Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

 Like My Page And Be Updated : 

https://www.facebook.com/pages/Weirdygurl/444631588933727?ref=hl

“Saan ka ba pupunta at mukha kang donya?”

“Makikipag-usap ka sa isang mayamang mag-asawa kaya dapat magmukha karing mayaman para maging karespe-respeto ang mukha ko. Wait… ano bang issue mo sa damit ko?”

Naka-green tube dress ako na hapit na hapit sa katawan ko. Showing my over so sexy na katawan. Chus! Inayos ko ang buhok in a ban at may isang strand ng kulot sa magkabilang tainga ko. Kinarer ko talaga ang karespe-respetong look at nag-research pa ako sa google para gumanda ng sobra-sobra.

Mukha kasi akong bruha basta wala akong ayos kaya dapat magmukha akong sophisticated and matured married woman. At for final touches ay isang black – glittery purse and black 3 inch heels. Syempre with simple make-up.

Ito namang si Rome pinatungan lang ng white suit coat ang white shirt niyang damit and matched it with a black jeans. Tinaasan ko siya ng kilay? Kapag ba doctor dapat pati formal wear ay puti rin. Ang accessories lang yata niya ang isang kwentas na may pendant na crucifix… tapos ang sapatos naman niya ay black snickers lang.

“Haharap ka sa kanila na naka ganyan lang?”

“Nakahubad ba ako? Anong bang masama sa damit ko?”

“Mukha kang single!”

“Mukha ka din namang single.”

“Dapat magmukha tayong mag-asawa. Magpalit ka!”

“We don’t have much time,” sinipat nito ang relo sa bisig. “Kailangan na nating umalis.” Pinagbuksan na niya ako ng sasakyan. “Pasok na.”

“Aish,” pumasok na ako sa kotse niya.

“Tita Julie!” Biglang may yumakap sa leeg ko mula sa likod. Paglingon ko ay si Rosette. Wait! Anong ginagawa ng kapatid ni Rome dito? “Tita Julie I misssh you!”

“Rose,” napatingin ako kay Rome. “Bakit nandito si Rose?”

Pinaandar na muna niya ang sasakyan. “Iniwan sa akin nila Mom kanina lang. Maga-out of town daw sila kasama ng mga magulang mo. Alangan namang iwan ko.”

“Hindi parin sila naka move on sa kalokohan nila noon?” I smiled at Rosette. “You look pretty Rose!” I pinched her nose. “Just like me.”

“Tita Julie, kuya told me to call you mommy today.”

“Huh? Why?”

“Kasi daw dapat um-act ako na baby ninyo ni kuya… then I’ll call kuya naman daddy.” Lumapad ang ngiti niya. “We will play bahay-bahay daw kasi eh.” Sinulyapan ko si Rome.

“Bahay-bahay?”

“Naisip ko na mas maganda kong may anak tayong dalawa. Para masabi nila na may experience na tayo sa pagpapalaki ng isang anak. Knowing the kind of life they have and the principles intact with them I’m pretty sure that they would likely be skeptical with us.” He glanced at me. “Huwag kang mag-alala na turuan ko na si Rose sa mga sasabihin niya.”

“I’m so excited!” Tili ni Rose. “Gushto ko talaga si Tita Julie para kay kuya,” Nakayakap lang talaga siya sa leeg ko mula sa likod. “I want to stay with you po always Mommy.” Napa-smile naman ako. Ayee! Kinikilig ka naman diyan Julie.

Syempre boto sa akin ang kapatid niya eh.

Magkamukha talaga sila ni Rome. She has blue eyes like him kaya lang black ang buhok ni Rose kagaya ng sa akin, while Rome has lighter brown. Kaya kahit saang anggulo ay mapapagkamalan kaming isang pamilya.

Almost 30 minutes ang inabot ng byahe namin papunta sa hotel kung saan nage-stay pansamantala ang mag-asawa. Inihinto ni Rome ang sasakyan sa entrance ng hotel. Peru hindi pa kami bumaba.

“Remember the plan,” simula niya. “And Julieta, please don’t do anything stupid.”

Rosette giggles.

“Grabeh na! Anong akala mo sa akin bagong takas sa mental? Plano ko ito kaya tseyl ka lang diyan asawa ko.”

“Iyan ang Mommy ko!” Rose cheered.

“Oo na, akin na iyang kamay mo.”

“Bakit?”

Inilabas niya ang isang kahitang may laman na dalawang sing-sing. Ano ba ito? Totohanan na talaga? Bakit mukha namang mamahalin ang sing-sing para sa isang drama for a cost namin?

“Akin na,” siya na mismo ang umabot sa kamay ko at isinuot sa akin ang isang sing-sing sa ring finger ko. Wow! Nagkasya. Paano niya kaya nalaman ang size ng daliri ko? “Para hindi mahalatang hindi talaga tayo totoong mag-asawa.”

He also inserted the other ring on his ring finger.

“You may now kiss the bride!” Sigaw ni Rose.

“Tumahimik ka,” natatawang hinalamos ni Rome ang isang kamay sa mukha ni Rose. She just giggled. Ang kulit lang ng dalawa eh.

“Daddy bakit ‘di mo po hinahalikan si Mommy?”

“Mamaya na,”

Hihintayin ko iyang mamaya mo Rome talaga!

Nauna na siyang bumaba at binigay ang susi ng sasakyan sa isang valet. Pagkatapos ay umikot siya para pagbuksan ako ng pinto. Inilalayan niya akong bumaba pagkatapos ay si Rosette naman.

Ang sweet lang eh! Feel na feel ko din naman ang moment.

Hinawakan ko ang kamay ni Rose habang nakahawak naman si Rome sa bewang ko. Bakit ba hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin? Kakaloka!

“Hindi pa kaya tayo late?” Tanong ko kay Rome.

“Hindi pa… maaga tayo ng five minutes.”

Huminto kami sa isang fine dinning restaurant na nasa lobby lang ng hotel.

“Good morning ma’am and sir,” bati sa amin ng isang crew nang pagbuksan kami ng glass door ng guard. “May reservation po ba kayo?”

“Yes, Mr. and Mrs. Ibarra.”

“Yes, this way…” iginiya kami ng waiter sa isang panglimang table.

“Sino sila Mr. and Mrs. Ibarra?” Mahina kong bulong sa kanya.

“Tayo iyun.”

“Bakit naging Ibarra tayo?”

Kailan pa siya naging apo ni Crisostomo Ibarra?

“Alangan namang sabihin natin ang totoong pangalan natin? That would make a problem. We have to keep our identity hidden.” Humila siya ng silya para sa akin.

“Thanks,”

“Would you like to order now?”

“We’ll have water for now. May hinihintay pa kasi kami.”

“Daddy I want ice cream!”

“Baby,” binalingan ko si Rose. “Later ka na kumain ng ice cream after tayong kumain, okay?”

She pouted her lips. “Mommy I want ice cream.”

“Hmm, what about mango shake nalang muna?”

“Okay!”

Binalingan ko na si Rome. “Bigyan mo nalang ng shake.”

“One mango shake as well.”

“Okay po,”

Nang maalis na ang waiter ay nagsalita na ulit si Rome.

“Huwag ka munang magsalita. Hintayin mong makapag-introduce ako sa kanila. Just act busy with our child.” Naks! Our child?! Smile muna kasi kinikilig ako.

“Anong ngini-ngiti mo diyan?”

“Naiingit ka?”

“Kunwari ka pa feel na feel mo lang ang moment.”

“Bakit masama?”

Sakto namang dumating ang in-order namin na dumating din ang mag-asawa. Napatayo kaming dalawa peru si Rome lang ang bumati. Hinayaan lang namin si Rose sa mango shake niya.

“Good morning Mr. and Mrs. Park.” Rome bowed. Kaugalian ng mga Koreans bilang respect nalang din siguro. “Masaya kami at napanunlakin ninyo ang aming imbestasyon.”

“It’s okay, you can call me Ji Hoon.” Ngumiti si Mr. Park.

“Jessica nalang din,” hinawakan ni Mrs. Park ang kamay ko at ngumiti. “It’s nice meeting you.”

Rome lossen up a bit at mukhang madali lang siyang naging komportable sa mag-asawa. Siguro kasi na sanay na siyang kumausap ng mga malalaking tao – I mean iyung mga mayayaman talaga.

Naupo na kami.

Ang sabi sa akin ni Rome ay 10 years na silang kasal peru sa itsura nila parang kasing edad lang namin sila. Mukha ding mabait ang mag-asawa. Panay kasi ang ngiti ni Mrs. Park sa akin. Medyo seryoso naman ng konti si Mr. Park peru ngumingiti naman.

“You know us already, mind if you introduce yourselves as well? Para naman magkakilala tayo ng lubusan.”

“Right, this is Juliet, my wife, and our daughter Rose.”

“Baby mag-hello ka sa kanila,” I urged Rose.

“Hello po,” ngumiti siya.

“Such a pretty little girl.”

“Thank you po! Mana po kasi ako sa Mommy ko.”

 “So sweet mo naman.” Ngumiti sa akin si Jessica. “How old is she?”

“She’s six,” may ngiting sagot ko sa kanya.

“You’re beautiful din po.” Dagdag pa ni Rose.

“Aww, thank you.” Mukhang aliw na aliw siya kay Rose.

“So Romeo,” ni Mr. Park. “How long have you been married?”

Talagang ipinaglaban niya talaga ang Romeo and Juliet na pangalan ah. Ginawa pang apelyido ang surname ni Crisostomo Ibarra. Iyung totoo Rome… fan ka ba ng mga nobela ni Dr. Jose Rizal?

“Six years,”

“Nagkaanak agad kayo?”

“Well,” napangiti si Rome. Iba siguro iniisip ng isang ito. “Medyo sinipag.” Sabi ko na eh! Natawa tuloy ang mag-asawa.

“I agree,” ni Mr. Park. “Kapag bagong kasal masipag talaga tayo sa mga ganyan.” He chuckled.

Mukhang lagi si Mr. Park sa Pilipinas dahil fluent na siya sa Tagalog. Peru iyung topic talaga nila ‘di ko kinaya.

“Araw-araw ba?”

Rome couldn’t help smiling. Para namang enjoy na enjoy sa topic na wala namang katotohanan. Ay sus!

“Three times a day,” Rome chuckled.

Three times a day? Wow ha! Kung totoong mag-asawa kami ng isang ito tiyak ‘di na ako makakalakad sa sobrang sipag niya. Aish! Pwedeng once lang tapos mga limang rounds – syet na malagkit Julieta sunugin mo iyang kahalayan sa utak. Behave!

“Maaga pala kayo nag-asawa?”

“Yes, after college. In love kasi kaya nagpakasal kami agad. Thankfully, ay hindi pa naman kami nagkaroon ng malaking problema sa relasyon namin. I think trust and faith with each other would really help us in our marriage life… and love as well.” Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan na may pagmamahal.

Kung sino man ang titingin sa aming dalawa ay aakalaing sobrang mahal namin ang isa’t isa. Lalo na’t nakahawak siya sa kamay ko kung saan ang sing-sing ko at iyung kamay naman na nakawak sa akin ay iyung may sing-sing din.

Parang totoo… para talagang mahal niya ako.

Kung sana totoong mahal niya parin ako… at hindi lang ako ang nagmamahal sa aming dalawa.

“Ganyan na ganyan din talaga kami ng asawa ko,” hinawakan din ni Jessica ang kamay ng asawa niya. “Nakikita namin ang sarili sa inyong dalawa.”

Hinaplos-haplos ni Rome ang kamay ko.

“Kumain na muna tayo.” Suhestiyon ni Rome bago binitiwan ang kamay ko. “Then let’s talk about the adoption with John.”

Julie prescence of mind! Huwag ka munang padadala sa mga emosyon mo ngayon.

Tahimik lang kaming kumain. Inalalayan ko lang si Rose sa pagkain niya at medyo burara din kasing kumain ang batang ito. Pinagmanahan yata niya sa akin ito. Napapansin kong panay ang tingin sa akin ni Mrs. Park kaya ngumingiti nalang ako sa kanya and she would smile back.

Pagkatapos naming kumain ay inanyayahan ako ni Mrs. Park na lumabas sa garden. Ngumiti lang sa akin si Rome. His face saying na go on, at huwag matakot. I smiled back.

Isinama ko si Rose at hinayaang ikut-ikotan ang mga bulaklak sa garden.

Naupo kami sa isa sa mga steel chair at table na may malaking payong. I’ve make sure na nakikita ko parin si Rose. Baka kasi masugatan ang batang iyun o madapa. Ang kulit pa naman.

“Natutuwa ako kapag nakakakita ako ng isang ina na nag-alala at sobrang maalaga sa anak niya.” Napatingin ako kay Mrs, Park, but I didn’t say a word. “It would always make me happy and smile.”

“Normal na siguro sa isang ina ang mag-alala at maging maalaga sa anak nila.”

“I do hope na kapareho ang tingin ng ibang ina ng sa iyo Juliet.” Napangiti siya ng mapait. “Honestly, hindi naman lahat ay nagiging responsible sa mga anak nila. Some of them let their child work on streets for them… iyung iba ay itinatapon at iniiwan nila ang anak nila. Ang malala ay ang iba sa kanila ay sinasaktan ang mga anak nila.”

“I agree, kahit naman hindi planado ang pagbubuntis nila ay dapat panagutan parin nila ang bata. Hindi naman kasalanan ng munting anghel kung bakit sila naging ganyan. Sana lahat ng tao ma realized iyun.”

“You’re right,” may ngiting baling niya sa akin. “Kaya masaya ako dahil nakikita ko sa inyo ni Romeo ang pagiging responsible sa anak ninyong si Rose.” Ngumiti lang ako sa kanya.

“Ahm, tungkol sa adoption…”

“Yeah the adoption, anong tungkol doon?”

“It’s about Jenny… ate siya ni John.”

“May kapatid si baby John?” Gulat na tanong niya.

Tumango ako, “Noon kasing dumalaw kami sa orphanage ay nakilala namin si Jenny. Naglaro kasi sila ni Rose minsan at sabi ng anak ko ay may problema daw ang kaibigan niyang si Jenny. I also got worried ‘cause after that Rose always seems sad.”

“Anong problema ni Jenny?”

“Nakausap namin ni Romeo si Jenny nang minsang mahuli namin siyang sinusubukang kunin ang kapatid niya. Naawa ako sa kanya dahil nakiusap ang bata na tulungan ko siyang huwag silang paghiwalayin ng kapatid niya. The kid was crying… and I just wanted to help her.”

“Oh,” mukhang nalungkot din siya. “Kawawa naman.”

“Ma’am,” inabot ko ang kamay niya. “Kung pwede lang po sanang ampunin ninyo rin si Jenny para hindi magkahiwalay ang magkapatid. I beg you, huwag ninyo pong hayaan na maghiwalay sila. Nakikita ko pong magiging mabuti kayong magulang sa dalawang bata.”

Sincere talaga ako sa mga sinabi ko sa kanya. Gusto ko talagang magkaroon ng magandang buhay ang magkapatid… at isang mabuting magulang na rin.

“Those kids needs you… at alam kong mabibigay ninyo ang pagmamahal na kulang sa kanila. Those kids deserved a family with you.”

“Well,”

Ilang segundong natahimik at nag-isip siya.

“Give them a chance.” Hindi pa rin ako sumusuko.

“I appreciate your kindness Juliet… and…”

“And?”

“I would love to be their mother,” she smiled.

“Really?!” Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya. “Thank you! Thank you talaga!”

She chuckled, “I knew I would like you Juliet.”

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya peru hindi ko inalis ang ngiti ko.

“Thank you po talaga.”

“You would be a great mother to Rose.” Sakto namang yumakap sa akin si Rose. Nagulat ako peru niyakap ko rin siya agad.

“Mommy I love you po!” Napangiti naman talaga ako. Bakit ba ang sweet ng batang ito? “Mommy sabihin ninyo rin kay Daddy na love nyo siya later ha.” I tapped her head and nodded.

“Lagi ko namang sinasabi iyun sa Daddy mo… iyang Daddy mo ang dapat e remind mo.”

“Okay po!”

“Your husband is so lucky to have you.”

“I am,” napatingala ako at ganoon nalang talaga ang gulat ko nang makita si Rome na nakangiti sa akin. He rested one hand on my shoulder. “Napaka-swerte ko talaga sa asawa kong ito.” He suddenly kissed me on my forehead.

Syet! Nagulat ako doon ah.

Ito na ba iyung Mamaya Kiss ko?

“Hindi lang si Romeo ang maswerte,” ni Mr. Park. “Juliet is also lucky to have a husband like him. He’s a good man and I can see that he really loved his wife.”

“Really?” Mrs. Park gave Rome a questioning look.

“O bakit hindi ka yata naniniwala honey?” Tanong ng asawa niya.

“Sabi kasi nitong si Juliet na ‘di naman daw niya sinasabihan ng I love you nitong si Romeo kahit na lagi niyang sinasabing mahal niya ang asawa niya. Bakit ganoon Rome?”

“Ahm, well…” napakamot si Rome sa batok.

“Baka shy lang siya honey?”

“Really?”

“The truth is,” napatingin kaming lahat kay Rome. “I never told her I loved her because I wanted to make her feel it, rather than saying it always.” He smiled. “But I guess dapat ko ding sabihin iyun sa kanya.”

“Tama! Dapat hindi lang puro actions… kahit once in a while ay sabihin mo rin na mahal mo siya.”

“I’ll take note of that.”

Me too!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro