Chapter 45
“Joy?!” Nagulat ba naman ako nang makita ko sa opisina namin si Joy. “P-Paanong… A-Anong ginagawa mo dito?”
“Sama ka sa akin,” she grinned.
“Huh?”
“Halika na!” Hinila na niya ako. “Masaya ang pupuntahan natin.”
“Hindi pwede dahil may trabaho pa ako.”
“Kinausap ko na ang boss mo. He said okay, kaya he won’t fire you na.”
“Okay lang masaya na ako dito.”
“Mas masaya doon.”
Little Angels Orphanage
“Sinong may sabing sasaya ako dito?” Sinulyapan ko naman itong si Jenny sa tabi ko. Ano bang productive sa pagbantay ng isang malditang bata habang kinukulayan si Shrek ng orange?
“Wow! Bagay na bagay talaga kayo ni Rome, Joy.” Nanlaki lang tuloy ang mga butas ng ilong ko sa narinig ko mula sa kaibigan niyang mukhang ‘di ako feel kanina pa. Sarap e shave lahat ng buhok niya eh. Nakaka-highblood ang babaeng ito. “You’re the loveliest couple in the world.” Sabay sulyap sa direction ko.
“Kapag na solo kita talagang kakalbuhin talaga kitang babae ka.” Pinutol ko ang crayon na hawak dahil sa inis ko. “Makita mo - aray naman!”
Marahas na napatingin ako sa batang sinuntok ako sa braso. Magkadugo yata sila bakit hindi nalang niya in-adopt, diba?
Ngumiti lang ako sa kanila bago binalingan si Jenny.
“Anong problema mo?” I hissed with a smile. Baka siraan pa ako ng bruhang iyun. Inilapit ko nalang ang mukha ko sa kanya. “Kanina ka pa ah.”
“Ang pangit mo! Sinira mo ang crayon ko.”
Itinulak niya ako bigla kaya napaupo ako sa sahig. Hindi ako pumapatol sa bata peru isa nalang talaga ang tsanak na ito at baka isako ko na ito eh.
“Ang dami pa niyan!”
“You broke the color I love!” Nagsimula na siyang umiyak. Ngayon iiyakan niya ako. Asar talaga! Sana ‘di nalang ako sumama kay Joy. “Ang sama mo! Ang pangit mo na nga hindi ka pa kasing bait ni Ate Joy! Ang sama mo!”
“Ako pa ang masama ngayon? Eh hindi ko nga sinasadya!”
“Monster ka!”
“Mas monster ka!”
“Julieta tama na iyan!” Saway sa akin ni Rome. Nakakunot ang noo niya habang papalapit sila Joy at nung kaibigan niyang demonyita. “Bakit mo ba pinapatulan ang bata? Mas matanda ka sa kanya.”
Sheena (my new mortal enemy) bent down and hug the little girl. Pa agaw eksena naman ang babaeng ito. Iyung totoo may balak mag-artista? Kasi napapansin kong nakain mo lahat ng platic sa planet Earth. Akala mo kung sinong mabait tsst…
“Ano ka ba six years old? Bakit mo inaaway si Jenny?!” Singhal niya sa akin.
“Pakialam mo ba?!”
“Julie stop that!” Saway ulit sa akin ni Rome. “Nasa orphanage tayo kaya dapat umakto ka ng maayos.”
“Nasa tahanan nga tayo ng mga anghel puro demonyita naman ang nakatira.” Tumayo na ako at lumabas. Naasar lang talaga ako lalo. Kanina pa ako asar na asar nagtitimpi lang talaga ako.
“Bakit mo ba kasi dinala ang babaeng iyun Joy?” Narinig ko pang tanong ng demonyita.
“Mabait si Julie… baka mainit lang talaga ang ulo niya ngayon.”
Hindi ako malapit sa mga bata. Aaminin ko iyun. Ang hindi ko lang talaga gusto ay ang ugali nung si Sheena. Volunteer siya dito sa orphanage at kaibigan din ni Joy. Kanina pa ako pinag-iinitan. Ang tingin yata sa akin ahas sa puno ng mansanas. Ang ganda ko namang ahas!
Akala mo kung sinong mabait peru kung hindi naman nakatingin si Joy ay panay naman ang paglalandi kay Rome. Ano bang problema ng babaeng iyun? Na insecure ba siya sa maganda kong eyebags o sa natural kong pinagpalang kagandahan?
Naupo ako sa isa sa mga swing hammock sa playground sa likod ng orphanage. Buti nalang at nasa loob lahat ng bata kaya hindi maingay. Aish! Umiinit talaga ang ulo ko kapag naalala ko iyung babaeng iyun.
Iniwan ako nila Joy at Rome saglit dahil may kukunin daw sila sa sasakyan. Kailangan talagang magkasama sila? Hindi ako pwedeng maki-join? Kaya heto ako ngayon ka face to face si Sheena the malditang ‘di ako feel.
“Kaibigan ka daw ni Rome?”
More than friends kami! “Interesado ka sa buhay ko?”Soon.
“Kaibigan ako ni Joy at napapansin kong iba ang titig mo kay Rome.”
Titig iyun ng pagmamahal. Inggitera ito. “Masamang tumingin sa BESTFRIEND ko?”
“I warned you… huwag na huwag mong ahasin ang kaibigan ko.”
Ako kaya ang nauna sa puso niya! I flipped my hair and smiled at her. “It depends, kasi ‘di mo naman alam ang kaya kong gawin.” Baka ipakain pa kita sa alagang buwaya ni Maria. “Baka malaman mo nalang na…” I leaned my face closer to her ear. “Kami na pala ni Rome.”
“Malandi ka!”
“Alam mo dapat itawag din sayo?”
“W-What?”
“Hudas,” akala mo ‘di ko na papansin na may gusto ka sa mahal ko? Puwes! Ang taong nagmamahal malakas ang signal sa mga babaeng karibal niya. “Kasi ibinabato mo ang kasalanan mo sa akin.” Mapang-asar na ngumiti ako sa kanya.
“Sheena!” Sabay kaming napatingin kina Joy at Rome.
Ang sakit nga lang na makita na magka-holding hands sila. Please release me, let me go… saklap talaga ng buhay mo Julie. Nahuli kong tumingin si Rome sa akin peru iniwas niya rin agad. Isa din ito eh. Lagi nalang akong pinapakanta ng My Achy Breaky Heart!
Ngumiti naman ng sobrang tamis si bruhita. Puff, Barbie! She’s a Barbie girl! Made of plastic! Sarap tusokin ng chopstick. Ulitin ang linya at kantahin iyun. Wala lang, trip. She’s a Barbie gi – eish, huwag na nga lang nakakatamad.
“Joy at Rome gusto ninyo bang kargahin si baby Angelo?” Sakto namang may dumating na madre na may karga na baby. “Sister Anne, akin ba po si Baby.” Ibinigay din naman ng madre ang baby kay bruhita.
Nakakasuka talaga ang ka-plastikan ng Sheena na ito eh!
“Wow ang cute!” Humawak si Joy sa braso ni Rome. “Diba Rome?”
“Hi baby Angelo,” iniyuko ng konti ni Rome ang mukha para pumuntay sa baby. Aliw na aliw naman siya doon sa bata. Inatake naman tuloy ako ng inggit. “Ako ang Tito Rome mo at ito ang Tita Joy mo.” Hinawakan ng baby ang isang daliri niya.
“Kargahin mo Joy,” pinakarga naman ang baby sa kanya.
“Ang cute talaga ni Baby Angelo,” inilapit niya ang baby kay Rome. “Tignan mo Rome.” Ngumit lang siya at nilaro ang baby.
“Magpakasal na kasi kayo.Tignan mo nga oh bagay na bagay kayo.”
Namula naman si Joy. “Ikaw talaga Sheena… dadating din kami diyan.”
“Maybe this year,” nakangiting sinulyapan ni Rome si Joy.
“Rome!” Peru halata namang kinikilig.
Hay naku! Silang tatlo lang ang nage-exist sa mundo. Taong invisible ba ako dito? Sinama ninyo pa ako. Sakit tuloy ng puso ko.Please release me, let me go… gawin ko nalang kaya itong national anthem?
“Oh Julie nandiyan ka pa pala?”
“Hindi kakarating ko lang,”
“Nakakatuwa talaga itong si Julie ano,” tumawa pa ang atribida sabay hawak sa braso ko. Close po tayo ate? “Ang mabuti pa ay bantayan mo muna si Jenny.”
“Kapatid ba niya si Johny?”
Kung sino man ang naka-gets bigyan ng well pown.
“Huh?” Lumapit naman ang isang batang babae na may hawak na coloring book at crayons na mukhang six years old pa yata. “Jenny meet ate Julie. Kayo na muna ang maglalaro ah.”
Ang sama naman makatingin ng batang ito sa akin.
I bent down on my knees para magka-level na kami.
“Hi,” ngumiti ako sa kanya.
Peru mukhang tutubuan yata ako ng ugat peru ‘di parin ako sinasagot ng bata.Sige, e push pa natin ng konti Julie.
“Ahmm…” inilapit ko ang mukha at mahinang bumulong sa kanya. “Kapatid mo ba si Johny?” Talagang ipinaglaban mo iyan Julie ah? Wait! Malay mo naman, diba?
Peru sa halip na sagutin ako ay nilayasan lang ako. Takte! Kailan pa natutong mag-walk ang mga bata sa mga magagandang katulad ko?
Pinahid ko agad ang mga namuong luha sa mata ko. Dapat kasi matagal na akong immune sa mga eksena na ganoon. Hindi naman ako apektado sa malditang Sheena na iyun. Doon lang talaga ako nasaktan sa sinabi niyang… Maybe this year.
Hindi naman ako ganoon ka boba para ‘di malaman ang meaning nun. Naiinis lang ako dahil kahit na sinabi ko na sa kanya na mahal ko siya parang hangin lang iyun na dumaan at ‘di niya man lang napansin. Nasaktan lang talaga ako ng sobra.
Pagkatapos ng gabing iyun ay back to zero na naman kami. Kahit na ayaw ko mang sukuan siya peru talagang lagi nalang akong talo at nababaliwala kapag magkasama sila. Kaya siguro na sagot ko na rin iyung bata.
“Aish! Mali pa rin ang ginawa mo Julie.” Tumayo na ako. “Bata parin iyun bakit mo pa kasi pinatulan?” Kahit kailan talaga Julie napakalaki mong pimples sa over stress mo ng buhay. Best selling author ng isang known Children’s Story Book peru kung umusta? Aish!
Mabuti pa at balikan ko na si Jenny at hihingi ako ng sorry sa kanya. Kahit na medyo masama ang ugali ay dapat umakto parin akong ate sa kanya. Tama, idaan sa diplomasya ang lahat at world peace.
Papasok na sana ako sa loob nang mapansin kong may batang babaeng pumasok sa isang maliit na daan na connected lang sa orphanage. Malakas din ang kutob ko na si Jenny iyun. I tilted my head. Ano namang gagawin ni Jenny doon?
Hindi ko iyun malalaman hanggat hindi ko siya susundan.
“Julieta!” Biglang may humawak sa kamay ko.
Paglingon ko ay si… “Rome?” lang pala.
Naks! Sinundan niya ba ako para e-console at pagaanin ang aking 50-50 na puso? O baka naman para pagalitan lang?
“Saan ka pupunta?”
“Mag titignan lang ako,” itinuro ko ang daan. “Susundan ko si Jenny.”
“Si Jenny?”
Tumango ako, “Nakita ko siyang pumasok doon.” Inalis ko na ang kamay niya. “Dito ka lang.”
“Bakit dito lang ako?”
“Bakit gusto mong sumama sa akin?”
“Pinagbabawal na ba sa bansang ito ang pagsama ko sayo?”
Ngumiti ako sa kanya. “Ayee, gusto niya akong makasama.” Peru sa halip na pakiligin ako ay itinulak lang ako ng loko. Wala man lang punchlines na pampaasa diyan Rome? Kahit isa lang? Pampalubag loob sa aking naghihingahos na puso.
“Sundan na natin si Jenny.”
“Kailangan talagang itulak ako?”
Tinahak na naman iyung daan na sure akong dinaanan ng bubwit na iyun. Hindi naman pasikut-sikot ang daan. Sadyang maliit lang iyun. Mula sa nilalakad namin ay napansin namin agad ang isang malaking pintuan sa dulo.
“Ano kayang meron doon?”
“Bakit ‘di mo tanongin ang pintuan.”
“Baka pintuan ng Narnia –“ biglang narinig namin ang biglang palahaw ng iyak ng isang baby. Napatingin ako kay Rome. “Narinig mo iyun?” May baby na ba sa Narnia?
“Hindi ako bingi,” hinawakan niya ako sa kamay at hinila patungo doon sa malaking pintuan. “Dalian natin at baka may nangyari sa baby.”
Pagbukas namin ay naabutan namin si Jenny na pilit inaabot ang isang baby sa isang crib. Nakatungtong ito sa isang maliit na upuan. “Jenny!” Binuhat agad ni Rome si Jenny nang muntik na itong mahulog.
I scanned the room. Hindi naman ito mukhang Narnia… datapwat, bagkus, but, and churbalo ay mukha iyung nursery room. Maraming cribs peru isa lang ang may nakahigang baby. Bumaba ang tingin ko sa name tag na nakadikit sa crib ng baby na umiiyak.
“John?”
“Ano ka ba naman Julieta bakit ‘di mo kunin ang bata at iyak na ng iyak!” Akmang kakargahin ko na ang baby nang hilahin ni Jenny ang buhok ko. Takte! Sakeeet!
“J-Jenny bitiwan mo ang buhok ko!” Sinubukan kong alisin ang kamay niya dahil hindi ako makayuko para kargahin ang umiiyak na baby. “Rome ibaba mo muna si Jenny! Takte! Kakalbuhin yata ako ng batang iyan.” Napapangiwi ako sa sakit.
“Jenny bitiwan mo muna ang Ate Julie mo.”
“Huwag mong kargahin ang kapatid ko! Ayoko sayo! Masama ka!”
“Hindi ako masama.” Hindi na ako sumigaw at baka lalo lang magalit sa akin si Jenny. “Sorry na kanina. Mainit lang talaga ang ulo ni Ate Julie kaya naaway kita.” Nahawakan ko ang maliit niyang kamay. “Sige na bitiwan mo na ang buhok ko bago mo pa ako makalbo.”
“Sige na Jenny,” he pleaded.
Sa wakas at pinakawalan na niya ang buhok ko. Hindi ko na inabalang ayusin ang buhok ko at kinarga ko na ang umiiyak na baby. Sinubukan kong isayaw iyun para matigil sa pag-iyak peru ‘di talaga gumana ang powers ko.
“Choosy ba itong kapatid mo sa boses?”
“Ano bang gagawin mo Julieta?”
“Kakantahan ko at baka makatulog.”
“Akin na ang bata,” ibinaba na muna niya si Jenny. “Timplahan mo nalang ng gatas at baka nagugutom lang.” Hindi ko ibinigay ang bata sa kanya. “Akin na iyan.”
“Sure ka bang nagugutom si baby John?” With no ‘y’.
“Alam mo,” pinilit niyang kunin ang bata sa mga braso ko. “Ikaw itong babae peru wala ka man lang motherly instinct.” Nakuha nga niya si baby. “Umiiyak ang bata kapag may masakit sa kanya o nagugutom siya.”
“Baka may sakit siya?”
Rome rolled his eyes. “Wala siyang sakit.” Binalingan niya si Jenny. “Jenny alam mo ba kung saan nakalagay ang mga feeding bottles nila?” Tumango si Jenny. “Good,” sinulyapan naman ako ni Rome. “Pakitulungan mo nga itong Ate Julie mo sa pagtitimpla ng gatas.”
“Hoy! M-Marunong akong magtimpla ng gatas ah.”
“Bear brand o Alaska?”
“Halika na nga,” hinawakan ko ang kamay ni Jenny. “Ituro mo sa akin kung saan nakalagay ang feeding bottle ni baby John.”
Para namang ‘di ko alam kung bakit niya ako pinapatimpla ng gatas. Ha! Maganda kaya ang boses ko. Ayaw pa akong pakantahin eh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro