EPILOGUE
“Oh Mahal kong Julieta!”
“Bakit Mahal kong Rome?”
Hindi ko mapigilang matawa sa ginagawa ni Rome. Nasa ibaba siya habang nasa balcony naman ako. Malaki na ang tiyan ko at ang bigat ng maglakad. Peru mukhang may naisip na namang kalokohan itong asawa ko.
27 na peru kung umakto ulit biglang naging 17 year old Rome. Peru bet na bet ko naman at nagbalik na siya sa dating masahing si Rome. Isn’t it amazing?
“Nahulog ka ba sa langit?”
“Bakit?”
“Mukhang masama ang pagkakabagsak ng mukha mo sa lupa!”
“Baliw!”
Asar itong lalaking ito eh! Sarap ipalamon sa dinosaur. Kung hindi lang talaga ako buntis sinipa ko na ito eh. Nakaka-highblood na naman ang doctor na ito.
“Diyan ka lang sa labas!”
“Baby huwag! Joke lang iyun.”
“Hindi ka tatabi sa akin!”
“Sorry na! Joke lang talaga iyun.”
Nagmadali na siyang pumasok ng bahay at ilang segundo lang ay nasa kwarto ko na siya. Pinaningkitan ko siya ng mata.
“Ano bang sinabi ko?”
“Baby,” lumapit siya sa akin. “Sorry na, para namang ‘di ka na nasanay sa akin.” Wala na akong magawa nang ipulupot niya ang kamay sa bewang ko at binigyan ako ng halik sa labi. Wala na! Bagsak na naman ang inis ko sa kanya.
Kiss lang talaga katapat mo Julieta? Ang cheap ah.
“Nabasa ko na ang bagong release mong story book.”
“And?”
“Nakakatuwang isipin na nagkatuluyan din sila Hamburger at Hotdog,” he chuckled. “Ipagkakalat ko talaga na ang asawa ko ang may sulat ng sequel ng Hamburger vs Hotdog na naging Hamburger Loves Hotdog na. Ang sweet mo talaga.”
Natawa naman ako sa expression ng mukha niya.
Nagsimula sa rebellion na nahantong sa mainit na pagmamahalan o diba tsika lang! May mainit na pagmamahalan pa akong nalalaman. Chus!
Hindi ko naman pinagsisihan ang mga iyun. Kung hindi ko na kilala ang mukong-slush-mahaderong lalaking ito ay baka nabaliw na ako sa kahahanap ng Romeo ko. Iyun pala siya lang pala iyun… akalain mong nalaman agad ni kinder Rome na ako ang partner niya forever?
Epektibo ang paglandi niya ng maaga!
Siguro nga…kami na ang continuation ng naudlot na pag-ibig nila Romeo at Juliet peru mas maganda ang story namin dahil mas ‘di hamak na mas maganda ako! Talagang naisingit pa iyan Julieta?
Peru at least may Happy Ending kami. At magiging masaya narin ako kasama ang Romeo ng buhay ko at ang soon to be babies namin.
“Anong ipapangalan natin sa kambal?”
“May naisip na ako… kapag dalawang babae ay Raine at Rhian. Kapag lalaki ay Rain at Ryan naman.”
“Parang magkatunog lang yata Julieta?”
“Magkatunog ba? Okay lang iyan, iba naman spelling.”
“Sabi mo eh,”
“Rome?”
“Hmm?”
“Gusto mo palitan na natin ang title ng love story natin?”
“Ano naman?”
“Rome loves Julie,” ngumiti ako sa kanya. “Ano sa tingin mo?”
“I love that,”
“Eyy, kinikilig ako!”
“Naiihi ka lang,”
“Shut up!”
“I love you!”
“Tama na iyan love birds!” Sabay naming tinapunan ng masamang tingin ang istorbong si Tobby. “Tigilan ninyo ako sa pamatay ninyong tingin sa akin. Bumaba na kayo at nandito na ang bisita ni Lola Ruffina.”
Aish! Muntik ko ng makalimutan. May party nga pala sa ibaba. Supposed to be ay noon pa iyun peru laging napo-postpone. At ngayon na tuloy na talaga.
“Sige na susunod na kami ni Julieta.” Inalalayan na ako ni Rome palabas ng kwarto namin at pati sa pagbaba ng hagdan. “Kaya mo pa ba? Gusto mong kargahin nalang kita?”
“Ano ka ba,” pinalo ko siya. “Mabigat na kaya ako. Chill ka lang diyan.”
“Kaya naman kita eh,”
“Che! Hayan ka na naman.” Tumawa lang siya.
“Malakas na malakas ang pagmamahal ko sayo kaya kahit tumimbang ka pa ng 500 pounds ay makakaya parin kitang kargahin.”
“500 pounds?” Napangiwi ako. “Ngeks, parang hot air balloon na yata ako nun.”
He chuckled, “Parang ganoon na nga.”
“Che!”
“Oh nandito na pala sila Rome at Julie!”
“Mommy!” Biglang lumapit sa akin si Rosette at humawak sa kamay ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Pati din si Rome… anong nangyare sa batang – Hampaslupa! Napasinghap ako sa gulat.
“Juliet?” Lumapit sa akin si Mrs. Park. Takte! Anong ginagawa nila dito? “Magkakilala pala kayo ni Madame Montague?” Tanong niya sa akin.
“Eh?” Anong sasabihin ko? Tinignan ko si Rome. Mukhang nagulat din siya. Humawak nalang ako ng husto sa braso niya. Masimulan nga ang pagdadasal ng rosaryo.
Lumapit si Lola sa amin kasama si Mr. Park.
“Magkakilala kayo?” Tanong ni Lola sa mag-asawa.
“Yes, they’re Mr. and Mrs. Ibarra, and their daughter Rose.”
“Kailan pa sumapi ang lahi ni Crisostomo Ibarra sa lahi ng mga Montague at Capulet?” Pasimpleng pinandilatan ko si Kuya Tobby. “Takte! Bakit ko ba nakalimutang mag-bestfriend ang mga pamilya namin. Wew! Nauuhaw ako.”
“Ibarra Family?” Lola looked confused.
Pati din ang buong pamilya. Syetes! Bakit napadpad sila Mr. and Mrs. Park dito? Rome kausapin mo sila. Patay talaga kami kapag nalaman nilang nagsinungaling kami sa kanila.
“Oh Rome,” simuna ni Mr. Park. “Mukhang madadagdagan na kayo ah?”
“Sinipag ulit eh,” he chuckled. “Alam mo na? The more the merrier.” Talaga naman Rome?
“I’m so happy for you Juliet!” Hinawakan ni Mrs. Park ang malaki ko ng tiyan. “Ang laki na,” inangat niya ang mukha sa akin at ngumiti. “Babae o lalaki?”
“Kambal,”
“Wow!”
“Congrats,”
“Peru ‘di pa namin alam kung lalaki o babae.”
“I’m happy for the both of you.”
“Ako din happy!” Nagtata-talon-talon si Rose. “Ate na ako! Ate na ako!”
“Sino nga ba sila ulit?” Lola raised her brows but with a smile. Takte! Wala talaga kaming maitatago kay Lola eh. Talino! Itago ko muna ang utak ko. Nahihiya eh. Chus!
“The Ibarra family,”
“Really?”
“Yes, sure kami doon. Bakit hindi ba?”
“Hmm?”
“Kami iyun!” Finally nagsalita na rin si Rome. Ngumiti si Rome at hinapit pa ako palapit sa kanya. “Chef nga ako eh.”
“Saka editor ako,” dagdag ko naman.
Anong konek?
“And we’re the Ibarra Family!” Sigaw ni Rose sabay pose ng kanyang sailor moon favorite pose. “Peru syempre… magiging The Ibarra Family times two na kami!”
Lola shrugged, “Sabi ninyo eh,”
“Lola hindi ka naniniwala?” Tanong ko sa kanya.
“Ikain ninyo nalang iyan.” Tinalikuran na kami ni Lola. “Baka kinulang lang kayo ng corned beef,” she chuckled.
“It’s nice seeing you again Romeo and Juliet,” ani ni Mrs. Park.“Susundan na namin si Madame Ruffina,” nag-excuse ang mag-asawa.
Phew! Doon lang ako nakahinga ng matiwasay. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. “Dapat kasi ginawa nalang nating Montague ang apelyido natin noon eh.” Bulong ko kay Rome.
“Hayaan mo na, hindi naman nila nahalata.” He winked.
“Hey!” Wagas ang ngiting lumapit sa amin si Kuya Tobby. “Kailan pa ninyo naging Lolo si Crisostomo Ibarra?”
“Gusto mong lunurin kita ng muriatic acid?!”
“Chill,” he held his hands up. “Parang nagtatanong lang sa history eh. Pakilala mo ako minsan kay Tsong Crisostomo ah. Baka ako ang nawawalang anak ni Padre Damaso. I can feel it within my stomach.”
“Kabag lang iyan!”
“Anyway,” yumuko siya at ibinaba ang invisible hat niya sa amin. “Maligayang gabi Ibarra Family. Masiyahan sana kayo sa aming inihandang piging.” Iyun lang at natatawang tinalikuran na kami ni Kuya Tobby. Ang pinsan ko talagang iyun nakaka-stress ng kuko.
“Ate Julie,” Rose tugged my dress. “Ampunin ninyo lang ako.” Nakangusong hiling niya. Natawa tuloy ako.
“Rosette huwag kang praning,” sagot ni Rome sa kapatid.
“Hmp,” lalo pa siyang ngumuso. “Pangit kasi ng mga magulang natin Kuya. Lagi nalang gumagala ng mag-isa.” She put her hands on her hips. “If you don’t like, kay Lola nalang ako magpapa-ampon.” Tinaasan pa niya ng kilay ang kuya niya bago nag-martsa pa alis.
“Iyung batang iyun talaga, aish.”
“Hayaan mo na,” hinawakan ko siya sa braso. Ngumiti naman siya nang pihitan niya ako paharap sa kanya. “Oh bakit ngiting-ngiti ka diyan?”
“May naalala lang ako sa kapatid kong iyun.”
“Ano naman aber?”
“Naisip ko din kasing ipaampon ang sarili ko noon dahil laging missing in action ang mga magulang ako. Alam mo na, naghahanap din naman ako ng pagmamahal at isang kalinga.”
“Nakahanap ka ba naman ng aampon sayo?”
“Yup,” he nodded.
“Sino?”
“Hindi mo kilala?”
Umiling ako. “Huwag kang tanga! Kung alam ko magtatanong pa ba ako?” Tumawa siya bigla. “Huwag mo nga akong tawanan!”
“Sabagay, ‘di mo talaga malalaman kung sino ang gusto kong umampon sa akin.”
“At bakit naman?”
“Manhid ka kasi – ouch!” Kinurot ko siya. “Why the heck did you that for?”
“Asar ka kasi eh! Sino nga kasi?”
“Hindi mo talaga alam?”
“Ang kulit mo ha!”
“Oo na,” he chuckled. “Sasabihin ko na sayo.”
“Sino?”
“Ikaw,”
“Huh?”
“Pwede mo ba akong amponin…”
“Saan?”
“Syempre diyan sa puso mo?”
“Bakit naman?”
“Kasi kailangan ko ang kalinga at pagmamahal ng pinakamamahal kong Julieta. Naks! Ayos ba?” Inilapit ko ang mukha sa muka niya.
“Alam mong kulang sayo?”
“Ikaw?”
“Kulang ka lang ng isang baldeng iced tea at isang platong cornedbeef. Tigilan mo ako Rome sa mga korney mong linya.”
“Hay naku! Wala na talaga akong magandang nasabi para sayo.”
“Meron,”
“Ano?”
“I hate you,”
“I love you kaya ang sinasabi ko sayo lagi.”
“That’s my favorite,” I winked at him. “I love you too.”
“Bakit kinikilig ako?”
“Naiihi ka lang,”
“Hahaha!”
The End
~Yikes! Tapos na haha! Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ng love story nila Rome at Julie! Sana napangiti, napatawa, napaiyak, napaisip, at nagulo ang utak ninyo sa makulit na pag-aaway at pagmamahalan nila Rome at Julie. HAHA - sana may napulot kayong araw sa kwento na ito! Keep Supporting Rome and Julie kapag na published na siya.
SALAMAT TALAGA SA MGA READERS KO! I LOVE YOU PO!
PWEDENG REQUEST? HABAAN NINYO ANG COMMENT NINYO PARA MASAYA! I WANT TO KNOW YOUR VIEWS... PATI SILENT READERS HAHA! SALAMAT PO!
SANA NAGUSTUHAN NINYO ANG ENDING!
LOVE YOU <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro