Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

"Eeeey!" Tili ko sa loob ng banyo.

Akala mo kong sinong gwapo? Kapal talaga buti di pa siya nilipad ng hangin niya sa utak. Since kinder isinumpa ko na sa bato na hinding-hindi na talaga kami magkakasundo ni Rome. Ewan ko ba kung bakit lagi nalang niya akong inaasar.

Siguro dahil sa unique na apelyido namin. Kung bakit kasi naging Capulet pa ako at naging Montague sila Rome. Ang alam ko ay pure pinoy naman ang pamilya namin. May konti lang sigurong mix peru papasang pinoy talaga ang features namin. Sabi sa akin ni Papa ay nakapag-asawa daw ang lola sa lola sa lola ko na ewan kong anong henerasyon iyun ng isang Italiano na lalaki tapos simula noon ay lumaganap na ang Capulet sa Pilipinas.

Ito namang si Rome ay na sa mukha talaga ang pagiging half breed (mukhang siyang hayop) dahil ang papa niya ay isang pure Italian na nakapag-asawa ng Pinay at dito na naisipang mamuhay. Kaya hindi kataka-taka ang asul na asul na mata nito. He is a walking prince in our village at sa school namin. Aaminin ko, gwapo naman talaga siya lalo na kapag naka-salaminsiya. Matalino pa at halos laging na sa high rank position sa school organization, student council, CAT, at kahit na sa classroom.

He is a living genius and a heartthrob. Kaya hindi na bago sa lahat kung maraming nakakakilala sa kanya. Halos lahat mahal siya maliban sa akin. Eh ako lang yata ang hindi nakakakita sa magandang katangian niya. Eh, wala naman talaga akong makitang maganda sa lalaking iyun. At ngayong fourth year high school na kami ay hiling ko nalang talaga na hindi na kami pareho ng papasukang University. I sighed.

Umahon na ako at tinakip ang tuwalya sa katawan ko at lumabas sa banyo."Hoy anong ginagawa mo dito?!" Nagulat ako nang paglabas ko ng banyo ay nasa loob ng kwarto ko si Rome - na walang damit pang-itaas. Na itakip ko tuloy ang mga kamay sa mata ko.Paano siya nakapasok sa kwarto? Aish, tangeks, hindi pala ako nagla-lock ng pinto.

"May kailangan lang ako,"

"Alam mo bang trespassing iyang ginagawa mo at nakahubad ka pa?" Ay ewan wala naman akong magagawa kong nakahubad siya. Inalis ko nalang iyung kamay ko sa mga mata ko

"Alam ko po, at saka masyadong mainit kaya hinubad ko muna." Natuon naman ang atensyon niya sa akin at ang loko pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "E bakit naka-tuwalya ka lang?"

"Baka alam mong naligo ako? Ano bang kailangan mo para makaalis ka na sa harap ko. Dali sabihin mo na."

"Nailcutter,"

"Huh? Nailcutter lang at dito mo pa naisipang maghanap?"

"Ang kalat ng kwarto ni Tobby hindi ko mahanap ang nailcutter. Sige na, meron ka ba?" Napansin na naman siguro niya ang kalat sa itaas ng kama ko. "Bakit ba ang kalat-kalat ninyong dalawa ni Kuya Tobby?"

"It runs in the blood," binuksan ko ang drawer ng bedside table ko at kinuha doon ang nailcutter na gusto niyang hiramin. "Ito na oh,"

"Akin na,"

"Lumapit ka kaya, ano?"

Asar din ang isang ito eh. Siya na nga ang may lakas na loob na pumasok sa kwarto ko siya pa itong mang-uutos na lapitan ko siya. Wala naman na siyang nagawa kaya lumapit na rin siya sa akin nang bigla ba naman siyang matumba nang malapit na siya sa akin kaya na daganan niya tuloy ako at nag-landing kaming dalawa sa kama ko. Napangiwi tuloy ako.

"Ano ba naman iyan Rome!"

"Sorry, hindi ko naman sinasadya."

"Umalis ka na nga diyan sa itaa-"

"Julie nandito na kami and guess wha- ahhh!" Hindi pa nga nakakatayo si Rome ay nakapasok na si Kuya Tobby sa kwarto at nakita kami sa medyong SPG na position. Patay, gulo naman ito. Lumabas ulit si Kuya Tobby. "Marco palayasin mo ang bisita ni Julie!" Itinulak ko na si Rome palayo sa akin.

Bumalik naman ulit sa kwarto si Kuya Tobby at mukhang highblood na dahil pulang-pula na ang mga pisngi niya."What the hell is happening here?!" Galit na tanong niya sa amin.

"Uy anong nangyaya-wew!" Sumilip naman si Kuya Marco. "Julie did you just take a bath?"

"Marco?!" Saway ni Kuya Tobby kay Kuya Marco. "Of course she did not. They were doing something else; something inappropriate."

"Kuya Tobby mali naman po ang iniisip ninyo eh!"

"Kitang kita ng mga mata ko at iyang mantsa na pula sa higaan mo ay isang patunay!" Itinuro niya ang kulay pula na mantsa sa kama ko.

"Eh Kuya Tobby naman, hindi naman iyan dugo eh. Ketsup iyan nang masagi ko yung ketsup bottle noong kumain ako kanina. Aksidente lang po talaga iyung nakita mong eksena namin ni Rome kanina."

"Wala akong nakikitang ketsup sa kwarto mo."

"E kasi nga ibinaba ko na." Teka nga muna at bakit ako lang ang nag-e-explain kay Kuya Tobby? Na saan na ang magaling na si Rome? "Rome ikaw naman ang mag-explain."

He raised his hand, "I swear, it was all an accident."

"You couldn't fool me. Hala, magbihis na kayong dalawa at may pag-uusapan tayong apat." Iyun lang at nauna na siyang bumaba kay Kuya Marco.

"Hey, kayong dalawa sure ba kayong si Julie lang ang naligo o naki-join ka pa Rome?"

Napa-huh lang tuloy kami ni Rome. Ano ba itong si Kuya Marco masyadong lutang ang utak. Since wala naman kaming isinagot sa kanya ay bumaba na rin din siya. Ngayon hinirap ko siya at binato na kung ano mang nahablot ko kung saan. Napa-aww tuloy siya.

"What the hell?!"

"Ikaw kasi eh! Kung hindi ka sana lumapit hindi ka sana matutumba."

"Anong ako? Sisihin mo iyang balat ng saging na nakakalat sa sahig mo at kung 'di mo ako pinilit na kunin mismo sayo ang nailcutter hindi ko sana matatapakan iyun at madaganan ka."

"Anong gagawin ko? Natin?"

"Burara ka kasi."

"Manisi ba?"

"Ikaw, kung hindi kalang burara 'di sana hindi ako matutumba."

"Paano nalang pag sabihin nila kina Mama at Papa?" Nanlulumong napaupo ako sa kama ko. "Tiyak na patay ako."

"Patay ka talaga. Patay tayong dalawa."

"Ano ng mangyayari sa ating dalawa?"

"Iyan ay hindi ko alam,"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro