Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Rooftop [ONE-SHOT]

Rooftop

[ONE-SHOT]

by: Imbalovers

Angela's P.O.V

tinamad na ako pumasok sa afternoon classes. 2 weeks passed nang magtransfer ako dito, I felt some strange aura, yung aura na hindi ka makagalaw dahil sa takot, maninigas ka, na parang gusto mo sumigaw pero ayaw. Kahit san ako magpunta, something weird is in this school na parang merong dapat alamin ang past nito.

Ewan! Ang gulo! -_-

Nang makapasok na ako sa loob ng rooftop,wew. Hindi ba dito linilinisan? Ang dumi! At biglang sumarado ang pintuan, napatangin ako agad "Hangin lang yan. psh" Oo, malakas ang hangin. Lumapit naman ako dun sa dulo ng rooftop, kung saan mo makikita yung main gate ng school

At dun ko ulit nafeel yung aura na yun. Biglang naging uncolored ang kulay ang paligid, ang linis linis pa ng rooftop na 'to, at nakita ko dito rin mismo sa rooftop, dito sa kinakatayuan ko, 

Dalawang babae, magkamukha sila, "Ano ba Myrna! Hindi mo ba kami patatahimikin ng kasintahan ko?! Kayat nga kami nagtransfer dito para lumayo sayo! Dyan sa mga pinag-gagawa mo sakin! Kung sana hindi nalang kita naging kaibigan" sigaw ng babae, sa sobrang galit niya, napaiyak siya. "Mang-aagaw ka kasi Myrna eh" ngiting loko pang sabi ng isa, habang tumatawa "Hindi ko naman yun kasalanan na sakin may gusto si Raynold! Selos ka lang! Hindi siya mababagay sayo! Akin lang siya!" biglang tumigil ang pagtatawa ng babae ng pagkasabi ng isa, bigla tong lumapit sakanya habang may dala siya kutsilyo sa likod niya.

Hindi magandang pangyayari ang kasunod nito

Hinugot niya ang buhok ni Myrna, "Alam mo Myrna? Mapapasakin pa rin yan si Reynold" bulong niya sa tenga ni Myrna "Dahil magkamukha tayo" ngiting loko pa ni Clarissa

"Hindi! Hindi siya mapapasayo--" siniko ni Clarissa ang likod ni Myrna kayat napatahimik, "Mapapasakin pa rin siya, pagkatapos kitang patayin" hinila bigla ni Clarissa si Myrna dun sa dulo ng rooftop. Pinatayo siya dun, isang tulak, mahuhulog na siya

"Clarissa, please, wag mo na 'to gawin" pagmamakaawa ni Myrna "Ay? Bakit ngayon mo lang sinabi? Paalam Myrna, ito na ang huli mo" ngiti pang sabi ni Clarissa

And as I feared,

Myrna look at me directly to my eyes and said, "Nagmamakaawa ako, tulungan niyo po ako" at sinaksak ang kutsilyo sa kanyang tiyan sabay tulak ni Clarissa kay Myrna, tumakbo naman ako dun sa kinakatayuan niya, at nakita ko siyang duguan habang nakangiti siya sakin.

Hindi ako makagalaw sa pangyayari.

Pinikit ko ang aking mga mata, huminga ako ng malalim, at sa pagbuklat ko, bumalik ang dating kulay ng paligid, 

at dun ko nalaman, nakatayo ako sa kinakatayuan ni Myrna.

May humawak sa likod ko

sabi

"ito na ang huli mo"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

One shot lang po 'to ^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #rooftop