Chapter 43
“Hoy Julieta!”
Inilayo ko ang cellphone ko sa tainga. Asar naman itong si Kim. Kailangan talaga akong sigawan ng bongga? Ipinagpatuloy ko nalang ang pagtutulak sa pushcart. Nandito ako sa isang supermarket para mag-grocerry. Nahilot ko ang sentido at medyo kumikirot ang ulo ko.
Ibinalik ko na ulit ang phone malapit sa tainga ko. “Bakit ba?”
“Hinahanap ka ni Boss! Na saan ka ba ngayon at panay ang absent mo? Nakapagbakasyon ka lang tinamad ka na?”
“Masama ang pakiramdam ko.” Totoo naman iyun. “Nag-email naman ako sa story ko sayo kaya gawin mo nalang. Tatawagan ko nalang si Boss mamaya para ‘di ako sunugin nun at mawalan pa ako ng source of riches.”
“Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo?”
“Ginagawa ko ang pinapagawa mo.”
“Ilang chances nalang ba ang natitira?”
“Siyam nalang… noong pumunta ako sa San Isidro sinali ko nalang iyung sinabi niyang layuan ko na siya, so far buhay pa naman ako. Noong isang araw nga ay nakakangiti at nakakasira pa ako ng buhay mo, diba?” Tumawa ako. “Kahit na medyo epic fail ang mga to-do-list ko sa pagbuwag sa JoyRome love team. Karey ko pa naman.”
“Huwag ka nga lang pasobra at baka ma paano ka na. Tignan mo na nga iyang sarili mo? Tinalo mo pa ang may cancer ng dugo sa dami ng pasa at sugat mo. Hindi mo naman siguro kailangang saktang ang sarili mo para lang mapansin ka ni Rome sa ospital. Naku! Baka makabili pa kami ng pink na kabaung ng maaga masira pa ang plano mo.”
“Baliw! Hindi noh. Tinigilan ko na iyun.”
“Oh siya, sige, ibaba ko na ito at tatapusin ko na itong bagong storya mo. Ang Pitong Pink Froglets ni Inday Kayumanggi. Seriously?”
Natawa lang ako. Ang galing ko talagang gumawa ng title. Naks! Most creative author yata ito. Kaya magdusa ka sa pink froglets ko. “Pinoy version iyan ng Snow White.”
“Pansin ko nga,”
“Sige na, bye.”
“Bye,”
Pinatay ko na ang cellphone ko at ibinalik iyun sa bag. Masakit talaga ang katawan ko nitong nakaraang araw. Uminum naman na ako ng gamot at nawawala naman iyun. Trangkaso lang siguro at over fatigue. Sa mga ginagawa ko ba namang kalokohan lately. Hindi na ako magtataka na sumbatan ako ng galit ng mga kasukasuan at balat ko sa inis.
Magpapa-belo nalang ako kapag sumahod na ako.
Napapikit ako bigla. Hindi ko alam peru biglang umikot yata ang paningin ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng pushcart ko. Lalo yatang kumirot ang ulo ko.
“Julie?” Napalingon ako sa nag-salita. “Are you okay?”
“Rome?” Biglang nawala ang kirot sa ulo ko. Naks! Nakita lang si Rome nabuhay lahat ng good bacteria sa katawan Julie? Ngumiti ako sa kanya ng super sweet of course. “Anong ginagawa mo dito?”
“May binili lang ako,” napatingin ako sa basket nito at napangiti. Hindi parin pala talaga siya nagbabago. Mahilig parin siya sa mga junkfoods. Peru hindi na gaanong marami tulad noon.
“Hindi parin pala nawawala ang hilig mo sa mga junkfoods kahit ‘di naman iyun healthy sa katawan Rome.”
“Minsan lang naman… pampawala ng stress.”
“Okay lang iyan, masarap talaga ang bawal.”
“Malapit lang ba ang bahay mo dito?”
“Naku hindi,” umiling ako. “May dinaanan kasi ako kanina.”
Dinaanan ko iyung dating bahay namin sa Verona Village. Minsan ay dumadalaw lang ako at tinitignan mula sa labas ang bahay kung saan kami nakatira ni Rome noon. Peru kanina… mukhang nakalipat na ang bagong may-ari sa bahay.
Tumango lang siya. “Anyway, okay ka lang ba? Kanina parang… parang namumutla ka?”
“Naks! Concern?”
“Ayoko lang magkalat ka dito.” Suplado! Nakatapak lang ng Italya akala mo kung sinong power rangers. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang get up ko. “Ano ka ba? Number one fan ni San Cai?”
“Sobra ka naman!”
“Ang init-init ganyan ang ayos mo?”
“May aircon po kaya dito?”
“Anong tingin mo sa Pilipinas di-aircon?”
I made a face. Hindi naman ako magsusuot ng long sleeve shirt at skirt na sobrang haba hanggang sakong ng paa ko kung hindi sa mga pinaggagawa ko para lang mapansin mo! Alangan namang rumampa ako sa daan na may bandaid at benda? Edi nagmukha pa akong abused na babae.
Julie Capulet binubugbug ng limang pinaghihinalaang penguin – knock out! Ngeks! Ang pangit pakinggan. Kaya mas titiisin ko itong conservative get up ko na pinaresan ko pa ng snickers with socks. Takte! Kaya pala ang init sa labas? Buti ‘di pa ako na heat stroke.
“Huwag mo na nga akong awayin. Walang basagan ng tri –“ ouch! Kumirot na naman ang sentido ko. “Takte naman oh.”
“Okay ka lang ba Julieta?”
Ngumiti ako sa kanya. “Tinawag mo akong Julieta ulit!”
“Julieta umayos ka nga,” this time seryoso na siya. “I’m asking if you’re okay?”
“Okay lang naman medyo –“ kumirot na naman. “Medyo masakit lang ang ulo ko at saka – anong ginagawa mo?” He touched my forehead with the back of his hand. Pinalis ko iyung kamay niya. “Wala akong lagnat.”
“Then let me touch you!”
Napatingin sa amin iyung matandang babae. Kaya natawa tuloy ako. Greenminded ni lola eh. Kakaloka! Nakakawala ng sakit itong si Rome.
“Why are you laughing?”
“Ano nga ba iyung gusto mong gawin sa akin?”
“I want to touch you.”
“Ang sagwa!” Tumawa ako. “Parang gusto mo akong gahasain in public.” Ginaya ko ang boses niya. “Then let me touch you! Boom! Kakaloka.” Hindi ko talaga mapigilang matawa.
“I’m serious Julie kaya huwag mo akong tawanan.”
“Okay lang ako,”
“No, you’re not.”
“Okay lang kasi ako. Ang kulit mo nam –“ biglang umikot ang paningin ko kaya muntik na akong mabuwal kung hindi naging maagap sa paghawak sa akin ni Rome. “Takte! Anong bang nangyayari sa akin?”
“Buntis ka ba?”
“Ikaw ang ama.”
“Julieta!”
“Joke lang,” imbes na indahan itong kaartehang ginagawa ng katawan ko ay natatawa lang talaga ako sa sitwasyon namin. “Hindi ako mabubuntis hanggat walang nangyayari sa atin.” I winked at him bago ako umayos ng tayo. “Thanks.”
“You don’t look okay to me.”
“Normal lang sa mga bampira ang magmukhang maganda kahit maputla.”
“Lahat ba ng bagay dinadaan mo sa biro?”
“Minsan,” lalo na kapag nakikita ko kayong masaya ni Joy. “Kapag naalala kong hindi na pala ako ang laman ng puso mo.”
“You look okay. Mauuna na ako sayo.” Iniwan na nga niya ako.
‘Langya talaga ang isang ito. Iwanan ba daw ako? Hmp! Baliw talaga – asar! Napapikit na naman ako. Bumabalik na naman iyung sakit sa ulo ko. Humigpit ulit ang pagkakawak ko sa handle. Pagmulat ko ng mga mata ko ay umikot ang paningin ko at ‘di ko na namalayang nakahiga na ako sa sahig.
Napakukurap-kurap pa ako habang unti-unting dumidilim ang paningin ko. Hanggang sa wala na akong marinig at tuluyan na akong nilamon ng dilim.
“Julie!”
****
“Na saan ako?” Tinulungan akong makabangon ni Rome. “Ang laki pala ng mga kwarto ng ospital ninyo.” Napalinga-linga ako sa paligid. Bakit pamilyar sa akin ang desinyo ng kwarto na ito?
“Wala tayo sa ospital.”
“Eh na saan ako?”
“Nasa bahay kita.” Napatingin ako sa mukha niya. Tapos ibinaba ko naman ang tingin sa katawan ko. Humaay! Bakit iba na ang damit ko? Naiangat ko ulit ang tingin sa mukha niya. Anong ginawa niya sa akin? “Oh bakit?”
“May nangyari ba sa atin?”
“Asa ka pa,”
“Sayang!”
Iyun na ang chance ‘di pa ako ginahasa ni Rome. Che! Huwag kang malandi Julie at bad iyun. Hanggang kontrabida ka lang dito. Hindi ka pwedeng gumawa ng love scene. Peru sayang din iyun noh?
Dumukwang siya para maitaas ang sleeve ng puting polong pinasuot niya sa akin. Pinigilan ko muna siya. Itinaas ko ang isang kamay. “Wait!” Umayos siya ng pagkakaupo sa gilid ng kama. Itinaas ko ang kumot at tinignan kung pati yung pang-ibaba ko ay hinubad niya rin. At ganoon nalang talaga ang gulat ko. ‘Langya!
“Bakit mo ako hinubaran?!”
“Nakadamit ka,” nakatingin ito sa ibang direksyon. “Huwag kang-exag.”
“Alam mo ba ang ginawa mo sa akin? Binaboy mo ako!”
Tumaas ang isang kilay niya. “Huwag ka ngang OA Julieta. Hindi lang naman ikaw ang nahubaran ko.”
Napasinghap ako. “Nakatungtong ka lang ng Italy ginawa mo ng pampalipas oras ang panghuhubad ng damit ng ibang babae?!” Bakit ‘di ko alam iyun? Edi sana nakapag-volunteer ako. Hampaslupa! Julieta tigilan mo na iyang landing ganyan at nawawala ang pagiging conservative mo.
Makapag-schedule nga ng confession kay Father Damaso mamaya.
“Sa klase ng trabaho ko normal na sa amin ang makakita ng hubad na katawan. Inaapoy ka ng lagnat at basang-basa ka ng pawis. Kailangan kong hubaran ka. Hindi ko na kasalanan pa kung bakit nagsuot ka ng ganoong damit.”
“Unfair ka!”
“You should thank me instead!”
“Thank you ha! Salamat sa paghuhubad mo sa akin! Worth it.”
Singhal ko sa kanya with sarcasm of course. Kahit na medyo may freedom si Rome sa tsansingan ako ay hindi ko din naman maiwasang mainis. Ikaw ba naman hubaran? Edi kita lahat ng mga ginto mo sa katawan?
He held a sigh, “Fine! I’m sorry.”
“Oh bakit nagso-sorry ka na ngayon?”
“Kasi feeling ko nasaktan ka sa ginawa ko sayo.”
“Masakit talaga!” Ang pag-iwan mo sa akin. Gago ka!
“Peru unawain mo sana na ginawa ko lang iyun para bumaba ang lagnat mo… at napansin kong dumami yata ang mga sugat mo.”
“Nahulog ako sa kanal noong isang araw.”
“Nahulog ka?”
“Hindi naga-swimming ako.” Tumawa naman siya. “Anong nakakatawa sa pagkahulog ko sa kanal? Sadista ka ba?”
“Hindi ko lang ma-imagine,” tawa parin siya ng tawa. Sipain ko ito eh! “Hindi parin talaga nawawala ang katangahan mo.”
“Wow! Tats naman ako doon.”
“Still,” naging seryoso na ang mukha niya. “Hindi ko gusto ang ginagawa mo within these past few days Julieta.”
“Bakit ano bang ginagawa ko?”
“Sinasaktan mo ang sarili mo.”
“Hindi kaya,” na pansin niya pala? Change plan. “Imagination mo lang iyun.”
“Sinabi sa akin ni Jane na –“
“Sino si Jane?”
“Iyung nurse na laging umaasikaso sayo.”
“Jane pangalan niya?”
“Oo, bakit?”
“Salamat sa pag-inform. Hindi ko kasi alam ang name niya eh. ‘Di ko mabasa ang pin name niya.” Ano na naman kayang paninirang puri ang tsinika ng nurse na iyun?! “Anong sinabi niya sayo?”
“Malala ka na daw? Dapat kanang ipa-admit sa mental.”
“Baliw iyun ah! Sabihin mo sa kanya mauna siya.” Mabalikan nga iyun bukas. “Ano pa?”
He sighed, “Julieta.”
“Bakit?”
“Bakit mo ba sinasaktan ang sarili mo?”
“Eh bakit ‘di ka nagpapakita sa akin sa ospital?”
“May kailangan ka ba sa akin?”
“Rome mahal kita!” Nagulat siya. Hindi ko na rin naman kayang itago pa iyun sa kanya. Alam ko namang ‘di niya rin sasabihin sa akin na mahal niya rin ako. “Bakit ka ba lumalayo sa akin?”
“May girlfriend na ako.”
“Kaya nga eh… kung tutuosin wala lang naman ang mga sugat na ito sa nararamdaman nitong puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong magbago at magsinungaling sa akin noon.”
“Kalimutan mo na ang nakaraan Julie.”
“Iyun ba talaga ang gusto mong gawin ko?”
“Oo,”
“Alam mo dapat ang ginawa mo noon? Hindi mo sana sinabi sa akin na mahal mo ako.”
“Let’s not just talk about it,” tumayo na siya at tuluyan ng lumabas sa kwarto.
Hindi ko mapigilang maluha. Ang sakit parin talaga. Peru sabi nga nila No Pain, No Glory kaya hindi parin kita susukuan Rome. May walong chances pa ako. Hanggat hindi iyun nauubos hindi ako susuko. Tama Julie!
Napadako nama ang tingin ko sa bedside table ng kama. Nakapatong doon ang isang basin at bimpo. May mga gamot at isang basong tubig. Kahit papaano ay gumaan naman ang loob ko. Hindi parin talaga ako pinababayaan ni Rome.
“Huh? Bakit may dalawang kama?”
Iginala ko ang tingin sa buong kwarto. I tilted my head as I tried to remember something. Dalawa ang kama. Dalawa ang study table. Hindi kaya…
“Si Rome ba ang bumili sa bahay?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro