pagkaudlot na nangyari. Sa ngayon ay inaanyayahan na muna ang lahat para sa malaking pagsasalu-salo," anunsyo ni Don Gutierrez. Bagamat pinipilit nito na maunawaan ng lahat ang nais ipahiwatig ay naroon pa rin ang awtoridad.
“At mangyari sana na anuman inyong narinig ay wag munang mag-isip ng kung ano man ni maiparating sa iba lalo pa’t wala naman itong kasiguraduhan." dagdag nito sa naninindak na boses. Mukha naman tinablan ang karamihan pagkay nagsialisan. Nahuling umalis sina Dona Paciana kasama si Belinda na iiling-iling sa akin. Nang tuluyan nang makaalis ang lahat saka lamang ako ako napayuko. Batid ko na matapos ang araw na ito ay magkakaroon na ng malaking pagbabago ang takbo ng aking mundo.
“Señorita, mabuti pa’y tumungo muna kayo sa inyong silid at kami na lamang ang bahala sa mga panauhin. Wag kayong mag-aalala dahil sisiguraduhin namin na walalang maglalabas ng kahit na anong salita tungkol sa gabing ito.” paninigurado sa akin ni Don Gutierrez. Walang emosyon kong nilisan ang lugar na iyon na parang hindi alintana ang nangyari.
Hindi na ako lumabas pa ng aking silid. Batid ko na ang pagkawala ko sa harapan ng mga bisita ay mas lalo lamang magdudulot ng malakas na hinala sa lahat pero wala akong pakielam. Nasanay ako noon pa man na puros patuntyada at samu’t-saring masasamang pasaring ang sinasabi ng mga tao sa aking paligid at hindi rin lingid sa aking kaalaman na Binibining masama ang ugali ang tingin nila sa akin. Imbes na problemahin ang pinuputok ng kanilang butsi ay mas itinuon ko ang aking isip sa mga narinig mula kay Manang Pedring.
Hanggang ngayon nagpapaulit-ulit pa rin sa aking tenga ang kaniyang isinigaw. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Isang bagay ang aking hinihiling na sanay hindi totoo ang kaniyang mga sinabi...hindi at hindi talaga pwe-pwede!
Sa sobrang pag-iisip ko ng malalim di ko namalayan na malaya na palang nakapasok sa aking silid si Maya. Hindi ko matukoy kung ano ang tinatakbo ng isip nito habang titig na titig sa akin hanggang sa tuluyang nakalapit.
“Binibini, nakapagpalit na po pala kayo ng pantulog,” bungad nito. Walang emosyon ko na lamang itong binalingan. Pagkarating na pagkarating ko dito sa aking silid ay agad na akong nagbihis ng pantulog. Tutal wala na rin naman akong balak pang humarap pa sa mga taong mang-uusisa lamang sa aking buhay. “Kumsabagay tapos na rin naman po ang pagdiriwang at isa-isa na rin pong nagsisi-alisan ang mga panauhin.”
Mabuti naman at nagsi-alisan na silang lahat. Pero hindi na ako umaasa na mananahimik ang mga hitad nilang dila. Tiyak na kakati at kakati ang mga iyon na ipangangalandakan ang mga narinig.
“Sya nga po pala, naipasok na namin lahat ng inyong mga regalo, nais nyo po bang iakyat namin ito dito sa inyong silid?” tanong pa ulit nito na pilit pinapagaan ang usapin. Napadapo ang tingin ko sa lamesita kung saan nakapatong ang regalo sa akin ni Tiyo Ramon.
Umiling na lamang ako bilang sagot dito. “Hindi na Maya, dalhin mo na lamang sa bakanteng silid at kapag may oras bukas doon ko na lamang bubuksan ang lahat ng yun.” Tumango naman ito. batid ko na may nais pa itong sabihin kung kayat tinaasan ko siya ng kilay.
“Binibini...” nahihiya na nagdadalwang isip pa ito sa sasabihin.
“Sabihin mo na,” mariing wika ko.
“P-pinapatawag po kayo ng gobernador-heneral sa kaniyang silid.” muli may kung ano sa akin ang natigilan, pinakiramdaman ko pa ang aking sarili pero ang mabilis na pintig ng aking puso ay humahadlang sa sinabi nito. Hindi ako magpapa-impokrita may parte sa akin ngayon ang natatakot at kinakabahan lalo pa’t batid ko ang dahilan kung bakit ako pinapatawag nito. “Kasalukuyang kayo na lamang po ang hinihintay nila...”
“Nila?” tanong ko.
“Nandoon na po sina Ginoong Cypriano, Manang Pedring at maging ang mag-asawa ni Ginoong Marco at Binibining Raquelita.” napapikit ako na mariin.
“Pwede bang sabihin mo sa kanila na saka na lamang nila ako kausapin dahil masama ang aking pakiramdam?”
Isang dismayadong tingin ang ipinukol nito sa akin habang nag-iiling. “Binibini wag nyo po sanang mamasamin itong aking sasabihin. Pero sa aking palagay ay mas makabubuti kung haharapin ninyo ang problema hanggat maaga pa upang mabigyan agad ng solusyon. Batid ko po na noon pa may madami nang bumabagabag diyan sa inyong isipan na pilit ninyong hinahanap ang kasagutan.” nanlaki ang aking mata at napaawang ang aking labi, wala kong maiusal na sasabihin sa kaniya. Sa huli aking napagtanto na wala nga naman akong mahihita kung pilit kong iiwasang harapin ang isang problema.
Pagkarating sa opisina si Tiyo agad ang aking nabungaran nakaupo ito sa kabisera. Mukha sa unang pagkakataon gagamitin niya ang mahabang lamesa na ito nang hindi mga opisyales ng real audiencia ang kaharap. Napahinga na lamang ako ng malalim at naupo sa bakanteng upuan sa kanang tabi ni Tiyo.
Isang walang emosyong tingin ang ipinukol ko sa katapat kong si Cypriano habang isang naninindak na tingin naman ang ipinukol ko sa katabi nitong si Manang Pedring. Naluluha itong yumuko at hindi matagalan ang aking masamang titig sa kaniya.
Nagngingit sa galit ang aking kalooban. Ilang beses ko siyang tinanong, nagbabaka-sakali sa mumong impormasyon na pilit niyang iginiit at itanggi sa akin tapos ngayon, maririnig ko mula sa kaniya ang mga salitang ni sa hinuha ko ay hindi ko inakalang posibleng mangyari. Hindi ko matanggap na nang dahil sa kaniya malalagay ako sa kahihiyan, ang aking pagkataong pinoprotektahan nina Ama at Ina noon na siyang pinangangalagaan pa rin magpa-hanggang ngayon ni Tiyo Ramon ay tuluyan niya sinira…ang buhay ko sa isang iglap ay mababago lahat nang ito ay dahil sa kaniyang pasabog.
Nahimasmasan lamang ako nang maramdaman ko ang pagratig sa akin ni Raquelita. Hindi ko napansin na lumipat pala ito ng pwesto at imbes na tabihan ang asawa ay mas pinili nitong tabihan ako.
“No estoy contento con lo que acaba de suceder. ¡Esta conmoción que acaba de arruinar toda la fiesta!
(Sobra akong nadismaya sa nga nangyari. Ang komosyon itong sumira sa ating pagdiriwang!)” panimula ni Tiyo. Dismayadong-dismayado ito at hindi rin maipagkakaila ang galit sa tono nito. Napahilot pa ito sa sentido bago muling nagsalita.
"Ahora amablemente me ilumina, ¿cómo el infierno resulta de esta manera? Y usted Pedricia, tenemos la búsqueda de todos ustedes una y otra vez..No me diga que ha vuelto sólo para este maldito espectáculo? ¡Estoy seguro de que no me importa cortarse la garganta si he probado que todo lo que ha dicho es sólo una mentira! Su lío con una persona equivocada.
(Ngayon, maari ba ninyong liwanagin sa akin ang lahat? At ikaw Pedricia, ponahanap ka pa naman kita king saan-saan. Wag mong sabihing nagbalik ka para lamang sirain ang kasiyahan? Sinasabi ko sa iyo, hindi ako mangingiming ipagilit ang iyong lalamunan oras na malaman kong ikaw ay nagsisinungaling lamang! Maling tao ang kinakalaban mo.)"
Kailanmay kalmado at pasensyoso sa lahat si Tiyo pero kapag nagalit ito, lahat ng klaseng nakakatakot nab anta ay sa kaniya mo maririnig. At kapag sinabi niya, ginagawa niya.
Bumalatay ang halong takot at pangamba sa mukha ni Manang Pedring, nangangatal na rin itong tumatangis.
“Simplemente te pones en peligro. Usted causó demasiado daño, especialmente en el nombre de mi sobrina. ¡y no puedo perdonarte por eso!
(Nilagay mo sa kapahamakan ang iyong buhay. Malaki ang sinira mo at hinding-hindi ko mapapatawad kung pati pangalan ng aking pamangkin ay sisirain mo lamang!)"
Halos hindi na makahinga si Manang Pedring at namumutla na rin ang mukha nitong humarap kay Tiyo. Agad naman tumayo si Marco at kalaunay binigyan ng tubig ang matanda.
Hindi ko naiwasan ang mapatda sa aking kinauupuan dahil sa matinding paninitig ni Cypriano sa akin. Kung dati malamang nairapan ko na ito o di kayay naismiran na ngunit ngayon wala akong lakas na gawin iyon, sa unang pagkakataon ako ang nag-iwas tingin.
“Ahora dime Cypriano, ¿qué pasó? Aclararme las cosas antes de que mi mente sea devorada por la ira.
(Cypriano, anong nangyari? Mangyaring sabihin ninyo sa akin ang lahat ng inyong nalalaman bago pa ako maunahan ng labis na galit.)” ma-awtoridad na baling ni Tiyo kay Cyrpiano. Muli na naman itong bumaling sa akin bago ikinwento kay Tiyo ang buong pangyayari.
Ayon sa kaniya, kasalukuyang abala ang lahat nang mapansin niya si Manang Pedring na pumupuslit patungo sa kanilang kwartel. Akala pa nga daw niya nung una ay tulisan kaya’t di sya nag-alilangan na hulihin ito pero di niya inaasahan na si Manang Pedring na pala ito, kaya’t agad na niya itong kinompronta. Yun nga lang ang hindi niya inaasahan ay maririnig namin lahat ang kanilang pinag-uusapan.
Sandaling katahimikan ang nanaig nang matapos ang kwento nito. pilit pinapakalma ni Tiyo ang kaniyang sarili bago taimtim na tinitigan si Manang Pedring.
“Dime Pedring, ¿es cierto?
(Sabihin mo sakin Pedring...totoo ba ito?)" isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan nito bago nagpatuloy.
“¡Nunca te perdonaré si no estás diciendo la verdad! Le ordeno que nos cuente toda la historia. ¡Cómo es que dijiste que mi sobrina es la hermana del cipriano!
(Walang kapatawaran kung ikaw ay hindi magsasabi ng katotohanan! Inuutusan kita na sabihin lahat ng iyong nalalaman. Paano nangyari at nasabi mong ang aking pamangkin ay ang siya ring kapatid ni Cypriano?)"
Napamaang ako atitinuon na lamang ang buong pansin kay Manang Pedring. Natigilan ito sa pagluha bago nagapalipat-lipat sa amin dalawa ni Cypriano ang kaniyang tingin.
“T-totoo po lahat ng inyong narinig...” tugon nito dahilan ng upang akoy mapalupaypay.
Hinagod ni Raquelita ang aking likod habang si Tiyo ay napahilamos ng kamay sa kaniyang mukha.
Hindi ba’t ang tagal ko nang iniantay at inasam-asam na malaman ang aking totoong pagkatao pero bakit ngayon eto na ang kasagutan ay hindi ko pa rin maramdamn na ako'y masaya? Marahil hirap talaga akong tanggapin ang katotohanan dahil hindi kaagad ito sa akin ipinagtapat noon ni Manang Pedring. Hindi ko kinaya at mabilis akong tumayo't nagmamadaling nilisan ang opisina ni Tiyo.
Ang isip ko'y litong-lito at di malaman ang gagawin. Pakiramdam ko bigla naman akong naligaw sa buhay na dapat aki’y tatahakin. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, paanong nangyari si Cypriano pa ang aking naging kapatid? Bakit sa taong higit kong kina-iinisan sa lahat? BAKIT?? INAANO KO BA ANG LETSENG TADHANA NA IYAN AT GANITO PAGLARUAN ANG AKING BUHAY?
Sa aking silid ako dumiretso at kinandadong mabuti ang pintuan. Sa balkonahe ako tumambay kung saan malaya kong nakikita ang maliwanag at bilog na bilog na buwan. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Bakit ba ganito ang buhay? Sobrang komplikado.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan mula sa kabilang kwarto, aalis na sana ako nang magsalita na ito.
“Sa edad na 5 taon naging ulila na ako. Pinatay sa aking mismong harapan ng mga tulisan ang aking ama. Kahit nag-aagaw buhay na, pinilit ako ni Ama na kaagad umuwi ng bahay dahil nag-aalala siya para kay Ina lalo na’t buntis ito. Takot na takot ako noon at litong-lito kung ano ba dapat ang gagawin pero hanggang sa kahuli-hulihang hininga ni Ama, hiniling niya sa akin na iligtas si Ina. Masakit sa akin na basta na lamang siyang iwan pero wala na akong ibang pagpipilian, ang aking Ina na lamang ang natitira sa akin. Ngunit nang makabalik ako sa aming mansion, gayon na lamang ang muling takot na bumalot sa akin. Ang buong bahay magulo at napupuno ng dugo mula sa aming mga kasambahay. Pinag siniklaban ng takot at pangamba ang aking puso pero huli na, tumambad sa aking harapan ang duguan katawan ni Ina. Nung mga oras na iyon hindi ko na alam ang aking gagawin. Ang aking ama na kanina ko lamang kasama, sa isang iglap nawala sa akin at ngayon ang aking ina ay nag-aagaaw buhay na rin nang aking balikan. Parang gusto ko na lang din magpakamatay nun para makasama ko na sila pero ang huling pakiusap at salita ni Ina ang muli kong pinagkapitan ng lakas. Ayon sa kaniya matagumpay siyang nakapanganak bago sila pasukin ng mga tulisan at isang babae ang kaniyang isinilang na ipinagkatiwala niya sa aming mayordoma.”
Ramdam na ramdam ko ang sakit at pangungulila sa bawat salitang ibinabahagi ngayon sa akin ni Cypriano. Batid ko rin na anumang oras ay luluha na ito at sa isiping ayaw niyang may nakakakita sa kaniyang luha ay mas pinili ko na lamang na titigan ang buwan.
“Pero hindi ako pinalad dahil huli na at hindi ko na natagpuan pa ang matandang mayordoma na sinasabi ni Ina kasama ng aking kapatid.” dagdag pa nito. Mula sa gilid ng aking mata kitang-kita ko ang pagyuko nito kasabay ng pagpupunas ng luha.
“P-paano ka nabuhay kung sa murang edad, ikay naulila?” nauutal na tanong ko.
“Si Heneral Fredrico de la Serna, siya ang nag-imbestiga sa nangyari sa aming mansion at siya rin ang nakatuklas sa akin. Tinulungan niya akong hanapin ang iba ko pang kamag-anakan at siya rin ang nagmagandang loob na pahiramin ako ng salapi upang makabalik ako ng Espanya,” tugon nito. “Sa Espanya ako lumaki, sa tulong ng aking mga lolo at lola nakapagtapos ako ng pag-aaral. At ipinangako ko rin sa aking sarili na magiging isa akong abogado at babalik ako ng Pilipinas upang kunin ang hustiyang nararapat para sa aking mga magulang at sa aming pamilya na kanilang sinira!” ang kaninang malungkot na tinig nito ay napaltan ng galit. Doon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na siya'y tingnan.
“At isa paring dahilan nang pagbalik ko dito ay upang mahanap na ang aking kapatid na matagal nang nawalay sa akin,” bigla namang lumambot ang ekspresyon nito nang magtama ang mata namin. “Hindi ko akalain na matagal ko na pala siyang natagpuan at sinong mag-aakala na ang babaeng magpapakamatay sa barko na pala ang matagal ko nang hinahanap na kapatid?”
Nalumod ko ang sariling laway. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi pa pinahintulutan ng Diyos na lisanin ko ang mundong ibabaw? Hindi ko akalain na ang taong sumagip sa akin, si Cypriano na aking kinaiinisan ay posibleng aking kapatid…
Naluluha akong nag-iwas tingin. "Wala pa naman kasiguraduhan na ako nga ang iyong totoong kapatid.” pagtanggi ko.
“Nakausap ko ang gobernador-heneral, inamin niya sa akin na ika’y hindi totoong anak ng kaniyang yumaong kapatid. Sinabi rin niya sa akin na totoo ngang natagpuan ka lamang ng iyong Ama sa harapan ng palasyo.”
Doon na lumandas ang luha sa aking pisngi. Hindi ko matanggap pero heto na ang katotohanang sumasampal sa aking mukha.
“Alam kong mahirap tanggapin lalo pa’t hindi naging maganda ang unang pakikitungo natin sa isa’t-isa. Pero sana’y wag mong isarado ang iyong pintuan para sa akin. Ang tagal kong hinintay na ika'y masilayan, mayakap at maalagaan man lang. Sanay bigyan mo ako ng pagkakataon iyong maging Kuya, Maria Concordia.” huling wika nito bago pumasok na ulit sa kaniyang silid. Naiwan akong nakatunganga sa pintuang nagsara. Sa di malamang kadahilanan, parang hinaplos ang aking puso sa mga salitang binitawan ni Cypriano.
Maria Concordia…
Marahil ay iyon ang ngalan ng kaniyang nawalay na kapatid at marahil iyon ang aking totoong ngalan.
Mahirap tanggapin pero eto na ang pruweba sa aking harapan. Hiniling ko ito sa Diyos at ngayon marapat lamang na ito'y aking lubusang tanggapin dahil ito rin mismo ang katotohanan. Hindi ko lang talaga sukat-akalain na sa dinami-rami ng tao sa mundo, na siya na pala ang pamilyang matagal ko nang hinahanap. Kapwa lamang kaming naghahanapan sa isa’t-isa at nagkatagpo sa di inaasahang pagkakataon at di kaaya-ayang tagpo.
Pero kaya ko ba siyang tawaging Kuya? Buong buhay ko ay wala akong naging kapatid kaya pakiramdam ko ay kapwa kaming mangangapa sa aming magiging sitwasyon parehas.
Hindi maganda ang aking gising kinabukasan, daig ko pa ang nagpakalulong sa alak dahil sa sakit ng aking ulo. Hindi rin kasi ako nakatulog ng husay dahil sa sobrang pag-iisip. Ilang beses kong pinag-isipang mabuti at tinimbang kung ano ang dapat gawin.
Nalaman ko mula kay Maya na umalis daw kanina si Tiyo at maging si Cypriano rin daw ay maagang umalis. Kaya naman nag-iwan na lamang ako ng sulat sa opisina ni Tiyo bago umalis patungong simbahan. Nais kong kausapin sina Madre Virginia o kung hindi man ay di ako magda-dalwang-isip na puntahan si Madre Delia sa kumbento, sila lamang ang higit kong pinagkakatiwalaan na maaaring magbigay ng maayos na payo sa akin.
“Ano?! Yung taong ikine-kwento mo sa akin na iyong kina-aasaran ay siyang iyong kapatid!?” hindi makapaniwalang tanong ni Remedios. Sobrang laki rin ng mata nito na akala moy lalabas na ang kaniyang balintatao sa gulat.
“Oo nga Remedios. Kaya sana’y nandito si Madre Virginia dahil nais ko siyang makausap." tugon ko.
“Naku, e wala sila ngayon. Nagtungo sila nung isang araw sa Kalilaya dahil susunduin na daw ni Madre Delia ang kaniyang pamangkin na si Hermana Flordeliza para dito na rin daw madestino sa Maynila,” tugon nito na ikinapanlumo ko.
Agad namang kinuha ni Remedios ang isang upuan at doon ako pinaupo, tumabi naman ito sa akin. “Mirasol, nandito naman ako. Maaari mo akong sabihan at tinitiyak ko na ako'y iyong mapagkakatiwalaan. Kung sakali man hindi, narito ako para makinig sa iyo,”
Ikinwento ko ang lahat dito at maging ang aking sama ng loob ay naibahagi ko rin sa kaniya. “Litong-lito na ako Remedios, nung huling punta ko rito, hinihiling ko na sana mabigyan ako kahit mumong impormasyon tungkol sa aking totoong pagkatao pero ngayong nandito na, may parte sa akin ang nabibigla at hirap na basta na lamang akapin ang katotohanan,” Naisabunot ko na lamang ang aking kamay sa aking buhok. “Hindi ko magawang paniwalaan si Manang Pedring dahil nung una ay panay ang pagtanggi niya sa akin. Paano ko magagawang paniwalaan ang lahat nang ito?!” naguguluhang tanong ko.
“Alam mo kung bakit hindi mo magawang paniwalaan ang sinabi niya? Kasi takot ka nang magtiwala at dahil jan sa takot na iyan, kung kaya’t hirap ka naring tumanggap ng mga taong nagtatangkang pumasok diyan sa buhay mo.” Natigilan ako at bigalng napatulala sa kaniya. Hindi ko maipagkakaila na ako'y tinamaan sa kaniyang mga sinambit.
“Paano mo malalaman ang kasagutan kung hindi mo susubukang alamin ang katotohanan? Ikaw na rin ang nagsabi na ang tagal mong hinintay ang pagkakataon na may malamang kang impormasyon tungkol sa iyong pagkatao, ngayong narito na, ano pa ba ang humahadlang sa iyo? Mas mahirap mabuhay kung hahayaan mong lamunin ka na lamang ng takot diyan sa iyong puso. Sa muling pagkakataon sumugal ka Mirasol, oo masakit masaktan pero hindi ba’t ang itinuro sa ating ng Panginoong Hesus Kristo ay parte ng buhay ang pasakit at masaktan pero hindi ibig sabihin nun ay pababayaan ka niya. Manalig at magtiwala ka Mirasol, kung ang Panginoon nga na batid na niyang siya'y magbabata ng hirap at pasakit ay tinanggap pa niya ito ng lubusan, tayo pa kayang tao? Lahat ng nagmamahal ay nasasaktan para lamang sa kaniyang minamahal. Hindi ka tao kung hindi ka marunong magmahal.”
Tumatak sa aking isipan ang mga sinabi ni Hermana Remedios. Tama siya, walang mangyayari kung ganito na lamang ako. Ang tagal kong hinintay at buong buhay ko naging malaking katanungan ang tungkol sa aking pagkatao. Ngayon pa ba ako papakain sa aking takot? Pero sana lang sa pagkakataong ito, makiayon naman sa akin ang tadhana.
Sakay na ako ng kalesa pabalik sa palasyo nang maulinigan ko ang dalawang tsismosang babaeng nag-uusap sa may labasan ng simbahan. May mga hawak itong sampaguita na nakatuhog sa sinulid, malamang ay kanilang ibinebenta. “Iyo bang naulinigan ang usap-usapan? Ang pamangkin daw ng gobernador-heneral ay huwad!”
Bigla kong pinigilan ang kutsero sa tangkang pagpapatakbo ng kalesa. Ipinagpatuloy ko ang pakikinig sa mga tsismosa.
“Ha! Paano naman nangyari iyon gayong ayon sa aking pagkakaalam ay lumaki ang batang iyon sa España at dinala lamang dito ng gobernador-heneral nang siya'y mahalal na mamumuno rito sa ating bansa?”
Di ko napigilan ang mapataas kilay, hanggang saaan ba ang kanilang nalalaman tungkol sa akin?
“Basta, sinabi sa akin ng aking anak ang kwentong ito dahil ang kaniya daw amo iyon ang pinag-uusapan kagabi pagkabalik galing sa palasyo at nagdiwang pala ang pamangkin ng gobernador-heneral ng kaniyang kaarawan sa palasyo ng Malacañang.” Dagdag pa ng isa. Sobra-sobra ang aking pagpipigil na huwag gilitan ng leeg ang mga tsismosang ito. Akala ko ba ay ginawan na ni Don Gutierrez ng paraan upang hindi kumalat ang balitang ito? Sinasabi ko na nga bat hindi mapagkakatiwalaan ang makakating dila ng mga tao!
“E kung ganoon hindi naman pala talaga totoong pamangkin ng gobernador-heneral ang Mirasol na iyon! Natatakot pa naman ako sa kaniya dahil balita ko’y masyadong metikulosa at pranka kung magsalita ang isang yun. Yun na man pala’y wala sa hulog ang ugali. Naku!” tilay nagpantig ang aking tenga sa sinabi ng Aleng iyon. Akma na sana akong susugod ng pigilan ako ng kutsero. Sandali din naman akong natigilan at napagtanto na bakit ko nga ba ibaba ang aking sarili sa mga katulad nilang tsisimosang ang alam lang naman ay bumutaktak nang walang sapat na batayan ang sinasabi?
Umayos ako ng pagkakaupo bago inutusan na lamang ang kutsero na bilisan ang pagpapatakbo nang makauwi na kami kaaagad sa palasyo bago ko pa matandaan ang pagmumukha ng mga babaeng iyon at magantihan ng wala sa oras kapag sinapian ako ng kadiliman.
Pagbkabalik, ang saya lang ng mga naulinigan kong pinag-uusapan ng mga kasambahay. Sa sobrang tuwa ko ay ngali-ngali kong ipagbabato sa kanila ang sibuyas na dapat ay kanilang tinatalupan at ginagayat na.
“Naku bakit hinayaan mo naman na umalis si Señorita Mirasol, Maya? Alam mo naman na kabilin-bilinan ng gobernador-heneral na wag na wag palalabasin iyon ng bahay habang hindi pa nila nalilinis ang kumakalat na balita,” nag-aalalang wika ng isang matandang kasambahay. Hindi ko na matandaan ang pangalan nito kung kayat hinintay ko ang isasagot ni Maya sa kaniya.
“E Aling Pacing, paano ko mapipigilan ang Binibini gayong buo na ang kaniyang desisyon?” nag-aalalang tanong nito.
“Paano kapag nalaman ng Señorita na kalat na sa buong lungsod ang tungkol sa kaniyang pagkatao? Tiyak na hindi niya ito magugustuhan.” Aniya pa nung babaeng tinawag ni Mayang, Aling Pacing. Doon na ako pumasok sa usapan.
“Talaga hindi ko magugustuhan lalo na yung matabil na dilang nagpakalat ng tungkol sa akin!”
Sabay-sabay na nagyukuan ang mga kasambahay na nakakita sa akin.
“O bakit bigla kayong natahimik? Nalumod niyo ba ang inyong sariling dila?” nagtitimping tanong ko.
“Binibini..." natatakot na wika sa akin ni Maya. Huminga ako ng malalim bago tinalikuran na lamang sila. Oras na makilala ko kung sino mang mapangahas na nagpakalat ng balita tungkol kagabi, hindi ako magdadalwang isip na ipaputol ang kaniyang makating dila!
Buong magdamag akong nagkulong na lamang sa aking silid. Naasar ako dahil hindi man lamang ako magawang kausapin ni harapin ni Tiyo at ngayon maging si Cypriano ay hindi ko man lamang nakita simula pa kanina at siguro hindi pa rin ito nakakabalik hanggang ngayon. Kesa sayangin ang oras sa paghiga sa aking silid, pinili ko na lamang na bumaba at magtungo sa hardinan. Kahit papaano ang mga bulaklak na nakatanim dito ay nakakapag-pagaan sa aking loob.
“Binibining Mirasol,” Napatingin ako kay Marco kasama si Raquelita na papalapit ngayon sa akin. Si Raquelita ang naupo sa aking tabi habang nanatili lamang nakatayo sa aming tapat si Marco.
“Bakit kayo narito?” tanong ko. Magtatakip-silim na rin.
“Upang ika’y aming kamustahin,” sagot ni Raquelita.
“Nasa punto ako ng buhay ko na malalim ang iniisip na sobrang lalim hindi na ako natatakot na malunod sa problema kung sakali mang hindi umayon naman sa akin ang bagay-bagay.” patalinghangga kong wika, natawa na lamang ako sa hitsura ni Raquelita na parang naging palaisipan talaga sa kaniya ang aking sinabi.
“Sa totoo lang mapalad ka Binibini dahil ikaw pala ang kapatid na matagal ng hinahanap ni Yano. Matagal na rin siyang nananabik na ikay kaniyang masilayan, aking natitiyak na simula ngayon asahan mo na mayroon ka nang Kuyang aagapay sa iyo anut’-ano pa man ang mangyari,” nakangiting panayam ni Marco, tumango ako at ngumiti nang bahagya sa kaniya.
Naimahe ko bigla ang seryoso at hindi maitsurahang mukha ni Cypriano at kasama na roon ang pagtawag ko rito ng ‘Kuya’. Di ko naiwasang mapangiwi sa iniisip.
“Anong hitsura yan Mirasol?” panirang tanong sa akin ni Raquelita at nakaturo pa sa mukha kong nakangiwi. Isang matinding irap ang ginawad ko rito.
“Pero seryoso, tama si Marco, swerte ka at kapatid mo ang isang gaya ni Ginoong Cypriano. Alam mo ba na pagkabalik na pagkabalik pa lamang nun dito sa Pilipinas ay todo kayod na kaagad sa pagtra-trabaho kasabay nang paghahanap sa iyo? Gusto raw niya kasi ibigay ang sariwang buhay para sa kaniyang pinakamamahal na kapatid oras na matagpuan na niya ito.” dagdag pa nito habang nakangiti ng malawak sa akin. Saglit lang din at napaltan ng ngisi ang mukha nito. "Yun nga lang ang higit na naapektuhan dito ay ang gobernador-heneral, alam mo ba na kung hindi dahil sa naganap na senaryo baka naanunsyo na ng iyong Tiyo si Cypriano bilang iyong mapapangasawa?”
Nagtataka naman akong tumingin kay Marco at natatawa rin itong tumango sa akin. Hindi ko napigilan ang mapanganga habang kunot noo. Seryoso ba sila jan? Oo nga't may mahalagang anunsyo si Tiyo tungkol sa napili niyang Ginoo na dapat aki'y mapapangasawa na naputol lamang dahil sa malakas na sigaw ni Manang Pedring…
Kung ganoon, ibig sabihin si Cypriano dapat ang kaniyang ipapakilala bilang Ginoong aking pakaksalan? Mas lalo yatang hindi iyon katanggap-tanggap sa akin! Ano bang mayroon diyan kay Cypriano kung hindi ko kapatid, nakalaan naman na maging aking asawa! Porque No!
Araw ng Linggo, kasama ko sina Raquelita at Marco sa pagsimba. Hanggang ngayon mukot pa rin ang aking mukha dahil pakiramdam ko ay biglaang iniiwasan ako ni Tiyo samantalang si Cypriano, ay hindi raw umuwi sa palasyo kahapon. Hindi ko alam kung anong meron pero naasar ako kasi pakiramdam ko, may hindi ako nalalaman!
Matapos ang misa, naisin ko mang ipasyal ang mag-asawa ngunit wala naman akong ganang maglalayas lalo pa’t ang mga mata nang tao ay nakatutok lahat sa akin na akala mo’y sinisiraan na ako sa kanilang mga isipan. Kesa magsayang ng oras sa kakaproblema sa kanila ay umuwi na lamang kami.
Pagkauwi, pupuntahan ko sana si Tiyo sa opisina nang marinig ko sa aking likuran si Mayang nagsalita. “Binibini, may mga bisita po kayo sa baba. Makikisabi na rin po sana sa gobernador-heneral na narito sina Don Serio at Don Alano kasama ang kanilang mga pamilya.”
Napapikit na lamang ako ng mariin. Ano na naman ba ang kailangan ng mga ito sa amin at kung kailan alam naman na may problema saka dadali ng pagbisita.
Wala rin naman akong nagawa kundi pumasok sa opisina at sabihin kay Tiyo na narito ang kaniyang mga kaibigang taga-Real Audiencia. Bakas sa mukha nito na hindi rin nais sana munang harapin ang mga ito pero bilang kaibigan, ay napilitan na rin itong babain ang mga panauhin.
“Buenos días Gobernador General y también a usted, Senorita Mirasol"
(Magandang araw sa inyo oinakamamahal naming Gobernador-heneral at sa iyo rin, Señorita Mirasol,)" nakangiting bati nila at pagkay nagbigay galang. Walang reaksyon kong minasdan ang mga ito at natapon ang mata ko kina Dona Paciana at Belinda na may kakaibang ngisi sa labi. Bakas sa mga itsura nila na parang nais nila akong pamukhaan. Batid ko naman kung bakit pero pasensya sila, hindi ako papatinag dahil totoo man akong pamangkin ni Tiyo o hindi, ako pa rin si Mira Solana Rodriguez y Erenas.
Dumapo naman ang aking mata kay Primitivo na kanina pang nakangiti sa akin pero di katulad dati, hindi na ito pinipilit pa ng kaniyang amang si Don Alano na lumapit-lapit sa akin. Nakakatwa lamang na sa Isang iglap kay bilis ding magbago ng pakikitungo nila sa akin. Ngayon lumalabas ang totoong kulay ng mga hangal na tao. Napairap na lamang ako ng matindi at saktong dumapo ang mata ko kay Maristella na abalang-abala sa pakiipag-usap kay Cypriano. Di naman sila kalayuan sa amin pero mukha talagang may sarili silang mundo at dahil dun isang pagtikhim ang aking pinakawalan na saka lamang nilang ikinatinag na dalawa. Nakangiting lumapit sa akin si Cypriano samantalang mahinhing bumati sa akin si Maristella.
Binalik ko na lamang ang atensyon kay Tiyo Ramon na kung saan abala na palang kausap sina Don Alano, Don Serio at maging si Donya Paciana.
“Kamusta ang pagsimba Sinag?” nakangiting tanong sa aking tabi ni Cypriano, ang nakataas kong kilay ay napakunot na bumaling sa kaniya. Hindi siya sumama sa amin sa pagsimba tapos ngayon maabutan ko siyang kausap lamang si Maristella na balak yatang magpakahinhin habambuhay.
Tatarayan ko sana ito gaya dati pero bigla kong naisip na iba na nga pala sitwasyon ngayon. “Maayos naman. Sayang lang at hindi ka nakasama” naiilang na tugon ko. Mukha naghihintay pa ito ng kasunod kong sasabihin o itatawag sa kaniya pero sa halip, nag-isip na lamang ako ng ibang maiitanong sa kaniya. “Mukhang gayon ka na lamang kaabala at hindi ka tuloy namin naisama sa pagsimba kanina. At sobrang malapit pala kayo ni Maristella?” pormal na tanong ko at tiningnan na lamang si Maristella na kausap na ang pinsang si Belinda.
“Nagtungo ako sa Real Audiencia at may inayos akong dokumento.” Tugon nito. “At oo, noon ko pa kilala si Maristella.”
Oo nga pala, nasabi na nila sa akin noon na nagkakilala sila sa Europa.
“Hindi ko lamang inaasahan na ganiyan kayo kalapit sa isa’t-isa,” ani ko pa. At dahil na kay Maristella pa rin ang mata ko kung kayat napatingin din ito sa gawin namin. Nang mapansin na kapwa kaming nakatingin sa kaniya ay mahinhing itong ngumiti bago itinaklob ang abaniko sa kaniyang mukha.
Ilang oras ko ring tiniis ang mga pekeng taong panauhin ni Tiyo, kaya nga nung matapos ang tanghalian ay nagkusa na akong lumabas dahil nakakasungasok ang hangin dala nila. Malakas ang kutob ko na naparito lamang sila para makisagap ng balita. Tss.
“Bakit nandito ka sa labas Binibini?” tanong sa akin ni Primitivo. Malakas ang kutob ko na sinundan talaga ako nito rito.
“Kailangan kong lumanghap ng sariwang hangin dahil nakakasungasok ang hanging dulot sa loob ng palasyo.” pasaring na tugon ko. Natatawa naman itong napailing-iling sa akin.
“Sanay hindi mo masamain ang pagsunod ko rito sa iyo. Gaya mo ay ayaw ko lang din ng nakakasungasok na kapaligiran.”
Kinilatis kong mabuti kung nagsasabi nga ito ng katotohanan at mukhang hindi naman sya namana sa pamilya niyang mapagbalatkayo. Natatawa akong naglipat na lamang ng tingin sa kapaligiran.
“Binibini wag mo sanang mamasamain ngunit ano ang pakiramdam nang malaya, yung tipong kahit anong sabihin ng iba ang mahalaga ay batid na nila kung ano at sino ka ba talaga?” biglaang tanong nito na nagpabalik ng aking tingin sa kaniya.
“Bakit, hindi ka na ba masaya sa pagtatago?” diretsahang tanong ko at kitang-kita ko ang pagkabigla sa hitsura niya.
“A-alam mo?” nagugulantang na tanong nito.
Nakangisi akong tumango. “Ramdam ko,”
Napaawang ang mga labi nito at ilang segundong hindi makapaniwalang nakatitig sa akin bago bumuntong hininga. “P-pwede ba akong magpakatotoo sa harapan mo?” nahihiyang tanong nito.
“Bakit sa harapan ko lang, kung pwede naman sa harapan ng lahat?”
Isang malawak na ngiti ang ginawad nito sa akin. “Sa ngayon kahit sa harapan mo muna ako magpakatotoo,” sambit nito at bahagyang lumambot ang tindigan at naging malamya ang tono ng boses. “Salamat Binibini dahil hinayaan mo akong ipakita sa iyo ang totoong ako nang hindi hinuhusgahan.”
“Mas gusto ko yung taong nagpapakatotoo sa sarili kesa sa mga taong mapagbalat-kayo dahil kalimitan sa mga ito ay may ibang pakay lingid sa kalaaman ng lahat.”
“Sa totoo lang Binibini hati ang aking nararamdaman ngayon. Noon natatakot ako na ihanap ako ni ama nang mapapangasawa, natatakot ako na hindi ako magustuhan ng sinumang Binibini oras na malaman nila ang totoo kong pagkatao pero ngayon na batid kong iba ka sa lahat, ikaw kaya mo akong tanggapin bilang ako nang walang hinihinging kapalit...” malungkot na wika nito.
“Primitivo, sa ilang milyong tao sa mundo imposible mang lahat ni kalahati sa mga ito ang tumanggap sa iyo ngunit may isang kakayaning umakap sa totoo mong pagkatao. Ang kailangan mo lamang gawin at hinitayin siya at syempre magpakatotoo ka sa kung ano ang tunay mong nararamdaman.”
Sino ako upang husgahan siya? Noon pa man batid ko na talaga na may malambot siyang pagkatao at noon pa man ay nararamdaman ko na na iba ang hilig niya kesa sa ibang mga kalalakihan. Basta para sa akin, hanggat wala ka namang natatapakang tao, niyuyurakang kapwa, bakit ka mahihiya sa totoo mong pagkatao? Basta alam mo ang iyong limitasyon at wag naman sanang pupunta sa puntong kahit alam mo ang mali ay ipagpipilitan mong tama dahil sa iyon ang iyong kagustuhan. Sa mundong ito lahat tayo ay hindi perpekto kaya’t marapat lamang na unawain ang damdamin ng isa’t-isa.
Buong maghapon ay tumambay na lamang ako sa may teresa at nagsulat nang kung anu-ano sa aking kwaderno na kulang nalang maging talaarawan na dahil nitong nagdaang araw ay puro kwento tungkol sa pangyayari sa aking buhay ang naiisulat ko dito imbes na tula at liriko lamang ng kanta.
Nang magsawa at tutal nagtatakip-silim na rin ay napagdesisyunan kong bumalik na sa aking silid. Kaso agad din akong natigilan nang naabutan ko itong bukas na bukas. Walang sinumang mapangahas ang maaaring pumasok na lamang basta sa aking silid!
Galit na galit akong sumugod at pumasok ngunit agad din akong natigilan dahil napansin ko sina Maya at ang dalawang kaedadan lang din niyang kasambahay na kasalukuyang ini-empake ang aking mga gamit.
“Anong nangyayari rito at bakit ninyo ini-empake ang mga gamit ko!?” galit na tanong ko. Agad natigil ang mga ito sa ginagawa at napatayo sa gulat sa akin. “Sagutin ninyo ako!”
Si Maya ang nakayukong lumapit sa akin. “Binibini, kami po ay napag-utusan lamang ng gobernador-heneral na iempake ang inyong mga gamit,” nangangatal na paliwanag nito.
Ayun na! Hindi na ako nakapagtimpi at daling lumabas ng silid at tinahak ang opisina ni Tiyo ngunit mas lalo yata akong sasabog sa galit nang sumalubong sa akin ang kabit.
“Akalain mo nga naman, buhay ka pa pala at hindi ka pa napapatalsik sa palasyong ito?” nanggagalaiting bungad ko pero ang kerida nakangisi pang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kapag ako naasar hindi ako mag-aatubiling ipukpok sa lawlaw nyang nguso itong aking bakyang suot. Nanghihinayang lamang ako dahil galing pa itong Italya at sayang kung sa kaniya ko lamang ipupokpok.
“Ha, pero sa sitwasyon natin ngayon mukhang ikaw ang mapapatalsik dito sa palasyo.” lakas loob na tuwiran nito. Akma ko na sanang hahablutin ang buhok nito nang maulinigan ko ang boses ni Tiyo sa loob ng opisina na parang may kausap. Imbes na pagtuunan pa ito nang pansin ay malakas ko itong tinabig at bahagya pang matumba dahil sa aking ginawa. Narinig ko ang mahinang mura nito at akma pa sanang susugod, nang duruin ko ito.
“Subukan mo akong saktan, hindi ako mangingiming ihadhad yang makati mong mukha sa pader. Makulong man ako, mayroon naman akong abogadong magtatanggol sa akin!” banta ko sa nanlilisik na mata na siya ring kinatigil nito. Nagpupuyos pa rin ako sa galit na pumasok ng opisina. Naabutan ko sina Tiyo Ramon, Don Gutierrez at Cypriano na taimtim na nag-uusap. Natigil lamang sila nang makita akong pumasok.
Halos sabay na tumayo sa kinauupuan sina Don Gutierrez at Cypriano pero hindi ko sila pinansin sa halip diretso akong tumayo sa harapan ni Tiyo Ramon. Naluluha akong tumingin dito.
"¿Por qué me estás haciendo esto tío? ¿No quieres que me quede más aquí contigo?
(Bakit mo ito ginagawa sa akin Tiyo. Ayaw mo na ba akong makasama pa rito?)" naghihinakit na tanong ko. Nanatili ang seryosong mukha nito, bagay na mas lalong kinalulungkot ko. Napailing naman ito bago isang buntong hininga ang pinakawalan.
Naulinigan ko naman ang pagtapik ni Don Gutierrez kay Cypriano at pagkay tumingin pa sa akin na parang nagpapaalam na lalabas muna sila. Ibinalik ko ang tingin kay Tiyo. Ilang saglit lang ay ang pagsara na nang pintuan ang pumailanlan sa paligid. Saka lamang gumalaw si Tiyo, tumayo ito, naglakad hanggang sa tapat ng bintana. Nakatalikod ito sa akin nang itoy magsalita.
"“Sé que has estado esperando que esto suceda. No quiero ser una carga para usted. En la medida de lo posible, será lo mejor que podemos hacer por los dos. Me preocupa que si usted sigue aquí durante mucho tiempo, podría ser egoísta y olvidar que todavía tiene su propia familia y antes de que eso suceda, estoy haciendo esto por usted. Espero que entiendan mi razón, mi sobrina favorita.
(Alam ko naman na matagal mo nang pinakahihintay na mangyari ang bagay na ito. Ayaw kong maging pabigat pa sa iyong desisyon at marahil ito na rin ang mas makakabuti para sa ating lahat. Hindi ko maikakaila na nangangamba ako na baka kapag mas tumagal ka pa sa piling ko ay magawa kitang ipagdamot gayong narito na ang iyong totoong pamilya. Ginagawa ko ito para sa iyo at sanay iyong maunawaan, aking pinakamamahal na pamangkin.)"
Unti-unting tumulo ang luha sa aking pisngi. Ang bigat sa akin ng mga sinabi ni Tiyo. Paano ko siya basta na lamang iiwan gayong buong buhay ko siya na lamang ang aking nakasama, siya yung taong ipinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya bilang pagtanaw ng aking utang na loob sa kaniya.
"¿Dime cómo voy a hacer eso? ¡Simplemente no puedo dejarlos solos aquí!"
(Sabihin mo sa akin Tiyo, paano ko gagawij ang bagay na iyan? Hindi kita kayang basta na lamang iwan nag-isa rito!)” giit ko at lumapit na sa kaniya.
“Tío mira a mí, no eres solo un Tío para mí, sino también el padre. Usted es el que estaba allí cuando no tengo a alguien con quien estar, me cuidó y me trató como si fuera su propia hija. Ahora dime, ¿cómo puedo dejarte?
(Tiyo tumingin ka sa akin...hindi ka lamang tumayo bilang tiyo sa akin, kundi para ka na rin isang ama. Ikaw ang naririyan noong nga panahong walang-waka ako, ikaw ang kumalinga at nag-aruga sa akin na parang tunay mong anak. Kaya sabihin mo sa akin, paano ko kita magagawang iwan?)"
Kitang-kita ko ang paglambot ng ekspresyon nito. Puno ng kalungkutan ang mata nito at matamlay ang pinakawalan nitong ngiti.
“Gracias Mirasol por tratarme como tu padre. Estoy feliz de que haya crecido bien y no estoy esperando nada a cambio. Si eres feliz entonces estoy feliz por ti. Pero ahora ya no voy a ser la razón de esa felicidad porque tienes una familia esperando por ti.
(Maraming salamat, Mirasol sa pagturing sa akin parang tunay mong ama. Labis ang kasiyahan sa aking dibdib na lumaki kang maayos at wala akong hinihingjn kahit na anong kapalit. Sapat na sa akin na maging masaya ka at masaya na rin ako kapag ganun...pero ngayon hindi na lamang sa akin iikot ang mundo mo dahil may pamilya nang naghihintay sa iyo.)"
Napayuko na lamang ako habang nagpupunas ng luha. Paano niya nasasabi ang ganitong salita sa akin?
“¡No! No voy a ninguna parte.
(Hindi! Hindi ako aalis dito.)” mariing wika ko. Napapailing naman itong lumapit sa akin at parang sa aking sinabi ay mas lalo lamang siyang nahihirapan sa aming sitwasyon.
“Mirasol, escúchame, Cypriano te ha estado buscando, buscando y esperando desde entonces. No quiero ser una carga para los dos. Ustedes dos deberían vivir juntos, ya que anhelaban el uno al otro por mucho tiempo.
(Mirasol makinig ka sa akin, matagal ka nang hinahanap at hinihintay ni Cypriano simulat-simula pa. Marapat lamang na sumama ka sa kaniya para sulitin ang mga panahong ipinagdamot sa inyong magkapatid.)" pamimilit pa nito.
""¡Pero todavía podemos hacerlo sin medios para dejarte!
(Pero maari naming gawin iyan nang hindi umaalis dito!)”
“No, ¡no me consigues a mi querida! Yo soy el que planeó esto, será para lo mejor y como Cypriano está trabajando en Valencia, le será difícil quedarse con usted. Así que para mejor deberías venir con él y vivir en Valencia.
(Hindi mo ako nauunawaan ija. Ako mismo ang nagplano nito. Ito ang mas makakabuti lalo pa't sa Valencia nagtra-trabaho si Cypriano. Mas mahihirapan lamang siya kung hindi ka pa sasama sa kaniya. Kaya pinapakiusapan kita na sumama sa kaniyang manirahan sa Valencia.) wika nito sa maawtoridad na tono. Napatulala na lamang ako at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Bakit ganito kadali para sa kaniya ang ipagtabuyan na lamang ako?
Isang malalim na buntong hininga ang muling pinakawalan nito bago tuluyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
""Sé que solo estás pensando en mí, pero no te preocupes porque si quieres siempre puedes visitarme cada vez que me eches de menos. Y esa es mi única petición.
(Alam kong nag-aalala ka para sa akin pero wag kang mag-alala dahil maaari mo naman akong bisitahin kailan mo man gustuhin. At iyan na lamang ang hihilingin ko sa iyo.)” sinserong dagdag pa nito. alam kong wala na akong magagawa, naluluha na lamang akong tumango. Sumilay ang ngiti nito bago hinalkan ako sa aking buhok.
""Gracias por todo y te echaré de menos, pero por favor no te olvides de tu increíble tío en todo el universo."
(Maraming salamat sa lahat at tiyak na mangingilila ako sa iyo pero sanay wag mong kalilimutan ang iyong pinakamamamahal na tiyo sa balat ng lupa.)” biro pa nito. Tuloy natatawa kong pinunasan ang luha sa aking mata.
“Tú eres el que planea esto, pero tampoco quieres que te olvide. Eres tan impredecible tío."
(Ikaw ang nagplano nito pero ayaw mong makalimutan. Ang hirap mong basahin, Tiyo.) hirit ko pa.
Pero sa totoo lang bigla akong nakaramdam ng kaba lalo pa’t ito ang unang beses na mawawalay ako ng tuluyan kay Tiyo. At isa pa kahit kapatid ko si Cypriano, hindi naman maipagkakaila na nagkaka-ilangan pa rin kami sa isa’t-isa. Ngayon paano kaya kami mabubuhay nang magkasama sa iisang bubong bilang magkapatid?
*****
🥰
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro