Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

DAY 1

Nag-bake ako ng chocolate cake. Epps! Masarap na ito dahil pinag-aralan ko ang pagbe-bake at pagluluto. Salamat naman at nag level up na ako sa department na iyun. Final touches ang blue na ribbon dahil favorite color ni Rome. Hindi ako manliligaw sa kanya. Well, magpapansin lang naman ako.

Ginamit ko ang makaluma kong sasakyan na second hand. Peru ‘di naman iyun mukhang luma na bettle car na pink. Sosyal! With care kasi ang pag-aalaga ko doon. Nag-drive ako hanggang sa ospital kung na saan si Rome. Inihinto ko ang sasakyan malayo muna sa emergency dahil may kulang pa sa get up ko.

Inabot ko ang malaking make-up box ko at inilapag iyun sa lap ko.

“Hmm, ano ba dapat ang gagamitin ko?”

Hindi ako makapili kung anong matutulis na bagay ang gagamitin ko na pangsugat sa sarili. Alangan namang mag-make up ako sa ospital para makita si Rome? Syempre dapat duguan ang beauty mo para mapansin. Buhis buhay naman itong ginagawa ko.

Napapalunok at napapangiwi ako sa tuwing tinitignan ko ang mga matutulis na bagay na dinala ko. May maliit na knife na panghiwa ng isda at karne. Iyung isa naman ay butter knife at ewan ko nalang kung masusugatan ako niyan. Iyung isa parang itak at meron din akong blade, shaver, niddle, debris ng isang broken glass, and chinsaw (joke). Kung may makakita sa akin tiyak iisiping papatay ako ng tao ngayon.

“Ayoko! Hindi pa ako handa diyan.” Inabot ko ang hot water dispenser. In case ‘di ko kayanin ang duguan.  “Syet! Buhis buhay talaga ako sayo Rome.” Hindi naman siguro gaanong masakit ang buhusan ang isang braso ko ng kumukulong tubig diba?

Pikitmatang ibinuhos ko na ang mainit na tubig sa braso ko. “Shuks!” Nanlaki talaga ang mata ko. “Syet ang init!” Nanginginig na binuksan ko ang pinto ng sasakyan at tinakbo ang emergency door. “Takte! Ang cake ko.”

Hampaslupa! Ang init talaga. Parang nasunog yata ang balat ko doon. Madali ko nalang kinuha ang box ng cake at sinipa ang pintuan ng sasakyan. Pagkatapos ay tinakbo ko na ang pinto ng emergency. “Woaah! Ang init! Ang sakit!”

“Ma’am na paano po kayo?” May lumapit sa akin na nurse.

“Natabig ko ang nakabukas kong hot water dispenser sa bahay.” Nagpalinga-linga ako sa paligid. “Ang init!” Hinipan ko ang braso. “Nandito ba si Doc. Rome Montague?”

“Ma’am gamutin na muna natin ang braso mo.” Hinila na ako ng nurse.

“Nurse na saan si Doc Rome?” Napatingin-tingin ako sa paligid peru ‘di ko naman makita. Kapag wala iyun ngayon I swear hindi na ako mag-iinit ng tubig kahit kailan. “Nandito ba siya?”

“Ma’am maupo na muna kayo,” pinaupo niya ako sa isa sa mga bed doon. “Titignan ko lang po ang braso ninyo.”

“Nurse bakit wala si Rome?”

“Ma’am busy po si Doc Rome ngayon,” mukhang na annoy na siya sa akin. Galit naman ang isang ito. Ibuhos ko kaya ang lahat ng laman ng hot water dispenser sa mukha mo. Hindi mo alam kung gaanong buhis buhay ang ginawa ko makapasok lang sa ospital na ito. Ang sakit-sakit na nga ng braso ko naging epic fail pa ang plano ko.

Sana pala naglaslas nalang ako pala code red agad. Yumuko nalang ako at pinagnilayan ang kashungaan ng plano ko. Ang lalim pala ng pinagnilayan na salita. Wew!

Naramdaman ko nalang na may malamig na liquid na nilagay sa braso ko. Ang sarap umiyak at mag-drama. Bakit kasi wala si Rome?

“Masakit ba?”

“Ikaw kaya ang mabuhus – Rome?!” Pag-angat ko ng tingin nasa harap ko na si Rome. Si Rome nasa harap ko. Nasa harap ko si Rome. Humaygaad si Rome nasa harap ko na. Bakit paulit-ulit ako? “Rome!”

“Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo Julieta?” Sinumulan na niya ang paglalagay ng benda sa braso ko.

“Hi Rome,” hindi ko pinansin ang sinabi niya sa akin. “Kumusta ka?”

“Napaso ka na nga may gana kapang mangumusta.”

“Seryoso mo naman,” inabot ng isa kong kamay ang box na may laman na cake. “Para sayo.”

Tinitigan lang niya ako. “Ano iyan?”

“Cake,”

“Hindi ko tatanggapin iyan.”

“Bakit naman?”

“Hindi ka marunong magluto baka ma food poison lang ako.”

“Sama mo naman! Hindi na no, dahil nag-aral talaga akong mag-bake at magluto kaya safe na safe ka na sa cake ko.”

“I’ll take it,” ngumiti ako nang kunin niya ang cake. “Go home.” Iyun lang at umalis na siya sa harap ko.

“Hoy Rome ‘di mo man lang ba ako pasasalamatan?!”

“Thanks,”

“Hmp! Asar din ang isang ito eh. Pagkatapos kong pasuin ang isang braso ko ito lang ang makukuha ko?” Na saan ang hustisya?!

Not giving up! Hanggang may pangsugat at may dugo pa ako ay makakapasok pa ako sa ospital na ito.

DAY 2

 

Hindi umepekto ang mainit na tubig puwes idaan sa duguan. “Waa! Ang sakit.” Takteng buhay naman talaga ito. “Rome pansinsinin mo kasi ako!” Hawak-hawak iyung isa kong kamay para pigilan ang pagdudugo nun. Pumasok ako sa emergency room.

“Tulungan ninyo ako! Mamamatay na po yata ako.”

Iyun na namang nurse kahapon ang humarap sa akin. “Ma’am ano na namang nangyari sayo?”

“Nasugatan ako habang naghihiwa.” Ipinakita ko ang palad ko na may mataas na hiwa. “Ang sakit nurse. Nandito ba si Rome?” Frustrated na tinignan niya ako. “What?”

“Busy si Doc Rome,” pinaupo niya ako sa isa mga bed doon. “Akin na po ang kamay mo.” Napapangiwi ako sa tuwing dinadaanan niya iyun ng cotton ball na may alcohol para linisan ang kamay ko. Syet na buhay ito! “Bukas po ma’am saang banda na naman po kayo madidisgrasya?”

“Pinag-iisipan ko pa – este, ano bang pakialam mo?”

“Hmp! Ang dami ninyo na pong nagpapansin kay Doc Rome.”

“Huh?”

Ininguso niya ang mga babaeng nakahiga sa tig-iisang bed malapit sa akin. “Lahat sila nagpapakamatay para lang mapansin at makita sa Doc Rome.”

“Walang originality,” sumimangot ako.

“Alam ninyo na po ba ma’am na may girlfriend na si Doc?”

“Alam ko,” kaya nga bubuwagin ko eh.

“Close kayo?”

“Interesado ka sa buhay ko – ouch! Ano ba? Huwag mo ngang diinan. Sakit!” Maldita din ang nurse na ito eh. Madala nga ang chinsaw ko pagbalik ko.

“Masamang magtanong?”

Day 2 – still epic fail.

DAY 3

“Ikaw na naman?”

“Nurse shunga ako kaya nabuhusan ko ang sarili ng mainit na tubig. Nandito ba si Rome?”

“Busy si Doc,”

“Busy na naman?!”

“Dapat nagpa-schedule ka nalang ng operation para ma solo mo si Doc.”

“Huwag na nga lang,” umalis na ako. “Hindi pa naman ako mamamatay sa paso.”

Nag-effort pa akong pasuin ang kaliwa kong braso ‘di din naman ako magagamot ni Rome. Bwesit na ako! Mamamatay na siguro ako peru ‘di parin ako mahaharap ng lalaking iyun.

Day 4

Sinubukan kong tumapak sa thumbtacks at hindi iyun tinanggal hanggang sa ospital. Peru takte! Iyung nurse na naman ang humarap sa akin. Busy na naman kasi ang magaling na si Rome. Inferness masakit palang makatapak ng thumbtacks. Phew!

Day 5

Nagpakalmot ako sa pusa ni Ethan. Baliw na pusa iyun! Ginawa ba naman akong naruto at pinag-pair ang kalmot sa pisngi ko. Kaso wala na naman si Rome!

Day 6

Pinatulan ko naman ang shaver at parang tangang e-shinave ko ang binti. Peru takte! Dumanak nga ang dugo busy parin si Rome! Wala na bang bang nurse sa emergency room. Bwesit na ako!

Day 7

“Buhay ka pa?”

“Ikaw kaya ang patayin ko.” Asar din ang nurse na ito eh. "Wala na ba silang ibang nurse dito at ikaw lagi ang humaharap sa akin?"

"Try mo kayang pumunta dito kapag gabi. Iba naman ang haharap sayo."

“Aish, busy parin ba si Rome?”

“Ano na namang pambababoy ang ginawa mo sa katawan mo?”

“Magpapa-check up lang ako,” sumilip ako sa likod niya. “Nasaan si Rome?”

“May inaasikasong pasyente.”

“Hihintayin ko nalang siya.”

“Hindi ka pwedeng maghintay sa ER. Kung gusto mong magpa-check up diyan sa mga,” tinignan niya ako mulang ulo hanggang paa.

“O bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong punong-puno ng bandaid at benda?”

“Mukha kang may cancer alam mo ba?”

“Talaga?” Nangislap ang mga mata ko.

“O bakit mukha ka pang masaya?”

“Huwag ka ngang tangaks nurse. Kapag mukha akong may cancer mapapansin ako ni Doc Rome. Sige na at ihatid mo na ako sa kanya. Magpapa-admit nalang ako.”

“Alam mo hindi kita ma gets.”

“Halata nga eh,”

“Alam mo bang pwede kang mamatay diyan sa mga ginagawa mo?”

“Okay lang iyun, kapag na pansin ako ni Rome worth it naman.”

“Iyun ay kung mapansin ka niya bago ka mamatay.”

Napangiwi ako, “Tulungan mo akong magdasal.”

“Ewan ko sayo.” Tinalikuran na niya ako. “Umuwi ka nalang Miss at ipagpahinga mo iyang mga sugat mo at kung ma paano ka pa. Sasabihan ko nalang si Doc na dumalaw ka na walong galos ngayon.”

Tumakbo ako palapit sa kanya at hinirang ang katawan sa harap niya. “Salamat!” Ngumiti ako sa kanya. “Pwede mo bang ibigay sa kanya ito.” Inilahad ko sa kanya ang isang magic wand na may star sa taas. May nakasulat na Sorry sa gitna na iyun.

“Okay,”

“Salamat,” tinalikuran ko na siya.

“Miss sino ka ba talaga?”

Nilingon ko siya, “Ako si Julie, Julie Capulet. Kilala ako ni Rome. OA lang iyun ngayon dahil ‘di ako pinapansin.”

“Capulet ka?”

“Yup at Montague siya, bye!”

Buti nalang ‘di ko dinala ang chinsaw ko ngayon. Mabait pala si nurse. Okay! Never, never give up Julie! Habang may dugo pang dumadaloy sa iyung artery, nerves, puso, at utak may pag-asa pa! Fighting!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro