
Chapter 50
CHAPTER FIFTY
THE WHOLE month of November made us really busy — especially me. Kaya nga ngayong December, we tried our best to relax and stay chill kahit na mahirap.
No'ng nakaraang buwan kasi, halos hindi na kami makapag-usap-usap dahil sa paghahanda sa kanya-kanya naming final examination. Kaya nga pagkatapos na pagkatapos nung huling araw ng exam, nag-celebrate talaga kaming lahat — except kina Julius at Karen na nag-iiwasan pa rin hanggang ngayon.
And when the month of December hits the calendar, it made us nervous again. Nitong unang linggo kasi in-announce at p-in-resent ang mga candidates for graduation. At nakahinga talaga kami nang maluwag dahil kasama kaming lahat. Walang naiwan.
Kaya ngayong Christmas break, 'yong mga thesis naman namin ang aming inaasikaso. Pagkatapos kasi naming mag-file ng application for graduation sa darating na February, magte-thesis defense naman kami. Kaya iba rin talaga ang pressure na nararamdaman naming lahat. Kaunti na lang kasi at papasukin na namin ang panibagong mundo — mundo kung saan aming haharapin ang kanya-kanyang realidad.
"Chie, ayos na ba 'to?"
I looked at Eliseo's direction. Hanggang ngayon pala hindi pa rin siya tapos sa pagde-decorate ng Christmas tree niya rito sa condo.
"I told you, Ely, wala akong alam sa mga ganyan." Pagkatapos kong sabihin 'yon, muli akong bumalik sa ginagawang pag-aayos ng mga pinamili namin sa grocery store kahapon. "Did we buy some seasonings ba o nakalimutan na naman natin?" I added, looking for the bottle or sachet of salt, pepper, and spice.
He didn't answer me. His eyes were still focused on that damn tree. Paano kasi, kung kailan ilang araw na lang at magpa-Pasko na, saka niya pa naisipang magtayo at mag-decorate ng Christmas tree. And to quote him, "Para naman kasi maramdaman natin ang spirit ng Christmas dito sa condo, Chie. Isa pa, this is our first celebration of Christmas together. So dapat memorable."
"Kapag ako nainis, sisirain ko talaga 'yang—"
"We didn't," he cut me off. "'Di ba sabi mo, babalikan na lang natin 'yong mga seasonings kaso mahaba ang pila sa counter kaya 'wag na lang?"
Todo pigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Kanina ko pa kasi siya niloloko na sisirain ko talaga 'yong ginagawa niya. Minsan ko lang kasi maasar ang isang Eliseo kaya nilulubos ko na.
"I'm done!" he excitedly exclaimed after putting the little star at the top of the tree. "'Yong mistletoe na lang ang kulang."
Napalingon agad ako sa kanyang gawi pagkarinig ng sinabi niya. "I told you, Ely, 'wag mo nang ilagay 'yong mistletoe na 'yon."
"But that's . . . that's our tradition, Chie," he slowly answered in a soft voice. "Saka ayaw mo bang matikman 'tong mga labi ko sa mismong araw ng Pasko?"
For the nth time, muntik ko na namang maibato ang mga hawak kong canned goods. Mabuti na lang at nakapagpigil pa ako. Kahit sanay naman na kasi ako sa ganyang mga banat niya, hindi ko pa rin maiwasang hindi magulat lalo na kapag out of nowhere siyang bumabanat ng gano'n.
Isa pa, bumabalik din sa akin ang nangyari no'ng tinanong ko siya tungkol sa kung ano ba kami last time. He didn't answer my question — actually, no. He wasn't able to answer it because of the interruption that Maris made. Sasagot na sana siya, e. Magsasalita na sana. Kaso bigla ba namang dire-diretsong pumasok si Maris sa kwarto kung nasaan kami.
Her reason? Natatae na raw kasi siya at wala na siyang makitang available na CR.
And because of that, the atmosphere became awkward. Kaya ayon, bumaba na lang kami at tinuloy ang party. Hindi na rin naman namin siya napag-usapan pagkatapos. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ang topic na 'yon o ako itong umiiwas dahil natatakot sa maaaring maging kasagutan niya.
Pero ayos naman kami. We continued our own lives after that without, us, having a label on what relationship we have.
"O, you're spacing out again," pagsasalita ni Eliseo. Hindi ko napansin na lumapit na pala siya sa aking gawi. "Are you imagining my lips claiming yours again? O mas higit pa?"
"Kung hindi ka pa titigil sa mga kahalayan mong 'yan, baka magse-celebrate ka ng Pasko na may pasa sa katawan."
"Aw . . . nagiging violent na naman ang Chie ko. Sana ganyan ka rin sa kama."
"Tangina mo talaga, Ely!" sigaw ko sabay bato ng sandok na aking nahawakan. Hindi siya natamaan dahil dali-dali rin siyang tumakbo palayo habang wala na namang katapusan ang pagtawa.
Pasalamat siya, nag-e-enjoy ang magkabilang tainga ko sa tunog ng tawa niya. Kung hindi . . . baka nasapak ko na talaga siya nang tuluyan.
***
"Hindi na ba talaga kayo makakasama sa amin?" muling tanong ni Maris.
Today's 25th of December. Katatapos lang naming anim kumain sa labas. Hindi na naman nakasama 'yong dalawa dahil si Julius, umuwi sa kanila sa probinsya. Habang si Karen, nasa Singapore with her family.
"Pwede naman kasi kayong mag-solo mamaya—" Hindi na natapos ni Maris ang sinasabi niya dahil seryoso agad siyang tiningnan ni Eliseo. Habang pigil-pigil naman ang pagtawa naming apat nila Paolo, Axcel, at Robi.
"Boss babe, hayaan mo na kasi sila," malambing na bulong naman ni Paolo sa kanya. "Sige ka, baka matunaw ka na diyan mamaya dahil sa titig ni Lee."
"Makuha ka na nga raw sa tingin, Maris," dagdag pa ni Robi na mahina nang natawa.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Maris. I just mouthed, "What?" Then shrugged my shoulder.
"Siguraduhin niyong may baby na kayo after this, ah," huli niyang sabi bago nagpaalam sa aming dalawa na siyang ikinatawa na naming lahat.
Pagkatapos kasi nung may muntikan ng mangyari sa amin, tuwing magsasama na lang kami ni Eliseo, walang ibang bukambibig si Maris kundi gagawa kami ng baby. As if naman may mabubuntis kasi sa aming dalawa, 'di ba?
"She's really funny," Eliseo commented after we started to walk towards his car on the parking lot.
"And crazy," I added. "Bagay lang din talaga sila ni Paolo. Parehong maluwag ang turnilyo sa utak, e."
"You're right. Kaya kung pakakawalan pa siya ni Pao? He's a big damn stupid jerk."
I looked at his direction, laughing. "Are you aware that you're talking about your cousin right?"
"Kasi naman, Chie, if they're not the end game, ewan ko na lang talaga. Ang perfect na kaya nila as a couple."
"Well, diyan ka hindi nagkakamali. Saka sa tagal na ng relasyon nila? I don't think they'll break up pa."
Pagkarating namin sa mismong kotse niya, dali-dali akong dumiretso sa shotgun seat. Paano, balak na naman kasi sanang pagbuksan ako ni Eliseo ng pintuan kung saan ayaw na ayaw ko. I have my own hands and luckily, I'm not disabled, so I don't want people especially him treating me like one.
"Hindi ka ba kinikilig kapag pinagbubuksan kita ng pinto?" he suddenly asked after he started the engine. "Wait — let me rephrase it. May kilig ka pa ba diyan sa katawan?"
"Don't start with me again, Ely. Baka sasalubungin mo ang 2022—"
"Na may pasa sa katawan?" he cut me off. It almost made me laugh because he looks traumatized by what I'm always telling him. "Ang brutal mo talaga, babe."
Dati, every time I heard him calling me 'babe', nagki-cringe talaga ako. Pero ngayon, hindi ko na mapigilang hindi mapangiti dahil sa kilig. And to answer his nonsense question earlier: yes, may kilig pa rin naman ako sa katawan kahit papaano. At dahil 'yon sa kanya.
Ilang saglit lang napaayos na ako nang upo. "Where are we going? Hindi ito ang daan pabalik sa condo, ah."
"You'll see later."
"Ely . . ."
"Don't worry, Chie. I'm pretty sure that you'll like it."
Nagbuntonghininga na lang ako sabay lingon sa labas. Ano na naman kayang pakulo ang binabalak ng isang 'to?
***
"What are we doing here in Rizal?" I asked him when I saw a signage that says, "Welcome to Tanay, Rizal!"
He suddenly flashed his sweet smile. "I want to show you something, Chie."
"In this hour?" Muli akong napatingin sa aking wristwatch. "It's already 10:23 PM, Ely."
"Exactly! Mas maganda ang view ng gan'tong oras."
I creased my forehead. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Minutes later, he stopped the engine.
"We're finally here on the jump off," he said.
Pagsilip ko sa paligid, mga puno ang sumalubong sa akin. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan. "Lambingan Hills," pagbasa ko sa signage 'di kalayuan sa aming pwesto. "Anong gagawin natin dito?"
"Stargazing."
"What?"
"We're going to stargaze, Chie." I didn't expect that at all. Pagkasabi niya rin non, awtomatiko akong napatingin sa kalangitan. "Mas maganda ang view sa itaas. Kaya kailangan pa nating mag-trek ng mga five to ten minutes."
Hindi ko mapigilang hindi mamangha. Eliseo never failed to surprise me. And like what he said, after almost ten minutes of trekking, we reached the top of Lambingan Hills.
"Kung gusto niyo pa po ng mas magandang view, doon po banda ang masa-suggest namin," sabi ng aming tour guide sabay turo banda sa itaas pa. "Sa lampungan area po."
"Lampungan?" halos sabay naming sambit ni Eliseo.
Natawa naman 'yong tour guide namin sa aming reaksyon. "Tinawag po kasi 'yong lampungan area dahil puro magjowa ang naroroon na naglalampungan."
Nagkatinginan naman kami ni Eliseo at napangisi na lang siya sa aking gawi. Habang ako naman, sinamaan ko siya ng tingin.
Nagpasalamat na kami sa tour guide namin at nagrenta na rin ng tent. Dumiretso kami sa lampungan area as per Eliseo's request. Hindi naman na ako umangal para walang gulo. Baka mamaya masira pa 'tong gabi namin dahil sa akin.
"Did you like it?"
I smiled at his direction and slowly nodded. "Thank you," I then whispered.
***
"Kaya pala may bitbit ka talagang jacket, ah," natatawa kong komento habang yakap-yakap ang sarili. Kahit kasi may suot na kong jacket, ramdam ko pa rin ang lamig lalo na't nasa pinaka-itaas kami. "Grabe . . . ang ganda talaga ng mga bituin," mangha ko pang dugtong habang nakangiti nang nakasilip sa kalangitan.
Nang wala pa rin akong marinig na kahit anong komento mula kay Eliseo, nilingon ko na siya. And much to my surprise, he's directly looking at me with a smile on his face.
"Why are you looking at me like that?"
His smile widened before he heaved a sigh. "Thank you, Chie."
"Ha? Para saan?"
"For everything. For coming into my life, for being friends with me, for being my sadist roommate, and for . . ."
"For what?"
"For . . . letting me to love you. Thank you, Chie."
Mas lalo akong napangiti pagkarinig ng huli niyang sinabi. "Thank you for being by my side this Christmas," sabi ko naman. "Masaya ako kasi ikaw ang kasama ko."
"Talaga?"
"I may not be capable of telling you those things in our everyday life but believe me, Ely, when I say that I'm really happy with you because it's true."
"Ako rin naman," aniya. "Masaya rin ako na ikaw ang kasama ko ngayon. At sana . . . sana hindi ito ang una't huli."
"Sana nga."
After that, we fell into a comfortable silence. Ito na naman ang pakiramdam ng nalulunod sa malalalim niyang pagtitig. I kinda know what's going next but I don't want to expect—
Shit.
I stiffened when his soft lips crashed against mine. Dahil sa lamig na dulot ng hangin, naramdaman ko na lang ang panginginig ng aking tuhod. I feel dizzy and my heart beats so damn fast like crazy. And when I kissed him back, seconds later, our kisses went deep and rough.
I guess, we're now literally kissing under the stars.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro