Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

“Julie huwag na kasing matigas ang ulo.” Natutuyuan na ng dugo ang Mama ko sa akin. Kanina pa sila Papa sa kakasermon sa akin. “Kailangan ninyong magpakasal ni Rome. Isipin mo naman ang anak ninyo.”

“Ayoko nga eh! Iniwan na niya ako bakit gusto naman niyang makipagbalikan sa akin. Baliw siya! Sabihin mo sa Rome na iyun na hindi ko na siya type! Manigas siya!”

Marahas na napabuntong hininga si Mama. “Anthony kausapin mo nga itong anak mo.” Hinablot ni Mama ang pocketbook ni Papa. “Puro ka nalang basa! Hala, pakinabangan natin iyang mga aral mong nakukuha sa mga pocketbook mong binabasa.”

“Napaka-highblood mo talaga Angelica. Hindi nalalayo ang ugali mo kay Amanda nang pagalitan niya ang anak na si Melody sa kwentong Minsan Nagdamdam Ang Langit. Huminahon ka nga.”

“Pa, pang-ilang pocketbook na iyan since birth?”

“Huwag kang OA anak, 20 years palang akong nagbabasa nito. At pang isang libo ko na iyung kwento.” Tumabi sa akin si Papa sa kama. “Anak, ang ipinayo ni Don Gustavo sa anak niyang si Esmeralda noong hindi pumayag ang anak niya na pakasalanan ang mayamang anak ng pinagkakautangan niya sa kwentong Deal or No Deal ay ganito ang ipinayo niya sa anak.”

“Sabihin mo na,” singit ni Mama. “Ang dami mo pangsat-sat eh.” Tinapunan lang ni Papa ng masamang tingin bago ako binalingan.

“Anak, magpakasal ka na. Hindi ka ba naaawa sa akin?”

“Pa wala tayong utang sa kanila kaya hindi ko dapat siyang pakasalan.”

“Anak, hindi pa tapos ang linya ni Don Gustavo. Chill ka lang, okay?” He cleared his throat. “Anak, ang pag-ibig maaring matutunan. Mamahalin mo rin si Matteo pagdating ng panahon… baka ikaw lang at ako… baka tibok ng puso mo… maging tibok ng puso ko? Teka, parang kanta iyun anak?”

“Kanta nga ho iyun,”

“Hay naku Anthony! Hindi ka talaga maaasahan kahit kailan.”

“Tita mag-iced tea ka muna,” inabot ni Kuya Tobby ang isang baso kay Mama. “Pampalamig ng utak at pampawala ng highblood.”

“Tobby ikaw nga ang kumausap diyan sa pinsan mo.”

Tumabi naman sa akin si Kuya Tobby habang hawak-hawak ang isang pitsel ng iced tea. “Anak – este pinsan. Ano ba iyan nakakahawa ang tatay mo Julie. Pinsan magpakasal ka na kasi! Ang dami mo pang ritwal diyan. May paiyak-iyak ka pa nang malaman mong may girlfriend na si Rome. Baliw ka ba o shunga ka lang talaga?!”

“Huwag mo nga akong sigawan!” Napangiwi ako nang biglang may naramdaman ako sa tiyan ko. Mabilis naman na dinaluhan ako nila Mama.

“Anak, okay ka lang?”

“Ma, huwag ninyo po kasing ipilit.”

“Peru anak…”

“Rome pumasok kaaa!” Bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Tumabi naman sila Mama kaya nakita kong hinihila nila Tita Cathy and Tito Ralph si Rome. Nakasunod naman ang Lola niya at si Rosette. “Magpakasal na kasi kayong dalawa!” Sigaw ni Tita Cathy.

“Ayoko nga! Ang pangit ng babaeng iyan! Tanga pa!”

“Hoy!” Tumayo ako. “Sinong pangit? Sinong tanga? Ang kapal ng mukha mo!”

“Ayoko sayo!”

“Ayoko din sayo!”

“Ano bang gagawin namin sa inyong dalawa?”

“Obvious ba?” Lumapit sa amin si Lola. “Kahit na mag-away pa sila habang buhay ipakasal ninyo parin ang dalawang ito. Kaya kayong dalawa,” binalingan kami ni Lola. “Ipapakasal ko na kayo ngayon din.”

“Hay salamat!” Umakbay sa akin si Rome. “Akala ko wala ng makakapansin.” Naiwang nakanga-nga ang mga tao sa harap namin. Well, except kay Lola.

“Huh?” 

Ma explain nga…

“Ang init!” Bumangon ako at bumaba sa kama. “Takte naman! Bakit ba kasi ngayon pa nasira ang aircon ko.” Binuksan ko ang sliding window ng kwarto ko. “Waa!” Napasigaw ako sa gulat nang makitang may nakalambitin sa bintana. Sus maryosip! “R-Rome?!”

“Hi… Julie…” medyo nahihirapan niyang bati sa akin. “Buti… binuksan mo… shit!”

“I-Inakyat mo ang bahay ko?”

“Tabi ka muna diyan,” sinunod ko siya. Itinaas niya ang sarili para makasampa sa frame ng bintana. “Phew! Akala ko wala na talaga akong pag-asa na makapasok sa bahay mo.”

“A-Anong ginagawa mo dito? Teka anong oras na?” Pagtingin ko sa orasan ay ala una na ng umaga. May balak bang sumali sa akyat bahay gang itong si Rome? “Hoy! Bakit ka nandito?!”

“Pwede ba Julieta huwag kang sumigaw.”

“Bakit ka nga kasi nandito? Paulit-ulit na ako eh. Nakaka-stress ka nam –“ nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. “R-Rome?”

“I missed you,”

“Iyan lang ba ang ipinunta mo dito?” He leaned his face away para matignan ako sa mukha. For a moment he just stared at me. “Tititigan mo lang ba ako?”

“Nope,” suddenly his lips were on mine. He held my back pulling me closer and deepened the kiss. Naipikit ko ang mga mata at tinugon ang mga halik niya. Bakit ba napapataob niya ako kapag hinahalikan niya ako?

He moaned. “God, how I missed this.” We parted and he rested his forehead on mine. Parehong habol namin ang hininga.

“Inakyat mo ang bahay ko para lang halikan ako?”

He chuckled, “Inakyat ko ang bahay mo dahil gusto kong mag-usap tayo.” His hand touched the side of my face. “Bakit pawis na pawis ka?”

“Nasira ang aircon ko at wala akong electric fan.” Sumimangot ako. “Ang init-init! Hindi ako makatulog. Kailangan ko pa namang makatulog na.”

“Halika na,” iginiya na niya ako pabalik sa kama ko. “Mahiga ka na diyan at ayokong napapagod ka.” May hinugot siyang panyo sa bulsa ng pants niya at pinampunas iyun sa mga pawis ko sa mukha. “Pagkatapos nating mag-usap saka kita dadalhin sa bahay para makatulog ka ng maayos. Kawawa naman ang anak natin.”

“Anak natin?”

“Julieta?”

“Oo nga, anak natin.”

Kanina kasi hindi na niya ako na corner dahil sinabihan ko agad si Lola na kailangan ko ng umuwi dahil masama na ang pakiramdam ko. Buti nalang love ako ni Lola at hindi niya pinayagang ihatid ako ni Rome nang nag-insist siya.

Peru wa epek parin dahil heto siya ngayon, sweet, caring, at inakyat ang bahay ko. Anklaseng trip iyan Rome? Bakit kinkilig ako? Hormones paki-explain kay doktora!

Nahiga na ako ulit sa kama peru hindi ko na itinaas ang kumot at mamamatay lang ako sa sobrang init. Tumayo siya at tinungo ang working table ko. Nakita kong kumuha siya ng kung ano sa table ko. Folder yata iyun, saka siya bumalik sa tabi ko.

“Alam ba ni Joy na nasa kaharian kita ngayon?”

“Alam niya,” pinaunan niya ang isang braso niya sa akin. “Nag-usap na kami at sinabi ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.” Sinimulan na niya ang pagpapay-pay sa akin. “Thankfully, ay hindi naman siya ganoong nagalit sa akin. Anyway, nagdala ako ng pagkain para sayo.”

“Huh?”

Saan nanggaling naman iyang pagkain na iyan? Hindi ko naman napansin iyun agad. Ano iyun magic? Biglang appear? Teka, corned beef ba laman niyan? Takte! Bakit ba pinag-iinitan ko ang corned beef? Explain sometimes anak.

Binuksan niya ang lunchbox. Napangiwi naman ako dahil puro gulay naman ang laman. Ayoko ng gulay.

“A balanced diet contains all the ingredients needed to maintain homeostasis, including adequate substrates for energy generation, essential amino acids and fatty acids, minerals, vitamins, and water.”

“Huh?” Nga-nga na naman ako.

Ano bang pinagsasabi ng isang ito? Wala akong maintindihan?

“In short, para mag-work lahat ng good nutrients mo sa katawan kailangan mong kumain ng mga masusustansiyang pagkain. Tulad ng gulay at prutas.”

“Ang dami mo pang sinabi maga-advice ka lang pala na kumain ako ng gulay at prutas.”

He chuckled, “Pasensiya na, medyo na sanay na akong mag-explain in scientific.”

“Pansin ko nga, akala ko nga pasyente mo ako.”

“Kain ka na,”

“Ayoko, busog pa ako.” Itinabi nalang niya ulit ang mga pagkain. “Akala ko ba may heart to heart talk tayo bakit napunta tayo sa digestive system ko?”

“Oo nga no?” Ngumiti siya sa akin.

“So ano ngang sasabihin mo sa akin?”

“About us,”

“May us ba tayong dalawa?”

“Just listen to me,” he paused. “Kanina, nang sinabi iyun sa akin ni Lola naisip ko na hindi lang ako duwag kung hindi napakaduwag ko pala. Iniisip ko na tama lang ang lahat para sayo at para sa ating dalawa. I chose to hurt you para maprotektahan ka, then I realized na ginawa ko iyun not because I’m afraid na baka anong gawin ni Lola sayo, but because masyadong mababa ang tingin ko sa sarili ko.

“I didn’t expect na mawawala ang confidence ko sa sarili pagdating sayo. Noong una talaga ay hindi ko gustong iwan at saktan ka. Inisip ko na kaya kong pigilan si Lola na paghiwalayin sila Mom at Dad… but when Lola mentioned you. Doon na biglang bumagsak lahat ng defences at tiwala ko sa sarili. I questioned myself, if kaya ba talaga kitang protektahan?”

“Rome,” umayos ako ng upo sa kama, inabot ang isang kamay niya, at hinuli ang tingin niya. “Hindi ko aakalaing iisipin mo ang mga bagay na iyun. Simula pagkabata ay sobrang kapal na niyang confidence mo sa sarili. Sa sobrang belib mo sa sarili mo ay nagagawa mong makalapit at maipagawa ang mga kalokohan mo sa akin. Ikaw lang din ang nagpapakabayaning sagipin ako kapag napapahamak ako sa mga kashungaan ko sa buhay.”

Natawa siya bigla.

“O anong nakakatawa doon? Buti nga ‘di ka napatayuan ng rebulto sa tabi ni Dr. Jose Rizal.”

“Hindi na Dr. Gregorio Del Rizal?”

“Alam ko na uy!” I snuggled closer to him. “Pinag-aralan ko ulit ang History.”

“Sige nga, sino ang tatlong paring martyr?”

“Si Alvin, Simon, at Theodore,” sabay hagikhik. “Sorry, ‘di ko na naalala iyung mga pangalan nila.”

“Buti pa ang pangalan ng mga chipmunks naalala mo pa.” He wrapped his arms around me at niyakap ako ng mahigpit. “I missed being with you.”

“Ako din,”

“I guess mali ang hula mong hindi mahal ni 27 year old Rome si 26 year old Julieta.”

Napangiti ako. “Bakit mo naman nasabi?”

“Kasi naging OA lang si matandang Rome at itinago parin ang pagmamahal niya para kay matandang Julieta. It turned out na, kung sino pa ang inisip niyang makakasakit sa mahal niya ay siya pang tutulong sa kanya para maging matapang at magpakatotoo sa nararamdaman niya para kay matandang Julieta.” He chuckled. “Nakakaasar lang na nakakatuwa.”

“Kung maka-described din naman kasi si Kuya Marco sa Lola mo parang anak ng nanay ni Dao Ming Zi at Go Jun Pyo. Kaloka! Peru inferness naman kay Lola ay nakikita ko talagang mahalaga ka talaga sa kanya. Siguro, na sabi niya lang iyun sayo dahil naisip niya na baka tuluyan ka ng mawala sa kanya.”

“Siguro nga,” hinaplos-haplos niya ang buhok ko.

“What about Joy? Sigurado ka bang okay lang siya?” Bigla akong nalungkot nang maalala ko siya. “Wala naman talaga akong intension na saktan siya.”

“She’s okay, I felt terrible for her. Minahal ko naman din siya… peru hanggang kapatid lang talaga ang kaya ko. Inisip ko noon na sapat na ang pagmamahal na iyun para tumagal kami. Kaya lang nang magkita tayo ulit… wala. Sinira mo na naman.”

“Hmp!” Kumalas ako sa kanya. “So nagagalit ka sa akin, ganoon?”

“Of course not,” hinila na niya ulit ako palapit sa kanya. “Ewan ko ba, peru pagdating sayo nagiging tanga ako. Peru tanggap ko naman iyun. Wala eh, mahal ko kasi itong manhid na babaeng ito.”

“Baliw ka! Pinahirapan mo ako ng bongga. Lola mo lang pala ang katapat mo.”

He chuckled, “Sorry na Julieta.”

“Paano naman ako makakasiguro na hindi mo na nga ako iiwan? Kasi ang galing mong takasan ako eh. Nakaka-stress ka ng eyebags.”

“Trust me,” he lifted my chin. “Magiging matapang na ako para sayo this time,” then lowered his face for a mindblowing kiss. “I will do that for our child.” I pushed him away kaya nagulat siya bigla. “Julieta?”

“Ginagawa mo lang ba ito dahil na buntis mo ako?!” Hindi ko maiwasang isipin na baka dahil buntis ako kaya mas pinili niya ako.

“Of course not! Mahal kita kaya ako nagpakahirap na akyatin itong bahay mo. Oo, masaya ako dahil nalaman kong magkakaanak na tayo. But that’s only a part… the rest of it is because of you! Huwag mong isiping ginagawa ko lang ito dahil sa responsibilidad ko sayo. Mali iyun!”

Bigla akong naiyak. Takteng hormones ito! Bakit ba tinalo pa ng klima ang pabago-bago ng emosyon ko. He moved closer, cupped one side of my face, and wiped the tears on my cheeks.

“Baby huwag ka ng umiyak,” saka ako niyakap. “I hate it when you always cry because of me.”

“Eh kasi naman… lagi mo akong iniinis at sinasaktan.”

“Hindi ko na iyun gagawin ulit,” kumulas na siya ng pagkakayakap sa akin. “Hindi na kita iiwan.”

“Talaga?” He nodded. “Sureness?”

“Oo nga, ang kulit mo naman.”

“Nagre-reklamo ka?”

“Do you want to get married?”

“Iniiwas mo ang tanong eh!”

“Hindi nga, so gusto mo bang magpakasal na tayo?”

“Baliw ka ba? Kailangan pa bang itanong iyan? Ang dami ko na ngang buhis buhay sayo. Tapos may gana ka pang –“ tinakpan niya bigla ang bibig ko.

“There’s only one thing that we need to do,” binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti.

Pinaningkitan ko siya ng mata. “Bakit parang may iniisip kang kalokohan diyan sa utak mo?”

 “Listen,”

“Grabeh naman kayo,” sabi ko. “Nakalimutan ninyo na ba ang kasunduan natin na kapag nagkasundo kami ni Rome ay hindi ninyo na kami ipapakakasal, peru kapag hindi kami nagkasundo pipilitin ninyo kaming ikasal. Memory gap people?”

“Ay tanga!” Inisang lagok ni Kuya Tobby ang isang pitsel na iced tea.

“Buti pa si Lola kahit walang alam sa usapan na iyun na gets pa.” Kumindat ako kay Lola. “Lola ang imported corned beef ko pagbalik mo galing Italy, ha?”

“Oo na,” ngumiti siya sa akin. “Sampung kahon pa.”

“Yikes!” Yumakap ako kay Rome.

“Julieta anong sinabi ko sayo sa pagkain ng corned beef?”

“Baby naman hayaan mo na ako.”

“Aish, kung hindi ka lang buntis eh.”  Inilayo niya ng konti ang katawan ko sa kanya. His wrapped his arms on my back habang nakapulupot naman ang dalawang braso ko sa leeg niya. He lowered his face and our nose touched. “Baby Sungit…”

“Okay guys pack up na tayo!” Natawa ako nang marinig kong sumigaw si Kuya Marco. “May gagawa ng love scene off cam.”

“Baby Kulit?”

“Yes Baby,”

Iyung eksena kanina ay plano ni Rome. Hindi ko naman na maalala iyung kasunduan naming iyun noon. Hay naku! Matalino eh… peru inferness at unique ang one way of telling them na ‘di na talaga kami maghihiwalay ng mahal kong si Rome.

My sworn enemy who became my one true love. Chus!

“I love you Julieta,”

“I love you too Rome,”

“So tanggap na ba ako bilang tenant diyan sa puso mo?”

“Welcome to my heart,” I kissed him. “Mr. Rome Montague.”

“I think I’ve heard that before?” He chuckled between kisses.

“Huwag kang shunga Rome iyan ang kauna-unahang kalandiang sinabi mo sa akin noong kinder. Umayos ka kung ayaw mong –“

“Just kiss me Julieta.”

“Demanding ka talagang lalaki ka eh.”

“Kaya mo nga ako minahal, diba, Julieta?”

“Baliw!”

“Gawin nating kambal ang baby natin,” bigla niya akong itinulak pahiga sa kama. Napahawak tuloy ako sa mga balikat niya. “Hindi naman siguro tayo gagambalain ng mga tao sa ibaba.” Sinimulan niyang halikan ang leeg ko. Hindi ko tuloy mapagilang matawa dahil nakikiliti ako.

“Rome?!”

“Kahit isang round lang,” may nakakalokong inangat niya ang mukha sa akin. “Isang round lang.”

“Bawal iyun,”

“Sino may sabi?”

“Ang doctor,”

“I’m a doctor,” he chuckled. “Kapag sinabi kong okay lang, okay na okay iyun.”

“Rome ha,” tawa lang talaga ako ng tawa. “Behave!”

“Ayokong mag-behave. Ang tagal ko itong hinintay.”

“Ang landi mo talaga eh,”

“Kaya nga nakabuo tayo agad.”

“Sige na nga,”

“Isang round lang?”

“Kiss lang!”

“Damot mo naman.”

“Kiss lang!”

“Oo na!”

****

“One sweet cupcake for the beautiful lady,”

“Zell?”

“Mind if I accompany you?”

“Sure,” ngumiti ako sa kanya.

Hindi ko lang aakalain na makikita so siya sa Cake Shop kung saan una ko siyang nakausap talaga. Kahit na marami siyang nasabing masasakit na salita ay nauunawaan ko naman lahat ng iyun. If I were him, I might do the same thing for Julie.

Hindi ko na din pinagtuunan ng pansin ang nasirang bracelet. It was meant to happen naman talaga. Kung sino man sa kanila ang gumawa ng ‘di mabuti sa akin… I’m sure both of them didn’t mean to hurt me.

“I’m sorry about the things I’ve told you.”

“It’s okay, totoo naman ang mga iyun. I was just too consumed with the idea that Rome could learn to love me too. I just loved him so much… medyo mahirap na mag-let go, but I’m sure I can move on. For now, gusto ko lang na makita siyang masaya.”

“You’re a good woman, Joy.”

“Thanks,” I smiled.

“I’m sure mahahanap mo rin ang taong magmamahal sayo ng higit pa sa maibibigay mong pagmamahal sa kanya.”

“I do hope so,”

“Okay ka na ba?”

“Okay na ako. Masakit man peru alam kong kaya kong lagpasan lahat ng ito. Ang importante ay naibalik ko ang dating Rome na minahal ng lahat. Sapat na sa akin na nalaman kong minahal niya din ako, though, not the kind of love, like what he feels for Julie. Okay na ako doon, at least naman hindi siya nagkunwari sa mga sweet affection niya sa akin. How about you?”

“I’m used to it,”

“You seemed to like Julie a lot.”

“I do, I do love her, but she’s for Rome. Kaya gaya mo ay ipagpapatuloy ko na rin ang pagmo-move on ko sa kanya.”

“Nice,”

“Pareho tayong sawi,” he playfully chuckled. “Want to celebrate broken hearts together?”

Nakangiting tumango ako, “That’s a good idea.”

“Friends?” He held his hand for me.

“Friends,” I accepted his hand.

Nawala man sa akin si Rome, nakahanap naman ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Zell. I think, malayo-layo din ang mararating naming dalawa. As friends, maybe?

 

 

****

 

“Lola sabi sa akin ni Kuya Rome kaya daw po niya iniwan si Ate Julie noon dahil gusto mo siyang saktan?” Nakangusong tanong sa akin ng apo kong si Rosette. Hinaplos ko ang buhok niya. “Paki-explain po Lola, love you.” Natawa naman ako sa huling sinabi niya.

“Apo, sekreto lang nating dalawa ito, ha?” She nodded. “Very good, ang totoo niyan ay wala naman talaga akong planong paghiwalayin silang dalawa at ang mga magulang mo.”

“So ano po iyung banta-banta ninyo? Trip lang ganown?”

“Ginawa ko iyun para bumalik si Rome. Ayokong kalimutan niyang may Lola pa siya. Mahal na mahal ko ang Kuya mo Rose kaya nagawa ko iyun. Hindi ko naman aakalain na magiging duwag siyang ipaglaban ang pagmamahal niya para kay Julie. I could have let him, if he was just too brave to ask me.”

“Nagiging-tanga po kasi siya pagdating kay Ate Julie, Lola.” Rose giggled. “Tangaks kasi!”

“Shsh, huwag mong pagsalitaan ang Kuya mo niyan.”

“Secret lang natin iyun Lola, promise!”

“You want a party Rose?"

"Yes! Yes! Anong klaseng party Lola?"

"A party for Rome and Julie,"

"Kasi 'di na sila Rome vs Julie?"

"Yes!"

"Like, like!"

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro