Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

CHAPTER FOUR

THE MOMENT I enter the store, I instantaneously called my boyfriend's name.

"Oh, Chie, nandito ka na pala," aniya saka ako sinalubong ng isang yakap. "Kanina ka pa namin hinihintay, e."

Kumunot na naman ang noo ko pagkarinig non. Ano ba nangyayari?

Naputol ang yakapan naming dalawa nang magsalita 'yong babae sa counter. "I guess you're John's boyfriend he's talking about," nakangiti niyang sambit pero nakataas ang isang kilay. Pagharap ni Victor sa kanya, bigla namang naging maamo ang mukha nito.

Saka anong tawag niya sa boyfriend ko? John? At pumayag ang boyfriend ko na tawagin siya sa first name niyang ayaw na ayaw niya? So what's the deal, ha?

"Why are you not answering my text messages?" I asked, ignoring the girl behind us. "Kaninang umaga pa ko naghihintay."

"Text messages—shit!" mas lalong napakunot ang noo ko sa naging tugon niya. "Love, believe me or not, I didn't touch my phone the whole day. Naging busy kasi ako sa school kanina para sa darating na culminating activity next week."

I eyed him suspiciously. Sa tagal naming magkasama, hindi pa nagsisinungaling si Victor sa akin. Kahit na ako, sinasabi ko sa kanya ang lahat-lahat. Wala naman kasing dahilan para magtago kami ng kung ano sa isa't isa. Pero sa sinabi niya ngayon, may kung ano sa akin na parang hindi naniniwala.

"Love . . . may problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

I mentally shook my head. Hindi ko dapat siya pinag-iisipan nang masama. He trust me. And I trust him too. Wala dapat akong ipag-alala.

I smiled at him. "Wala," mabilis na sagot ko. "Nag-alala lang kasi ako sayo. It was unusual kasi na hindi ka agad nakapag-reply sa texts ko."

"Sorry for that, love. Don't worry hindi na mauulit," aniya sabay yakap ulit sa akin.

Ngunit muli na naman itong naputol nang pekeng tumikhim 'yong babae. Ano bang problema ng isang 'to?

"Sorry sa abala, love birds, pero paalala lang na nasa trabaho tayo ngayon. Maging professional naman sana tayo," natatawa niyang komento.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ngayon ko lang napansin na suot-suot niya ang official uniform nitong store. That does mean . . .

"Ah, love, gusto ko pa lang ipakilala si Amanda," pagsasalita ni Victor. "Bago nating katrabaho. Siya na ang nakatalaga sa counter."

Oh . . . bago naming katrabaho. So hindi na lang pala kaming dalawa ni Victor ang magkasama dito sa store nang gan'tong oras.

"Hi, Amanda here," aniya sabay lahad ng kanyang kanang kamay na tila ba gustong makipagkamay. "Nakwento ka na sa akin ni John kaya it was finally nice meeting you."

Dahan-dahan ko namang inabot ang kamay niya. "I'm Richie and nice meeting you too."

"Richie? I thought your name was . . . Chie?" alangan niyang tanong.

"Yeah, you're right," nakangiting sagot ko. "Pero nagpapatawag lang ako sa pangalan kong 'yon sa mga close ko."

"Love . . ."

"Magpapalit na ko ng damit, Victor," sambit ko at dumiretso na sa locker room.

Ngayon, mukhang may hindi ako magandang pakiramdam tungkol sa mga susunod na mangyayari . . .

***

"Love, galit ka pa rin ba?"

I was busy arranging the snack section nang lapitan ako ni Victor. Tapos na ang thirty-minute break namin kaya bumalik na agad ako sa trabaho.

At hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kinakausap. Knowing na wala naman pa lang masamang nangyari sa kanya pero hindi pa rin siya nakapag-text sa akin, it was still somehow pissed me off. Hindi sa hinihiling ko na may mangyari sa kanya, okay? Ang point ko ay sana man lang nagsabi siya kasi nag-aalala talaga ako!

"Love, sorry na . . . pansinin mo naman na ako," mahinang sambit niya at akmang yayakap sana sa akin pero pinigilan ko siya agad.

"Victor, nasa trabaho tayo, okay? And to quote your friend, she clearly said that, "paalala lang na nasa trabaho tayo ngayon. Maging professional naman sana tayo." Kaya, please, bumalik ka na sa trabaho mo," diretsong sabi ko.

"May galit ka ba kay Amanda?" rinig kong bulong niya. "Why are you keep calling her "my friend"? Hindi mo ba siya pwedeng tawagin sa pangalan niya?"

"Whatever," bulong ko rin. Sinigurado ko namang hindi niya 'yon narinig.

Oo na at ang immature nitong inaasta ko. Pero masisisi niyo ba ko? Matatanggap ko naman na kasi sana 'yong rason niya, e. Pero dahil may biglang Amanda sa eksena? Hindi niyo ko masisisi na hindi magduda.

"Love—"

"Victor, please. We can talk after work, okay? But for now, let's keep things professional." After I said that, umalis na rin siya sa tabi ko.

I sighed.

"Bakit ba kasi kung anu-ano pinag-iisip ko?!" I mentally shouted at myself.

***

It's already ten o'clock at iilan na lang ang mga tao na nasa labas nakaupo. Hindi naman kasi masyadong matao sa lugar na 'to pero dahil nga 24/7 'tong store namin, hindi palagi nawawalan ng costumer.

Katatapos ko lang ayusin 'yong panibagong stock ng mga beverages na dumating kani-kanina at wala na kong magawa. Habang busy naman si Victor sa pagma-mop banda sa may counter.

"John, sorry ha at mukhang magkaaway pa kayo ng jowa mo nang dahil sa akin." Napahinto ako sa pagre-recheck ng mga products sa personal hygiene section nang marinig ko ang sinabi nung Amanda na 'yon.

The nerve of that girl! Ang assumera na iniisip niya na siya ang dahilan kaya kami gan'to ngayon ni Victor, ah. Well, parte naman talaga siya. Pero hindi lang naman dahil sa kanya. Ang kapal ng mukha.

"Ano ka ba, Amanda, wala 'yon. Mainit ang ulo ni Chie dahil sa hindi ko pagre-reply sa kanya at wala kang kasalanan do'n. Saka hindi naman kami magkagalit. Nagtampo lang 'yon," paliwanag naman ng magaling kong boyfriend.

Hindi ko mapigilang hindi makinig sa usapan nila kaya lumabas na lang ako. Wala namang customer sa loob kaya medyo nilakasan ko ang pagbagsak ng pinto pagkasara ko. Naramdaman kong napatingin sila sa gawi ko pero 'di na ko nag-abalang tingnan pa ang mga reaksyon nila.

Malapit naman ng mag-eleven. Ilang minuto na lang at matatapos na rin ang shift namin. Hindi ko na kasi talaga kayang makita ang Amanda na 'yon sa tabi ni Victor. Nag-iinit lang ang ulo ko.

Pagka-alis nung dalawang customer sa labas, sinimulan ko nang linisin ang mga table. Kung normal na araw 'to at walang Amanda sa eksena, siguro nag-uusap kami ni Victor tungkol sa mga nangyari sa araw namin sa mga oras na 'to. Ayon na kasi ang nakasanayan namin. Pero hindi.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang maagaw ang atensyon ko ng mga iilang lumabas sa sasakyan na huminto sa store namin. Ang iingay kasi at kung makapag-usap, akala mo ang lalayo sa isa't isa.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at muling nag-focus sa paglilinis. Nang malinis ko na ang lahat ng table, naisipan ko nang pumasok. 10:40 na rin naman na. Malapit na ring dumating 'yong mga kapalitan namin.

"Woah!" Pagtulak ko sa pinto, isang sigaw ang bumungad sa akin.

Paglingon ko, agad akong napakunot ng noo.

"I wasn't expecting I'll see you in this place," nakangising sambit niya.

At bakit nandito na naman ang lalaking 'to?!

"Hi, No Name — I mean, Chie, right?"

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na lang siya. Ngunit 'di pa ko nakakalayo nang hawakan niya ang braso ko.

"Bakit ba ang sungit mo sa akin?" he playfully asked. "Wala bang talab ang charm ko sayo?"

"Bitawan mo ako," seryoso kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.

"So you're working here?" he asked, not minding my remarked. "You know what, hindi ako naniniwala sa destiny. But seeing you again, unti-unti na kong naniniwala."

What the fuck?! Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? Naka-drugs ba 'to? Bakit parang ang high niya lagi?

"You know what din, malapit na talaga akong mainis sa presensya mo," I honestly said. "Kaya pwede bang 'wag ka na lang ulit pumunta rito? Marami pa namang convenience store diyan, e."

Kung normal na tao ang sinabihan ko non, paniguradong maiinis na dapat sa akin. Pero dahil mukhang hindi normal ang lalaking 'to, nginisian niya lang ako.

Mukhang wala siyang plano na bitawan ako kaya ako na mismo ang nag-alis sa kamay niyang nakakapit sa braso ko.

He shrugged. "Gusto ko lang naman makipagkaibigan. Masama ba 'yon?"

Sasagot na sana ako nang biglang may mga kamay na pumulupot sa baywang ko. "May problema ba, Chie?" nag-aalalang tanong sa akin ni Victor.

Mukhang hindi namukhaan ni Victor ang lalaking 'to. Ewan ko rin ba kung bakit tumatak sa isipan ko ang pagmumukha niya, e.

"So you two are working together here?" manghang tanong nung lalaki na may halong pang-aasar. "Relationship goals, huh?"

"Eliseo, what are you still doing there? Kilala mo ba ang mga 'yan?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa sumigaw. Ah . . . isa pala siya sa mga maiingay na nakasakay sa sasakyan.

"Susunod na ako!" balik na sigaw niya roon. Pagkatapos muling humarap sa gawi namin. "See you around, Chie," aniya sabay kindat.

I can't help but to roll my eyes all over again. Hindi ko talaga kinakaya ang kakapalan ng mukha ng lalaking 'yon.

"Do you know that guy?" Napalingon ako kay Victor nang magsalita siya. "Isn't he the same guy doon sa bar?"

I was about to answer him when I remembered that I'm still pissed off on him. Kaya hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso na sa may locker room.

***

Pagsapit ng alas-onse ng gabi at pagdating nung mga kapalitan namin, lumabas na agad ako sa store.

Tahimik ko lang hinintay si Victor dahil nagpaalam pa siya sa loob. Nauna na kasi akong nagpaalam kanina.

"Chie," agad akong napalingon pagtawag ni Victor sa pangalan ko. And I creased my forehead when I saw him with that Amanda girl again.

Don't tell me . . .

"Is it okay na isabay natin si Amanda pag-uwi? Along the way din naman pala siya, e."

I knew it.

"Uy, John, ano ba! Okay nga lang ako. Sanay na rin naman akong umuwi mag-isa. Isa pa, mukhang ayaw naman akong kasabay ni Richie."

Mabuti at aware ka.

"No, I insist. Gabi na at delikado. Kaya sumabay ka na lang sa amin."

'Yong inis ko kanina, mas lalo pang nadagdagan habang pinapanood silang magtalo.

"Ihatid mo na lang siya, Victor, kung gusto mo," matabang na sabi ko.

"Chie . . ."

"Hindi rin naman ako didiretso sa bahay kaya mauna ka na," pagsisinungaling ko at dali-dali silang tinalikuran.

Nang magsimula akong maglakad palayo, I was expecting him to chase after me like what he always do. Pero wala. Walang Victor na tumawag sa pangalan ko. Walang Victor na humabol sa akin.

"Fuck this day," bulong ko na lang habang pigil-pigil na lumabas ang mga luha sa mata ko.

At dahil nagsinungaling ako na may pupuntahan pa ako, hindi na ako sumakay ng jeep. Naglakad na lang ako sa kung saan. Tinamad na rin kasi akong umuwi agad dahil paniguradong mag-iisip lang ako ng kung anu-ano pag-uwi.

Patuloy lang ako sa paglalakad sa kung saan nang may bumusinang sasakyan sa gilid ko. Napahinto na rin ako at sinilip kung anong meron. Pagbaba ng bintana, bumungad na naman sa akin ang pagmumukha niya.

"Wanna drive me you home?"

'Yong totoo, bakit kung saan-saan ko na lang nakikita ang lalaking 'to?

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na ko sa paglalakad. Pero mukhang pinaglihi siya sa kakulitan at talaga namang sumunod siya sa akin habang nabusina.

Sa sobrang irita, kinuha ko na ang earphone sa bag ko at isinaksak ito sa cellphone. Pagpunta ko sa Spotify, agad kong f-in-ull ang volume.

Masyadong malakas ang busina niya kaya rinig na rinig ko pa rin ito. Mabuti na lang hindi ko na siya naririnig. Pero may kaunting echo na patuloy pa rin siya sa pagsasalita nang pasigaw.

Napalingon ako sa paligid. At bakit walang nadaang mga sasakyan? Nasaan na ba ako?

Wala pa akong mahanap na landmarks kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Pero nakakailang hakbang pa lang ako, nang makaramdam ako ng iilang patak ng tubig mula sa kalangitan.

At ngayon pa talaga uulan, ha? Ngayon kung kailan wala akong dalang payong? Anong kamalasan ba 'to?!

Dahil nga napahinto ako saglit, 'di ko na napansin na bumaba na pala siya sa sasakyan niya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang tanggalin ang nakakabit na earphone sa tainga ko.

"Sasakay ka ba o magpapaulan?"

Agad ko siyang inirapan at hinablot ang earphone ko na hawak niya. "Mas gugustuhin ko pang magpaulan kaysa sumakay sa sasakyan mo."

"C'mon, Chie, 'wag ka na ngang magmatigas diyan. Lumalakas na ang ulan, oh."

"Stop calling me 'Chie'! Hindi naman tayo close, 'no. Saka ano bang pake mo kung maulanan ak—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya na lang hinubad ang jacket na suot niya at ipinatong ito sa ulo ko. Pagkatapos sapilitan niya kong pinapasok sa sasakyan niya.

Sa bilis ng pangyayari, hindi agad ako nakapag-react.

"Saan ba kita ihahatid?" he asked. At doon lang ako natauhan kaya agad ko siyang pinagsusuntok.

"Gago kang kidnapper ka! Ihinto mo 'to at bababa ako. Walang hiya ka! Ipapapulis kita!"

"Stop hitting me or else mababangga tayo."

Pagkasabi niya non, agad akong napahinto.

Mababangga tayo.

Patuloy lang sa pag-echo ang dalawang salitang 'yon sa isipan ko. Hindi man kasi ako kasama sa nangyaring car accident na kinasangkutan ng parents ko, it somehow traumatized me.

Nang mapakalma ko na ang sarili, marahan akong nagsalita. "Ihinto mo na 'tong sasakyan, Eliseo, at bababa na ako."

Akala ko hindi niya pa ko pakikinggan kaya nang ihinto niya ito sa tabi, nagulat na lang ako.

"Did you . . . did you finally call me by my name?"

Hindi ko siya pinansin at dali-dali na kong lumabas. At bago pa niya ako mahabol, agad na kong nagpara ng taxi.

What an exhausting day . . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro