Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

“Bakit ngayon ka lang?” Seryosong tanong sa akin ni Rome nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ngumiti ako sa kanya. Lalo lang tuloy naging seryoso ang mukha niya.

“Nagpahangin lang ako,” pumasok na ako. “Hindi pa kasi ako inaantok kaya… hayun, naglakad-lakad muna ako.” Naupo ako sa kama na parang wala lang nangyari.

Isinarado niya ang pinto at lumapit sa akin. Inangat ko ang tingin sa mukha niya.

“Buti ‘di ka pa tulog,”

“Julieta,”

“Alam mo, okay din iyung ginawa ng kambal kanina.” Ibinaba ko ang tingin sa kama at hinaplos iyun. “Marami akong nalaman…”

“Julieta bakit ‘di ka magalit sa akin?”

“Bakit naman ako magagalit sayo?” Itinaas ko ulit ang tingin sa kanya.

“Dahil sinasaktan kita!” He raised his voice and furiously brushed his hair with his hand. “Julie, hindi ka man lang ba maiinis o magagalit sa akin? Tatanggapin ko iyun.”

“Rome,” ngumiti ako sa kanya.

“Don’t give me that smile Julieta! Alam kong hindi ka okay.”

“Okay ako.”

“No, you’re not!”

“Rome… hindi kita maintindihan. Gusto mong kalimutan kita, sinabi mong hindi mo na ako mahal. Now, I’m showing you that I’m okay at hindi ako apektado… gusto mo naman akong magalit sayo.” Naipikit ko ang mga mata saka ibinalik ang tingin sa kanya. “Wala akong mahanap na rason kung bakit dapat magalit ako sayo.”

Bago pa ulit ako maiyak ay tumayo na ako para pumasok sa banyo nang pigilan niya ako at hinawakan ng mariin ang braso ko.

“Sinabi ko sayo noon na mahal kita,” mahinang sabi niya.

“Noon iyun, bakit ngayon… mahal mo ba ako?” Hindi siya nakaimik. Ngumiti ako ng mapait. “Hindi mo nga masabi sa akin na mahal mo ako. Tanggap ko na Rome… hindi mo na dapat ipaalala iyun sa akin ng paulit-ulit.”

“I wanted to love you… again.”

“And?”

“But I couldn’t…”

I touched his face, “Then don’t,” I moved closer and wrapped my arms around him. I let his head rest on my shoulder. “Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mong mahalin ulit ako. Kung hindi pwede… maiintindihan ko.” Hinayaan kong tumulo ulit ang pinipigilan kong mga luha. “Hindi mo kasalanan kung hindi mo man masusuklian ang pagmamahal ko. Sapat na ang pagmamahal mo sa akin since kinder hanggang high school.” I chuckled, though my heart is broken.

“I really did love you Julie,” he pulled me closer as he whispered. “I really do.”

“Naiingit ako kay Joy,” sinubukan kong huwag pumiyok sa sobrang paninikip ng dibdib ko dahil sa pag-iyak. “Kung sana hindi ako naging manhid noon… kung sana hindi kita inaapi at inaaway noon… siguro maaga kitang natutunang mahalin Rome.” I sobbed. “Kaso, talagang mababa ang IQ ko sa utak eh. Lugi tuloy ako ngayon.”

“Julie bakit nagkaganito tayo?”

Nang iangat niya ang mukha ay nakita kong umiiyak pala siya. Lalo tuloy akong nasaktan ng makita ang nahihirapan niyang kalooban sa mukha niya. I don’t want him to feel bad about hurting me.

He has his reasons kung bakit mas pinili niyang huwag akong mahalin pa. I’ve already done everything I could do para mas piliing mahalin ako… at least, nang sumuko ako… alam kong lumaban parin ako.

“Hindi ko alam…”

“Hindi ko alam ang gagawin ko.”

“Forget me Rome… kalimutan mong minahal mo ako noon. Gaya ng dati mong sinasabi sa akin… baka kapag ginawa natin iyun pareho ay mahahanap na natin ang taong magmamahal talaga sa atin.” Hindi ko nga rin alam kung magagawa ko nga din iyun.

“You’ll love another man?”

No.

“Yes… and you’ll marry Josephine.” Kumalas na ako ng pagkakayakap sa kanya. Pinahid ko ang mga luha bago tinungo ang banyo. Mas mabuti narin ito… kaysa namang patuloy kong paasahin ang sarili ko.

“Julieta!”

“Ro-“

Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa braso at pihitin paharap sa kanya. He cupped my face and suddenly his lips were on mine. He pushed me to the wall. Sinubukan kong kumawala sa mga bisig niya, but he was just too strong to even budge.

He kissed me hard to the point na masakit na… but soon his kisses became gentle… soft… it creates something inside my stomach, and chills in my spine.

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari… it felt right, and wrong at the same time. But the emotion was too strong for me to even think for future possibilities and consequences. Hindi ko man lang magawang sabihin na mali itong ginagawa namin.

A part of me just wanted to be with him… to be in his arms… even for a night.

I closed my eyes and wrapped my arms around his neck.

Kung may pagsisihan man ako sa gabing ito… iyun ay hinayaan kong saktan ulit ang sarili para sa isang gabing para lamang sa aming dalawa. Kahit na alam kong hindi naman talaga siya magiging akin.

But I doubted it.

If I’ll lose him tomorrow, I’ll choose to be with him now.

 

 

****

 

Napasalampak ako ng upo sa sahig while supporting myself from the side of the bed. Hilong-hilo na talaga ako. Kanina pa na parang bumabaliktad ang sikmura ko. Nasuka ako kanina kaso puro tubig at laway lang naman. Hindi kaya ako na food poisoning?

Wala naman akong naalalang may panis akong nakain. Peru bakit ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon? Pinahid ko mga pawis sa noo ko. Mamamatay na yata ako. Takte! Ayoko pa namang tumambay sa mga ospital ngayon.

Bigla namang tumunog ang phone ko. Nanghihinang inabot ko iyun sa itaas ng bedside table ko at sinagot ang kung sino mang tumatawag sa akin. “Hello?”

“Hoy Julie saan ka na naman, ha?!” Napangiwi ako sa sigaw ni Kim. Talaga naman! Bakit ba kasi laging nakasigaw ang isang ito. “Hoy!”

“Nasa bahay lang ako,”

“May sakit ka ba?” Medyo kumalma na ang boses niya. “Sa tuno kasi ng pagsasalita mo parang ‘di na nakakadaan ang hangin sa baga mo.”

“Exag mo naman, medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko. Nahihilo ako at nasusuka… mamamatay na yata ako.”

“Hoy Julie tigil-tigilan mo na iyang page-emote mo dahil ilang buwan ka ng forever alone simula nang iwan ka ni Rome doon sa hotel.”

“Ano namang connection doon sa pag-iwan sa akin ni Rome?”

“Sabi sa na search ko sa google, nakaka-create daw ng cancer ang sobrang pag-iisip at depression. Sa mukha mo parang ilang araw ka ng nag-marathon ng Korean Drama at mukha ng sinabitan ang mga mata mo ng sandamak-mak na medal ng eyebags.”

“Uy grabeh ka naman! Huwag mo naman akong balitaan na may cancer ako. Hindi ako gagaya sa buhay ni Jenny na namatay dahil may cancer sa dugo. Baka kulang lang ako sa kain at tulog kaya medyo bumibigay na itong katawan ko.”

“Magpa-schedule ka na sa doctor at baka may tumutubo ng bulate diyan sa tiyan mo.”

Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Ewan ko, peru biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang sabihin ni Kim na baka may tumutubo ng bulate sa tiyan ko. Not that, iniisip ko na magkakabulate talaga ako sa tiyan.

Hindi naman siguro ako… napahawak ako sa tiyan ko.

“Hoy Julieta!”

“Huh?”

“Hindi ka na nakapag-salita diyan.”

“Sorry medyo loading lang,” tumawa ako. “At huwag ka na ring highblood diyan dahil nagpadala na ako ng sulat kay Boss.”

“Anong sabi niya?”

“Sabi niya ako daw ang may pinakamaraming excuse letter sa lahat ng impleyado niya. Magpagaling daw ako agad bago niya ako sisantihin,” I chuckled.

“Ewan ko sayo talaga Julie,” natawa na rin siya sa kabilang linya. “Basta, pumunta ka na sa ospital at baka kung ano na iyan.”

“Oo na,” nakangiting ibinaba ko na ang phone bago pinindot ang end call. I sighed. Napahawak ulit ako sa tiyan ko. Ayoko sanang isipin na baka buntis ako... Napangiwi ako hindi dahil may masakit kung hindi sa pwedeng mangyari sa akin kapag buntis nga ako. “Aish, gagawin na naman nila akong kontrabida kapag nagkataon.”

Nang tanghali ay nakapag-decision akong pumunta nalang sa doctor para kumpormahin ngang buntis ako. Peru hindi sa ospital nila Rome. Kinakabahan ako ng sobra… peru hindi ko rin maiwasang maging masaya sa idea na magkaanak na kami ni Rome.

Noong gabing iyun ay may nangyari sa aming dalawa. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko na namalayan ang lahat. Wala naman akong pinagsisihan sa gabing iyun… kahit na alam kung malaki ang posibilidad na iwan parin ako ni Rome.

Nang gabing iyun naramdaman kong mahal ako ni Rome… that we both love each other. Iyung walang lola niya at Joy sa mundo namin. It was just me and him.

Peru wala namang magandang panaginip na nagtatagal. Nang umaga ding iyun ay nagising nalang ako na wala na si Rome sa tabi ko. Iniwan niya lang sa akin ang isang sulat na nagsasabing… I’m sorry.

Gaya ng dating sinasabi niya sa akin. Hindi man lang nilagyan ng sad face na drawing. Patawa ka pa diyan Julieta. Ang sabihin mo nasasaktan ka parin ng bongga. ‘K fine!

Masakit parin… hindi niya man lang nagawang magpaalam sa akin. Kahit naman iwan niya ako ay hindi ko naman siya pipigilan. Asa pa siya! Peru kung magbago ang isip niya baka tanggapin ko lang din siya ulit. Sige pa Julieta paasahin mo pa ang sarili.

Magmo-move on na kasi ako. Focus Julie! Takte! Ang hirap talaga eh.

Peru hindi ko din naman maiwasang mag-alala na baka malaman niya ang kalagayan ko. Maiinis na naman ang lahat sa akin dahil inagaw ko kay Joy si Rome. At alam kung mali talaga ang ginawa namin. Tinigilan ko na nga ang Joy-termination-list ko dahil ‘di ko na karey ang pagiging kontrabida.

Napabuntong hininga ako ulit. “Parang gusto kong kumain ng chicken joy ngayon…” I puffed my cheeks. Bigla nalang kasing lumitaw ang mga pagkain sa utak ko na may kasamang nagsasayaw na si Jollibee. “Tapos ice cream. Sige mamay – oh.” Nagulat ako nang muntik ng matumba ang isang matanda. Buti nalang naagapan ko agad at nahawakan siya.

Napatingin naman ako sa mga batang dinaanan lang ang matanda. Talaga naman! Sa panahong ito mahirap ng hanapin ang paggalang ng mga bata sa mga nakakatanda.

“Iyung mga batang iyun hindi man lang tumitingin sa dinadaanan nila.”

“Salamat, hija,” binalingan ko na ang matandang babae. I smiled at her and helped her na maayos na makatayo. Mariin na napahawak ang matanda sa tungkod niya.

“Okay lang po ba kayo Lola? Wala naman po bang nabaling bones sa katawan ninyo? O baka internal bleeding? Nabaguk ho ba ang ulo ninyo? Baka gusto ho ninyong samahan ho kita para naman ma e-check natin ang dugo mo Lola at makapag-Xray ka na rin. Lola, masakit ba ang spinal cords ninyo?”

“Hija, masyado kang OA.”

Napangiti ako at napakamot sa likod ng ulo ko. “Pasensiya na po talaga Lola. Medyo may pagka-OA lang talaga ako. Peru, sure na sure na ba kayo na okay na kayo?”

Tumango siya, “I’m fine,”

“Ahh, sige po. Maiwan ko na po kayo.”

“Sige,” iyun lang at iniwan ko na si Lola.

Dapat talaga hindi iniiwan ng mag-isa ang mga matatanda dahil baka ano pang mangyari sa kanila. Tinignan ko ulit siya mula sa balikat ko bago itinuon ang tingin sa harap. Mukha naman siyang okay. Baka hinihintay lang ang apo niyang power rangers – este foreigner kasi mukha siyang imported corned beef – este ulit foreigner.

“Takte! Bakit ba ang weird ng mga ginagamit kong salita?”

Hindi na ako naghintay ng matagal dahil kukunin ko lang naman ang result sa Doctor. Tinawag na ng nurse ang pangalan ko kaya pumasok na ako office ng doctor.

“Kumusta Julie?” May ngiting tanong sa akin ni Doktora. “Maupo ka muna.”

“Salamat po,” umupo ako.

“Nakuha na namin ang result.” Her eyes was fixed first doon sa isang folder bago iniangat ang mukha sa akin. “Congratulations, you’re 8 weeks pregnant.”

Napangiti ako, “Talaga ho?”

Tumango siya, “Yes, at dapat ingatan mo na ang sarili dahil nasa fatal stage ka pa ng pagbubuntis. Iwasan mo muna ang stress at pagpapagod sa sarili mo. As for you, wala ka namang problema peru mas mabuti paring mag-ingat tayo.” She started writing something on a paper. “I’ll give you some vitamin na dapat inumin mo araw-araw.”

“Salamat po doc,”

“Dahil first baby mo palang ay baka medyo mahirapan ka. But I’m sure you’re husband will be there to help you.” She tore the paper and handed it to me. Ngumiti lang ako sa kanya. “Congratulations.”

Lumabas na ako ng clinic at nanghihinang naglakad. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa pamilya ko ang lahat. Kapag nalaman nila na buntis ako tiyak na aabot iyun sa pamilya ni Rome. At kahit na hindi ko sabihin kung sino ang ama ng bata ay malalaman parin ni Rome na siya ang totoong ama.

He was my first, and I know, alam niya iyun. Aish! Ang gulo na ng lahat. Naupo nalang ako sa isa sa mga upuan sa waiting area at napabuntong hininga.

“Anong gagawin ko?” Nagsimula na naman akong maiyak. Ewan ko ba! Masyado yata akong emotional. Siguro dahil buntis ako. Sabi nila kapag buntis ay masyadong emotional dahil sa hormonal changes. Asar naman! Gusto kong kumain ng chicken joy!

“Hija,” napatingin ako sa nag-salita.

Napakurap-kurap ako nang magpag-sino siya. “Lola? Kanina ka pa ba diyan?” Siya iyung matandang babae na tinulungan ko kanina.

“Malamang,” bakit may nasi-sense akong mahilig siyang mambara? “Bakit ka ba umiiyak?”

“Lola,” I laced my fingers and rested it on my lap. Iyun lang ang tinignan ko. “Pwede po bang umiyak dahil masaya ka, tapos malungkot ka rin?” I paused. “Masaya ako dahil nalaman kong buntis ako… malungkot dahil alam kong hindi ko siya mabibigyan ng isang kompletong pamilya.”

“Where’s the father?”

“Mahaba pong kwento,”

“E summary mo nalang,” napatingin ako kay Lola. Grabeh naman. Hindi naman siya mukhang nagjo-joke dahil seryoso ang mukha niya. “Make it short and consice.”

“Lola mahina ako sa English at constructions ng sentences.”

“Makikinig lang ako,”

“Sige na nga, alam mo kasi Lola, ang totoo niyan ay wala akong balak na ipaalam sa kanya na buntis ako ngayon. Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi ko na siya gagambalain pa. Gusto niyang kalimutan ako kaya sinabi ko rin sa kanya na kalimutan na rin niya ako. Kaso ‘di ko naman inaasahan na magbubunga ang isang gabing pinagsaluhan namin.”

Ang awkward ng pinagsaluhan. Hindi talaga ako sanay sa serious drama. Takte! Umayos ka na nga Julie. Iyan na nga si Lola willing makinig sa masalimuot mong buhay.

“Lumaki kaming magkaaway hanggang noong fourth year high school kami. Manhid kasi ako kaya ‘di ko napansin na mahal niya pala ako. Inabot pa ako ng ilang years bago iyun napansin sa kanya. Kaso noong mahal ko na siya kailangan niya akong iwan kasi akala niya siya si Dao Ming Zi at sasaya ako kay Hua Ze Li o pwede ring inakala niyang siya si Tamahome at sasaya ako kay Hotohori. Alam mo iyun, Lola?”

“Wala akong kilala ni isa sa kanila.”

I chuckled, “Sorry, basta iyun, iyun. Iniwan niya ako dahil sa lola niya. Ang sabi sa akin ng pinsan niya ay kapag hindi siya bumalik sa Italy ay paghihiwalayin ng lola niya ang mga magulang niya. Peru naghintay ako sa pagbabalik niya… kasi sabi niya mahal niya ako. Hinintay ko siya ng sampung taon Lola. Imagine ninyo iyun?”

“Nai-imagine ko nga,”

“Kaso, nang bumalik siya may girlfriend na siya.” Bumagsak ang mga balikat ko. “Nag-emote na naman ulit ako. Kasi sobra akong nasaktan dahil sa nalaman ko. Hindi man lang niya sanabi sa akin na may mahal na siyang iba. Saka, ang sakit pala kapag nakikita mo silang masaya. Kaya gumawa ako ng paraan para maagaw siya kay karibal. Kaso wala epek din naman… buhis buhay pa ako doon.”

“Still, he chose to leave you?”

I nodded, “Tanggap ko na ho iyun ngayon Lola. Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari kung malalaman niyang pinagbubuntis ko ang anak niya. Lalo na’t pinili na niya ang girlfriend niya.” I sighed saka binalingan si Lola. “Lola mukha kang imported.”

“Nawawala ka lang sa ikut ng mundo.”

I chuckled, “Sorry po, medyo weird nga ho talaga ako lately. Alam mo iyung laging pagkain ang iniisip mo? Lola, mukha kayong mayaman… ipatapon ninyo nalang kaya ako sa Spratly o ‘di kaya Scarborough Shoal?”

“Huwag kang OA… hindi solusyon ang pagtakas.”

Kahit na panay ang pambabara niya sa akin at masyadong seryoso ang mukha ni Lola ay may point naman talaga siya. Kaninong power rangers na lola kaya siya?

Nagsalita siya ulit, “Mahal mo ba siya?”

“Sino ho?”

“Si Barabas,”

“Lola naman eh,” ang lakas maka-bara. Hindi ko tuloy maiwasang matawa. “Hindi ko type si Barabas.” Tumango ako. “Kahit naman po ‘di niya ako kayang ipaglaban at mahalin ay hindi naman iyun mababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Ganito nga ho siguro kung mag-mature ang isang tao. Natutunan mong unawain ang sitwasyon nila kaysa patuloy silang pahirapan pa.” I paused.“He’ve suffered enough, kaya hahayaan ko na siya sa kung ano mang decision niya.”

“Alam mo hija, maraming uri ng pagmamahal. You lie because you love them so much to even see them hurt because of you. You lie because you don’t want to hurt a person. Some people chooses to make their life miserable huwag lang ang mga taong mahal nila. And I can see it, through my grandson’s eyes.”

“Hmm?”

“Iniisip ko na tama ang lahat ng pinapagawa ko sa kanya, peru habang tumatagal lalo lang siyang nasasaktan. He couldn’t do anything about it dahil alam niyang sasaktan ko ang mga taong mahal niya. I’ve never been the sweet-good-understanding-grandma for him. He thinks I’m a monster.”

“Lola kontrabida po kayo?”

She shrugged, “You could say so.”

“Baka kapatiran ninyo rin ang lola ng ama ng anak ko? Kasapi po ba kayo sa K.K.K?”

“Anong akala mo sa akin pinanganak sa panahon ni Bonifacio?”

Natawa ako, “Hindi naman… peru Lola, naiintindihan ko ho kayo. Sabi ninyo nga na may uri ng pagmamahal. Hindi ninyo na po sinabi iyung ibang uri dahil baka abutin pa tayo ng Bandila. Peru, kung alam kong makakabuti iyun para sa taong mahal ko. Mas pipiliin ko na rin ho sigurong maging demonyo sa buhay niya.”

“Really?”

“Hindi,”

“Baliw kang bata ka, alam mo ba?”

Natawa ulit ako, “Lola, iba ang uri ng pagmamahal mo sa akin. Ako, lumalaban ako peru marunong din akong tumanggap ng pagkatalo. Kapag nagmahal ako pinaglalaban ko iyun hanggat sa kaya ko.”

“Then why did you give up on him?”

“Dahil talo ako… and I accept that.”

“Kahit alam mong mahal ka parin niya?”

I nodded, “Lola kung mahal niya ako problema na niya iyun. Kahit naman din ipagsiksikan ko ang sarili sa kanya kung hindi niya tatanggapin na mahal niya ako wala naman ding mangyayari. Kaya move on na ho ako ngayon.”

“Ini-echus mo lang akong bata ka,”

“Lola mukha kang imported peru ang dami mong alam na local-kalye-words. Iyung totoo?”

“Masama kang magbuntis… nababaliw ka.”

Tinawanan ko lang si Lola. Galing! Natutuwa ako sa kanya talaga. Hinawakan ko ang braso niya and slipped one arm around hers. Nagulat pa siya noong una peru nginitian ko lang siya at inilapit ang sarili sa kanya. I rested my head on her shoulder.

“A-Anong ginagawa mo?” Sinubukan niyang lumayo sa akin peru ‘di ko siya hinayaan.

“Lola salamat po,”

“Para saan?”

“Dahil nakinig ka sa akin at inaksaya mo ang oras sa masalimuot kong buhay pag-ibig.” I chuckled. “Sana meron din akong lolang kagaya mo.” Iningat ko ang mukha para matignan siya.

Mukha siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko peru naging soft din ang expression ng mukha niya. Ang weird ko talaga ngayon… feeling close kay Lola?

“Lola ang bango mo. Anong brand ng perfume mo?”

“Victoria’s Secret,”

“Naks! Pahinge.”

Natawa lang tuloy siya sa akin. Peru ‘di nga… ang bango talaga ni Lola.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro