Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Isang linggo ang nasayang sa bakasyon ko kaya dapat sagarin ang isang linggong natitira. Since hindi ko alam kung saan nakatira si Rome ay makikipag-girl bonding na muna ako kay Joy. Sabi nga nila keep your friend close, but make your enemy closer. Sakto namang tumawag sa akin si Joy at gusto niya daw mamasyal. Busy kasi si Rome sa ospital at wala siyang pwedeng isama sa pamamasyal. Ewan ko nalang saan niya nakuha ang number ko, but one thing is for sure. The card is mine today.

Nagkita kami sa mall.

“Julie!” Niyakap niya agad ako.“I’m so happy you could accompany me today.” Kumalas na din siya ng yakap sa akin.

“Okay lang wala naman akong trabaho.” She locked her arm around mine and we started walking na para bang best friends kami. Honestly, nakaka-guilty siya peru hindi naman plastic ang pakikitungo ko sa kanya.

“So bad kasi maaga kang umuwi noong na sa San Isidro tayo.”

“Something came up kaya umuwi agad ako.”

“Buti nalang ‘di mo naisipang mag-travel dahil kung oo wala akong makakasama ngayon. Kainis naman kasi iyang si Rome laging busy sa Hospital. Bago lang kasing tayo ang Hospital na iyun. They own a lot of Hospitals in Europe and one in the Philippines. Dedicated din siya sa pagiging doctor niya.”

“Yeah, gusto nga niyang maging-doctor kahit noon pa.” Napangiti ako at naalala ko yung minsang binanggit niya sa akin ang mga pangarap niya. Parang kahapon lang iyun. “Masaya ako na natupad na niya iyun.”

Pumasok kami sa isang doughnot shop at naupo sa isang pandalawahang table. Lumapit naman ang isang crew at kinuha ang order namin.

“So Julie, I’ve heard kina Tita na matagal na kayong magkaibigan ni Rome.”

“Magkakilala kami since kindergarten, but we became friends noong senior high school na kami. Ang pangit kasi ng ugali ng isang iyun.” She clasped her hands and smiled.

“Tell me more. Marami kasi akong hindi alam sa buhay niya.”

“Well, matalino siya at gwapo. Lahat ng tao sa school namin ay gusto siya.” Napapangiti ako. “Siya ang Student Council President, disciplinarian sa class, chief leader ng mga organization, top one lagi sa klase, and CADT commandant officer. Lahat na yata ng mga katangiang makikita mo sa isang responsible student ay na sa kanya.”

“But why do you keep on fighting? Sabi kasi nila Tita sa akin ay hindi daw kayo magkasundo.”

“Because I hate him,”

“Perche? I mean why?”

“Kasi na yayabangan ako sa kanya at lagi niya akong iniinis. Lahat ng gawin niya ay umiinit agad ang ulo ko. Siya na yata ang pinakamayabang na lalaki na nakilala ko sa buong buhay ko. Masungit siya, minsan mabait, tapos biglang mang-aasar siya, minsan din pinapahiya niya ako sa buong campus. Tulad nalang noong pinag-sayaw niya ako ng naka bunny costume sa gitna ng school namin. Tapos nang minsang iwan niya ako sa loob ng ng isang haunted booth. Wala siyang puso kapag nang-aasar.” Totoo iyun. Walang halong echus.

“Talaga?”

I nodded, “Nag-aaway kami kasi lagi niya akong tinatawag na Julieta kahit ‘di ko naman name iyun.” Nangislap naman ang mga mata niya kaya natigil ako sa pagsasalita.

“Alam mo ba hindi niya ako tinatawag na Joy. Lagi niya akong tinatawag na Josephine. Hearing you that makes me special as well.” Parang nanuyo ang lalamunan ko kaya inabot ko ang baso ng juice. Iba kasi ang epekto sa akin nang sinabi niya kanina.

Julie! Huwag kang magpa-apekto. Malay mo naman mas gusto ni Rome na tawagin siyang Josephine na walang personal reason at all. Peru ‘di din naman sinabi sa akin ni Rome ang rason kung bakit niya ako tinatawag na Julieta. Sabi lang niya trip.

“Ano pa Julie?”

“Ahm,” ibinaba ko ang baso at ngumiti sa kanya. “Sinasabi niya sa akin na tanga ako dahil laging mababa ang grade ko sa sa exam. Naiinis ako lalo sa kanya dahil masyadong mababa ang tingin niya sa akin. May pinapagawa siya sa akin na hindi ko gusto, but…”

“But?”

“Despite him being that arrogant, airhead man, hid the person that would make you feel special.”

 I remember those moments na lagi niya akong inililigtas. From those Fushigi Yugi Warrior snatchers, Weenies, yung time na gusto kong magtago kay Zell at yung na trap kami sa loob ng audtitorium; that kind, sweet, and protective Rome.

“Lagi niya akong nililigtas kapag napapamahak ako.”

“So sweet,” she smiled. “No wonder nag-collect siya nga mga books mo kasi you’re special to him. Ang liit lang talaga ng mundo.” I smiled back at her. “Mahal na mahal ko iyang si Rome kaya sobrang happy talaga ako nang ligawan niya ako. It was like a start of a fairytale for me. It has been him I am praying in Juliet’s balcony in Verona.”

“You’re lucky to have him,” pilit kong pinasigla ang boses. “Rome is a very nice guy.”

“I know,”

Pagkatapos namin sa Mall ay dinala ko siya sa witchcraft and magic store ni Maria. Malapit lang din iyun sa Mall. Ang design ng store ay isang antique store na may aura at amoy ng mga typical antique and mysterious stores.

Tumunog ang bell na sinadyang ilagay doon nang pumasok kami. Namangha naman si Joy sa lugar. Para talaga iyung lumang laboratory at library sa isang Harry Potter movie. May basement pa nga itong store na may mga lumang witch craft books.

“Mag-iikut lang muna ako Julie,” sabi sa akin ni Joy. Tumango lang ako sa kanya at dumiretso sa counter kung saan naghihintay sa akin si Maria.

As usual naka-itim siyang damit. Salamat nalang at hindi niya pinatulan ang mga eyeliner. May mga bungo na naka-display doon at mga maliit na bote ng potions ewan ko kung totoo. Kinarer kasi ng isang ito ang pangungulam.

“Hi,” bati ko sa kanya.

“I see, nagba-bonding kayo ng karibal mo.”

“Don’t ask,” inabot ko yung bungo. “Totoo ba ito?”

“It’s the skull of a 4 month old baby.”

“Geez Maria,” ibinalik ko na iyung bungo. “Saan mo ba nakukuha ang mga ito?!”

“You’re not even interested to buy bakit ko sasabihin sayo.”

“Bininta mo na ba ang kaluluwa mo sa dilim?”

“It’s not true. Sino may sabi sayo si Kim? Naniniwala ka naman sa utak nun na kasing liit ng palaka.”

“E sa uri ng pamumuhay mo para kang kasapi ng isang demonic community.”

“Negosyo lang ito, but anyway na punta ka dito?”

“Mahilig pala si Joy sa mga ganito, iyung mga wish, kulam, potions, etc. Kaya dinala ko sa store mo at nang yumaman ka pa lalo.”

“She seems nice. Ibang-iba sayo.”

“Salamat ha,” sarcasm na pagkakasabi ko. “True friend ka.”

“Anong plano mo?”

“I’ll try my luck. Sa tingin mo may pag-asa pa ako?”

“Patingin ng palad mo,” hinawakan niya ang right palm ko. “Hmm, it depends. The lines of your palm may either track different paths depending on each decision you’ll take. Kaya dapat pag-isipan mong mabuti ang bawat desisyong gagawin mo.”

“Nakakabasa ka ba talaga ng palad?”

“Gusto mong putulin ko itong kamay mo?!” Binitiwan na niya ang kamay ko nang mapansing papalapit sa amin si Joy.

“Julie tignan mo.”

Ibinigay niya sa akin ang isang bracelet. Hindi iyun cute dahil walang cute na makikita sa isang gothic style store. Itim at puti lang iyun na mga bilog na may bituin at buwan sa gitna na metal with symbols engraved on it na ‘di ko mabasa kung ano.

“Nakita ko ito sa isang section ng shelves na may sign na Fate, Friendship, and Love.”

“Ano naman ito Maria?”

“It’s a betrayal bracelet.”

“Takte! Paanong napunta iyan sa fate, friendship churba?”

“When you love you gain friends and special someone. Fate comes when that bracelet breaks. Mangyayari lang iyun kapag ang binigyan mo ng bracelet ang mismong magbe-betray sayo. It is fate because it is distened to happen.”

“Scary naman,” ni Joy. “Peru nakaka-amaze. Bilhin ko itong tatlo.”

“It’s a Judas bracelet.”

“I’ll take it.”

Pasimpleng sinulyapan ako ni Maria.

“Malalaman mo kung sino ang nanloko sayo kapag hindi nasira ang bracelet nila. Dahil ikaw ang nagbigay ang bracelet mo lang ang masisira at hindi ang sa kanila.”

 Napatingin ako ulit sa tatlong bracelet. Totoo kaya na may kapangyarihang masira iyun kapag ang binigyan ni Joy ng bracelet na iyun ay siyang mismong sisira sa pagkakaibigan nila o pag-iibigan? Hindi ko alam.

Binalingan ako ni Joy. “Walang masama kung susubukan diba?”

I nodded and smiled. Wala nga namang masama.

Hapon na nang magdesisyon si Joy na umuwi. Habang na sa sasakyan pauwi ay inabot niya bigla ang isang kamay ko at isinuot doon ang bracelet na binili niya sa store ni Maria. Ganoon nalang talaga ang panlalaki ng mga mata ko. Hindi sa naniniwala ako sa mga pukulo nung kaibigan ko peru mabuti ng nag-iingat.

“Friendship,” she smiled. “Hindi mapuputol iyan dahil alam kong hindi mo ako lolokohin Julie. Kahit na hindi pa tayo ganoon na magkakilala peru magaan na talaga ang loob ko sayo kaya sana tanggapin mo ang token of friendship ko.”

“T-Thanks,”

“Ibibigay ko ang isa kay Rome mamaya. He’ll treat me to dinner later.”

Ibibigay niya kay Rome ang isa? It would mean, love … fate comes with betrayal. Syetes! Paano na ang plano kong eterminate sa buhay ni Rome si Joy? Tinignan ko ang bracelet sa kamay ko? Paliguan ko kaya ito ng holy water mamaya at baka mawala ang bisa. Aissh, huwag ka na ngang magpapaniwala sa bruhang Maria na iyun Julie.

I’m sure this bracelet doesn’t have any power at all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro