Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

“Julie!” Hinarang ni Kuya Tobby ang sarili niya sa harap ko. Kumunot naman tuloy ang noo ko sa kanya. “Ano iyang binili mo?!”

Itinaas ko yung supot. “Gusto mong e-enumerate ko pa?”

“Kung hindi ba abala sayo.”

“Hmp, muriatic acid, insecticide, rat poison, pisi, blade, at saka zonrox. Okay na?” Akmang lalagpasan ko na siya nang hawakan niya ako sa magkabilang braso. Ano bang nangyayari sa isang ito at mukhang paranoid.

“Julie alam kong nasasaktan ka ngayon peru hindi mo naman kailangang magpakamatay.” Sinubukan niyang kunin ang mga dala ko peru ‘di ko siya hinayaan. Baliw din ito eh! Kailangan ko kaya ito ngayon. “Akin na iyan!”

“Ano bang problema mo? Kailangan ko ito.”

“Hindi mo kailangan ang mga iyan!”

“Bakit mas marunong ka pa sa akin?!” Inapakan ko iyung paa niya kaya napadaing siya. Inis din ito eh. Kumaripas na ako ng akyat sa taas.

“Julie!” Humarang na naman siya sa harap ng pintuan ko. “Akin… akin na iyan.” Mahinahon peru hinihingal na sabi niya.

“Ano bang problem mo Kuya Tobby? Kailangan ko nga ito ngayon.”

“Aanhin mo ba ang muriatic acid?”

“Maglilinis ako ng banyo.”

“Eh ang insecticide at pampatay ng daga?”

“Ang insecticide dito yan dahil malamok at yung para sa daga sa apartment ko iyun dahil may nakiki-share sa akin na hindi umuupa. Yung pisi naman ay may itatali ako tapos yung zonrox gagamitin kong pangputi sa plastic na table ko sa apartment dahil uuwi na ako bukas.”

Hindi ko na itutuloy ang pagbabakasyon ko dito dahil ikakamatay iyun ng puso ko. Napakamot naman ito sa batok. “Ahh,”

“Huwag ka ngang praning Kuya Tobby. Kung akala mo ay magpapakamatay ako dahil lang – wait! Bakit ‘di ko iyun naisip?” Ngumisi ako kay Kuya Tobby at tinuhod iyung tiyan niya. Madali kong nabuksan ang pinto. “Galing mo! Gagaya nalang ako kay Romeo para deads na ako bukas.” Isinara ko na yung pinto.

Kinalampag ni Kuya Tobby ang pintuan peru ‘di ko na siya pinagbuksan pa. Hindi din naman ako magpapakamatay para lang kay Rome. Sayang ang Hamburger Saga ko kung deado na ako. I sighed. Lumapit ako sa bintana.

Nakita ko sa labas sila Rome at Joy na mukhang masayang-masaya. Parang ang sama ko naman kong sisirain ko silang dalawa. Umupo nalang ako sa kama. Bumukas bigla ang pintuan at pumasok si Mama. Ginamit niya siguro ang spare key. Tumabi siya sa akin.

“Julie,” malungkot na tumingin ako sa kanya.

“Ma, alam ko na.” I sighed. “Huwag na kayong mag-alala sa akin. Ako na ang mismong lalayo sa kanya.”

“Alam kong mali kung sasabihin ko sayo na layuan mo na si Rome, but things have change. Josephine is a nice woman. At nakikita ko ang fondness ni Rome sa kanya. Maybe… he really loves her. Gustuhin man namin ni Cathy na kayo ang magkatuluyan peru hindi na pwede. I hope you understand the situation now.”

Tumango lang ako.

“Babalik nalang po ako bukas sa Manila.”

“You can stay here.”

“Huwag na po,” niyakap niya ako. “Baka ‘di ko na po kayanin.”

“I’m sorry,”

****

“Julie naman!” Itinakip ko ang dalawang palad sa tainga ko. “Hamburger story na naman?!”

“Ano ba! Drama mo naman. Last na iyan.”

“Hamburger Say’s Goodbye? Sure ka?”

“Oo nga, kaya nga goodbye diba? Last na iyan bago ko e-resume ang bakasyon ko.”

“Ito lang ang ibinalik mo dito?”

“Tangeks ka ba? Para namang ‘di tayo naging magkaibigan noong high school. At saka may reader ako na nagbabasa niyan. Hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko kaya idadaan ko nalang diyan.”

“Magpapaalam ka na kay Rome?”

Nagulat naman ako sa sinabi niya. “Bakit mo alam?”

“Mukha lang akong walang utak peru alam kong si Rome itong tinutukoy mong Hotdog at ikaw itong si Hamburger, and besides kalat na sa page ng batch natin na bumalik na siya. At kahit ‘di ko pa malaman iyun ay alam kong si Hotdog may mahal ng iba kasi pers time kong narinig itong si Sunny Side Up sa kwento mo. Naloloka ako sayo Julie.”

“Aish, past is past na at ako magmo-move on, be happy.”

“Maniwala ako sayo. Bakit mo ba kasi hinahayaang makuha ni Sosyaleng Itlog si Hotdog? Bakit ‘di ka kaya gumawa ng paraan para mapaghiwalay sila? Sa mundong ito wala ng typical kawawang bida… kung gusto mong lumigaya magpa-kontribida ka.”

“Bakit ngayon ko lang na pansin na masama kang impluwensiya sa akin Kim?”

“Baliw!” Tumawa lang siya. “Huwag mo na nga lang seryosohin ang mga sinabi ko sayo. Kung noon sinasabi ko sayo na huwag mong susukuan si Rome ngayon ay sasabihin ko sayong huwag mo pa rin susukuan iyun. Ang tagal ka niyang minahal noon, siguro naman may natitira pang pagmamahal diyan sa puso niya para sayo.”

“Eh wala ka namang sinasabi sa akin na huwag kong sukuan si Rome dahil ikaw lang naman ang patay na patay sa kanya.”

“May problema ka sa trip ko?”

“Ewan ko sayo!”

“Bahala ka, gawin mong boring ang buhay mo. Tignan natin kung hindi ka tumandang mag-isa habang nagpapakasaya ang karibal mo.”

“Feeling ko talaga ‘di tama eh.”

“Just take a risk Julie. Kapag sinabi niya sayong tumigil ka na-“

“Sinabi niyang kalimutan ko na siya.”

“Sinabi niyang mahal ka niya noon diba?”

“Paano mo nalaman?”

“Isinusulat mo kaya iyun sa mga kwento mo.”

“Oo nga noh, true to life nga pala ang mga gawa ko.”

“Ganito, kapag sinabi niya ng sampung beses na hindi ka na niya mahal at lubayan mo na siya, then stop. Give yourself ten chances… malay mo naman sinasabi niya lang na ‘di ka na niya mahal peru nagsisinungaling lang siya.”

“I’m not sure if I can do it?”

“Ewan ko sayo! Pinagsayang mo lang ako ng laway, bruha ka.”

“Puntahan ko nalang kaya si Maria? Sikat na yung witchcraft store niya ngayon.”

“Sige ipakain mo yang kaluluwa sa dilim.”

Umalis na rin ako sa opisina namin at baka ipasok na ako ni Kim sa computer niya. Mukhang inis na inis na iyun sa akin at gusto na akong ipalapa sa mga aswang. I suddenly remember what she had said to me kanina. Kaya ko kayang gumawa ng bagay na maaring ikasakit ng ibang tao? Si Rome nga ay nakayang tiisin ang sama ng ugali ko ng ilang years ako pa kaya?

But the situation is different now… ‘casuse we’re both matured and Rome has a girlfriend na sobrang bait kahit medyo weird. Everyone likes her, at kapag sinaktan ko siya lahat ng tao sisihin ako. Arggh! Peru sabi nga nila kailangan mong mag-risk kaysa wala kang gawin. Kahit explanation lang naman siguro mula kay Rome ay baka malinawan pa ang utak ko.

“Peru saan ko naman hahan-“

Honk! Honk! Honk! Biglang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Syetes! Hindi pa nga ako nakakagawa ng masama kukunin na ako ni Lord. Nak nang! Napapikit nalang ako at hinintay na sagasaan ako ng sasakyan peru thank God muntik na. Pagdilat ng mga mata ko bumigay yata ang mga tuhod ko kaya ako natumba.

Ngayon alam ko na ang dahilan kaya napapatigil ang mga bida sa daan kapag masasagasaan na sila. Nakakawala pala talaga siya ng lakas at nakakablablangko ang utak.

“Julie!” Biglang may umalalay sa akin. Masyado pang lutang ang utak ko at nanlalabo ang mata ko. Takte! Muntik na akong ma deads doon ah. “Julie, okay ka lang?”

“Huh?” Pangtingin ko sa kanya ay pamilyar sa akin ang mukha niya. “Pamilyar ka sa akin.”

“It’s me Ethan, Ethan Yu.” Bigla niya akong binuhat at dinala sa sasakyan niya. “Come on I’m going to take you to the hospital.” Tama si Ethan.

“Huwag na… okay lang ako.”

“No you’re not okay.” Pinaandar niya na ulit ang sasakyan. “Rome’s going to kill me.”

“He wont,” Hindi yata ako mamamatay sa daan kung hindi sa sakit ng nararamdaman ko sa tuwing nababanggit ang pangalan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro