Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

"Anong ginagawa natin sa pinaka-likod ng library Rome?"

"Spending our lunch break together?"

I rolled my eyes at him. "In the library?!" Sumigaw ako ng hindi lumalabas ang boses ko. Ano bang trip niya at dinala niya ako sa library ng school?!

"You got it right," he leaned on the shelves. "Para naman hindi ka makasigaw kapag nainis ka na naman sa akin. Kasi iyang bibig mo parang megaphone kapag naiinis ka sa akin."

"Naiinis ako sayo, alam mo?"

"Silence," he chuckled. "This is great right?"

"Papatayin kita kapag naka labas na tayo dito." I hissed. "Ano bang ginagawa natin dito? Pag-aaralin mo ako? Pwes, ayoko."

"Alam ko namang tamad ka kaya ako na mismo ang magtuturo sayo."

"Pati lunch break hindi mo pagpapahingahin ang utak ko?" Ang sarap isampal ng mga libro sa mukha niya. Umiinit na naman ang ulo ko sa kanya. Buti nalang at wala gaanong tao sa pinakalikod na shelves sa library. Peru hindi parin ako pwedeng sumigaw. Kainis!

"Lesson number one," inilabas ni Rome ang isang maliit na notebook sa bulsa ng polo niya. "Paano mamahalin si Rome."

"Eww! Mamahalin talaga? Hindi pwedeng paano magugustuhan ikaw? Paano ka papatayin? Paano ka ililibing ng buh –"

"Julieta?"

"Okay, paano ko mamahalin si Rome 101."

"Bakit ba ayaw mo sa akin?"

"Ewan ko? Basta galit ako sayo."

"Wouldn't you give me a chance?"

"Okay ka naman eh, peru hindi ko mapapangako sayo na magiging mabait ako sayo o hindi maiwasang magalit sayo. Kahit na ayoko sa situation natin ay pinipilit ko namang maging cool tempered pagdating sayo peru naiinis talaga ako sayo."

He smiled, "Julie."

"Tama ba ang narinig ko sayo? Tinawag mo akong Julie?"

"Testing lang he-he," napasingamot tuloy ako sa kanya. "Mas maganda parin talaga ang Julieta."

"Hayan nagsisimula ka na naman sa akin." Biglang wala nang nagsalita pagkatapos nun. Parang nakakabingi naman yata masyado ng buong paligid. "Hoy Rome na tahimik ka?"

"Para hindi ka na magalit sa akin."

"Huh?"

"Kapag tahimik ako wala akong nasasabi na ikagagalit mo. Hindi tayo mag-aaway. Hindi ka maiinis sa akin. Hindi mo na ako maiisipang patayin pa."

"Rome?"

"Sucks! Pwede bang kahit ngumiti lang ako at dumaldal ng konti once in a while?" Natawa tuloy ako sa kanya. Praning! Hindi niya talaga magawang maging seryoso at hindi nakakadaldal. "Uyy tumatawa ka?"

"Wala," peru tawa parin ako ng tawa. "Natatawa lang talaga ako sayo dahil masyado kang madaldal para sa isang genius na lalaki na katulad mo."

"Nakakadag-dag pogi points na ba iyun sa akin?"

"Hmm, okay na rin."

"Yes!"

Kung lagi ba naman kaming ganito baka hindi na ako magalit sa kanya. 



****


Lumabas na ako ng Faculty. Naman, kailan ko ba talagang sumali doon? Matagal na akong hindi sumasali sa mga creative writing competition. I sighed, "Writing brings bad mem-"

"Bulaga!"

"Ahhh! Buwesit!" Nasampal ko si Rome sa gulat.

"Ouch! Bakit ang hilig-hilig mong sampalin ako, ha?"

"Eh nagulat ako!"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo. May bagsak ka noh?"

"Bagsak agad?"

"Galing ka sa faculty eh."

"Bakit kapag galing ka ba sa faculty room means bagsak ka? E paano kung makita kitang pumunta sa isang bar sasabihin ko ring isa ka sa mga nag-sasayaw ng hubad doon?"

"You have a point, so ano nga ba ang ginagawa mo doon sa loob?"

I stared at him, "Rome nakapag-sulat ka na ba ng letter?"

Ngumiti naman siya sa akin. "Gusto mo sulatan kita?"

"Nakapag-sulat ka na ba ng letter para sa ibang tao noon?!" Inis na tanong ko ulit sa kanya.

"Well, anong klaseng letter?"

"Love letter,"

"Oo,"

"Anong reaction niya nang matanggap niya ang mga sulat mo?"

"Hindi ko alam,"

"Bakit hindi mo alam?"

"Kasi hindi ko binibigay sa kanya. Gusto mo ibigay ko sayo?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman ibibigay sa akin iyun?"

"Wala lang, baka gusto mong basahin."

"Baliw!"

Bumalik na ako sa classroom. Bakit ko ba kasi tinanong ang baliw na iyun. Nakasunod naman si Rome peru sa halip na umupo sa upuan niya ay tumayo siya sa harap ng klase.

"Classmate may announcement ako kaya chill muna kayo sa mga upuan ninyo." Sumunod naman ang lahat. "Thank you, okay, alam naman natin na malapit na ang Intrums at hulaan ninyo kung anong activity ang naka-assign sa section natin?"

"Walaaa!" Sigaw ng lahat. "Wala tayong gagawin!"

"Mali! Ang gagawin ng section natin ay drama."

"Ayaw namin ng drama! Boring!"

"Alam ko kaya I decided na kung sino man ang sasali sa drama ay bibigyan ng pera as talent fee!"

"Yehey! E-audition na yan!" Hindi naman halatang mukhang pera ang mga classmates ko. "Game kami diyan!"

"Mamumulubi ako sa inyo peru okay lang. Audition mamayang 3 pm sa auditorium." Bored na itinaas ko ang isang kamay. "Julieta may tanong ka?"

"E ano naman ba namang drama iyan?"

He smirked, "Romeo and Juliet."

"Wetwiw! Wooo! RoLie na iyan!"

"Guys chill na muna. First thing first, hindi na available ang Romeo."

"Bakit naman?"

"Kasi ako ang gaganap na Romeo. Ayos ba?"

Naghiyawan ang lahat. Talaga naman, sabi ko na nga ba eh! Feel na feel talaga ang pagka-Montague niya eh. Bigla naman akong tinawag ni Rome.

"Julieta mag-audition ka ba mamaya?"

"Kung ikaw lang naman ang gaganap na Romeo huwag nalang hindi ko feel makipagdramahan sayo."

"Well, hindi natin alam baka mag-iba ang ihip ng hangin at bigla ka nalang magpakita at mag audition bilang si Juliet."

"Sige pag pumuti na ang uwak baka sakali."



****


"Anong tingin niya sa akin magpapakababa para lang sa prize nilang who knows! Please, hindi pa ako nababaliw para gumanap na Juliet sa dramang iyun." Inisang lamon ko lang ang mamon na binili ko sa canteen. Buti nalang may apat pa akong natitir- "Aw! Ano ba?!" Natapon tuloy lahat ang mga mamon ko.

"Watched where you walk loser!"

Uminit lang tuloy ang ulo ko nang mapag-sino ang dahilan ng maagang paghalik ng mga mamon ko sa lupa. Ang mga Weenies na kasing liit ng utak ng mga froglets. At isa sa mga babaeng naghahabol kay Rome. Namely, hindi ko alam kung sino sila.

"Wala akong pakialam! Sinayang ninyo lahat ng pagkain ko."

"Pig," pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Just look at you?" Yung expression ng mukha niya parang ang tingin niya sa akin tae sa inidoro. Yuck! Mukha niya parang unggoy.

"Alam kong maganda ako!"

"Dream on," wala namang silbi yang dalawang alipores niya sa likod. Pang-decoration lang sa eksenang pang-kontrabida. "Anyway, buti naka salubong ka namin."

"Wow! Kilala ko ba kayo?"

"Stop being a bitch and listen to me," hinila niya ang necktie ko kaya ngayon masyado ng malapit ang pangit niyang mukha sa akin. "Don't you ever show up and audition for Juliet if you don't want us to make your life miserable."

"Gaga ka ba? Matagal ng miserable ang buhay ko kaya huwag ka ng dumagdag."

"I'll make it more miserable."

"Ipa-sched mo nalang iyan dahil busy ako." Tinampal ko yung kamay niya na nakahawak sa necktie ko bago ko siya tinaasan ng isang kilay. "Alam mo ba ang tawag sa inyo sa mga ganitong eksena?"

"What?!" She crossed her arms at pati yung dalawang babae sa likod na walang silbi. "Are we those hot villains who made the lives of those protagonists a living hell?"

"Kayo yung klase ng tao na masyadong overrated. Walang magawa sa buhay kung hindi ang umeksena at mam-bully. Dapat sa inyo ay ipang-bala sa canyon o ibitin patiwarik sa flag pole at nang magkasilbi kayo sa bansang ito." Ako naman ang tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "Maganda parin akong magdala ng uniform kaya sa inyo. Baboosh!"

Syempre kapag may pamatay na speech ng katarayan na ganoon dapat pamatay ang grand exit na walk out. Ha! Akala – wait ang mamon ko! Binalikan ko ang mga mamon ko. Peru may isang hirit pa ako.

"Hoy si Zuma ka ba?"

"Bakit?!"

"Mukha kang ahas!" Sabay smile. "Sa leeg ni Galema."

Yes! Akala ninyong tatlo maiisihan ninyo ako? Huwag kayo at mas wais ako sa inyo dahil maganda at medyo matalino ako. Peru teka nga, bakit 'di ko kaya galitin ng super ang isang iyun? Aha, I love mamon! Yum, yum, yum... peru bago iyan ay makapag-audition nga sa role na Juliet.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro