
Chapter 53
“Bakit ganoon?”
Kanina pa ako tumatawag kay Rome peru ‘di ko siya ma contact. I dialed his number again peru same lang din. I sighed. Busy kaya sila ngayon?
“Ma’am?”
“Eh?”
Doon lang ako natauhan. I’m in a cake shop pala. Hindi ko na nga lang iyun iisipin pa. Okay, naman siguro si Rome doon. I smiled at the crew.
“One Vanilla Petals with Sprinkles,” I read the name. It’s a cupcake that has white butter cream frosting on top with sprinkles. Mukha kasing masarap.“At saka isa din nitong Chocolate-Strawberry cupcake.” Iyun naman ay may plain chocolate cake with strawberry frosting tapos may drizzled ng chocolate.
“Take out po ba Ma’am?”
“Yes, but can you separate them?”
“Pwede po Ma’am, wait lang po.”
Favorite ko talaga ang mga cupcakes at cakes. Kahit na bawal sa akin ang matatamis. Hindi naman siguro masama kung kakain ako paminsan-minsan. Besides, Rome wouldn’t know naman.
“Uy ang gwapo.”
“Ang gwapo naman niya… sino kaya siya?”
“Ngayon ko lang siya nakita dito. Ang gwapo talaga eh.”
My mouth twitched. Sino naman kaya ang tinutukoy nilang gwapo? I did not bother turning around. I was just too consumed with these cupcakes displayed in front of me. At saka… isa lang naman ang gwapo para sa akin.
Si Rome… I silently giggled.
“Sir Zell!”
“Hi Kat,” he rested his hands on the counter at iyun ang una kong tinignan. He was beside me and I slowly looked up at him. Wait, I think I’ve seen him before. “Dala ko na pala ang mga itlog na kailangan ninyo.” He glanced at me.
We just looked at each other for a moment, and then he smiled.
“Hi,” umabot ang ngiti niya sa tainga.
Wait, Zell? Oh naalala ko na. Ang boyfriend ni Julie. Hindi ko siya maalala kasi masyado siyang formal noong una kaming nagkita. Parang galing meeting… while ngayon, he’s just wearing a worn out jeans at simpleng shirt, matched with sneakers.
He propped his body on the counter and crossed his arms. I actually think that he’s just ruggedly handsome in his own way. Kaya I’m not shock kung pagpasok niya palang sa shop ay marami na ang na gwapuhan sa kanya.
I smiled back. “Ikaw si Zell, right?”
He nodded, “Yup, glad you’d still remember me.”
“Muntik na nga eh,” I chuckled.
“Ma’am ito na po ang order ninyo,” inabot niya sa akin ang dalawang maliliit na box na transparent ang gitna kaya nakikita ko parin ang cupcake.
“Thank you,”
“Sir Zell sabi ni Boss na kung pwede daw na maghintay kayo saglit.”
“Sure,” binalingan niya naman ako. “Care to accompany me for awhile, Joy?”
“Hmm, sure. Wala naman na akong gagawin pa.” He led me to a vacant table near the glass window. I set the two boxes of cup cakes down on the table. “So,” I started. “What are you doing here? Hindi ka naman mukhang mahirap para mag-deliver lang.” I joked.
“Masyado ba akong gwapo para maging delivery boy?”
“Parang ganoon na nga,” I shrugged.
“I’ll take that as a compliment. At tama ka, hindi ako delivery boy… though, I’m sort of like that.” I liked him. Kagaya ni Julie ay magaan ang pakiramdam ko sa kanya. He has sense of humor as well. Isa sa mga bagay na wala si Rome.
Unfortunately, Rome is too serious to even crack jokes.
“Ano ba work mo?”
“Actually,” he leaned on his seat. “Marami akong negosyo… and I get to travel a lot. Personal ko kasing inihahatid ang mga nare-received kong order mula sa farm. I also export some outside the country.”
“Like?”
“Marami akong pinapalaki at pinaparaming manok, baboy, baka, at kabayo sa San Isidro. Iyun ang source ng kayamanan ko.” He chuckled. “Kung wala iyun baka nagsasayaw nalang ako sa kalye habang na mamalimos.” He laughed, maybe at the thought of it. “Imagine that?”
“Kahit maging taong kalye ka siguro yayaman ka parin.”
“Why?”
“Ikayayaman mo ang mukha mo.”
“Thanks,”
“Anyway, maiba ako, matagal na ba kayo ni Julie?”
“What do you mean matagal?”
“I mean, diba girlfriend mo siya?”
“Si Julie?” He laughed. “No, hindi ko siya girlfriend. I’m just her friend. A childhood friend, same like Rome.” Wala pala silang relasyon? Akala ko naman. “Why would you think na girlfriend ko si Julie?” He seems amused at me.
“Bagay kasi kayo… at saka ang sweet ninyo.”
“Ganoon talaga ako sa kanya… even Rome before.”
“Si Rome?”
Magtatanong pa sana ako nang itaas niya ang mukha at parang may kung anong tinagnan sa likod. He motioned his hand as if saying he’ll be right there. Bumaling ulit siya sa akin.
“It was nice meeting you again Joy… care to accompany me again?” Tumayo na siya.
“Huh?”
“Can I get your number?”
“O-Okay,” he gave me his phone and I saved my number. “Here,” I gave his phone back and smiled. “Libre ako this Friday.”
“Sounds a good plan,” bumaba naman ang tingin niya sa kamay ko. “Nice bracelet.”
“Thanks,” hinawakan ko ang bracelet na binili ko sa store ng kaibigan ni Julie. “Meron ding ganito si Julie.”
“I see,” ngumiti siya. “Anyway, gotta go at kakausapin ko pa ang may-ari.”
“Sure,”
“See you on Friday.” Iyun lang at umalis na siya
I sighed and touched the bracelet again. Biglang kong naalala… ayoko sanang mag-alala. Kaya lang… meron akong napapansin na broken lines sa mga bilog. I’m hunred percent sure na wala iyun noong binili ko.
Hindi naman siguro ako lolokohin ni Rome o ni Julie… I trust them.
****
Fourth day ng Reunion – means walang activity kaya magre-relax lang ako ngayon. Hindi na nga ako nag-ingay nang umalis ako dahil tulog na tulog pa si Rome sa sofa. Napagod yata sa akin. Not in a SPG way peru dahil nakukulitan talaga siya sa akin.
Baliw kasi iyun. Ewan ko kung bakit ayaw na ayaw niya na suotin ko ang night dress ko. Hindi naman iyun gaanong sexy, maikli nga lang at spaghetti iyun. Peru wholesome parin naman. Sasabihin niya lang na masama daw sa tiyan ang pagsusuot ng maikli at revealing na damit.
Ano iyun… kakabagin ako?
Tapos doon sa picture namin sa wallet niya. Nang tinanong ko siya ‘di naman niya ako sinasagot. Bingi lang, eh? Asar din. Tapos kung matulog naman balot na balot parang natatakot na mahipan ng masamang hangin.
Magtatayo yata ng kumbento ang isang iyun eh.
“Hay naku! Bakit ko ba iniisip ang isang iyun? Hindi din naman ako pinapansin nun. Kung dumadaan-daan sa harap ko parang invicible lang ako. Hmp! Bahala siya.”
Siguro naman ‘di na niya ako sesermonan sa suot ko. Hindi naman iyun ganoong sexy peru kita parin ang pinag-iingatan kong curves. Naks! Ano bang masama sa pink na tube at shorts? At para bongga ang get up ay dapat may beach hat na may ribbon na pink. I really love pink!
Wala naman akong planong maligo. Di-Display lang… eish, ano ba iyan parang kaladkaring babae lang. Wosh! Erase. Inilapag ko nalang ang blanket na dinala ko sa isang low profile na sosyalen ang design chair na may big parasol. Pa sideways akong naupo.
I sighed in contentment. Ang ganda ng view ng dagat. Kahit sa malayo ay kitang-kita na malinaw ang tubig at puting-puti ang buhangin. Ang sarap sigurong mag-beach wedding sa mga ganitong lugar. Paradise!
Okay, selfie muna!
Ten na ng umaga… tapos kaninang seven ako umalis sa kwarto ni Rome. Nagutom ako kaya tumambay muna ako sa isa sa mga open air restaurant nila dito na hindi gaanong mahal. Napasarap yata ang kain kaya hayun at inabot halos dalawang oras. Ewan ko nalang kung na saan sila Kim at Maria.
Kung lalabas man si Maria sure akong maliligo iyun ng sandamak-mak na sunblock. Kung si Kim? Ewan ko sa isang iyun.
Okay, selfie ulit!
“Ano ba?!” I hissed nang biglang may bumato sa akin ng T-shirt. “Ano bang prob – woah!” Nalunon ko yata ang dila ko. Syet na malagkit! Kaninong katawan ang nasa harap ko? Inaangat ko ang mukha at ganoon nalang talaga ang panlalaki ng mga mata ko.
Okay, lunok muna Julie. Chill ka lang. Hampaslupa! Naiinitan ako sa sobrang hot niya.
“Ano bang sinabi ko sayo tungkol sa pagsusuot ng maikli at revealing na damit Julieta?!”
“A-Ano…” Takte! Nadi-distract ako sa abs. “K-Kasi… ano… sino… saan… bagkus… datapwat.” Humaygassh! Julie bumalik ka na sa planet earth ngayon din!
“Isuot mo iyang damit ko.”
“Huh?”
“I said, isuot mo ang damit ko.”
“Huh?”
“Isusuot mo ba o ako ang magsusuot niyan sayo?”
“Sure, why not – este!” Tinampal ko ng dalawang beses ang pisngi ko. Phew! Julie gising! “Sorry, medyo masama talaga ang epekto sa akin ng hotness… ng sun.” Chus!
Isinuot ko na rin ang shirt na ibinigay niya. Mahirap ng kontrahin ang bago gising at baka ako’y ilunod niyan. Inferness naman at mabango.
“Bakit umalis ka ng ‘di nagpa-paalam?”
“Kailangan pa ba?”
“Akala ko kung na saan ka na naman nagsususuot.”
“Anong akala mo sa akin daga, ganun?”
“You could have at least leaved a note.”
“Sorry na,” I stared at him. “Hoy!”
“What?!”
I squinted my eyes at him. “Tapatin mo nga ako. Pinasuot mo lang ba sa akin ang shirt mo para magkaroon ka ng rason na ibandira iyang katawan mo?!” Naiinis na ako sa mga babaeng tumitingin sa gawi namin. Kainis! Ang sarap sumigaw na HE’s ALL MINE!
“Why would I even do that?” He smiled smugly.
“Mukha mo!”
“Bakit?” Ibinaba niya ang mukha sa akin. “Nadi-distract ka na ba sa akin?”
“Of course not!” Yes! Slight… peru ‘di ako aamin. “At saka sabi mo nga noon sa akin. Ang mga lalaking may abs sa nobela lang nage-exist. Dahil ang tunay na lalaki walang abs.”
“Really?” Napalunok na ako nang ibibaba pa niya ng husto ang mukha niya sa akin. Natuon tuloy ang atensyon ko sa mga labi niya. Takte! Lunok ulit. “You seem really distracted looking at me.”
“H-Hindi kaya… imagination mo out of function ha.”
Nakaka-muscle na pala ang paghawak ng scalpel at paku-kwentas ng stethoscope. Phew! Presence of mind Julie. Huwag padadala sa tukso. Isulong ang conservative living!
“Rome!” He stood straight.
Humaygaad! Relief agad ako. Nasapo ko ang dibdib sa intense moment na iyun ah. Sumilip ako sa likod at nakita kong papalapit si Ethan.
“Anong kailangan mo?!”
“Did I disturb something?”
May nakakalokong ngiting tanong niya. Umiling lang ako. Rome looked annoyed, though. Hindi ko nga lang alam ang issue niya.
“Sali ka samen Rome. Maglalaro kami ng beach volleyball. Kaso kulang kami ng isa.”
“No thanks,”
“Bakit naman?”
“Mag-uusap kami ni Julieta.”
“Mag-uusap tayo?” Singit ko sa kanila. “Anong topic?” Panis! Hindi din naman ako pinansin. Okay, shut up Julie. Kamay sa dibdib… behave.
“Just tell them hindi ako pwede.”
“Anong irarason ko?”
“Just tell them you caught us kissing kaya hindi mo na kami inistorbo.”
“Kissing?” Tumaas ang isang kilay ni Ethan.
“Naghahalikan?” Translator ka Julie? “U-Uy ano iyan.” I tugged Rome’s arm. “Baka ano pa isipin ng mga iyun ha. Tandaan mo may girlfriend kang iniwan sa labas ng bahay ni Kuya – este sa Manila.”
“Okay,” Ethan shrugged. “Madali naman akong kausap.” Before turning his back at us he winked at me. Ano naman iyun?
“Hoy Rome bakit sinabi mong naghahalikan tayo?” Hinawakan niya bigla ang braso ko at hinila ako patayo. “Hey!” Sakit ha.
“Sumama ka sa akin.” Sabay hila sa akin.
“Saan mo naman ako dadalhin.”
“Sa kwarto.”
“Anong gagawin natin doon?”
“Gagawa ng milagro.”
“Huh?!”
Anong klaseng milagro? Wholesome o may malisya?
Pagdating namin sa kwarto ay tumalon agad ako sa kama at nag-lutos position. Sumunod naman din si Rome peru kumuha muna siya ng damit at isinuot iyun. He sat opposite to me on the bed, same with my sitting position.
“Anong gagawin nating milagro?”
“Can I kiss you?”
“Huuu-huah?” Kung maka-react Julie, ha! “Gusto mo akong halikan? Na heat stroke ka ba?” Then he started laughing. Praning ba ito?
“I was just messing you around.”
“Sige magkalat ka sa akin. Aish!” I crossed my arms. “Ano bang problema mo at nagyaya kang magkulong sa kwarto mo?”
He composed himself first. “Have you seen me play any sport Julieta?”
I shook my head. “Hindi pa,”
“Got your answer.”
“Huh?” Kumunot lang ang noo ko? “Wait, ida-digest muna ng utak ko.” I paused for a moment. Loading pa kasi eh. “Hmm… ‘di ka naglalaro ng sports?”
“I don’t play… isang bagay na hindi ako magaling.”
“Bakit ang laki parin ng grades mo sa P.E.?”
“Syempre ako ang referee…”
“Ay ang daya! Ako nga todo effort sa pagba-basketball noon binigyan parin ako ng 79 ni Ma’am. Tapos ikaw, referee?”
“Subukan mo kayang sagutan ng maayos ang test paper mo?”
“Kahit na noh! Ngayong alam ko na… parang nakakawala ng paggalang sa sarili.”
“Ngayon ka pa talaga nawalan ng paggalang sa sarili mo?”
“May problema ka sa trip ko?”
Kasunod nun ang isang minutong katahimikan. May pinagninilayan lang ako… chus! Pinagninilayan talaga? Peru ‘di nga, may naisip lang ako bigla.
“Rome,” I started.
“Hmm?”
“Hindi mo ba ako tatanongin kung anong gagawin ko kapag kinasal ka na?”
“Bakit ko naman itatanong iyun?”
“Ouch ka naman! Hindi ka man lang ba curious.”
“Buhay mo iyan.”
“Ewan ko sayo!” I paused for awhile before talking back. “Kahit na hindi ka interesado ay sasabihin ko parin sayo. Kapag ikinasal ka na…” hindi ko yata kaya. Yemas! Nag-open ka pa kasi. Aish! Itinuloy ko nalang. “Kapag ikinasal ka na ang unang gagawin ko ay iiyak… ng iiyak… ng iiyak. Hanggang sa maubos lahat ng tubig ko sa katawan.” Nakatawa pa ako niyan ha.
“Bakit mo naman sasayangin ang luha mo sa akin?”
“Hindi mo na nga tinanggap itong puso ko. Pati ba naman luha ko tatanggihan mo pa?” Hindi ko nalang din pinansin ang sinabi niya. “Tanggap ko naman kung saan ako lulugar sa buhay mo. Kaya lang ‘di mo naman maiaalis sa akin ang masaktan, diba?”
“Ayokong masaktan ka,”
Ngumiti ako ng mapait. “Ayoko na sanang umasa pa… peru bakit mo ako hinalikan Rome?” I looked into his face. “Gusto kong malaman?”
“It didn’t happen…”
“Right, panaginip lang nga pala iyun.”
I knew I shouldn’t have brought this up. Tanga ko kasi eh! Obvious naman na ang sagot. Nilakasan ko nalang talaga ang loob ko. Kaya mo ito Julie!
“I get it,” bababa na sana ako ng kama nang bigla niya akong hilahin pabalik. I smiled at him at dahil doon medyo na shock siya. “Hindi ako magwa-walk out uy!”
“Saan ka pupunta?”
“Wala ka bang balak lumabas?”
“I might just stay here.”
“O sige na nga, sasamahan na kita. But in one condition.”
“Ano?”
“Pwede bang maging Rome ka ulit? Hindi iyung si Dr. Rome Montague na kakabalik lang sa Pilipinas. Kasi medyo nakakainis iyung side mo na iyun eh.” He just smiled. “Kahit ngayong araw lang.”
“Hindi ka kaya mainis sa makulit na Rome?”
“Inis nga ako sa masungit na Rome. Karey na iyang si old version.”
“Fine, where do we start?”
“Hmm… pwede ba iyung time bago ka umalis. Nakakapagod na kasing makipag-away sayo. Nakakagasgas na ng image kay Lord. Eh?” Nagulat ako nang lumipat siya ng pwesto sa likod ko at niyakap ako mula sa likod. “Rome?”
“Kung hindi ako umalis… I might be wrapping my arms around you always.” He rested his head on my shoulder. “Laging nakayakap at nakadikit sayo.” Napangiti naman ako.
“Magle-level up pala ang panantsing mo sa akin, ganun?”
He chuckled, “I’ve always been a gentleman… maaga lang akong lumandi peru harmless pa naman ako. What about you? Kung hindi ako umalis anong gagawin mo?”
“Siguro hahayaan lang kita sa mga pasimpleng tsansing mo,” I laughed. “Feel na feel ko din naman eh.”
“17 year old Rome misses you a lot.”
“16 year old Julieta thinks na dapat niyang batukan si 17 year old Rome – poing!” Binatukan ko siya sa ulo kahit na hindi ako nakaharap sa kanya. Natawa lang kami pareho. For a moment, despite the situation we’re in… I felt happy.
Kumulas ako sa pagkakayakap sa kanya at humarap sa kanya.
“Hindi ba sabi mo wala kang sport?”
“Oo, bakit?”
“Tuturuan kita ng isang sport na magpapahubog pa diyan sa muscles mo.”
He raised an eyebrow. “Ano naman?”
“Jackstone,” natatawang hinila ko na siya pababa ng kama para sumalampak ng upo sa carpeted floor. Inilabas ko sa bulsa ang jackstone na ‘di ko pa nabubuksan. “Alam mo healthy to sa heart.”
“Saan mo na naman iyan napulot?”
“Binili ko, ano ka ba.” Binuksan ko na ang plastic, hold the ball on my left hand, and set the 10 stones na hindi naman mukhang bato peru stars before lifting my head. “Ito na nga oh, binibigyan na kita ng sport na tiyak akong gagaling ka.” Ngumiti ako ng super lapad. “Game?”
“Dadayain mo lang ako niyan,” diskumpyado talaga siya sa akin eh.
“Paano naman kita dadayain? Aish, sige na ako na ang mauuna.”
“Sport ba talaga iyan?”
“Gusto mong mag-tumbang priso tayo?”
“Fine!”
“Eh kasal-kasalan, gusto mo?”
“Maglaro ka na nga! Kupad mo.”
****
“Kailangan ba talagang naka-costume pa tayo?” Kating-kati na ako sa damit ko ah. Pagsuotin ba naman ako ng damit ni Juliet? “Nalabhan na ba ito?” Reklamo ko. “Hindi ako nagsusuot ng damit na hindi binudburan ng downy.”
“Anong tingin mo sa damit mo isda? Bubudburan ng Magic Ginisa?”
“Hmp!”Ang activity ngayong gabi ay Serenade of Remenisce. Kaya nandito kami sa bar ng hotel. “Kasalanan maging creative sa pagsasalita?”
Kasalukuyang may kumakanta sa stage habang panay lang ang kain at inum namin nila Kim at Maria. Hindi naman alcoholic ang ini-order namin at wala kaming balak maglasing. Nakakapangit iyun.
“Bagay naman sayo ah,” komento ni Kim.
Ngiting aso lang ang ibinalik ko sa kanya. Right, kasi sa kanya nakasuot lang naman siya ng damit ni Alice in Wonderland tapos si Maria ginawang Malificent ang sarili. Talagang wala siyang balak lubayan ang kadiliman.
Panay naman ang tingin sa kanya ni Paris sa kabilang table na nakasuot ng parang outfit yata ni Edward Cullen doon sa Twilight na movie. Inferness naman sa contact lenses niyang red at nagmukha talaga siyang gwapong bampira na pinag-iinitan si Malificent.
“Alam mo minsan,” bumaling ako kay Kim at napatingin sa kung saan nakatutok ang atensyon niya. “Iniisip ko na praning itong mga lalaking member ng SSC. Anong tingin nila sa sarili nila? Member ng tagapagtanggol ni Miaka Yuki? Inferness naman sa costume nila at kinarer ang cosplay.” Kim’s mouth twitched.
“Inggit ka lang kasi ‘di mo nakuha ang costume ni Miaka,” na kay Sasha kasi.
“Maiba ako,” ibinaling na ni Kim ang atensyon niya sa akin. “Ilang araw na tayo dito peru ‘di ko parin alam kung saan ka nagste-stay. Saan nga ba?”
“Eh…” napangiwi ako. “Ano kasi… ah…”
“Huwag na alam ko na,” she waved her hand to dismissed me. “Kilala na kita.”
“Hindi mo ako sasabunutan?”
“Sasabunutan kita kapag pumunta ka sa akin at iiyak ka lang.”
Natawa ako, “Baliw! Hindi mo man lang pagagaanin ang loob ko?”
“Hindi ko iyun gagawin dahil pinili mo iyun.”
“Sabagay,” I shrugged.
“Wow! Thank you naman sa makapagdamdamin mong kanta Diji. Wala bang palakpakan diyan?” We clapped our hands. “Nice! Dapat supportive kayo. Now, ang susunod na manghaharana sa atin ay ang SC boys!”
Nagpalakpakan ulit ang mga tao nang umakyat sa stage sila Kai, Rome, Ethan, Kauro, and Hikaru. Ang pangit lang tignan… kasi mukha silang F4 ng tagapagtanggol ng Suzaku. Maliban kay Rome na naka Romeo costume.
Rome positioned himself in the center at naupo sa stool chair. He propped one foot on a bar in the middle of the legs. Saka naman siya binigyan ng microphone. Kai sat infront of a keyboard. Ethan took the guitar. Tapos iyung kambal mukhang magba-back up nalang yata.
Hay naku! Pinipilit pa kasing makisali.
“Bakit ba ang feeler ng kambal na iyun?” Narinig kong bulong sa akin ni Kim.
I chuckled. “Hayaan muna… kaharian naman nila ito.”
“Nagagalit ka lang dahil feeler ka din noon.” Napatingin kaming pareho ni Kim kay Maria. “Ang tawag doon ay… lukso ng dugo.” Natawa ako tapos si Kim parang gusto ng putulin ang mga sungay ni Malificent.
“Aish,”
Rome cleared his throat first. “Good evening guys. Wala sana akong balak makisali sa mga ganito peru dahil pinilit ako ng dalawang kutong iyan.” He pointed the twins, while they just pose at pinag-connect ang tig-iisang braso para maka-formed ng heart shape. Alam mo iyung usong gawin ng mga couple sa Korean Drama.
“So,” tumingin naman si Rome sa akin. “Hope you like it.”
Ethan started strumming and plucking the guitar… followed by Kai on the keyboard keys. Tapos biglang naalala ko… pamilyar sa akin ang kantang iyun.
Ilang beses ng nag-away… Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan…
Pati maliliit na bagay… na napag-uusapan,
Bigla na lang pinag-aawayan.
Alam ko iyun! Ito iyung kantang, kinanta niya noon. Seranade of Reminisce… kung noon siguro iisipin kong favorite song iyun ng mama niya peru ngayon hindi na. Alam ko na ngayon kung para kanino talaga ang kantang iyun.
For us…
Nagsimula sa mga asaran… Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman… Ba't ba kase pinagpipilitan
Ang hindi maintindihan… ‘Di naman kinakailangan
Ngunit kahit na ganito…
Madalas na ‘di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko….
“Bakit feeling ko theme song ninyo iyun?” Narinig ko pang bulong ulit sa akin ni Kim. “Inferness, akmang-akma.” I chuckled.
“Bakit ‘di ko nahanap ang kantang iyun noon?” Kumunot ang noo ni Maria. “Kaya pala feeling ko may kulang sa biography niya.”
“Isa pang hindi naka-move on,” mahinang tumawa si Kim.
“Baliw,”
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin…walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Napabuntong hininga ako at napangiti narin. Wala akong ibang maisip… gusto ko lang e-enjoy ang sarili habang kasama ko parin siya.
Wag ka ng mawawala
Hmm, walang iba…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro