Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

Dahil nga sa may pa-surprise pa akong nalalaman kaya heto ako ngayon hirap na hirap sa mga bagahe ko simula doon sa bus stop ng San Isidro. Sa dami pa naman ng mga dinala kong gamit for two weeks na vacation ay mukha akong pinalayas sa apartment. Haggardness na ang peg ko at sobrang messed up na ng buhok ko. At sa sobrang pakikay ko ngayon ay naisipan ko pang mag-summer dress with matching summer hat na mas malaki pa sa ulo ko. Takte! Bakasyonestang over dress ang peg.

Hinihingal na napahinto ako nang nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin. Fences lang iyun kaya – wait! Bakit may nakikita akong mga anino ng tao sa bintana. May party ba? Mukhang may bisita sila Mama at Papa ah. Hirap na hirap na hinila ko na yung mga gamit at maleta ko at nang nasa harap na ako ng pintuan ay ibinaba ko yung mga gamit ko.

Syempre dapat nakaayos ang aking buhok, damit, at itong summer hat ko. Feel na feel kong beach ang nasa loob ng bahay namin. I took a deep breathes, “Okay, here I go.” Pinihit ko na pabukas ang doorknob with wicked smile pa iyun. Hayan na… okay. Ito na talaga.

“WELCOME HOME TO ME!” Sigaw ko.

“Julie?”

Na-estatwa naman ako sa kinatatayuan ko nang mapansin kong si… si Rome… si Rome nga iyun! Biglang gusto kong umiyak sa harap niya at suntukin siya sa inis. Peru mamaya na iyun dahil tinalon ko na ang pagitan naming dalawa at niyakap siya.

“Rome!”

“Julie…” bigla namang may kung anong tumusok sa puso ko nang tawagin niya akong Julie. Kumalas ako ng yakap sa kanya.

“Rome?” Siya naman itong lumayo sa akin.

“Julie!” May lumapit naman na cute na babae sa kanya. Wait! Kilala ko siya. Siya yung babaeng nakilala ko sa fastfood.

“Oh my!” Napasinghap si Joy. “Magkakilala pala kayo ni Rome?” Bigla-bigla ay nawalan ako ng lakas. Kung ganoon siya ang boyfriend ni Joy? Okay, ‘di ko ito kaya.

“Yeah, she’s my childhood friend.”

Pilit akong ngumiti sa kanila kahit na gusto ko ng kalbuhin ang puso kong panot dahil sa sakit at selos. Kaya pala hindi ako pinapauwi nila Mama dahil dito.

“Yeah, cool!” Sabi ko nalang kahit halata namang pekeness iyun. “Ahm, so…” napatingin ako sa kanila. Nandoon ang mga magulang ko, mga magulang ni Rome, yung kapatid niya, tapos si Kuya Tobby at Marco. They all look so happy. “Hi, long time no see. Julie here, ahm, aakyat na muna ako sa kwarto ko.”

Pagkatapos nun ay sinimulan ko ng kunin ang mga gamit ko nang lumapit si Kuya Tobby at siya na mismo ang tumulong sa akin na iakyat ang mga gamit ko. Pagdating naman sa kwarto ko ay hindi ko na napigilan ang maiyak kaya niyakap ako ni Kuya Tobby.

“Shshs, Julie.” I sobbed on his chest. “Tahan na, it will be okay.”

“Ang…sakit… ang sakit pala.” Iyak lang ako ng iyak. Parang hindi na nga yata mauubos ang mga luha ko. Sobrang naninikip ang dibdib ko. “Bakit? B-Bakit kuya Tobby? S-Sana sinabi nalang niya sa akin… sa akin na may girlfriend na siya… hindi iyung iniiwasan niya ako. Umasa tuloy ako… “

“I’m sorry, I should have told you.”

“Sampung taon… sampung taon akong naghintay…”

Sabi ko na ba talaga hindi ko kakayanin eh. Ngayon… ako yata ang nagulat imbes na sila.

****

“Balita ko may girlfriend na pala ang Romeo mo?” I glared at Zell.

Pinuntahan ko siya sa bahay niya. Sakto namang bumalik na itong si Zell mula Mexico at wala ding balak sabihin sa  akin iyun ng loko. Buti nalang sinabi sa akin ni Kuya Tobby. Mga tao nga naman wala ng pakialam sa akin.

“Huwag mo na nga akong asarin.”

“Hulaan ko, umiyak ka noh?”

“Magiging duyan ba ang eyebags ko kung hindi? Syempre nasaktan ako.” Sarap sipain ng isang ito eh. “Hindi mo naman ako masisi… dahil umasa ako na babalikan niya ako.”

“Julie, wala siyang sinabi na babalikan ka niya. Umalis siya.”

“Peru sabi niya mahal niya ako.”

“Ten years had passed. Siguro naman sa sampung taon na iyun ay natutunan ka na niyang kalimutan. Hindi gaya noon na hindi mo nga siya pinapansin peru lagi naman kayong nagkikita. It was different, kasi malayo kayo sa isa’t isa. There’s no even communication between the two of you.”

“Lahat kayo sinasabing kalimutan ko na si Rome.”

“Para hindi ka na masaktan pa. I know how you love him, peru iba na ang lahat. He couldn’t be the Rome that you’ve known before, and that’s what Tobby and Marco wanted to tell you, peru alam nilang ‘di ka naman makikinag kaya ako nalang ang magsasabi sayo.”

Tinignan ko siya, “Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon Zell?”

“I know, I’ve been there.”

“Then try to understand me.”

I’ve been through hell sa tuwing nakikita ko sila sa bahay. Siguro nga, ito yung kabayaran ng pagiging manhid ko sa nararamdaman ni Rome sa akin noon. Peru bakit feeling ko mas masakit naman yata masyado ang ganti ng tadhana sa akin?

“Why don’t you try to talk to him?”

“Naiinis ako sa mga hi at hello niya sa akin. Kaya sa inis ko ay lumalayas ako sa amin at nakikipagkaibigan nalang sa mga madre sa kumbento doon sa simbahan. Baka kapag tumagal pumasok nalang ako sa kumbento at mag-madre nalang.”

“Baka nakakalimutan mong available pa ako Julie,” nakangising pahayag ni Zell sa akin.

“Ipasipa kaya kita sa isa sa mga baka mo dito?!”

He laughed, “Joke! Ito naman hindi na mabiro.” Ngumiti na rin ako sa kanya.

Masaya talagang naibalik na namin ang dating pagkakaibigan namin ni Zell. Habang chill-chill lang ako sa buhay ay payaman naman ng payaman naman ang loko.

“It feels like… my heart is torn apart.”

“I know. It’s hell.”

Gabi na nang maisipan kong lumabas ng bahay at maglakad-lakad muna. Hindi ko din naman feel ang atmosphere sa loob ng bahay. Para kasing ang saya-saya ng lahat maliban sa akin. Ito na yata ang sakit-to-the-bones kong bakasyon ever. Ito yung time na nakakabasa ka ng mga nota na puro emo ang tuno.

Tumingala ako sa langit at itinaas iyung isa kong kamay at nag-close-open. Same noong ginawa namin ni Rome minsan nang lumabas kami. Kung wala kang maka-usap, kausapin mo ang bituin. Huwag mo nalang isipin na para kang praning.

“Julie?” Bigla namang tumibok ng malakas ang puso ko. Naka-register na yata ang boses niya sa puso ko. Nilingon ko siya. “Anong ginagawa mo sa labas?”

Bakit ba lalo siyang naging gwapo sa paningin ko? Ibang-iba noong mga bata pa kami. He looks dignified and man enough. Lahat yata ng mga babaeng madadaanan niya ay magbibigti kong hindi mahawakan ang lalaking ito. Isa na yata ako doon. His blue eyes became darker… parang yung si Zac Efron nag-mature from the young Troy Bolton. Peru ‘di naman sila magkahawig ni Rome.

“Ahm, nagpapahangin lang. Ikaw?” Napansin kong may dala siyang supot.

“May binili lang ako.”

“Ahh,”

Mukha lang kaming tanga sa daan, may distance sa pagitan, yung mga ganoong eksena. Para kasing ang awkward na yakapin ko siya ulit at ibalik namin yung dating sila Rome vs Julie.

“Julie,”

“Hmm?”

“Pwede bang maki-usap sayo,”

“Ano iyun?”

“Please forget me…”

May kung anong tumusok sa puso ko nang sabihin niya iyun sa akin. Tinignan ko siya sa mata. Bakit mo ba pinapatay ang puso ko Rome? Naikuyom ko ang dalawang kamay. Kung ‘di na talaga ako demonyita sinipa ko na talaga ang lalaking ito sa sakit ng puso ko eh!

Ngumiti ako ng mapait.

“Pansin ko ngang masaya na kayo ni Joy.”

“I love her,” Syet kang puso ko! Huwag ka munang mamatay diyan. Ang sakit! Hindi nalang ako nag-salita at nanatili nalang akong tahimik. He walks closer to me and stop beside me. “Sabay na tayong bumalik sa bahay?”

I smiled at him. “Hindi na, dito na muna ako.”

“You sure? Masyado ng gabi –“

“I will be alright,” I guess?

“Okay, mauna na ako.”

Pagkaalis niya ay hindi ko na naman mapigilan ang maiyak. Syetes! Ilang araw na ba akong umiiyak? Bakit hindi ka parin ubos? Paglingon ko sa kanya malayo na siya. Malayong-malayo na sa akin. I love her…

“Buti sana kong ‘di mo sinabing mahal mo ako noon. Hindi sana ako aasa ng ganito sayo.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro