Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

"KASAL?" Nagkatinginan kami ni Rome sa isa't isa. "Hindi pwede iyun!"

"Hindi naman pala pwede eh," pinalo ni Mama si Papa sa braso. "Bakit ipinipilit mo?" Hinawakan naman ni Papa si Mama sa balikat.

"Honey chill ka lang, okay? Let me handle this." Umayos muna ng upo si Papa. "Okay, Ralph ikaw na ang mag-salita." Tumabingi lang tuloy ang ulo ko nang ipasa ni Papa ang page-explain kay Tito Ralph. Ang Papa ni Rome.

He took a deep breath first. "Okay, this may sound absurd and cliché but the two of you will get married as soon as you reach the right age. Please don't think na nagbabasa kami ng pocketbook dahil papasa na talaga kaming bida sa mga nobela." Bumaling si Tito Ralph kay Papa. "Anong chapter ka na ba Anthony sa Kung Bukas Mamahalin Mo Na Ba Ako?"

"Doon na ako sa part na iniwan na ni Isidora si Jacinto sa dalampasigan."

Hindi ko naman talaga alam na nagbabasa ang dalawang ito ng pocketbook. Peru hindi talaga ako susuko. Hindi ako papayag na mikasal kay Rome.

"Ma, Tita, wala po talagang nangyari sa amin ni Rome."

"Wala po talagang nangyari sa amin ni Julieta." Segunda naman ni Rome. "It was just an accident."

Sila Mama at Tita Cathy nalang ang kinakausap namin dahil nga busy na sila Papa at Tito Ralph sa pagbabasa ng kanya-kanyang pocketbook. Bakit ngayon ko lang na pansin na medyo ang weird pareho ang pamilya namin.

"Julie ano ba talagang ang totoong nangyari?" Tanong sa akin ni Mama. "Sabi kasi ni Tobby ay nahuli niya kayong hinahalikan ka ni Rome sa leeg habang nasa ibabaw mo siya?"

"Hinalikan ko siya?" Natawa naman si Rome sa sinabi ni Mama. "Wow, that so gross." Kulang nalang ay sabunutan ko si Rome sa sinabi niya sa akin. Hindi ko na rin pinansin si Rome.

"E, hindi naman ho iyun totoo. Na-slide lang po talaga si Rome doon sa balat ng saging na nakakalat sa sahig kaya po nadaganan niya ako. Medyo malaswa kasi bago akong ligo noon at ito namang si Rome hindi naka damit pang-itaas."

"So totoong pinasok mo siya Rome?" Tanong naman ni Tita Cathy kay Rome. "Well, I admit pumasok nga ako sa kwarto ni Julieta but -"

"Mystery solved," naghawak kamay sila Mama at Tita. "May nangyari nga sa kanila."

"Mom!" Sigaw naman ni Rome sa Mama niya. "This is crazy hindi po ba kayo makikinig sa akin?"

Ibinaba naman nila Papa at Tito Ralph ang kanya-kanyang libro at sabay na nagsabing hindi. This time si Papa naman ang nagsalita. "Sa ayaw at sa gusto ninyo ay ipapakasal parin namin kayo."

"Paano kung ayaw namin?"

"Wala ipapakasal pa rin namin kayo."

"Bakit?"

"Wala lang, trip."

Gusto ko na talagang maiyak. "Bakit ang sama-sama ninyo sa amin?" Naiiyak na tumingin ako kay Rome sa tabi ko. Blank face lang siya hindi ko tuloy malaman kong ano ang iniisip niya. "Hoy Rome," kinalabit ko siya. "Sabihin mo naman sa kanila na ayoko."

"Let's have a deal," bigla-bigla ay nagsalita si Rome. "Mom, Dad, Tito Anthony, Tita Angel, pwede bang humiling."

"Ano iyun?"

"Give us a year, kapag hindi kami nagkasundo ni Julie ay papayag kami na maikasal kami at the right age, but if we get along, yung totoo talaga na nagkakasundo kami ay babawiin ninyo ang sinabi ninyong ipapakasal kami."

"Paano namin malalaman na hindi lang kayo nagpapalabas na magkasundo kayo?"

"Halos ng nababasa namin ay ganoon ang ginawa. Gaya nalang ng kwento nila Jacinta at Romano sa Sekretong Pagmamahalan Sa Ilalim Ng Puno Ng Belete."

Ha? Sino bang author ang mga idol nila at kung makapag-title naman ng kwento wagas na wagas at masyadong naiiba. Wala akong masabi.

"You have my word," hinawakan naman ni Rome ang kamay ko. "I'm not going to ask Julie to treat me well. Hahayaan ko lang siya hanggang sa magustuhan niya rin ako."

"Well," napatango silang apat. "Sige pagbibigyan ka namin sa hiling mo Rome."

Hindi talaga ako makapaniwala. Pumayag sila! For the first time doon ako hindi naasar kay Rome. Kailangan ko lang matutunang magustuhan si Rome for real at babawiin na nila Mama ang kasal namin.

****

Buwesit talaga ang isang iyun! May kasunduan na kaming huwag na muna siyang maglalapit sa ibang babae habang nasa gitna pa kami sa situation namin ngayon. Siya pa mismo ang nag-set ng rules na iyun peru siya naman ang lumalabag. Paano kami magkakasundo nito? Asar! Napadiin tuloy ang pagtusok ko sa pagkain ko.

"May lihim ka bang galit diyan sa pagkain mo?"

"On diet ka ba ngayon Julie?"

"Asar! Bakit ba kasi hindi niya magawang gumawa ng bagay na hindi pinapaiinit ang ulo ko? Kapag lumapit siya sa akin itutusok ko talaga itong tinidor sa mga mata niya."

"I smell something sushi."

"Uy Maria bakit something sushi? Hindi ba fishy iyun?"

"Ano ba ang sushi? Hindi ba isda?"

"Wow! Ang galing mo talaga pahiram ng utak mo."

"Patay talaga sa akin yang Rome na iyan mamaya - ouch!" Napangiwi tuloy ako nang bigla bang hilahin ng dalawa ang buhok ko. "Ano bang problema ninyong dalawa?"

"Anong problema namin?" Tumango ako kay Maria. "Ikaw ano problema mo?" Kumunot lang tuloy ang noo ko sa balik tanong ni Maria sa akin.

"Hay naku! Yung totoo Julie may gusto ka ba kay Rome Montague?" Inilapit ni Kim ang mukha niya sa akin. "Sagutin mo ako kung ayaw mong maubos ang spaghetti mo."

"Sinong nagseselos?" Natutop ko naman agad ang bibig ko. Yikes, bakit iyun ang nasabi ko."I mean wala akong sinabi." Sa lahat yung salitang selos pa talaga. Eww, bakit iyun ang na sabi ko?

"Weey, 'di nga?"

"Oo nga, ang kulit mo naman Kim eh."

"Aha!" Itinaas ni Maria ang baso niya. "Nauuhaw ka sa atensyon ni Rome dahil nakikipagharutan siya ngayon sa mga tsikens doon." Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Ano daw? "Of course not!" Tanggi ko agad.

"Sinungaling!" Inagaw ni Kim ang plato ng spaghetti ko. "Huwag mo na kaming linlangin dahil alam na namin ang likaw ng iyung bituka. Alam naming may hidden feelings ka na naman diyang itinatago sa likod ng puso mo kaya ka nagagalit kay Rome."

"Oo nga, 'di ka naman nagagalit kay Rome kapag wala naman siyang ginawang pang-aasar sayo. Nagagalit ka lang kapag lumalapit siya sayo at kinakausap ka. Peru ngayon nagagalit ka dahil may kausap siyang mga tsikens."

"E kasi naman ang lalaking iyun!" Wala naman sigurong masama kong sasabihin ko kina Maria at Kim ang status namin ni Rome ngayon. I sighed, "Fine sasabihin ko na."

"Anong sasabihin mo?" Pinandilitan ko ng mata si Kim. "Kanina ka pa ba dito o kakarating mo lang? Syempre sasabihin ko yung gusto ninyong malaman."

"Ah, oo," she snapped her fingers bago hinawakan ang ulo ni Maria. "Maria pahiram muna ng utak mo may hindi ako naalala."

"Baliw!" Tinampal lang ni Maria ang kamay ni Kim. "Makinig ka muna."

At nung nanahimik na silang dalawa ay ikinuwento ko na sa kanila ang nangyari sa amin ni Rome kagabi. Pati na rin iyung naging kasunduan namin. Pagkatapos kong mag-kwento ay napangaga ang dalawa at napakurap.

"Iyun na nga,"

"Julie hindi ko alam na burara ka pala?" May kinuha si Maria na isang card sa bag niya at inabot iyun sa akin. Pagkatingin ko ay coupon iyun ng isang store ng mga walistingting. "Discounted na iyan. Para naman hindi ka na magkalat sa kwarto mo."

"Wow!" Binilisan ni Kim na ubosin ang spaghetti sa plato niya. "Grabeh! Wala akong ma-say my friend." Inising lagok ang juice ni Maria pagkatapos ay tumili ng bongga. Napatingin tuloy ang mga tao sa canteen sa amin. Nagtakip na lang kami ng tainga ni Maria. "Eeyy! Bakit ang swerte mo Julie? Isipin mo nalang kapag hindi ka nakipagbati kay Rome ay maikakasal kayo. Kaya dapat mag-away lang kayo palagi para matuloy ang kasal ninyo."

"At tiyaka Julie may nararamdam akong esperitu sa katauhan ninyong dalawa. Mga espiritu ng mga sinaunang tao."

"Malay mo naman reincarnation ka pala ni Juliet at si Rome naman ay kay Romeo at tiyaka baka kayo na ang makakapagtuloy sa naputol nilang pag-iibigan?" Pinagsalikop ni Kim ang dalawang kamay at feel na feel ang kilig moment na nararamdaman niya. "Diba ang bongga? Kung nabubuhay si Shakespeare ngayon tiyak akong igagawa niya ng book two ang Romeo and Juliet at gagawin iyung Rome and Julie Pinoy Edition!"

"At baka hindi na lason ang gagamitin ninyo kundi ang makabagong baril." Ginawang baril ni Maria ang kamay saka ako ang pabirong tinira. "Bang! Bang! Bang!"

"Ano ka ba Maria huwag ka ngang nega. Anong baril at lason? Pwede ba mag-isip ka naman ng happy ending hindi iyung patayan na naman. Umay na ako sa mga tragic love story ha. Tama ng namatay si Jack sa Titanic. Huwag na nating dagdagan pa."

"Manahimik na nga kayong dalawa diyan at kung saan-saan pa iyan napupunta iyang mga utak ninyo." Iniwat ko na sila. "Grabeh kayo mag-isip. At tiyaka hindi ko type iyang hambug na iyan noh. Kaya nga ako makikipagkasundo sa kanya for real."

"Hindi ka ba na tutukso sa kagwapohan ni Rome?"

"Hi Kim and Maria," bigla namang lumapit si Rome sa amin. "I heard my name may tumawag ba sa akin?" Feeling mo lang iyun.

"Baka puso lang iyun ni Julie," pinandilatan ko ng mata si Kim. "Isinisigaw ang pagmamahal niya sayo."

"Wow!" Nakangiting bumaling naman sa akin si Rome. "Bakit kinikilig ako?"

"Naiihi ka lang," bara ko sa kanya. "Huwag kang mag-assume."

"Hello Rome may balak ka bang magpakamatay gamit ng baril o lason?"

"Huh?"

"Huwag kang mag-alala Rome nagbibiro lang itong si Maria. Alam mo na? Na sobrahan sa good neurons kaya may abnormality."

"O-Okay,"

"Mag-uusap ba kayo ni Julie?"

"OO sana,"

"Sige maiwan ka na muna namin ni Maria." Hinila na ni Kim patayo si Maria. "Halika na." Nagtataka namang nagpahila lang si Maria sa kanya. "Saan tayo pupunta?"

"Sa planeta mo may nabalitaan akong may libreng lugaw ngayon."

"Bakit 'di ko alam iyun?"

"Hindi ka na informed kaya halika na!"

Inakupa naman ni Rome yung iniwang silya ni Kim na katabi ko lang. He's smiling at me as if may nakakaaliw sa mukha ko. Anyare sa isang ito?

"Ano bang kailangan mo?"

"Susunduin daw tayo ni Dad at Papa mamaya?"

"Teka kailan pa naging dalawa ang papa mo?"

"Kasi fiancé kita at kahit na wala pa namang sure kong maikakasal tayo ay kailangan ko paring umakto as one. How lucky you are Julieta."

"Hindi ko talaga alam kung bakit maraming nagkakagusto sayo at iniisip na sobrang bait mo."

"Kasi layo ka ng layo sa akin. Paano mo ako makikilala kung hindi mo naman ako binibigyan ng pagkakataong makilala mo ako."

"Naiinis kasi talaga ako sayo. Kahit anong gawin mo umiinit ang ulo ko."

"Well, it's not my problem anymore. Kapag hindi mo magawang magustuhan ako sa loob ng isang taon wala ka ng ibang choice kundi pakasalan ako."

"Bakit feeling ko you're not against to it?" Tumaas yung isang kilay ko sa kanya.

"Feeling mo lang iyun." Ginulo niya ang buhok ko. "You're cute Julieta."

"Thanks, but I don't care. Sige na umalis ka na sa harap ko."

"Pinapalayas mo na ba ako?"

"Hindi ba obvious? Gusto mo ilagay ko pa sa manila paper?"

"Bakit sa manila paper?"

"Wala akong budget pakialam mo ba?!"

"Seryosong tanong Julieta."

"Ano?"

"May na fe-feel ka bang study of Physics sa ating dalawa?"

"Ano namang klaseng tanong iyan? Anong kinalaman sa Physics sa ating dalawa?"

"Never heard about the Law of Attraction?" Kinuha ko ang textbook ko sa Physics at sinampal ko yun sa mukha niya. "Ouch!" Napangiwi si Rome. "Bakit mo ginawa iyun?"

"Actually hindi pa tayo nakakarating sa topic na iyan." Napansin ko namang ngumiwi si Rome. Ano naman kayang nangyayari sa isang ito? "Lagi ka kasing naga-advance study."

"Alam mo Julieta?"

"What?"

"Aalis na ako at mukhang ako ang mababaliw sayo."

"Bakit naman?"

Peru imbes na sagutin ako lumayas lang siya sa harap ko. Anyare sa isang iyun?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro