Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

“Sheena nakita mo ba sila Rome at Julie?”

Kanina ko pa kasi sila hinahanap peru ‘di ko naman sila makita. Ang sabi sa akin ni Rome ay kakausapin niya lang si Julie peru ‘di na siya bumalik pa.

“Hindi,”

“Ah ganoon ba?”

“Ahm… Joy?”

“Bakit?”

“Sorry, peru itatanong ko lang naman. Matagal na bang magkakilala sila Rome at Julie?”

I nodded, “Matagal na… ang alam ko ay sabay silang lumaki at magkaibigan.”

“Magkaibigan lang ba talaga sila?”

“Huh? Bakit mo naman na tanong?”

She shrugged, “Naisip ko lang kasi na baka may nakaraan sila na itinatago sayo. Don’t get me wrong, but don’t you think that there is something wrong between them? Diba sabi mo magkaibigan sila, but are they acting as if they’re strangers?”

“W-What do you mean?”

“Ang sinasabi ko lang sayo Joy ay obserbahan mo silang dalawa. Iba kasi talaga ang kutob ko sa Julie na iyun. Para bang… may something beyond those actions na pinapakita niya towards Rome. I’m sure may na pansin karin, but you didn’t pay much attention to it.”

May nakaraan ba kaya talaga sila Rome at Julie?

Kung oo, bakit naman iyun itatago sa akin ni Rome?

Sabi sa akin ni Julie… they were sworn enemies, but they became friends during their senior year. Peru ano nga ba ang nangyari sa kanila during that time? I also noticed na iba ang expressions ng mga mukha ng pamilya nila nang magkita ulit sila Rome at Julie sa San Isidro.

“Payo ko lang sayo Joy… open your eyes.”

Sino nga ba si Julie sa buhay ni Rome?

****

“Hayan na,” inabot ko sa kanya ang feeding bottle.

“Masarap ba iyan?” I rolled my eyes.

“Bakit ‘di mo tikman kaya?”

Kinuha na niya sa akin ang feeding bottle. Umiiyak parin ang baby kaya I tried to take him from his arms. Laki naman ng bibig ng batang ito. Kung makasigaw naman wagas. Itinaas ko siya para sana aliwin.

“Agege-“ takte ang pangit kong pakinggan. Hindi bagay sa akin ang baby talk. “Babebibobu… mamemimomu… tatetituto… ashasheshishoshu…” Peru mauubos na lahat ng baby talking ko peru ‘di ko parin napapatahan ang baby. Sabi nga nila, never, never give up. Isa pa ulit.

“Ahehihohiu!”

“What are you doing?” Rome frowned.

“Nakikipag-usap kay Baby?”

“Gamit ng A E O U?”

“Anong pakialam mo kung turuan ko siya ng maaga?” Ang isang ito ‘di man lang supportive sa akin? Nakaka-hurt ka na talaga. “Kita mo nga oh napaka-participative niya sa akin.”

“Akin na nga,” kinuha na niya ulit ang baby. “Tinatakot mo naman lalo.”

Tumaas ang isang gilid ng labi ko. “Kamukha ko ba si The Gruge, ha?”

“Zip your mouth!”

“Inuutusan mo ba ako?”

“I just did.”

“Aish!”

Pasalamat ka talaga at tanggap ko na iyang ugali mo! Dahil kung hindi matagal ko ng pinakulum ang ulo mo sa kumukulong kawali. Ano pang magagawa mo Julieta eh mahal mo ang isang iyan. Kaya dapat gawin mong apilyedo ang patience is a virtue – Julie Mapagpasensiya. Naks!

Okay, seryoso na.

Rome’s feeding baby John habang sinasayaw iyung baby ng konti. Pinipigilan ko ngang mangiti kasi ang cute niya while cuddling a baby, trying to make him sleep… bagay siyang maging ama ng anak ko – este ng anak ko… este ng anak ko. Paulit-ulit Julie? What can I say? Meant to be talaga kami. Naks! Kung makapag-assume?

Sa mga situation na ganito dapat maging positive ka always. Iniisip ko nalang lagi na single pa siya at pwedeng-pwede pang landiin.

I felt that someone is tugging the hem of my blouse kaya I looked down. Si Jenny. Ngumiti ako sa kanya and tumingkayad para maging level kami.

“Ano iyun?”

“Ayokong mahiwalay ang kapatid ko sa akin.”

“Mahiwalay? Bakit?”

“Narinig ko may aampon daw sa kapatid ko.” May namumuong luha sa mga mata niya. Naawa naman ako. Kaya niya pala sinubukang kunin ang kapatid. “Nangako ako sa sarili ko na ‘di ko pababayaan ang kapatid ko…” nagsimula na siyang umiyak. “Kaya lang ‘di naman nakikinig si Ate Sheena sa akin… lagi nalang niyang sinasabi na magiging okay lang si John sa… sa bagong pamilya niya.”

Hindi ko kinaya kaya niyakap ko siya. Kawawa naman talaga si Jenny. Tapos inaway ko pa siya kanina not knowing na ganito pala ang nararamdaman niya.

“H-Hindi… hindi ko na makikita… si John.” Patuloy na hikbi ng bata.

“Shshs,” I patted her back bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Pinahid ko ang mga luha sa mga pisngi niya. “Don’t cry baby…”

“Sabi ni Kuya Rome mabait po kayo.” Tumango ako. “Would you help me po?”

“Julieta?” Napalingon ako kay Rome. “Why is Jenny crying?”

Kinarga ko si Jenny at lumapit kami sa kanya. Napansin kong tulog na ang baby. Ngumiti ako sa kanya.

“Wow! Napatulog mo.”

“I’m asking why Jenny is crying.”

“Chill ka lang, okay.” Inayos ko ang pagkakarga sa kanya. “It’s about John.”

“Bakit?”

“May aampon pala sa kanya kaya sinisubukan niya kaninang kunin at itakas ang kapatid niya. Rome…”

“What do you want me to do?”

“Alamin mo kung sino ang aampon sa baby.”

His eyes turns to slits, “Somethings telling me may plano ka?”

Ngumisi ako, “Uh-huh.”

Actually ngayon ko lang iyun naisip. Bakit ang talino ko?

“Jenny,” binalingan ni Rome si Jenny. “Ayaw mo ba talagang may umampon na iba sa kapatid mo?”

“Ayaw nga niya eh!”

“Ikaw ba ang tinatanong ko Julieta?”

“I stand as a spokesperson.” Binalingan ko si Jenny. “Diba ayaw mo?” Umiling si Jenny. “See? Makakaya ba ng konsensiya mo na maghiwalay ang magkapatid? Kung ikaw si Jenny at magkakahiwalay kayo ng kapatid mong si Rosette ano kayang mararamdaman mo?”

Noon ngang iniwan mo ako ang sakit nga nun eh. Kaso mukhang ‘di mo naman yata naramdaman ang sakit na iyun. Hayys, ang drama ng buhay ko.

“Ano bang plano mo?”

“In ka?”

“Depende sa plano mo.”

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

“May tiwala ako sayo…” napangiti ako ng super sweet. “Hindi lang halata.” Ay sus! Ayaw pa aminin eh. Para namang wala tayong nakaraan Rome? Ayee!

“Okay, here’s the plan.”

After 10 seconds wala parin akong nasabi.

“What’s the plan?”

“Naglo-loading pa.”

“Anon ka ba computer?”

“Wait ka nga… ‘di naman kasing efficient ng utak mo ang utak ko. Kailangan ko ng time para e process iyun sa loob.”

Frustrated na napabuntong hininga siya. “Seriously Julieta?”

“Sorry,” itinaas ko ang isang kamay. “Matagal-tagal narin akong grumaduate kaya medyo kinakalawang na ang utak ko.”

Eiish! Ano nga ba iyung naisip kong plano kanina? Takteng utak! Bakit ba nawawalan ka ng signal bigla?

“Paano mo matutulungan si Jenny?”

“Tatawagan nalang kita kapag na proseso na ng utak ko ang plano ko.”

“Huh?”

“Pahinge ng number mo.”

Oo nga pala! Wala pa pala akong number ni Rome. Secretly napangiti ako sa utak. Kapag nakuha ko na ang new number niya pwede ko na siyang e-message. Naks! Maipauso nga ulit ang GM sa kanya he-he. I’m so talino.

"Globe ako, anong sayo?" Sabi ko.

"Mapa!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro