Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

“Lola na saan ang hustisya?!” Niyakap ko si Lola. Iyung nakilala ko doon sa ospital. “Dami naman nitong ibinigay mo sa akin.” Bigyan ba daw ako ng isang bag ng tsokolate at saka pabango. Ang saya lang! Imported lahat.

“Huwag ka ngang malikut at baka matumba tayong pareho.”

“Si Lola talaga eh,” I slipped my arm around hers at sabay na kaming naglakad. “Ang sweet ninyo naman pala. May balak po ba kayong ampunin ako?”

“Asa ka pa,”

“Nahiya ka pa  sa akin lola eh.”

Ang bait talaga ni Lola Ruffina. Hindi ko nga lang alam ang apelyido niya dahil nga secret lang daw iyun.  Kaya hindi ko rin sinabi sa kanya ang surname ko para secret lang din. Bago ako umalis ng ospital noong nagkakilala kami ay hiningi niya ang number ko. Kanina tinawagan niya ako na gusto niyang makipagkita sa akin.

“Huwag ka masyadong magkukulit at baka kung mapaano ang bata sa tiyan mo.”

“Hindi naman ako makulit Lola. Na excite lang ako sa ibinigay mo sa akin. Teka po, saan naman po ba tayo pupunta?”

“I’m going to see my grandson.”

“Ipapakilala ninyo po ako?”

“Gusto mong magpakilala?”

“Type niya ba ang mga buntis?”

“Let’s try…”

“Joke lang Lola, ikaw talaga.”

“I’m serious,”

“Patay tayo diyan,” napangiwi ako peru itinawa ko nalang din iyung idea ni Lola. “May corned beef po ba ang pupuntahan natin Lola?”

Inahatid kami ng sasakyan ni Lola sa isang mamahaling restaurant. Hiyang-hiya naman ako sa suot kong leggings at loose na shirt na hanggang hita ko. May print pa iyun na Maganda Ako. Hindi naman talaga ako na informed ni Lola na dadalhin niya ako sa sosyalen na lugar edi sana nakapagpatahi ako ng gown diba?

“Lola,” kinalabit ko siya. “Makakapasok po ba ako diyan?”

“You have nothing to worry about.” Pinagbuksan kami ng pinto ng guard. Mukhang kilala ng guard si Lola kasi tumango lang siya pagkatapos kaming batiin. Pati ang mga waiter sa loob parang kilala din si Lola. Imported na nga, expensive pa. Naks!

Iginiya kami sa isang table for four ng isang waiter. Magkatabi kami ni Lola peru hindi pa dumadating ang apo niya. Kinabahan naman ako ng slight. Feeling close talaga sa family nila eh.

“Let’s order later,” aniya.

“Okay lang Lola, hindi pa naman ako gutom.”

“Wait,” pinalapit ni Lola ang waiter. “Do you have a special corned beef here?” Muntik na talaga akong masamid sa narinig ko kay Lola. Inabot ko nalang ang isang basong tubig at sinaid iyun. Phew! Buti nalang may tubig. Kaloka si Lola.

“Lola hindi mo naman kailangang maghanap ng corned beef para sa akin.”

“I insist,” hinarap niya ulit ang waiter. “Meron ba kayo?”

“I’ll ask the chef po Madame,” iyun lang at umalis na ang waiter. “Huwag kang mag-alala,” binalingan ako ni Lola. “They accept special orders here as long as you pay for it.”

“Lola naman eh,” nakakahiya talaga. “Hindi mo naman kailangang gawin iyun para sa akin. Sige ka, ipapaampon ko na talaga ang sarili ko sayo.” Biro ko pa sa kanya with matching smile.

“Behave,” poise na poise parin na pinaalahanan ako peru ‘di ako na offend kasi nakangiti naman siya. Bakit ngayon lang kita na met sa planet Earth Lola? “Parating na din sila.”

“Sino po ba ang kasama ng apo ninyo Lola?”

“His girlfriend,”

“Lola ha, may balak kayong ipakilala sa akin ang apo ninyo peru may girlfriend na pala.” Kunwari nalungkot ako bigla. “Paasa naman kayo eh.”

“I get bored when I talk to them,” may ngiting sinulyapan niya ako. “I might take a crazy company with me.” She chuckled.

“Lola?!”

She stopped laughing peru halata parin ang ngiti sa mukha niya. “I was just kidding Julie. Ang totoo niyan ay naaliw talaga ako sayo. Kung nakilala kita ng maaga… I’m pretty sure you’re already married with my grandson now.”

“Po?” Wala akong ma gets.

“Oh, they’re here now.” Si Lola lang ang nakakita sa kanila kasi nauhaw ulit ako. Ibinaba ko na ulit ang baso at inangat ang mukha. Syet! Bawal mag-mura Julie. Takte! “Alam ninyo bang bawal pinaghihintay ang matatanda?”

Humaay! Itlog! Scramble! Bacon! Barbeque! Hamburger! Frenchfries! Padagdag narin ng spaghetti! Takte! Anong ginagawa ni Rome dito? Kasama pa si Joy… mango shake! Huwag mong sabihing Lola ito ni Rome?

Umayos ako ng upo. Paniki talaga! Bakit ‘di man lang ako na informed ng maaga na magkapamilya sila. Relax Julie… walang mangyayari sayo hanggat hindi binabanggit ni Lola na buntis ka. Chillax ka lang.

“Hijo, Josephine, meet Julie,” pakilala sa akin ni Lola.

Ngumiti ako sa kanila. Iyung ngiting ngayon lang tayo nagkakilala huwag kayong feeling close ‘di ko kaya knowing. “Hello,” ang awkward talaga. Sinubukan kong iwasan ang tingin ni Rome sa akin. Peru swear, kung nagulat ako, mas nagulat siya.

“Paano po kayo nagkakilala Lola?” Joy asked.

“I met her at the hospital,” simula ni Lola. “Nang dinalaw ko ang kaibigan ko sa St. Matthew’s Hospital. Remember Doctor Fortuna, Rome?”

“Yes Lola,” tumango si Rome. Asar naman itong si Rome. Bakit nasa harap pa kita naupo. Huwag mo nga akong tignan ng ganyan.

“Right, tinulungan ako nitong si Julie nang muntik na akong matumba dahil sa mga makukulit na bata doon sa ospital. Then, nagkita ulit kami nang mga hapon habang hinihintay ko si Fortuna sa waiting area.”

“Lola,” hinakawan ko si Lola sa braso. “Hindi mo naman kailangang sabihin sa kanila ang lahat. Nakakahiya po.” Please Lola nagmamakaawa ako sayo. Huwaag pooo!

“It’s okay Julie, they wouldn’t mind.”

“Yes,” pagtingin ko kay Joy ay nakangiti siya. Lalo tuloy akong nag-guilty. Ibinalik ko nalang ulit ang kamay sa lap ko. Please Lord magpalindol ka para ‘di na masabi ni Lola ang sinabi ko sa kanya sa ospital. O ‘di kaya bumukas ang lupa at lamunin ako. “We’d like to hear,” hinawakan naman ni Joy ang kamay ni Rome.

Fine! Masakit.

“Okay, we’ll talk while eating.” Tinawag ni Rome ang waiter at ibinigyan kami isa-isa ng menu. Dahil malaki ang menu ang ginawa ko ay tinakpan ko talaga ang buong mukha ko nun.

Napangiwi ako. Madami ngang nakalistang pagkain dito peru hindi parin ako makakain ng matiwasay dahil nandiyan si Rome at Joy. Tapos magku-kwento pa si Lola sa masalimuot kong talambuhay. Nak ni Simsimi naman oh! Akala ko ba pangit ang ugali ng Lola ni Rome anyaree?

“Are you alright Julie?” Tanong sa akin ni Lola.

Umiling lang ako kay Lola at ibinaba na ang menu. “Okay lang po ako Lola.”

“Oh,” parang may biglang naalala si Lola kaya napatingin tuloy kaming lahat sa kanya. “I almost forgot. Gusto mo pala ng corned beef, diba?”

“Eh?”

“Corned beef?” Kumunot ang noo ni Rome. “I don’t think –“

Lola naman eh! Pinapahiya ninyo talaga ako ng super big time! Lupa bumukas ka na at lamunin muna ako ngayon din. Huhu, gusto ko ng umuwi.

“Waiter anong sabi ng chef?”

“He’ll cook a special corned beef for you Madame.”

“Great,” she clasped her hands. “Sabihin mo sa kanya na sarapan at baka hindi iyun magustuhan ni Julie. Alam mo kasi… medyo pihikan ang mga buntis.”

Hampaslupa! Lola bakit mo iyun sinabeeeee.

“You’re pregnant?” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Rome. I saw Joy’s face. Hindi ko nga lang alam kung iniisip niyang si Rome ang ama o simpleng nagulat lang siya. Takte naman Lola ang daldal ninyo talaga eh.

“Yes hijo,” The waiter took the menus bago umalis. “Unfortunately, she has to raise her child alone dahil iniwan siya ng lalaking mahal niya. The guy chose to be with his girlfriend, and that includes forgetting everything about their past. It’s kind of complicated… eksaherada kasi itong batang ito at kung ano-ano nalang ang naiisip sa utak,” she chuckled.

Hindi na ako magsasalita. Nasabi na ni Lola. At alam kong pagkatapos ng dinner na ito ay kailangan ko ng tumakas ng planet Earth. Sana lang hindi ako lubayan ni Lola para ‘di ako ma-corner ni Rome.

Nag-iba ang topic nila. They’re talking about business at doon sa on going development ng hospital nila dito sa Pilipinas. Nanatili lang akong tahimik habang hinihintay ang in order naming pagkain. Mauubos na yata ang tubig ko sa kakahintay.

Paminsan-minsan ay nahuhuli kong sumusulyap sa akin si Rome peru iniiwas ko lang ang tingin. Lalo tuloy napaghahalataang guilty eh. At saka nakakahiya naman kay Joy. Napansin ko rin na tahimik siya at saka hindi na niya suot ang bracelet na binili niya sa store ni Maria.

Hindi kaya nasira iyun?

Sinubukan kong tignan ulit ang kamay niyang pinagsuotan niya nun nang mahuli ko siyang tumingin sa akin. Ilang seconds lang yata iyun peru iniwas ko rin agad ang tingin. Ewan ko, para kasing may gusto siyang sabihin sa akin at kumpirmahin. Hindi ko naman siya matignan sa mata dahil alam kong may ginawa talaga akong mali sa kanya.

After 600 years ay dumating na rin ang order namin. At gaya ng order ni Lola ay inilapag sa harap ko ang isang special corned beef na mukhang sosya na sosyal at malayong-malayo sa di-lata na nasa bahay ko. Nagutom tuloy ako agad.

Kaso parang ayokong kumain na walang kanin. Gusto ko ng kanin. Iginala ko ang tingin sa mga pagkain nila at napangiwi talaga ako ng bongga. Seriously? Sinong mabubuhay ng walang kanin? Gusto kong magwala dahil walang kanin. Na saan ang hustisya?!

“Julie?” Naingat ko ang tingin kay Rome. “May problema ba?”

“Bakit walang rice?”

“Huh?”

“Gusto kong kumain ng kanin.” I pouted my lips kasi sobrang naiinis ako. Kahit na hindi dapat ako umakto na parang bata sa harap nila. Hindi ko mapigilan eh. Kaasar! Nasaan ang kanin ko.

Natawa lang tuloy si Lola sa akin. “Just give her rice.”

“Lola pasensiya na po talaga peru hindi ko po kayang mabuhay na walang kanin.”

“Okay  lang, hija, normal lang din sa isang buntis ang mag-crave ng gusto nila.” Naaliw na sabi niya sa akin. “Hintayin mo nalang ang kanin mo.”

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil bumalik agad ang waiter. Sasaya na sana ako sa kanin peru takte naman sa restaurant na ito kakarampot naman ang kanin nila. Sige na nga, at least meron.

Nagulat ako nang hatiin ni Rome ang corned beef ko sa plato. Ano na namang trip ng isang ito? Makikihati pa talaga sa akin? “Huwag mong ubusin lahat.”

“Rome hayaan mo si Julie,” ani Lola. “Masamang pinagbabawalan ang buntis.”

“Too much is not good. Baka pang-ilang corned beef na naman niya ito.” Tinignan niya ako ng makahulugang tingin. Alam mo iyung tingin na naka-ilang lata ka na ng corned beef. Syet! Bakit ba wala akong naitatago sa isang ito?

Lola chuckled, “You seemed to know her more than I do Rome?”

“I’m a doctor ‘La,”

“Anyway, kumain na tayo.” Mga ilang seconds lang siguro ang lumipas bago nag-salita ulit si Lola. “Maiba ako, Julie, anong balita doon sa lalaking umiwan sayo?”

Muntik na akong masamid. Natigilan din si Rome. “P-Po?”

“Wala ka ba talagang plano na ipaalam sa kanya na buntis ka?”

“Ahm, kasi Lola…” nasabi mo na nga sa kanya eh. “Ano kasi… hindi na po kasi kami nagkikita.” Chus.

“Alam mo kasi hijo,” baling niya sa apo. “Julie fell in love with a guy who couldn’t even fight his love for her. That guy couldn’t even tell his grandma about what he feels. In my opinion,” she took a food in her mouth and chewed it first before speaking again. “He’s not even a man enough to decide what’s good for him. Rome, tatanongin kita.”

“Yes, Lola?”

“Kung mahal mo ang isang tao at maraming bagay ang pumipigil sayong maging masaya. Makakaya mo pa ba kayang ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya?”

“P-po?”

“When you love someone… fear is not even a problem. Paano ka magiging masaya kung marami kang kinatatakutan. One thing that men should learn in life is to fight and risk. Walang mangyayari sa buhay nila kung hindi sila matututong lumaban. Sometimes, all you need is the courage to be happy.”

Wala naman sigurong alam si Lola sa amin ni Rome, diba?

“Kahit na may taong masasaktan Lola?” Tanong ni Joy.

“Josephine, pain and getting hurt is part of growing. Would you rather live a life full of pretences; making yourself believed that everything is real, even if it’s not. Everyone deserves to be happy. One should not exclude his self for that.” Tinagnan ni Lola sa mata si Joy na para bang siya talaga ang tinutukoy niya. “Happiness in a way na alam mong may rason kang maging masaya at hindi ang pilitin ang sarili mong maging masaya.”

“Lola, if that guy is your grandson.” Rome started. “What do you want him to do?”

“Be man enough. I don’t want a grandson who could not even make himself happy, and could not even fight for his happiness. I’d rather let him scold or argue with me, than to see him ruining his life because of that stupid fear. That’s totally ridiculous.”

“I agree,” napatingin kaming lahat kay Joy. “I think, that guy should choose to be with the woman he really loves.” I was taken aback when she smiled at me. “If I were the guy’s girlfriend at alam kong may mahal siyang iba… I’d rather want him to be honest with me. It hurts, but I’m sure it’ll heal just in time for her to fall in love again.”

Joy?

“Naniniwala ako sa happy ending,” dagdag pa niya. “At alam ko, lahat ng tao may happy ending. Kaya sana… magkaroon din kayo ng happy ending Julie.” Rome looked at Josephine with astonishment.

“Well,” itinaas ni Lola ang baso niya. “Why don’t we call it a night, shall we?”

TWO CHAPTERS TO GO! ABANGAN ANG GAGAWIN NI ROME! THANKS FOR READING! LIKE MY PAGE! HEHEHE <3

https://www.facebook.com/pages/Weirdygurl/444631588933727?ref=hl

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro