
Chapter 55
"Ano bang gagawin natin dito?"
"Ewan," Kim shrugged. "Sabi lang doon sa iniwang sulat sa labas ng kwarto namin na magkita daw tayo sa beach." Pinuntahan ako nila Kim at Maria sa kwarto namin ni Rome. Dahil nga may announcement ang kambal.
Wala namang nababanggit sa akin si Rome na may night activity ngayon. Kanina pa nga iyun nasa labas at 'di pa nababalik sa kwarto namin. Baka magkasama sila?
"Oh, hayun pala sila." Turo ni Kim.
"Bakit kailangang kasama pa si Paris. Babalik na ako -" akmang aalis na si Maria nang mahawakan agad ni Kim ang braso niya.
"Walang babalik." Hinila na niya kami pareho. "Mukha namang tayo-tayo lang ang tinawag ng kambal."
May bonfire sa gitna habang naka-form in circular position sila Rome, Hikaru, Kauro, Ethan, Kai, Sasha, Janna, Stella, at Paris malayo sa apoy. Lahat sila nakasalampak sa buhangin. Napansin kami ni Sasha.
"Uy! Hali na kayo. Kayo nalang ang kulang?"
Hinila na kami paupo ni Kim katabi nila Sasha. Pinagitnaan naman kaming dalawa ni Rome ng bonfire. He was sitting across me. I couldn't read the expression on his face... siguro dahil may malalim siyang iniisip.
"Complete na tayo!" Pahayag ng isa sa kambal.
"Bukas ay last day na natin... kaya naka-reserved na ang gabing ito para sa atin." Dagdag pa ng isang kambal. "Naisip namin ni Kauro na mag-usap-usap tayo bago tayo bumalik sa kanya-kanyang nating buhay."
"Hindi naman kami laging nagkakaroon ng ganitong reunion. Minsan ay nakakalimutan na naming kailangan din pala naming magpahinga at magpakasaya."
"Sa maniwala kayo at sa hindi,"
"We haven't been our usual happy-go-lucky-annoying-self for a long time."
Napansin kong seryoso talaga ang kambal sa mga sinasabi nila. Even Kai na laging may bitbit na laptop or Ipad ay walang hawak-hawak at seryosong nakikinig. Ethan na laging nagbibiro ay seryoso rin. Naisip ko tuloy kong may mamaalam sa amin dito ngayon.
"We're too old for drama..."
"Kaya ilalabas na natin lahat ng nararamdaman ninyo sa isa't isa."
"Kaya maglalaro tayo ng Truth or Truth!"
"Ano iyan, bagong pauso?"
"Shut up Ethan Yu!"
Natawa lang tuloy ang lahat. Solemn na solemn na eh. Hay naku! Talagang mainit ang dugo ng kambal kay Ethan.
"We'll start first with Paris, last si Rome."
Paris cleared his throat first, "Maria... hindi ko alam kung bakit lumalayo ka sa akin." I glanced at Maria. Seryoso ang mukha niyang nakatingin kay Paris. "Kahit na lagi mo nalang akong tinitignan ng masama... peru tandaan mo na. Hinding-hindi kita susukuan. I loved you before, I love you more now."
"Ayee!" I beamed at her. "Bakit mo ba kasi nilalayuan?"
"Masyado siyang positive."
"Puro ka kasi negative!" Bulong naman ni Kim.
Buti pa nga si Maria dahil hanggang ngayon ay mahal parin ni Paris. Ilang taon din iyun? Nakakainggit talaga. Nang tumingin ako kay Rome... blanko parin ang expression ng mukha niya. Ano kaya ang iniisip niya?
Sumunod naman sila Ethan, Kai, Stella at Janna.
Si Ethan, sinabi niya lang na sana wakasan na daw ang pagtawag sa kanya sa buo niyang pangalan. Na tiwanan lang ng kambal. Wala talagang puso kay Ethan eh. Si Kai naman, sabi niya lang na mayaman siya at kaya niya kaming pautangin lahat. Wee? 'Di nga?
Si Stella at Janna, sinabi lang nila na masaya sila na nagkita-kita ulit kaming lahat. Sapat na daw iyun para sa kanila. At sana mahanap na naming lahat ang tunay na kaligayahan sa mga taong magmamahal sa amin. Sana nga.
It was Maria's turn.
"Paris!"
Nagulat naman si Paris. "Maria?"
"Wala lang, sige iyun lang."
"Eh?"
Iyun lang? Wala man lang sasabihin si Maria kay Paris? Natawa ako. Kahit kailan talaga itong si Maria. Peru pupusta parin ako na sila ang magkakatuluyan in the end.
"Ako?" Kim started. "Gusto ko lang makita kayo ulit na masaya na at wala ng drama sa buhay na nakadikit." She smiled.
"Kim!" Kauro raised his hand. Sure ako si Kauro iyun dahil nasa left ang bangs."Ako gusto kong makita ka ulit na wala pang-asawa o boyfriend."
"Bakit?"
"Liligawan kita,"
"Ayeee! Kaya pala eh!"
"Kauro!" Hikaru pushed Kauro. "Taksil! Akala ko ako lang ang mahalaga sa buhay mo?"
Kauro just grinned, "Hi Kim." At tuluyan na ngang nilimot ni Kauro ang kambal. Pagtingin ko naman kay Kim tumaas lang ang isang kilay. Baka naman si Kauro ang dahilan kung bakit naging-bitter sa buhay ang isang ito?
"Uy si Julie na!"
"Ako na pala," I chuckled. "Ano... ang masasabi ko lang -"
"Anong sasabihin mo kay Rome?"
"Eh?"
"Anong sasabihin mo kay Rome?"
"A-Ano," lalo lang akong hindi makapag-salita nang mapansin kong nakatingin siya sa akin. Ano bang sasabihin ko sa kanya. Alam naman na siguro niya kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya. I took a deep breathe. "Anong sasabihin ko kay Rome?" I paused. "Gusto ko lang siyang tanongin."
"Ano iyun?" Nagsalita si Rome.
"Tatanongin ko lang sana kung mahal mo pa ba ako?" Dahil kung hindi na... isusuko na kita.
Lahat natahimik at hinintay ang sagot ni Rome. Kinabahan ako kahit na alam ko na ang magiging sagot niya. Peru hindi ko maiwasang hilingin na sana sabihin niyang mahal niya parin ako.
"I'm sorry," he paused.
Naramdaman ko naman ang paghawak nila Kim at Maria sa mga kamay ko.
"But I don't love you anymore Julie."
I ducked my head as if kaya nung itago ang nararamdaman kong sakit. Iba pala talaga kung maririnig mo iyun mula sa kanya. Takte naman Julie! Huwag ka ngang umiyak dito. Nilakasan ko ang loob at inangat ko ulit ang mukha sa kanya.
I smiled.
Sinubukan kong maging malakas hanggang sa matapos sa pagsasalita si Janna. Paulit-ulit na pinaalahanan ko ang sarili na huwag umiyak... na umaktong parang wala lang. Pero ang hirap pala... sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa loob parang bibigay na yata lahat ng naipon kong emosyon.
Kahit na sinabi ko na sa sarili ko na maari akong masaktan sa huli ay 'di din pala magiging handa ang puso mo kahit na sanayin mo ang sarili.
"Julie?"
Ngumiti ako kina Maria at Kim. "Okay lang ako."
Nagdesisyon ang kambal na tapusin na ang laro dahil matutulog na daw sila. Kahit na halatang dahil iyun sa aming dalawa. Tumayo na ako.
Hinawakan ni Kim ang braso ko. "Doon ka nalang matulog sa kwarto namin."
Umiling lang ako at sinubukang pasiglahin ang ngiti ko. "Ano ka ba Kim. Okay lang naman ako. Saka wala lang iyun sa akin. Matagal ko namang alam. Hinintay ko lang naman na sabihin niya iyun sa akin." Pinisil ko ang kamay niya. "Huwag ka ng mag-alala sa akin."
"Halika na Kim," hinila na siya ni Maria.
Tinignan ako ni Maria na nagsasabing nauunawaan niya ako. Tumango lang siya sa akin bago sila umalis. Pagtingin ko sa paligid ay nakaalis na si Rome. Lalo tuloy bumigat ang loob ko. Talagang hindi para sa akin si 27 year old Rome.
Nakayukong naglakad na ako. Peru hindi pa nga ako nakakalayo ay isa-isa nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Parang doon lang yata nag-sink in lahat sa akin na wala na talaga si Rome sa buhay ko.
Peru hindi kaya ng puso ko ang sakit. Napasalampak ako ng upo sa buhangin.
I don't love you anymore Julie.
I buried my face on my palm and cried my heart out.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro