Chapter 8
"Teka ba't may pa holding hands, holding hands pa tayo?!" Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko peru laging epic fail.
"This is part of you being good to me."
"Kailangan talaga may skin to skin na kasama? Ang eww mo ha."
"Action speaks louder than words nga, diba?"
"I don't like it! I don't want to be seen so close with you." Naipadyak ko iyung mga paa ko. "This is embarrassing."
"Huwag ka ngang mag English Julieta kinikilabutan ako."
"Nang-iinis ka na naman ba ha?" Kinagat ko yung kamay niya. "Aish, pinalaki ka ba talagang brutal ng mga magulang mo!"
"Oo! Lalo na sa mga masasamang loob na katulad mo."
"Fine," itinaas niya ang dalawang kamay. "Hindi na kita hahawakan. Isipin mo na lang na magkaibigan tayo."
"Parang ang weird naman yata." Nanginig ako sa sobrang kilabot. "Hindi ko karey na isiping maging close na kaibigan ka Rome."
"Grabeh naman ito. Peru 'di nga? Hindi mo naisip na maging kaibigan ako?"
I shook my head, "Maiisip ko palang iyun parang masusuka na ako, err, so gross."
"Nakakasakit ka naman ng damdamin Julieta." Napatingin ako sa kanya. Tsk, hindi ko talaga pinangarap na maging mag-kaibigan kami. "Para namang may kung ano akong sakit niyan."
"Okay lang iyan makaka-get over ka din." I tapped his shoulder. "Ang importante ay hindi mo pinapainit ang ulo ko."
"Paano ko naman malalaman iyun kung halos lahat ng gawin ko ay naiinis ka?"
"Kaya nga huwag kang gumawa ng bagay na maiinis ako sayo. Ito na nga oh nagiging mabait na ako sayo kahit na napaka-weird ng conversation na ito."
"Ang weird nga,"
"But I still hate you."
"Nope, hindi ka na pwedeng mainis sa akin dahil may usapan na tayong dalawa. Hindi ka dapat magalit sa akin dahil kapag nagalit ka pa sa akin ay maikakasal ka na talaga sa akin."
"Hey, diba sabi mo kina Mama na hindi mo ako tutulungang ma overcome ang inis ko sayo? Kasi kapag ginawa mo iyun magagalit sila sayo."
"So you want to be married to me?"
"Of course not!"
"Then shut up and listen to me."
"Ano bang sasabihin mo?"
"Na ang pangit mo."
"Buwesit ka!" Hinawakan niya ang wrist ko at hinila na ako. "Bitiwan mo nga ako Rome! Ayokong isipin ng mga tao sa school na natutunan na kitang mahalin."
"Hindi natutunan ang pagmamahal Julieta."
"Natutunan iyun!" Huminto siya at napatingin lang kami sa isa't isa. "Hindi natutunan ang pagmamahal Julie. Kusa mo iyung mararamdaman kahit na hindi mo e-brief iyang puso mo ng paulit-ulit hanggang sa masaulo mo na ang sinsabi mong pagmamahal."
"Hindi ko gets."
"Bobo ka kasi kaya hindi mo ma gets. Halika na nga!" Bakit ba ang OA nitong si Rome? "Manhid pa."
"May sinabi ka?"
"Wala!"
****
"Taran!" Napatingin kaming lahat sa inilapag na mga pictures ni Kim sa table. "Ang gwapo niya lang diba?" Para namang ewan itong si Kim na may nalalaman pang sayaw uud kilig edition.
"Saan mo naman nakuha ang mga pictures ni Rome?" Sinipat ko isa-isa yung mga pictures. "Wow! Hindi naman halatang stalker ang kumukuha ng pictures niya."
"Julie?" Napalingon naman ako kay Maria."Bakit?"
"Hindi mo ba alam na Rome Montague's Day ngayon?" Nasamid ako sa sarili kong laway. Tama ba ang narinig ko? May sariling day si Rome?
"Ano ba siya bagong hirang na santo?"
"Rome Montague is a role model." Hinalikan pa ni Kim iyung isa sa mga pictures ni Rome. Kadiri naman ang isang ito. "I just want to be in his arms."
"Kim is crazy," ibinagsak ni Maria ang isang itim na makapal na libro sa table na kinuha pa niya mula sa bag niya na hindi ko alam kung paano iyun nag-kasya. "Kailangan kong umusal ng dasal."
"Maria huwag mo akong kulamin!" Kinuha ni Kim ang libro peru bumagsak lang din iyun sa sahig. "Bato ba itong libro mo Maria?"
"Hindi pala iyan iyung black magic book ko." Tumayo si Maria at walang kahirap-hirap na binuhat ang itim na libro niya at inilapag iyun ulit sa table. Seriously? Ano bang powers ang meron kay Maria? "Biography pala ito ni Rome Montague. Gusto ninyong makita?"
"Saan mo ba ito nakuha?" Ako na yung nag-open sa first page at talagang ang mukha ni Rome ang nasa unahan. "Ano ba ito alaala ng buhay ni Rome Montague?" I chuckled as I continued flipping the pages.
"Hoy Maria," sumilip mula sa likod namin si Kim. "Bakit wala naman yata akong nalalaman na may ganito si Rome?"
"Oo dahil gawa ko ito," si Maria naman ang nag-flip ng mga pages hanggang sa huminto siya sa isang page na may mahabang listahan about Rome.
"Ten things you should know about Rome Montague," basa ko sa naka-title doon. "Talagang may nakalap kang mga ganito?"
"Nag-google lang ako huwag ka ma-amaze Julie." Pinunit naman niya yung page na iyun at ibinigay sa akin. "Sayo na iyan."
"Aanhin ko naman iyan?"
"Kainin mo,"
"Haha," tumawa naman si Kim peru panadilatan agad siya ni Maria. "Sabi ko na nga bang wala akong utak!"
"Kung gusto mong hindi maikasal kay Rome dapat alam mo iyang mga gusto at hindi gusto niya. Hindi iyung laging ikaw nalang ang na susunod."
Tinignan ko naman yung papel. Ano naman kaya ang makukuha sa listahan na ito na ginawa ni Maria. Buti sana kung mapapadali ng mga ka-echusan na ito ang pagkawala ko sa kasalanan na kasunduan na iyun.
Okay, wala namang mawawala kong babasahin ko lang ito.
Ten Things You Should Know About Rome
1. He hates stupid people.
2. He loves stupid people.
3. He hates people shouting at him.
4. He loves shouting people at him.
5. He is not a sadist.
6. He is a sadist.
7. He hates people who also hate him.
8. He loves people who also hate him.
9. He is not in love with...
10. He is in love with...
"Ano ba naman ito Maria para namang wala naman talaga siyang ayaw sa buhay? He hate this blah, blah, blah, tapos he love this blah, blah, blah. Ano ba talaga?"
"I based my writings in my observations."
"So parang lumalabas na - hey, sinong mahal ni Rome?" Inagaw ni Kim ang papel mula sa akin at tinignan ang likod nun. "Wala ang name ko?"
"Malamang,"
"Wait," inagaw ko kay Kim ang papel. "Kung ganoon paiba-iba ang ugali niya?"
"Yup, peru sa isang tao lang."
"Kilala mo kung sino?"
Kasi kung may mahal nga si Rome na babae pwede akong gumawa ng move para sa kanila. Para sa ganoon ay hindi na matuloy ang kasal namin ni Rome.
"Hindi ko kilala,"
"Bakit hindi mo kilala? Akala ko ba mahusay kang stalker?
"Nalalaglag ang salamin ko kapag nakikita ko yung babae. Isa iyung kagustuhan ng tadhana kaya dapat ko iyung sundin at huwag ng e-push pa."
"Sigurado ka bang hindi ako iyun Maria?" Hirit pa ni Kim.
"Hindi ako nabubulag pagdating sayo."
"Hi girls,"
Sakto namang dumating si Rome. Tinignan ko siya ng hindi niya napapansin. Wala naman akong ma-sense na pwedeng ma inlove ang lalaking ito. Parang ang pangit ng eksena kong may kasama siyang babae at maglalambingan sila. Err, eww!
"Rome!" Biglang yakap ni Kim kay Rome. "Pa-autograph." Inabot niya ang isang picture ni Rome at pinirmahan naman iyun ni Rome. "Kumusta ka na? Hindi na kita nakikita lately."
"Lumingon ka minsan sa likod," ibinalik niya ang picture kay Kim. "Doon ako naka-upo."
"Hi Rome napag-isipan mo na bang magpakamatay?"
"Huh?"
"Maria Mercedes Me Amor Armor Warrior!" Iniharang ka agad ni Kim ang katawan sa pagitan nila Maria at Rome. "Huwag mo ng pansinin itong si Maria lukarit talaga ito. Alam muna member ng mga Dedicated Emo For Life club." Nilingon si Maria. "Meron bang ganun?"
"Paano ko malalaman kung hindi naman ako kasali sa club na iyan?"
"Well," bigla naman akong hinila patayo ni Kim. "Here's Julie!"
"Hi Julieta,"
"Hello!" Biglang nag-change ako into sweet Julie. "Hi Rome, wassup?"
"OMG!" Sumigaw ang isang student. "Hindi na nag-aaway sila Rome at Julie!" Nagpalakpakan ang lahat sa canteen. Wow ha? Talagang updated sila sa buhay namin ni Rome. Kung maka-react naman ang mga ito. Grabeh na! "Ayeee! Ito na ba ang simula? Uyyy. Rolie! Rolie! Rolie!"
"Happy Rome Montague Day!" Hirit pang sigaw ni Kim. "Oh, Happy Julie Capulet Day!"
Inilapit ni Rome yung mukha niya sa may tainga ko. "Why don't we go."
"Saan tayo pupunta?" Naramdaman ko nalang na nakahawak na siya sa wrist. "You'll know," sabay hila sa akin.
"Nakakakilig namang panoorin ang Romeo and Juliet free drama dito!"
"Maria?"
"Bakit?"
"Ano kayang role natin sa buhay story nila?"
"Extra,"
"Bakeeet?"
"Nakalaan na sa iyo ang tadhana na maging extra ka lang at dapat tanggapin mo iyun ng matiwasay at bukal sa iyung puso."
"Kamag-anak mo ba si Andres Bonifacio at kay lalim mong mag-salita?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro