Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52

“Julieta?” Ganoon nalang talaga ang panlalaki ng mga mata ni Rome nang makita ako. Nakaka-hurt naman ang lalaking ito. “Anong ginagawa mo dito?”

“Ito naman para namang wala tayong pinagsamahan.” Akmang papasok ako kaso madali niya namang naharang ang katawan. “’Di pwedeng pumasok?”

“What do you want?”

“I need a room. Hindi kasi kami kasya sa kwarto nila Kim at Maria. Saka walang vacant room para sa akin.” I made a face. “Wala kasi ang pangalan ko sa listahan ng mga dadalo sa reunion. Ewan ko kung bakit.”

“Wala ang pangalan mo?”

I nodded. “Kaya naisip ko na kung pwede share na lang tayo.” Sumilip ako sa likod. “Mukha namang malaki-laki ang kwarto mo. Kahit na sa sofa nalang ako. Ikaw lang kasi ang close ko maliban kina Kim at Maria. Maliban nalang kong tatanggapin ako nila Ethan at Kai.”

“Are you crazy?! Bakit ka makiki-share sa dalawang iyun? Try Janna, Sasha, or Stella.”

“Eh paano ko naman gagawin iyun e ‘di pa yata sila dumadating?!”

“We can’t share a room.”

“Bakit? E natutulog naman tayo sa iisang kwarto noon. Diba nga sabi sa golden rule ng Sushi Twins na Forget the Present.

“Still, ‘di parin ako papayag na dito ka sa kwarto ko. Bumalik ka nalang sa kwarto nila Kim at Maria.” Iyun lang ang pinagsarhan na ako ng pinto.

“Aish! Wala ka talagang puso Rome.”

“Julie?”

Lumingon ako. “Paris?!” Humay! Si Paris. “Ikaw nga ba iyan?” Bakit lalong gumwapo ang isang ito. Paki-explain minsan Lord.

“You look beautiful Julie.”

“Thanks, ikaw din nag-level up. You know… from pokemon, to legendary pokemon.”

Natawa lang tuloy siya sa sinabi ko. “Wait, a-anong ginagawa mo sa labas?”

“Ahm, medyo outsider ang drama ko ngayon kaya naghahanap ako ng pwede kong ka-share na room. E ikaw, kakarating mo lang ba?”

“That’s bad… yeah, medyo na late kasi ako sa call time kanina. Na delayed kasi ang flight ko from England.”

“Wow? England? Anong ginawa mo doon?”

“Model ako ng isang clothing line doon.”

“Wow! That’s good.”

Bakit feeling ko mukha akong tanga sa mga reply ko sa kanya?

“But anyway, you said you needed a room.”

“Oo, may alam ka?”

“You can share with me… you take the bed ako nalang sa sofa.”

“Wow! That’s greeee- woah!” Napatili ako nang bigla nalang may humatak sa akin mula sa likod. Nagulat talaga ako nang ipasok ako ni Rome sa kwarto niya. Napakurap-kurap ako sa sobrang shock. Anyaree?

“No thanks!” Pagkasabi nun ni Rome ay pabagsak na isinirado na niya ang pinto.

“A-Anong ginagawa ko sa kwarto mo?”

“You’re staying here.”

“Akala ko ba ‘di ako pwede dito?”

“Sa sofa ka lang,” deadma lang sa sinabi ko?

“Baliw ka! Ang ganda ng offer ni Paris sa akin tapos sa sofa mo lang ako patutulugin?”

He held a sigh, “Fine! Sa kama ka na.” Tinalikuran na niya ako at pumasok na siya sa banyo. Ako naman itong mukhang eng-eng na napapangiti. Bakit kinikilig ako sa eksena na iyun kanina? Eyyy!

Kunwari pa cold eh… si Paris lang pala katapat.

Inferness sobrang laki ng kwarto niya. Parang suite… huwaait kapeng mainit! Na saan ang hustisya? Bakit suite ang kay Rome at isang ordinary room lang kina Kim at Maria?

****

Tinignan ko ang sarili sa salamin. From front view, left view, right view, and back view. Buti nalang at nagkasya pa ang uniform ko sa akin. Matagal-tagal na rin kasi noong huli ko itong isinuot. Nakaka-miss din naman pala. I fixed my necktie and tugged the lower part of my blouse. Okay, mukha na akong tao.

Sinuklay ko naman ang nakalugay kong buhok at inilagay ang pink headband ko. Konting face powder at lipgloss. I pluck my lips sabay cute pose.

“Ang ganda mo parin talaga Julie.” I winked at my reflection.

“Mapagmahal sa sarili.” Nakita ko naman na lumabas ng banyo si Rome mula sa salamin. Wow! Humarap ako sa kanya. Hindi nga ma-erase ang ngiti ko. He raised an eyebrow. “W-What?!”

“Rome na miss kita!” I squaled in super saya.

“Huh?”

Lumapit ako sa kanya. “Ngayon lang ulit kita nakitang naka-uniform ulit.” I gave him a thumbs up. “Bagay na bagay parin talaga sayo ang uniform mo.” Kahit na medyo fit na iyun sa kanya dahil medyo nagka-muscles na siya. Wait, may abs na kaya siya?

“Really?” Ngumiti siya.

I nodded, “Uh-ha!”

“Okay tama na iyan Julieta,” nag-shift na naman ang ugali niya into the super cold Rome. Pinihit niya ako patalikod sa kanya at itinulak na palabas ng kwarto. “Bumaba na tayo.”

“Sabay tayo?”

“Sino ba may sabing naghihiwalay tayo noong high school?”

“Lagi ba tayong magkadikit?”

“Ako ang dumidikit sayo kaya huwag ka ng puro tanong.” Pagkasara niya sa pinto ay humarap ako sa kanya.

“Aysus!” I grinned. “Ang sabihin mo inlove na inlove ka sa akin noon – ouch!” Nasapo ko ang noo nang pitikin niya iyun. Sama! “Bakit mo iyun ginawa?”

“Ayokong magbayad ng sampung billion kaya bumalik ka na sa dating manhid na Julieta.” Tinalikuran na niya ako at nauna na siya papunta sa elevator. “Julieta dalian mo na diyan!”

“Oo na!” Sumunod na ako sa kanya. “Kahit kailan napaka-demanding mong tao eh.”

“Alam mo –“

Bumukas ang elevator at may pumasok na dalawang babae at isang lalaki. Iyung dalawang babae classmate namin, tapos iyung lalaki taga section one. I smiled at them pati na rin si Rome. Hay naku! Plastik mo Rome.

“Hi,” bati ko sa kanila.

“Rome, musta?” Tanong ng lalaki. “Payaman ng payaman ah.” He chuckled.

“Matagal na akong mayaman.” Rome chuckled.

“Ayee! Magkasama pala sila Romeo at Juliet eh.” Caryl beamed at Nissa. Sa pagkakaalala ko naman ay iyun ang pangalan nila. “Ang sweet.”

“Kailan ba naman humiwalay sa akin si Julieta?” Inakbayan niya ako bigla at hinila palapit sa kanya. “Para kaya kaming magnetic pole sa isa’t isa… may attraction.” He grinned.

Feel na feel ko naman iyung eksena. Kinilig lang eh. Naks! Mayamaya ay bumulong si Rome sa akin. “Itulak mo ako at pagalitan.”

“Bakit?” Pabulong ko rin na tanong?

“Kailan pa kinilig si Julieta sa akin?”

Oo nga noh?

“Woah – hooy!” Itinulak ko si Rome. Kaso mukhang scripted nga lang kasi ‘di ako nag-excert ng effort. Okay, bawi sa next scene. Ahem. “Pwede ba Rome huwag na huwag mo akong mahawak-hawakan kong ayaw mong putulin ko iyang braso mo!” Taray lang.

“Kunwari ka pa feel na feel mo naman,” he chuckled.

“Pwede ba Rome…” feel na feel ko iyung moment kaso wala akong pambayad ng sampung billion kaya chill ka lang diyan. “Hindi kita type.” Chus!

Pauna palang ang eksena na iyun sa elevator.

Pagdating namin sa venue ng dinner party na mukhang acquaintance party ay halos nandoon na lahat ng mga kasama namin noong high school with their uniforms. Ang cute lang! Iniwan ko na si Rome at hinanap sila Kim at Maria.

Nakita ko sila sa harap ng buffet table. Hindi pa nga ako nakakalapit sa kanila ay hindi ko na mapagilang matawa. Bumalik na kasi ang patay gutom na si Kim, holding a big plate with gabundok na pagkain. Si Maria naman ay balik sa usual walang buhay niyang aura – poker face.

“Kim maligayang pagbabalik.”

“Ano ka ba naman Julie ang tagal mo naman. Saan ka ba galing?”

“May nafi-feel akong secret mula sayo Julie.” Parang lowbat lang na tao itong si Maria kung makapagsalita. “Gusto mo e-share ko kay Kim? Kim…”

“Eyy! Si Rome!” Tili ni Kim. “Ang gwapo niya talaga.” Tapos biglang bulong sa amin na ‘di masyadong halata. “I swear kinahihiya ko ang sarili ko noon.” Balik ulit sa dating Kim. “Si Rome na yata ang pinakagwapong lalaking sa buong planet Earth.”

“Like duh?!” Syempre dapat kumukontra ako. “Iyung pangit na iyun gwapo? Pahingeng mapa.”

“Bakit?”

“Hahanapin ko.”

Wala eh. Kailangan talagang umakto sa dati. If I know, maraming camera at spy ang kambal na iyun. Tuso din kasi ang dalawang iyun eh. Peru inferness nage-enjoy ang lola.

Napansin ko naman agad si Paris kaya kinawayan ko siya. He waved back at papunta na siya sa amin.

“CR lang ako,” bigla namang umalis si Maria.

“Saan pupunta si Maria?” Tanong agad ni Paris nang makalapit siya sa amin. He was looking at Maria. I shrugged. “Sundan ko lang, sige maiwan ko muna kayo.”

“I wonder kung anong kwentong biscuit ang meroon doon sa dalawang iyun?” Tanong sa akin ni Kim. “Inferness masarap ang pagkain nila… teka, matanong ko lang. Nakahanap ka na ba ng kwarto?”

“Oo,” I nodded. “Sige, kain muna me.”

Alis muna ako at baka mabuko pa ako ni Kim. Lumapit nalang ako doon sa refreshments at nauhaw ako ng bongga.

“Julie,”

“Ta!”

Ngumiti ako sa dalawang kambal. “Hi Sushi twins… musta buhay?” Bigla ba naman akong yakapin ng dalawa kaya nagulat ako. “Eh?”

“Shibaraku desu,” they said in unison. “Julie – chan.”

“Paki-translate po.”

Natatawang pinakawalan na nila ako. Aish, kahit kailan napakalandi ng dalawang ito. Lagi nalang may kasamang tsansing.

“It’s been awhile,”

“Sino ka?”

“I’m Hikaru,” siya iyung may right ang bangs.

“I’m Kauro,” siya naman iyung may left bangs.

I smiled at them, “Musta? Payaman ah. Naks!”

“Ano, Julie pwede na ba kitang e-date?” Hikaru reached for my hand.

“Huwag mong pansinin ang pangit na iyan Julie.” Hinawakan naman ni Kauro ang isa kong kamay. “Mas mayaman parin ako sa kanya.”

“Kauro! Hikaru!” Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Si Rome lang pala. “Ano na naman iyan ha?” Binitiwan ng dalawa ang mga kamay ko.

“Mahal na Haring Rome,” the twins bowed down at Rome. “Gobernador Kai,” salute naman ang kay Kai.

“I demand that the two of you behave,” Kai demanded.

“Yes sir!”

“Hi Julie,” ngumiti sa akin si Ethan. “Kumusta ka na? Hindi naman siguro kita napuruhan nang muntik na kitang masagasaan diba?”

I smiled back, “Hindi naman. Shock lang.”

“Sinagasaan mo si Julie?” Sigaw ng kambal. “Bakit ka nandito Ethan Yu?!”

“Ano bang problema ninyo sa akin?!”

“Dapat sayo nasa kulungan!”

“Kauro tawagan mo ang police!”

“Pahingeng number Hikaru.”

“Aish, tama na nga iyan.” Awat ni Rome. “Okay, naman na si Julieta… at akala ko ba walang present sa reunion na ito?”

“May sinabi ba tayo?” Nagkatinginan ang kambal. “Wala naman, diba?”

“Aysus! Ayaw ninyo lang magbayad ng sampung billion eh.” Ethan gave them a mocking smile. “May pa golden rule pa kayong nalalaman. Ano ba kayo… lolo ninyo ba si Mahatma Candy?”

“Anong Mahatma Candy?!”

“Baka tinutukoy mo ay si Mahatma Gandhi? Tanga.”

“Hey! Same lang kaya iyun.”

“Palusot ka pa eh.”

Baliw talaga itong apat na ito. Kahit naman ‘di umakto itong si Ethan sa dating Ethan ay wala naman ding pinagbago. Hay naku! Nakakawala ng stress sa kili-kili.

“Good Evening Batchmateeees!” Nabaling ang antensyon namin sa sumigaw. Si Sasha iyun, kasama sa stage sila Janna at Stella. Naks, gumanda pa lalo ang tatlo. “Ready na ba kayo sa mga highlights natin ngayong gabi?!”

“Yes!” Sigaw ng lahat.

They all gathered at the center.

“Bago iyan ay magpapabati daw muna ang kambal.” Si Stella naman ang nag-salita. “Hay naku! Gusto lang maging man of the night.” Bumaling silang tatlo sa direction namin. “Batchmates say hello to the… to the…” nagdadalawang isip pa si Stella kung itutuloy niya ang pagbabasa peru itinuloy niya nalang din. “ Say hello to the ugliest twins in the Universe?!”

The crowd all laughed. Takte! Kaya pala eh… Tawang-tawa naman si Rome at Ethan… kahit na nga ang pinaka-aloof na si Kai ay natawa rin.

“Hoy Stella anong pangit kami?!” Sigaw ng kambal.

“Baliw! Sino ba naghanda ng mga instruction guide card na ito?”

“E-Ethan Yuuuuuuu!” Tawang-tawa naman talaga si Ethan.

“Well, anyway, let’s proceed to our first activity.”

“Games! Who wants game?!”

Mukhang nabuhay lahat yata ang mga hasang ng mga tao kaya sobrang supportive at game silang lahat. Sabagay… ayun nga sa rules ng kambal – bawal ang kill joy… kung ayaw mong mamulubi pagkatapos ng reunion na ito.

“At ang unang game ay bring me!”

“Boom panis!”

Nagtawanan ulit ang lahat. Hay naku! Talagang kinarer ang pagbabalik ng nakaraan. Pagtingin ko kay Ethan ay ngising-ngisi lang. Enjoying every second of it. Baliw talaga.

“Okay, bring me your high school crush!”

Naramdaman ko naman si Rome sa likod ko. Mukhang itinulak ng kambal. Peru ‘di niya naman ako hinatak papunta sa stage. He just smiled and tugged his polo saka tumayo ng maayos sa likod ko.

“Bakit ‘di mo ako hatakin papunta sa stage?” I whispered at him.

“Bakit crush ba kita noong high school?” Ouch.

“Hindi ba?”

“Kung sasabihin nilang bring me your love… then I might.”

Syet! Ano daw sabi niya? Takte naman! Bakit ba ang hilig-hilig niya sa mga paiinisin ka muna lines bago ka pakikiligin?

Magsasalita pa sana ako nang mabaling ang atensyon ko sa stage. Natawa tuloy ako ng bongga. Hatak-hatak ni Paris si Maria na nagpupumiglas sa hawak ni Paris. Ang sweet lang naman. Bakit ba kasi ayaw ni Maria kay Paris?

“Kailan pa nagka-crush si Paris kay Maria?” Bulong sa akin ni Rome.

“Simula yata nang ma busted sa akin.” I chuckled. “Weird talaga.”

“Ma busted sayo?” I glanced at him. He’s face was sort of trying to remember something. Alam mo iyung mukha na parang inaalala mo lahat ng mga eksena sa buhay mo? Kaso wala kang maalala? “Kailan?”

“Bago ka biglang magbago at mag-inarte. Iyun biglang bait na Rome Montague. Iyun yung time na biglang nawala ang spark sa aming dalawa ni Paris kaya ‘di ko na pinush pa.”

“Bakit nawala?”

“Ewan ko… siguro dahil nagugustuhan na kita noon.”

After that conversation ay hindi na siya nagsalita pa ulit. I focused my attention nalang sa game na wala naman akong planong makisali. Hindi parin sila tapos sa bring me… hindi ko na nga maalala kung pang-ilan na iyun.

“Okay, last na talaga ito!”

“Dapat lang!” Sigaw ng lahat.

Hindi lang pala ako ang nagsisimulang ma-bore sa larong iyun.

“For the last bring me… kung sino man ang makakabigay nun agad ay hindi magbabayad ng sampung billiong pesos.”

“Huh?” Na shock nga halos lahat sa sinabi ni Sasha. Saan naman kami kukuha ng sampung billion kung ‘di namin maibigay ang hinahanap nila. Kaloka!

“Chill muna guys… huwag kayong mag-alala.”

“Tama, dahil maari kayong e salba ng ating Romeo at Juliet.” Nakatingin sa amin sila Sasha, Janna, at Stella. Pati narin ang lahat. “Right, Rome and Julie?”

“A-Ako?” Turo ko sa sarili. “Kami?” Then sa aming dalawa ni Rome.

The three of them nodded.

“Okay, kung magagawa nilang ibigay sa atin ang hinihingi namin ay ‘di na kayo magbabayad ng sampung billion… but if they can’t? Tsugi tayong lahat.” Napalunok naman ako bigla. “Here it goes! For the last bring me… bring us your old high school picture together!”

“Eeei!” I shrieked.

They all looked at me.

Takte! Hindi ko dala ang cellphone ko. Kapag minamalas ka nga naman. I winced. Hindi kaya ako patayin ng mga tao dito? Iyung picture namin ni Rome nasa cellphone ko lang talaga. Kaso iniwan ko naman sa kwarto dahil wala namang silbi iyun sa akin.

Nagkakagulo na ang lahat. Si Rome naman blank face. Ano namang aasahan ko sa kanya? Sa big transformation niya halos lahat yata na tungkol sa akin ay itinapon na niya.

“Wala?”

“Julie?” I shook my head. Sorry… shunga kasi eh. Malay ko ba naman? “What about Rome?”

Natuon lahat ng atensyon sa kanya. Pati ako napatingin sa kanya. Hindi ko nga lang talaga mabasa ang expression ng mukha niya. Para bang lutang iyung utak. Hoy Rome?! Ano na?

“Oops, I think talo tay –“

“Wait!” Sigaw ni Rome.

“Yes Rome?”

Inilabas ni Rome ang wallet niya mula sa bulsa at ibinato iyun sa harap. Kahit na medyo malayo kami ay nasalo naman iyun ni Stella. Ang tanong? Anong meron sa wallet niya? When I looked at him. He was kind of frowning… na medyo frustrated… na nakakunot ang noo. Ano ba talaga?

“Wow!” Tumili bigla sila Stella, Janna, at Sasha. Napabalik-balik ang tingin sa amin at sa wallet. Ano bang meron sa wallet ni Rome? “Really? Bakit ‘di namin ito alam?” Hindi lang mapuknat ang ngiti ng tatlo.

Ano bang meron sa wallet ni Rome? Sabihin ninyo nga sa akin bago ako maloka! Sumisigaw na rin ang lahat na ipakita daw iyun. Peru sa halip na iharap ang loob ng wallet ay kinuha ni Stella ang picture sa loob ng wallet at ibinigay iyun sa isang lalaki na may nakasulat na technical staff ang damit.

Mayamaya niyan ay umilaw ang projector at lumabas ang larawan namin ni Rome. Napaatras ako sa gulat. B-Bakit may picture namin sa wallet niya? It’s the same picture I have in frame sa bahay at ginawa kong wallpaper sa cellphone ko.

Iyung selfie picture namin ni Rome na nakangiti ako habang nakaakbay siya sa akin at nakahalik siya sa pisngi ko. Naghiyawan naman ang lahat. Grabeh… ‘di ako makapaniwala. Itinago niya din pala.

When I looked at him, he was looking the other way. Hindi ko mapagiling mapangiti. Kung ganoon… hindi pa pala niya talaga ako nalilimot ng tuluyan.

“Congratulation guys! Hindi na tayo magbabayad ng sampung billion.”

“Let’s party!”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro