Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Sumilip ako mula sa bintana. Nandoon silang lahat sa ibaba dahil mauunang uuwi si Rome sa amin. Sinabi niya lang na may kailangan siyang asikasuhin sa school ng maaga kaya mauuna na siya. Maliban sa aming tatlo ay wala ng nakakaalam sa kung ano ang nangyari.

Galit pa rin ako sa ginawa niya. Mas masakit pa iyung nalaman kong ginawa niya kaysa noong sinabi ni Zell na hindi niya ako gusto. Siguro, dahil mas matindi ang pagmamahal ko sa kanya kaysa kay Zell. Siguro matagal ko na siyang gusto peru natatabunan ng pagkainis ko sa kanya.

Tumalikod na ako at isinandal ang likod sa bintana. Hindi ko na namang mapigilang maiyak. Bakit ba nagkaganito ang lahat? Kung kailan okay na kami... kung kailan...

"Rome bakit?" I sobbed.

Ilang araw din akong nag-isip... peru wala parin talaga akong mahanap na sagot. Lalo lang tuloy akong nalulungkot sa tuwing naalala ko si Rome. Kahit na masama ang loob ko sa kanya ay may bahagi pa rin ng puso ko ang nalulungkot at na mi-miss siya.

"Hi Julie," tumabi sa akin si Zell sa tatlong baitang na hagdan namin sa labas ng bahay. "Kumusta?"

"Ito, malungkot." Pilit lang akong ngumiti kay Zell. "Ikaw?"

"Ang totoo niyan ay may sasabihin ako sayo Julie."

"Ano naman iyun?"

"Nagsinungaling ako," napatingin ako sayo. "Patawad, peru hindi talaga totoo ang sinabi ko sayong naipagpalit ang notebook na ibinigay mo sa akin." Nanlaki ang mga mata ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Rome found out that Zell lied to you Julie," bigla namang lumabas si Kuya Tobby sa bahay kasama si Kuya Marco. "Nalaman niyang nagsinungaling si Zell sayo nang sabihin niyang may pumalit sa notebook na ibinigay mo."

Na patayo ako, "Ano ba talaga? Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari!"

"Tama sila Julie," ni Zell. "Hindi totoong naiwala ko iyun dahil sinadya talaga kitang saktan noon. I know, I'm a jerk. Kinaibigan lang kita noon dahil galit ako sa mga mayayaman. Naisip ko noon na kapag napa-ibig kita ay makakaganti na ako sa kanila sa pamamagitan ng pagpapahiya sayo."

"Zell?"

"I'm sorry, kaya nga pinagsisihin ko na ang lahat ng iyun dahil kinain ko lang lahat ng ipinangako ko sa sarili ko, instead of being happy na napahiya ka sa lahat ay lalo lang sumama ang loob ko. I've realized... na mahal na kita."

"Pinaglalaruan ninyo lang ba ako? Dahil kung oo hindi na ako natutuwa!"

"Julie listen," napatingin ako kay Kuya Tobby. "Kahit na gustong-gusto ko ng suntukin itong lalaking ito hindi ko iyun pwedeng gawin dahil kinausap siya ni Rome."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Rome has to leave," napatingin ako kay Kuya Marco. "He has to go back to Italy."

"Kaya kinausap niya si Zell at sinuntok para sabihing aakuin niya ang pagsisinungaling ginawa sayo ni Zell. Ginawa niya iyun para magalit ka sa kanya at hindi siya mahirapang magpaalam sayo."

"B-Bakit siya aalis?"

"Bakit siya aalis?!" Napatingin kaming lahat kay Tita Cathy. "Sagutin ninyo ako!"

"Tita Cathy?"

"Marco! Bakit aalis si Rome?!"

"Tinutupad lang niya ang ipinangako niya kay Lola."

"Ipinangako?"

"Nangako siyang babalik sa Italy... huwag lang kayong mawala sa buhay nila."

"H-Hindi pwede," niyakap ko si Tita nang umiyak siya. "Hindi pwedeng umalis ang anak ko... Julie hindi pwedeng umalis si Rome." Habang umiiyak si Tita hindi ko naman napigilang maiyak. Bakit itinago sa akin yun ni Rome?

I promised something to her...

Naisip ko na paano kung kailangan kong pumiling umalis o hindi.

Paano kong mas piliin kong umalis?

Baliw ka talaga Rome!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro