Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Pagkawala

Sabay kaming bumaba ni Raquelita papuntang kusina kaso nasa may bukana pa lamang kami ay natatanaw ko na kung paano puriin ni Tiyo Ramon si Cypriano sa harapan ng lahat. At talagang nagsisimula na silang kumain kahit wala pa ako tapos ang dati kong pwesto ngayon ay kinauupuan na ni Cypriano! Bigla akong tinabangan at tuluyang nawalan ng gana.

“Uy Mirasol, bakit ka tumigil? Tayo na at mukhang nag-sisimula na silang kumain.” takang tanong sa akin ni Raquelita. Umiling na lamang ako.

“Mauna ka na Raquelita at mukhang hinihintay ka na ng iyong asawa. Pakisabi nalang sa kanila na mamaya na lamang ako kakain dahil nais ko munang magpahinga.”

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at dali nang binagtas ang hagdan patungo sa aking silid.

Nakahiga lamang ako sa aking kama nang isang pagkataok mula sa pinto ang umilanlan sa paligid.

“Sandali lang!” sigaw ko. Paano ba naman kasi kung makakatok daig pa ang gawa sa bakal ang kamay ng sinumang mapangahas na iyon. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ng pintuan ay parang gusto ko na lamang ulit itong saraduhan at magkunwaring hindi narinig ang kaniyang katok.

“Hola! Dala ko na ang pagkain mo.” maligayang wika ni Raquelita habang bitbit ang bandejang naglalaman ng pagkain. Hindi na nito hinintay ang aking salita at lakas loob pang naunang pumasok sa aking silid.

“Hoy bakit ka pumasok sa aking silid!?” nagtataray na tanong ko pa pagkasara ng pinto. Ipinatong muna nito ang bandeja sa isang lamesa bago balewalang sinulyapan ang kapaligiran na akala moy hindi narinig ang aking katanungan.

“Grabe nakakalula ang laki ng iyong silid tapos sobrang makulay ang disensyon. Hindi maipagkakaila na sa iyo talaga ang silid na ito dahil puros bulaklak ng Mirasol ang aking nakikita.” komento nito na di ko mawari kung papuri o pasaring.

“Hoy buntis, ano ba kasi ang ginagawa mo dito at bakit ikaw pa ang nagdala niyang pagkain dito sa aking silid?” nawawalan ng ganang tanong ko sabay lapit dito.

“Aba parang ayaw mo pa na ako ang nagdala ng pagkain mo dito ah. Buti nga at mabait ako at naawa kay Maya kaya ako na ang nagpresintang bitbitin yan dito.” nakapameyawang na pagdadahilan pa nito.

“Bakit ano ba ang ginagawa ni Maya?”

“Masyado siyang abala dahil bigla daw umalis si Manang Pedring kaya siya muna ang gumagawa ng dapat gawain nito.” tugon nito bago kumuha ng isang silya at pagkay isa-isang inalis ang mga platong nasa bandeja.

 
“Sige na kamahalan, kumain ka na at baka mas lalo kang magtaray kapag walang laman iyang tiyan mo.” biro pa nito na di ko na lamang pinagtuunan pa ng pansin. Dahil gutom na rin naman ako kaya naupo na ako sa kaniyang tapat at sinumulan ng kainin ang dinala niyang pagkain sa akin.

 
“Bakit kasi ayaw mo pang sumabay kanina, yan tuloy mukhang gutom na gutom ka.” panay ang pagdadaldal nito habang akoy seryoso lamang sa pagkain. “Hay naku Mirasol kung nandoon ka lamang malamang hindi oobra yung dalawang binibining kasabay naming kumain kanina ” bigla naman akong napakunot noo pagkalunok ng pagkain sa aking bibig.

 
“Bakit anong meron?” tanong ko bago kinagat ang ulam kong hamon.

“Ay naku masyadong peke. Kunwari sobrang kaibig-ibig pero nakakasuka naman ang sobrang kahinhinan at kayumian, halatang pilit.” nagmammaktol na wika nito. mukhang marami pa itong ikwe-kwento kaya hinayaan ko siyang magpatuloy.

“Tapos kung makapagsalita, malakas pa ang kuliglig sa kanilang boses. Kung makapagsalita akala mo makahiyang titiklupin. Porke sila lang ang nandoong mga Binibini kaya inam kung magpapansin sa mga kalalakihan lalo na kay Cypriano!” nagsusumbong na wika nito.

“Sabi pa nung isa 'Ah, nakakahiya naman Ginoo, ako na lamang ang kukuha ng aking inumin.” pagbibida nito at talagang nag-aksyon pa sa aking harapan. “Ay naku, kung makapag-inarte mukha namang inaspalto ang mukha sa kaputian!”

Halos maibuga ko ang pagkain sa aking bibig dahil sa kaniyang sinabi. Napainom tuloy ako ng tubig dahil bigla akong sinamid. Malamang si Belinda ang kaniyang tinutukoy. Di ko naiwasan ang matawa dahil sambakol na ang mukha nito.

“Tapos yung isang kasama nito, mas inam ang pagkayumi, na akala mo naman lahat papatos sa kaniya. Ultimo si Marco hindi yata palalampasin. Abay kanina nang ipakilala ng gobernador-heneral ang aking asawa, kung makatinging durong lagkit. Ganito pa ang kaniyang reaksyon, ‘Kinagagalak kitang makilala Ginoo’” muli itong nag-aksyon pero sa pagkakataong ito nadoble ang yumi at hinhin ng kaniyang boses pagkatapos nagtakip pa ng abaniko sa mukha sabay lagay ng konting hibla ng buhok sa tenga. Malamang ang kaniya namang tinutukoy ay si Maristella.

“Kung alam mo lang kanina Mirasol, parang gusto ko na lang din sumunod sa iyo rito dahil hindi kaaya-aya ang tanawin. Kung selosa lamang akong asawa, baka naingudngod ko na ang mga babaeng iyon dito sa matambok kong tiyan!”
 

Hindi ko na kinaya at tuluyan ng napahagalpak ng tawa. Naluluha pa ako habang di magkamayaw sa paghawak sa aking tiyan. Ngayon lamang ulit ako tumawa ng ganito.

“Ang saya mo rin e noh! Naku dapat talaga nandoon ka dahil tiyak hindi sila oobra sa kamalditahan ng isang Mirasol Rodriguez!” pasaring pa nito. ilang minuto rin bago ako nahimasmasan.

“O bakit ka nakatitig sa akin ng ganiyan? Baka mamaya ako ang ingudngod mo diyan sa iyong matambok na tiyan.” biro ko pero nanatili itong titig na titig sa akin. Bahagya akong nailang at napawi ang ngiti.

“Mas bagay pala sa iyo ang nakangiti Mirasol, tiyak na mas lalong dadami ang mga Ginoong hihingi sa iyong kamay.”

Bigla akong napangiwi. “O ayan ka na naman sa pagngiwi. Wag ka nang gumanyan at baka matakot ang mga Ginoong manligaw sa iyo. Sige ka hindi mo mabibigyan ng apo ang iyong Tiyo Ramon.” pang-uuyo pa nito. bumalik na lamang ako sa pagkain. “Biro lang, ikaw naman di ka mabiro” pangungulit pa nito pero nagseryoso na lamang ulit ako.

Matapos kumain ay aking napagpasyahan na lumabas na muna ng palasyo. Hindi ko alam kung nasa baba pa ba ang mga bisita. Bihis na ako at handa nang umalis nang muling pumasok si Raquelita sa aking silid.

“Uy san ka patungo MIrasol at bihis na bihis ka?” pang-uusisa nito.

“Wala, may pupuntahan lamang ako.” tugon ko, muli kong pinasadahan ang aking sarili sa harapan ng salamin bago kinuha na ang abanikong katerno ng aking saya.

“Hala sasama ako sa iyo,”

Natigilan ako biglang napabaling dito.

“Hindi pwede, magagalit ang iyong asawa.” pagtutol ko at lumakad ng palabas ng silid kaso na sa may pintuan pa lamang ako nang magsalita ito.

“Sige ka sisigaw ako dito at sasabihin kong aalis ka nang hindi man lamang nagpapaalam,”

Napapikit na lamang ako ng mariin bago wala nagawa kundi isama siya ng wala sa oras.

Sa Escolta kami tumungo, panay ang tingin ko sa bawat tinadahan ng kahit na anong maaaring bilhin. Para namang may bata akong kasma sa aking tabi dahil kay Raquelita na maya’t-maya ang pabili sa akin ng kung anu-ano.

 
“Sige na, ang ganda kasi nitong damit para sa sanggol. Babayaran naman kita mamaya e.” pagmamakaawa pa nito habang pinapakita sa akin ang nasa bilang na sampung pangbabaeng damit ng sanggol.

 
“Raquelita ang dami naman niyan, gayong hindi mo pa naman alam ang kasarian ng iyong magiging anak,” iiling-iling na tugon ko sabau tumingin na lamang ng ibang produktong maaari kong bilhin.

“E basta nararamdaman ko na babae ang aking magiging anak.” pagmamaktol pa nito.

“At paano mo naman nasabi?” taas kilay kong tanong.

“Hindi mo ba napapansin na ang ganda ko pa rin kahit buntis ako? Sabi nila kapag babae ang anak, mas lalong gumaganda ang ina pero kapag lalaki naman, nangingitim ang leeg at kilikili." napangiwi na lamang ako sa pagbubuhat nito ng sariling bangko. Lumingat pa ito kaliwa-kanan at nang may mapansing buntis na namimili lang din sa katabi naming tindahan bigla itong lumapit at bumulong sa akin.

“Tsaka….parang hindi daw ganoong kaaya-ayang tingnan ang ina.”

Nakagat ko na lamang aking labi sa pagpipigil na matawa. May pagkalaitera rin pala itong si Raquelita. Tumikhim muna ako ilang beses sabay sinuri siya mula ulo hanggang paa. “Hoy bakit mo ako tinitingnan ng ganiyan? Hindi ka naniniwala na babae ang magiging anak ko?” depensa na tanong nito.

“Hindi. Tingan mo namamanas na ang paa mo at di rin maipagkakaila na tumabataba ka na. Kaya saka ka na lamang bumili ng damit para sa iyong anak kapag alam mo na ang kasarian nito.” natatawang sagot ko na kinasimangot nito ng tuluyan.

“Ang sama mo Mirasol akala mo tatandaan ko ang araw na ito at hinding-hindi kita gagawing ninang ng anak ko.” paiyak nang saaad nito bago padabog pang naglakad papunta sa kabilang tindahan.

“Kitay binibiro lamang.” habol ko dito. Para talaga siyang bata, kaya masarap minsang asarin.

 
Halos isang oras din ang aming itinagal bago natapos sa pamimili. Madami pa sana akong nais bilhin ngunit hindi konaman na kaya pang bitbitin kung sakalai kaya nagkasya na lang muna ako sa mga ito.

“Bakit ba kasi ang dami mong pinamili pero puros pambata naman lahat?” nagrereklamong tanong ni Raquelita. Kung makapa-reklamo akala mo naman pinagbitbit ko siya ng aking pinamili tsk.

“Basta,” tugon ko na lamang bago isa-isa nang pinaglalagay sa karwahe ang aking mga pinamili.

 
“Wag mong sabihing may anak ka na pero hindi mo lamang inilalantad sa madla?” halos di makapaniwalang komento pa nito sa tonong namimintang. Natigilan ako bigla sa tangkang pagsakay at kunot noong binalingan ito.

 
“Ikay samu’t-sari ang iniisip. Wala akong anak, ni asawa o nobyo nga hindi ko nais magkaroon kaya paano ako magkakaanak, aber?” pagmamataray ko bago nagpatuloy na sa pagsampa sa karwahe. Mukhang wala itong balak na tantanan ako.

 
“E kasi bakit nga ang daming pambatang damit at kagamitan ang iyong pinamili?”

 
Huminga na lamang ako ng malalim, wala naman akong ibang pagpipilian kundi sagutin ang kaniyang katanungan kesa marindi sa buong byahe.

“Ang lahat ng ito ay ibibigay ko sa bahay-ampunan. Para ito sa mga batang wala nang kumakalinga sa kanila.”

Sandaling katahimikan ang namayani, buti na lamang at sinimulan na ng kutsero ang pagpapatakbo sa kalesa.

“Ibig sabihin, isa ka sa mga tumutulong sa bahay-ampunan?” hindi makapaniwalang tanong nito na sinagot ko na lamang ng pagtango. Pero bigla na naman ako nitong niyakap.

“Waaahhh! Kay buti mo naman Mirasol. Ang puso ko ay naaantig sa iyo,”

Sa paraan ng pagkakasbai nito para siyang isang ina na humahanga sa ginawa ng kaniyang anak.

“Oo na, oo na. lubayan mo na ako at baka ako pa ang mapaglihihan mo ng wala sa oras. Swerte naman ng anak mo kapag nagkataon!” reklamo ko pero mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Agad akong napatayo at bumaba ng kalesa pagkabalik sa palasyo. Bigla akong kinabahan dahil tilay nagkalat ang mga sekreta (pulis) sa paligid na akala moy may kaguluhang nangyayari.

 
“Hala anong nangyayari rito?” nag-aalala na ring tanong ni Raquelita. Agad naman itong dinaluhan ng kutsero at tinulungang makababa. Ibinilin ko na lamang si Raquelita sa kutsero bago humahangos na akong dumiretso papasok ng palasyo.

 
Ilang guardia ang di magkamayaw palabas-pasok ng palasyo, ang punong guardia ay hindi rin magkandaugaga sa pagbibigay ng utos sa mga ito. sa sobrang abala nila ay di nila napansin ang presensya ko hindi ko na rin nais makagambala dahil nag-aalala ako lalo na kay Tiyo. Kaya naman tinahak ko ang daan sa likurang bahagi at mas lalo akong kinabahan nang pagpasok ko sa loob ay maging ang mga kasambahay ay di rin magkandaugaga at akala moy problemadong-problemado. Mukha naman nakaalis na rin ang mga panauhin kanina ni Tiyo Ramon.

 
 Dumapo ang aking mata kay Maya na palakad-lakad sa isang tabi at panay ang pagpispis pa sa magkasalikop na palad.

“Maya!” malakas na tawag ko dito dahilan upang mapunta sa akin ang atensyon ng lahat. Nagtataka naman ako na parang biglang-bigla sila sa akin na akala mo’y nakakita ng imposibleng tao.

 
“BINIBINI!” malakas na sigaw nito at nagtatakbo pang palapit sa akin para lang mayakap ako. Anong meron at kanina pang may yumayakap sa akin? “Binibini nag-aalala po kami sa inyo at maging ang gobernador-heneral ay di mapakali sa paghahanap sa inyo.”

 
Agad naman akong kumalas mula sa pagkakayakap nito pagkay nagtatakang tumingin sa kaniya. “Paanong nag-aalala, e lumabas lang naman ako sandali kasama si Raquelita?”

“Binibini, nag-aalala sila dahil lalo na ang asawa ni Binibining Raquelita hindi man lamang daw kayo nakapag-paalam sa kanila.”
 

Saktong dumating si Raquelita at tumabi sa akin. Malamang narinig nito ang sinabi ni Maya. Bigla akong tinablan ng hiya at konsensya.

 
“Mabuti pa'y sabihan nyo na kaagad ang lahat na wag nang mag-alala at nandito na ang mga Binibini.” wika ng kutsero na sinunod naman nila.

Halos paulanan ako ng sermon ni Tiyo Ramon dito sa kaniyang opisina. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil aminado ako na tama nga naman siya at akoy ang mali sa aking ginawa.

“Lo siento tío, prometí que esto no volvería a suceder.
(Paumanhin Tiyo, pangako hindi na ito mauulit pang muli.)” sinserong wika ko matapos ang mahaba niyang litanya. Napahilot na lamang ito sa sentido kasabay ng buntong hininga.

 
“Sólo asegúrese de que esto no va a suceder de nuevo Mira Solana porque usted causa tantos problemas.¡Qué conmoción! Juro que no sé qué hacer si esto vuelve a suceder.
(Siguraduhin ko lamang na hinding-hindi na ito mauulit pa, Mira Solana. Labis akong nag-alala sa iyo at hindi ko na alam ang gagawin kapag naulit pa ito)”  isang ngiting nagsusumamo na lamang ang naitugon ko sa sinabi nito.

Akala ko ayos na kaming dalawa ni Tiyo Ramon na napatawad na niya ako pero hindi man lamang ito bumaba sa kaniyang silid para sa hapunan. Nawalan na naman ako ng gana dahil mag-isa lamang akong maghahapon dahil mukhang maging sina Raquelita ay walang balak maghapunan.

“Binibini, hindi ka ba muna kakain?” tanong sa akin ni Maya, umiling na lamang ako bago tinahak ang daan palabas. Sa may hardinan ako tumigil at saktong naabutan ko si Raquelita na lumuluhang mag-isa.

“Raquelita!” tawag ko dito, napapunas ito ng luha ng wala sa oras. Pugto ang mata nitong bumaling sa akin.

“Mirasol ang ganda pala ng hardin ninyo, para akong prinsesang madramang naghihintay na patawarin ng prinsipe ” kunwaring biro pa nito pero sa likod ng ngiti nito ayang nangingilid na luha. Napapailing na lamang ako, mukha hindi parin sila magkabating mag-asawa.

“Umamin ka nga, hindi pa rin kayo magkaayos mag-asawa?” tanong ko pagkalapit sa kaniya, tuluyan ng nagbagsakan muli ang luha sa mga mata nito. “Kung gusto mo ako na ang kakausap kay Marco.” saad ko at pupuntahan na sana ito nang pigilan niya ako.

“Wag na Mirasol, hayaan mo siyang makaramdam. Ayokong makikipagbati lang siya sa akin dahil sa may pumilit lamang sa kaniya. Gusto ko kusa rin siyang hihingi sa akin ng tawad.” sisinghot-singhot na wika nito. Napangiwi na lamang ako kinuha ang panyo sa aking bulsa at iniabot dito.

“At dapat rin naman na kusa mong mauunawaan ang aking sinabi sa iyo.” bigla kaming natigilan ni Raquelita at halos sabay na napalingon sa nagsalitang si Marco, hindi ko na napigilan ang magtaas kilay dahil kasama na naman nito si Cypriano.
 

“A-anong ginagawa mo rito, hindi ba’t galit ka sakin?” nagdadamdam na tanong ni Raquelita sa asawa.

“Bakit nga ba nagalit ako sa iyo Raquelita?” tanong pa ni Marco habang dahan-dahang lumapit dito. Nang tuluyan na itong lumapit ay kaagad nito kinabig ang asawa. Parang batang humagulgol naman si Raquelita sa balikat nito.

“Waaaahh Marco, patawad. Hindi ko na uulitin. E kasi naman naasar lang talaga ako kaya sumama na lamang ako kay Mirasol para naman gumaan-gaan ang aking loob.”pagdadahilan pa nito dahilan upang mapatingin sa akin si Cypriano na parang ako yata ang sinsisi. Sinamaan ko na lamang ito ng tingin.

 
Bigla namang nanlambot ang reaksyon ni Marco bago mas niyakap ng mahigpit ang asawa.

“Sa susunod magsasabi ka sakin kung ano ang iyong nararamdaman dahil hindi lahat alam ko. Tao lamang ako at may mga oras na hindi kita nauunawaan lalo pa sa sitwasyon mo ngayon na ang hirap basahin dahil sa papapalit-palit ka ng emosyon. Pilit kitang iniintindi at nauunawaan ko na hindi basta-basta ang pagbubuntis pero sana isipin mo rin na nag-aalala ako sa iyo. Wag mo nang uulitin ang pag-alis nang hindi man lamang nagpapaalam.”

Napairap na lamang ako sa ere dahil daig ko pa ang nanonood ng buhay pag-ibig sa isang teatro.

 
“O ano tinitingin-tingin mo diyan, Ginoo?” namamayang tanong ko kay Cypriano, kanina pa kasi itong nakatitig sa akin. Umiling-iling muna ito bago sumagot.

“Saan nga ba kayo galing Binibini? At alam mo rin ba kung gaano nag-alala ang lahat dahil sa biglaang pagkawala ninyo?”

Pakiramdam ko ay hinahamak ako nito sa paraan ng kaniyang pananalita. Hindi ko naiwasan ang magtaas kilay bago nakahalukipkip na humarap sa kaniya.

 
“At bakit nais mong malaman kung saan kami nagtungo, tatay ba kita? At isa pa, hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari dahil sandali lang kaming nawala tapos pagbalik namin, nagkakagulo na rito.” mariing bwelta ko sa di papatalong tono.

“Ang punto kasi Binibini ay dapat nagpaalam kayo ng husay hindi yung basta na lamang kayo mawawala ng hindi namin nalalaman. Atsaka batid mo naman na hindi basta-basta ang mga taong nakapaligid sa inyo, hindi mo masisisi ang iyong Tiyo Ramon kung ganoon na lamang ang pag-aalala niya sa iyo ” nane-nermong wika pa nito. Mas lalo lamang nagpuyos sa galit ang aking kalooban. Anong karapatan niyang sermonan ako, sino ba siya?

“At ngayon, ikaw naman ang aking tatanungin...sino ka ba para kwestyunin ang aking ginawa at sermunan ako na akala mo kung sino ka sa aking buhay?” bwelta ko, kitang-kita ko at malinaw na malinaw kong nasaksihan ang mariing pagtiim ng bagang nito, bakas ang pagkakabigla sa aking sinambit. Pero hindi ako nagsisisi na sabihin ito sa kaniya. Kanina pa akong nagtitimpi sa kaniya at ngayon para akong bulkang sasabog lalo pa’t wala na siya sa lugar upang pagsabihan ako.

 
“Ah e ayos lamang ba kayong dalawa Yano at Mirasol?” naiilang na tanong sa amin ni Raquelita pero wala ni isa sa amin ni Cypriano ang tumugon sa kaniya. Kapwa lamang kaming naghahamunan ng tingin at ni isa ay walang balak umatras ni magpatalo. Walang kahit na kailan ang makakasindak sa isang Mirasol Rodriguez, lalong hindi ang tulad niya ang makakapagpa-bahag sa aking buntot. Ni hablar!

“Hayaan mo na sila Raquelita, silay ganiyan talagang magturingan bilang magkaibigan.” dahilan pa ni Marco na hindi nakaligtas sa aming pandinig.

“Hindi kami magkaibigan!”

“Hindi ko siya kaibigan!”

Panabay naming tugon na kinakamot ng sentido nito. napapahiya naman itong bumaling sa asawang nagtataka rin ang itsura.

 
“Kung hindi kayo magkaibigan, e ano kayo kung ganoon?” tanong pa ni Raquelita.

 
“Wala”

“Sólo un extraño! (Estranghero!)”

Muling sabay naming tugon dito. Isang masamang tingin na naman ang namagitan sa aming dalawa.

 
“O estranghero pala kayo sa isa’t-isa? Walang estranghero ang ilang beses ng nagkita at nagkasama.” pasaring pa ni Marco bago inaya na ang asawa papasok sa loob ng palasyo. Isang matinding pag-irap muna ang iginawad ko kay Cypriano bago nakisunod na sa mag-asawa papasok ng palasyo.

Pahiga na sana ako sa kama nang muling maykumalampag sa pintuan ng aking silid. Nawawalan ng pasensya ko itong binuksan.

“Mirasol tutulog ka na ba? Kwentuhan muna tayo.” pag-aaya ni Raqeulita at talagang may dala pa itong inuming gatas.

“Ayoko,” isasara ko na sana ulit ang pinto ng harangan niya ito.

“Sige na. Gusto kita makausap bago matulog.” nagpapawang sabi pa nito. sinamantala nito ang pagkakataon at walang pasubaling pumasok. Napapikit na lamang ako ng mariin sa kakulitan niya!

Makapal ang mukha pa nitong humiga sa aking kama na akala mo’y kaniya ito. Ayoko pa naman sa lahat ay may ibang humihiga sa aking higaan. Biglang kumulo ang aking dugo na pilit ko ring pinipigilan. 

“Umalis ka nga diyan sa kama ko.” pasupladang wika ko. Nakanguso naman itong tumayo at naupo na lamang sa tabi ng kama.

“Sus, ang damot para kama lang.” mahing bulong pa nito na hindi naman nakaligtas sa aking tenga. Masamang tingin ang pinukol ko dito kaya napangiwing aso ito sa akin. “Akoy walang sinabing masama patungkol sa iyo.” depensa pa nito.

“Ano ba kasi ang sasabihin mo na naman? Gabing-gabi na hindi ba maaaring ipagpabukas na lamang iyan?” pagre-reklamo ko.

“E gusto kitang kausap bago matulog.” pamimilit pa nito. Napapailing naman akong naupo sa isang silya at tumapat sa kaniya.

“Ano nga ang iyong sasabihin?” nawawalan na ako ng pasensya, mamaya masisinghalan ko na ito!

“Itatanong ko lang sana kung bakit parang hindi kayo magkasundo ni Yano,” tanong nito na parang kaswal lamang.
 
“Bakit dapat ba magkasundo kaming dalawa?” walang ganang tanong ko.

“Oo, paano matutuwa ang iyong Tiyo kung magkagalit kayo?”

“At ano naman kinalaman ni Tiyo sa amin?” taas kilay tanong ko.

“E kasi gusto niya si Cypriano,”

Tuluyang nagpantig ang aking tenga. “E ano naman kung gusto niya siya, hindi naman kailangan lahat ng nagugustuhan niya ay magugustuhan ko na rin.” pirmeng tugon ko. Iminuwestra ko naman dito ang kaniyang gatas. Agad naman niya itong ininom ng isang lagukan bago nagsalitang muli.

 
“Syempre kailangan yun paano magiging kayo...”

Bigla namang nanlaki ang mata nito sabay takip sa kaniyang bibig na akala moy may nasabing masama. Mabilis pa sa alas-kwatro itong tumayo.

“Ah e inaantok na pala ako. Paano bukas nalang ulit tayo mag-usap,” paalam pa nito bago nagtatakbo palabas ng aking silid. Napuno ng pagdududa ang aking isip sa kaniyang inasta.

 
Inaayos ko na ang aking kama nang muli na namang kumatok sa pintuan. Bubungangaan ko na sana si Raquelita sa pag-aakalang siya na naman ang kumakatok nang matigilan ako.

 
“Magandang gabi Binibini, paumanhin kung nagambala kita. Nais ko lamang sanang itanong kung nariyan pa si Rauelita?” magalang na tanong ni Marco.

“Kalalabas lamang niya ng aking silid. Wala pa ba siya sa inyong silid?” taka akong napatingin dito.
 

“Ah kasi nagtungo muna ako sa silid ni Yano kaya marahil nagkasalsihan kaming mag-asawa,” paliwanag nito sabay turo sa karatig kwarto ng aking silid. At talagang doon na naman ang pinagamit sa kaniyang silid? Kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na wag munang tutungong balkonahe.

“Sige Binibini tutungo na ako sa aming silid.” paalam pa nito, katatalikod lamang nito nang magsalita ako.

 
“Sandali lamang Marco,” nagtataka naman itong lumingon sa akin. “Nais ko lamang malaman kung bakit kayo nandito sa Maynila.”

 
Simula kasi nung makita ko sila sa Hotel de Oriente ay hindi ko parin alam ang pananatili nila rito sa Maynila gayong nasa Valencia ang buhay nila.

Npapakamot naman ito sa ulo sa aking katanungan. “Sa tingin ko ay mas mabuti kung si Cypriano na lamang ang tanungin mo.”  

“At bakit ko naman kailangan pang tanungin ang taong iyon?” nagmamalditang tanong ko. Ngingiwi-ngiwi naman ito sa akin.

“Ah e kasi siya yung sinamahan ko rito. Basta ang alam ko ay kailangan niya ring makausap ang punong hukom tungkol sa pagbibitiw niya sa kaniyang tungkulin.”

 
Tumango na lamang ako. Ah kung ganoon, kumpirmado na palang nagbitiw ito bilang punong hukom. Akin pa namang natatandaan kung paano ko tinrayan ang dating punonghukom mapabalik lamang siya sa posisyon tapos basta na lamang siya aalis nang hindi man lamang tumagal sa tungkulin!

No lo puedo creer (I can’t belive it!)!

Matapos mag-almusal kinabukasan ng umaga, magpapaalam sana ako kay Tiyo Ramon na tutungo muna sa bahay-ampunan. Ibibigay ko na sana ang mga pinamili namin kahapon ni Raquelita subalit masyado naman siyang abala at ayaw papaistorbo sa kaniyang opisina. Pinili ko na lang na ipagsa-ibang araw ang pagdalaw sa bahay-ampunan, mahirap na at baka kapag basta na lamang ako umalis ay mangyari na naman ang kaguluhan kahapon.

Matapos ang siesta, sinabihan ako ni Maya na pinapatawag daw kami ni Tiyo Ramon at naghihintay na raw ito sa may gazebo upang doon mag-merienda.

Pagkarating ko sa gazebo, ang maingay na bunganga kaagad ni Raquelita ang sumalubong sa kin habang sina Marco at Cypriano ay abala sa pakikinig sa mga kinwe-kwento ni Tiyo Ramon at katabi din nito si Don Gutierrez na tahimik lamang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Dumating ang mga pagkain ay saka pa lamang nila kami pinansin. Napairap na lamang ako sa ere. Iba’t-ibang uri ng tinapay na may kape ang isinirbe sa amin.

Nang matapos sa paglalagay ng pagkain sa lamesa si Maya ay agad na itong nagbigay galang at aalis na sana nang magsalita si Tiyo.

 
“Oye, ¿dónde están los otros alimentos como las delicias nativas?
(Nasaan na ang ibang pagkaing kakanin?” tanong nito. Tumingin sa akin si Maya na humihingi ng tulong kaya’t isinalin ko sa wikang tagalong ang tinanong sa kaniya ni tiyo. Agad naman itong tumugon kaya’t ako na ang nagsalin ulit sa wikang kastilang tumugon kay Tiyo tulong pero nauna na si Don Gutierrez na isalin sa wikang tagalong ang tinanong ni Tiyo rito. Kaya’t lumapit ng bahagya sa kanila si Maya at nagsalita, dahil mahina ang boses nito kung kayat tangin si Don Gutierrez lamang ang nakarinig ng malinaw sa sinagot nito.

 
Kunot noo naman itong napatingin kay Maya na bakas na ang pag-aalala sa mukha. Isang pagtango ang sinagot ni Don Gutierrez bago bumaling kay Tiyo Ramon.

“Ella se disculpa por no hacerlo porque según ella, hasta ahora Manang Pedring todavía no regresaba desde ayer.
(Humihingi siya ng paumanhin sapagkat si Manang Pedring lamang ang may kaya gumawa ng kakanin at hanggang ngayon ay hindi pa rin daw ito nakakabalik simula la kahapon.)”

 
Mabilis akong napabaling kay Maya. Paanong hindi pa nakakauwi si Manang Pedring simula kahapon?

Mukha maging si Tiyo Ramon ay bahagya ding nagtaka sa sinambit nito.

“¿Estás seguro de que no va a volver desde ayer o tal vez se fue ya.
(Nakakasigurado ka ba na hindi pa rin siya nakakauwi simula pa kahapon?)” nagdududang pahayag nito na isinalin ulit ni Don Gutierrez sa tagalog.

 
“Naku gobernador-heneral ang totoo po niyan ay hindi rin po naming sigurado, sapagkat nasa silid pa naman po ang mga gamit ni Manang Pedring. Kaya po nag-aalala kami na baka kung ano nang nangyari sa kaniya.” nag-aalalang wika nito.

Agad isinalin ulit ni Don Gutierrez ang sinambit nito at matapos nun biglang nagseryoso ang mukha ni Tiyo at tiim bagang na hinawakan ang tasang naglalaman ng kape bago nagsalita.

 
“¡Llame al primer teniente e infórmele sobre esto!
(Ipatawag ang Tinyente at isangguni ito kaagad sa kaniya.)” mariing utos nito na agad tinalima ni Don Gutierrez.

Sumapit na ang gabi ngunit wala paring balita tungkol kay Manang Pedring. Tulala kong pinagmamasdan ang lampara. Hindi ko naiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano lalo pa’t maalala ko ang kakaibang kilos nito nung huli ko itong nakita. Yun yung oras na pinagsisilbihan pa niya kami subalit nung nakita niya si Cypriano para itong isang asong nabahag ang buntot na basta na lamang umalis. Matapos nun ay hindi ko na ulit ito nakita pa tapos ngayon malalaman ko na nawawala na pala ito.

 
Parang nung isang araw lamang kinausap ko pa ito kung may nalalaman tungkol sa aking pagkatao tapos sa huli madidismaya lamang pala ako dahil wala akong nahita ni konting kapirasong impormasyon mula sa kaniya. Pero ang higit na bumabagabag sa akin ay kung bakit basta na lamang itong nawala?

 
Mabilis akong tumayo at lumabas ng aking silid at daling tinahak ang daan patungong kwartel ng mga kasambahay. Saktong nakasalubong ko si Maya na kalalabas lamang ng kanilang kwartel.

 
“Binibini ano pong ginagawa niyo rito?” nagtatakang bungad nito.

 
“Samahan mo ako sa silid ni Manang Pedring.”

 
Di naman ito nag-atubiling ihatid ako ako sa silid nito. isang maliit at malinis na silid ang aking nabungaran. Maayos ding nakatiklop ang damit nito sa isang tabi.

“Kumpleto pa naman lahat ng kaniyang gamit dito sa kaniyang silid. Kaya nga gayon na lamang ang pag-aalala namin na baka may kung anong nangyari sa kaniya dahil hindi naman nagla-layas si Manang at tanging pagtungko lamang pamilhan ang dahilan ng paglabas nito. Pero kahapon matapos magpaalam na may bibilhin lamang sa pamilihan ay hindi na ito bumalik. Hindi na rin naman namin nausisaan dahil sa dami ng mga bisita tapos yun pa pong nangyaring sa inyo na inakala naming nawawala kayo.” mahabang litanya nito.

 
Mukhang mas lalo lamang nadagdagan ang aking isipin sa pagpunta dito. Malinaw na hindi naglayas ang matanda pero ano naman kaya ang dahilan kung bakit hindi na ito nakabalik?

Posibleng hindi na siya bumalik dahil kay Cypriano? Pero bakit naman, kung sakali mang may kinalaman ito…ano naman ang kaniyang rason?

Aissshhh para akong masisiraan ng ulo sa sobrang pag-iisip!

Kailangan ko ng sariwang hangin para naman mahismasmasan kahit papaano! Binuksan ko ang balkonahe at masyaa na sana dahil presko at sariwang hangin ang sumalubong sa akin yun nga lang, mas asungot. Dahil mula sa kabilang balkonahe, naroon si Cypriano. Prente itong nakatanaw sa paligid habang nakasandal ang dalawang braso sa barandilya.

Hindi na lamang sana ako tutuloy at isasara na ang balkonahe subalit huli na dahil saktong lumingon na kaaagd ito sa gawi ko. Patay malisya na lamang ako humakbang hanggang sa may barindilya din ng balkonahe. Hindi ko na lamang inisip na may ibang tao sa aking tapat.

Bigla ko na naman naisip si Manang Pedring! Kating-kati ang dila ko na magsalita at tanungin siya kung kilala ba niya ang matanda at kung bakit gayon na lamang ang reaksyon nito matapos siyang makita nito sa hapagkainan isang araw. Pero pinilit ko na wag magsalita. Hindi rin kami ganoon kalapit sa isa’t-isa upang mang usisa ako patungkol sa kaniyang buhay.

“Kamusta ang inyong tagapagsilbi, natagpuan na ba siya?” bigla nakong napasinghap at nagulat sa biglaan nitong pagsasalita. Kunot-noo akong bumaling dito pero ang mata nito ay nananatiling nakatanaw lamang sa paligid. Pa-ismid akong sumagot.

 
“Mukha ba akong tanungan ng nawawala, Ginoo?” narinig ko ang di makapaniwalang singhal nito. “Pero sa kabilang banda, bakit mo naman naitanong? Siya ba’y kakilala mo?”

Napapikit na lamang ako ng mariin. Kasasabi ko lamang na nagpipigil ako pero hetot naisa-wika ko na ang aking mapang-usisang katanungan. Inaasahan ko na na hindi ito magsasalita o ano pero bahagya akong nagulat nang mapabuntong hinga ito bago nagsalita sa malalim na boses.

“Nung isang araw matapos ko siyang makita aking napagtanto na tilay siya’y pamilyar sa akin. Balak ko sanang kausapin siya ngunit masyado naman naging abala kahapon kaya’t aking napagpasya na ngayon na lamang siya kausapin. Yun nga lang hindi na nangyari dahil yun pala nawawala na ito”

“Pamilyar?” nagdududang tanong ko. Tumango muna ito bago malalim na namang napabuntong hininga. Sa reaksyong nakikita ko dito ay parang kagaya ng aking dismayadong mukha matapos makausap si Manang Pedring nung makalawa.

“Kagabi bago ako matulog malinaw ko nang naalala na kaya pala sa pamilyar sa akin ay dahil siya yung nagsilbi sa amin bilang mayodorma mahigit 20 taon na ang nakakalipas.” problemadong wika pa nito.

 
Napaisip na naman ako ng malalim, kung hindi ako nagkakamali base sa aking narinig matagal na daw servantes dito si Manang Pedring at nakilala pa nga ito nina Ama noon dito sa palasyo ng malacanang. Kayat paanong naging mayordoma siya kina Cypriano?

“Ikaw ba’y nakakasigurado diyan? Kung hindi ako nagkakamali si Manang Pedring ay matagal ng naninilbihang servantes dito sa palasyo ng Malacanang. Bata pa lamang ako ay narito na siya.” paninigurado kong tanong. Nabanggit pa sa akin ni Tiyo Ramon na mahigit apat na dekada na daw dito ang matandang si Manang Pedring.

 
Seryoso naman itong bumaling sa akin. “Aking naalala na naikwento niya sa aking Ina na naninilbihan muna sya dito sa palasyo ng malacanang bago pumasok bilang mayordoma sa aming mansion. Tumagal naman siya ng tatlong taon ang kaniyang paninilbihan sa amin at matapos nun ay wala na akong naging balita pa sa kaniya hanggang sa makalipas ang ilang taon ay dito ko pala ulit siya matatagpuan."

Kung pag-iisipang mabuti at ibabase sa aking edad, malinaw na nung panahong napulot ako ni Ama sa labas ng palasyo, saktong kababalik lamang dito ni Manang Pedring?

“Kailangan kong makausap si Manang dahil madami akong katanungan at ang mga iyon sa tanging sa kaniya ko lamang makukuha ang kasagutan.”

Nakikita at nababasa ko sa mga mata ni Cypriano ang pagnanais at kung gaano siya kapursigidong makuha lamang ang kasagutan sa kaniyang mga katanungan. Aking naaalala na ganiyan-ganiyan din ang aking determinasyon noon na makausap at umaasa na may mahihitang kaunting impormasyon kay Manang Pedring.

Bumaling na lamang ulit ako sa labasan at saktong nasulyapan ko ang hardinan kung saaan si Manang Pedring mismo ang nag-aalaga.

 
Ano nga kaya ang meron sa matandang yun at maging si Cypriano ay may kailangang malaman mula sa kaniya? Kay liit ng mundo dahil mukhang ang isang kagaya ni Manang Pedring ay may kaugnayan sa kaniya-kaniyang problema namin ni Cypriano. Pero ano naman ang kaugnayan niya sa aming buhay?

****
🥰

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro