Chapter 7
Nang dahil sa pahamak na ketsup at eksena kagabi marami ng nabago sa buhay ko. Ikaw anong kwentong kamalasan mo? Right, maipadala nga ang kwento ng buhay ko sa MMK bukas. Saan ko ba naitago ang address nila?
Anyway, ang kwarto namin ni Rome ang pinakamalaki. Akala ko nga tig-iisa kami ng kwarto peru kapag may ganito kang mga magulang na katulad ng sa amin na pinaglalaban ang pagpapakasal namin ni Rome in the future ay wala kang magagawa. Buti nalang dalawa ang kama at least hindi kami magse-share sa iisang kama dahil eww iyun.
Relax na relax lang ako sa pagbabasa ko ng magazine.
"Grabeh naman talaga!" Napatingin ako kay Rome na busy sa study table niya. Ang ingay naman talaga ng isang iyun. "Huwag ka ngang maingay diyan Rome!" Sigaw ko sa kanya.
Pinihit niya paharap sa akin ang swivel chair niya at itinaas iyung isang test paper sa akin. Yung mukha niya parang pasan ang buong mundo.Ano na naman kayang pinagpuputok ng tiyan niya?
"Ano bang problema mo?"
"Alam mo bang sinisira mo ang history sa mga pinagsasagot mo sa periodical exam?"
"Mga sinagot ko? Sa pagkakaalala ko tama naman lahat iyun?"
"Tama?" Lumapit siya sa akin at naupo sa kama ko. "Talaga lang ha? Kailan pa naging Brahma ang panginoon ng Islam? At kailan pa naging Allah ang panginoon ng mga Hindu? Grabeh ka Julieta 'di kaya magalit sila sayo? Religions lang ang pointers di mo pa masagot ng tama?"
"Paano mo ba nalaman ha?" Grabeh naman ang isang ito parang sinira ko mga buhay nung mga taong na mention niya. Bawal magkamali ganun?
"I'm checking your test paper." Inilipat niya sa second page ang test paper ko."Ito talaga ang malala. Ang sagot mo sa number 8."
"Ano bang tanong doon?"
"Ang may akda ng dalawang nobela na Noli at El Feli?"
"Tama nga si Rizal."
"Si Dr. Gregorio del Rizal?"
"Anong Dr. Gregorio del Rizal?" Kinuha ko ang test paper sa kamay niya at tinignan ko ang sagot ko. Huh? Paanong mali naman yung sagot ko. Bakit naging Gregorio si Juan Pancho Rizal? Teka, tama ba ako?
"Pahiya ka noh?" Asar naman ito. I glared at him. "Fourth year high school ka na Julieta hindi mo parin alam ang pangalan ni Rizal. Kakahiya ka! Ano nalang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang may-asawa akong bobo?"
"Sobra ka naman." Tinignan ko lang siya ng masama. "Huwag kang mag-alala hindi mo pa naman ako asawa kaya makakahinga ka pa ng mabuti. At isa pa matalino kaya ako," akala nito. "Kaya nga nasa second section ako diba?"
"I wonder why? Hindi ako makapaniwalang hindi mo magawang sagutin ng tama ang pinaka madaling subject sa buong mundo." He leaned closer to me. "Huwag mong sabihin 'di mo rin alam ang kaibahan ng biodegradable sa non-biodegredable? O ano ang addition sa subtraction?"
"Kapal mo talaga!" Ibinalik ko na sa kanya ang test paper ko. "Hindi nga ako kasing talino mo peru at least naman ako hindi ako nakakapanakit ng feelings ng ibang tao. Oo, minsan nalilito parin ako kung ano ang kaibahan sa non-biodegradable at biodegradable peru marunong parin akong magtapon ng basura noh!"
"Kung may problema ka pala sa pag-aaral bakit hindi ka mag-aral?"
"Ba't ba ang yabang-yabang mo?!"
Kaya hindi ko magawang magustuhan ka dahil sa sobrang kagaspangan niyang ugali mo. Matalino ka lang at gwapo peru bagsak parin ang attitude mo!
"Talaga mayabang ako? Paano mo naman nasabi?"
This time nagsubukan na kami ng tingin. Nakakainis kasi ang tingin niya sa akin parang na a-annoy na siya sa mga sinasabi ko at pikon na pikon na siya sa akin. Well, hindi ko naman kasalanan kung mababa na naman ang scores ko sa exam. Siya lang naman itong masyadong big deal ang lahat.
"E kasi nakakainis ka. Feeling mo palagi kang tama at walang puwang ang nagkakamali. Hindi ka rin nakikinig sa mga sinasabi ko sayo para tuloy akong baliw. Feeling hari ka masyado akala mo kong sinong mag-utos kaya nakakainis minsan. I mean come on! Ni minsan ba hindi ka nagkakamali sa buhay mo? Kapag oo ang isasagot mo ipapasok ko ang ulo ko sa lata ng sardinas."
"Wala pang nagsasabi sa akin na ganoon ako."
Bigla namang lumambot ang mukha niya. Huwag mong sabihing apektadong-apektado siya sa mga sinabi ko? Oo nga at totoo iyun peru ang dali naman yata niyang ma-guilty?
"Eh kasi nga takot lang nila sayo. Hello? President ka ng student council, commandant officer ng CAT, laging top sa klase, at well kahit na hindi ko gustong sabihin ito ay gwapo ka, kaya imbes na mairita sila sayo ay napapalitan ng pagkaloka sa kagwapohan mo."
He raised an eyebrow, "Is that a compliment or an insult?"
"Bahala ka na kung paano mo iyun eda-digest sa utak mo." I pushed him out of my bed bago nagtalukbong ng kumot. "Ipagpatuloy mo na iyang ginagawa mo dahil matutulog na ako!"
"Hoy huwag ka munang matulog may assignment ka pa sa Math!" Hinila niya yung paa ko peru kumapit lang ako sa headboard ng kama."Bukas nalang iyun! Bobo ako sa Math kaya ka-copy nalang ako kay Maria bukas."
"Bakit maghihintay ka pa ng bukas kung nandito naman ako?" Inalis ko yung kumot at napatingin kay Rome. "Ano bang silbi mo sa akin eh ang gagawin mo lang naman sa akin ay pagalitan ako buong gabi. Kaya no thanks, mag-aaral nalang ako sa panaginip ko."
Itatakip ko na sana iyung kumot ulit peru bigla ba naman akong pasanin ni Rome kaya napatili tuloy ako at napakapit sa braso niya. Takte! Ano bang gusto ng lalaking ito. "Ouch!" Napangiwi ako nang ibagsak niya ako sa swivel chair niya at kinuha iyung isa pang swivel chair.
"Ano bang problema mo ha?!"
"Ako na ang sasagot ng assignment mo."
"Naalog ba utak mo?"
"Ibibigay mo ba ang notebook mo o hindi?"
"Oo na!" Inis na kinuha ko ang bag ko at binuhos ko lahat ng gamit ko doon sa table niya. Eh sa naiinis ako. "Hindi ako umaayaw sa grasya." I crossed my arms over my chest. "Sa lahat ng taong gagawa ng mabuti ikaw ang masyadong seryoso. Ngumiti ka nga!"
Nakakapanibago kasi ang isang ito eh. Kasi lagi naman siyang nakangiti ngayon lang siya masyadong seryoso. Ayoko ng masungit na tao sa kwarto nakaka-bad vibes.
"Ayokong ngumiti," tumingala siya sa akin. "Pipilitin mo pa rin ba ak - ouch!" Sinampal ko yung mukha niya. "Why the heck did you that for Julieta?!"
"Huwag mo kong gagalitin Rome. Alam kong gumagawa ka lang ng paraan para magalit ako sayo kaya please lang alam ko na ang plano mo." Ibinaba ko ang mukha ko sa kanya. "Kahit na gustong-gusto ko ng putulin ang leeg mo ay magtitimpi ako."
"I'm not making you angry. Ito lang talaga ang ugali ko." Nahaplos ni Rome ang nasaktang pisngi at napapangiwi dahil nilakasan ko talaga ang pagkasampal ko sa kanya. "O sige na matulog ka na ulit. Ako na ang bahala sa assignment mo sa Math."
"Ngumiti ka muna!"
Nakasimangot pa siya noong una peru ngumiti na rin siya. "Oh ito na po," lumapad pa ang ngiti niya. "Okay ka na po?"
"Okay na rin," at for the first time ngumiti na rin ako sa kanya. "Dapat perfect iyan ah."
"Kailan ba ako nagkamali?" Naupo ulit ako katabi niya. "Sa bagay hindi ka nga pa pala nakakuha ng zero sa exam." Kumuha ako ng pencil case at ipinukpok iyun sa ulo niya.
"What the heck?! Bakit ba ang brutal-brutal mo sa akin?"
"Tsine-check ko lang naman kung hindi made of metal iyang ulo mo. Baka robot ka pala na ginawa pa sa outerspace."
"Tao ako, okay?" Kinuha na niya sa akin ang pencil case at ibinaba iyun. "Nasasaktan ako, nagmamahal ako, napapagod ding..." biglang nakatingin lang siya sa akin. Para bang may gustong sabihin ang mga mata niya sa akin. Peru hindi ko talaga magawang makuha iyung gusto niyang sabihin sa akin. "Julieta!"
"Huwag ka ngang sumigaw! Bakit ba?"
"Matulog ka na ulit doon sa kama mo at ako na ang sasagot sa mga assignments mo. Wait," tumayo si Rome at kinuha ang mga libro at notebook ko sa study table ko at inilapag iyun sa table niya. "Ako na ang sasagot nitong lahat!" Tumayo ulit siya at hinila na niya ako pabalik sa kama ko.
"Rome ang weird mo?"
"Wala gusto ko lang maging mabait sayo ngayon."
"Hindi e para kasing," Ah ewan! Hindi ko na nga lang kokontrahin itong si Rome ngayon at baka hindi pa niya sagutin ang mga assignments ko. Bumalik na siya sa table niya at tumahimik na. Ano kayang nangyari bigla sa isang iyun?
"Julieta!" Nilingon ulit ako ni Rome. "Nakalimutang kong sabihing hindi ko pala kayang maging mabait sayo kaya may kapalit itong mga assignments mo."
"What?!" Nanlaki naman talaga ang mga mata ko sa kanya. Ang lapad pa ng ngiti niya sa akin. Asar! Akala ko pa naman talaga bumait na siya. "Edi huwag mo ng sagutan iyan."
His lips twitched into grin, "Too late, I'm done."
"Huh? Tapos ka na?" Tumalon ako sa kama ko papunta sa kanya at mabilis na sinipat iyung mga notebooks at textbooks ko. "See?"
"Tao ka ba talaga o alien? Paano mo nasagutan lahat ito ng ganoon ka dali?"
"I'm smarter than what you think of."
"Argh! Now I'm beginning to hate you more."
"Now," he crossed his arms over his chest and looked at me intently not leaving the grin on his nakakainis na mukha. "It's time for you to pay for it."
"What do you want?!"
He tilted his head on the side, "Let's start with you being good to me."
"Oh c'mon! Kailan ba ako naging masama sa iyo?"
"Since the day I told you welcome to my heart."
"I hate that part!"
"I love that one."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro