Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57

“Krisostomo!”

A girl with pig tailed hair who seems to be a 6 years old jumped at the back of a boy who seems to be her age as well. Pumulupot ang maliliit niyang braso sa leeg ng batang lalaki. Amazingly, mukhang naasar ang batang lalaki sa babae kaya umikot-ikot siya para lang matanggal ang makulit na batang babae sa likod niya.

I laughed at the scene. Nakakatuwa naman talaga! Parang naalala ko ang sarili sa batang babae na si Maria Clara at si Julieta naman ay si Krisostomo. Akalain mong tandem din pala ang pangalan nila.

I suddenly thought about Julieta. Kumusta na kaya siya ngayon?

“Maria Clara bumaba ka!”

“Krisostomo sagutin mo na ako puwees!”

“Ayoko sayo!”

“Arte mo naman eh! Kahit fweends nalang tayo.”

“I’m not interested.”

“Ang cute,” I felt a hand on my arm. “Hi Rome,” I smiled at Josephine. “Mukhang free ka ngayon ah?”

“Just taking a break,” umisod ako para makaupo siya ng maayos sa bench. She reached for my hand. “I’ll assume na tapos ka na sa check up mo?” I put my hand on her hand and squeezed it gently.

She nodded, “Yup, sabi naman ni Doc. Mark ay okay na daw ako. Huwag ko lang talagang kakalimutan ang insulin injection ko at vitamins.” She rested her head on my shoulder. “Sorry, kung pinag-alala kita. Kinailangan mo tuloy na umuwi ng maaga sa reunion ninyo. I felt terrible.”

“It’s okay,” I paused and noticed na hindi na niya suot-suot ang bracelet na kapareho ng sa akin. She never takes it off simula nang bilhin niya iyun. “Where’s your bracelet?”

“Ayoko na doon,” she pouted her lips. “Madaling masira.”

“Ahh,”

 “Rome?”

“Hmm?”

“What about Julie?”

“Julie?”

“Nagkausap kami ni Zell, and he told me about you and Julie. Bakit ‘di mo sa akin sinabi sa akin na may nakaraan kayo?”

“I don’t think importante pa iyun,”

“I trust you,” she looked deep into my eyes. Peru hindi ko magawang tignan siya ng matagal. I just couldn’t be honest with her now, not when my heart is for Julie. Damn it for feeling like this. “I just wish you’re being honest to me as well.”

I didn’t want to leave Julie at the hotel that day… peru nag-guilty ako nang tawagan ako nila Mom para ipaalam sa akin na isinugod sa ospital si Josephine. Naisip ko na ako na yata ang pinakawalang kwentang lalaki sa buong mundo. I slept with Julie. No, I made love with her. Alam kong mali, but I never regreted everything that night.

It was too stupid of me na isipin na iwan si Josephine at manatili nalang sa tabi ni Julieta. Then the call hit me big time in the head. Pinili ko ang buhay na ito. I’ve chosen to forget Julieta and hurt her… and decided to be with Josephine.

Malaki ang tiwala at pagmamahal sa akin ni Josephine at hindi ko man lang kayang suklian iyun ng kapareho ng sa kanya. I’ve been living in confusement and misery for the past years, still the memory of us – with Julie haunts me. Iniisip ko na kaya ko siyang kalimutan. Act as if I don’t even care whenever she’s around.

Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya… the pain, the same pain I’m feeling right now. But I couldn’t do anything about it. Kung alam niya lang kung gaanon ko ka gustong yakapin at hagkan siya. Damn it!

Peru hindi naman ako ganoon katapang para ipaglaban siya… I’m totally worthless. She doesn’t deserve a guy like me.

“Rome,” I glanced at Josephine. “Promise me you wouldn’t leave me.”

“Josephine?”

“I know,” kumalas siya sa pagkakahawak sa akin at napabuntong hininga. “Alam kong mahal mo parin siya. Hindi naman ako ganoon ka manhid para ‘di iyun mapansin. But everything is different now,” hinawakan niya ulit ang kamay ko. “She belongs in the past. I’m your girlfriend. At mahal na mahal kita. Kaya kong maghintay hanggang dumating ang araw na magagawa mo na akong mahalin ng buong-buo.”

“I already chose you,”

“Nandito ka nga, peru hindi mo naman dala ang puso mo.”

“I’m sorry,”

“Just promised me,” she begged. “Please?”

“I promised.”

“Thank you,” she wrapped her arms around me. “I love you Rome.”

“I love you too,” It barely came out as a whisper; enough for her to hear.

“I hope you are,”

****

 

“Guys,” ngayon lang talaga ako kinabahan ng sobra. Parang hihimatayin yata ako sa sobrang kaba. Alam mo iyung feeling na haharap ka sa korte dahil pinatay mo ang walang kwenta mong kapitbahay dahil lang sa cornedbeef na ulam na pinagdamot niya?

Bakit ba puro cornedbeef nalang ang laman ng utak ko?

“Ano bang sasabihin mo Julie at nagpatawag ka pa ng general meeting?” Atat na tanong ni Kim sa akin. Isa-isa ko naman silang tinignan. From Zell, Maria, to Kim. Takte! Paano ko ba sisimulan ang lahat?

“Julie?” Zell was waiting.

Buti pa itong si Maria tahimik at hindi demanding. Aish! Sige na nga. I took a deep breath and exhale para lang ma-relax lang ng konti.

“I’m pregnant,”

“What?!”

“Conceived by the holy spirit?”

“Maria?!” Kim groaned. “Seriously?”

She just shrugged, “Masama pong manghula?”

“Are you even serious Julie?” Hindi makapaniwalang tanong ni Zell sa akin. Alanganing tumango lang ako sa kanya. “Who the hell is the father? Si Rome?”

I bit my lip as I nodded. “Please don’t tell him. And Zell, huwag mo munang sabihin kina Mama at Papa ang kalagayan ko. Ayokong makarating kay Rome ang impormasyon na buntis ako.”

“Julie may nangyari sa inyo sa hotel?”

“Obvious ba?” Napatingin kami kay Maria. “Kailangan pa bang itanong ang mga ganyang bagay.” Itinaas niya ang tasa ng kape sa bibig na para bang no big deal lang ang nangyari. “Walang mabubuong bata kung walang live action.”

“Maria?” Kim groaned again. “Pwede ba gawan mo rin ng stress ang stress free mong buhay.”

“I hate problems, it makes me look old.”

“So what’s the plan?” Tanong ni Zell. “I’m sure you’re keeping the baby.”

“Kaya nga ng sinabi ko kanina. Hindi ko muna sasabihin sa mga magulang ko ang kalagayan ko ngayon. Hanggat hindi pa bumabalik sila Rome sa Italy. Sinabi niya sa akin na hindi naman sila mananatili ng matagal sa Pilipinas. Siguro kapag pumunta na ang lola niya at matapos na lahat ng dapat gawin niya sa ospital ay baka bumalik na din sila.”

“And you’ll never tell your parents kung sino ang ama ng bata?”

“Iyun ang nasa isip ko… peru hindi din naman siguro iyun maitatago habang buhay dahil maaring mamana nila ang features ng papa nila. For now, ang main goal ko lang talaga ay huwag ipaalam kay Rome ang pagbubuntis ko.”

“Pwedeng mag-tanong?” Kim raised her hand.

“Ano iyun Kim?”

“Kailangan kayo nag-chu-chu ni Rome?”

“Kim?!” Maria groaned. “Chill, ginaya lang kita. Sige mag-usap na ulit kayo.”

“Masama na talaga ang epekto ng kadiliman diyan kay Maria.” Napailing nalang talaga si Kim. “Anyway, I’m okay with the plan. Huwag mo na ring sagutin ang tanong ko kanina.”

“Sure ka? Kasi sasabihin ko din naman say-“

“Marami ka na ngang nilabag na moral code Julie pati ba iyan isi-share mo pa?” Napatingin kami kay Maria ulit. “Mali parin ang ginawa ninyong dalawa ni Rome. But I would not condemn you… dahil iyun na talaga ang naka tadhana sa inyong dalawa. Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay nakalaan ng maganap.”

“Manghuhula ka ba o catechista?”

“Both,”

“Mauuna na ako,” tumayo na si Zell at lumabas ng bahay.

“Anong nangyari doon?” Tanong sa akin ni Kim.

“Obvious naman nag-walk out.” Sagot naman ni Maria. “Tanga.”

“Isa ka nalang talaga Maria,” naikuyom ni Kim ang mga kamay sa galit. “Kapag ‘di ka pa tumigil ibibilad talaga kita sa araw!”

“Okay,”

****

 

“Zell?” Nagulat ako nang makita sa labas ng bahay si Zell. Paanong nalaman niya dito parin ako nakatira. “Anong ginagawa mo dito?”

“Pwede bang pumasok?”

“Okay,” pinagbuksan ko siya ng gate. “Anong kailangan mo?” Pumasok na kami sa loob ng bahay. “Maupo ka muna,”

“I see, ‘di mo parin kayang kalimutan si Julie.”

“Iyan lang ba ang ipinunta mo dito?”

“Pumunta ako dito para malaman ang ginagawa mo pagkatapos mong iwan si Julie… ulit. I see, mukhang wala namang interesante sa buhay mo ngayon.” Iginala niya ang tingin sa buong paligid. “Does Josephine come here?”

“It’s none of your business,”

“I’ll take that as a no.”

“Ano bang kailangan mo?”

“Matalino ka lang Rome at mayaman peru pagdating sa pagde-decision tanga  ka. You’re obviously still in love with her peru mas pinili mo paring saktan siya ulit. Don’t you think you’re being unfair with Joy? Pinapaasa mo siya sa pagmamahal mong hindi mo naman talaga kayang ibigay sa kanya. How stupid is that?”

“Huwag mong pakialaman si Josephine.” I warned him.

“I already did. Didn’t she tell you?”

“What the hell did you said to her?!”

“Ibinigay ko sa kanya ang letter na iniwan mo kay Julie noon. Akala ko nga magagalit siya sayo at iwan ka niya… kaso nagkamali pala ako sa isang iyun. Hindi ko naman aakalaing magiging tanga siya sa pag-ibig niya sayo. Geez, nakakaasar talaga ang kabaitan ng babaeng iyun.”

“Huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan Zell.” I gritted my teeth.

“Nasasaktan ka?” Pinipigilan kong huwag siyang masaktan at masuntok. I knew Zell, ginagalit niya talaga ang mga taong gusto niyang saktan. I wouldn’t buy for that. “Sa tingin mo… anong nararamdaman ni Julie ngayon?”

“Wala ka ng pakialam sa kung anong meron sa amin ni Julie.”

“Alam mo dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin dahil ginagawa ko ito para sayo. Mahal ko si Julie peru pinipilit kong unawain ang sitwasyon mo. Napakaduwag mo! Hindi mo man lang kayang ipaglaban ang pagmamahal mo sa kanya. You dare called yourself Romeo before, peru‘di mo naman kayang ipaglaban si Julie sa Lola mo. You don’t deserve to be happy!”

“You know nothing about me.”

“I’ll give you a chance Rome. A chance na pag-isipan ang lahat. It’s either you choose Julie or Joy. At sana huwag mong sayangin ang pagkakataong binigay ko sayo ngayon. Dahil pagsisihan mo habang buhay kapag pinili mo pa ang babaeng iyun kaysa sa kanya.”

“I’m still going to chose –“

“Chose her and you’ll lose Julie forever… hindi lang si Julie ang mawawala sayo Rome. Kaya pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko.”

“What do you mean?”

“Sasabihin ko sayo kapag nakapag-desisyon ka na.”

“Damn it Zell!”

He chuckled, “I always am.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro